Xiaos LIKAS 2008 Cyberspace

Document Sample
Xiaos LIKAS 2008 Cyberspace Powered By Docstoc
					Kasaysayan ng Cyberspace,
Kasaysayan sa Cyberspace:
 Panimulang Pagtanaw sa
   Karanasang Pilipino
  MICHAEL CHARLESTON B. CHUA
    Webmaster, Bagong Kasayayan, Inc.
         Alumnus, UP LIKAS
   Para sa Ika-17 na Pambansang Kumperensya ng UP LIKAS
              Ukol sa “Makabagong Umalohokan:
             Ugnayan ng Kasaysayan at Mass Media”
                    ika-27 ng Agosto, 2008,
              NISMED Auditorium, UP Diliman
 michaelxiaochua.multiply.com
bagongkasaysayan.multiply.com
              ABSTRAK

• Ilang taon pa lamang ang nakalilipas, kapag
  may takdang aralin o pananaliksik na ukol sa
  kasaysayan, ang unang pinupuntahan ng
  mga estudyante ay ang bolyum-bolyum na
  ensiklopidya sa mga aklatan o tahanan. Sa
  panahon ng bagong milenyo, ang unang
  pupuntahan ng estudyante ay ang harapan
  ng kompyuter, at sa isang click lang, maaari
  na niyang makuha ang impormasyon na
  hinahanap sa malawak na pook ng
  cyberspace.
                ABSTRAK

• Titingnan ng pag-aaral ang naging pag-unlad ng
  internet sa Pilipinas mula nang magsimula ito noong
  Dekada 1990, hanggang sa paglipana ng mga
  personal na blog at demokratisasyon ng
  pagbabahagi ng kaalaman dito isang dekada lamang
  ang makakaraan.
• Bibigyang diin sa pamamagitan ng Kapanahong
  Kasaysayan, ang kahalagahan ng cyberspace bilang
  salamin ng kaisipan ng mga mamamayan, lalo na ng
  mga kabataan, at bilang mayaman na batis ng
  kasaysayan ng ating panahon.
             ABSTRAK

• Ipapakita rin ang cyberspace bilang
  sisidlan ng mga salaysay (narratives) ng
  nakaraan ng mga Pilipino at ang bisa at
  limitasyon nito sa pag-aaral,
  pananaliksik, at pagtuturo ng
  kasaysayan.
              ABSTRAK

• Sa panimulang pagtanaw na ito, makikita sa
  kasaysayan ng cyberspace at ng kasaysayan
  sa cyberspace ang katotohanan na ang
  kasaysayan ay para sa lahat. Gayundin ang
  katotohanan na ang lahat, kapwa ang mga
  dalubhasa, may hilig, interes, at estudyante
  ng kasaysayan, ay may pagkakataong
  makibahagi sa pagsusulat at paglikha ng
  kasaysayan.
               ABSTRAK

• Makikita rin na maaaring maiintindihan ang
  batayang kultural ng cyberspace sa Pilipinas
  kung titingnan ito sa ating sariling konsepto
  ng Kapwa at Kapatiran, tungo sa tunay na
  Talastasang Bayan, at pagbubuo ng
  Sambayanang Pilipino sa loob at labas ng
  sangkapuluang ito. Gamitin ng lubos ang
  magagandang dulot nito sa talastasan subalit
  maingat pa rin sa mga panganib na dala-dala
  nito.
    MGA BAHAGI NG PAPEL

•    Cyberspace sa Kapanahong
     Kasaysayan
•    Kasaysayan ng Cyberspace:
     Karanasang Pilipino
•    Kasaysayan sa Cyberspace: Bisa sa
     Pag-aaral, Pananaliksik, at Pagtuturo
     ng Kasaysayan ng Pilipinas
•    Paglalagom
KAPANAHONG KASAYSAYAN

• Ayon sa pangulo ng UP Lipunang
  Pangkasaysayan na si Ayshia F. Kunting sa
  aming pakikipagtalastasan, ang pag-aaral ng
  kasaysayan ng cyberspace at kasaysayan sa
  cyberspace ay kamangha-mangha, “It’s the
  thing of the present, don’t know how to say
  it... Ü” Ngunit kung ang cyberspace ay isang
  penomena ngayon, paano ito magagamit
  bilang batis ng kasaysayan ng kasalukuyan
  at mentalidad ng mamamayan sa mga
  pangyayari ngayon?
KAPANAHONG KASAYSAYAN

