Docstoc

kasabihan--tagalog

Document Sample
kasabihan--tagalog Powered By Docstoc
					Airynne June D. Magdadaro IV – A AB Comm.                                    November 30, 2010



PAMAHIIN:

   1. Bawal na duraan ang apoy na bigla na lamang lumiyab dahil sa ito ay magdadala ng kamalasan.
   2. Masamang hakbangan kahit na sino habang natutulog dahil sa mapipigil ang pag-develop ng
      kanilang katawan.
   3. Ayon sa mga matatanda, kapag ang isang sanggol ay pinaliguan ng unang tubig-ulan sa buwan
      ng Mayo, ito ay mas lalaking malusog. "Agua de Mayo"ang tawag sa unang ulan sa buwang ito.
   4. Madalas na nating naririnig na malas ang kulay itim partikular na kapag ikaw ay nakasalubong ng
      itim na pusa. Malaki raw ang posibilidad na ikaw ay madisgrasya.
   5. Susuwertehin ka naman kapag ang una mong nasalubong sa araw ng Bagong Taon ay lalaki,
      samantalang mamalasin ka naman kapag babae ang una mong nasalubong. Masuwerte rin sa
      buhay ang taong bumabati ng "Happy New Year" sa bawat masalubong nila tuwing araw ng
      Bagong Taon.

SALAWIKAIN:                                              3. “Dagang malaki, dagang maliit,
                                                            Sayo na ang ngipin kong sira at pangit,
   1. Ang tunay na bakal,                                   Bigyan mo ng magandang kapalit.”
      Sa apoy nasusubukan.                               4. Huwag magagslit kaibigan
                                                            Aming pinuputol lamang
   2. Habang maigsi ang kumot,                              Ang sa ami’y napag-utusan.
      Matuto kang mamaluktot.
                                                         5. “Tabi, tabi po, Apo
   3. Anak na di paluhain,                                  Baka po kayo ang mabunggo.”
      Ina ang patatangisin.

   4. Ubus-ubos ang biyaya,                          SABI-SABI/KASABIHAN:
      Pagkaubos, nakatunganga.
                                                             1. Utos na sa pusa,
   5. Pag ang tubig magalaw,                                    Utos pa sa daga.
      Ang ilog ay mababaw.
                                                             2. Malakas ang loob,
                                                                Mahina ang tuhod.
BULONG:                                                      3. Tulak ng bibig,
                                                                Kabig ng dibdib.
   1. “Tabi, tabi po, Apo,
      Makikiraan po.”                                        4. Kasama sa gayak,
                                                                di-kasama sa lakad.
   2. “Puwera bati po, Apo,
      Nagagandahan lang po.”                                 5. Ubus- ubos ang biyaya,
                                                                Bukas nakatunganga.