Docstoc

Heograpiya - HEKASI

Document Sample
Heograpiya - HEKASI Powered By Docstoc
					                  Heograpiya
         Kinalalagyan at Laki ng Pilipinas




                       Panimula
       Ang bansang Pilipinas ay mula sa Felipinas, na unang
ipinangalan ni Ruy Lopez de Villalobos sa bansa sa karanganlan ni
Prinsipe Felipe na naging Haring Felipe II ng Espanya. Sa
pamamagitan ng Presidential Decree 940 na ipinlabas noong ika-24
ng Hunyo, 1976, ang Maynila ang kabisera ng bansa. Ang Pilipinas
ay tila tatsulok ang hugis na matatagpuan sa pagitan ng Taiwan (sa
Hilaga) at Borneo (sa Timog). Napapalibutan ito ng malalaking
bahagi ng katubigan: ang Dagat-Celebes sa Timog, at Dagat Tsina
sa Kanluran. May 300,000 kilometro kuwadrado ang laki nito na
halos kasinlaki ng Italya at dalawang beses ang kalakihan sa
Gresya. May 7,100 pulo ang bansa ngunit 2,773 lamang ang may
pangalan. Ang malalaking pulo ay ang Luson, Mindanao at Samar,
Leyte, Negros, Palawan, Panay, Mindoro, Cebu at Bohol.

      Ang pangkat ng ng mga pulo ay ang Luzon, Visayas at
Mindanao. May kainitan ang klima ng bansa. gayunman, sa
matataas na pook gaya ng Baguio at Tagaytay, ang klima ay
halumigmig kahit na sa tag-araw. Sa pangkalahatan, ang klimang
tropikal ay pinalalamig ng simoy na nanggagaling sa Dagat-Tsina at
Dagat-Pasipiko. Dalawa ang panahon ng klima sa Pilipinas; ang
tag-lamig o tag-ulan at ang tag-araw. Tag-ulan, mula Hunyo
hanggang Oktubre at tag-araw naman, mula sa Nobyembre
hanggang Mayo. Kasiya-siya ang klima sa Pilipinas at binangit ito ni
Miguel Lopez de Legazpi, ang kauna unahang gobernador-heneral
ng Pilipinas, nang sabihin niya sa Haring Felipe II ng Espanya sa
isang sulat noong 1569 na "ang Pilipinas ay may klimang
nakapagpapalusog."

      Kung titingnan mo ang Pilipinas sa globo o mapa, makikitang
ito ay may 700 milya sa timog-silangan ng Asya at nasa may dakong
hilaga ng ekwador. Nakatayo ito sa pagitan ng Karagatang Pasipiko
sa Silangan, Karagatang Timog-Tsina sa Kanluran at sa Dagat ng
Celbes sa Timog. Dahil sa malalaking karagatang ito, nagpapatunay
lamang na ang Pilipinas ay isang kapuluan. ito ay binubuo ng 7,100
isla humigit-kumulang. Ang 2,800 lamang sa mga ito ang
nagtataglay ng mga pangalan, at mga 1,200 lamang sa mga pulong
ito ang natitirahan. kung susukatin ang nalalatagan ng mga isla
mula sa hilaga hanggang kanluran, ang sukat ay umaabot sa 1,550
milya. May mahahaba - na may dalawang ulit ng haba ng linya ng
baybayin ng Estados Unidos.

      Ang Pilipinas ay may kabuuang lawak ng lupa na may 115,707
milyang kuwadrado. Ang pinakamalaking pulo o isla ay ang Luzon
(40,420 milyang kuwadrado), sumusunod ang Mindanao (na may
36,537 milyang kuwadrado) at ang huli ay ang pulo ng Visayas.

                                Top

                Pisikal na Kapaligiran
   Ang Pisikal na kapaligiran ng Pilipinas ay binubuo ng:

a) Topograpiya o Kaanyuang panlabas ng lupa, tulad ng
mga bundok, burol, lambak, kapatagan, talampas at
baybayin.




