Tala at Tanong sa Di-buong Agham-tao

					MGA TAL AT TANONG SA (DI‐BUONG) PAG‐AAGHAM‐TAO 
 
                                                              
                                                              
 
 
 
Ang naunang bersyon ng papel, “Pagbubunganga, pakikingatngat, at pagkagat sa meron: Mga talâng di‐
buo sa pag‐aaral ng teoryang antropolohikal,” ay naipresenta sa DSS Lecture Series, noong 19 Hulyo 2007, 
Audio‐Visual  Room,  CHSS.  Naipresenta  rin  sa  isang  talakayan  ng  ‘Mindanawon’  loop,  na  ginanap  sa 
Mindanawon  Library,  Ateneo  de  Davao  University,  noong  March  16,  2008;  sa  network  ng 
mindanawon@yahoogroups.com at sa isang workshop nito, “Theorizing Mindanao,” sa Ateneo de Davao 
University,  9‐13  Abril  2008.  Ang  kasalukuyang  bersyon  ay  naipresenta  sa  Libot‐Panayam  ng  Bagong 
Kasaysayan  (BAKAS)  sa  Archaeology  Studies  Program  Conference  Room,  UP‐Diliman,  Quezon  City,  na 
binigyang reaksiyon nina Dr. Ramon Guillermo, Dr. Maria Mangahas, Dr. Eufracio Abaya, at Dr. Rhommel 
Hernandez, noong 22 Abril 2008. 
 
 
 
 
         Binubuo ang papel ng pitumpo’t limang (75) kapsula ng proposisyon, at nilagom 
         sa huli  [kapsula  74]  ang mga sentral na punto. Ang papel ay maaaring hatiin sa 
         tatlong  bahagi:  (1)  presentasyon  at  kritika  ng  mga  diskursong  matingkad  sa 
         Pantayong Pananaw (at sa mga katulad na proyekto na kadalasang tinatawag na 
         indigenization  of  knowledge)  [kapsula  01  hanggang  11].  Sinasalungguhitan  ng 
         papel  ang  magkakaibang  kilos  at  lohikang  dala  ng  mga  metapora  (bibig, 
         pangingisda,  pangangalap,  at  iba  pa)  na  makikita  sa  mga  kaugnay  na  diskurso. 
         Ang komunikasyunal na diin ng pantayo (‘talastasan’ at ang mahalagang tanong, 
         ‘sino ang kausap?’) at ang mga banggang puntos sa loob nito (kontra at kampi) 
         ay sinasalamin (o tinatakda) ng napiling metapora ng ‘bibig’  [kapsula 02, 03, 05] 
         at ng lohika nito. Ibang mga mahahalagang puntos naman ang makikita, na di‐
         litaw  sa  metapora  ng  ‘bibig,’  kung  metapora  ng  ‘pangingisda’  (o  ng  bricoleur) 
         ang bibigyang‐diin, na mas pokus ang atensiyon sa ‘kamay,’ gawain, at tatag ng 
         bagay  na  ginagawa,  at  hindi  na  gaanong  mahalaga  kung  saan  nanggaling  ang 
         mga  sangkap  [kapsula  48  hanggang  54].  (2)  Makikita  rin  sa  papel  [kapsula  12 
         hanggang  28]  ang  ilang  polemiks  kaugnay  ng  Pantayo,  mga  kontra‐puntos,  at 
         ilang  mga  kaugnay  na  usapin.  Ang  pagkakahabi  ng  lapit‐pantayo  at  lapit‐
         pangkami ay ipapakita rito; kahit pa, sa huli, bibigyang‐diin pa rin ng papel ang 
         pangangailangang gumawa ng (isang anyo ng) paninindigang ‘pantayo’  [kapsula 
         29 hanggang 47]. (3) Magbibigay ang papel ng mga mungkahing tema, metapora, 
         metodo,  at  ilang  halimbawang  diskusyon  (nasa  mode  na  ‘pagtikim’)  bilang 
         pagdugtong at pagpapaibayo ng mga hiblang mahuhugot sa tekstong Pagbabago 
         at Pag‐unlad  (1977) ni Ponciano Bennagen  [kapsula 48 hanggang 75]. Ang akda 
         ni  Bennagen  ay  ini‐endorso  bilang  posibleng  kanon  sa  pagbubuo,  at 
         pagpapaibayo, ng mahahalagang tema para sa agham‐tao. 
 
 
 
 
 
Seksiyon at mga Proposisyon 
 
PANTAYO BILANG TALASTASAN 
[01] Lohika ng bibig.  
[02] Halaga ng ‘pantasya.’  
[03] Alamat ng ‘tayo’ at ‘kami.’ 
[04] Bakit gusto ng elit ang ‘antropolohiya’ at bakit sila nabibighani sa ‘kultura.’ 
[05] Pagpapaamo sa ‘baha ng mga salita’ mula sa labas. 
 
KUNG MAG‐UUSAP SA TEORYA 
[06] Paano ituturo and teorya?  
[07] Naging luma dahil sa serye.  
[08] Pag‐iipon ng makikinis na holen. 
[09] Lohika ng serye. (9.1) Kakaibang serye 1. (9.2) Kakaibang serye 2. 
[10] Weltanschauung.  
[11] Mahalaga (at mahirap) ang pagbibigkas ng mga tanong. 
 
MAHABANG PAKIKINGATNGAT: PUNTOS, KANTIYAW,  AT KONTRA‐PUNTOS 
[12] Pagpuno sa balde ng tubig.  
[13] Pamamalengke.  
[14] Doktrina ng Pagsipi. 
[15] May krisis ba ng ‘representasyon’? 
[16] Nilaga at pastiche ng namatay.  
[17] Sobrang pag‐aalala sa ‘representasyon’ at ‘power’ at ang tugon ni Derrida.  
[18] Pook nina Foucault at Chomsky. 
[19] ‘Imbitasyon’ hindi konklusyon.  
[20] Mga bulok na ideya. 
[21] ‘Liwanag ng napaglumaang bagay.’ 
[22] Pagkubli sa sopistikadong salita.  
[23] Florid speaking at labaha ni Occam.  
[24] May mahirap unawain na hindi peke.  
[25] Pagrenda sa ating liksi.  
[26] Paghinto at pag‐atras (o pagliko).  
[27] Di‐pagtugon. 
[28] Pag‐imbentong‐muli ng gulong (at mata). 
 
PILOSOPIKAL NA PAKIKINGATNGAT: UNTUL NG DI‐BUO 
[29] Ironya.  
[30] Hindi pagpapatagpo kundi pagbabalangkas sa banggaan. 
[31] Larangan ng di‐(pagbu‐)buo at pag‐aadhika ng ‘kabuuhan.’ 
[32] Sitwasyong untul. 
 
PAGHARAP‐MULI SA PROYEKTONG PANTAYO: PALIHIS NA PAGPAPATULOY 
[33] Akrobatiks ng tayo at ng ‘iba.’  
[34] Pagtaya na makabuluhan (pa rin) ang ‘karanasang Pinoy.’ 
[35] Simplipikasyon at ang totoong anyo ng ‘pantayo.’ 
[36] Ang mga sumunod sa mga Propagandista.  
[37] Hindi simpleng ‘wika’ lang ang isyu. 
[38] Bakit ba tayo naaakit sa labas?  
[39] Bakit sanay sa ‘malalaking tanong’ ang taga‐Kanluran? 
[40] ‘Purong pampanitikan lamang’.  
[41] Ang isdang bangsi at ang loob at labas ng bayan.  
[42] Sarili at ang dinamiks ng ‘indibidwal.’’ 
 
PAGHIHINTAY SA ‘AHA’ 
[43] Ano nga uli ang mga tanong?  
[44] Hindi masama ngunit peligroso. 
[45] Proyekto at praxis ng pag‐i‐‘iba’ at pagpapalitaw ng ‘bago.’ 
[46] Pagpapalitaw sa aha.  
[47] Pagtuntong (at pag‐iisip‐muli) sa karaniwan. 
 
DISKURSO NG KAMAY AT AGONISTIKS NG PANGANGALAP 
[48] Lampas sa bibig.  
[49] Bricolage.  
[51] Ngunit paano kung tusô ang bricolage? 
[52] Libreng kotse bilang teorya.  
[53] Modularity at misreading.  
[54] Makakapag‐isip ba tayo na hindi umaangkin? 
 
HYPOTHESIS‐TESTING BILANG TEKNIK SA PAG‐ALAM 
[55] Falsification at teorya.  
[56] Pagpapangalang‐muli. 
 
MATEMATIKA AT PAGLIKHA NG MGA BALANGKAS AT MODELO 
[57] Ang matematika ay pangangatwiran.  
[58] Bakit abstraksyon?  
[59] Hlöru fang axaxaxas mlö. 
 
TUNGKOL SA PAG‐ANGKIN KAY MARX 
[60] Kamay. (60.1) Kasaysayan ng Kamay bilang Lipunan. (60.2) Paglitaw at pagpapanatili ng mga 
         uri. (60.3) Balangkas ng pamumuhay at paghihirap. (60.4) Politics. (60.5) Praxis at tindig. 
[61] Matinong kanibalismo (nguyaing mabuti si Bourdieu).  
[62] Marx at ang tiyan ng bayan. 
 
PAGPAPAIBAYO SA MGA NAUMPISAHAN: PAGBUBUO NG KANON NG AGHAMTAO 
[63] ‘Lupa’ ay Banwa.  
[64] Tagapagbigkis ang pag‐unawa sa pagkakaiba (ng wika at pamumuhay). (64.1) Agta laban sa 
         matsing, daga, ibon, at baboy‐damo. (64.2) Paano naging ‘hayup’ ang mga hayop? (64.3) 
         Bakit hindi masarap ang alagang manok para sa mga Agta? (64.4) Hayop bilang 
         teknolohiya. (64.5) Iba pang mahahalagang topiko ng pamumuhay. 
 
ISANG MAS MAHABA PANG TRADISYON NG PAG‐ALAM 
[65] Ang buong bilog ay ang ‘Daigdig ng Buhay.’  
[66] Antropolohiya ng ‘buhay’ at ‘pamumuhay.’ 
[67] Ano ang nakataya?  
[68] Tiyan. 
SANGKINABUHI AT PAMUMUHAY SA BANWA (DAIGDIG) 
[69] Ekolohiya ng banwa/daigdig. (69.1) Symbionts. (69.2) Banal. (69.3) Daga, tuko, damo, at tao. 
        (69.4) Darwin. (69.5) Patuloy na pagtatalaban ng ‘batas ng buhay’ at ‘batas ng tao.’ 
 
ANO NGAYON? 
[70] Pamamaraan ng pamumuhay (‘kultura’).  
[71] Ano ang dapat nating paksain 1: Buhay at Lipunan. 
[72] Ano ang dapat nating paksain 2: Kaugnay at Iba (pa).  
[73] Matinong ‘pakikingatngat.’ 
 
DADALHING LISTAHAN 
[74] Mga proposisyon. (74.1) Pagkabitag. (74.2) Paradox ng pantayo. (74.3) Paglinang sa 
        kategorya. (74.4) Dalawa ang anyo ng pagti‐teorya. (74.5) Ang di‐tao. (74.6) Mahalaga 
        ang pag‐uusap sa ‘mekanismo.’ (74.7) Matematika. (74.8) Ebolusyon. (74.9) Hypothesis‐
        testing. 
 
SALITA, KAMAY, UTAK, TEKNOLOHIYA AT DAIGDIG 
[75] Antropolohiya at ang ‘pagsubo sa hurno ng utak.’ 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
mga lakra sa lainlaing agig tunob 
mga kudlis nagsanga‐sanga 
sama sa lawalawa sa akong palad 
gi‐ayag ang kabuntagon 
— “lawalawa sa akong palad,” Don Pagusara, Qontrapuntal1 
 
So if I draw a boundary line, that is not yet to say what I am drawing it 
for.—Ludwig Wittgenstein, Philosophical Investigation [I: 499] 
 
 
 
                 
               
               
PANTAYO BILANG TALASTASAN 
 
[01]  Lohika ng bibig.  Nakakatuwang pansinin ang masiglang metapora ng bibig sa ilang mga sipi 
mula sa historyador/etnolohistang si Zeus Salazar at sa pilosopong si Roque J. Ferriols:  
 
         Kung  at  kapag  napag‐iisip‐isipan  naman  ito  …  hindi  pa  rin  humihinto/pinahuhupa  ang  pag‐
         aaksaya  ng  panahon  sa  walang  katuturang  pagbubunganga  […]  Buháy  at  dinamiko  ang  isang 
         kalinangan  at  kabihasnang  umaangkin  (samakatuwid  ay  nagsasalin)  mula  sa  labas,  sa  halip  na 
         makingatngat lamang sa … ibang kalinangan at kabihasnan. (Sa: Zeus A. Salazar,  Manifesto, akin 
         ang diin.) 2 
          
         Kahit  na  papaano,  nakakagat  pa  rin  ako  sa  meron.  […]  Kailangan  nating  kilalanin  ang  meron, 
         sapagkat kung hindi ay gagalaw tayo sa wala. (Sa: Roque J. Ferriols,  Pambungad sa Metapisika, 
         akin ang diin.)3 
 
May dalang lohika ang larawan ng ‘bibig’—na nagbubunganga, nakikingatngat, at kumakagat—
sa daloy at galaw ng diskurso, dito at sa iilang isyung pilosopikal.4  
 
[02]  Halaga  ng  ‘pantasya.’  ‘Pantasyang  Pananaw,’  ang  kantiyaw  ni  Arnold  Azurin  sa  Pantayong 
Pananaw  na  isinusulong  ni  Zeus  Salazar.  5  Seseryosohin  natin  dito  kapwa  ang  Pantayong 
Pananaw at ang kantiyaw na ‘pantasya.’ May halaga ba ang pantasya? (Katulad ito ng tanong: 
maisusulat ba ang isang akdang pang‐agham panlipunan sa genre na fantasy o  science fiction?) 
 
             [1275–1325;  ME  fantasie  imaginative  faculty,  mental  image  (<  AF,  OF)  <  L  phantasia  <  Gk 
             phantas[i]a an idea, notion, image, lit., a making visible; see FANTASTIC, ‐Y3] [Mula lahat sa: 
             Webster’s Unabridged Dictionary] 
          
May  nakakawiling  ugat  ang  Griyegong  phantasia,  ‘ideya,’  ‘larawan,’  ‘isang  paraan  ng 
pagpapakita.’  Baka  pwedeng  mapulot  ang  puntong  ito:  kahit  alam  mong  ‘hindi  ganito  kasinop 
ang totoo’ sasabihin mo pa rin ang isang katotohan sa ‘masinop’ at malutong na anyo, ilarawan 
mo  pa  rin  sa  matutulis  na  hagod  ang  (limitadong)  bagay  na  gustong  ipaabot:  upang  mas 
tumingkad ang nais tukuying dimensiyon o bagay.     
 
[03]  Alamat  ng  ‘tayo’  at  ‘kami.’  Ganito  ang  diin  ng  pagkukwento  ng  ating  Kasaysayan  kung 
Pantayo  ang  lapit:  Noong  unang  panahon,  may  mga  bayan‐bayan  na  minsan  nag‐papalitan  ng 
kalakal, minsan nag‐aaway, minsan nag‐nanakawan ng taong aalipinin at aasawahin, at minsan 
naman  nagtutulungan  sa  pamumuhay  at  pakikipaglaban  sa  kaaway.  Minsan  hiwalay,  minsan 
magka‐ugnay. Sa loob ng bawat bayan, buo sila; sa kada loob ng bayan ay nag‐uusap‐usap sila sa 
ganitong paraan:  
 
         ‘Mangingisda ba tayo ngayon?’  
         ‘Hindi, malakas ang alon, pa‐bundok tayo upang mangaso’ 
         ‘Kung gayon, si Bantay ang isama natin.’ 
         ‘Tamang‐tama, magaling na ang kanyang sugat. Tayo na.’ 
 
Sa  pagdaan  ng  panahon,  dala  ng  iba’t  ibang  anyo  ng  pag‐uugnayang‐bayan  (labanan  man  o 
pagpapalitang‐produkto), nabuo ang papalawak na anyo ng ‘bayan,’ mga ‘kaharian,’ ‘karahaan,’ 
at ‘sultanato.’ May mga panloob at panlabas na sangkap na nagpapalawak sa ugnayan ng mga 
bayan dito sa ‘arkipelago’ (at lampas pa).    
 
Isang araw, dumating ang dambuhalang daluyong ng Pananakop. Parang mga sisiw na ipinasok 
sa  tangkal  ang  bawat  bayan  ng  arkipelago:  bayan  na  simula  noon  ay  nagkaroon  ng  kakaibang 
porma ng pagiging‐‘isa,’ naging ‘isang kolonya.’  
 
Pagpasok ng kolonisador, unti‐unting nabuo ang isang porma ng pag‐uusap, lalo na sa pagitan ng 
mga Kastila (Amerikano, at iba pa) at ng mga ilustrado o mga elit ng bayan. Nakatalikod sa bayan 
ang  mga  elit  at  mga  intelektwal  dahil  mas  hinaharap  nila  ang  mapanghamong  diskurso  ng 
mananakop (at taga‐labas). Ganito ang sasabihin ng mananakop:  
 
         ‘Kayong  mga  indio,  ganito  kayo:  a,  b,  c,  bago  kami  pumasok.  Pagpasok  namin,  noon 
         lamang kayo naging x, y, z. Hindi ba’t ganyan ang kalagayan ninyo?’ 
          
At ganito naman ang sasabihin ng mga ilustrado at elit na naging matatas sa wika nila:  
 
        ‘Hindi! Sa totoo,  x, y, z na kami bago kayo; ngayon, naging (lugmok na) a, b, c kami dahil 
         sa pagpasok ninyo.’  
 
Ibig  sabihin,  ang  mga  intelektwal  ay  iyong  nasilo  sa  ‘hamon’  at  tusong  tanong  ng  labas.  Mula 
ngayon,  taga‐labas  ang  lagi  nilang  ka‐debate’t  kausap.  Makikipag‐ngatngatan  sila  sa  mga 
mananakop, kaya kailangan nilang alamin ang wika (at sa kalaunan, mga ‘teorya’ at teknolohiya) 
ng mananakop:  a, b, c, x, y, z. Ganito ang maging  hero, noon at ngayon, makipagngatngatan sa 
taga‐labas, upang madepensahan ang bayan laban sa mga mis‐representation nila.  
 
Ang mga Propagandistang tulad nina Rizal, Jaena at del Pilar ang pinakamagagaling sa istilo ng 
pag‐uusap/pagsusulat  na  ito:  magagaling  makipag‐ngatngatan  sa  mga  Kastila.  Pwede  silang 
mangantiyaw sa mga Kastila gamit ang wikang Kastila, sa ganitong istilo:  
 
         ‘Wala kayong mga bayag! Haha! Sangkaterbang mintis ang pag‐iisip ninyo sa amin!’  
 
Pero  ang  totoong  nangyayari  ay:  nasilo  sila  sa  lohika  ng  mula‐sa‐labas  na  tanong  (‘hindi  ba’t 
ganyan  kayo?’),  at  sa  kategoryang  a,  b,  c,  x,  y,  z  kung  saan  laging  umiikot  ang  usapan.  Mas 
exciting ang diskursong abakada kaysa alibata.  
 
Sa  kabilang  banda,  ang  mga  bayan‐bayan,  sa  daloy  na  ito  ng  kasaysayan,  ay  unti‐unti  na  ring 
nabubuo  bilang  isang  bayang‐naiinis‐na‐sa‐pananakop.  Kikilos  ang  maraming  bayan—mag‐
uugnay‐ugnay  uli,  sa  mas  malakas  pang  diin,  ang  dati  ay  hiwalay—sa  hudyat  ng  Himagsikang 
1896. 
 
Sa panahon ng mga Kano, maraming indio ang naging pensionado, mga unang Pinoy na pinaaral 
sa labas ng bansa ng mga Kano, at natuto ng mga bagay‐bagay na bago sa diwang‐bayan o diwa 
ng  bayan‐na‐tumutungo‐sa‐pagiging‐bansa.  Patuloy  ang  pakikipag‐ngatngatan  sa  labas,  in 
defense of the nation.  
 
Mangyari pa,  ang karamihang  indio (na nabubuo bilang ‘Pinoy’) sa mga bayan‐bayan ay patuloy 
sa karaniwang‐buhay, nag‐uusap pa rin sa  mode  na ‘tayo’: kung mag‐uusap man sila sa istilong 
‘kami’ at ‘kayo,’ patungo ito sa mga kaugnay na bayan. Ang taga‐Butuan ay makikipag‐usap sa 
taga‐Cebu: 
 
        ‘Kami ay handa na, paano kayo?’  
        ‘Kami rin!’  
 
Kaya, sasabihin nila,  
 
        ‘Kung gayon, tayo na!’  
 
Sa  loob  ng  mga  bayan,  abala  ang  karaniwang  taumbayan  sa  gawaing  pangkabuhayan,  walang 
pakialam sa ibinubunganga at inginangatngat ng (kanila kunwaring) ‘intelektwal.’ 
 
[04] Bakit gusto ng elit ang ‘antropolohiya’ at bakit sila nabibighani sa ‘kultura.’ Samantala, sa mga 
elit,  patuloy  ang  tadhana  ng  ngatngatang  panlabas.  Kaya’t  unti‐unting  nalilikha  ang—sa 
komunikasyunal  na  pananaw—Dambuhalang  Pagkakahating  Pangkalinangan:  taumbayan  sa 
isang banda, elit sa kabila; talastasan dito, ngatngatan doon; ‘kabayanihan’ dito,  heroism doon. 
Kung gagawa ng reflection tungkol sa kanilang ‘sarili’ ang mga elit, bilang tugon sa pagka‐aliw at 
pagka‐mangha at pagka‐akit sa ningning ng nakitang ‘matatayog na kabihasnan,’ magiging abala 
sila  sa  pagpapakinis  ng  kanilang  culture:  kung  cultured  man  ang  mga  taga‐Kanluran,  sila  rin 
naman  ay  ‘may  indigenous  na  culture,  magiging  paborito  nila  ang  lumad  na  mga  abobot,  mga 
dekorasyong ethnic, habang abala rin sa pagsusubaybay (upang ‘di mahuli’) sa moda at mga uso 
na pinakahuli (kaya lagi ngang huli) sa Kanluran.  
 
Magiging  ‘pag‐unlad’  sa  kanila  kung  ang  dating  huli‐ng‐isang‐taon  ay  nagiging  huli‐ng‐isang‐
buwan na lang (mas okey kung huli nalang ng mga araw: at talagang mas okey kung nandoon ka 
na  nakatunganga  sa  harap  ng  Diyos,  naghihintay  sa  pagbukas  ng  kanyang  bibig  upang  masalo 
impunto ang kanyang mga ‘teoretikal’ na salita). Bilang porma ng galaw‐Propaganda na nawalan 
na ng preno, hahabulin nila sa walang‐hanggan ang diskurso ng labas saan man ito humantong. 
Mas  latest  mas totoo. (Acid  ang dala ng ‘pantayong’ diskurso ni Salazar sa mga ‘intelektwal.’)6 
Magiging  abala  sila  sa  pag‐uusap  ‘tungkol  sa  kultura’  kaya  ang  iba  sa  kanila  ay  kukuha  ng 
kursong ‘antropolohiya.’ Ang ‘pamumuhay’ ng bayan ay  pag‐uusapan nila bilang ‘kultura,’ isang 
epekto ng mata‐mula‐sa‐labas na pagtitig.  
 
Sa  ibang  salita,  naka‐dalawang  yugto  na  ang  Kasaysayan  ng  Elit  na  Pakikipag‐usap:  (1) 
Talastasang‐bayan:  Pantayo  (kausap  ang  taong‐bayan),  at,  1800  na  pag‐ikot,  (2) 
Pakikipagngatngatan: Pang‐Kami (kausap ang mananakop, taga‐labas, nakatalikod sa bayan).7  
 
Pagdaan  ng  ilang  taon,  may  ilan  na  ring  nagsawa  sa  ngatngatan  at  nagbalik‐loob  sa  bayan  o 
bayang‐nabubuo‐bilang‐bansa,  naging  ‘Pinoy’  na  naghahangad  na  mabuo  ang  di‐pa‐buong 
Bayan. Pumasok ang mga ito sa ikatlong yugto ng Kasaysayan ng Pakikipag‐usap/Pag‐susulat: (3) 
Talastasang‐Bayan: Pantayo II (kausap ang nabubuong‐bansa). Makabansa at mapagpalaya ang 
adhikain  ng  talastasang  ito.  Dito  nakapook  si  Salazar  at  ang  mga  nagsusulong  ng  Pantayong 
Pananaw.  Dito  rin  dapat  ipook  ang  buong  talastasan  nina  Amado  Hernandez 8  at  Amado 
Guerrero sa bayan/masa (ayaw mang aminin ni Salazar).  
 
