Docstoc

Alamat: Ang Alamat ng Bundok Kanlaon

Document Sample
Alamat: Ang Alamat ng Bundok Kanlaon Powered By Docstoc
					Alamat: Ang Alamat ng Bundok Kanlaon
by Hariel Daquis on Saturday, August 13, 2011 at 4:08pm


                                      Sa bahaging Bisaya ay may isang bundok na humahati sa
                                      Silangan at Kanluran. Ito ang bundok ng Kanlaon.


                                      Noong unang panahon, may isang malaking ahas na malupit
                                      na namiminsala sa mga tao. Ang ahas na may pitong ulo.
                                      Ang kulay ng mata ay luntian at ang ihinihinga ay kakatwa,
                                      na kung araw ay usok at kung gabi ay apoy. Walang
                                      patawad na parang walang makatatalo sa ulupong na ito na
                                      nakatira sa bundok. Marami na syang napatay dahil sa
                                      pagbubuga ng apoy kapag nagagalit.


Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May manggagamot na nagmungkahing mag-alay sila
sa ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa pamiminsala.


Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga kababaihan na
baka sila ang ialay ay pinintahan nila ang kanilang mga muka upang pumangit.


Makalipas ang isang buwan, bigong bumalik ang pari. "Wala na pong natitirang magandang dalaga.
Nasunog po ang kanilang mukha nang abutin sila nang ibinugang apoy ng ulupong."


Nalungkot ang hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari.


Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito.


Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng binata
ang hari ng kanyang tulong na sy ang pupuksa sa ulupong. Ang pangalan niya ay Khan -Laon. Siya’y
makisig at mahiwaga.


"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati
ng aking yaman at ipapakasal ko rin sa’yo ang kaisa-isa kong anak na si Prinsesa Talisay” may
paghangang wika ng hari.


Naglakbay si Laon papuntang bundok. Sa paglalakbay niya patungong bundok ay nakasalubong niya
ang isang langgam. Dahil may kapangyarihan siya sa mga hayop tinawag niya ang mga langgam at
nag-utos.
"Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi mo kay Haring Langgam may utos ang panginoon ninyong si
Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok. Papatayin natin ang namiminsalang
salot na ulupong. Ito ay pata na rin sa ating kapayapaan. Magsigapang kayo sa buong katawan niya
at inyong kagatin."
Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog "Pupugin ninyo ang kanyang mga mata hanggang
sa mabulag."at kay Haring Lawin na handang tumulong "Inyong kamutin at tukain ang kanyang ulo
at katawan hanggang sa mamatay." Lahat sila ay nagtungo sa bundok.


Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa dami ng
umatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang ulupong. Tinusok naman ng mga bubuyog ang mga
mata ng salot. Hindi nila pansin ang ibinubugang apoy ng ulupong. Patuloy sila sa laban nila.


Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya
ng tulong sa kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na sundan si Khan-Laon
upang pigilan ito sa iba pang binabalak. Ipinagsisigawan naman ng mga tao na si Prinsesa Talisay
ang iaalay sa ulupong kapag nabigo si Khan-Laon sa labanan.
Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na dinudukot ng
lawin ang mga mata ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-Laon ang mga ulo ng ulupong.


Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina Khan-Laon at ang kanyang mga kaibigan.
Tuwang-tuwa rin si Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Khan-Laon.


"Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala ang aking mga kaibigan, Mahal na Hari.
Kaya ang hiling ko lamang ay huwag silang patayin sapagkat tulad din natin sila na nilikha ng
Diyos," pakiusap ni Khan-Laon.
Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinikasal din niya ang anak na prinsesa kay
Laon. Mula noon ay masayang nagsama ang mag-asawa. Tinawag nilang Kanlaon ang bundok
bilang pagkilala sa kabayanihan ni Laon.

				
DOCUMENT INFO
Shared By:
Categories:
Stats:
views:301
posted:8/13/2011
language:Tagalog
pages:2
Description: Mga Alamat: Ang Alamat ng Bundok Kanlaon