Computer shop guide and tips by iloveantipz

VIEWS: 34 PAGES: 4

									Add ako mga bro ng mga suggestions based on my own experience:

Computer Setup

Processor - i3 is ok pero kung may budget para future proof ka eh mag i5
ka for hardcore gamers na customer.
Mobo - Gigabyte, Foxconn or Asus. Gigabyte pinakamadaming features, check
nyo sa website nila. Wag kayong kukuha ng ECS or Asrock, sirain at mahina
sa init, kahit may warranty eh ang tagal bago mapalitan, hassle pa.
RAM - Kingston syempre, subok na talaga. 2GB recommended, eh 4GB kung
kaya ng budget. Other brands eh sumusumpong, minsan gagana minsan hinde.
Video Card - 1GB na 128bit or higher, wag kukuha ng 64bit na video card
kahit 1gb pa yan basta 64bit maglalag mga games nyo. Wag yung brand na
Palit, huli kong bili nyan napalitan agad. Inno3D tumagal saken
Hard Disk - Seagate or Western Digital, wag Hitachi. 320GB to 500GB or
higher is suggested
Mouse and Keyboard - hangga't maari wag yung generic para tumagal, sirain
yung mga generic. Genius na brand tumagal saken. Tips para tumagal yung
keyboard nyo, lagyan nyo ng nail polish na transparent para hindi agad
mabura yung letters.

Note: as much as possible gawing same specs lahat ng pc para clone ka
nalang ng clone gamit norton ghost


Other Peripherals

Extra Keyboard and Mouse and PSU - dapat lage ka may stock nito, expect
mo na masisira agad tong mga to, lalo na kung konti lang unit mo eh di
unusable agad isang unit mo, bawas kita agad.
Headsets - para di maingay sa shop mo. Ok na yung generic pero iwasan
yung maninipis yung kable.
Router - kung ano preferred mo.
Switch or Hub - 16 ports na agad para pag nag boom business mo di ka na
ulet bibili ng isa pa. Ito yung naka konek sa router mo.
Security Camera - wag balewalain, mahal ang mga piyesa at computers
External HDD - one place ng mga backup, game installer, OS image, files,
etc


Security

Antivirus - MS Security Essentials, Avira or Eset. These are proven na
magaan sa system, effective at di malakas kumain ng memory.
Install Block - Very powerful sa shop ito. Pwede mo na i-block access sa
C, D and F drive using this. Pwede mong iblock ang access sa task
manager, run, cmd, notepad, regedit etc. sa lahat ng ayaw mo ipa access.
Maski ang installation at pag delete ng mga system files at games mo ay
maba block na nya.
Deepfreeze Enterprise - no need to explain. Di ka mabubwisit sa mga
virus, system crash, nawawalang mga icon at mga napalitang wallpaper,
isang restart lang katapat.
Note : always put a password in everything. Your bios, install block,
deepfreeze, tuneup, antivirus etc. para sa mga techy na customer na
malakas manira. Pinakamahirap sa lahat eh makalimutan ang password (like
me) so write it down o i-save sa notepad sa server


Tweaks and Other Softwares

Handy Café - ito gamit kong timer, maliban sa libre dami ding features.
Pwede mo i-remote control mga station for installation and repairs. Pwede
ka din mag setup ng user accounts para sa mga members para may sarili
silang login after nilang magbayad in advance.
Tuneup Utilities - napaka daming tweaks nagawa nito para saken, maliban
sa pampabilis ng pc, pang disable ng mga startup at unnecessary services,
ito gamit ko para ma hide yung mga partition ko. Pang relocate ng mga
folders to Drive D especially yung AppData na folder where most games
duon naka save yung saved game ng mga customer ko
Defraggler - before freezing a unit syempre i-defrag mo muna para optimum
performance yung computer mo
IP Messenger - for sending files/installers from pc to pc, lightweight
software na mabilis at madali gamitin. Useful kung mag-install ka ng
bagong games then from server ay mase-sendan mo lahat ng clients ng copy
ng installer sabay sabay then gagamitan mo ng built-in remote management
ng handycafe para ma-installan mo bawat pc without going physically to
each clients or may ipapa-print o sasabihin si customer sayo pwede gamit
ito, naka disable din kase ang shared docs saken for safety precautions.
Handy Café Firewall - pang limit ng download ng mga customer, pang
filter/block ng mga porn sites.
Norton Ghost - hinde pwedeng mawala, pang backup syempre. Gumawa ako ng
bootable USB with this included narin yung Hiren's syempre. Every month
dapat ang pag update mo ng norton image para lage latest lage yung patch
ng windows, antivirus saka mga softwares mo sa mga norton images na
backup mo.