[05]  Pagpapaamo sa ‘baha ng mga salita’ mula sa labas.  Sa  Noli (1886) ni Rizal, may isang tsapter 
(‘Ang  Sermon’)  na  kakikitaan  ng  halus  kenkoy  na  diskurso  ng  mananakop  (taga‐labas)  sa 
katauhan  ni  Padre  Damaso,  at  ang  naging  tugon  ng  taong‐bayan.  Matalas  ang  pagpansin  ng 
historyador na si Vicente Rafael sa isang anyo ng ‘pangngisda’ na nangyari sa tagpuang ito. Sa 
kanyang kataga, isang ‘tunay na pagbaha ng salita’ ang bumulwak mula sa pulpito:9 
 
        Kayong  mga  makasasala,  na  bihag  ng  mga  Morong  pirata  ng  kaluluwa  na  gumagala‐gala  sa 
        karagatan  ng  buhay  na  walang  hanggan,  sa  kanilang  mga  sasakyang‐dagat  ng  laman  at 
        kamundohan, … masdan nang may banal na pagsisisi ang isang nagliligtas sa mga kaluluwa mula 
        sa kamay ng diablo, isang Gideong walang‐takot, isang matapang na David, … ang Konstable ng 
        Langit, mas matapang kaysa lahat ng  guardia civil … na, taglay lamang ang krus na kahoy bilang 
        baril,  buong  giting  na  itinaboy  ang  mga  walang‐tigil  na  tulisan  ng  kadiliman  at  ang  sanlaksang 
        kampon  ni  Lucifer,  at  lilipulin  sana  sila  magpawalang‐hanggan  kung  ang  mga  ispiritong  ito’y 
        imortal! Itong kababalaghan ng Banal na Nilikha, itong di‐matarok na himala, ay ang banal na San 
        Diego  de  Alcala,  …  isang  hamak  na  kawal  sa  pinakamalakas  na  sandatahang‐lakas  na 
        pinamumunuan mula sa langit ng Ating Serapikong Amang San Francisco at kung saan karangalan 
        ko ring maglingkod bilang korporal o sarhento, sa Grasya ng Diyos.  
 
Ang  mga  katutubong  indio  naman,  sa  harap  ng  ‘baha’  ng  banyagang  wika,  ay  walang  magawa 
kundi ang ‘mamingwit’ ng iilang kataga na bibigyan nila ng sariling pakahulugan: 
         
        ang  mga  di‐aral  na  mga  katutubo  …  ay  walang  mabingwit  [walang  mapangisda,  no  pescaron, 
        ‘fished  nothing’]  mula  sa  sermong  ito  kundi  guardia  civil,  tulisan,  San  Diego,  at  San  Francisco; 
        pinagmasdan  nila  ang  maasim  na  mukha  ng  tenyente,  ang  galit  na  kumpas  ng  ministro,  at 
        naghinuhang kinakastigo nitong huli ang nauna sa hindi pagtugis sa mga bandido. Ang San Diego 
        at San Francisco naman, sa kabilang banda, ay kakayanin nila ang pangyayari, at buong galing nga, 
        na  siyang  makikita  sa  larawang  nakasabit  sa  kumbento  ng  Manila  kung  saan  si  San  Francisco, 
        armado lang ng sintas, ay mag‐isang itinaboy ang pananalakay ng mga Intsik noong unang mga 
        taon  ng  pagkatuklas  sa  arkipelago.  Kayat  lalong  natuwa  ang  mga  nananampalataya, 
        nagpasalamat  sa  Poon  sa  Kanyang  tulong,  walang  pagdadalawang‐isip  na  kapag  nawala  na  ang 
        mga bandido, lilipulin din ni San Francisco ang mga  guardia civil. Mas dinoble pa nila ngayon ang 
        pakikinig habang nagpatuloy si Padre Damaso.    
 
Dito  tayo  pwedeng  mag‐umpisa:  sa  ipinintang  komikong  larawan  ni  Rizal,  sa  usapin  ng 
pagtatagpo  ng  diskursong  labas  (mananakop)  at  loob  (katutubo),  at  ang  ‘pangingisda’  ng  mga 
indio mula sa ‘baha ng mga salita’ na nagmumula sa bibig ni Padre Damaso. (Maipapasok dito 
ang  mahalagang  tensyon  ng  dalawang  metapora:  sa  pagitan  ng  nagse‐sermong  ‘bibig’  at  ng 
namimingwit na ‘kamay.’ Magkakaiba ang kanilang galaw at lohika.) 
 
Pinalitaw  ni  Rafael  sa  kanyang  mahalagang  pag‐aaral  (Contracting  Colonialism)  ang  ilang 
paradigmatikong pagsagot—ng elit o  taong‐bayan—sa ‘baha ng  mga salita’  mula sa labas. Ang 
nangingibabaw na interes dito ay nasa  horizon  pa rin ng ‘bibig’ (‘pagsasaling‐wika’ at pakikipag‐
usap): katulad ng ipinakitang tugon ni Tomas Pinpin (ika‐17 siglo) sa ‘gulat at sindak ng Castilian,’ 
ang nakaka‐aliw niyang teknik sa pagsasalin (syncopating Castilian).    
 
 
 
                
                
 
                
KUNG MAG‐UUSAP SA TEORYA 
 
[06] Paano ituturo and teorya? Ang mas dagliang‐layunin ay harapin ang kakatwang sitwasyon na 
mapapansin  ng  isang  nagtuturo  ng  kursong  teorya  sa  antropolohiya.  Ang  istruktura  ng 
kadalasang  silabus  sa  kurso  ay  ang  paglilista  ng  mga  tauhang‐teoritista,  sa  seryeng 
pangkasaysayan, at isa‐isang pagkokomento sa kanilang positibo at negatibong kontribusyon sa 
pagsulong  ng  disiplina  (na  hindi  binibigyang‐diin  ang  pook‐pangkalinangan  at  ‐panlipunan): 
minsan ang paghahati ay sa kategorya ng mga  schools of thought: halimbawa, listahan ng mga 
tauhan  ng  Functionalism,  Structuralism,  Marxism,  Post‐structuralism,  atbp.,  sa  kronolohikal  na 
linya (halimbawa, mula dekada‐60 hanggang kasalukuyan).10  
 
[07] Naging luma (at luma=mali) dahil sa serye. Tila problematiko ang ganitong pedagogy dahil:  
 
(1)  Hindi  pinoproblema  (pinapabayaan  na  lang)  ang  pagka‐unilinear  (isahang  linya)  ng 
pagsasakasaysayan  ng  teorya.  Maaaring  iba  ang  makikitang  serye11 depende  sa  pipiliing  pook‐
pangkasaysayan.  Magbabago  rin  ang  lilikhaing  serye  depende  sa  pilosopikal  na  tindig  o  sub‐
disiplina  ng  nagsasalaysay:  halimbawa,  lilitaw  ang  iba  pang  mga  aktor‐teoritista  kung  ang 
bibigyang‐diin ay ang konseptong ‘ebolusyon’ kaysa sa ‘istrukturang panlipunan’ (sa tradisyong‐
Durkheim):  magiging  footnote  nalang  siguro  si  Pierre  Bourdieu  kina  Richard  Boyd  at  Peter  J. 
Richerson12 sa  isang  antropolohistang  may  bayolohikal/eko‐ebolusyunaryo  na  kiling.  (Sa  isang 
random  na  paraan,  kumuha  ng  dalawang  antropolohikal  na  artikulo,  suriin  ang  kanilang  mga 
bibliograpiya:  ang  digri  ng  mga  pinagsasaluhang  mga  akda/autor  ay  nagpapakita  kung  saang 
konstelasyon sila umiikot. Magkakaibang konstelasyon at pinag‐uugatang serye sina Bourdieu at 
Boyd‐at‐Richerson.)  
 
(2)  Tila  ang  implisitong  ideya  ng  serye  (o  ang  naiiwang  impresyon  sa  mga  istudyante)  ay:  na‐
refute na ng sumusunod na eskwela ang mga maaagang eskwela. Kaya maririnig (kahit walang 
ibang argumento kundi ang simpleng pagka‐luma nito) ang ganitong komento: ‘di ba passé  na si 
Leslie White, postmodern na ngayon,  post‐post‐ pa nga.’ (Maisiksik lang: may mga respetadong 
antropolohista pa rin—kahit sa kasalukuyan—na naniniwalang nasa tamang direksiyon si Leslie 
White kung ang interes ay sa konseptwalisasyong ebolusyonaryo at pagti‐teoryang ekolohikal.13  
 
[08]  Pag‐iipon  ng  makikinis  na  holen.  Kung  hindi  naman  kronolohikal  ang  presentasyon,  may 
peligro ring mahuhulog sa pag‐iipon ng paboritong konseptwal na mga holen ang propesor: mga 
piling  readings na iisa‐isahing komentohan, na walang ibang pagbabatayan ng pagpili kundi: (1) 
pagiging pamilyar na sa mga tatalakaying teksto, (2) personal na interes, (3) maiinit na topiko sa 
Euro‐Amerikanong konteksto. Sa ganitong moda ng pagtatalakay,  lulundag‐lundag ang diskurso 
sa iba’t ibang topiko depende sa direksiyon ng binabasang autor. Sa huli, nag‐aanyong aparatus 
ang  buong  klase  upang  mag‐praktis  paano  mangalap  (doon  sa  malalayong  uniberso)  ng  mga 
pang‐gulat‐na‐konsepto  (kahit  man  lang  sa  mga  estudyante):  halimbawa,  liminality,  habitus, 
agency‐structure,  différance:  na  ang  dami  (ng  bokabularyo)  at  tatag  (ng  pagka‐unawa)  ay 
depende  sa  sigasig  ng  instruktor  at  mag‐aaral.  Sabagay,  pwede  ring  ikatwiran:  ‘mahirap 
mangalap  dito  sa  malapit,  dahop  sa  talagang  mapanghamong  konsepto.’  Ngunit  tanong  nga 
bakit naging pobre ang lugar, kung totoo man.  
              
[09]  Lohika  ng  serye:  Mahabang  debate  tungkol  sa  ‘pagpapakahulugan’  at  ‘pagpapaliwanag.’ 
Maaaring sabihin na ang debateng Hempel‐Gray ay ulit lang ng magkakaibang Tanong nina Vico 
(diin sa pagka‐non‐quantifiable ng pag‐aaral ng tao) at Montesquieu (diin sa laws). 
 
         [Montesquieu] Laws, in their most general signification, are the  necessary relations arising from 
        the nature of things. In this sense all beings have their laws: the Deity His laws, the material world 
        its  laws,  the  intelligences  superior  to  man  their  laws,  the  beasts  their  laws,  man  his  laws;  [at, 
        dagdag niya,] laws are the relations subsisting between it and different beings, and the relations 
        of these to one another. [Montesquieu, Akin and diin]  
         
        [Tungkol  kay  Vico]  Vico  consciously  develops  his  notion  of  scienza  (science  or  knowledge)  in 
        opposition to the then dominant philosophy of Descartes with its emphasis on clear and distinct 
        ideas, the most simple elements of thought from which all knowledge, the Cartesians held, could 
        be derived a priori by way of deductive rules. As Vico had already argued, one consequence and 
        drawback  of  this  hypothetico‐deductive  method  is  that  it  renders  phenomena  which  cannot  be 
        expressed logically or mathematically as illusions of one sort or another. This applies not only most 
        obviously  to  the  data  of  sense  and  psychological  experience,  but  also  to  the  non‐quantifiable 
        evidence  that  makes  up  the  human  sciences.  Drawing  on  the  verum  factum  principle  first 
        described  in  De  Antiquissima,  Vico  argues  against  Cartesian  philosophy  that  full  knowledge  of 
        any thing involves discovering how it came to be what it is as a product of human action and the 
        "principal  property"  of  human  beings,  viz.,  "of  being  social"  ("Idea  of  the  Work,"  §2,  p.3).  The 
        reduction of all facts to the ostensibly paradigmatic form of mathematical knowledge is a form of 
        "conceit," Vico maintains, which arises from the fact that "man makes himself the measure of all 
        things"  (Element  I,  §120,  p.60)  and  that  "whenever  men  can  form  no  idea  of  distant  and 
        unknown things, they judge them by what is familiar and at hand" (Element II, §122, p.60). (Akin 
        ang diin.)14 
 
(9.1)  Kakaibang  serye  1.  Ganito  ang  serye  mula  Giambattista  Vico  [Italyano,  1668‐1744],  W 
Dilthey [Aleman, 1833‐1911], Paul Riceour [Pranses, 1970, saling Ingles ng isang akda], C Geertz 
[Amerikano, 1973], M Rosaldo [Amerikano, 1980]. 
  
        [Tungkol kay M Rosaldo] My notion of “interpretation” comes most directly from Clifford Geertz, 
        who describes his interests as “hermeneutic,” thereby suggesting connections with a tradition of 
        humanistic investigation stemming from Vico and Dilthey and rooted in the assumption that social 
        sciences  are,  by  virtue  of  the  articulate  nature  of  their  human  subjects,  different  in  kind  from 
        those  sciences  that  explore  the  natural  world.  (M  Rosaldo,  Knowledge  and  Passion  [akin  ang 
        diin].)15 
 
(9.2) Kakaibang serye 2.  I‐kontrast ito sa seryeng Charles‐Louis de Secondat, baron de La Brède 
et  de  Montesquieu  [Pranses,  1689‐1755],  E  Durkheim  [Pranses,  1858‐1917],  A  Radcliffe‐Brown 
[Briton,  1881‐1955],  Fay  Cooper‐Cole  [Amerikano,  1881‐1961],  at  Robert  Redfield  [Amerikano, 
1897‐1958],  Fred  Eggan  [Amerikano,  1930s],  at  EA  Manuel  [Pinoy]  (na  ang  magnum  opus  na 
Manuvu Social Organization, na inalay/dedicated kay Fred Eggan, ay halos kaparehong pamagat 
ng opus rin ni Eggan, Social Organization of the Western Pueblos).  
 
        [Tungkol kay F Eggan] Eggan is credited with having achieved a synthesis between the British and 
        American  schools  of  anthropological  study.  The  British  school,  as  exemplified  by  Eggan's  first 
        mentor A. R. Radcliffe‐Brown, was then dominated by the synchronic analysis of the function of 
        cultural  institutions.  In  contrast,  American  anthropologists,  including  Eggan's  teachers  Fay‐
        Cooper  Cole  and  Robert  Redfield,  focused  on  processes  of  diachronic  culture  change.  Eggan 
        united  these  two  perspectives  by  attending  to  both  structure  and  history  using  a  method  of 
        analysis  he  called  "controlled  comparison."  Based  on  results  achieved  by  this  method,  Eggan's 
        most  important  publication,  Social  Organization  of  the  Western  Pueblos,  hypothesized  that 
        variations in the social structures of linguistically and culturally related Native American groups 
        were  the  result  of  the  varied  historical  circumstances  experienced  by  each  group.  By  applying 
        this  same  method  in  his  later  work  on  the  impact  of  modernity  and  Western  culture  on 
        indigenous  Philippine  groups,  Eggan  formulated  an  inverse  corollary:  that  differing  social 
        structures  cause  different  linguistic  and  cultural  groups  to  respond  differently  to  the  same 
        historical circumstances. These insights concerning the interdependence of social structures and 
        historical processes remain at the forefront of contemporary anthropological theory. 
         
        When Eggan enrolled as a graduate student in 1930, the Department of Anthropology had just 
        become  independent  from  the  Department  of  Sociology,  with  Fay‐Cooper  Cole,  Edward  Sapir, 
        and Robert Redfield as the core faculty. Sapir soon left the department and was replaced by A. R. 
        Radcliffe‐Brown  in  1931.  Eggan  became  Radcliffe‐Brown's  first  research  assistant  in  1931‐1932 
        and began research on kinship and social organization of northern Native American tribes. Under 
        Radcliffe‐Brown,  Eggan  completed  a  report  on  the  southeast,  plains  and  southwestern  tribes 
        (akin ang diin).16 
 
[10]  Weltanschauung.  Ang teorya ay nagpapakita rin bilang pananaw‐pandaigdig. Dadalhin tayo 
sa  pinakamataas  na  lebel  ng  abstraksyon:  dialectics  ni  Hegel  at  dialectical  materialism  ng 
Marxismo17;  universal  Darwinism  ng  ultra‐Darwinismo18 ni  Richard  Dawkins;  ang  pananaw  ni 
Jacques Monod sa  Chance and Necessity19; ang seksiyong ‘Nibel ng Meron’ ni EF Schumacher20 
(na inindorso rin ni Ferriols sa kanyang  Pambungad sa Metapisika21). Ang pagkakomprehensibo 
ng saklaw ng pananaw ng mga nabanggit sa itaas ay makikita sa halos pagkapareho ng saklaw 
nito sa mga relihiyosong pananaw.  
 
[11]  Mahalaga (at mahirap) ang pagbigkas ng mga tanong. 22 Bilang pagtatangkang  pedagogical, 
iminumungkahi  ng  papel  ang  pagkakaroon  ng  tematiko  (di‐kronolohikal)  o  batay‐sa‐tanong  na 
porma ng presentasyon sa pag‐aaral ng teorya. Ang kaayusang lilikhain ay ayon sa mga pipiliing 
tema na may kakabit na mga katanungan: ang mga ito ang iikutang larangan sa pagpipili ng mga 
punto o ng mga konseptong magpapakita sa mag‐aaral ng iba’t ibang pagtatangkang teoretikal 
bilang pag‐sagot sa mga tanong at pag‐tugon sa mga tema na tayo rin ang nagtatakda batay sa 
praktikal  na  pangangailangan.  Mas  mahalaga,  matapos  bigyang‐puwang  ang  mga 
pinakamatatalas  na  konseptong  napalitaw  ng  Kanluran,  na  may  kaugnayan  sa  nabuksang 
tema/tanong, magbubuhos‐panahon ang klase ng teorya na tangkaing mag‐teorya mismo: ibig 
sabihin, ipapakita sa klase na nililikha talaga ang mga teorya at di lang pagbabasa at pagsasalo 
ng mga galing sa iba: dahil wala itong ibang layon kundi ang paglikha ng mga sagot, haka, at mga 
kaparaanan  ng  paglapit  o  pagtingin  sa  mga  bagay‐bagay  sa  loob  ng  binuksang  tema  o  tanong. 
Minsan, ang pagbubukas rin mismo ng bagong tema o tanong ang magiging anyo ng pagti‐teorya.  
 
 
 
 
 
                
                
 
 

MAHABANG PAKIKINGATNGAT: PUNTOS, KANTIYAW,  AT KONTRA‐PUNTOS 
 
[12]  Pagpuno sa balde ng tubig.  Minsan, nagkakaanyo ang pagti‐teorya bilang ganito: ‘heto ang 
balde, punuin natin ng tubig.’ Ang balde ay ang mga konseptong pupunuin ng katutubong tubig 
bilang mga datos. Halimbawa: ang tema ni Eric Wolf ng panunuot ng napaamo o inangkop‐ng‐
katutubong  kapitalismo  hanggang  sa  kasuluk‐sulokang  mundong‐lumad:  kaya  i‐aalingawngaw 
ngayon ng ating intelektwal ang tanong: ‘paano naangkop?’ at ‘paano nanuot?’ ang kapitalismo. 
O  di  kaya:  dudugtong  tayo  sa  ganitong  serye:  commodity  fetishism  at  sympathetic 
magic/animism  mula  Marx,  tungong  Frazer,  tungong  Walter  Benjamin,  hanggang  kay  Michael 
Taussig. 
 
[13]  Pamamalengke.  Tadhana  ng  liberal‐intelektwal  ang  mahalina  sa  isang  ala‐mall  (o 
smorgasbord  o  buffet)  na sitwasyon  ng pagti‐teorya: ‘pamamalengke’ ng  konsepto sa librarya, 
internet.  Kakatwang‐kilos  ng  intelektwal  na  namrumroblema  sa  ‘paghahanap  ng  teorya’:  ang 
agon  ng  ‘iskolar’  na  ito  ay  ang  paghahanap  lang  ng  pamalot  ng  kanyang  data,  na  parang  wala 
talagang kaugnayan sa  kinabuhi ang ginagawa, para mabalot lang, at magmukhang  respectable 
ang kanyang ‘akademikong artikulo.’ 
 
[14] May krisis ba ng ‘representasyon’? Noon, biglang naging sikat, na halus gawing parang kanon, 
sa  ilang  mga  intelektwal  ang  Writing  culture.23 Nahawa  yata  tayo  mula  noon  ng  tatawaging 
“krisis  ng  representasyon.”  Mainam  pagmuni‐munihan  (sisiksikan  ng  tanong)  ang  medyo‐
malokong punto tungkol dito ni Stephen Tyler:24 
               
        The  whole  point  of  “evoking”  rather  than  “representing”  is  that  it  frees  ethnography  from 
        mimesis  and  the  inappropriate  mode  of  scientific  rhetoric  that  entails  “objects,”  “facts,” 
        “descriptions,”  “inductions,”  “generalizations,”  “verification,”  “experiment,”  “truth,”  and  like 
        concepts that, except as empty invocations, have no parallels either in the experience [kaninong 
        karanasan?] of ethnographic fieldwork or in the writing [kaninong mga akda?] of ethnographies.  
         
        Ethnographic discourse is not part of a project [kaninong diskurso at proyekto?] whose aim is the 
        creation  of  universal  knowledge.  It  disowns  the  Mephistophelian  urge  to  power  through 
        knowledge, for that, too is a consequence of representation. … The true historical significance of 
        writing is that it has increased our [sinong ‘atin’?] capacity to create totalistic illusions with which 
        to  have  power  over  things  or  over  others  as  if  they  were  things.  The  whole  ideology  of 
        representational signification is an ideology of power. To break its spell we [sinong ‘tayo’?] would 
        have to attack writing, totalistic representational signification, and authorial authority, but all this 
        has  already  been  accomplished  for  us  [sinong  ‘atin’?].  …  Post‐modern  ethnography  builds  its 
        program not so much from their principle as of their deconstruction. (Akin ang diin.) 
 
[15]  Nilaga  at  pastiche  ng  namatay.  Ang  larawan  ng  dami  at  sari‐saring  panindang‐konseptwal 
mula  sa  Euro‐Amerikanong  paktorya  ng  mga  teorya  ang  laging  hihila  sa  atin.  Ang  larawan  ng 
pastiche ay matingkad sa postmodernismo: 
               
        What is post‐modernism? … Going beyond the by now “classic” definition of Lyotard—the end of 
        metanarratives—Jameson defines its second element as pastiche. The dictionary definition—“(1) 
        an artistic composition drawn from several sources, (2) a hodge podge” [ang English‐Tagalog na 
        salin ni Fr. Leo English: ‘gulo’, ‘gusot’, ‘kagusutan’]—is not sufficient. … Jameson is pointing at a 
         use of pastiche that has lost its normative moorings, which sees the jumbling of elements as all 
         there is. Hodge podge is defined as “a jumbled mixture”, but it comes from the French hochepot, 
         a stew [nilaga], and therein lies the difference. […] Today, beyond estrangement and relativism, 
         lies pastiche. […] We are back at the “Fantasia of the Library,” this time not as bitter parody but 
         as celebratory pastiche. [Mula kay Rabinow25] 
              
Nakaligtaang banggitin ni Rabinow na (naglalaro na rin lang tayo ng etimolohiya) nasa itaas na 
sanggang‐ilog rin ng  hodge podge  ang  hotchpot: paghahati‐hati ng mana ng mga anak ng isang 
yumao na nakaligtaang makagawa ng  last will. Nakakatakot ang imahen ng ‘patay’ sa hihigoping 
‘nilaga’ mula sa ganitong sulok ng Kanluran:  
              
         hodge∙podge (hojÆpojÅ), n. a heterogeneous mixture; jumble. [1615–25; var. of HOTCHPOTCH] 
         hotch∙potch  (hochÆpochÅ),  n.  1.  a  thick  soup  or  stew  of  vegetables  or  meat,  often  thickened 
        with barley. 
        2.  Brit.  hodgepodge.  3.  Law.  a  hotchpot.  [1350–1400;  ME  hoche  poche,  rhyming  var.  of 
        HOTCHPOT] 
        hotch∙pot (hochÆpotÅ), n.  Law.  the bringing together of shares or properties in order to divide 
        them equally, esp. when they are to be divided among the children of a parent dying intestate 
        [ng yumao na hindi nakapagsulat ng  ‘last will and testament’]. [1250–1300; ME  hochepot < AF, 
        lit., shake‐pot.] [Mula lahat sa: Webster’s Unabridged Dictionary] 
         
[16]  Doktrina  ng  Pagsipi.  Dahil  nabanggit  sa  itaas  [15]  ang  larawan  ng  ‘pagmana  ng  yaman,’ 
maganda  itong  kalikutin.  Isipin  ito:  minsan  may  napag‐isipan  kang  isang  bagay  na  wari  mo  ay 
mahalaga,  isang  paglitaw‐isip  na  dala  lang  ng  likas  na  kalikutang‐isip  ng  karaniwang  Homo 
sapiens sapiens.  Ano ang gagawin mo? Parang kasalanan kung isusulat mo ito nang hindi muna 
pinuntahan  ang  Aklatan,  ang  Di‐Maabot‐Tanaw‐na‐Hanay‐ng‐mga‐Aklat‐mula‐Kanluran. 
Imposibleng  ikaw  talaga  ang  naka‐isip  n’yan!,  ibubulong  sa  iyo  ng  Ideolohiya  ng  Pagsipi.  Kaya 
pupunta ka ngayon sa librarya, maghanap ng mga ‘patunay’ sa mga nakasulat at (dahil sabi nga 
ng  Ecclesiastes,  ‘wala  talagang  bago  sa  ilalim  ng  araw’)  makakakuha  ka  naman,  at  mas 
yumabong pa nga ang nauna mong haka, salamat sa mga palaisip mula labas. Resulta: lahat ng 
Pinoy ay ‘nagmana lang’ sa mga inisip ng iba. 
 
