Docstoc

alamant ng aswang at pinya

Document Sample
alamant ng aswang at pinya Powered By Docstoc
					ANG ALAMAT NG ASWANG

Noong unang panahon, lima pa lamang ang tao sa mundo.Isa na dito ay ang batang si
Lam-eng. Kasama niya sa kanilang kahariang patag ang kaniyang Tiyo Samuel.
Nandoon din ang dalawa nilang alalay na sina Inas dilim at si Amir-ika sinag.Gabi-
gabing nananaginip si Lam-eng tungkol sa isang lalaking kamukhang kamukha niya
na nakatira sa bundok. Dahil sa pagkabahala, tinanong niya ang kaniyang Tiyo
Samuel ukol dito.Sinabi sa kaniya ng kanyang Tiyo Samuel na kambal silang
ipinanganak ng kanilang inang supremong bathala. Siya ay pinatira sa patag kasama
ng ng kanyang tiyo at ang kaniyang kambal na si Asuw-eng naman ay mag-isang
iniwan sa bundok.Napatigil ang kaniyang tiyo sa pagkukuwento. Naisip kasi nito na
kung sakaling magkasama ang dalawang magkapatid, ay magsasama din ang
malalakas na kapangyarihan ng mga ito na maaring makapagpawala sa taglay na
kapangyarihan ni Tiyo Samuel.Kaya naman sinabi agad nito na napakabangis na
taong may pakpak at dalawang malalaking pangil si Asuw-eng. Kaya umano ito
inilagay sa bundok para doon kumuha ng mga karne ng hayop bilang pagkain. Mas
malakas din umano ito kay Lam-eng at maaari itong lapain sakaling lumapit si Lam-
eng kay Asuw-eng.Gayumpaman, nais pa ring makita ni Lam-eng ang kaniyang
kapatid. Hindi siya pinayagan ng kaniyang Tiyo Samuel kaya sinabi nito na uutusan
na lang niya ang dalawang alalay na umakyat sa bundok para makuha si Asuw-eng.
Gagawin           ito         pagsikat        ng          araw          kinabukasan.
Gabi bago ang araw ng pag-akyat sa bundok, pasikretong tinawag ni Tiyo Samuel si
Amir-ika. Sa kanilang pag-uusap, ibinigay ni Tiyo Samuel kay Amir-ika ang dalawang
malalaking karayom. Kailangan umanong itusok ang dalawang karayom sa leeg ni
Inas bago pa sila makarating sa tuktok ng bundok. Dagdag pa rito, kailangan ding
sugat-sugatan si Inas na para bang nilapa ng isang mabangis na hayop.Umakyat na
nga ang dalawang alalay sa bundok, at nangyari ang ayon sa plano. Bumaba si Amir-
ika na dala-dala ang bangkay ng kasamang si Inas. Sinabi nito kay Lam-eng na
inatake sila ng isang lalaking may pakpak at malalaking pangil. Buti na lang daw at
nakatakbo siya ngunit si Inas ang nabiktima.Natakot si Lam-eng sa nangyari at
paniwalang-paniwala siya na halimaw nga ang kanyang kapatid. Bumaba ang
dalawang babaeng anghel na itinakdang magbibigay ng anak sa magkapatid. Ang isa
ay pumunta sa bundok at ang isa kay Lam-eng.Nang magkaanak na si Lam-eng,
binalaan niya ang mga ito na huwag pupunta sa bundok dahil nandoon ang halimaw
niyang kapatid na si Asuw-eng.Nagpasalin-salin sa lahi ni Lam-eng ang kuwento
tungkol kay Asuw-eng. Unti-unti ding nabago ang tawag sa halimaw, mula sa Asuw-
eng ay naging asuwang at ngayon nga ay aswang. Nagkaroon din umano ito ng mga
anak. Ang isa ay nahahati ang katawan na kung tawagin ay manananggal at ang
lalaking malaki't matikas na tinatawag na kapre, ang lalaking anak ni Asuw-eng.
ANG ALAMAT NG PINYA


Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si
Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang
bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang
ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang
gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang
anak.Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng
gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang
lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at
nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano
ng anak. Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa
sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong
ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap.
Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong
ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: "
Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat
ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin. Dahil alam niyang galit na ang
kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na
hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag
niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng
pagkain. Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya
si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak.
Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si
Pinang. Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi
niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa
ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga
nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.Biglang naalaala ni Aling Rosa
ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para
makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi
dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at
tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.

				
DOCUMENT INFO
Shared By:
Categories:
Stats:
views:57
posted:5/21/2012
language:Tagalog
pages:2
Description: alamant ng aswang at pinya