    Ang lupain ng Pilipinas ay mataba kahit na ito's mabundok.
Ang mga hanay ng bundok ay may makakapal na kagubatan na
pumipigil sa baha at pagguho ng mga lupa. Mayroon din itong
malalawak na kapatagan. Ang pinakamalawak ay iyong nasa
kalagitnaang kapatagan ng Luzon at ang kapatagan sa Mindanao.
Naniniwala ang mga siyentipiko na kung makabagogng paraan ng
pagtatanim ang gagamitin sa mga kapatagang ito, makakasapat ang
ani para sa pangangailangan ng bansa. Ang ating bansa ay mayroon
ding malalawak at masasaganang lambak, tulad ng Lambak ng
Cagayan. Mayroon din itong masasaganang talampas na
matatagpuan sa Bukidnon. Maraming burol ang matatagpuan sa
iba't ibang panig ng kapuluan. Ang mabababang bundok na
matatagpuan sa mga gilid ng pulo ay nagsisilbing lupa para sa
pagpapastol. Ang Bundok Apo sa Mindanao ay may pinakamatas
na taluktok samantalang ang Bulkang Taal sa Batangas ang may
pinakamababa.



b) Tubig




     Ang Pilipinas ay binayayaan ng mahahabang baybaying-
dagat. ito ang dahilan kung bakit ang mga naninirahan sa malalapit
sa mga ilog at dagat ay paningisda ang ikinabubuhay. Ito's may
mainam na daungan at panganlugan ng mga bapor na
pinakikinabangan ng iba't ibang sasakyang-dagat, lalo na iyong mga
nanggagaling sa ibang bansa.

      Bukod sa mga dagat, mayroon din itong mga ilog, lawa, look
at golpo na pinanggagalingan ng iba't ibang pagkaing-dagat tulad
ng hipon, alimango, talaba, halamang dagat at mahigit na dalawang
libong iba't ibang uri ng isada.

      Kabilang sa mga uri ng isda ang pandaca pygmea o sinarapan
na matatagpuan sa Lake Buhi sa Camarines Sure. Ito ang
kinikilalang pinakamaliit na uri ng isda sa buong daigdig.

     Kilala rin ang Pilipinas sa pagkakaroon ng pinakamalalim na
karagatan, ang Philippine Deep na may 32,000 talampakan ang
lalamim.



c) Klima




      Ang Pilipinas ay isang bansang tropiko. Bakit kaya? May
epekto ang lokasyon ng isang bansa sa uri ng klima at panahon nito.
Ang digri ng init o lamig ng isang pook ay ang kanyang
temperatura. Batay sa masusing pag-aaral ng mga siyentipiko sa
panahon, ang pinakamalamig na buwan ay ang Enero sa dahilang
taglamig sa hilagang hating-globo. Ang pinakamainit naman ay ang
Mayo dahil sa patindig (perpendicular) ang sikat ng araw, bukod sa
pagkakaroon ng mga monsoon at pagkakaiba ng haba ng araw at
gabi.

     Nagkakaroon din ng pagbabago ng temperatura dahil sa may
matataas at mababang pook sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit
mas malamig sa Baguio at Tagaytay kaysa sa Maynila.



d) Pag-ulan




     Sa panahon ng malalamig na buwan ng Disyembre at Enero,
ang pag-ikot ng hangin na nanggaling sa Karagatang Pasipiko ang
nagiging dahilan ng pag-ulan sa Pilipinas. Karaniwang ang
silangang dako ng bansa ang nagkakaroon ng pag-ulan. Ang ulang
ito ay tinatawag na ulang mula sa hilaga o monsoon rains.

     Ang pinakamaulang bahagi ng bansa ay ang dakong silangan
lalung-lalo na sa ng Timog Silangang Samat at Hilagang Silangang
Mindanao. Mula sa Hunyo hanggang Setyembre, maulan sa
kanlurang bahagi ng bansa. Mula sa Oktubre hanggang Disyembre,
muling nagiging maulan sa silangang dako ng Pilipinas.