Kailangan ba talagang retroaktibong manipi? Ang tanong ay kung ano talaga ang nangyari noong 
lumitaw ang isang pag‐iisip. Ang pagiging ‘una,’ ay hindi laging pagiging ‘ninuno.’ 
 
[17]  Sobrang  pag‐aalala  sa  ‘representasyon’  at  ‘power’  at  ang  tugon  ni  Derrida.  May  ganitong 
alamat:  ang  ‘nawasak  na  salamin  ng  Kalikasan.’  Naimbento  ang  ‘epistemolohiya’  matapos  ring 
maimbento  ang  ‘isip’/mind  (isang  di‐makitang  sulok  sa  loob  ng  tao)  bilang  salamin.  At  kaya 
nagsimula  ang  paghahanap  ng  matibay  na  pundasyon  ng  ‘pag‐iisip’/representation,  na  ang 
naging dominanteng sagot ay ang labas na ‘reyalidad’ na nare‐reflect ng isip.  Ngunit dahil nga sa 
‘pagkabasag ng salamin,’ nawala na kapwa ang salamin at sinasalaming ‘labas.’ Nalalansag na rin 
ang pag‐iisip ng Reyalidad.  
 
Tila napaniwala ng kwentong ito ang ilang Amerikanong antropolohista. Ano ang kanilang tugon? 
Lumitaw ang Krisis ng Representasyon: iisiping ‘krisis’ dahil ang ‘re‐presentasyon’ ng kaalaman 
ay nawalan ng pundasyon, wala na kasing matibay na kahulugan ang ‘reyalidad.’ Sayaw lang ng 
différance  lahat:  walang‐katapusan  at  nakakahilong  ‘pag‐iiba’—at  laging‐napapabukas,  sa 
walang‐hanggang hanay ng mga sulatin,  ang pagtatakda ng hangganan ng ‘kaibahan.’ Ito siguro 
ang pwedeng larawan: pagsasayawan ng mga teksto sa walang‐mundong kalawakan, o di‐kaya, 
ng mundo na lamang ng mga teksto.      
                
Kaya, ano na ngayon? May ilan, katulad ni Rabinow na makakahugot ng sagot sa pamamagitan 
ng pagkapit kay Foucault at sa konsepto ng social upang maka‐iwas sa nakakatakot na solipsismo 
ng ‘pagsasalsal‐utak’ at ‘walang katapusang pagbabasa ng mga kanonikal na teksto.’ Para bang 
sa isang banda, sasabihing, ‘oo, nawala ang  referents,’ ngunit, sa kabilang banda, ‘teka, meron 
pa namang  society na kinapapalooban ng mga representasyon.’ Parang  nature  lang ang nawala, 
meron pa ring social referentiality.  
 
Pansinin na naroon pa rin, sa  lens  na ito, ang ‘krisis’ (na mag‐aanyong  contestations) dahil naa‐
undercut  lagi ang tangkang‐pagmamataas ng  truth dala ng pagkakalublob nito sa  society bilang 
regimes  of  power.  Pansinin  rin  ang  pagkahumaling  sa  ‘representasyon’  ng  mga  nasilo  ng 
diskursong ito. Oo, may society, pero titingnan ito bilang kalipunan ng mga ‘representasyon.’  
                
Serye  mula  Nietzsche  ang  makikita:  dahil  wala  nang  inosenteng  truth,  ang  tanging  matibay  na 
bagay  na  naiwan  ay  ang  ‘kapangyarihan’/power.  Kaya:  Nietzsche  (will  to  power),  tungong 
Foucault (regimes of truth), detour sandali kay Rorty (wasak na ang mirror of nature26), at punta 
kay Rabinow (pagbibigay‐diin sa kategorya ng  power). Ang mga sisiksik ngayon sa seryeng ito ay 
magbabandila sa power bilang sentral na temang dapat masaliksik. Paano nalilikha ang power ng 
x  sa  isang  partikular  na  kaayusan,  lugar,  at  panahon?  Hindi  na,  ‘totoo  ba?’  ang  tanong;  kundi, 
‘kung  sinasabing  ‘totoo’  sino  ang  nakikinabang,  anong  pamamayani/hegemony  ang 
magpapatuloy,  anong  posisyong  panlipunan  ang  nasisikil?’  o  ‘saan  at  kelan  nagiging  totoo  ang 
isang bagay?’ (Mga tanong na meron talagang halaga; ang punto dito ay: merong partikular na 
kwentuhang Kanluranin kung saan napahalagahang mabuti ang ganitong pagtatanong, na halus 
wala nang mas mahalaga pa.) 
 
Minsan,  dahil  magiging  parang  lens  ito  na  kukulay  sa  lahat  ng  matitigan,  ang  lahat  ay 
magkakakulay bilang  regimes of power. Mula ngayon, lahat ng ‘representasyon’ ay tumitindig, 
hindi na sa lumalabong ‘reyalidad’—hindi ng  nature—kundi ng  power: kahit saan ka lumingon, 
representasyon  lahat  ng  power.  Parang  hot  pan  de  sal,  power/politics  ang  magiging  mabiling 
paninda at tema ng  pag‐uusap. (Iba rin ang  hot pan de sal  sa ibang lugar:  cognitive science  at 
evolutionary psychology, halimbawa.) Kaya lohikal rin sa loob ng diskursong ito ang paglitaw at 
pagdami ng mga reserts tungkol sa  negotiating [x]: kung ang  power  ay nakakalat sa kung saan‐
saang  mga  sulok,  di  ito  pantay,  magalaw,  maaari    ring  makipag‐tawaran  sa  mga  magalaw  na 
sentro ng kapangyarihan.  
                
Kaya nga pagkatagal, medyo magtatanong narin si Derrida: ‘ang usaping‐pangkapangyarihan ba 
ay isang pangkalahatang makina ng pagsasalin?’ 27  
              
[18]  Pook  nina  Foucault  at  Chomsky.  At  ano  naman  ang  tindig  ni  Foucault  sa  tanong  na,  ‘ano 
ngayon  ang  pwedeng  gawin?’  Kakapit  siya  sa  ideya  ng  ‘intelektwal  bilang  kritiko  ng  lahat  ng 
porma ng dominasyon.’  
 
Sa  debate  nila  ni  Chomsky  tungkol  sa  justice  at  power,  maingat  nilang  nilalagyang‐hangganan 
ang kanilang mga tindig:  
 
         Foucault: ‘Para sa kaayusang pang‐Europa, wala akong mailalakong alternatibo, tama na 
         sa akin ang walang‐tigil na pag‐kritik at pag‐atake sa iba’t ibang porma ng class‐based na 
         kapangyarihan at paniniil.’  
         Chomsky: ‘Bagay, sa tingin ko, ang anarko‐sindikalismong tugon at alternatibo, para sa 
         industriyalisadong mundo.’28 
   
[19] ‘Imbitasyon’ hindi konklusyon. Liko tayo sa usapin ng ‘konstruksiyon’ na uso kamakailan lang 
sa ilang sulok ng Kanluran: na  minsan  may naka‐kabit  na  social  (social construction of reality). 
Noong  naging  problematiko  ang  social  (hindi  ba’t  kawan‐kawan  ang  mga  di‐taong  elemento 
kabilang  sa  network)  naging  construction  nalang. 29  Parang  halus  magkakamukha  ang  mga 
temang  biglang  lumaganap  sa  maraming  lugar:  construction  of  [  ],  inventing  [  ],  imagined  [  ]. 
Para  bang  noong  magkaroon  ng  ‘haka’  tungkol  sa  construction  ng  [  ],  tapos  na  ang  usapan. 
Pakinggan ang obserbasyon ni Taussig (Mimesis and Alterity): 
              
         When  it  was  enthusiastically pointed  out  within  memory of  our  [‘atin’?]  present  Academy  that 
         race or gender or nation … were so many social constructions, inventions, and representations, a 
         window was opened, an invitation [sino ang nag‐i‐imbita?] to begin the critical project of analysis 
         and cultural reconstruction was offered [para kanino?]. And one still feels its power even though 
         what  was  nothing  more  than  an  invitation,  a  preamble  to  investigation  has,  by  and  large,  been 
         converted  instead  into  a  conclusion—eg.  “sex  is  a  social  construction,”  “race  is  a  social 
         construction,”  “the  nation  is  an  invention,”  and  so  forth,  the  tradition  of  invention.  …  Nobody 
         was  asking  what’s  the  next  step?  …  If  life  is  constructed,  how  come  it  appears  so  immutable? 
         How  come  culture  appears  so  natural?  …  To  adopt  Hegel,  the  beginnings  of  knowledge  were 
         made to pass for actual knowing. (Akin ang diin.)30 
             
Ang tanong nga: kailangan ba talagang tugunan ang bawat imbitasyon? Baka bagay pa rin dito 
ang  payo  ni  Rene  O.  Villanueva  (‘Mga  natutuhan  ko  bilang  tao’):  ‘Piliin  ang  pakikisamahan. 
Huwag pakaladkad sa iba, kahit pa sa pinakamahal.’31 
 
[20]  Mga bulok na ideya.  May babala si Terry Eagleton32 sa ilang bulok na kaisipang dala ng  late 
capitalism. Ngunit paano maihiwalay ang ‘bulok’ at ‘sariwa’ sa kaalamang mula‐Kanluran? Iisa‐
isahin ang mga nakahilira, isusukat bawat isa sa kasalukuyang mga tunguhin: walang  short‐cut 
dito, uupuan, idadaan sa pag‐uulit‐isip, at isusubo sa hurno ng praktika, at baka sa huli ay lilitaw 
ang nakatagong ‘bago’ at makabuluhan para sa atin.  
 
[21]  ‘Liwanag  ng  napaglumaang  bagay.’  Pinansin  ni  Michael  Taussig  ang  ‘mangha’/amazement, 
‘galak’/delight,  at  ‘piyesta’/feast  ng  Kanluraning  mga  mata  sa  pagkakita  sa  ‘lapastangang 
liwanag’/profane  illumination  na  sumilakbo  noong  kumawala  itong  ‘hangin’/atmosphere  na 
nakakubli  sa  mga  ‘napaglumaang‐mga‐bagay’/outmoded  things  ng  Kanluran  at  ngayo’y 
ginagamit/ginagaya ng mga katutubo o ng Iba/Other: 
 
         But what is this “atmosphere” and how is it released? To a certain extent it is created by the way 
         Third World and its objects are in a global perspective [ibig sabihin: Euro‐Amerikano] generally 
         seen as permanently “recently outdated,” a reservoir of First World hand‐me‐downs and sleepy‐
         eyed memories of its earlier consumer items. Defined in advance as backward and always lagging 
         behind,  Third  Worlds  are  exemplary  of  the  recently  outdated…  This  character  of  being 
         permanently out of date, moreover, applies not only to things actually made in the Third World, 
         but with greater force to the objects imported and preserved over time—the 1930s and 1940s 
         cars,  the  1950s  telephone  systems,  the  prewar  Singer  sewing  machines,  the  mechanical 
         typewriters, and a thousand and one more such relics of modernity preserved in the time‐warp 
        of permanent underdevelopment and poverty, not to mention the dumping of First World waste, 
        toxins,  cigarette  ads,  and  technologies  found  to  be  harmful,  like  DDT  crop‐spraying  (Akin  ang 
        diin).33  
                
Ngayon: isa rin kayang ma‐salamangkang  galaw ng  mimesis (pagkokopya/bakas) ang nangyayari 
sa  atin  sa  bawat  ‘pagkokopya’  ng  kanilang  napaglumaang  teorya?  Magpipiyesta  rin  kaya  ang 
mga  mata  ni  Taussig  sa  ‘lapastangang  liwanag’  na  kanyang  makikita  sa  ating  mga 
pinagbubungangang teoryang nasalo mula sa kanila? Kelan nagkakaroon rin kakaibang  spectral 
quality ang isang teoryang‐angkat (tulad ng komoditi)?  
 
[22]  Pagkubli sa sopistikadong salita.  Sa pagbansag ba sa isang ordinaryong kilos bilang  habitus: 
may lumilitaw bang bagong pag‐unawa sa kilos? May kasabihang ‘nilikha ng tao ang wika upang 
ikubli ang laman ng kanyang isip.’ O di kaya: ‘nilikha ng tao ang wika upang ikubli ang kawalang‐
laman ng kanyang isip.’ Pagbubunganga (Zeus Salazar): ‘wala talagang sinasabi, nagbubunganga 
lang.’  
 
[23] Florid speaking at labaha ni Occam. Pansinin ang mga sumusunod:  
 
        We can clearly see that there is no bi‐univocal correspondence between linear signifying links or 
        archi‐writing,  depending  on  the  author,  and  this  multi‐referential,  multi‐dimensional  machinic 
        catalysis. [Sipi ni Richard Dawkins kay Felix Guattari]34  
 
Kargadong  mga  salita  ang  mga  ito,  na  madalas  makikita  sa  ilang  teoretista.  Sa  tingin  ng 
bayolohistang si Dawkins (na napakalinaw magsulat, di mo man sasang‐ayunan ang ilan niyang 
punto), pretensiyoso at peke ang mga teoretistang ganito magsulat. May mapupulot siguro dito 
kay William ng Occam upang gamit ang Occam’s Razor (prinsipyo ng parsimony) ay marendahan 
ang istilong ito kung di naman talaga nakakapagbigay‐linaw.  
 
[24] May mahirap unawain na hindi peke. Ngunit maging maingat dapat sa pagsasabing pakitang‐
gilas ang akda dahil lang  hindi madaling  unawain.  May  mahirap na  pagwiwika dahil nagsisikap 
buuhin sa wika ang isa talagang bagong porma ng pag‐iisip at pag‐unawa sa inaalam na bagay 
(halimbawa, depende sa husga, ang wika nina Heidegger o Hegel). 35 Minsan, sa paulit‐ulit mong 
pagbabasa sa kanilang mga linya, may bumubungang pang‐unawa na sariwa.  
 
[25]  Pagrenda sa ating liksi.  Ang tinutukoy dito ay hindi ang pagiging mali  per se ng mga Euro‐
Amerikanong  palaisip,  kundi  ang  pagrerenda  ng  ating  nagpapatuloy  na  liksi‐sa‐pagsalo,  sa 
medyo‐kenkoy  na  kislap  ng  ganitong  pasahan‐saluang  laro,  isang  sitwasyong  halos  hindi  na 
pwedeng  kahit  tumitig  man  lang  sa  kahit  anong  sulok  ng  bayan/buhay  na  hindi  mala‐multong 
lilitaw (o pinilit palitawin) sa harapan ang kakatwang anyo nina Giddens, de Certeau, Foucault, at 
iba pa. Ito ang komento ni Zeus Salazar: tadhana ng kumprador na intelektwal ang pag‐angkat‐
paloob ng mga sopistikadong‐konsepto at pag‐angkat‐palabas ng mga datos na ang objektib ay 
mapalusog‐lalo ang mga kategorya ng taga‐labas.  
               
[26] Paghinto at pag‐atras (o pagliko). Kung seryosohin natin ang kanilang refleksyon, baka ganito 
ang  dapat  gawin,  huminto  at  magtanong:  meron  bang  ganitong  karanasan?  Dapat  maging 
maingat dito, sa pakikinig, sa pagdanas, dahil pumapasok tayo sa porma ng pag‐alam ng kilos‐
loob  at  galaw‐katawan/daigdig.  Ang  ‘katotohanan’  ng  bawat  inaalam  ay,  kadalasan,  parang 
kislap  magpakita,  mahirap  hulihin.  Sabi  ng  mga  Griyego  (ayon  kay  Ferriols),  sozein  ta 
phainomena,  ‘iligtas  ang  nagpapamasid.’  May  naririnig  tayong  balita  tungkol  sa  kanilang 
kalagayan  (mula  kina  Marx,  Benjamin,  Taussig,  at  iba  pa):  meron  ba  tayong  kaparehong 
karanasan?  
 
[27]  Di‐pagtugon.  O,  baka  mas  mahalaga,  pwede  ring  umatras  ng  hakbang  (o  umiba  ng 
direksiyon),  at  magtanong:  ano  ngayon  kung  meron  o  wala?  Ano  ang  nakataya  kung  hindi 
masasagot ang kanilang binuksang tanong?  
 
Paano kung ang tamang tugon ay ang  di‐pagtugon sa ‘hamon’ (ng labas)? Baka di‐pagtugon ang 
kailangang  daan  upang  magka‐puwang  ang  sariling  mga  tanong  (ng  loob  o  bayan)?  Kakaibang 
atityud: ‘No, Thanks!36 
 
[28]  Pag‐imbentong‐muli  ng  gulong  (at  mata).  Isang  ispontanyong  kritika  noon  sa  Pantayong 
Pananaw ay: ‘bakit pa mag‐imbento‐muli ng gulong, ba’t di nalang manghiram?’ May punto ito. 
Ngunit  balikan  natin  ang  nangyaring  ‘pagsisipi.’  Sasabihin  nating:  totoo,  paano  nga  kung  ang 
talagang nangyari ay hindi ‘pagmana’ kundi ‘pag‐imbento‐muli ng gulong’? Sa ebolusyunaryong 
teorya, maaaring maimbento muli ang isang disenyo (halimbawa ang ‘mata’ ay maka‐ilang‐beses 
na  naimbentong‐muli  sa  magkaka‐ibang  Sanga  ng  Buhay).  Dahil  sa  ‘lohika  ng  sitwasyon’  at 
simpleng ‘pagka‐nariyan ng sangkap’ na oportunistikong ginamit ng seleksiyong natural, lumitaw 
makailang‐beses sa iba’t ibang sanga ang mata.  Ang resultang disenyo ng dalawang organismo 
ay  may  pagkaka‐mukha  hindi  dahil  sa  magka‐parehong  ninuno  (divergent  evolution)  kundi  sa 
magkakaparehong‐kondisyon‐ng‐buhay  (convergent  evolution).  Paano  kung  kailangan  ngang 
imbentuhing‐muli ang gulong (at ang mata)? 
              
Ang ‘gulong’ ay talagang mag‐aanyong bilog kahit saan: kakatwa kung dumaan muna sa pagiging 
parisukat, tapos, poligon na may anim na gilid, tapos walo, labing‐anim, hanggang maging ‘bilog’ 
na talaga. Kaya maaaring nai‐imbento nga lagi ang ‘gulong’ sa magkakahiwalay na mga pook na 
may‐pangangailangan ng trabahong ‘pagpapa‐gulong’ ng x: hindi na ito kailangan pang ‘sipiin’ sa 
iba (sa Doktrina ng Pagsipi) na nagkataong nauna‐sa‐panahon.  
 
 
 
                
                
                

                
 

PILOSOPIKAL NA PAKIKINGATNGAT: UNTUL NG DI‐BUO 
 
[29]  Ironya.  Itatanong  dapat  lagi  kung  ang  napapansing  “bungguan”  ba  ay  talagang  magkaiba 
(galing  sa  magkaibang  direksiyon)  o  talagang  magkabilaang‐posisyon  ng  iisang  problematiko. 
Minsan,  ang  tonong  sarkastiko  ay  para  lamang  bigyang‐diin  ang  isang  punto  at  hindi  upang 
ipakitang  maling‐mali ang  nakantiyawang posisyon. Ironya: ilang hibla ng nakantiyawang ideya 
ang gagamitin mismo.  
 
[30]  Hindi  pagpapatagpo  kundi  pagbabalangkas  sa  banggaan.  Kadalasan,  mapapansin  ang 
ganitong sitwasyon sa problemang‐pang‐teorya (mula kay Žižek): 
 
        Paano kung ang totoong tanong ay hindi kung paano pagtagpuin ang magkabangga [punan ang 
        puwang sa gitna ng magkabilaang tindig] kundi kung paano  balangkasin ang banggaan, paano ito 
        unawain  ng  mabuti?  [What  if  the  actual  problem  is  not  to  bridge  the  gap  but,  rather,  to 
        formulate it as such, to conceive it properly?]37 
 
[31]  Larangan  ng  di‐(pagbu‐)buo  at  pag‐aadhika  ng  ‘kabuuhan.’  May  ideya  ng  pagka‐‘buo’  na, 
labas sa karaniwang sentido ng inaasam natin na ‘tayo sana’y mabuo’ (bilang ‘loob’ at ‘bayan’ o 
‘bansa’),  ay  kakatwang  guni‐guni  lamang  kundi  man  kabalintunaan.  May  isang  larangan  kung 
saan ang hindi pagiging ‘buo’ ang nakikitang kaayusan o tunguhin.  
 
Paano kung, sa larangang iyan, ang pagka‐di‐buo ang siya talagang kalagayan‐ng‐pag‐iral? Isipin 
ang  mga  sumusunod:  ‘pagka‐tao,’  ‘isang  partikular  na  panlipunang‐uri,’  at  ‘isang  partikular  na 
disiplina’ (halimbawa, antropolohiya). Dito, walang ‘pagbubuo’ dahil kalikasán at lohika nila ang 
di‐pagkabuo o di‐pakikipagbuo. Isipin uli sila:  
 
(1) ‘TAO’ (at ‘di‐tao)’ at isipin ang ‘ebolusyon,’ symbionts, at dinamiks ng post‐human38;  
(2) ‘URING‐API’ (at ‘uring mapang‐api’) at isipin ang rigor ng class struggle39;  
(3)  ‘ANTROPOLOHIYA’  (at  mga  di‐antropolohikal  na  disiplina)  at  isipin  ang  pagpapaibayo  ng 
interdisiplinaryong  praktika  at  makabansang  pag‐aagham,  hanggang  sa  pagwawasak  ng 
‘antropolohiya.’  
 
Sa isang kakaibang pilosopikal na pormulasyon, may larangan kung saan ang ‘isa’ ay ‘hiwalay na 
kaagad  sa  sarili.’40 Maging  alisto  tayo  sa  (hangganan  ng)  adhikang  ‘kabuuhan.’  Ibig  sabihin, 
pragmatikong adhikain ito, hindi ontolohikal na proposisyon. 
 
[32]  Sitwasyong  untul.  Ngunit  sa  huli,  makikitang  may  ‘sitwasyong‐untul’  (deadlock)  sa  pinaka‐
pusod  ng  pagti‐teorya  at  ng  nagti‐teorya.  Tinutukoy  dito  ang  (tila)  di‐mabuburang  banggaang‐
posisyon sa sumusunod na mga usapin:  
 
(1) kung anong bagay ang isa‐teorya (ibig sabihin, pagka‐abalahan); 
(2)  kung anong ‘pook’ ang papahalagahan at  kung anong paninindigan41 meron ang isang nagti‐
teorya  (matingkad  na  makikita  sa  usaping  ‘maka‐uring  paninindigan’  at  pagiging 
makabayan/bansa, ‘anong bayan?,’ ‘anong bansa?’);  
(3) (kung mang‐angkin man) anong mga konsepto ang aangkinin mula sa labas.  
 
Magkaka‐ugnay ang mga nabanggit. May mga bungguang posisyon na elemental:  intrinsiko ang 
gap:42 ito ang ‘untul’ o deadlock na sitwasyon.  
 
Ano  ngayon  kung  isang  ‘untul’  ang  sitwasyon?  Kung  untul  nga  ang  isang  banggaan,  hindi 
‘pagkakasundo’  ang  proyekto,  kundi  ang  matinong  pag‐unawa  sa  gap.  Paano  kung  may  mga 
porma ng ‘banggaan’ na hindi kailangang ‘lutasin’? Paano kung may mga posisyong hindi talaga 
posibleng pagtagpuin—dahil talagang magkabilaan, mukha ng iisang barya?     
 
 
 
 
 
 
 
 
                
                
                
                
                
 

PAGHARAP‐MULI SA PROYEKTONG PANTAYO: PALIHIS NA PAGPAPATULOY 
 
[33]  Akrobatiks ng tayo at ng ‘iba.’  Makikita siguro na ang proyektong ito ay tumutulay sa mga 
ideyang  nabuo  bilang  ‘pantayong  pananaw’  ni  Zeus  Salazar  (at  kaugnay  na  mga  ideya  ng 
‘pilipinolohiya’ ni Covar at ‘sikolohiyang pilipino’ ni Enriquez). Bilang isang pagtugon sa kritikang 
‘pantayo’ ni Zeus Salazar (at proyektong tinatawag na  indigenization  ng agham) at ng kaniyang 
praktika  ng  pagsasalin  mula‐labas‐paloob,  maaaring  tingnan  ang  ganitong  pagtatangka  bilang 
pagpapakita sa pagkahabi‐habi—di‐pagkakahiwalay—ng talastasang: 
 
(1) pantayo (taga‐loob ang kausap sa topikong karaniwan, o di‐karaniwan, sa ating pamumuhay), 
sa,  
(2) pansila (taga‐labas ang pinag‐uusapang mga bagay‐bagay, kahit taga‐loob ang kausap),  
(3)  pang‐kami  (taga‐labas  ang  kausap  at,  kadalasan,  ito  ay  tungkol  sa  mga  topikong  mainit  sa 
kanila o di‐kaya ay mga bagay‐bagay na meron silang interes), at,  
(4) pang‐kayo (taga‐labas ang kausap, at sila rin ang bagay na pinag‐uusapan).  
 
