Pabula - Ang Kuneho at ang Pagong

Document Sample
Pabula - Ang Kuneho at ang Pagong Powered By Docstoc
					Ang Kuneho at ang Pagong




                                      Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong
                                      niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong
                                      kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.


                                      "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal
                                      maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng
                                      malulutong na tawa.


                                      Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho.
                                      Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya
                                      ang Kuneho.


                                      "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay
                                      ang katawan ko, hindi mo ako matatalo."
                                   Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata
Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho.
"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni
Pagong ang abot-tanaw na bundok.
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag
pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si
Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.
Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng
paligsahan.
"Handa na ba kayo".


Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".


"Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing.


Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na
nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng
bundok.


Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong.


Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga
nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad,
walang lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran.
Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala
niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng
makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.


Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya
ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na
naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang
hangganan ng kanilang karera.


Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din
makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang
ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.
Naunahan na pala siya.


Minsan sa aking pagmomotor naisip ko lagi na lang akong nagmamadali. Lagi na lang gusto ko
mabilis akong makarating sa aming opisina. Madami pala akong nakakaligtaaan. Katulad ng isang
kuneho minsan nakakatulog din ako sa daan. Pagtulog na hindi literal kundi panlarawan.


Kung ihahalintulad ko ang sarili ko noon at ngayun maari kong sabihin isa akong kuneho na palagi
na lang talon ng talon at pagnapagod na ay matutulog. Marahil mas mabuti pang maging isang
mabagal na pagong. Isang pagong na matyaga nasa bawat paglakad ay nararamdaman ang saya
ng paglalakbay. Magiting na pagong na alam nya sa sariling wala syang magagawa kung tatayo
lamang sya at panonooring libak libakin lamang ng kanyang mga Kuneho sa buhay.
Facebook © 2011 English (US)   About   Advertising Create

				
DOCUMENT INFO
Shared By:
Categories:
Stats:
views:5862
posted:8/13/2011
language:Tagalog
pages:3
Description: Pabula - Ang Kuneho at ang Pagong