Bakit patuloy ang kahirapan sa pilipinas? part II by DianeLagrama

VIEWS: 8,404 PAGES: 21

									                                                                                     23


                                     KABANATA IV

Presentation of Analysis and Interpretation of Data:


       Gaya nga ng aming naunang nasambit, isa sa mga dahilan ng patuloy na

kahirapan ng Pilipinas ay ang:

                                      Edukasyon


Elementarya:




                Hayskul




                          Kolehiyo




                                 Nakapagtapos ng Kolehiyo




       Ayon sa datos ng DepEd, sampu sa mga estudyanteng nag-aaral ng elementarya,

anim lamang sa kanila ang nakakapasok sa hayskul, at tatlo lamang sa kanila ang

nakakaabot sa kolehiyo, at dahil sa matinding kahirapan o kakulangan sa panustos sa pag-
                                                                                    24


aaral na nararaasan nila, nagiging sanhi ito upang sila‘y maghanap ng trabaho o di kaya

nama‘y huminto na muna sa pag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya, kaya

naman kung susumahin lahat ng datos ay lalabas na isa lamang sa sampung estudyante

ang may kakayahang makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

         Ang hindi pagtatapos ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral ay nagdudulot

naman nang di pagtanggap sa kanila sa mga kompanya o anu mang trabahong papasukan

nila o gusto nilang pasukan. Sapagkat sa panahon ngayon, pinipili na ang mga

estudyanteng nakapag-aral at nakapagtapos sa kolehiyo at minsan pa para sa mga

malaking kompanya ay naghahanap pa sila ng may ‗Master‘s Degree‘.

         Mapapansin naman natin sa panahon ngayon ang ating mga kababayan at kamag-

anak na kahit nakapagtapos na sila ay nahihirapan pa rin silang maghanap ng kanilang

magiging pagkakitaan, paano pa kaya ang mga taong di nakapagtapos ng kanilang pag-

aaral.

               Kaya naman ang ating mga magulang ay nagsisikap para sa ating pag-

aaral dahil ayaw nila maransan natin ang kahirapan na natamasa nila nuon.Kaya lahat ay

ginagawa nila para sa atin.



                                       Trabaho

         Ang kakulangan ng edukasyon ay resulta o bunga ng kakulangan sa trabaho.

Halimbawa na lamang ng aming nakumpirma sa aming ‗survey‘. Ilan sa kanila‘y hindi

talaga nakapagtapos ng kolehiyo at meron din namang elementary lang ang natapos kaya

naman wala silang maayos na trabaho sa ngayon ang iba naman ay pinalad lang na

makakuha ng magandang trabaho at talaga namang walang hanap-buhay pero meron din
                                                                                  25


namang nagtayo ng sarili na lamang nilang tindahan para may pantustos sa kanilang

pamilya, gayunpaman karamihan naman sa mga nakapagtapos ng kanilang napiling kurso

ay nakakapagtrabaho ng di tugma sa kanilang kursong natapos na tinatawag na

―underemployed‖ at masasabing ang hindi pagtatapos ng ilang mga estudyante ay

nagpapadami ng mga taong walang trabaho o tinatawag na “unemployed”, ito‘y

nagpapatunay na malaki ang epekto ng kawalan ng edukasyon sa pagkakaroon ng maayos

trabaho tulad ng mga sumusunod na chart:




                                                                                   13



       Sa aming nakuhang datos pataas ng pataas ang bilang ng mga taong

nakakapagtrabaho ng nang di akma sa kanilang kakayahan. Dulot na rin ito ng kahirapan

ng ating bansa.
13
  http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.bulatlat.com/news/4-34/4-34-
n3.gif&imgrefurl=http://www.bulatlat.com/news/4-34/4-34-
neocolonial.html&usg=__ESEAZenMS7hP_0i1Nh5zplnOcKk=&h=248&w=566&sz=6&hl=tl&start=21&
um=1&tbnid=wVvQjZD07KlsiM:&tbnh=59&tbnw=134&prev=/images%3Fq%3Dunemployment%2Band
%2Bunderemployment%2Brates%2B%28july%2Bround%2Bof%2Bthe%2Blabor%2Bforce%2Bsurvey%2
9%26hl%3Dtl%26sa%3DN%26um%3D1
                                                                                    26




