Docstoc

Mekaniks ng Patimpalak sa Pagsulat ng TEXT TULA

Document Sample
Mekaniks ng Patimpalak sa Pagsulat ng TEXT TULA Powered By Docstoc
					Mekaniks ng Patimpalak sa Pagsulat ng TEXT TULA/ TULANG DAGLI 2011

1. Text tula o tulang dagli ang tawag sa maikling tula na binubuo lamang ng apat na
taludtod (four lines).

2. Para sa patimpalak na ito, HINDI required ang tradisyunal na sukat at tugma.

3. Ang patimpalak ay bukas sa LAHAT NG ESTUDYANTENG UNDERGRADUATE ng
DLSU.

4. Malaya ang paksa ng patimpalak (kahit tungkol saan ang tula ay pwede).

5. Ang lahok o entry ay binubuo ng dalawang pahina: ang una ay naglalaman ng
pangalan ng may-akda, pamagat ng tula, at seksyon/bloc na kinabibilangan; ang
ikalawang pahina naman ay naglalaman ng pamagat ng tula at ng mismong tula (short
bond paper, typewritten o computerized, double-spaced, 12 font size, Arial font type).
Tiyakin na naka-staple ang dalawang pahina. Maaaring idownload sa link na ito ang
halimbawang lahok:

6. Maaaring ipasa ang lahok sa mga gurong nagtuturo sa Departamento ng Filipino, o
kaya’y sa sekretarya ng Departamento na si Ms. Marilou Bagona (William Hall 401).
Maaari ring ihulog ang lahok sa pigeon box ni G. David Michael San Juan sa tapat ng
pintuan ng elevator sa 4th Floor ng William Hall.

7. Agosto 19, 2011 (BIYERNES) ang huling araw ng pagpapasa.

8. Tatlo ang magwawagi ng una, ikalawa at ikatlong gantimpala sa patimpalak na ito, na
makatatanggap ng sertipiko mula sa Departamento ng Filipino. Ilalathala rin sa Alinaya,
opisyal na newsletter ng Departamento, ang mga magwawaging lahok.

9. Para sa katanungan/paglilinaw: 09287189658 o dmmsanjuan@gmail.com

				
DOCUMENT INFO
Shared By:
Categories:
Tags:
Stats:
views:400
posted:7/22/2011
language:Tagalog
pages:1