Ponema sa Filipino by rur27363

VIEWS: 16,213 PAGES: 13

									 Ponema
sa Filipino
Filipino 1 – 2nd topic
               Introduksyon
   Ang pag-aaral ng mahalagang yunit ng
    tunog o ponema ay binubuo ng mga
    segmental at suprasegmental.
   Segmental ang mga tunay na tunog at
    ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang
    titik sa ating alpabeto.
   Ang suprasegmental ay pag-aaral ng diin
    (stress), pagtaas-pagbaba ng tinig (tune o
    pitch), paghaba (lenghtening) at hinto
    (juncture).
         Ponemang Segmental
   Ang Filipino ay may 21 ponemang
    segmental – 16 sa mga ito ay katinig at
    lima naman ang patinig.
   Mga Katinig - /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p,
    r, s, t, w, y, ?/
   Sa ating palabaybayan ang /?/ ay hindi
    binigyan ng katumbas na titik. Sa halip,
    isinama ito sa palatuldikan at tinumbasan
    ng tuldik na paiwa /’/ sa dahilang ito’y
    hindi normal na tulad ng ibang ponema.
           Ponemang Segmental
   Mahalaga ang /?/ o tuldik na paiwa /’/ sapagkat
    nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng salita
    kapag inilagay sa huling pantig ng salitang
    nagtatapos sa patinig. Ang tawag sa /?/ ay
    glotal o impit na tunog.
   Ang impit na tunog o glotal ay itinuturing na
    isang ponemang katinig sa Filipino bagama’t
    hindi ito ipinakikita sa ortograpiya ng ating wika.
    Mahalaga ito sa isang salita sapagkat
    nakapagbabago ito ng kahulugan ng dalawang
    salita na pareho ang baybay.
   Hal: bata/h/=robe, bata/’/=child
        Ponemang Segmental
   Mga Patinig - /i, e, a, o, u/
   Itinuturing ang mga patinig na siyang
    pinakatampok o pinakaprominenteng
    bahagi ng pantig. Walang pantig sa
    Filipino na walang patinig.
   Halimbawa:
     ba – hay, ba – ba – e, u – lo, di - la
          Ponemang Segmental
   May kani-kaniyang tiyak na dami o bilang
    ng makabuluhang tunog ang bawat wika.
    Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-
    iba ang kahulugan nito sa sandaling alisin
    o palitan ito. Halimbawa’y mag-iiba ang
    kahulugan ng salitang baso kapag inalis
    ang /s/ at ito’y nagiging bao. Kapag
    pinalitan naman ang /s/ ng /l/, ito’y
    nagiging balo. Samakatwid, ang /s/ ay
    makabuluhang tunog sa Filipino at
    tinatawag itong ponemang segmental o
    ponema.
     Ponemang Suprasegmental
Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay
   lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
   pagbigkas ng isang pantig sa salitang
   binibigkas. Halimbawa: sa salitang /kamay/,
   ang diin ay nasa huling pantig na /may/.
   - ay isang ponema sapagkat sa mga salitang
   may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay
   nakapagbabago sa kahulugan nito.
   Halimbawa:
     1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
     2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap
   na sakuna, kaya masasabing /laMANG/siya.
     Ponemang Suprasegmental
Tono o intonasyon – pagtaas at pagbaba ng tinig
  na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang
  salita, parirala o pangungusap upang higit na
  maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa
  kapwa.
  - Parang musika ang pagsasalita nang may tono
  – may bahaging mababa, katamtaman at
  mataas.
  - Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang
  damdamin, makapagbigay ng kahulugan o
  makapagpahina ng usapan ang pagbabago ng
  tono/tinig.
    Ponemang Suprasegmental
Halimbawa:          3
                                Antas ng tono:
Pahayag: 2      ha      2
                                4= pinakamataas
        ka              pon
                            4
                                3= mataas

Patanong:       3       pon     2= katamtaman
            2   ha              1 = mababa
        ka
     Ponemang Suprasegmental
Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating
    pagsasalita upang higit na maging malinaw
    ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating
    kausap.
Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit ng
    sumusunod na mga pananda.
    Panloob
a.  Maikling hinto: /I/=, (kuwit), /+/= isang krus
    na pananda
b.  Mahabang hinto: ;=tuldok-kuwit, :=tutuldok,
    _______=isang mahabang guhit, //=dalawang
    guhit pahilis, >=palaso, -=gitling, …=tulduk-
    tuldok.
      Ponemang Suprasegmental
    Halimbawa:
1.   Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala
     mo ang iyong ama sa isang pari at sa
     kaibigan mo.)
2.   Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam
     na si Cora ang may kasalanan.
3.   Magalis (puno ng galis)
     mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)
    Ponemang Suprasegmental
Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng
   nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa
   salita. Ginagamit ang ganitong notasyon
   /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng
   kahulugan ng salita
1. Likas na haba
Halimbawa:
a. /asoh/ - usok

   /a:soh/ - isang uri ng hayop
b. /pitoh/ - bilang na 7

   /pi:toh/ - silbato
      Ponemang Suprasegmental
2.   Panumbas na haba
     a. /’aywan/ - /e.wan/     c. /tayo nah/- /te.nah/
     b. /taingah/ - /te.nga/   d. /kaunti/ - /kon.ti/
3. Pinagsama na haba
     a. magsasaka = /magsasa : ka/ = magbubukid
        magsasaka = /magsa . sa : ka/ = magtatanim
     b. Mananahi = /manana : hi/ = modista
        mananahi = /mana . na : hi/ = magtatabas at
                                    bubuo ng kasuotan.

								
To top