                                                                                    14




           Habang pataas ng pataas ang bilang ng underemployment, pababa naman ng

pababa ang bilang ng unemployment.Pinapatunayan lang dito na ang mga pinoy ay hindi

sumusuko dahil natural lang sa atin ang dumiskarte sa ating buhay kaya naman

naghahanap sila ng iba nilang pagkakakitaan para na rin sa kani-kanilang pamilya.

           Para naman sa aming nakalap na tugon ukol sa kanilang sahod at kanilang

kahirapan, makikita natin sa tsart na aming ginawa ang kanilang mga sahod na

natatanggap nila buwan-buwan. Ito ay ayon sa aming ‗Survey‘.




14
     http://i81.photobucket.com/albums/j230/noctis_photos/poverty.jpg
                                                                                   27



                                           Sahod
      16,000
      14,000
      12,000
      10,000
       8,000
       6,000
       4,000                                                                             Sahod
       2,000
           0




Ayon sa „Survey‟:

Elisa Torres - paupahan ang kanilang pinagkakakitaan.

Joel Marquez – manager ng isang branch ng KFC

Nancy Dorosa – Manager Trainee sa Mcdonalds

Maricel Feria – Housewife na may asawang isang ‗Technician‘

Lilian Maneja - Housewife at ang asawa nya ay isang vendor ng sigarilya.

Elizabeth Marcaida – Housewife na may asawang tricycle driver.

Juliet Salaum – Housewife na Delivery Driver ang pinagkakakitaan.

Mildred Escabarte – housewife na ang asawa ay isang driver ng Taxi.

Joanessa Britos – isang vendor



       Makikita natin na ang kanilang mga sahod ay tila maliit pwera kay J. Marquez na

nakakatanggap ng P15 000/ month.
                                                                                       28


       Ipinapakita lamang nito na ang sahod nang ilan nating mga kababayan ay hindi

sapat kahit sino naman siguro ay nakakaranas ng kakapusan lalo na sa hirap ng buhay sa

ngayon. Kapansin-pansin din ang mililiit na ‗bar‘ na nagpapakita ng kanilang maliit na

sahod.( ‗bar‘ na green   — nagpapakita ng maliit na sahod ng mga taong sumagot sa

aming survey.)

       Para sa kanila ang sahod nila sa isang buwan ay hindi sapat lalo na ngayon dahil

sa taas ng bilihin at sa kanilang iba pang mga gastusin. Isa na rin sa dahilan ng kanilang

gastusin ay ang iba pang mga binabayaran ng kanilang anak sa eskwela. Hindi rin nilang

maayos ang trabaho nila sapagkat hindi nga sapat ang kanilang kinikita. Gayunpaman

pinipilit nilang higpitan ang sinturon sa abot ng kanilang makakaya upang mapagkasya

ang kanilang pera.

       Ang kawalan din ng trabaho ay nagdudulot ng krimen dahil sa kagustuhang

matustusan ang pangangailangan.

       Isa rin sa dahilan ng pagkawala ng trabaho ay populasyon sapagkat sa mabilis na

paglaki nito nawawalan ng trabaho ang ilan sa ating kababayan.



                                      Populasyon

       Kung ating mapapansin karamihan sa mga walang trabaho ay laging nasa bahay,

walang ginagawa o walang magawa o mapaglilibangan kaya nagiging pampalipas oras ng

mag-asawa ang magtalik na nagsasanhi ng paglaki ng populasyon sa Pilipinas.

