LIHAM PANGANGALAKAL
Document Sample


LIHAM PANGANGALAKAL
1. Liham na kumukuha ng impormasyon tungkol sa isang bagay
506 Lakas St.
Bacood, Sta.Mesa
Ika-10 ng Setyembre,2010
Ang Dekano
Kolehiyo ng Businesss Administration
Pamantasan ng Santo Tomas
Ginoo:
Katatapos ko po lamang sa haiskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan. Nais
ko pong magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang malaman kung
kalian at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagomg magpapatalang mag-aaral?
Nais ko rin pong malaman kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at
gayon din ang halagang ibabayad sa application form.
Ipinaaabot kop o ang taos-puso kong pasasalamat.
Magalang na sumasainyo,
Luz Del Mundo
2. Liham na nag-aanyaya ng panauhing tagapanayam
Manuel Roxas High School Paco, Maynila Hulyo 5,2009
Dr. Estrella Roxas
Dekana, Kolehiyo ng Nutrisyon
Emilio Aguinaldo College
Mahal na Doktora Roxas:
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, magkakaroon ang aming paaralan ng iba't ibang
gawain at palatutuntunan na magbibigay-sigla sa kahalagahan ng pagdiriwang na ito.
Isang seminar na kaugnay ng Buwan ng nutrisyon ang idaraos sa aming paaralan na
dadaluhan ng mga guro at tagamasid mula sa iba't ibang mataas na paaralan ng sangay ng
paaralang Lungsod ng Maynila. Dahil po rito nais naming kayong anyayahan na maging
panauhing tagapanayam tungkol sa paksang "Ang Kahalagahan ng Nutrisyon sa Kalusugan".
Ito'y gaganapin sa ika-10 ng Hulyo, taong kasalukuyan sa awditoryum ng paaralan. Alam ko
pong may malawak kayong kaalamang maibabahagi sa aming mga guro.
Inaasahan kop o ang inyong pagdalo.
Matapat na sumasainyo,
Gng. Lucila Santos Punungguro
LIHAM PAGBATI
885 Coronado St.
Makati, Metro Manila
Setyembre 6, 1992
Mahal naming Rosa,
Malugod ka naming binabati sa iyong pagkapanalo sa Timpalak Pagkukwento
noong nakaraang Linggo ng Wika.
Kaming lahat ay humanga sa iyong magandang tinig. Tuwang-tuwa kami
nang malaman naming ikaw ang nanalo sa siyam na kalahok. Talaga namang
mahusay ang ginawa mong pagkukwento. Parang totoo ang iyong sinasabi at
natural ang iyong pagkilos. Marahil, ang isa pang ikinapanalo mo'y ang iyong
mahusay na paghikayat sa mga manonood.
Talagang magaling ka! Kaming lahat ay bumabati sa iyo.
Ang iyong mga kamag-aral,
6-Molave
LIHAM PAANYAYA
97 Tikay, Malolos
Bulacan
Mayo 17, 1992
Mahal kong Betty,
Sa darating na Sabado ay kaarawan ko. Inaanyayahan ko kayong lahat sa
isang munting salu-salo sa aming bahay-bakasyunan sa Malolos, Bulacan.
Ito ay magsisimula sa ganap na ika-2:00 ng hapon. Isama mo ang iyong mga
kapatid at magulang.
Inaasahan ko kayong lahat.
Nagmamahal,
Lota
LIHAM PANGUNGUMUSTA
2719 Ma. Aurora
Makati, Metro Manila
Ika-16 ng Hulyo, 1992
Mahal kong Cristina,
Kumusta ang iyong pag-aaral? Matataas ba ang iyong mga marka?
Pagbutihin mo sana ang iyong pag-aral upang matuwa ang iyong mga
magulang ha?
Sa sunod kong pagsulat ay ipadadala ko sa iyo ang mga litrato natin noong
nakaraang pista rito sa Makati.
O sige ha? Kumusta mo na lang ako sa iyong mga kapatid at magulang.
Ang iyong kaibigan,
Alice
LIHAM PASASALAMAT
1726 Leveriza
Pasay, Metro Manila
Hunyo 18, 1992
Mahal kong Maritess,
Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong bagong damit noong
magtatapos ako sa Mababang Paaralan.
Ang sabi ng nanay ko ay bagay na bagay raw sa akin ang kulay ng tela at yari
niyon. Lalo raw akong nagmukhang dalagita.
Hustong-husto iyon sa akin. Ang sabi nga ng kapatid ko ay para raw isinukat.
Talagang tuwang-tuwa ako at gandang-ganda sa iyong regalo.
Salamat na muli.
Nagmamahal,
Marilyn
Get documents about "