Docstoc

Cobangbang

Document Sample
Cobangbang Powered By Docstoc
					Cobangbang

 Mabato at maalikabok ang daang iyon patungo sa baryo .Patuloy pa rin ang pagpapatakbo ng tatay
niya sa trisekel nila. Luma na iyon at kung baga sa kabayo ay uugod ugod na .Mekaniko lang kasi ang
tatay niya kung kaya hanggan ngayon iyon ay buhay pa.Kung noon pa siguro nauso ang pagbabawal sa
mga lumang mga sasakyan na bumiyahe sa kalye, baka matagal ng na ‘phase out’ yun.Tinitingnan nya
ang mukha ng tatay niya habang walang pakialam naman itong patuloy sa
pagmamaneho.Napakatiwasay ng paligid nang lugar na iyon.Sa magkabila ay makikita ang mga puno ng
madre kakaw at manaka naka ay maririnig ang huni ng mga maya at pipit na dumadaan sa
kalangitan.Ang paligid ay puno ng kapayapaan.Maiisip mong dito pala sa mundo ay madaming mga
bagay pa na dapat ipagpasalamat sa Maykapal.Di kailangan na may daang libong piso ka o milyones para
maging maligaya.Ang pagkadama ng katahimikan at kapayapaan,kasama ng iyong mga mahal sa buhay
sa dakong ito ay isang malaking kayamanan na.Patuloy pa rin ang pag andar ng traysikel ,,paminsan
minsan ay nagigising siya sa pangangarap at pagsamyo ng sariwang hangin kapag nalulubak ang traysikel
sa bako bakong daan.Pagkalampas ng telecom, sa my tinatawag na bulwagan,,sa may bandang kaliwa ay
makikita ang isang my kalumaan ng dalawang palapaging bahay,ang disenyo nito ay makaluma ,mataas
ang hagdanan at ang mga bintana ay kapis;ang bubong naman ay pawid ngunit masinop dahil sa mga
lambat na nakalagay sa ibabaw.Yun ang bahay ng mga Nagera na taga pag alaga ng mga mahigit 10
ektarya ng mga palayan doon.Yun ang bungad ng barrio Cobangbang.

         Sa una unahan pa sa bandang kaliwa ay ang bahay naman ng mga del Barrio,naging kaklase nya
at matalik na kaibigan si Arnel, ang isa mga anak nito.Tatlo silang naging kaklase niya noon na naging
malapit na kaibigan niya, naging kalaro laro sa dyolen,trumpo,lastiko at kung ano ano pa.Yun sila Arnel
del barrio,si Alex Gomez at si Rey Mañago.Malaki ang sakop ng bahay na kinatitirikan ng bahay nila,gawa
sa nipa at sa ilalim ng bahay ay nagsisipanginain ng mga hulog na mumo at palay ang mga inahing
manok at ang sisiw nito .Maririnig ang tahulan ng mga aso sa malayo.Sa may tabi ng kalsada sa bandang
kanan ay may malaking puno ng mabolo na malapit sa tapat ng bahay nila Tata Senyo.Diumano ayon sa
mga kwento ng tatay niya ay malayong kamag anak din daw nila eto.Sa Tata Senyo niya siya madalas na
magpagupit.Sa halagang bente singko sentimos na bigay ng nanay nya ay may sukli pa siyang dyes at
makapagpapagupit na siya.Sa iba kasi ay bente singko ang singilan sa isang medyo ‘class’ na gupit. Doon
ay kinse lang.Ngunit iyon ay may kasamang dasal sapagkat sa labo ng mata ng tata Senyo niya minsan sa
madalas ay nagugupit ang kanyang tenga,kanya minsan ay pumapasok siya sa eskwelahang
pinapasukan malapit lang doon;na kundi may pinagtuyuan ng dugo ang tenga,ay maluha luha ang mga
mata.Mga 10 metro naman mula doon ay may irigasyon na kinatatakutan nilang mga
magbabarkada.Sabi ng mga matatanda diumano ay may nagpapakita doon sa malaking puno ng kapok
kayat pag silay nauwi ng gabi mula sa pamamasyal sa bayan at nadaan sa tapat ng punong iyon,
pagkatapos ng pakiramdaman nilang mgbabarkada ay biglang may pilyong sisigaw ng ‘aswang!!!’ at
silay takot na takot ng mag papanakbuhan.