Nakakatawa mang isipin pero yun naman talaga ang nangayayari. Ito‘y nagpapatunay na

ang kawalan ng trabaho ay nagiging sanhi ng mabilis na paglaki ng populasyon na siyang
                                                                                      29


nagiging bunga ng kahirapan. Hindi ba ang iba ay walang kuryente at walang telebisyon

na mapagtutuunang pansin.

          Sa talaan na nasa baba ay nagpapakita ng pagtaas ng bilang ng populasyon mula

sa taong 2003 hanggang 2009 na nagpapakita ng mabilis na paglaki ng porsyento nito.

          Dito‘y ating mahihinuha na sa bawat taon mabilis na tumataas ang bilang ng

populasyon sa ating bansa Sa bawat segundo ay may tatlong sanggol na ipinapanganak.

          Di man natin alam ang tunay na kadahilanan, masasabi natin na habang lumalaki

ang bilang ng populasyon ay may mas malaking posibilidad na lumalaki rin ang bilang ng

mga mahihirap sa ating bansa, at isa pa mas mabilis lumaki ang bilang ng kahirapan sa

mga susunod na taon kung patuloy rin ang paglaki ng bilang ng populasyon sa ating

bansa.

          Ayon sa chart na ating makikita, mapapansin natin ang mabilis na paglaki ng

populasyon sa ating bansa15. Kung ating mapapansin dito sa aming talaan na mula 2003

hanggang 2009 ay may kabuuan na 13,356,629 populasyon na naidagdag. Ngunit kung

ating mapapansin noong taong 2005 walang nadagdag na marahil sa mga taong

nabubuhay ay pantay sa mga taong namamatay, ito man ay sa aksidente o dahil sa isang

sakit na dumapo sa kanila, hindi man natin malaman yun ay walang gaanong naidagdag

sa ating populasyon noong taong yun.




15
     http://www.indexmundi.com/philippines/population.html
                                                                                       30




                                     Population
        100,000,000


         95,000,000


         90,000,000

                                                                          Population
         85,000,000


         80,000,000


         75,000,000
                      2003   2004   2005    2006     2007   2008   2009




Year      Population          Rank         Percent Change Date of Information
 2003      84,619,974           12                            July 2003 est
 2004      87,857,473           12             3.83 %         July 2004 est
 2005      87,857,473           12             0.00 %         July 2005 est
 2006      89,468,677           12              1.83%         July 2006 est
 2007      91,077,287           12              1.80%         July 2007 est
 2008      96,061,680           12              5.47%         July 2008 est
 2009      97,976,603           12              1.99%         July 2009 est


        Pero sa mga sumunod na taon ay lumobo ng mabilis ang populasyon. At sa

pagbilis na paglaki nito ay mabilis din ang paglaki ng bilang ng mga mahihirap sa bansa.



                                           Tirahan

        Dahil na rin sa paglaki ng populasyon, mabilis na nawawala ang mga bakanteng

lupa dito sa ating bansa na maari nilang pagtayuan ng kanilang sariling tahanan partikular

na rito sa Maynila. Marami ang nagnanais na makapagpatayo ng sariling tahanan o di

naman kaya ay ang magkaroon ng matutuluyan kaya kahit ang bakanteng lupa na hindi sa
                                                                                                  31


kanila ay tinatayuan na nila ng sarili nilang tahanan. Ihalimbawa na lang natin ang mga

taong nasa squatter areas na kung minsan na biglaang pinapaalis ng mga may ari sa

kanilang tinitirhan.