HDD Setup
Drive C - is 30gb, naka deepfreeze at naka hide at naka block access
gamit ang install-block. Windows 7 OS and office lang ang naka install
saka mga other software na di masyado ginagamit at di naga-update like
IE, messenger, firefox, photoshop, office etc... to prevent virus, system
crashes etc..
Drive D - is 200gb, di naka freeze at naka hide at naka block access
gamit ang install-block. Dito naka install lahat ng games, programs na
naga update at mga redirected folder tulad ng AppData para ma retain yung
save games ng mga customer
Drive E - is 10gb, di naka freeze, hindi naka hide, customer accessible.
Dito naka locate ang buong My Documents for the customers access
including the downloads folder. Para sa mga nagtataka ang My Documents ay
nare-relocate sa ibang drive, just right click My Documents then
properties then my option dun na target or something, sorry i forgot or
simply use tuneup utilities to relocate it.
Drive F - (size is the remaining hdd space), naka hide at naka freeze at
naka block access gamit ang install-block. Ang purpose lang ng drive na
ito ay dito nakalagay ang backup o norton ghost image ng Drive C and
Drive D for easy restore ng system in case na talagang mag crash


Games
- Lahat ng patok na games i-install mo, given na yan, ask your customers
na rin for suggestions kung may kulang ka pa.

Strategy
CR - Wag kakalimutang na dapat may CR ka. Maraming owners and nakakalimot
kung gaano ka importante to. Ayaw na ayaw mong uuwi sila para lang umihi
tapos di na makabalik dahil tinamad na.
Promos - di pwedeng wala, yari ka sa ka kumpetensya mo, hanggat maari I
post mo ng malaki sa pinto mo. Utilize Member accounts feature ng
handycafe or other timers para sa flexibility ng oras ng customer
Pairing your customers - pagtatabihin mo lage ang babae sa kapwa babae
para di maiilang at lalake sa kapwa lalake for more gaming fun.
Saved Games - Importante ang saved games ng mga customer mo para may
babalik-balikan sila at dahil naka-deepfreeze ka, responsibilidad mong
hanapan ng paraan para i-relocate yung mga folders kung saan napupunta
save games nila either via registry edits or software intervention.
Pakikisama - self explainable na ito. Number 1 requirement. Its better
and cheaper to keep old customers than getting a new ones.
Be Open to Suggestions - i-encourage mo yung mga customer magbigay ng
suggestion, lalo na yung nagrerequest ng games para babalik at babalik
sila sa shop mo.
Maintenance - malakas mag ipon ng alikabok ang mga computer, kung gusto
mo tumagal ang investment mo, dapat may general cleaning schedule ka.
Masarap maglaro at mag-FB sa malinis na lugar.


Hope this helps….
.
grabe sir may problem p rin pl connections u, malulugi k n nyan. Anyways,
since wala k ngang Deep Freeze, and if ikaw lng jan sa place nyo ang DSL
connections n may problem sa slowmos ng ganyan katagal... I'm pretty sure
n may Virus at kung anu-ano p yung mga PC mo jan... And since naka-
network nga sila, den lahat yan ay meron na. Di n rin pede jan ang system
restore ng windows dahil pati yun ay infected na. Yung taskManager mo ba
ay nakaDisable na??? If nakadisable eto ng wala k namang software na
gamit pang disable nun... den 100% may virus units mo.
My suggestions:
1. Format mo muna 1 unit mo, make sure to isolate muna eto sa mga ibang
unit(shut down other units to avoid infection sa ibang unit)..
2.Pagkainstall ng windows at drivers. Make system restore point.
3.Wag kabitan ng anumang storage Device (usb etc). By this time unahin
ang anti-virus bago yung mga installers ng game etc. kc bk pati
installers mo ay di clean.
4.Connect Directly as stand alone... chek if maayos na ang speed ng
network mo.Make speedtest.
Pag Ok at consistent na ang speed ng stand alone mo. Eto na ang gawin mo.
5. Properly install na yung antivirus. (I suggest Microsoft essential)
This is optional if may Deep Freeze ka iinstall mo na.
6. Now if gusto mo muna i try if pwede pa yung ibang units mo na malinis,
i slave mo yung mga hard disk n yun. Try to scan and clean it up. Pag
nalinis na ibalik sa mga respective units yung hard disk. Pro di eto 100%
na maibabalik sa dati, pag di n sya bumalik sa normal na booting at
running ng programs, no other choice but to reformat yung mga unit na
eto. Pro pag nagboot nmn ng maayos pag balik mo ng mga hard disk, den its
good.Gawin mo lng pag slave ng hard disk to retrieve impt. files or kung
pwede p sya maayos para di kn mag reformat ulit, kc time consuming.
7. I-scan and clean mo lahat ng usb drives mo jan, pati memory cards from
cp, etc... pag nag auto-run cancel and wag mo i-open to view file, just
cancel and scan ng anti-virus... iba n sigurado. bk kc mainfect n nmn.
8. Pag sa palagay mo ay okay at malinis na ang lahat, den ok n yung speed
dun sa stand alone mo, i-set up mo n yung home network mo.

Yung experience mo kc na ganyan naranasan ko na sa shop ko last
dec2009... Super slowdowns, disabled task manager, gameguard corrupted sa
mga oL games, blue screens..etc. Pinormat ko lahat, iniscan ko pati mga
dVd backups ko,USB. Nag install ng microsoft essentials, nalinis ko p
yung mga files na iba... Di nmn kc maasahan yung pagtawag sa ISP. same
lng mga suggestions nila. Sana maayos n yung problem mo jan s shop
mo...Sakit sa ulo yan, and di k makakatulog pag ganyan. Gud LUck;)

								
To top