Makikita  ang  peligroso  at  akrobatikong  tindig  nito  sa  tangkang  sabay  na  pag‐iiba‐at‐
pagpapaibayo  ng  praktikang  ‘pantayo’  ni  Salazar:  pagkilala  sa  kasalimuotan  ng—at 
kinakailangang bungguan sa—umiiral na nabubuong talastasang‐bayan/intelektwal.       
 
[34]  Pagtaya  na  makabuluhan  (pa  rin)  ang  ‘karanasang  Pinoy.’  May  pagtaya  dito  na  ang  ini‐
endorsong  magkakabit  na  tema  [71]  ay  naka‐ugat  sa  kasaysayan  at  karanasang  Pinoy  at 
tumutugon sa mga praktikal na tunguhin at preokupasyon ng bayan/bansa: at ang kaugnay na 
punto  na  makahulugan  pa  rin  ang  kategoryang  ‘loob’  bilang  bayan/bansa.  May  pagtaya  rin  na 
meron talagang maipagpapatuloy nang ‘kasaysayan’ at ‘karanasan’ na ‘Pinoy,’ at makabuluhang 
ipagpatuloy ito. 
 
[35]  Simplipikasyon at ang totoong anyo ng ‘pantayo.’  May ipinakitang mahalagang dimensiyon 
ang ‘alamat ng tayo at sila’  [03, 04], ngunit isa pa rin itong ‘pantasya’ sa ilan nitong hibla: may 
peligro sa simplistikong naratibo. Kailangan itong lagyan ng supplement.  
 
Ganito: Paminsan‐minsan, nag‐aanyong Pan‐sila ang pag‐uusap, dahil hindi nila maiwasang hindi 
pag‐usapan ang taga‐labas at ang kanilang mga mapang‐akit at makapangyarihang mga diskurso. 
Minsan naman, kausap na ng elit ang bayan, ngunit sa mode  na tuturuan nila ang bayan ng mga 
bagong  bagay  na  natutunan  nila  (kay  Marx  at  Lenin,  halimbawa),  na  mahalaga  rin  naman 
(mangangako rin naman sila na matamang makikinig sa bayan, ‘mula sa bayan, balik sa bayan,’ 
matapos  i‐process  ang  mga  kuwento‐ng‐bayan  sa  makina  ng  Marxismo:  ang  masalimuot  na 
tagpuang ito, gaano kagaling silang makinig‐sa‐bayan, ang malikhaing mga istilong lumitaw, ay di 
pa  buong  napapag‐aralan).  At  minsan  uli,  ang  pag‐uusap  ay  sa  pagitan  lang  ng  mga  elit,  mag‐
uusap‐usap  ang  mga  Ingleserong  Pinoy  (tungkol  sa  gamit  ng  mga  saling‐akda  ni  Foucault  at 
Derrida, halimbawa); minsan, sa  hybrid at  pidgin  ng mga Tagliserong Pinoy  rin.  Minsan  din, sa 
pagitan  lamang  ng  akademikong‐Pinoy  at  isa  pang  akademikong‐Pinoy  ang  pag‐uusap,  tungkol 
sa  buhay‐buhay  ng  kanilang  bayan.  Sa  huling  halimbawa  na  ito,  di‐maiwasang  may  mga 
bokabularyong  hindi  direktang  maunawaan  ng  isang  labas‐sa‐akademikong‐larangan  (ang 
maalamat  na  ‘magbabalot’  at  ‘tindera  ng  palengke’).  Ganito  ang  totoong  anyo  ng  Pantayong 
Pag‐uusap. 
 
Sa pagbubuo natin ng matatag  na ‘pantayong pananaw,’ dapat masalungguhitan na ito ay: 
  
         Hindi: ‘Ito lang, at huwag iyon’ (binaryo ng 0 o 1).  
         Kundi: ‘Gaano kabigat at kadalas ang ibibigay dito, kumpara doon’ (range ng values sa pagitan ng 0 
         at 1).  
 
Taktika ang binaryong pagpapatingkad sa katotohanang gumagalaw sa malawak na pagitan ng  0 
at 1.  
 
[36]  Ang mga sumunod sa mga Propagandista.  Binigay ito ni ZA Salazar sa isang lektura43 sa UP 
Mindanao (Hunyo 2006): 
 
        Masasabing  ang  mga  ilustrado’t  propagandista  (Paterno,  Lopez‐Jaena,  Rizal)  ang  siyang  mga 
        unang “pre‐siyentipikong” antropolohistang Pinoy na, tulad ng kanilang mga katunggaling Kastila, 
        ay  di  nagsanay  sa  nabubuo  na  noong  “siyensya”  ng  antropolohiya.  Samakatuwid,  ang  wala  sa 
        kanila ay pamamaraan at konting pagrerenda sa sariling damdamin. 
         
        Masasabing  mas  iskeptiko—di  mapapaniwalain,  di  madaling  mapaniwala—sila  kaysa  sa 
        kasalukuyang mga “siyentipikong” antropolohista na “nagsanay” na “sa abroad” at dito na rin sa 
        atin. Ang tendensya—sa katunayan, ang tanging Gawain—ng mga ito kadalasan ay hanapan ng 
        mga patunay (Tangco, Manuel, Zamora, Jocano, Clavel, Paz at iba pa) sa reyalidad etnograpiko at 
        arkeolohikal  ng  Pilipinas  ang  mga  teorya  ng  kani‐kanilang  mga  propesor  o  isponsor  sa  ibayong 
        dahat. Ang kailangan nila ay pagpopook ng sarili sa Pilipinas at malaking dosis ng iskeptisismo,44 
        batay  sa  katotohanan  na  lahat  ng  pananaw—laluna,  sa  teoryang  antropolohika—ay  nakapook, 
        nakapaloob sa isang kontekstong pangkalinangan. (Akin ang diin.) 
 
[37]  Hindi simpleng ‘wika’ lang ang isyu.  Bagaman malalim dapat ang pagkilala sa halaga ng wika 
(sa  proyekto  ng  pagbubuo  ng  ating  tradisyong  pang‐agham  at  proyektong  maka‐bansa) 45 
hadlang  sa  pag‐unawa  sa  mga  puntong  ini‐endorso  dito  ang  labis‐na‐pagtitig  sa  isyung  pang‐
wika.  Sa  mga  nagsasabing  ‘mahirap  ang  Tagalog  o  Filipino,’  walang  ibang  masasabi  kundi,  (1) 
paghiling  ng  pasensya  sa  isang  papel  na  nagpapahasa  pa  rin  sa  wikang  Pinoy,  at  (2)  pagbigay‐
pangako na pwede ring pag‐usapan ito sa Ingles o Bisaya, sa isang karaniwang usapan, kung ang 
isa ay talagang may malasakit sa mga tema at tanong na pinipresenta. 
 
Mahalaga  rin  ang  panlipunang  aspeto  ng  wika.  Halimbawa,  subukang  makipag‐usap  sa  isang 
‘kapareho’ mo ng wika ngunit nasa ibang panlipunang katayuan. Kailangan mong makipamuhay 
muna  sa  ginagalawan  niyang  larangan  bago  maging  maayos  ang  inyong  pag‐uusap.  Alam‐na‐
alam  ito  ng  mga  aktibistang  nakipamuhay  sa  maraming  nagbi‐Bisaya‐nang  mga  lumad  sa 
Mindanaw. 
 
[38]  Bakit ba tayo naaakit sa labas?  Hindi maitatangging mapang‐akit ang maraming diskursong 
Kanluranin. Namamangha tayo sa mga bungang‐isip nila. Ngunit imbes na tumunganga sa ating 
pagkamangha, itatanong natin: ‘bakit tayo namamangha?’ 
          
Ilang puntong maaaring makasagot:  
 
(a) namana natin (at naging idee fixe) mula sa Propagandistang tradisyon ang pagkahumaling sa 
Pangkaming praxis (mula kay Salazar ang pagtayang ito);  
(b)  na‐salamangka  tayo  sa  ‘marayang  ningning’  (sensu  Emilio  Jacinto)  ng  ‘kaisipang  kolonyal’ 
bunga ng ‘misedukasyon’ (Renato Constantino); 
(c) magaling talaga sila sa marketing ng kanilang mga ideya;  
(d)  nagkataong  nauna  talaga  nilang  nahukay  ang  malalalim  na  katotohanang  ‘unibersal’ 
(malawak)  ang  aplikasyon.  (Nakaangkas  dito  ang  ideyang:  meron  talagang  “abanse”  at 
“atrasado” sa larangan ng teknolohiya at, kung gayon, sa kaalaman: dahil sa akses na dulot ng 
makapangyarihang  teknolohiya,  mas  masaklaw  ang  maaaring  abutin  ng  kaalamang  Kanluran 
patungkol sa tao at daigdig.)  
           
Isa  pa,  nagiging  magaling  ang  mga  Kanluranin  dahil  magaling  rin  silang  humulma  ng  mga 
malalaking tanong: isipin ang mga tanong nina Kant, Hegel, Marx, Freud, Darwin. 
 
[39]  Bakit sanay sa ‘malalaking tanong’ ang taga‐Kanluran?  Isa sa naging sangkap sa alindog ng 
Kanluraning  diskurso  ang  lalim  ng  tradisyon  nito  sa  pagsasa‐aklat  ng  kanilang  mga  naisip,  ang 
nagpapatuloy  na  paglinang  nila—walang  katapusang  pagpo‐futnowt—sa  mga  naisip  ng  mga 
nauna: halimbawa serye ng mga komento kay Plato, komento sa komento kay Plato, komento sa 
komento  sa  komento  kay  Plato,  kaya  sasabihin  ni  Whitehead  na  ang  buong  kasaysayan  ng 
Kanluraning pilisopiya ay serye ng mga futnowt kay Plato. Pangalawa, natutunan nilang gumawa 
ng mga sulating ang freym ay kadalasang pan‐daigdig, sa pinakamalawak nitong anyo (global na 
diskurso):  malaki  ang  kaugnayan  nito  sa  kanilang  karanasang  Pananakop.  Mas  masaklaw  ang 
tingin  dala  ng  mas  masaklaw  na  pananakop,  na  nagpalitaw  narin  sa  mas  sopistikadong 
paghahambing, klasipikasyon, at titig‐mula‐sa‐taas na pag‐aaral ng mga nasaklaw na bayan.  
 
Ang  aklat  at  iba’t  ibang  teknolohiya  ng  pag‐aaral  sa  katutubong  nasakop,  ay  nagpatatag  sa 
kaalamang  naipon  ng  mga  taga‐Kanluran.  Kadalasan  sa  mga  kaalamang  nabuo  nila,  kahit  pa 
sasabihing mantsado‐ng‐kolonyalismo, ay di‐maitatuwang ‘nakakagat rin talaga sa meron.’ 
 
[40]  ‘Purong  pampanitikan  lamang’.  Balik‐tanawin  ang  ‘Sermon’  ni  Padre  Damaso  at  ang 
‘pagbabasa’ nito ng mga indio: at ikumpara ito sa komento ni Marx sa mga Alemang intellektwal 
na nanghihiram ng teorya mula sa Pransya:46 
           
        Masibang  pinagkakamkam  ng  mga  [Alemang]  pilosopo,  mala‐pilosopo  at  intelektwal  ang 
        literaturang ito [mula sa Pransya]; lamang, nakalimutan nila na, sa pagpasok ng mga sulating iyon 
        mula  sa  Pransya,  ay  hindi  kasabay  na  lumipat  ng  lupain  patungong  Alemanya  ang  mga 
        kondisyong  Pranses  ng  kabuhayan.  Sa  harap  ng  mga  kondisyong  Aleman  nawalan  ng  lahat  ng 
        direkta’t  praktikal  na  kabuluhan  at  nagkaanyong  purong  pampanitikan  lamang  ang  kasulatang 
        Pranses. 
     
Bilang ‘purong pampanitikan lamang’ bukas sa ‘pangingisda’ ang mga sulating galing sa labas na 
pumapasok sa bayan. 
 
[41]  Ang  isdang  bangsi  at  ang  loob  at  labas  ng  bayan.  Balikan  natin  ang  metapora  ng 
‘pangingisda.’  Baka  kenkoy  ang  gawaing  ‘pangingisda’  kung  bayan  ang  inaalam  at  inuunawa? 
Paano mangisda ang isa ring isdang‐bayan? Baka dapat ‘paglangoy’ at ‘pagsisid’ ang dapat gawin. 
Baka  ang  mas  magandang  metapora  ay  ang  ebolusyunaryong  estratehiyang  nalikha  ng  isdang 
bangsi  (flying  fish).  Isang  isdang  marunong  sumisid  at  lumipad  sa  ibabaw  ng  dagat.  Maaaring 
ikumpara  ito  sa  isang  doble‐tindig  na  pamamaraan  na  tatawagin  ni  Padre  Ferriols  (Mga 
Sinaunang Griyego) na ‘tanaw’ at ‘tarok’: 
             
         Para  tayong  nakasakay  sa  isang  helikopter  na  linilibot  ang  isang  malawak  na  karagatan. 
         Matatanaw  natin  ang  buong  ibabaw  nito.  Hindi  tayo  mababasa.  Hindi  natin  sisisirin  ang 
         kailaliman nito. Tatawagin nating “tanaw” itong patakarang ito. 
          
         Ang pangalawang patakaran naman ay may pagkaiba. Nakasakay tayo sa isang motorboat na may 
         radar  na  nakatatarok  kung  gaano  kalalim  ang  dagat.  Paminsan‐minsan  ay  hihinto  tayo  upang 
         mag‐iskuba nang  talagang  maranasan  natin  ang  mga kahiwagaang umiiral  sa  ilalim  ng tubig.  Sa 
         ating pagkaginaw, matatauhan tayo kung gaano kalawak at lalim ang hindi natin nararanasan. […] 
         Tatawagin nating “tarok” itong patakarang ito. (Akin ang diin.)47 
 
[42]  Sarili  at  ang  dinamiks  ng  ‘indibidwal.’    Isang  anekdota:  Matapos  ang  talakayan,48 isang  1st 
year na estudyante, ang lumapit sa akin at nagtanong:  
 
         ‘Sir, bakit ba umiikot lahat ang usapan sa kayo, tayo, sila, kami at walang ako, pang‐ako?’ ‘Oo nga, 
         sir,’  pag‐sang‐ayon  ng  dalawa  pa  niyang  kasama.  Matapos  kong  sabihing,  ‘magandang  tanong 
         ‘yan,  pag‐isipan  ko  pa,’  sinabi  ng  isa  na:  ‘sir,  okey  lang  po  na  ‘pag  nagkatagpo  tayo  kahit  saan, 
         sabihin mo sa amin kung may sagot ka na?’ 
 
Ang  tanong  kung  saan  ang  ‘ako’  at  ‘sarili’  sa  usaping  ‘tayo’  at  mga  kaugnay  na  tindig‐pook  ay 
talaga namang mahalaga. Dapat ding bigyang‐diin ang kategorya ng ‘indibidwal’ (di lang ‘bayan’) 
sa pag‐usisa ng panlipunang dinamiks: halimbawa, bilang balon ng mga mapanlikhang galaw na 
sasalain (ala ‘seleksiyong natural’) ng ‘talastasang‐tayo.’  
 
Batayang elemento rin ang ‘ako’ at ‘sarili’ sa pagbubuo ng isang matalik na pag‐uusap (‘ikaw at 
ako’)  sa  pagitan  ng  mga  ‘kapwa.’  Ang  ‘ikaw‐ako’  na  pag‐uusap  ay  nakapook  rin  sa  matatag  na 
‘tayo,’  ang  ‘tayo’  ng  ‘ikaw’  at  ‘ako.’  Pag‐isipan  rin  ang  mga  payong  ito  ni  Rene  Villanueva  (sa 
larangan ng pagsusulat):49  
 
          (1) ‘Habang nagsusulat, sarili lamang dapat ang masiyahan.’  
          (2) ‘Ang tunay na sukatan ng akda ay sa silbi nito sa iba.’  
          (3) ‘Maging seryoso sa buhay, pero huwag laging seryosohin nang husto ang sarili.’ 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
                 
                 
                 
                 
                 

                
PAGHIHINTAY SA ‘AHA’ 
 
[43] Ano nga uli ang mga tanong? Heto ang mga elemental na tanong na siya nating isaisip:  
 
(1) ano ang mga tanong na dapat nating itanong?, at kadugtong nito, 
(2) kung mangalap man tayo, para ano? 
 
Dagdag: pabirong nabanggit ito ni Pons Bennagen sa isang pag‐uusap, ‘Gusto kong simulan ang 
tatawagin  kong  So‐what  Anthropology.’  Isisiksik  lagi  ng  antropolohiyang  ito  ang  tanong  na:  so 
ano ngayon? Para laging matauhan.  
 
[44]  Hindi masama ngunit peligroso.  Habang hindi masama  per se ang mangalap, para sa isang 
Pinoy na may makabansang paninindigan, peligroso ang nawawala‐sa‐pook na ‘pagbubunganga’ 
at ‘pakikisawsaw’ sa mga hindi‐pinopook50 na diskurso. Mahalagang ideya: mas lilitaw ang mga 
sariwang punto ng mga nakalap na kaalaman kung iisiping iba ang pook nila. 
 
[45] Proyekto at praxis ng pag‐i‐‘iba’ at pagpapalitaw ng ‘bago.’ Malawak ang mga tema at tanong 
[71,  72]  kaya’t  maaaring  magtanong  (ang  isang  nagmamadali):  ‘halus  lahat  naman  pwedeng 
ipasok d’yan, kaya ano ang bago?’ (Malamang na i‐gloss rin ang mga tema bilang ‘ways of living,’ 
‘everyday life,’ ‘social classes,’ ‘ecosystem,’ o ‘ecology.’) Ngunit pagmunimunihan natin ito: 
 
(1)  Iba  ang  magiging  pananaw  kung  dumaan  ang  isa  sa  kritika  ng  Pantayo  (at  ng  mga 
naumpisahang  proyekto  nina  Enriquez,  Covar,  at  Salazar).  Iba  ang  direksiyon  ng  pag‐iiba  kung 
ang diin ay bilang ‘tayo’ at ‘sila’ (kumpara sa ‘kami’ at ‘kayo’).  
(2)  Mahirap  talaga  ang  tanong  (‘may  bago  ba?’)  dahil  ang  magiging  buong  pagsagot  nito  ay 
lumalampas na sa simpleng pag‐uusap at pagbubukas‐bibig.51  
 
Bagong  ano?  Pang‐unawa  sa  ‘pagka’  at  ‘pagiging’52 ng  ‘sarili,’  ‘kapwa,’  at  ‘iba,’53 ng  ‘buhay’  at 
‘pamumuhay’ [71]. 
 
[46]  Pagpapalitaw  sa  aha.  Kelan  masasabing  ang  konseptwalisasyong  ginawa  ay  talagang 
nagbubukas ng bago at sariwang pang‐unawa sa isang bagay (isang  aha!)  at di lang isang porma 
ng sopistikadong ‘redeskripsyon’ ng mga bagay na matagal na nating alam?  
 
[47]  Pagtuntong  (at  pag‐iisip‐muli)  sa  karaniwan.  Ang  tinutukoy  dito  ay  ang  paglilinang  sa  mga 
konseptong karaniwan na sa atin at ang pagpapatalas ng mga ito: (1) pag‐iisip‐muli sa kanila sa 
loob ng karaniwang buhay, at (2) paghahambing nito sa iba pang konsepto (loob o labas man ng 
kalinangan), at iba pang mga kaparaanang pang‐linang.54 Ibig sabihin, pag‐aaralan ang paraan ng 
matino at disiplinadong pag‐sagot sa ating mga tanong, ang sining/lohika ng pagbibigkas ng mga 
tanong at paglilikha/pagbubuo ng mga tangkang‐sagot. Ang punto ay ang pagpapatalas mismo 
ng mga karaniwang kategorya at pag‐aangat sa potensyal nito bilang kasangkapan sa diskursong 
pang‐agham.  
 
Ang  tagumpay  ng  tinatanaw  na  proyekto  ay  isang  bukas  na  tanong:  makikita  lamang  ang 
bisa/hina nito sa daloy mismo ng pagsasagawa at paghaharap sa mga aktwal at praktikal na mga 
hamong  hindi  buong  maisip  sa  umpisa.  Kaya  nasa  programatikong  lebel  ang  tono  ng  ini‐
endorsong  mungkahi  dito.  Hindi  bawal  ang  mangalap,  o  mangisda  o  mangaso,  ng  konsepto: 
ngunit pwede ring mag‐linang. 
 
 
 
 
 
 
 
              
              
              
 
 

DISKURSO NG KAMAY AT AGONISTIKS NG PANGANGALAP 
 
[48]  Lampas  sa  bibig.  Ang  metapora  ng  bibig,  pagkain,  iba  pang  bahagi  ng  katawan,  at  ilang 
karaniwang  gawain  (tulad  ng  pangingisda),  ang  magpapakita  bilang  tuntunggang‐isip  ng  ating 
karaniwang mga pag‐uusap. Maaaring tumawid mula ‘bibig’ tungong ‘kamay,’ ‘tiyan,’ ‘katawan,’ 
at ‘daigdig’ ang agham‐taong pag‐aaral. 
 
[49]  Bricolage.  Lubos  ba  o  limitadong  pagpapakadalubhasa  sa  diskurso  ng  labas?  Ang 
‘pangingisda  sa  dagat  ng  mga  diskurso’  at  ang  teoritista  bilang  bricoleur  ay  kahawig  ng 
ebolusyunaryong  istilo  na  tinaguriang  exaptation55 ni  Gould,  pag‐gamit‐muli  ng  isang  bagay  na 
iba  kaysa  orihinal  nitong  function.  Dugtong  na  tanong:  saang  pook    (paligid‐ng‐pangangalap) 
gagalugad ang  bricoleur?56 Kung ‘kamay’ ng bricoleur ang larawang tutungtungan, ang atensiyon ay 
sa  gawain,  at  sa  galing  ng  bagay  na  ginagawa,  at  dito,  hindi  na  masyadong  inaalala  kung  saan 
nanggagaling ang mga sangkap. Ito ang tinatawag ni Arnold Azurin na ‘pinakbet haypotesis,’ 57dahil, 
ayon pa, kung saan‐saang lupalop (ebolusyunaryo at historikal) nanggagaling ang mga sangkap nito 
ngunit tatak‐Ilokano pa rin ang nabuong ulam.   
 
[50]  Pagpapakadalubhasa  at  pragmatikong  pag‐angkin.  Paano  kung  ang  ‘pagbubunganga’  ay 
talagang  mga  kailangang  hakbang  tungo  sa  bumubunga‐ng‐pang‐unawang  ‘pag‐uulit’?  Paano 
kung merong sitwasyon na ang ‘pagbubunganga’ at ‘pangingisda’ ay magkabilaang mukha lang 
ng iisang gawain? Nagiging ‘pagbubunganga’ kung titingnan banda roon: susukatin ang nakita sa 
métier  ng  pagpapakadalubhasa;  ngunit  ‘pangingisda’  kung  titingnan  sa  tabing  ito:  pragmatiko, 
may‐hinahabol‐na‐iba, taktikal, gawaing‐brikolyur na pag‐aangkin ng mga ideyang ‘pwede‐na’ at 
‘madaling hablutin habang wala pang iba.’ 
 
[51]  Ngunit paano kung tusô ang bricolage?  Ngunit  paano kung  ang gawaing‐brikolyur ay isang 
porma  lang  ng  katamaran:  antuking‐isip  at  katawang  tamad  makipamuhay  sa  bayan/Banwa? 
Paano kung may uri ng  bricolage  na nambibitag? Paano kung ganito kumilos ang Hegelyanong 
cunning  of  Reason?  Balikan‐muli  ang  nangyari  sa  mga  indio  na  nakikinig  at  ‘nangingisda’  sa 
sermon ni Padre Damaso: mas tumatag ang  gahum  ni Padre at ng ‘Poon’ sa kanilang guni‐guni 
[05]. 
 
[52]  Libreng kotse bilang teorya.  Minsan: ang isang konsepto ay nagsisilbi ring parang ‘metodo,’ 
paraan ng pagtitig, kasangkapan sa ‘pagbubuo’ mismo ng ‘bagay’ na aalamin  [56]. Hindi ngayon 
madaling mapaghiwalay ang payak na ‘metodo’ sa teoretikal na konsepto. Isipin ang isang  gratis 
na kotse: bakit hindi tatanggapin, libre nga; ngunit, dahil kailangang alagaan, papagawan mo ng 
garahe, liliit ang iyong kwarto, kakain ng sahod ang maintenance, at maraming oras ng paglilinis. 
Kumakasangkapan rin ang mga kasangkapan.    
 
[53]  Modularity  at  misreading.  Minsan,  ang  mga  konseptong  mula  sa  labas  ay  natatanggal  sa 
kanilang  kinalalagyang  konsteksto  at  ginagamit  sa  paraang‐modyular. 58  Minsan  nga  ang 
misreading  ang  nagiging  paraan  upang  magkaroon  ng  epektong‐modyular  sa  mga  nakuhang 
konsepto. Bilang modyul, nagagamit sila bilang elemento sa pagbubuo ng sariling freymwork at 
nagkakaroon ng digri ng pagka‐bago ang nalilikhang kaalaman.  
 