                                                                                             16




        Dahil na rin sa dami ng tao dito sa Pilipinas, nagsisiksikan sa lungsod ang mga

maralita dahil sa kakapusan ng hanapbuhay sa probinsya. Umaalis sa mga relocation at

resettlement areas at nagiging ‗squatter‘ dahil walang pagkakakitaan at sa pagaakala na

makakahanp ditto sa maynila ng trabaho ay nakipagsapalaran sila. Lumalabas lang na isa

sa mga dahilan kung bakit malaki ang kakulangan sa pabahay ng gobyerno ay dahil na

din sa dami ng tao na nangangailangan na di agarang natutugunan bunga ng kakulangan

16
 http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://s3.hubimg.com/u/380514_f496.jpg&imgrefurl=http://
hubpages.com/hub/POVERTY-a-
TREND&usg=__hkbUUqfzQ2f6LTXIGuqHdIVCTWw=&h=330&w=496&sz=53&hl=tl&start=1&tbnid=
_Vy011bV-
3zlIM:&tbnh=86&tbnw=130&prev=/images%3Fq%3Dpoverty%2Bpictures%2Bin%2Bthe%2Bphilippines
%26gbv%3D2%26hl%3Dtl%26sa%3DG
                                                                                      32


sa budget ng pamahalaan. Isa na rin sigurong problema nang pamahalaan ay ang mahirap

na pagbiyahe sa ibang lugar dito sa pilipinas kaya naman hindi nila ito mabigyan ng sapat

na tulong para sa kanilang pamilya.

        Ayon sa tsart sa ibaba, malinaw na ipinapakita na mas malaki ang bilang ng hindi

nangungupahan kaysa sa mga taong nangungupahan o may sariling tahanan sa

kadahilanang ang iba ay may sariling lupa at ang iba naman ay nakatira lang sa ‗squatter‘

o sabihin na lang nating hindi sa kanila ang lupa na kinatitirikan ng kanilang tahanan at

ang problema pa ay yung iba ay nasa ilalim ng tulay.

       Marami sa ating mga kababayan ay mas piniling tumira na lamang sa tabi ng

kalye o ilalim ng tulay sapagkat iniisip nila na sa buhay ngayon ay mahirap nang

maghanap ng trabaho para sa pambayad ng kanilang tirahan. Pero para sa mga gusto nang

maayos na buhay at buhay na may pagsisisikap siyempre may mga taong nagsarili na

nang kanilang buhay at dahil sa pagsisikap at nakuha nilang mangupahan para sa sarili

nilang pamilya.



       ―Ipangbibili niyo na lang ng pagkain ipang-uupa niyo pa ng bahay.‖, iyan

ang sagot ng isa sa aming napagtanungan na si Joanessa Britos, 27, isang vendor na

hindi pirmihan ang kinikita sapagkat minsan ay matumal ang benta at walang trabaho ang

asawa. Kaya ngayon ay nasa magulang niya nalang siya nakitira.
                                                                                        33




        7
        6
        5
        4
                                                                      nangungupahan
         3
                                                                      di nangungpahan
         2
            1
            0


                            pabahay




                                        Kalusugan

       Ang patuloy na kahirapan ay may dulot sa kalusugan. Kapag ang isang tao ay

walang trabaho, wala rin silang panustos para sa kanilang kalusugan partikular na para sa

kanilang pang-araw-araw na pagkain. Kaya naman marami sa mga kabataan ay walang

sapat na kalusugan at ‗malnourished‘.

       Mapapansin natin sa tsart ang ‗graph‘ ay tumutukoy sa bilang ng mga kabataan na

walang maayos na kalusugan. Mabilis ang paglaki nito ngunit sa tulong na rin ng NSCB

(National Statistical Coordination Board) gumagawa sila ng mga programa na

magbibigay ng magandang dulot sa kalusugan ng mga kabataan na ‗malnourished‘, ilan

sa mga ito ay ang ―Feeding Program‖ na naglalayong makamit nila ang tamang timbang

na akma sa kanilang edad.
                                                                                                    34




                                                                                               17



        Sa pagdaan ng panahon na nagpapatuloy ang paghihirap sa ating bansa, patuloy

din ang pagtaas ng kawalan ng trabaho, kakulangan ng edukasyon, at sanhi nito ang

kawalan ng kamalayan ukol sa kalusugan ng mga madla. Hindi na nabibigyang-pansin

ang pagkain ng malulusog at masusustansiya na akma para sa kanilang katawan, sa halip,

binibili na lamang nila ang pagkain na maaaraing magkasiya sa kanilang pera sa araw na

iyon. Kaya naman kinakain na lamang nila ang kahit anong pagkain na nakahanda sa

kanilang hapag-kainan, maging ‗noodles‘ man iyon o sardinas, malagyan lang ng laman

ang kanilang sikmura.