    Sa bandang unahan pa ay ang magkatapat na bahay ng mga Pisos at Cruz.Sabi nila si Mr. Cruz
daw ay naging kapitan del barrio noong araw noong wala pa sila.Sa tapat ng lupain na kinatitirikan ng
bahay ng mga Pisos ay may poso na iniigiban naman nila ng inumin noon silay nasa elementarya
pa.Malapit sa daan patungong eskwelahan nila ay may malaking puno ng santol na pinagsisilungan nila
habang ng aabang ng mga trisekel patungo sa looban ng baryo,o kayay pinaglalaruan nila ng goma at
dyolen pag di pa oras ng pagpasok ng klase sa hapon dahil sa mayabong na mga dahon nito.Malapit don
ang bahay ng mga Carillo at Magana.Malapit naman sa may gate ng eskwela ay ang bahay ng pamilya
Rogando at isang pamilya del Barrio pa.Naging guro niya ng grade 5 si Mrs Rogando.Isa siya sa mga
paborito niyang guro sapagkat mabait at napakalumanay kung magsalita.Kaklase niya ang anak nitong
babae na si Conchita.Naalala pa niya ito sa pagkukwento sa Pilipino subject nila tungkol sa mabubuting
asal at pagkatakot sa Diyos.Nabalitaan niyang namatay ito dahil sa kanser sa suso noong siya ay nasa
kolehiyo na.

       Ngayon ay paliko na sila papasok ng baryo .Sa bandang kaliwa ay ang niyugan na kinatitrikan ng
bahay ni ‘tatoo’ .Isang matandang binata ang nag iisang nakatira sa bahay sa looban noon.Diumano ay
putol ang ‘kayamanan’ ng lalaking iyon kung kaya din na nakapag isip na makapag asawa.Tinawag
siyang ‘Tatoo’ sapagkat marami siyang tattoo sa katawan.Ngunit ang tunay na pangalan nito ay di na
niya nalaman.Naging bilanggo marahil ito ngunit ang bagay na iyon ay di niya nausisa.Patuloy ang pag da
drive ng tatay niya.Ilang sandali pa ay dumating na sila sa may ‘Ermita’; nakita nya ang karatulang
‘Carumpit’ sa bandang taas ng maliit na health center doon na kalapit ng maliit na kapilya,na tinatawag
nilang Ermita .Sa bata niyang pag iisip ay malalim na bagay iyon na umukit sa gunita niya hanggang
ngayon.Di niya inakalang magiging bahagi ng buhay niya ang maliit, payapa, at masayang baryong iyon
na pinagdalhan sa kanila ng tatay niya noong maliliit pa sila.At ang alaalang iyon ay babaunin na rin niya
marahil kung sakaling wala na siya sa mundong ito.Pagkalampas lang ng ilang metro sa lumang creek ay
kumanan na ang trisekel nila.Ipinasok iyon ng tatay niya sa may looban .’Sa daan ay may
nagsasalimbayang puno ng niyog at sa bandang dulo ay nandun ang bahay nila Tata Badong at Nana
Elen. ‘Barurog’ ang tawag sa kanila sapagkat sila daw ay mahilig kumain ng isdang sapsap o barurog.Iyon
kasi ang isa sa pinakamurang isda na mabibili noon.Isang uri ng isda na manipis na parang talakitok
;matinik ngunit masarap lalo na kapag ginataan o pinangat.’Inun on’ ang tawag nila doon.Marahil dahil
sa hirap ng buhay sapagkat noon ay labing apat na ang anak nila at di na makayang bumili pa ng
mamahaling mga isda. Paborito ring kainin yun ng tatay niya.