[54]  Makakapag‐isip  ba  tayo  na  hindi  umaangkin?  Ang  mahalagang  tanong  dito  ay  hindi  kung 
‘kaya ba,’ kundi kung ‘posible (pa) ba’ (na hindi mangalap sa labas)?  
 
 
 
 
 
                  
                
                
 

HYPOTHESIS‐TESTING BILANG TEKNIK SA PAG‐ALAM 
 
[55]  Falsification  at  teorya.  May  matalas  na  halaga  pa  rin  ang  lohika  ng  hypothesis‐testing. 
Halimbawa ng isang hypothesis:  
 
(a) mukhang may papel ang y sa paglitaw ng x;  
(b) dahil palaging nakikitang kakabit ng y ang j,  
(c) dapat ko ring makita ang j sa bawat paglitaw ng x;  
kung hindi, mali ang (a).  
 
Kaya’t gagawa ng set‐up na magbubukas sa posibleng  falsification ng  (c), bilang  inference ng  (a) 
at (b).  
 
Tinutumbok dito ang isang katangian ng proposisyong siyentipiko:  falsifiable  ang mga pahayag 
(conjectures  at  refutations). May ilang pagpipino sa argumento mula sa tinatawag na posisyong 
Duhem‐Quine  (hindi  dali‐daling  itinutumba  ang  (a),  sa  itaas,  dahil  lang  sa  iilang  falsification 
experiments.  Ngunit  ang  kernel  ng  punto  ni  Popper  ay  siya  pa  ring  namamayaning  lohika  na 
binabanggit bilang modelo ng mga sayantipiko. Ang mga di‐napapatumbang haka, matapos ang 
ilang  alon  ng  paghahampas,  ay  maaaring  mapag‐ugnay‐ugnay  sa  isa’t  isa  bilang  ‘teorya’ 
(ebolusyunaryong  teorya:  napagdugtong  ang  genetics,  paleontology,  population  biology, 
physiology, at iba pa). 
 
Ngunit  hindi  lahat  na  mahalagang  katanungan  (istilo  ng  pag‐alam)  ay  maaaring  ipasok  sa 
hulmahang hypothesis‐testing.  
 
[56]  Pagpapangalang‐muli.  Ngunit paano titingnan ang isang bagay? O di‐kaya: paano bubuohin 
ang ‘bagay’ na tititigan? Paano ‘likhain’ ang ‘ito’ na siyang sasaliksikin, at kadalasan, lalapatan ng 
siyentipikong  istilo  ng  pagtaya‐pagpapatumba  (falsification).  Isang  a:  may  isang  prusisyon‐ng‐
santo,  walang  ano‐ano’y  biglang  tumawid  ang  isang  taong  hila‐hila  ang  kalabaw,  na  sandaling 
nagpaputol  sa  prusisyon.  Ano  ang  nangyayari  dito?  ‘Pagtawid.’  Ito  lang  ba?  Maaaring  sabihin: 
isang ‘pagsuway’ sa otoridad ng Simbahan ang naganap. Isang anyo ito ng umid na ‘pagkontra’ 
sa kapangyarihan. Ang ‘pagtawid sa daan’ ay papangalanan‐muli bilang ‘tanda’ ng ‘pagkontra.’ 
Halus  ganito  ang  kadalasang  anyo  ng  ‘teorya’  sa  agham‐panlipunan.  Paano  nagawa  ang 
pagpapangalang‐muli?  Maaaring  ganito:  may  isang  maluwag  na  ideya  b  (‘dayalektika  ng 
kapangyarihan at pagpalag’). Isisingit ang a sa b. Paraan ng pagtitig: titingnan ang a via b.  
 
 
 
 
 
 
                
                
               
MATEMATIKA AT PAGLIKHA NG MGA BALANGKAS AT MODELO  
          
[57] Ang matematika ay pangangatwiran. May papel ang frequency counts sa ating buhay; ngunit 
may  papel  ba  ang  algebra  (at  game theory)?  Ito  ang  punto  ni  Alfred  North  Whitehead59:  kung 
meron  mang  payak  na  ideya  ang  algebra,  ito  ang  ideya  ng  any/‘kahit  ano’  at  some/‘ang  iilan’: 
istilo  ng  pag‐iisip  kung  saan  pipigiling  tingnan  ang  mga  katangian  ng  mga  bagay‐bagay.  Iba‐
braket kahit ang kanilang bilang, kaya doble ang iiwanan: (1) ang mundo ng ‘totoong bagay’; (2) 
ang  mundo  ng  aritmetika  o  bilang.  Abstraksyon  ang  algebra  ng  aritmetika.  Ginagamit  nito  ang 
mga  titik  (x,  y,  atbp.)  upang  ipahiwatig  na  nasa  pangatlong  lebel  na  tayo  ng  abstraksyon:  (1) 
abstraksyon ng ‘kategorya’ mula sa masalimuot na pagtitig lang sa ‘mga aso’ (mula sa maingay 
at magulong ‘palengke’); (2)  abstraksiyon ng bilang, ‘apat,’ mula sa ‘mga aso’; (3) sa lebel na ito, 
hindi na ang aktwal na bilang ang pinag‐iisipan. Pansinin ang pangangatwirang ito: ipagpalagay 
na may x na tumatayo sa kahit anong numero, at merong iilang numerong y kung saan y>x. Kung 
y>x at y=4, ang x ay maari lamang (kung positibong integer lang ang pinag‐uusapan), na 1, 2, o 3.  
 
Isang porma ng pangangatuwiran ang matematika. Ang buong pagsisikap ng mga matematiko ay 
ang paglikha ng mga theorem at formula na matibay ang pagkakadugtong‐dugtong (kahit anong 
haba pa ng pangangatwiran) sa mga payak na umpisa.  
 
Walang  makikitang  hadlang  bakit  hindi  maaaring  gamitin  at  pakinabangan  ng  isang 
antropolohista  ang  mga  diskubreng  matematikal  upang  dagdag  sa  pagpapatalas  ng 
pangangatuwiran patungkol sa mga proseso ng buhay at lipunan.  
 
[58]  Bakit  abstraksyon?  Bakit  kailangang  gumawa  ng  mga  modelong  matematikal?  Maraming 
pwedeng isagot pero ito ang pinaka‐direkta (mula kay Dr. N Navarrete noon): pokus ang bigay 
ng  modelo,  upang  maipakita  ang  kilos  ng  ilang  mga  pwersa  na  hindi  madaling  makita  dahil  sa 
kasalimuotan at kahabaan ng penomenon na inuusisa.  
 
Kontra  kasalimuotan,  maaaring  maipakita  ng  modelo  ang  kilos  ng  maliliit  na  hibla;  kontra 
kahabaan,  maaaring  maipakita  nito  ang  kilos  ng  mas‐mahaba‐pa‐sa‐buhay‐ng‐tao  na  mga 
proseso.  (Halimbawa,  paano  masusukat  ang  mahahabang  epekto  ng  seasonality  sa  araw‐araw 
na pamumuhay?)  
          
[59]  Hlöru fang axaxaxas mlö.  May kantiyaw si Borges sa mga may  allergy  sa malulutong  na mga 
kategorya  at  modelo:  narito  ang  mala‐antropolohikal  na  kwento  ni  Borges  (Labyrinths,  “Tlön, 
Uqbar,  Orbis  Tertius”)  tungkol  sa  isang  tribo  ng  Tlön  na  ayaw  sa  kategorikal  na  laro  ng 
pagpapangalan: 
          
        The  nations  of  this  planet  are  congenitally idealist.  Their  language  and  the deriviations  of  their 
        language—religion,  letters,  metaphysics—all  presuppose  idealism.  The  world  for  them  is  not  a 
        concourse of objects in space; it is a heterogeneous series of independent acts. It is successive 
        and  temporal,  not  spatial.  There  are  no  nouns  in  Tlön's  conjectural  Ursprache,  from  which  the 
        "present"  languages  and  the  dialects  are  derived:  there  are  impersonal  verbs,  modified  by 
        monosyllabic  suffixes  (or  prefixes)  with  an  adverbial  value.  For  example:  there  is  no  word 
        corresponding to the word "moon," but there is a verb which in English would be "to moon" or 
        "to moonate." "The moon rose above the river" is  hlöru fang axaxaxas mlo, or literally: "upward 
        behind the on‐streaming it mooned." 
 
At ang kaugnay na sikolohiya ni Funes (“Funes the Memorious”):      
     
        They  permit  us  to  glimpse  or  infer  the  nature  of  Funes'  vertiginous  world.  He  was,  let  us  not 
        forget, almost incapable of ideas of a general, Platonic sort. Not only was it difficult for him to 
        comprehend that the generic symbol dog embraces so many unlike individuals of diverse size and 
        form; it bothered him that the dog at three fourteen (seen from the side) should have the same 
        name as the dog at three fifteen (seen from the front). 
         
         
         
         
         
                
                
                
 
 

TUNGKOL SA PAG‐ANGKIN KAY MARX 
 
[60] Kamay. Paano namumuhay at nakikibaka‐sa‐buhay ang Pinoy?  
         
        Gagawa ang tao: batas‐kalikasan 
        pangunahing gamit ang dalawang kamay; 
        at mapaghimala ang kamay na iyan, 
        mundo ay pinuspos ng kababalaghan. 
        —Amado  V. Hernandez, “Ang Kamay,” Isang Dipang Langit60 
 
(60.1)  Kasaysayan  ng  Kamay  bilang  Lipunan.  Ang  pag‐iisip  tungkol  sa  lumilikhang‐kamay  ay 
tutungo sa konsepto ng panlipunang‐ugnayan sa paglikha dahil hindi lang isang tao ang lumilikha. 
Dugtong nito ang mga nakapaloob na konsepto ng panlipunang ugnayan:  
(1) ng ‘uri’/class61 dahil sa magkaka‐ibang katayuan‐sa‐pag‐gawa; 
(2) ng produkto (halimbawa, bigas), o ‘halaga’ nito; 
(3)  ang  ‘sobrang  produkto’  o  ‘sobrang  halaga’  (surplus  value)  (ang  natira  matapos  makuha  o 
makain ang ‘tamang‐tama’ sa ikabubuhay); 
(4) ideya ng ‘pagdami’ at ‘pagtubo’ ng mga gawang‐bagay;  
at sa huli (na mas binigyang‐diin ni Marx), 
(5) ang tanong kung ‘saan napupunta ang sobrang‐produkto ng panlipunang‐pag‐gawa?’ 
 
(60.2) Paglitaw at pagpapanatili ng mga uri. Ang class bilang:  
 
(1) epekto ng di‐pantay na direksyon at sirkulasyon ng sobrang‐produkto (ang Marxistang  aha: 
ang piling uri bilang benepisyaryo ng ‘sobrang produkto o halaga’); at,  (2) epekto ng pagkakatali 
sa isang ‘katayuan sa kaayusang‐pamumuhay’ (class position).  
 
Halimbawa,  ang  tinatawag  na  katayuang‐proletaryo:  walang  matatag  na  boses  sa  paktorya, 
tagapagbili  lang  ng  kanyang  ‘lakas‐pag‐gawa,’  binabayaran  ng  ‘tama  lang’  para  mabuhay 
(kadalasan,    kulang  lagi,  at  nagiging  takbuhan  ang  ‘kamag‐anak,’  ‘kaibigan,’  ‘mabubuting 
mayayaman’).  Na  kung  iisipin,  ang  lakas  (at  talino)  ng  ‘manggagawa’  ay  lumilikha  ng  mga 
masasagana  at  napapakinabangang  bagay  (surplus  value).  Pansinin  na  isang  collective  ang 
‘manggagawa’ at napapaibayo nito ang paglikha dahil sa pag‐uugnay nito sa iba pa, tao at di‐tao. 
          
(60.3)  Balangkas  ng  pamumuhay (at  paghihirap).  Sa pagdaan ng  panahon,  nagiging  masalimuot 
ang  mga  ugnayan  at  mga  kaayusang‐bayan,  mas  lumalaki  ang  agwat  ng  mga  taong  may 
magkaka‐ibang  ‘katayuan‐sa‐buhay’  (=  ‘katayuan  sa  produksyon’  =‘uri’).  Dumadami  ang  tao  at 
mas naiipon sa iilan lang ang nalilikhang ‘yaman’ (‘gamit‐pag‐gawa’, gawang‐bagay, at iba’t ibang 
porma ng kasangkapan‐upang‐mabuhay).  
 
Mas mahirap nang gawin kahit ang ‘simpleng‐buhay,’ mahirap makakita ng ‘trabaho.’ Namimili 
ang  ‘may‐ari’  ng  papatol  sa  mababang  ‘sahod,’  mas  malaki  ang  tsansa  ng  mga  ‘may‐kaya’  na 
makakuha ng ‘maginhawang‐trabaho.’ Nagkakarerahan rin ang mga may‐kaya at mga ‘may‐ari ng 
pagawaan’  sa  pagpapalaki  ng  ‘kita.’  Natatalo  ang  mahihina  at  nagbabawas  ng  trabahador. 
Nagsasara at nawawalan ng trabaho ang marami at nagiging lumulutang na manggagawa.  
 
Mahirap  makahanap  ng  lupang  malinang  (nabakuran  na  ng  mga  may‐ari).  Kulang  ang  naipong 
pera para makapagpagawa ng bahay na matirhan at hadlang ang pera para makakuha ng gamot 
para  sa  iba’t  ibang  ‘karamdaman‐ng‐katawan.’  Ang  mga  karamdamang  ito  ay  kadalasan  may 
kaugnayan rin sa uri ng pamumuhay.  
 
Ang kahirapan‐sa‐buhay ay may kaugnayan sa kaayusan‐sa‐pamumuhay. 
          
(60.4)  Politics.  Teoretikal  na  kontribusyon  ni  Lenin:  ang  pagbubukas  sa  tanong  tungkol  sa 
‘panlipunang‐ugnayang‐pang‐kapangyarihan’  (politics):  ang  usapin  ng  pamumuhay  ay  usapin  ng 
kapangyarihan.  Iisa:  kapag  dito  tingnan,  ‘pamumuhay’  (economic  relations);  kung  doon, 
‘kapangyarihan’ (politics, power relations). Mga tanong: 
 
(1) Sino ang kinikilala ng bayan na mas ‘may kapangyarihan’ (may gahum o kusog)? 
(2) Bakit nagkaroon ng ganitong pagkilala: ano nga ba ang gahum? (Ikumpara ito sa [38]) 
(3) Gaano kahalaga ang papel ng kaayusang‐pulitikal sa pagpapanatili ng umiiral na kaayusan‐sa‐
pamumuhay? 
 
Konsepto ng ‘rebolusyon’: pag‐atupag sa larangang pang‐kapangyarihan. Sentral na tanong dito 
ay: paano mabubuo bilang makapangyarihang‐lakas ang ‘taong‐bayan’ (‘anak‐pawis’ o ‘bayang‐
sawi’)  upang  daan  sa  pagbabago  ng  kanilang  buhay  (‘pag‐unlad’)?  Ang  tinatawag  na  class 
struggle  ay  umpugan  ng  dalawang  (o  nagiging‐dalawa)  linya  ng  makapangyarihang‐lakas:  ng 
naghaharing‐uri at ng nag‐iipon‐ng‐lakas na taong‐bayan. 
 
(60.5)  Praxis at tindig.  Ano ang papel ng nililikhang kaalamanan ng antropolohiya (pag‐aagham‐
tao,  pagba‐bayolohiya,  pagma‐matematika,  pamimilosopiya)  sa  pagsasa‐kapangyarihan  ng 
taong‐bayan? Ibig‐sabihin: ano ang papel ng kaalaman sa pamumuhay? 
 
Itanong rin dapat: gaano katotoo ang balangkas sa itaas [60.1 hanggang 60.4]? Paano mas mapag‐
aralan  ang  mga  katagang  nasa  [‘  ’]  upang  mas  maunawaan  ang  kilos  ng  lipunan?  Anong 
balangkas ang naisantabi dala ng ganitong istilo ng pagtitig? 
 
[61]  Matinong kanibalismo (nguyaing mabuti si Bourdieu). Dapat matunaw sa tiyan ng bayan ang 
mga naangkat na teorya at teoritista. 
         
         Pagmunimunihan,  sa  muli,  itong  pandaigdigang  kanibalismo  ng  karagatan….  Mga  kanibal?  Sino 
         ang hindi kanibal? [Consider, once more, the universal cannibalism of the sea.... Cannibals? Who 
         is not a cannibal?]—Herman Melville, Moby Dick62 
          
Imbes  na  magbunganga  lang  ng  habitus  at  field,  imbes  na  gawin  lang  itong  palamuti 
(pagbuburda ng Bourdieu sa teksto), o makipagngatngatan tungkol sa kanya: kagatin, kainin, at 
nguyaing  mabuti  si  Bourdieu  (at  marami  pang  iba).  Pag‐aralang  mabuti  (sa  saling  Ingles  o  sa 
orihinal) paano mag‐isip ang isang Pranses, tungkol sa suliraning pantao at panlipunan. Ano ang 
mga  tanong  na  pinagkaka‐abalahan  nila?  Ano  ang  mga  mahahalagang  puntong  mahuhugot  sa 
kanila? 
          
Gawing  libangan  ang  pagsasalin  sa  kanila  (sa  Bisaya  o  sa  Pinoy)  kahit  ng  isang  akda  o  tsapter 
man  lang.  Gisingin  ang  potensya  ng  wika  sa  bawat  pagsasalin.  Ipook  ang  kanilang  diskurso  sa 
kontekstong intelektwal ng kanilang panahon at pook. Baka makita ang ganitong galaw: na ang 
matinong  pagpopook  ng  isang  akdang‐labas  ang  mismong  landas  upang  mas  maipaloob  ito  sa 
bayan. 
          
[62] Marx at ang tiyan ng bayan.  Ang totoong ‘Marxista’ ay baka hindi na kailangang sumipi kay 
Marx: dahil natunaw na siya sa iyong tiyan at sa loob ng bayan. Baka tanda ng hindi pa buong 
pag‐angkin  kay  Marx  (pag‐angkin  sa  kanyang  mga  tanong  at  istilo  ng  pagsagot)  ang  lagi‐laging 
pag‐uusap tungkol sa kanya. 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
                                    
                                    
                                    
 

PAGPAPAIBAYO SA MGA NAUMPISAHAN: PAGBUBUO NG KANON NG AGHAMTAO 
 
[63] ‘Lupa’ ay Banwa. Ang sumusunod na sipi ay mula kay Pons Bennagen, sa kahulugan ng ‘lupa’ 
para sa mga Agta: 
 
         Ang lupa ay binubuo ng luto (soil), mga halaman, hayup at iba pang bagay‐bagay na matatagpuan 
         doon, likas man o gawang‐tao. Ito ang karaniwang pakahulugan sa lupa. ... Iba't ibang katangian 
         ang nagbibigay‐ganda sa lupa.  
          
         Ang pang‐uring aking ginamit ay  ganda sa halip na halaga sapagkat higit na angkop ito sa diwang 
         Agta. Sa kanilang gamit, ang isang patag na lupa ay  dapat a ganda  o kaya ay  maganda a tahod 
         (tunay na maganda). Ang  bukid  at  talon  ay maganda dahil sagana ito sa hayup‐gubat, nakakaing 
         bungang‐kahoy, naglalamang‐ugat, puno ng almasiga at ilog na mapagkukunan ng isda, suso at 
         iba pa. (PB, p. 30.) 
          
Maririnig  dito  ang  alingawngaw  ng  ‘lupang  tinubuan’  ni  Bonifacio,  ng  yutang  kabilin  ng  mga 
Lumad,  ng  banwa  ng  mga  Bagogo  bilang  kabuoang  ‘daigdig,’  ng  isina‐konseptong  Banwa  ni 
Salazar  bilang  ‘tirahang  espasyo  ng  tao  at  di‐tao,’  at  makikita  ang  lohika  ng  argumento  ni  Gus 
Gatmaytan na ang ancestral land ng mga IPs ay dapat talagang iugnay sa domain na pumapaloob 
sa lahat ng likas‐yaman at iba pang mga nabubuhay. 
 
[64] Tagapagbigkis ang pag‐unawa sa pagkakaiba (ng wika at pamumuhay). Ang pag‐i‐etnograpiya 
ni  Pons  ay  isinagawa  niya  bilang  isang  porma  ng  ‘pakikipagtalastasan’  sa  mga  Agta,  na 
nangangailangan ng ‘malalim na unawaan’ ng nag‐aaral at ng mga Agta. Nagsikap siyang matuto 
sa wikang Agta. Isang ‘pakikiugaling‐pagmamasid’ o di‐kaya, pakikipamuhay: 
          
         Sila naman ay tuwang‐tuwa sa aking pagsusumikap [na matuto ng kanilang wika] at sila rin ang 
         nagbigay‐sigla  sa  akin:  "Sige,  Banagan  [tawag  nila  kay  Pons],  mag‐Agta  ka  na  lang  upang  lalo 
         mong  matutunan  at  mawatasan."  Anupa't  nang  malaunan  ay  Agta  na  ang  aking  ginamit  sa 
         pakikipag‐usap sa kanila. ... (PB, p. 17‐18.) 
          
Ngunit  lalong  mahalaga  ang  huling  pangungusap  sa  kabanatang  ito:  makikita  mo  ang 
pakikipagkapwaan ng dalawang Pinoy (Agta at di‐Agta) na lampas sa kanilang pagwiwika bilang 
verbal na pagsasalita: 
          
         Sa maraming pagkakataon, ang hadlang ng wika ay hindi naging balakid sa aming pag‐uunawaan, 
         sa halip ay naging tagapagbigkis sa amin. (PB, p. 18, akin ang diin.) 
          
(64.1)  Agta  laban  sa  matsing,  daga,  ibon,  at  baboy‐damo.  Masisilip  sa  teksto  ni  Pons  ang  isang 
porma  ng  tao‐hayop  na  ugnayan—nasa  metapora  ng  ‘labanan’  at  ideya  ng  ‘mapaminsalang 
hayup’ ang nasipi—na hindi pa nabigyan ng buong atensyon sa mga pag‐aaral dito sa atin. Narito 
ang ilang sipi: 
         
         Ang pagsasaka ay nangangailangan ng matagalang pagtigil sa isang lugar upang maalagaan ang 
         tanim at maipagtanggol laban sa sa ibang taong maaaring magka‐interes sa lupa sampu ng mga 
         mapinsalang hayup kagaya ng baboy‐damo, matsing, daga, at ibon. … Ang mais, kamote at samara 
        ay pinipinsala ng baboy‐damo at matsing, ang kaunting palay ay inuubos ng daga at ibon[,] kung 
        may natira pa ng usa. (PB, p. 80, akin ang diin.)     
         
(64.2)  Paano  naging  ‘hayup’  ang  mga  hayop?  ‘Labanan’  ba  lagi  ang  namamayaning  porma  ng 
ugnayan ng taumbayan at mga ‘mapinsalang hayup’? Ano ang mga sosyo‐ekolohikal na salik na 
nagpalitaw sa ugaling ‘pagka‐mapaminsala’ ng ilang mga kahayupan? Ibig sabihin, anong uri ng 
kaayusan  (tao‐kalikasang  ugnayan)  ang  nagpapalitaw  at  nagpapanatili  sa  ‘mapaminsala‐sa‐
taong’ galaw ng mga kahayupan?63  
 
(64.3)  Bakit  hindi  masarap  ang  alagang  manok  para  sa  mga  Agta?  Nabanggit  ni  Pons  na  nag‐
aalaga ang mga Agta ng mga manok hindi para pangkonsumo kundi para lang maipagpalit: 
         
        Mayroon  din  silang  mga  alagang  manok  na  kundi  man  nila  kinakain  dahil  hindi  raw  masarap  ay 
        kanilang ipinagpapalit sa mga di‐Agta ng ibang pangangailangan. (PB, p. 2, akin ang diin.) 
 
Isang atityud ito patungkol sa  domesticated animals  ng mga  hunter‐gatherers na mga pangkat 
na nagpapa‐iba sa kanila sa mga tuluyan nang agrikultural na mga grupo. May bagong pag‐aaral 
sa  atityud  na  ito  si  Stefan  Seitz64 na  magpapatatag  sa  nakita  ni  Pons  sa  mas  malawak  na 
konteksto. Malawak na pananaliksik pa rin ang kailangan upang masagot ang tanong tungkol sa 
pagbabago ng atityud ng tao tungkol sa mga  nadomestikang hayop sa magkakaibang konteksto 
ng pamumuhay. 
          
(64.4)  Hayop bilang teknolohiya (extensyon ng katawan).  Maliban sa aso bilang kasangkapan sa 
panghuhuli ng baboy‐damo at usa, may isa pang di‐karaniwang praktis na narekord si Pons: ang 
pag‐gamit ng matsing sa “pangangaso.” 
          
        May isang mag‐asawa na sa paghuhuli ng baboy‐damo ay nagdadala ng unggoy. Ayon sa kanila, 
        ang unggoy ay tumatahimik kapag malapit na [ang] baboy‐damo. Kapag tahimik na ang unggoy, 
        hahanapin na nila ang baboy‐damo upang barilin o panain. (PB, p. 61.) 
         
Ang pag‐gamit ng hayop bilang  extensiyon ng ating pandama/katawan (katulad ng pag‐gamit sa 
aso  at  unggoy  dahil  sa  kanilang  lampas‐taong  mga  pandama  [pang‐amoy/pandinig])—at 
nabanggit rin sa unahang bahagi na “ang teknolohiya ay ekstensyon ng katawan ng tao” (PB, p. 
8)—ay isa pang mahalagang tema na maaaring palaliman.  
 