17
  http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.nscb.gov.ph/headlines/StatsSpeak/2008/071408_
figure1.gif&imgrefurl=http://www.nscb.gov.ph/headlines/StatsSpeak/2008/071408_cja_nutrition.asp&usg
=__cZLRgmdQBNdWAK0H7MJg4ZDBsdg=&h=296&w=462&sz=13&hl=tl&start=21&um=1&tbnid=yL
P0uDARKsgn0M:&tbnh=82&tbnw=128&prev=/images%3Fq%3Dchart%2Bfor%2Bthe%2Bmalnutrition
%2Bin%2Bthe%2Bphilippines%26hl%3Dtl%26sa%3DG%26um%3D1
                                                                                                   35




                                                                                                   18




18

http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://i229.photobucket.com/albums/ee69/diwata87/riceeat.jpg
&imgrefurl=http://balatucan.wordpress.com/2008/11/05/gutom-country/&usg=__MNQe_ekROw-
7LIRGe0iyr3bjaJQ=&h=640&w=480&sz=149&hl=tl&start=2&tbnid=dG7OkC1lM9WlTM:&tbnh=137&t
bnw=103&prev=/images%3Fq%3Dgutom%26gbv%3D2%26hl%3Dtl%26sa%3DG
                                                                                      36


                                             KABANATA V

Summary of Findings, Conclusions and Recommendations




                                                                       19



           Kawalan ng edukasyon, trabaho o pagkakakitaan, tirahan, kalusugan, at mabilis

na paglaki ng populasyon ay ang limang sangkap ng patuloy na kahirapan sa ating bansa

na marapat na masolusyunan. At ito rin ang mga bagay na higit na pinoproblema sa ating

bansa. Ang mabilis na pagdami ng tao sa kamaynilaan at sa iba pang bayan ay

nagdudulot ng kawalan ng espasyo para sa pagpapatayo ng ilang gusali.

           Batid natin na sa Pilipinas ay marami ang ‗squatters‘ at ‗slums‘ kung saan mas

maraming bilang ng mag-anak na Pilipino ang nakatira sa lansangan. Sila yaong

umuukupa sa bakanteng lote o lugar at tinatayuan ito ng kanilang sariling bahay kahit na

ito ay pag-aari ng ibang tao o pamahalaan. Ilan sa ating mga kababayan ay nagtatayo ng

bahay sa tabi ng riles ng tren, estero, at ang iba pa nga ay sa ilalim ng tulay.

           Ilan sa mga tao na nakapaloob sa mga ganitong tirahan ay mga taong kung minsan

ay gumagawa ng kamalian. Sila yung mga taong natutulak na gumawa ng krimen na

syang isa pang malaking suliranin ng ating bansa. Maging ang mga batang wala pang

malay sa mundong ibabaw ay napipilitang gumawa ng mga krimen tulad ng pagkupit at

pagnakaw. Mas pinipili nila ito kaysa sa pamamalimos sapagkat sa kanilang paningin

19
     http://www.abante-tonite.com/issue/apr0107/Pictures/crimes.jpg
                                                                                    37


walang masama sa taong nangangailangan tulad nilang sabik sa pagkain at siyempre mas

mabilis itong paraan upang malagyan ang kanilang kumakalam na tiyan. Sila yung mga

taong , ika nga, kumakapit sa patalim may pantawid gutom lang.

       Sa ating panahon ngayon, tila ba lalong nagiging madamot ang tadhana at tila ba

ang distansya ng mayaman sa mahihirap ay palaki ng palaki ang agwat dahil ang mga

mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lubusan pang humihirap.