      Ang mga pag-ulan ay nagkakaroon ng epekto sa iba't ibang uri
ng klima sa bansa. Ang uri ng klima ay ayon sa katagalan ng tag-init
at tag-ulan sa isang lugar.

(mga imahe mula sa www.gov.ph at www.wowphilippines.com.ph/index.asp)




          Mga Rehiyong Pangheograpiya
      Pinangkat ng pamahalaan ang mga lalawigan sa rehiyon ayon
sa lako at pangkalikasang katangian ng kanilang kapaligiran. May
labing pitong

Luzon

     Ilocos Region (Region I)
     Cagayan Valley (Region II)
     Central Luzon (Region III)
     CALABARZON (Region IV-A)
     MIMAROPA (Region IV-B)
     Bicol Region (Region V)
     Cordillera Administrative Region (CAR)
     National Capital Region (NCR) (Metro Manila)

Visayas (Bisayas)

     Western Visayas (Region VI)
     Central Visayas (Region VII)
     Eastern Visayas (Region VIII)

Mindanao

     Zamboanga Peninsula (Region IX)
     Northern Mindanao (Region X)
     Davao Region (Region XI)
     SOCCSKSARGEN (Region XII)
     Caraga (Region XIII)
     Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)



              Kayaman ng mga Rehiyon

     Napakayamang bansa ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ay
ang mga likas na yaman. Bawat lalawigan o rehiyon ay may
kani-kaniyang likas na yamang ikinaaiba sa ibang lalawigan.

     Halimbawa: Ang Baguio ay saganang-sagana sa mga biyaya
ng yamang-lupa, tulad ng mga sariwang gulay at prutas ngunit
kapos naman sa mga yamang tubig, tulad ng mga isda.

    Ang mga kayamanang ito ay nagagamit para sa kasaganaan
ng mga mamamayan at nakakatulong para sa kaunlaran ng bansa.

     Ilan sa mga likas na yaman ng bansa ay ang mga palayan,
pangisdaan at kagubataan.

Palayan
      Pagsasaka ang pangunahing industriya sa Pilipinas sapagkat
ang lupa rito ay angkop sa pagsasaka. Pansiyam ang Pilipinas sa
labingdawalang bansang umaani ng palay sa buong mundo. Ang
Gitnang Luzon na tinaguriang Kamalig ng Bigas ng Pilipinas ay
nangunguna sa produksyon ng palay. Mataba ang lupa sa
malalawak na kapatagan nito, sagana sa ulan at maunlad ang
paraan ng patubig, kayat umaani ang mga magsasaka kahit tatlong
ulit ng palay sa isang taon.

Pangisdaan
     Ang sumusunod sa industria ng pagsasaka ay ang
pangingisda. May 2,000 uri ng isda na nahuhuli sa iba't ibang panig
ng bansa. Ginagawa ang pangingisda sa tatlong pangunahing lugar.

a) pangingisada sa lawa at ilog (inland fishing)

b) pangingisda sa baybay-dagat (coastal fishing)

c) pangingisda sa laot (deep fishing)

     Ang mga baybaying dagat ng Cavite, Pampanga at Bataan ay
kinahuhulihan ng iba't ibang uri ng isda. Ang mga malalaki at
mauunlad namang palaisdaan ay matatagpuan sa Malabon, Metro
Manila, Lingayen, Pangasinan, Hagonoy, Bulacan at Estancia,
Iloilo. Ang Pagbilao, Quezon naman ang pangunahing
tagapagtustos ng mga isang pang-akwaryum na ipinagbibili hindi
lamang sa ibang lugar sa Pilipinas kundi maging sa Estados Unidos
at Europa.