(64.5) Iba pang mahahalagang topiko ng pamumuhay. Makikita sa mga linyang‐sipi sa ibaba ang 
ilang bagay na nangangailangan ng mas malaliman pang pananaliksik bilang pagpapayabong sa 
temang natumbok. Mga punto ito na magandang pagibayuhin ng antropolohistang Pinoy bilang 
pagpapatuloy sa pag‐unawa ng buhay at buhay‐buhay ng bayan/Banwa. Binigyang‐diin sa ibaba 
ang mga mahahalagang termino na dapat isa‐konsepto. Maaaring gawing panandang poste ang 
mga termino upang tingnan ang papel nito sa iba pang lugar at bayan:  
         
        ‘Ang  pandaigdigang  sistemang  ekolohikal  ay  may  epekto  maging  sa  kasulok‐sulokang  bahagi  ng 
        bayan.’ (PB, p. 90, akin ang diin.)  
        ‘Ang pag‐unlad ay pagbabagong‐anyo’t pagbabagong‐diwa ng pagkatao.’ (PB, p. 90, akin ang diin.) 
        ‘Nananatili ang pamilya at sambahayan na batayang buklurang pangkabuhayan.’ (PB, p. 82, akin 
        ang diin.) 
        Nagsisilbi ang ‘pagkukwento bilang sagot sa mangha at takot sa mga di‐maipaliwanag na bagay sa 
        kalikasan.’ (PB, p. 53, akin ang diin.)  
        ‘Ang mga hindi sumusunod sa kapasyahan ay dadanas ng paglibak mula sa mga kasapian.’ (PB, p. 
        52, akin ang diin.) 
        ‘Mayroon ding isang sabungan na siyang pangunahing pook‐aliwan ng nakararami kapag Linggo.’ 
        (PB, p. 21, akin ang diin.) 
        ‘Mula sa pang‐araw‐araw at karaniwang palitan umusbong ang ugnayang Agta at di‐Agta’ [inter‐
        etnikong ugnayan]. (PB, p. 50, akin ang diin.) 
        ‘Ang  pag‐unlad  bilang  isang  proseso  ay  may  lohika’  [pag‐aaral  sa  ‘lohika’  at  mekanismo  ng 
        panlipunang galaw]. (PB, p. 90, akin ang diin.) 
         
         
         
         
                                                               
                
              
              
ISANG MAS MAHABA PANG TRADISYON NG PAG‐ALAM 
 
[65]  Ang  buong  bilog  ay  ang  ‘Daigdig  ng  Buhay.’  Noong  tag‐init  ng  2005,  naganap  ang  unang 
Paaralang‐Panlarangan  ng  mga  estudyante  sa  antropolohiya  ng  UP‐Mindanao.  Ginawa  ito  sa 
sitio  Kimaymana  ng  Distrito  Marilog  ng  Davao.  Dito  napag‐aralan  ni  Sheila  Tampos  ang 
taxonomiya ng mga Bagobo ng lugar: isang ‘panimulang‐lapit sa etnotaxonomiya.’65  
 
Ang larawang kanyang nakita/nabuo ay totoong nai‐pinta/nai‐palabas ng mga kausap na lumad 
dala na rin mismo ng ‘mapilit’ na pagtatanong ni Sheila tungkol sa topiko ng ‘pag‐uuri‐uri ng mga 
nilalang’  sa  kanilang  kapaligiran:  bagay  na  hindi  nila  karaniwang  ginagawa  sa  explisitong  anyo 
tulad  ng  ginawa  ng  nag‐aral.  Kaya  ang  kanyang  ‘nakitang’  kaayusan  ay,  sa  totoo,  resulta  ng 
kabig‐akademikong pagtatagpo ng nag‐aral at ng mga nakausap. Gayunpaman, dahil matatawag 
pa  ring  resulta  ito  mismo  ng  pagkukusang‐Bagobo  na  isaayos‐isip  ang  kanilang  karaniwang 
obserbasyon,  napaka‐interesante  ang  larawang  lumitaw/iginuhit:66 ang  kabuuan  ay  umiikot  sa 
kategorya ng Buhay, kapwa ang mga karaniwan nating iniisip na ‘buhay’ at ‘di‐buhay.’  
      
Ang  buong  ‘mundo’  (inged  no  koroanon)  ay  ‘Daigdig  ng  mga  Nabubuhay.’  Hahatiin  nila  ito  sa 
dalawa:  (1)  ang  mga  ‘makakain’  (kokaan)  at  (2)  mga  ‘dekorasyon,’  o  di‐makain  (doppan). 
Napaloob  sa  ‘buhay  (na  nilalang)  na  makakain’  ang  mga  sumusunod:  hayop/ngaap  (ayam, 
monnanap, manuk), tanim/pinnomwa (kauyahan, laag, durable), at tubig (ilog, ulan, at gatas ng 
ina). Sa kanilang pangangatwiran, ‘buhay rin sila dahil nakakapagbigay‐buhay.’ Naroon naman sa 
mga  ‘dekorasyon’/di‐nakakain  ang:  kalawakan/langit,  tao/minuvu,  at  iba  pang  hindi  nakakaing 
hayop  at  mga  tanim  (ibang  monnanap,  kayu,  sabbot).  Nakakabighani  ang  payak  na  pag‐uuri‐
uring ito, lalo pa’t papangalanang ‘Daigdig ng Buhay’ ang buong laman ng bilog, ang buong‐libot 
ng Sanlibutan. Dapat ring pagka‐abalahan ng aghamtao ang lalim at lawak ng pakikipag‐ugnayan 
(o di‐pakikipag‐ugnayan) ng tao sa ‘bilog’ na iyan.   
 
[66]  Antropolohiya ng ‘buhay’ at ‘pamumuhay.’  Dapat pagdugtungin itong ‘daigdig ng buhay’ at 
ang (sa pormulasyon ni Pons Bennagen) pag‐aaral ng mga ‘pamamaraan ng buhay’ at ilan pang 
mga  tema  ng  kanyang  akdang  Pagbabago/Pag‐unlad.  Magiging‐diin  ng  antropolohiyang  ito  ay 
hindi  na  lang  simpleng  ‘simbolo’  (proyekto  ni  Geertz  na  pinaunlad  ni  Rosaldo),  ‘signipikasyon’ 
(proyekto  ni  Taussig),  ‘representasyon’  at  ‘kapangyarihan’/power  (proyekto  ni  Rabinow),  o  iba 
pang  mga  temang  angkat  mula  sa  labas.  (Hindi  sinasabing  babaliwalain  sila.)  Kung  mangalap 
man  tayo  sa  labas,  ito  ay  upang  mas  mapayabong  pa  ang  larangang  natukoy. 
Mapapakinabangan  siguro  natin  sa  puntong  ito  ang  proyektong  ecology  of  life  (Tim  Ingold)  at 
ang  antropolohiya  ng  Lebenswelt/lifeworld  (Michael  Jackson),  maliban  pa  sa  agham  ng 
mainstream na ekolohiya.  
      
Sa tema ng buhay/pamumuhay, mas bibigyang‐pansin natin ngayon, kung mga obra ni Marx ang 
babasahin,  ang  mga  konseptong  umiikot  di  lang  sa  ‘produksiyon’  (Produktionverhältnisse, 
‘ugnayan  sa  produksiyon’)  kundi  sa  Leben/buhay,  na  di‐kinaligtaang  markahan  ni  Salazar  sa 
kanyang pagsasalin sa Manifesto ni Marx: Lebensverhältnisse (‘ugnayan sa buhay’ o ‘kabuhayan’), 
Lebenslage (kinalalagyan‐sa‐buhay), Lebensbedingungen (kondisyon‐sa‐buhay), at Lebenstellung 
(kalagayan‐sa‐buhay).  
          
[67] Ano ang nakataya? Ano ang mababago sa praktika ng antropolohiya dahil sa temang ‘buhay’ 
at  ‘pamumuhay’?  Lalampasan  nito  ang  tila‐pundasyunal  na  Kanluraning  debate  sa  nature  at 
culture  na  relasyon. 67 Maitatabi  ang  importansya  ng  kategoryang  ‘kultura’  (na  masyadong 
preokupado  sa  ‘simbolo’)  at  mas  papagitna  ang  ‘pamumuhay.’  Hindi  na  isisentro  ang  mga 
debateng umiikot sa ‘simbolo’ kontra ‘materyal’ na aspeto.  
 
 
 
 
 
 
                
                
                
          

[68]  Tiyan.  Sa  tatawagin  ni  Salazar  na  ‘dating  sikolohiyang  Pilipino,’  ipinakita  niya  ang  isang 
posibleng  anyo  ng  kognitibong  pagmamapa  ng  ating  mga  ninuno  sa  kanilang  katawan.  Sa 
sinaunang  kabihasnang  ito,  tumatayo  ang  tiyan  at  pusod  bilang  larawan,  metapora  at 
sinekdokiya ng ginhawa at buhay: 
     
         [A]ng  “ginhawa,”  na  nakaluklok  sa  rehiyon  ng  sikmura  (atay,  bituka,  at  iba  pa),  ay  lundayan  ng 
         buhay, hininga, at iba pa, tulad ng mahihinuha sa kasabihang  “kung may buhay, may ginhawa” o 
         sa sinasabi, kung hindi “seryoso” ang tama (ng punla o saksak, halimbawa), na “malayo ‘yan sa 
         tiyan.” Ang rehiyon ng sikmura sa paligid ng pusod, samakatuwid, ang “pusod” din ng buhay at ng 
         lahat  ng  makapagpanatiling  buháy  at  nasa  buhay  (nasa  mundong  ibabaw)  na  ang 
         pinakapalatandaan  ay  ang  hininga/paghinga.  Pagkabuhay  at  pamamalagi  sa  daigdig  o,  sa  mas 
         praktikal,  kabuhayan  at  pamumuhay,  samakatuwid,  ang  batayan  ng  dalumat  ng  kaginhawaan. 
         (Akin ang diin.)68 
 
Ginhawa, paghinga, tiyan, pusod: mga pagsasakatawan ang mga ito ng buhay at pamumuhay.  
 
Malaki  ang  papel  ng  kategoryang  kinabuhi/buhay  sa  karaniwang  Pinoy:  (sa  Bisaya)  ‘lisod  gyud 
‘ning  atong  kinabuhi,’  ‘paita  (metapora  ng  paglalasa)  sa  kinabuhi  diri  uy.’  Masinop  at 
napakamahalaga ang ginawang pag‐aaral tungkol dito ni Prof. M Hilario‐Patiño,69 na tumingin sa 
etnograpikong larangan ng kategoryang kinabuhi (madagway ha kinabuhi/’magandang buhay’ at 
malugon  ha  kinabuhi/’mahirap  na  buhay’)  sa  pang‐araw‐araw  na  buhay  ng  kasalukuyang  mga 
Higaonon ng Bukidnon. Makikita rin ito sa ideya ng ‘magandang lupa’ at ‘magandang buhay’ ng 
mga Agta (sa Bennagen,  Pagbabago/Pag‐unlad); at sa iba pang pag‐aaral, kung saan nadaplisan 
ang  kahalagahan  ng  kategoryang  ‘buhay’  sa  larangang  panlipunan  (halimbawa,  kina  Cannell  at 
Rosaldo). 
 
 
 
 
 
                
                
                
                   
 

SANGKINABUHI AT PAMUMUHAY SA BANWA (DAIGDIG) 
 
[69]  Ekolohiya  ng  banwa/daigdig.  Paano  tayo  nakikipamuhay‐sa‐iba‐pang‐mga‐nabubuhay 
(sangkinabuhi ng Banwa)? 
 
(69.1)  Symbionts.  May  banwa  sa  loob  (at  labas)  ng  ating  katawan:  konsepto  ng  symbionts70 sa 
loob ng tao, o di kaya, ang tao bilang banwa ng libong‐libong organismo. Ano ang implikasyon ng 
bayolohikal na sitwasyong ito sa pagsasa‐konsepto ng ‘tao’ sa agham‐tao? 
         
        Tao‐Kahaw 
        Ilang ispisis/species ang isang indibidwal na tao? Tila balintuna (oxymoronic) ang tanong. 
         
        Ngunit ang isang naglalakad na tao sa may kanto ng Mintal ay maituturing na isang konsorsiyum 
        ng  mga  ispisis:  isang  ekosistemang  naglalakad:  isang  buong  banua.  Sa  lens  ng  maykrobayoloji, 
        isang buong nagtutulungang‐daigdig (ng tao‐at‐maykroorganismo) ang isang naglalakad na tao. 
         
        Hindi  ito  dahil  sa  may  mga  bulate‐at‐kigwa  sa  tiyan  ang  isang  tao.  Di  ito  bago  sa  marami.  Mas 
        nakakagulat, ay ang punto pang ito: na hindi maaaring magpatuloy mabuhay ang isang indibidwal 
        na  Homo  sapiens  sapiens  kung  ihihiwalay  sya  sa  iba't  ibang  maykroorganismong  namumuhay 
        simbayotikali/symbiotically  sa  loob  ng  kanyang  katawan.  Isipin  itong  bagong  tuklas  ng  agham: 
        1013 hanggang 1014 na mga microbiota [maykroskopikong organismo] ang naninirahan sa loob ng 
        tiyan  ng  isang  malusog  na  tao.  Ang  kolektibong  jinom/genome  (tinatawag  na  microbiome)  ng 
        mga organismong ito ay sandaang beses na mas marami kaysa jinom mismo ng tao. 
         
        Ibig sabihin, kapag binilang mo isa‐isa ang mga organismong ito sa loob ng tao, ilan sila lahat? Sa 
        pinaka‐minimum, ayon sa ulat: di‐kukulang sa 1, 000, 000, 000, 000 (10 trillion). Kung wala sila: (1) 
        di natin matutunaw ang marami sa ating mga kinakain; at (2) hihina tayo dahil sa nakakasirang 
        epekto ng nakukuha nating mga lason (toxins) mula sa mga kinakain: 
         
                  Colonic bacteria and archaea not only help to keep the gut wall intact and healthy; they 
                  supply  us  with  a  suite  of  glycoside  hydrolases  to  digest  plant  carbohydrates,  trophic 
                  chains of organisms for fermentation of fiber to short chain fatty acids, methanogenesis 
                  for  hydrogen  scrubbing,  the  means  to  synthesize  amino  acids  and  vitamins,  and 
                  pathways  for  the  transformation  of  xenobiotic  compounds  from  plant  phenolics  to 
                  tetrachloroethene.71 
         
        Dahil  ang  pinakamaliit  na  buhay‐na‐organismo  [microorganism]  ay  tinatawag  na  kahaw  […]  ng 
        ating  mga  Bagobo  sa  Kimaymana,  maaaring  i‐apropreyt  ang  kahaw  bilang  Pinoy  na  termino  sa 
        maykroorganismo  sa  pangkalahatan.  Kaya't  ang  tinatawag  nating ‘tao’ ay  talagang  isang  super‐
organismong  entidad  ng  Tao‐Kahaw  na  pagsasama.  Katulad  ng  pagtutulungan  ng  uod‐sa‐lupa 
(earthworm)  at  ng  magsasaka  upang  mapanatiling  malusog  ang  lupang‐taniman,  maraming 
kahaw o  oled/uwod‐sa‐katawan‐ng‐tao ang tumutulong upang gumana ang metabolismo ng tao 
at mapanatili ang kalusugan ng katawan. 
 
Ang  tema  ng  organikong  simbayosis  (o  nagtutulungang‐pagsasama)  ang  pinapatingkad  ng 
ganitong mga tuklas. Sa pilosopikal na larangan, kinikwestyon nito ang ideya ng pagka‐indibidwal, 
ng  ako/ikaw  bilang  "iisa,"  at  palaot,  ang  konsepto  ng  "sarili,"  "sariling‐pag‐iral,"  at  "sariling‐
pagkukusa." 
 
Winawasak  ng  tao‐kahaw  na  konsorsiyum  ang  isang  konseptong  sagrado  sa  burgis‐liberal  na 
kaisipan, ang ideya ng simpleng individual at (sa sunod‐sa‐modang bokabularyong nasa Ingles) ng 
self‐birthing at self‐agency. 
 
Kahaw/Animalcula  
Paano ba isalarawan ang Bagobong kahaw (Bisaya,  kagaw;  microbio, Espanyol; Ingles,  germ) ng 
mga  taong  di  nakakita  nito  sa  mikroskopyo?  Kay  Antony  van  Leeuwenhoek  […],  animalcula 
(maliliit na hayop) o "buhay na mga Atom" ang tawag niya sa nakitang mga buhay na bagay sa 
kanyang mikroskopyo […]. Ito ang bahagi ng kanyang report (Philosophical Transactions, 1677): 
 
Noong  taong  1675  nadiskubre  ko  ang  mga  buhay  na  nilalang  sa  tubig  Ulan  ...  [mga]  maliliit  na 
hayop  na  sa  aking  paningin  ay  mga  sampung  libo  ang  liit  kaysa  sa  isinalarawan  ni  Mons. 
Swammerdam, at tinawag niyang Kutong‐Tubig, na maaring makita sa tubig ng hubad na mata. 
(Aking salin at diin.)  
 
Ito ang mga unang hakbang sa paglitaw ng konseptong  germ, maliliit na hayop na nagiging sanhi 
ng  sakit.  Mas  kuminis  ang  konsepto  pagpasok  nina  Louis  Pasteur  (1822‐1895)  at  Robert  Koch 
(1843‐1910). 
 
Saan nga ba galing itong konsepto ng kagaw? Nabundol kami ni Sir Gus sa isang pukol‐sa‐buwang 
haka noong mapag‐usapan namin ito sa Sityo Kimaymana: ang kagaw ay baka galing sa *kigaw o 
(metatesis) kigwa (maliit na bulate, pinworm). Kagaw = super‐liit na kigaw/kigwa (bulate). Sa oras 
na  iyon,  parang  tama  ito  sa  aking  paningin  dahil  ayon  kay  'Tay  Benig,  isang  Bagobong 
mangangaso‐magsasaka, ang kahaw ay maaaring ilarawan‐sa‐isip na isang "uod sa katawan" na 
di makita ng mata sa sobrang liit.  
 
Ngunit  nai‐text  sa  akin  ito  ni  Dr.  Zeus  Salazar:  May  karaw  sa  Bikol  (Bikolano/Pinoy  si  ZAS)  sa 
k[a]hulugang p[a]glaruan ng isang aswang o ispiritu para m[a]gkasakit ang tao. Sanhi ng sakit. Sa 
Pinoy lingwistiks maaaring magkapalitan ang r/h/g/l: ka[r]aw, ka[h]aw, ka[g]aw.  
 
Maikukumpara  rin  ang  karaw  sa  oled  (uod)  a  sakit  ng  Maranaw,  na  siyang  tawag  sa  germs 
(maliban pa sa kaloli [pag‐aaralan pa, o ikokonsulta kay Zeus, ang etimoloji] a sakit at bisa [lason]). 
Mukhang  mas  lapat  itong  karaw  kaysa  hakang  kigwa.  Sa  antropolohiyang  medikal  ng  Pinoy, 
nagbago  ang  ating  dominanteng  pakahulugan:  mula  kagaw  1  (aswang/espiritu,  o  ang  kanilang 
delikadong  paglalaro  sa  tao,  bilang  isang  sanhi  ng  sakit),  tungo  sa  kagaw  2  (germ)  dahil  sa 
bagong‐angkat  na  instrumento  (mikroskopyo),  na  nagpa‐lalim/lawak  sa  ating  mga  sentidong‐
biswal,  at  sa mga  konseptong dala ng  mga  Kanluraning kolonisador.  Bagong palaman  sa  dating 
tinapay. Pagdaan ng ilang taon, natuto narin tayong sumilip sa paradigmatikong‐instrumento ni 
Leeuwenhoek,  at,  sumali/nakisali  sa  paglinang  ng  germ  theory:  lumitaw  ang  mga  Pinoy 
maykrobayolojist, mga dalubhasa sa kagaw. 
 
Ngunit  maaari  pa  ring  itanong:  paano  isinasalarawang‐isip  ang  di‐makitang  karaw  ng  mga 
Bikolano  o  mga  sinaunang  Pinoy?  Dahil  kahit  ang  espiritu  ay  kailangang  isipin/ilarawan  bilang 
        "katawan." (Naisa‐katawan: ito iyong naganahan‐tawaging  embodied ng mga mahilig sa Ingles.) 
        Sa larawang karaw ng Bikol, oled ng Maranaw, at ideyang uod‐sa‐katawan ni 'Tay Benig (Bagobo), 
        maaaring sabihing super‐liit na uod nga talaga siguro ang kagaw/germ sa guni‐guning Pinoy, mula 
        noon hanggang ngayon. O pwude ring maliit na kuto [tungaw!] (cf.  kutong‐tubig na nabanggit ni 
        Leeuwenhoek), dahil ang  sisif ng T'boli ay nangangahulugang kutong‐manok (bunhok sa Bisaya) 
        at  germs.  Superduper‐liit  na  uod  man  o  kuto,  malamang  na  ang  orig/sinauna/matanda‐kaysa‐
        germ  na  kagaw,  bilang  larawang‐isip  na  entidad  (imagined  being  sa  mahilig  mag‐Ingles),  ay 
        espiritu,  o  ang  aktibidad  nito,  na  nagdadala  ng  sakit:  at  ito'y  naisasakatawan/nagsasakatawan 
        bilang di‐makitang uod o kuto. 
 
(69.2)  Banal.  Antropolohiya  ng  ‘relihiyon’:  mga  kapaniwalaan  tungkol  sa  espiritu,  ‘anito,’ 
‘engkanto,’ at iba pang ‘kahiwagaan’: bunga ng pakikipamuhay ng tao sa lipunan at mga di‐tao 
(sangkahayupan) ng banwa.  
          
(69.3)  Daga,  tuko,  damo,  at  tao.  Pansinin  ang  mga  di‐taong  elemento  (daga,  tuko,  damo;  sa 
buong tula: pagong, paruparo, ibong kanaryo, alamang, aso) na ginagamit sa sumusunod na tula 
upang  mapagnilay‐nilayan  ang  buhay  ng  tao.  Bakit  di  maiwasan  ng  taong  banggitin  ang  mga 
larawan ng di‐tao sa tuwing namimilosopiya? 
        
        May isang pulubing singhirap ng daga, 
        kundi makalimos tutong man ay wala; 
        kapit‐tuko pa rin sa buhay na dusta 
        gayong usad‐uod sa pagdaralita. 
        […] 
        Isang katanungang mahirap sagutin, 
        nanggaling sa wala’t sa wala hihimpil; 
        subali’t may taong buhay nga’y patay din, 
        at may di magawang patayin ng libing. 
        […] 
        Madaling isilang ang tao sa mundo, 
        madaling mabuhay ang masamang damo, 
        subali’t ang laging bilin ng nuno ko: 
        “Atong, sikapin mong ikaw’y maging tao.” 
        —Amado  V. Hernandez, “Ang Buhay,” Isang Dipang Langit [p. 10, akin ang diin.] 
 
(69.4) Darwin. Kailangang lampasan ang pag‐angkin kay Darwin sa antropolohiya sa lebel lang ng 
pagkukuwento  ng  ebolusyunaryong  naratibo,  na  kadalasang  sa  umpisa  lang  ng  klase 
naipapasok.72 Ang  dapat  pag‐aralang  mabuti  ay  hindi  ang  kwento  kundi  kung  ano  ang  mga 
tanong na binuksan ni Darwin at paano niya ito sinasagot. Mahalaga ba ang tanong? Paano ito 
napalawig ng mga sumunod sa kanya?  
 
        [Mula  kay  Darwin]  Napansin  ko  sa  maraming  lugar  ang  iilang  uri  ng  mga  damo  na, 
        katulad  ng  mga  daga,  napilitan  akong  kilalaning  kababayan.  [In  many  places  I  noticed 
        several  sorts  of  weeds,  which,  like  the  rats,  I  was  forced  to  own  as  countrymen.]—
        Charles Darwin, Voyage of the Beagle73 
 
(69.5) Patuloy na pagtatalaban ng ‘batas ng buhay’ at ‘batas ng tao’ 
         
        Tao:  
        sumipot nang ayon sa batas 
        ng buhay 
        at katalagahan: 
        tulad ng halaman, 
        ng isda, ng hayop, ng ahas, ng ibon; 
        nabuhay nang ayon sa batas 
        na gawa ng tao. 
        —Amado  V. Hernandez, “Tao 2,” Isang Dipang Langit [p. 7, akin ang diin.] 
         
Totoo ba ang ipinahihiwatig ng tula sa itaas, na kung ang ‘pagsipot’ man ng tao dito sa mundo ay 
ayon sa ‘batas ng buhay,’ ang kanyang patuloy na pamumuhay ay ayon nalang sa ‘batas na gawa 
ng tao’? Paano ipakita ang pagtatalaban pa rin, hanggang ngayon, ng ‘batas ng buhay’ at ‘batas 
ng tao’? 
         