       Para sa amin ang mga sumusunod ay ang mga nirerekomenda naming kasagutan

tulad na lamang ng:



Social Insurance

       Hindi ba‘t alam natin na may mga ahensya na nagbibigay pinansyal para sa mga

retired personnel o di kaya naman sa mga namatayan, tulad na lamang ng Social Security

System, Medicare, at Unemployment Compensation ay nagmumula sa mga buwis na

binabayaran ng mga manggagawa. Nakakatulong ito, hindi lang sa mahihirap kundi

maging sa may kaya sa buhay dahil pati sila ay natutulungan nito. Dahil dito ay

nabibigyan sila ng panggastos kahit hindi ito ganun kalaki.



Education & Training Programs

       Alam naman natin na ang edukasyon ay isang bagay na naaapektuhan ng

kahirapan. Ang kawalan ng edukasyon ay nagdudulot ng kawalan ng trabaho. Ayon sa

Collier‘s Encyclopedia, noong sumibol ang kahirapan at lumaganap ito, isa sa bibigyang-

pansin ay ang ‗Education & Training Programs‘ dahil naniniwala sila na kapag ang isang

bansa ay busog ng edukasyon ito ang magpapaunlad sa kanila.
                                                                                  38




Means-Tested Transfer

       Ang isa pa ay ang “Means-Tested Transfers”---- programa na direktang

namamahagi ng yaman at salapi sa mga mahihirap. Hindi ito pang-unibersyo tulad ng

‗Social Insurance Programs‟, ngunit ito ay nakakatulong lalo na sa mahihirap. Mahigit

40 bahagdan ng gastusin ng Means-tested spending ay para sa medicalcare, 30 bahagdan

sa pagkain, pabahay, at ang 30 bahagdan ay perang pang-suporta. Tanging natutulungan

nito ay ang mga pamilyang maliit o walang sahod, ngunit ang programang ito ay

napakaliit para mabawasan ang kahirapan. Ngunit hindi ito masyadong inukulan ng

pansin sapagkat hindi ganoon kayaman ang ating bansa.



Current Antipoverty Strategy

       Ito ay stratehiya na nagbibigay sustento para mapatupad ang tatlong programang

nabanggit sa itaas. (Education & Training Programs, Means-Tested Transfer and

Current Antipoverty Strategy). Ang 66 na porsyento na ginagastos nila ay napupunta sa

Social Insurance Programs, 31 na porsyento naman para sa Means-Tested Transfers, at

ang 3 porsyento ay para sa Education & Training Programs. Noong 1930‘s, malaki ang

ginagastos nilang porsyento para sa Social Insurance Programs para sa mga walang

trabaho. At noong 1960‘s, pinagtutuunan naman nila ng pansin ang Education & Training

Programs, at sa mga sumunod na taon, binigyan din ng pansin ang mga reporma para sa

Means-tested Entitlement Programs.
                                                                                     39


       Nakapaloob sa estratehiyang ito ang „Family Support Act 1988‟---- kung saan

nabibigyan ang ilang pamilya ng ilang trabaho upang ang kikitain nila‘y maipantutustos

nila sa kanilang kailangan na labis na makakatulong sa kanilang pamilya.

       Isa pang nakapaloob dito ay ang -----‗Personal Responsibility and Work

Opportunity Reconciliation Act of 1996 ----- na itinatag noong 1930. Sila ang nagbibigay

ng kautusan na nagsasabing bawasan ang sobrang paggastos, at ibaling na lamang ang

salapi sa mga mahahalagang bagay at mas importanteng pangangailangan ng tao.

       Sa mga nakalap pa naming mga impormasyon, may ilan pang mga solusyon na

maaaring makatulong sa mabigat na suliranin ng ating bansa. Nandyan ang Limitation of

Recessions, Rehabilitation, Education and Job Training and Work for the Unemployable.