      Bukod sa mga isdang nahuhuli sa dagat ay may iba pang
produksyon, tulad ng mga gulamang dagat, pagkaing kabibe tulad
ng talaba at tahong at mga korales. Ang ibang uri ng kabibe ay
ginagwang palamuti sa mga tahanan at ang iba naman ay inaayos
na mabuti upang gawing singsing, hikaw, pulseras, pitaka at iba
pang gamit.

Kagubatan
     Ang Pilipinas ay may 16.6 milyong ektarya ng kagubatan.
Natatakpan ng kagubatan ang 55 bahagdan ng lupain ng bansa.

     Ang Pilipinas ay pangatlo sa Asya sa pagkakaroon ng
malaking kagubatan. Nangunguna ang Hapon at pimapangalawa
ng Indonesya.

     Ang mga kayamanang nakukuha sa kagubataan ay ang iba't
ibang uri ng kahoy na ginagwang troso, tabla, plywood at veneer.
Malaki ang kinikita ng Pilipinas sa pagluluwas ng troso. Ang iba
pang mga produkto ng gubat ay ang ratan, uling, nipa, balat ng
kahoy na pangulti (tambark), dampol (tam dye), buri, buho,
kawayan at dagta o resina.

     Ang gubat ay nagsisilbi ring kanlungan ng mamabangis na
hayop, tulad ng tamaraw, usa at baboy-damo. Dito rin
nanggagaling ang iba pang hayop, tulad ng agila, mga kalapati,
unggoy, at maraming uri ng ibon.

     Ang Mindanao ay isang may pinakamalaking sukat ng
kagubatan at may pinakamaraming bilang ng mga puno.
Sumusunod sa Mindanao ang Luzon at sumusunod naman ang
Bisaya at Palawan sa Luzon.

      Ang Agusan at Negros Occidental ay nakilala bilang bansa sa
kanilang produktong kahoy. Ang iba pang mga kilalang lalawigan
sa pagtrotroso ay ang Zambalez, Davao, bataan, Agusan, Surigao,
Cagayan at Quezon.

Ang iba pang kayamanan ng mga rehiyon ay ang mga
sumusunod:
   a. Minahan - ginto (Benguet, Paracale, Camarines Norte,
      Masbate, Bulacan at Surigao); tanso (Cebu, Negros Occidental,
      Marinduque, Benguet, Samar at Davao del Norte); bakal
      (Surigao, Davao at Samar); chrome (Zambales)

   b. Niyugan - Quezon, Laguna, Camarines Sur, Leyte, Samar,
      Davao at Cotabato.

   c. Asukalan - Negros Occidental, Negros Oriental, Pampanga,
      Batangas, Laguna, Tarlac at Iloilo

   d. Abakahan - Bikol at Davao

   e. Pastulan - Batangas, Bukidnon, Masbate at Mindoro

   f. Asinan - Las Pinas, Rizal at iba pang bayan sa Cavite.

(mula sa librong: Kalinangan Pilipino: Batayang Aklat sa Sibika at Kultura
(Ikaanim na Baitang) niL. Lalunio, P. Dizon, M. Gasingan at M. Lalunio, Jr. at
www.gov.ph)




Maikling Pagsasanay:

A. Piliin kung ano ang produkto ang nanggagaling sa lugar na
binabangit sa bilang:

1. Gitnang Luzon (mais, bigas, kahoy)

2. Bikol (kopra, abaka, tabako)

3. Benguet (kahoy, asukal, ginto)

4. Negros (asukal, bigas, mais)

5. Quezon (kopra, abaka, tabako)

6. Cavite (mais, abaka, asin)

7. Pangasinan (asukal, ginto, isda)

8. Tarlac (manok, baka, asukal)

9. Zambales (chrome, tanso, ginto)

10. Samar (ginto, bakal, mais)

                                      Top

				
DOCUMENT INFO
Shared By:
Categories:
Stats:
views:1674
posted:8/10/2011
language:Tagalog
pages:8
Description: Geography of the Philippines