Ang  pananaw  na  nakakalimot  sa  ugnayan  ng  bibig,  tiyan,  kamay,  paa,  lupa,  bulate,  kagaw, 
kalabaw, buwaya, at buong sangkinabuhi at Sanlibutan, ay pananaw na humihiwalay sa totoong 
daigdig. Sa mas maingat na pagtingin, ang tindig‐amnesik na ito ay nananaginip lang sa pagkaka‐
hiwalay sa meron: ang kanyang ‘di‐pagkapit’ ay isa ring porma ng di‐maginhawang pagkakapit sa 
meron ng mundo. 
 
 
 
 
 
                 
                                             
                                                     
                                                     
                                                     
                                                     
 

ANO NGAYON? 
 
[70] Pamamaraan ng pamumuhay (‘kultura’). Ganito ang gagamiting kategorya ni Pons Bennagen 
sa pagpapakahulugan sa ‘kultura’:  
         
        Ang kultura ay ang kabuuang pamamaraan ng pamumuhay. … batay sa kakayahang managisag at 
        matuto.  [Ito  ay]  pamamaraan  sa  pag‐angkop  sa  nagbabagong  kapaligiran  …  [Sa  kulturang  Agta, 
        tinutukoy  ang]  kabuuan  ng  kanilang  pamumuhay,  …  kakayahan  …  kinamihasnan,  na  nilikha  at 
        nililikha  nila  sa  patuloy  na  pakikipag‐ugnayan  sa  kapaligiran  ng  Palanan  at  sa  lalong  malaking 
        lipunang Pilipino. Ang mga ito ay nahahayag sa pang‐araw‐araw na gawi at sa pakikipag‐ugnayan 
        sa ibang tao, sa mga bagay‐bagay, at sa mga pangyayari, alalaong baga’y, sa kanilang panghuhuli 
        ng  hayup‐gubat,  sa  pangangalap  ng  pagkain  at  iba  pang  ikabubuhay,  sa  paghahalaman,  sa 
        pakikisalamuha sa kapwa nila Agta at sa mga di‐Agta, sa kanilang pakikipag‐ugnayan sa kalikasan 
        at sa mga anito. (PB, p. 7‐8, akin ang diin.)74 
          
Pamumuhay,  ikabubuhay,  kakayahang‐managisag‐at‐matuto,  salamuha‐sa‐kapwa,  ugnayan‐sa‐
kalikasan: ito ang mahahalagang konsepto sa nasiping teksto. 
 
[71] Ano ang dapat nating paksain 1: Buhay at Lipunan. Dulong‐layunin dito ang magmungkahi ng 
mga  tema  at  kategorya  (at  mga  katumbas  nito  sa  iba’t  ibang  etnolinggwistikong  grupo  sa 
Mindanao, at buong bansa) na bibigyan natin ng sentral na pokus sa ating agham:  
 
(1) ‘pamumuhay,’             
(2) ‘lipunan’ (at ‘panlipunang‐uri’), at,  
(3) sangkinabuhi: ugnayan ng lahat ng mga nabubuhay sa isang ‘espasyong‐tahanan ng tao at di‐
tao,’ ang konsepto (o rekonseptwalisasyon) ng banwa.75  
 
Ang mga temang iyan ang maging tungtungang paksa ng teoryang agham‐tao. Sila ang maaaring:  
 
(1) pagmumulan ng mga kategoryang lilinangin bilang mga konseptong pang‐agham;  
(2) pagmumulan ng mga sanga‐sangang katanungan; at,  
(3) magiging tabla na paglalatagan at paghahambingan ng mga nabuo nating mga konsepto sa 
loob ng ating kalinangan.  
 
Sa  diin,  kulay,  at  abot‐tanaw  (horizon)  ng  mga  kategoryang  ito—at  sa  komparatibong  bigat  ng 
mga kaugnay pang kategorya—maaari (at kailangang) maipaloob ang mga nakalap natin ‘mula 
sa  labas,’  dala  ng  ating  walang‐tigil  na  pakikibalita  sa  kalagayan  ng  iba  (‘kapwa‐tao’  sa 
malalayong bayan/bansa/kabihasnan), at ng mga di‐tao (‘kapwa‐nilalang’).  
 
[72] Ano ang dapat nating paksain 2: Kaugnay at Iba (pa).  Maaaring maikumpara ito sa:  
 
(1) mga susing dalumat—‘kapwa’ (Enriquez), ‘kapatiran’ (Covar), ‘bayan’ (Salazar)—na nalinang 
ng tatlong dalubhasa sa agham‐panlipunang Pinoy76 simula noong dekada‐70;  
(2)  tatlong  key  concepts  ng  (Euro‐Amerikanong)  antropolohiya  na  nabanggit  ng 
antropolohistang si Adam Kuper: culture, social structure, at evolution77;  
(3) ng dibisyon ni Tim Ingold sa malalawak na saklaw ng antropolohiya (scope of anthropology), 
na hinuhudyat ng mga konseptong humanity, culture, social life.78 
(4)  ng  ibinukod‐ng‐sakyod  na  mga  kategoryang  ‘culture/power/history’  ng  isang  kalipunan  ng 
mga pag‐aaral sa ‘kasalukuyang panlipunang teorya.’79 
 
Talagang  may  pagkakahawig,  sa  magkaka‐ibang  tono  at  kulay,  ang  mga  set  na  nabanggit 
(nakapagtatakang  laging  tatluhan).  Ngunit  lampasan  muna  natin  ang  tanong  sa  digri  ng 
posibleng pagkakahawig. Hindi orihinalidad kundi pagbubuo ng fokus ang kasalukuyang objektiv. 
Kung bakit tatlo ay hindi rin mahalaga, dahil walang dalang pagkasara ang mungkahi, o di‐kaya, 
maaaring iisa nga lang dahil dito na huhugutin ang iba pa. Sa umpisa, hindi pa ilan ang mahalaga 
kundi  ano.  Implisito,  kung  gayon,  ang  pagbubukas  sa  tanong  kung  ano  ang  dapat  nating 
magiging  sentrong  paksain  bilang  tunguhin  ng  departamento,  ng  hinuhulmang  programa  o 
larangan.  
 
Paano kung ayaw nating itanong ito? Mangyayari na ang pag‐uusapan natin ay iyon lamang: (1) 
uso (sa Pransya o kung saan), (2) nilalakong temang may dalang  funding  (mula  USAID o  The Asia 
Foundation o kung saan),  (3) teoryang  aksidenteng  nabasa o teoretistang aksidenteng nakilala 
(sa roleta ng kapalaran), o (4) biglang naisip habang nagkakape o naliligo.  
 
[73]  Matinong  ‘pakikingatngat.’  Simptoma  ng  pakikingatngat  ang  pagtuturo  ng  teorya  bilang 
paglilista  ng  teoritistang  Euro‐Amerikano  at  pagtatalon‐talon—mula  a  hanggang  z  sa  mga 
paboritong mga teoritista, at pagkokomento sa kanila. Maliban sa ngatngatang praxis, idadagdag 
ito  ni  Zeus  Salazar:  mahilig  tayong  ‘makisawsaw  sa  kanilang  diskurso.’  Ngunit  baka  dapat  pag‐
ibahin  ang  uri  ng  ‘pakikingatngat,’  na  may  matatawag  na  matinong  pakikingatngat  at 
pakikisawsaw:  matino  dahil  iba  kaysa  sa  ‘nawawala‐sa‐sariling  pakikingatngat,’  at  dahil 
kinakailangan bilang bahagi ng pakikipagtunggali sa mga pwersang nilalabanan rin ng bayan. (Isa 
pa: pakikingatngat bilang teknik sa paghahasa ng isip.) 
                                                                  
                                                                  
                                                                  
 
 

DADALHING LISTAHAN 
 
[74] Mga proposisyon. Ilan sa mga puntong dapat bigyang‐diin ay ang mga sumusunod:  
 
(74.1)  Pagkabitag.  Peligro  ng  pangangalap  mula  sa  labas  (kadalasan  Euro‐Amerikanong 
konteksto):  baka  ang  nangangalap  ay  mabibitag,  ang  namimingwit  ang  siyang  mabibingwit. 
Mahalaga (at minsan kinakailangan) ang pangangalap at pangingisda (at pakikipag‐ugnay sa ‘iba’) 
ngunit  laging  may  dalang  peligro,  na  hindi  lang  dahil  sa  ‘karaniwang  takot  sa  iba.’  Ang 
napakahalagang  peligro  ay  ang  di‐pagkilala  sa  peligro:  (a)  harap‐palabas  na  preokupasyon—
sunod‐sunurang  galaw  sa  iba’t  ibang  sentro  ng  labas 80;  (b)  di‐pagpansin  sa  marami  pang 
larangan  ng  pamumuhay‐bayan;  (c)  di‐paglinang  sa  potensya  ng  mga  kategoryang‐bayan,  mga 
istilo, kapamaraanan ng karaniwang‐buhay; (d) pagsasawalang‐bahala sa kategoryang ‘Pinoy’ at 
sa nibel ng ‘bansa.’  
 
(74.2)  Paradox  ng  pantayo.  Narito  ang  paradox:  kailangang  panindigan  ang  pananaw  na 
‘pantayo’ (tindig upang  ipagpatuloy  ang malalimang talastasan/galaw na ‘panloob’) upang mas 
lalong  maunawaan  ang  mahalagang  tensyon  ng  loob‐labas,  at  kahit  pa  ang  kahalagahan  ng 
‘labas.’ At: kahit ng tunggalian dito mismo sa loob ng ating bayan (at sa napakarami pang ‘loob’). 
Masdan na hindi ito simpleng ‘pagpili,’ na parang labas sa atin ang pinipili. 
 
Ang  tanong  tungkol  sa  ‘pagpipili  ng  tindig’  ay  para  lamang  sa  isang  nanonood  ng  sine  (na  ang 
palabas ay bakbakan ng tindig pang‐kami at pantayo, o di‐kaya tunggalian ng mga posisyon at 
pook).  Sa  totoong  buhay,  hindi  ito  pinipili:  direkta  mong  namamalayan  na  nasa  loob  ka  na  ng 
isang umiiral na ‘mundo,’ magalaw, at may mga umpugan. Narito uli: kailangan (lamang) nating 
panindigan ang nangyayari na mismo ngayong (mga) tindig. 
 
(74.3)  Paglinang  (sa  mga  kategorya).  Kinakailangan  (imperative)  ang  patuloy  na  paglinang  ng 
ating  mga  batay‐sa‐wikang  mga  kategorya  (sa  iba’t  ibang  etnolingwistikong  grupo  at 
pormasyong  panlipunan).  Ang  paglinang  ay  hindi  pagsamba,  kundi  malalimang  pag‐usisa  at 
kritika  upang  mas  maunawaan  ang  katotohanang  tinutukoy  ng  kategorya.  Dito  muling‐
papanimulain  ang  ating  ‘agham‐panlipunan’  at  mula  diyan  papag‐ibayuhin  ang  naumpisahang 
mga  proyekto  ng  Sikolohiyang  Pilipino,  Pilipinolohiya,  Pantayong  Pananaw,  at  ang  akdang 
Pagbabago/Pag‐unlad  (Pons Bennagen) bilang papagibayuhing teksto ng agham‐taong Pinoy. Sa 
seryeng ito dudugtong ang aghamtao. 
 
(74.4)  Dalawa  ang  anyo  ng  pagti‐teorya.  Narito  ang  kambal  na  gawain  (ng  tatawaging  pagti‐
‘teorya’):  
 
(1) ‘paglikha’ sa ‘bagay’ na inaalam: ang diin ng tanong dito ay: ‘ano ang x?’ (‘ano ito?’) at,  
(2) pagsagot sa tatluhang tanong tungkol sa paglitaw, pagpapanatili, at pagbabago: ang tanong 
dito ay: ‘paano [lumitaw] [nanatili] [nagbago] ang x?’ (‘paano ito lumitaw?’).  
 
(74.5) Ang di‐tao. Pagtugon sa mga ugnayang lampas sa tao‐at‐tao: tao‐halaman at tao‐hayop na 
mga  relasyon.  Mahalaga  ang  konsepto  ng  banwa  at  sangkinabuhi  sa  larangang  ito  at  bilang 
pagkilala sa ‘iba’ at di‐tao bilang ‘kapwa‐nilalang’ sa loob at labas ng bayan (o sa loob mismo ng 
ating katawan).  
 
(74.6)  Mahalaga  ang  pag‐uusap  sa  ‘mekanismo.’  Pagbibigay‐diin  ito  sa  tanong  tungkol  sa—
lampas  sa  mga  pagpapakahulugan  o  pananagisag  at  paninimbolo  ng  tao  at  lipunan—lohika, 
batas, istruktura, at dinamiks ng buhay at lipunan.  
 
(74.7)  Matematika.  Mahirap ngunit napaka‐mahalaga ang pag‐angkin at paglinang ng metodong 
matematikal—at  pagkilala  sa  intrinsikong  papel  nito  sa  aghamtao:  pagbibitiw  ito  sa 
nangingibabaw  na  dualistikong  diin  ng:  social  science=qualitative  kontra  natural 
science=quantitative, isang namanang‐iskima na mula‐Kanluran at, kahit‐doon, nilalansag na.  
 
(74.8)  Ebolusyon.  Mahalaga  ang  pag‐angkin  at  paglinang  sa  ‘ebolusyunaryong  teorya’  (sa 
malawak  nitong  anyo)  bilang  pagpapa‐ibayo  ng  ating  katutubong  pananaw  patungkol  sa 
kinabuhi/buhay,  ‘Daigdig  ng  Buhay,’  at  pakikipamuhay  sa  iba  pang  mga  nabubuhay‐sa‐mundo. 
Ekolohikal  na  ugnayan  (sa  daloy  ng  panahon  at  sa  lawak  ng  mundo)  ang  nasa  puso  ng 
‘ebolusyon’ (hindi ang ispontanyo‐popular at kakatuwang kwento, kapag naririnig ang pangalang 
‘Darwin,’ na ‘tayo’y galing sa mga unggoy’). 
 
(74.9)  Hypothesis‐testing.  Mahalaga ang  pag‐angkin (dahil ang pormalisasyon nito ay  vintage  na 
henyong‐Kanluran)  at  paglinang  sa  klasikong  hypothetico‐deductive  na  metodo  bilang 
paglampas sa mga kalituhang dala ng impluwensiyang postmodernista (sa di‐matino nitong anyo) 
at bilang paghulagpos sa iskimang  natural science/social science, isang  division of knowledge  na 
lumitaw  sa  partikular  na  yugto  ng  kasaysayang‐Kanluran81 na  unti‐unti  nang  nawawalan  ng 
gamit  at  kahulugan  sa  ibang  praktika  ng  kaalaman.  Hindi    hadlang  ang  institusyunal  na  mga 
dibisyon  sa  kasalukuyan  upang,  sa  aktwal  na  praktika,  gawin  na  natin  ang  isang  porma  ng 
pananaliksik  na  totohanang  interdisiplinaryo  sa  metodo  at  pilosopiya  nito.  Hindi  rin  hadlang 
(baka  nga  mas  mainam  pa)  ang  pagiging  labas  sa  mga  pormal  na  institusyon,  katulad  ng 
unibersidad, kung talagang may sigasig. 
 
 
 
 
 
                                
                                
                                
                  
 

SALITA, KAMAY, UTAK, TEKNOLOHIYA AT DAIGDIG 
 
[75]  Antropolohiya  at  ang  ‘pagsubo  sa  hurno  ng  utak.’  Sa  labas  man  o  sa  loob,  may  gawaing 
nagpapahalaga sa pagkain, pamumuhay, braso, at (sa gitna ng mapanakot na ‘pangangalawang 
ng turnilyo’) sa patuloy na ‘pagsusubo sa hurno ng utak.’  
 
May kaugnayan (o di kaya: dapat merong kaugnayan) ang ating agham‐tao sa topiko nina Beltolt 
Brecht  at  Romulo  Sandoval.  Pansinin  ang  masiglang  galaw  at  selebrasyon  ng  napakaraming 
larawan, mula bibig, utak, braso, katawan, at buong daigdig: 
         
Para sa mga Nakatataas 
Bertolt Brecht (salin sa Aleman ni Zeus Salazar)82 
 
Ang magsalita ukol sa pagkain ay itinuturing na mababang‐uri 
Mangyari pa: sila ay 
Kumain na. 
 
Ang mabababang‐uri ay napapayao sa mundo 
Na, sa mabuting karne, 
Ay di man lamang makatikim. 
 
Sa mga gabing kahali‐halina 
Upang makapag‐isip, kung saan nanggaling at 
Kung saan pupunta, sila 
Ay hapung‐hapo na. 
Ang mga kabundukan at ang malawak na dagat 
Ay di pa natatanaw 
Nang ang kanilang panahon ay tapos na. 
Kung ang mabababang‐uri ay di 
Mag‐isip sa mababang‐uri 
Di sila mapapasa‐itaas. 
 
 
Pagkat tayo’y nagmamahal 
Romulo Sandoval (mula sa Kanta sa Gabi)83 
 
Napopoot tayo pagkat nagmamahal: 
pagkat tayo'y saksi sa pangangalawang— 
tulad ng turnilyo—‐ng obrerong bukal 
ng ating hininga; sa pangangalirang, 
lalo kung gapasan, niyang nagpapala 
sa mga pinitak; sa pag‐uumaga 
ng buto‐at‐balat: ang kalakhang dukha 
na ikinadena sa asin at luha. 
 
Kaya't sumusubo ang hurno ng utak, 
ang apoy sa puso'y lipyang tumatalas— 
paniwala't pasyang pinapaling lakas 
na sa nang‐aapi'y ukol ipang‐aklas. 
 
Napopoot tayo pagkat nagmamahal; 
nagmamahal kaya't braso'y humahataw. 
 
Hulyo 1977 
 
 
 
 
 
 
 
 
Talahuli 
1
   Don Pagusara (2003), Qontrapuntal (Davao City: Davao Writer’s Guild), p. 8.  
2
   Zeus A. Salazar (2000), Manifesto ng Partido Komunista. Isinalin mula sa Orihinal na Aleman at nilapatan 
ng mga Anotasyon ni Z. A. Salazar. Bagong Kasaysayan, Bilang 10, p. 244. 
3
   Roque J. Ferriols (1991),  Pambungad sa Metapisika  (Quezon City: Ateneo de Manila University, ORP), p. 
22.  
4
   Salamat kay Dr. AG Moran sa pagpapa‐alala sa isa pang metaporang may kaugnayan rin sa bibig/dila sa 
konteksto  ng  kantiyaw‐akademiko,  noong  minsan  ay  makasabay  namin  sa  isang  hapunan  si  Dr.  Zeus  A. 
Salazar: ‘ang ilan sa atin ay himod‐pwet [lick‐ass] sa kanilang mga gurong intelektwal na taga‐Europa at 
Amerika.’  
5
   Tingnan ang mga artikulo ni Zeus A. Salazar tungkol sa ‘pantayong pananaw’ sa: A Navarro, MJ Rodriguez, 
at V Villan (mga pat.), Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan (Lunsod Quezon: Palimbagan ng Lahi).  
6
   Tingnan  halimbawa  ang  tipikal  na  kantiyaw  sa  mga  ‘intelektwal’  sa:  Salazar  (2000),  Manifesto,  p.  132 
(Anotasyon 79). 
7
   Tingnan  ang  diskusyon  ni  Salazar  sa  pangkasaysayang  freym  ng  mga  Propagandista  sa:  Zeus  A.  Salazar 
(1983), “A legacy of the Propaganda: The tripartite view of Philippine history,” sa Ethnic Dimension, inedit 
ni Zeus A. Salazar (Kolonya: Caritasverband), pp. 107‐126. 
8
   Mahalaga ang pag‐aaral na ginawa dito ni Ramon Guillermo (2000),  Pook at Paninindigan: Mga ugat ng 
talastasang sosyalista sa Rebolusyong Pilipino (Quezon City: AVHRC). 
9
   Mula  sa  Ingles  na  tekstong  makikita  kay  Vicente  Rafael  (1988),  Contracting  Colonialism  (Quezon  City: 
Ateneo de Manila University Press). Akin ang pagsasalin. 
10
      Halimbawa:  Sherry  B.  Ortner  (1984),  “Theory  in  Anthropology  sine  the  Sixties,”  sa 
Culture/Power/History: A Reader in Contemporary Social Theory, inedit nina NB Dirks, G Eley, at S Ortner 
(Princeton: Princeton University Press, 1994), pp. 372‐411. 
11
    Ang  iba’t  ibang  presentasyon  sa  pagsasakasaysayan  ng  Euro‐Amerikanong  antropolohiya,  kasama  ang 
konsepto ng historikal na serye, ay mahalagang natalakay sa: Alan Barnard (2004),  History and Theory in 
Anthropology (Cambridge: Cambridge University Press).  
12
    Tingnan ang kanila at ibang katulad na mga istilo‐ng‐pag‐aaral sa: EA Smith at B Winterhalder (mga pat.) 
(1992),  Evolutionary Ecology and Human Behavior  (New York: Aldine De Gruyter). Tingnan rin ang isang 
kahanga‐hangang pag‐aaral na naglalayong gawan ng sintisis ang mga konsepto nina Bourdieu, Veblen, at 
Darwin  sa  loob  ng  tinatawag  na  signaling  theory  sa:  RB  Bird  at  EA  Smith,  “Signaling  theory,  strategic 
interaction, and symbolic capital,” Current Anthropology, Volume 46, Number 2 (April 2005), pp. 221‐248.   
13
    Tingnan:  Cultural  evolution:  Contemporary  viewpoints,  inedit  nina  GM  Feinman  at  L  Manzanilla  (New 
York: Kluwer). 
14
    Tingnan sa entri kay Vico ng: [http://plato.stanford.edu/entries/vico/]. 
15
    Michelle Z. Rosaldo (1980),  Knowledge and passion: Ilongot notions of self and social life (Cambridge: 
Cambridge University Press), p. 259 (footnote 9). 
16
    Tingnan sa: http://ead.lib.uchicago.edu: Guide to the Fred Eggan Papers 1870‐1991. 
17
    Tingnan  ang  updating  at  upgrading  nito  sa:  Slavoj  Žižek  (2007),  The  Parallax  View  (Cambridge,  Mass.: 
The MIT Press). 
18
    Richard  Dawkins  (1998),  Universal  Darwinism,  sa:  The  philosophy  of  biology,  inedit  nina  DL  Hull  at  M 
Ruse (Oxford: Oxford University Press). 
19
    Jacques  Monod  (1971),  Chance  and necessity: An  essay on  the natural  philosophy  of  modern  biology 
(New York: Vintage Books). 
20
    At ang buong pananaw na nasa kanyang pilosopikal na akda: E. F. Schumacher (1977),  A guide for the 
perplexed (New York: Perennial Library). Ang levels of being (iniisip na may mga ontolohikal na lundag ang 
bawat nibel) ay nasa kap. 2. 
21
    Nasa: Ferriols, Pambungad, pp. 135‐146. 
22
    Ang  epekto  ng  ‘pragmatiks  ng  tanong’  sa  ibang  konteksto  ay  makikita  sa:  MJ  Paluga  (2000),  Ang 
Pragmatiks ng Tanong at ang Pagtatakda sa Hangganan at Uri ng Pagtanaw/Pagtitig, binasang papel sa 1st 
Talastasan  sa  Bagong  Kasaysayan,  Bulwagang  Recto,  Faculty  Center,  CSSP,  University  of  the  Philippines, 
Diliman, 29 Agosto. 
23
    James  Clifford  at  George  E.  Marcus  (1986),  Writing  culture:  The  poetics  and  politics  of  ethnography 
(Berkeley: University of California Press). 
24
    Stephen A. Tyler (1986), Postmodern ethnography: From document of the occult to occult document,” 
sa  Writing Culture,  inedit nina J Clifford art GE Marcus (Berkeley: University of California Press), pp. 130‐
131. 
25
    Paul Rabinow (1986), Representations are social facts: Modernity and postmodernity in anthropology, 
sa  Writing Culture,  inedit nina J Clifford art GE Marcus (Berkeley: University of California Press), pp. 248‐
249. 
26
    Richard Rorty (1979), Philosophy and the mirror of nature (Princeton: Princeton University Press). 
27
    Jacques  Derrida  (2005),  The  politics  of  friendship  (London:  Verso),  p.  196:  Is  the  political  a  universal 
translating machine? 
28
    Naka‐upload ang isang kuha ng debate sa YouTube (huling na‐access nitong 12 Marso 2008): 
[http://www.youtube.com/watch?v=hbUYsQR3Mes] at, [http://www.youtube.com/watch?v=VXBfOxfmSDw& 
feature=related] 
29
    Dramatikong  nangyari  sa  kaso  nina  Bruno  Latour  at  Steve  Woolgar.  Halimbawa,  ang  unang  edisyon 
(1979) ng kanilang librong  Laboratory Life  (Princeton: Princeton University Press) ay may sub‐pamagat na 
‘social construction of scientific facts.’ Tinanggal nila ang ‘social’ sa pangalawang edisyon (1986), dala ng 
dumaraming puna sa relatibismo ng social constructionism at pagpapalawak ng mga elementong sakop ng 
‘social.’ Tingnan ang Postscript ng pangalawang edisyon (pp. 273‐286) para sa mas mahabang paliwanag.  
30
    Michael Taussig (1993), Mimesis and alterity (New York: Routledge), p. xvi. 
31
    Rene O. Villanueva (2006), (Im)Personal (Quezon City: Anvil), p. 125. 
32
    Tingnan  ang  buong  diskusyon  sa:  Terry  Eagleton  (1996),  The  Illusions  of  Postmodernism  (Oxford: 
Blackwell). 
33
    Michael Taussig (1993), Mimesis and alterity (New York: Routledge), p. 232. 
34
    Tingnan  ang  pagtalakay  sa  ganitong  porma  ng  pagsusulat  at  paglalahad  ng  kaalaman  ni  Dawkins  sa: 
Richard Dawkins (2004), Postmodernism disrobed, sa  A Devil’s Chaplain  (Boston: Mariner Books), pp. 47‐
53. 
35
    Bagay na binibigyang‐diin ni Alfred North Whitehead sa marami niyang mga akda. Tingnan, halimbawa: 
Alfred North Whitehead (1933), Adventure of Ideas (New York: Mentor Book). 
36
    Ito  ang  ‘pulitika  ng  pagbabawas’  (Žižek:  politics  of  subtraction)  sa  larangang  pagti‐teorya.  Ganito  ang 
kahawig nitong anyo sa larangang pulitikal: 
 
            The threat today is not passivity but pseudo‐activity, the urge to “be active,” to “participate,” to 
            mask  the  Nothingness  of  what  goes  on.  People  intervene  all  the  time,  “do  something”; 
            academics  participate  in  meaningless  “debates,”  and  so  forth,  and  the truly  difficult  thing  is  to 
            step back, to withdraw from all this. Those in power often prefer even a “critical” participation, a 
            dialogue,  to  silence—just  to  engage  us  in  a  “dialogue,”  to  make  sure  our  ominous  passivity  is 
            broken. [….] We can imagine the varities of such a gesture in today’s public space: not only the 
            obvious “There are great chances of a new career here! Join us!”—“I would prefer not to”; but 
            also  “Discover  the  depths  of  your  true  self,  find  inner  peace!”  —“I  would  prefer  not  to” 
            [Gelassenheit? No, Thanks!]; … This is the gesture of subtraction at its purest… (The Parallax View, 
            p. 334, 382, [278]). 
 