• KAPANAHONG KASAYSAYAN
 – Kaiba sa:
   • “Contemporary History”
   • “Investigative Journalism
KAPANAHONG KASAYSAYAN

• Ang mananalaysay o historyador at
  ang sinasalaysayan ay bahagi ng
  paksa o kasaysayang
  isinasalaysay.
• hindi itinatanggi ang bias, ngunit ito
  ay nalilimita dahil sa metodong
  pangkasaysayan na ginagamit
  (pagsusuri at pag-uugnay ng mga
  batis).
KAPANAHONG KASAYSAYAN

• Sa diwa ng Bagong Kasaysayan, hindi rin dapat
  matali sa pagtingin sa nakasulat na dokumento, tulad
  ng tradisyunal na historia, ang Kapanahong
  Kasaysayan. Dahil sa pagnanais ng Kapanahong
  Kasaysayan na isalaysay ang pinakabuong
  karanasan ng mamamayan hangga’t maaari,
  mahalagang pagsama-samahin ang mga metodo ng
  mga kaugnay na disiplina sa Agham Panlipunan
  tulad ng Sosyolohiya at Antropolohiya upang
  mabigyan ng pansin hindi lamang ang mga
  pangyayari, kundi ang pamumuhay, kaisipan at
  kalinangan na nakapalibot sa pangyayari.
KAPANAHONG KASAYSAYAN

• “...ang lapit na multi-
  disiplinaryo/pluridisiplinaryo naman ay
  tumutukoy sa paggamit ng dalawa o marami
  pang magkakaugnay na disiplina ng isang
  dalubhasa, pantas o paham upang maging
  mabisa ang pag-uugnay ng mga maaaring
  mga pananaw, pagtingin, pagsusuri at pag-
  unawa sa paksa. Ibig sabihin nito, hindi
  lamang saklaw ng mga disiplinang ginagamit
  ang nalalaman kundi lalo’t higit ang lawak at
  lalim ng mga ito.” (Navarro 2000, 26)
    KAPANAHONG KASAYSAYAN

•   “Nalampasan na ng mas makabagong historiograpiya, tulad ng Bagong
    Kasaysayan (sa Pranses, Novelle Histoire), ang positibismo.
    Tinatanggap ng Bagong Kasaysayan ang mga dokumento bilang
    tradisyunal na batis pangkasaysayan subalit hindi na siya nakakulong
    lamang sa mga dokumento. Multi-disiplinayo ang pagdulog ng Bagong
    Kasaysayan sa pag-aaral kung kaya ang dokumento ay isa na lamang
    sa mga batis. Tinatanggap ngayon ang pasalitang kasaysayan (oral
    history) at lahat ng positibong bagay (positive reinforcement) na
    makakapagpatibay na nangyari ang mga pangyayari tulad ng larawan,
    monumento, artifak, relics, atbp. Ang ganitong approach ay tinatawag
    na triangulation of sources: Makapal na dokumento, pasalitang batis at
    mga positive reinforcement. Multidisiplinaryo sapagkat lahat ng
    disiplina ng agham panlipunan (arkiyolohiya, linggwistika, antropolihya,
    sikolohiya, ekonomiya atbap) ay nagdadayalogo at nagdedebate para
    patibayin ang isang historical claim. Mas suportado ng iba’t ibang
    disiplina, mas matibay ang isang salaysay. Higit ding kumparatibo,
    kumprehensibo at analitikal ang lapit na multidisiplinaryo.” (Gabriel
    2007)
KAPANAHONG KASAYSAYAN