Limitation of Recessions

       Makikita natin sa poverty line ng ating bansa ay ang patuloy na pagtaas habang

ang panahon ay lumilipas. Nandyan ang pagdami ng taong walang hanap-buhay, mas

bumaba ang sahod o kita ng mga manggagawa at kumukonti ang mga taong bumabagsak

sa kanilang negosyo. At ang mga bagay na ito ay nagdudulot naman sa tao ng matinding

kahirapan sa kanilang pamumuhay. Ngunit kung mababawasan ang recessions sa ating

bansa mas may posibilidad na bumaba ang mga mahihirap sa ating bansa. Ang pagbaba

sa mga recessions na ito ay magagawa lang kung may mga pang-ekonomiyang plano para

sa kabutihan ng ating bansa.
                                                                                  40




Education and Job Training

       Ang pagkakaroon ng edukasyon ay mahalaga sa bawat tao sapagkat ang

edukasyon ay mahalagang salik upang makapagtrabaho ka na makakatulong naman sa

pagkakaroon mo ng ipon para sa mga mahahalagang pangangailangan bagay tulad ng

bahay, pagkain at kalusugan.

       Kahit na sa simpleng pagbibigay ng gobyerno ng mga scholarship at job training

sa pamamagitan ng mga vocational and technical schools sa mga batang mahihirap lalo

na sa mga batang ninanais talagang makaahon sa kahirapan ay malaki ang maiaamabag

para sa edukasyong kinakailangan ng bawat kabataan. Malaki ang naitutulong nito upang

magkaroon ng edukasyon ang ilang mahihirap na hindi nakakayanan pang bigyang

pansin ang mga ganitong bagay at para sa mga mahihirap na hindi nakapgtapos ng

kanilang pag-aaral.

       Maari rin nating isali dito yung mga ‗summer job‘ na binibigay ng ating

pamahalaan, ito yung trabaho na binibayaran ka. Dito may edukasyon na, may trabaho ka

pa, kaso nga lang ay pansamantala lamang ito.



Rehabilitaton

       Ang pagkakaroon ng mga programa o seminar na may kinalaman sa kalusugan ay

makatutulong din sa pagbaba ng kahirapan. Dito‘y malalaman ng mga mamamayan ang

kahalagahan ng kalusugan sa bawat isa at matututo ang mga taong mag bigay pansin sa

mga bagay na mahalaga tulad ng kalusugan. Matututo sila na mag-ipon para sa mga

maaaring mangyari tulad ng biglaang pagkakaroon ng sakit sa pamilya.
                                                                                     41




       Ang   mga kautusan at mga posibilidad na solusyon na nabanggit ay pinag-

iibayong ipatupad ang mga nasabing gawain upang makatulong sa pagbaba ng bilang ng

mga mahihirap. Sila ang mga natatanging solusyon ngunit may malaki namang ambag sa

pagbaba ng bilang ng mga mahihirap sa ating bansa. Ang mga bagay na kanilang

inaambag ay hindi lang para sa mga mahihirap kundi sa mga taong talagang

nangangailangan tulad ng mga taong naabuso ng mga kalamidad, tulad na lamang ng mga

bagyo, lindol at mga biktima ng pagsabog ng bulkan. Hindi lang sila ang may

pagkakataon na tumulong, sa halip, kahit tayo na mga simpleng tao, ay may kailangan at

may gampanin na kailangan gawin para sa pagbaba ng bilang ng mga mahihirap. Dapat

lang na tumulong tayo sa mga programa at mga estratehiyang ito. Suportahan natin sila at

magtaguyod ng mga ilang seminar sa ating lipunan na may kinalaman sa mga

programang ito. Kahit sa maliit na pagtulong natin sa kanila ay mabibigyang solusyon

ang malubhang sakit ng ating lipunan, ang kahirapan.
                                                                                        42

Bibiliography:

1. Economics; Theories and Principles, Julia D. Rilio; VIBAL Publishing House Inc.,

   2005, p. 291

2. http://translate.google.com.ph/#en|tl|refers%20to%20the%20condition%20of%20not