37
    Žižek, The Parallax View, p. 214. 
38
    Tingnan:  N  Katherine  Hayles  (1999),  How we  became posthuman  (Chicago:  The  University  of  Chicago 
Press). 
39
    Ito ay  kung tinatanggap ng isa na tumpak ang Marxistang analisis na umiikot sa konsepto ng  mode of 
production  at  social formation. Isang anyo ng pagtaya ito na nagsasabing:  kung  totoo ang ‘tunggalian ng 
uri,’  walang  malalimang  antas  ng  ‘pagkakabuo’  (ng  tao)  kung  hindi  muna  nilalansag  ang  kaayusang 
nagpapanatili sa mga ‘uri.’ Sa diretsong pagkasabi ni Guillermo (sa Salazar, Manifesto, p. 206): 
 
           [P]ara sa akin ang salungatan ay salungatan sa pagitan ng mga “hindi‐nagkakaintindihan” sa loob 
           ng  iisang  wika.  Kaya  nga  ito  humantong  sa  armadong  labanan  ay  wala  nang  makukuha  sa 
           pakikipag‐usap pa. 
  
40
    Maikukumpara ito sa argumento tungkol sa non‐all logic mula kina Hegel, Jacques Lacan, Slavoj Žižek, at 
iba  pa  (na  buong  siglang  pinanindigan  at  pinag‐ibayo  sa:  Žižek,  Parallax  View).  Tingnan  rin:  Slavoj  Žižek 
(2003), The puppet and the dwarf: The perverse core of Christianity (Cambridge, Mass.: The MIT Press). 
 
Bibigyan natin dito ng mahaba‐habang diskusyon ang ideya ng non‐all. Ang ideyang ito ay tila magbubukas 
ng bagong lapit sa usaping ‘kabuuan’ kung itatabi sa ginawang kontrast ni Guillermo (Pook at Paninindigan, 
p.  51)  tungkol  sa  pag‐iisip  sa  ‘kabuuan’:  ang  ‘kabuuang‐walang‐lamat’  kontra  ‘kabuuang‐may‐hidwaan.’ 
Ang laro dito ay: (1) ilatag ang ‘kabuuan,’ at (2) gawan ng kaunting pagbabago (i‐qualify): ‘may hidwaan’ o 
‘walang  hidwaan.’  Parehong  ‘kabuuan’  ang  umpisang  postulate.  Paano  kung  ang  ilalatag,  sa  umpisa  pa 
lang, ay ang pagka‐di‐buo?  
 
Kung  itutuloy  natin  ang  pag‐iisip  sa  daloy  na  ito  (pag‐uusap  sa  ‘kabuuhan’),  maari  tayong  mapunta  sa 
ideya ng  dialectics. Ang popular na paglalahad ay: ‘ang isa ay naging dalawa, at may hidwaan sa dalawa.’ 
Ang laro ay: (1) may ‘isa’ na magiging ‘dalawa’ (mahahati sa dalawa), at (2) ang hidwaan ay lilitaw lamang 
matapos  lumitaw  ang  dalawa:  ang  hidwaan,  samakatuwid,  ay  hidwaan  ng  ‘isa’  at  ‘isa.’  Ang  lohikal  na 
implikasyon  ay:  hindi  kayang  isipin  (ng  istilong  ito  ng  pag‐iisip)  ang  ‘hidwaan’  kung  hindi  sa  gitna  ng 
‘marami’  (sa  minimum,  dalawa  o  ‘maraming  isa’).  Plurality  ang  prerequisite  upang  maisip  ang  hidwaan 
(contradictions, struggles).  Tatawagin natin itong ‘hidwaan 1.’ Paano kung, sa umpisa pa lang, ang ‘isa’ ay 
‘may hidwaan na sa sarili’? Ito ang  pinakapayak na anyo ng totoong ‘hidwaan’ at pinakapayak na anyo ng 
pagka‐‘iba’  (pure  difference):  hiwalay  na  kaagad  ang  ‘isa’  sa  kanyang  sarili  (sa  umpisa  pa  lang),  di‐
pagkakatugma‐ng‐isa‐sa‐kanyang‐sarili  (non‐identity  of  the  one  from  itself).  Tatawagin  natin  itong 
‘hidwaan 2.’  
 
Bakit  mahalaga  ang  pormulasyong  ito?  Ang  argumento  ay:  may  nakatagong  (maling)  assumptions  sa 
‘hidwaan 1’ na wala sa ‘hidwaan 2.’ Heto sila: (1) panlabas ang hidwaan (‘isa’ vs ‘isa’; kung sasabihing may 
hidwaan sa loob ng ‘isa,’ ito ay dahil nahati na naman ito sa dalawa na naghihidwaan,  ad infinitum); (2) 
ligtas sa hidwaan ang panloob na ‘isa’ (at ‘isa’ sa loob ng ‘isa,’ ad infinitum)  sa pinaka‐loob‐loob nito: kaya 
napapanatiling‐ligtas  ang  ideya  ng  pagiging  ‘buong‐buo’  ng  ‘isa,’  kahit  pa  sa  pabalat  na  pagsang‐ayon  sa 
hidwaan: sa istilong ito: kailangan talaga munang ‘maging dalawa’ upang maisip ang hidwaan: halimbawa, 
maiisip  lamang  ang  hidwaan  sa  ‘loob  ng  isip’  sa  horizon  ng  ‘pagdadalawang‐isip’  o  pagkakaroon  ng 
‘dalawang personalidad’ (ibig‐sabihin, hindi normal ang hidwaan); (3) sa huli, liliko ang ideya (‘ang isa ay 
naging dalawa’) sa (pilosopikal na) pagpapalagay (dahil bibigyang‐diin ang ‘hidwaan 1’) na ‘marami na sa 
umpisa’:  na  ‘plural’  ang  katutubong  kaayusan  (tuntungang  metapisika  ng  Postmodernismo,  na  may 
obsesyon sa plurality).  
 
Kung iiwasan ang tatlong ideyang iyan, ang magiging alternatibong lohika lamang na naiwan ay ang lohika 
ng  non‐all  o  ang  ‘hidwaan  2.’  Dito,  pinapanatili  (kung  iisipin,  ipinaglalaban)  ang  ideya  ng  ‘isa.’  Ito  ang 
sasabihin: pagiging ‘isa’ talaga ang katutubo at nagpapatuloy na kaayusan, ngunit ang ‘isa’ ay meron na 
kaagad  bitak  sa  sarili,  di‐tugma  sa  sarili,  di‐buo.  ‘Di‐buong  isa’  (o  ‘isang  may  lamat’)  ang  konseptong 
maaaring itabi (bilang panghambing) sa ideya ng ‘kabuuhang‐may‐hidwaan.’ Ang totoong pormulasyon ng 
‘dayalektika ng loob,’ kung gayon, ay hindi ‘ang isa ay naging dalawa,’ kundi: ‘ang isa ay  di‐buo’ o ‘ang isa 
ay  may  tagpas  na  (sa  umpisa  palang).’  Isisingit  ito  ni  Žižek,  bilang  Kristiyanong  pormulasyon  (na  hindi 
makikita  sa  ibang  mga  relihiyon)  sa  mahalagang  ideya:  ‘isang  sugatan  at  nagdurusang  Diyos,’  di‐buong 
Diyos (may Diyos, pero siya’y di‐buo, nasa loob ng di‐buong Kasaysayan). ‘Monoteyistang Kristiyanismo’ 
ang  nasa  pinakapusod  ng  ‘materyalistang  dayalektiks’  o,  vice  versa,  may  dayalektikang  kernel  ang 
Kristiyanismo. Ang galaw ng ‘pagbubuo,’ kung gayon, ay bumubukal mula sa primordiyal na pagka‐di‐buo 
(ng iisang Mundo). 
 
Ano  ang  mahuhugot  natin  sa  pilosopikal  na  konsepto  ng  non‐all  (di‐buo)  para  sa  pag‐iisip  tungkol  sa 
‘kabuuan’ at ng ‘hidwaan’ sa loob ng bayan, lipunan at kalinangan? Na: maaaring pag‐ibahin ang tanong 
tungkol sa pagiging ‘buo’ at tanong sa pagiging ‘isa’ (pag‐iisip na, ‘iisa ang ating pinanggalingang ninuno,’ 
‘nasa iisang kalinangan tayo,’ ‘iisa ang ating mundo,’ o di kaya, sa popular na  advertisement  noon, ‘isang 
bangka tayo’). May mahalagang ‘nibel ng meron’ kung saan totoo, at makabuluhang adhikain, ang ating 
pagiging  ‘isa.’  Hindi  iyan  nangangahulugang  binobola  na  natin  ang  ating  sarili  na  tayo’y  ‘buo’  (‘isang  di‐
buong Bayan’).  
 
Ikinahihiya ng Postmodernismo ang magsalita tungkol sa ‘isa’: ang matinding pang‐unawa nito (na halus 
isang  epiphany)  sa pag‐iral ng ‘hidwaan’ (matapos ang mahabang kompleks sa ‘kabuuan’/totality/whole) 
ay  hahantong  sa  lagi’t  laging  pagbabanggit  sa  ‘marami’  (selebrasyon  ng  ‘plural’)  dahil  hindi  nito  kayang 
isipin  (maliban kung tatanggapin ang lohika ng  non‐all) ang (maaaring) pagkakasabay ng konseptong ‘isa’ 
at ng konseptong ‘hidwaan.’ Sa kaparehong daloy ng pag‐iisip, ganito ang kanyang pormula: ‘isa’ = ‘buo.’ 
(Selebrasyon  ng  ‘plural’:  sabagay,  maaari  nga  silang  magdiwang  dahil  ang  hidwaang  iniisip  ay  talagang 
hidwaang panlabas lang: bungguan ng maraming ‘isa’ na, sa loob‐loob nito, ay nag‐iilusyong ‘buong‐buo.’ 
Maya‐maya pa, maaaring ilaglag na nila ang epifanya ng ‘hidwaan’ at ang pluralidad nalang ang tanging 
pahalagaha’t ipagbunyi: mula ‘kabuuan,’ tungong ‘hidwaan,’ tungong ‘pluralidad’ (tungong ‘anarkismo’ pa 
siguro). Ang trahedya ng panahon. Sa kabilang banda, ay ang pormula na: ‘isa’ ≠ ‘buo’ at ‘isa’ = ‘di‐buo.’  
41
    Ang  kahalagahan  ng  ‘paninindigan’  (kaiba  sa  ‘pook’),  na  ang  diin  ay  ang  ‘maka‐uring’  dimensiyon,  ay 
binigyang‐diin sa: Guillermo, Pook at Paninindigan. 
42
    Ang ganitong ideya ng gap ay hiram kay Slavoj Žižek (The Parallax View), na may kaunting pagbabago at 
(sa puntong ito) maaari‐munang ihiwalay sa iba pang implikasyon ng tatawagin niyang  parallactic gap sa 
pilosopiya, kognitibong agham, at pulitika. 
43
    Zeus A. Salazar (2006), Kasaysayan at tunguhin ng antropolohiya/aghamtaong Pilipino, CHSS Activities 
for  the  98th  Foundation  of  the  University  of  the  Philippines  (Tema:  “Kabansaan,  Ka‐Mindanawan,  at 
Dayaspora”), UP Mindanao, SOM, 19 Hunyo, p. 1‐2. 
44
    Ang kaugnayan ng matibay na loob (‘kabuuan’) at ang mas kapaki‐pakinabang na ‘pag‐aangkin’ ng mga 
bagay mula sa labas. Sinalungguhitan ito sa komprehensibong pagtalakay ni Lily Mendoza sa Pantayong 
Pananaw at mga aspeto nito, tingnan sa: S. Lily Mendoza (2002), Between the homeland and the diaspora 
(Routledge: New York). Narito ang isang mahalagang sipi tungkol sa usapin ng ‘pag‐angkin’: 
 
           [to] have one’s own sense of  kabuuan  (totality) now allowed for appropriation (pag‐aangkin) of 
           foreign  knowledge  without  being  unduly  overwhelmed  or  impressed  by  such  and,  more 
           importantly, without reinscribing psychic domination (p. 85). 
 
45
    Habang ini‐endorso ni Dr. Ricky Nolasco (personal na pakikipag‐usap), ng Komisyon ng Wikang Filipino, 
ang pangangailangang maging experto, ng bawat Pilipino, (sa minimum!) sa apat na wika (Tagalog/Filipino, 
Bisaya,  Ilokano,  at  Ingles),  kailangan  pa  ring  bigyan  ng  higit  na  atensyon,  upang  lalong  malinang,  ang 
wikang Filipino/Pinoy.  
46
    Salazar (2000), Manifesto, p. 85. 
47
    Roque J. Ferriols, SJ (1992), Mga sinaunang Griyego (Lunsod Quezon: Ateneo de Manila University, ORP), 
p. 1. Pansinin ang medyo teknolohikal na mga metapora ni Ferriols (‘helikopter,’ ‘motorboat,’ ‘radar’ (at 
ang pag ‘iskuba’), na maiko‐kontrast sa relihiyosong papel ng mga ito sa ‘pagdanas ng hiwaga’ (ikumpara 
kung, halimbawa, sasabihin na: ang mga nabanggit na teknik ay upang mas makita ang mga ugnayan ng 
mga nabubuhay sa ilalim ng dagat). 
48
    Sa naunang presentasyon ng papel na ito. 
49
    Villanueva, (Im)Personal, p. 114, 125. 
50
    Para sa isang historikal na pagpopook sa ilang diskurso ng antropolohiya ng Europa, tingnan ang inedit 
na akda nina Han F. Vermeulen at Arturo Alvarez Roldan (1995),  Fieldwork and Footnotes: Studies in the 
history of European anthropology (London: Routledge). 
51
    Sa isang interbyu, binanggit ni Salazar ang gawaing, 
 
           tracing,  revealing  that which has never been written about because we were following leads set 
           for us by another foreign discourse. (Sa: Lily Mendoza,  Between homeland and diaspora, p. 85, 
           akin ang diin.) 
            
52
    Laging binabanggit ni Covar sa aming klase noon ang dalawang katagang ito. 
53
    Mula kay Salazar, tingnan: Manifesto, p. 198.  
54
    Kasali na ang pag‐kritik sa maalamat na ‘etnograpiya’ at pagbabalanse sa penomenolohiya at pagsasa‐
agham. 
55
    Stephen Jay Gould at Elisabeth Vrba, (1982), Exaptation—a missing term in the science of form, sa  The 
Philosophy of Biology, inedit ni David Hull and Michael Ruse (Oxford: Oxford University Press), pp. 52‐71. 
56
    Ang larawan ng bricoleur ay nasa: Claude Levi‐Strauss (1966), The savage mind (Chicago: The University 
of Chicago Press). 
57
    Sa maraming impormal na pag‐uusap. 
58
    Konseptong  unang  ginamit  sa  computer  science  at  cognitive  science.  Tingnan  ang  pagtalakay  sa 
modularity of mind at iba pang kaugnay na konsepto sa: Robert A. Wilson at Frank C. Keil (1999), The MIT 
Encyclopedia of the Cognitive Sciences (London: MIT Press). 
59
    Alfred North Whitehead (1990), An introduction to mathematics (Chicago: Encyclopedia Britannica). 
60
    Amado V. Hernandez (1961), Isang Dipang Langit (Quezon City: Ken, Inc.), p. 20. 
61
    Ang class dito ay mahigpit na tumutukoy sa mas malawak na konsepto ni Marx ng mode of production. 
62
    Herman Melville (1980), Moby Dick (New York: NAL, Signet), pp. 270, 293. 
63
    May  umpisang  pag‐aaral  dito,  sa  kontekstong  Timog‐Silangang  Asya,  sa:  MJ  Paluga  (2007),  Cultural 
Attitudes  to  Animals  in  Southeast  Asia:  Human‐Animal  Relations  as  a  Dimension  in  Cultural  Identity 
Formation  and  Dynamics,  naipresenta  sa  6th  Workshop‐Conference  of  the  Asian  Public  Intellectuals, 
Marco Polo Hotel, Davao City, 25‐29 November 2007. 
64
    Stefan Seitz (2007), Game, pets, and animal husbandry among Penan and Punan groups, sa  Beyond the 
green  myth: Borneo’s  hunter‐gatherers  in the  Twenty‐first  century,  inedit  nina  P  Sercombe  at  B  Sellato 
(Copenhagen: Nordic Institute of Asian Studies), pp. 177‐191.  
65
    Sheila Mae G. Tampos, Exploring Bagobo ethno‐taxonomy,  Fieldwork Paper  (1st Field School  2005,  UP 
Mindanao),  19  pah.  Maliit  na  pamayanan  lamang  ang  Kimaymana,  halus  animnapo  katao  lang  ang 
nandodoon,  at  dahil  hindi  rin  gaano  katagal  at  katutok  ang  ginawang  pag‐aaral  sa  kanilang 
‘etnotaxonomiya,’  magandang  tanong  kung  gaano  kalaganap  at  katatag  ang  nakita  ng  panimulang  pag‐
aaral ni Shiela Tampos. Gayunpaman, ang nakuhang obserbasyon ay resulta ng maingat na pagtatanong at 
ang nabuong anyo ay ipinakita at sinang‐ayunan ng mga naroroon.  
66
    Bilang direkta kong reaksiyon noong sumangguni sa akin si Sheila, dahil medyo ‘magulo’ sa tingin ko ang 
larawang ibinigay (matatag ang kapit ni Carolus Linnaeus), at bilang suhestiyon tungo sa komparatibong 
lapit, nagmungkahi ako ng isang mas ‘maayos’ na interpretasyon sa nakitang paglalarawan. Salamat kay 
Shiela  (na  hindi  nagpadala  sa  suhestiyon  ko)  at  kay  Gus  Gatmaytan  na  sinusugan  ang  ‘simpleng  nakita’ 
bilang napakahalaga. 
67
    MJ Paluga (2004), Knowledge Practices Traversing Nature/Culture Divide: Review of Recent Themes in 
"Social" Studies, sa Banwa (Journal of UP Mindanao). Number 1, volume 1: 11‐36. 
68
    Tingnan:  Zeus  A.  Salazar  (1999),  Ang  Kartilya  ni  Emilio  Jacinto  at  ang  Diwang  Pilipino  sa  Agos  ng 
Kasaysayan, Bagong Kasaysayan Blg. 6 (Lunsof Quezon: Palimbagan ng Lahi), p. 77. 
69
     Tingnan  ang  buong  diskusyon  sa:  Maricel  Paz  Hilario  (2004),  On  “development”:  Competing 
perspectives and practices in Northern Bukidnon, Mindanao. MA Thesis, Department of Anthropology, UP 
Diliman. 
70
    Tingnan: Lynn Margulis at Dorion Sagan (2002), Acquiring genomes: A theory of the origin of species. 
71
   Tingnan: [http://www.sciencemag.org/cgi/content/short/312/5778/1273g] at, [http://www.sciencemag.org 
/cgi/content/short/312/5778/1355].  Makikita  ang  mas  mahabang  pag‐talakay  ng  symbionts  dito:  Jian  Xu  at 
Jeffrey I. Gordon (2003), Honor thy symbionts,  PNAS,  Vol. 100, No. 18 (2 Setyembre), pp. 10452–10459.  
Ini‐endorso  ng  mga  author  ang  pagbubuo  ng  isang  malawak  na  pag‐aaral  na  tatawaging  microbial 
anthropology: 
 
           A  microbial  anthropology  that  focuses  on  genome‐based  analysis  of  the  microbiota  in  suitably 
           preserved  and  procured  samples  of  feces  and  or  intestines  derived  from  ancient  humans  (93), 
           from current, relatively isolated human populations living in ecologically distinctive niches of our 
           planet,  or  from  nonhuman  primates  that  inhabit  various  locales,  should  provide  new 
           understanding  of  how  our  migrations,  dietary  transitions,  and  social  innovations  interactions 
           conspired  to  craft  modern  symbionts  (and  Homo  sapiens),  as  well  as  how  they  influenced  the 
           birth and spread of pathogens (p. 10458). 
 
72
     MJ  Paluga  (2004),  Integrating  Darwin’s  “view  of  life”  in  anthropological  knowledge/education: 
Foregrounding  human‐nonhuman  entanglements,  sa  Aghamtao  (Journal  of  the  Anthropological 
Association of the Philippines [UGAT])13: 37‐62. 
73
    Charles Darwin (1958), The voyage of the Beagle (New York: Bantam Books), p. 370. 
74
    Lahat  ng  sipi  bilang  PB  ay  sa:  Ponciano  L.  Bennagen  (1977),  Pagbabago  at  Pag‐unlad  ng  mga  Agta  sa 
Palanan, Isabela, inilathala bilang, Diwa Bol. 6, Bilang 1‐4 (Enero‐Disyembre). 
75
    Unang  nabanggit  ang  ‘sangkinabuhi’  (na  mungkahi  rin  ni  Zeus  Salazar)  sa:  MJ  Paluga  (2006),  Ang 
Sangkinabuhi ay mahalagang larangan ng Agham‐Tao: Ang antropolohista sa harap ng sari‐saring fild ng 
Agham‐Buhay,  ibinahagi  sa  rountable  discussion  sa  topikong  "Practice  in  Anthropology  (When  is 
Anthropology),"  28th  Annual  Conference  of  UGAT  (Anthropological  Association  of  the  Philippines),  “The 
Philippines  Unbound:  Anthropological  critiques  of  globalization,”  Silliman  University,  Dumaguete  City, 
October 26‐28. 
76
    Clemen C. Aquino (1999), “Mula sa kinaroroonan: Kapwa, Kapatiran, at Bayan sa Agham Panlipunan,” 
Professorial Chair Paper, CSSP (UP Diliman). 
77
    Adam  Kuper  (1994),  Anthropological  futures,  sa  Assessing  Cultural  Anthropology,  ineditni  Robert 
Borofsky (New York: McGraw‐Hill, Inc.), pp. 113‐118. 
78
    Tim Ingold (2002), Companion Encyclopedia of Anthropology (London: Routledge). 
79
    Nicholas B. Dirks, Geoff Eley, at Sherry B. Ortner (mga pat.)  (1994),  Culture/Power/History: A Reader in 
Contemporary Social Theory (Princeton: Princeton University Press, 1994) 
80
    Tingnan  ang  isang  diskusyon  tungkol  dito  sa:  Zeus  A.  Salazar  (1998),  “Philippine  Studies”  and 
“Pilipinolohiya”: Past, Present and Future of Two Heurestic Views in the Study of the Philippines, sa  The 
Malayan Connection (Lunsod Quezon: Palimbagan ng Lahi), pp. 301‐323. 
81
    Mahalaga  ang  ginawang  pag‐aaral  historikal,  para  dito,  nina  Steven  Shapin  at  Simon  Schaffer  (1985), 
Leviathan and the Air‐pump (Princeton: The Princeton University Press), at ang ‘kakaibang’ aklat ni Donna 
Haraway (1997), Modest_Witness@Second_Millenium.FemaleMan©_ 
Meets_OncoMouse™: Feminism and Technoscience (New York: Routledge). 
82
    Zeus A. Salazar (pat.) (2001), Mga Tula ng Pag‐iral at Pakikibaka (Lunsod Quezon: Palimbagan ng Lahi), p. 
115. 
83
    Romulo A. Sandoval (1997), Kanta sa Gabi (Lunsod Quezon: Sipat Publications), p. 54.  

				
DOCUMENT INFO
Shared By:
Tags:
Stats:
views:678
posted:11/1/2009
language:Tagalog
pages:47