• Liban pa sa dokumento at mga pasalitang mga
  salaysay, kailangan ding harapin ng isang
  nagsasaysay ng Kapanahong Kasaysayan ang iba’t
  ibang mga bagong anyo ng batis tulad ng mga
  larawan; gawang-sining; brodkast sa radyo; audio-
  biswal na mga presentasyon tulad ng mga raw
  footages, dokumentaryo at pelikula; at cyberspace, at
  ituring ang mga ito bilang bahagi ng literatura. Ang
  pagkilatis sa mga ito ay tulad din ng pagkilatis sa
  mga dokumento at pasalitang salaysay. Malaki ang
  maitutulong ng mga ito upang lalong maging
  dinamiko, makabuluhan at buhay ang salaysay.
KAPANAHONG KASAYSAYAN

• Inilalagay ang mga pangyayaring kapanahon
  sa mas malawak na pambansang
  heograpiya, opinyon at epektong pambansa,
  sapagkat gagap ng historyador ang
  pangkalahatang daloy ng kasaysayan.
• “salaysay na may saysay sa mga kapanahon
  na nakapaloob sa isang mas malawakan at
  matagalang kasaysayan bilang kamalayang
  pangkalinangan.”
KAPANAHONG KASAYSAYAN

• Samakatuwid, ang ipinapadamang
  saysay sa atin ng metodong ng
  Kapanahong Kasaysayan ay ito:
  Iginigiit nito na ang indibidwal at ang
  Bayan na sinasalaysayan ay bahagi ng
  Kasaysayang binubuo.
KAPANAHONG KASAYSAYAN

• Sa iba’t ibang disiplina, tulad ng sikolohiya, sosyolohiya
  at antropolohiya, may mga nagsasaliksik na ukol sa
  karanasang Pilipino sa Cyberspace. Batay sa aklat ng
  mga abstracts ng katatapos pa lamang na International
  Conference on Philippine Studies (ICOPHIL) nitong 23-
  26 Hulyo 2008 sa PSSC, Lungsod Quezon, Pilipinas,
  lima sa mahigit 200 papel na binasa ay may paksang
  kaugnay ng cyberspace. Kabilang na ang papel ng
  antropolohistang si Prop. Raul Pertierra na masasabing
  isa sa mga pinakaproduktibo sa larangang ito ng
  Araling Pilipino (Pertierra 2008). Ilan pa sa mga
  Pilipinong iskolar na naging tagapanguna ng pag-aaral
  ng Cyberspace sa kanilang mga larangan ay si Dr.
  Isagani Cruz (Wikang Filipino), at Prop. Cherrie Joy
  Billedo (Sikolohiya).
KAPANAHONG KASAYSAYAN

• Ayon sa ilang kritiko ng disiplina, laging
  nahuhuli ang Kasaysayan. Nagsusulat at
  nagsasaliksik lamang ng mga bagay kung
  kailan matanda, ulyanin o patay na ang mga
  nakilahok, o nabubulok, o nawala na ang
  mga batis.     Ngunit, hindi pahuhuli ang
  Bagong Kasaysayan sapagkat nakikita nito
  ang cyberspace bilang salamin ng kaisipan
  ng mga mamamayan, lalo na ng mga
  kabataan, at bilang mayaman na batis ng
  kasaysayan ng ating panahon.
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Ang kasaysayan ng internet sa daigdig ay
  hinubog ng mga pwersang pangkasaysayan.
• Ang tagapanguna ng internet, ang
  ARPANET, ay nilikha noong 1966 ng
  Advanced Research Projects Agency (ARPA)
  ng Departamento ng Tanggulang bansa ng
  Estados Unidos, upang mapagbuklod ang
  mga mananaliksik sa iba’t ibang institusyong
  Amerikano sa konteksto ng Cold War (Abbate
  1999).
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

            • Ngunit noon lamang 1989
              iminungkahi ng Ingles na si
              Sir Tim Berners–Lee ng
              European Laboratory for
              Particle Physics (CERN,
              Geneva) na ilabas mula sa
              mga akademiko at
              pamahalaan tungo sa
              malaganap na paggamit ang
              internet sa pamamagitan ng
              World Wide Web na unang
              lumabas noong tag-init ng
              1991.
    KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