   %20having%20the%20means%20to%20afford%20basic%20human%20needs%20su

   ch%20as%20clean%20water%2C%20nutrition%2C%20health%20care%2C%20clot

   hing%20and%20shelter

3. Encyclopedia Anuricara‖ By: Grolier Incorporated (1995) pg. 495

4. Sebastian-Roch Nicholas de Chamfort, Maximes; http://www.quotegarden.com/

   poverty.html

5. Encyclopedia Anuricara‖ By: Grolier Incorporated (1995) pg. 495

6. http://en.wikipedia.org/wiki/Global_poverty

7. http://www.un.org/Depts/escap/stat/nl/pov-meas.htm

8. Encyclopedia Anuricara‖ By: Grolier Incorporated (1995) pg. 495

9. http://www.gmanews.tv/story/161096/sws-survey-sa-mga-walang-trabaho-mahirap-

   paniwalaan-solon

10. General Sociology‖, Focus in the Philippines, 2nd Edition, Isabel S. Ponopio, KEN

   Incorporated 1979 pg.254

11. http://www.gmanews.tv/story/49524/

12. http://www.gmanews.tv/story/49524/

13. http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.bulatlat.com/news/4-34/4-

   34-n3.gif&imgrefurl=http://www.bulatlat.com/news/4-34/4-34-

   neocolonial.html&usg=__ESEAZenMS7hP_0i1Nh5zplnOcKk=&h=248&w=566&sz

   =6&hl=tl&start=21&um=1&tbnid=wVvQjZD07KlsiM:&tbnh=59&tbnw=134&prev

   =/images%3Fq%3Dunemployment%2Band%2Bunderemployment%2Brates%2B%2
                                                                                  43

   8july%2Bround%2Bof%2Bthe%2Blabor%2Bforce%2Bsurvey%29%26hl%3Dtl%26

   sa%3DN%26um%3D1

14. http://i81.photobucket.com/albums/j230/noctis_photos/poverty.jpg

15. http://www.indexmundi.com/philippines/population.html

16. http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://s3.hubimg.com/u/380514_f496.jp

   g&imgrefurl=http://hubpages.com/hub/POVERTY-a-

   TREND&usg=__hkbUUqfzQ2f6LTXIGuqHdIVCTWw=&h=330&w=496&sz=53&

   hl=tl&start=1&tbnid=_Vy011bV-

   3zlIM:&tbnh=86&tbnw=130&prev=/images%3Fq%3Dpoverty%2Bpictures%2Bin%

   2Bthe%2Bphilippines%26gbv%3D2%26hl%3Dtl%26sa%3DG

17. http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.nscb.gov.ph/headlines/Stats

   Speak/2008/071408_figure1.gif&imgrefurl=http://www.nscb.gov.ph/headlines/StatsS

   peak/2008/071408_cja_nutrition.asp&usg=__cZLRgmdQBNdWAK0H7MJg4ZDBs

   dg=&h=296&w=462&sz=13&hl=tl&start=21&um=1&tbnid=yLP0uDARKsgn0M:&

   tbnh=82&tbnw=128&prev=/images%3Fq%3Dchart%2Bfor%2Bthe%2Bmalnutrition

   %2Bin%2Bthe%2Bphilippines%26hl%3Dtl%26sa%3DG%26um%3D1

18. http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://i229.photobucket.com/albums/ee6

   9/diwata87/riceeat.jpg&imgrefurl=http://balatucan.wordpress.com/2008/11/05/gutom

   -country/&usg=__MNQe_ekROw-

   7LIRGe0iyr3bjaJQ=&h=640&w=480&sz=149&hl=tl&start=2&tbnid=dG7OkC1lM9

   WlTM:&tbnh=137&tbnw=103&prev=/images%3Fq%3Dgutom%26gbv%3D2%26hl

   %3Dtl%26sa%3DG

19. http://www.abante-tonite.com/issue/apr0107/Pictures/crimes.jpg

								
To top