        Cabanes ang apelyido nila.Sabi ng tatay niya pinsang buo daw niya si Tata Badong sapagkat ang
kanilang mga magulang ay magkapatid,ang Lola Bosyang niya at Tata Teban naman nila.Itinigil ng tatay
niya ang ng trisekel at pinarada ng maayos sa may gilid ng bahay.Ang bahay ay parang isang matangkad
na lalaking nakagiray na.May balkonahe na gawa sa kawayan sa harap at sa likod naman ang
pinakakusina. Noon ay mgdadapithapon na.’Insan!!!’ sigaw ng tatay niya ,’paiiwan ko uli itong trisekel
ko!!!’.sumigaw naman ng di niya nakikita ang tao sa loob ng bahay at sumagot na,’oh sige insan iwan mu
na lang dyan!!!’.Iyon ang unang pagkakataong nakita niya ang Cobangbang.Yun din ang unang
pagkakataon na natutuhan niyang mahalin ang isang payapang lugar.Doon niya nadama ang kanyang
unang pag ibig,natutunan ang unang mga kalokohan ,ang unang permanenteng mga kaibigan , unang
pagkamulat sa mga katotohanan ng buhay at iba pang mga una.Nang siya ay mas bata bata pa,siya ay
walang gaanong pakialam sa mundo.Ngunit dito ay nakita niya at natutunan ang totoong kahulugan ng
buhay.Dito niya nadama ang pagsisimula ng kanyang masayang buhay;at dito rin niya ito nais na
magwakas.
        Maputik anng daang patungo sa lupa nila.Yon ay ‘feeder road’ ,maalikabok sa araw at naglulusak
sa putik pag tag ulan.Nadaanan nila ang maliit na sapa na daanan ng patubigan. May maliliit na
isdang hito at dalag siyang nakita pagdaan don. Bago ang palusong na lupa patungo sa kanila ay ang
bahay ng Lolo Teban nila at sa paglusong naman ay ang bahay nila Tiyang Ninay sa bandang kaliwa at
Tiyang Tetay sa kanan .Isa pang bakanteng lote at sa kanila na.May mga tubig ang lote papunta sa
kubo ng lola nya,may tinambakang lupa sa gitna upang madaanan.Maliit na bahay kubo lang iyon na
tinatawag ng tatay nya na ‘butokan’.May maliit na lutuan na tinatawag nilang ‘dapog’ sa unahan at
may kwartong marahil ay kasya ang mga limang tao pag natulog na tabi tabi.Iyon ay noong di pa
naaayos ang ang bahay na iyon .Ng silay muling bumalik na at nanirahan na doon; ang bahay ay inayos
na ng tatay niya.

       Sa paligid ay may mga tanim na tubo ,mais at gabe.Sa araw ay napakatahimik sa lugar na iyon,
bagaman paminsan minsan ay maririnig ang boses ng mga nagdadaang mga tao.Sa gabi naman ay
maririnig mo ang walang humpay na salitan na kokak ng mga palaka at manaka nakay pag kikik ng mga
ibong pang gabi.May baon silang pagkain ng tatay niya noon.Pagkatapos maghapunan ay nakatulog sila
agad ng gabing iyon dahil sa pagod.Noon ay wala pang ilaw na de kuryente sa kanilang baryo.Tanging
ilaw na de gas ang ginagamit nila at umiigib sila ng inumin sa balon na nasa gilid ng bahay nila Tiyang
Ninay .Bandang hapon ng kinaumagahan ay umuwi na uli sila sa Mercedes.Yon ang mga unang araw
niya sa Cobangbang.

				
DOCUMENT INFO
Shared By:
Stats:
views:522
posted:8/15/2010
language:Tagalog
pages:3
Description: tagalog short story