•   Siya ang nagdalumat ng coding
    system na naging wika ng web,
    ang HTML (HyperText Mark-up
    Language); ang paraan ng
    pagbibigay ng address sa bawat
    websayt, ang URL (Universal
    Resource Locator); at ang
    pamamaraan upang mai-ugnay
    sa iba’t ibang kompyuter na
    naka-internet, ang HTTP
    (HyperText Transfer Protocol)
    Patuloy siyang nakibaka upang
    maging libre para sa lahat ang
    teknolohiyang kanyang nilikha
    (Quittner 1999).
KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

            •   Gayundin, masasabing ang pagsisimula
                ng internet sa Pilipinas ay produkto ng
                mga makasaysayang pagbabago sa
                lipunan. Si Dr. William Torres, na
                teknikal na tagapayo ng COMELEC sa
                pagbibilang ng boto sa pamamagitan ng
                mga kompyuter noong Snap Elections
                nang 1986, ay isa sa mga nag-walk-out
                nang makita niyang dinadaya ang mga
                bilang ng boto. Ayon sa kanya, ang
                People Power na nagpatalsik sa
                diktadura ni Marcos at ang democratic
                space sa Pamahalaang Aquino ang
                nagbigay daan na muling magtulong ang
                pamahalaan at pribadong sektor na
                nagbigay daan sa mahabang proseso ng
                pag-unlad at pagsilang ng internet noong
                1994 (Torres 2006).
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Bandang 1986 rin, pinagana nina Efren Tercias and
  James Chua ng Wordtext Systems ang pinakaunang
  FidoNet BBS, "STAR BBS," ang tagapanguna ng
  internet sa Pilipinas. Nagkaroon din noong Agosto
  ng pinakaunang paggamit sa publiko ng tinatawag na
  First-Fil RBBS. Pagkalipas ng isang taon, isa nang
  network ang itinatag, ang First Philippine BBS
  network na batay sa mga FidoNet protocol. Binuo rin
  ang Philippine FidoNet Exchange ng ilang BBS sa
  Kalakhang Maynila (Smbea 1999a).
    KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

•   1987 rin nang likhain ni Pang. Aquino ang
    National Information Technology Council
    na mangangasiwa ng pananaliksik sa
    pag-unlad ng Information Technology (IT)
    sa buong bansa. Pinamunuan ito ni Dr.
    William Torres na pinagbuklod ang
    pamahalaan at ang pribadong sektor sa
    konsultasyon. Noong maagang Dekada
    1990, bilang direktor ng National
    Computer Center, tumungo siya sa
    Department of State ng Estados Unidos
    upang tingnan kung paano madadala sa
    Pilipinas ang teknolohiya. Kasabay ng
    pagsisimula ng pagpapalaganap ng
    internet sa komersyo (Torres 2006). Sa
    mga gumagamit ng FidoNet, naikonekta
    na ilang malalaking negosyo at
    nagkaroon ng e-mail (Smbea 1999a).
    Napakamahal ng teknolohiyang ito sa
    mga panahong iyon dahil pinapadaan sa
    isang dayuhang server at gumagamit ng
    long distance calls (Torres 2006, Smbea
    1999b).
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Mahalagang taon ang 1993 nang pinulong ng
  Department of Science and Technology (DOST) ang
  mga kinatawan ng mga malalaking pamantasan sa
  Pilipinas tulad ng Pamantasang Ateneo de Manila
  (ADMU), Pamantsang De La Salle (DLSU) at ang
  Unibersidad ng Pilipinas (UP Diliman at UP Los
  Baños) bilang Technical Committee noong Hunyo.
  Makalipas lamang ang isang buwan, limitadong
  naiugnay ang mga pamantasang ito sa Victoria
  University of Technology (Australia) mula sa ADMU
  sa pamamagitan ng Philnet Project (Smbea 1999a).
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Noong Marso 1994, ang UPD, ADMU, DLSU
  at ang Unibersidad ng San Carlos (USC) sa
  Cebu ay naging bahagi ng network na unang
  nakonekta sa internet sa pamamagitan ng
  CISCO 7000 sa Makati. Noong 29 Marso
  1994, ang pinakaunang link ng Pilipinas sa
  internet sa Unang Pandaigdigang E-mail
  Conference sa USC Cebu. Isinilang na ang
  internet sa Pilipinas! (Smbea 1999a)
 KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Sa paglaon, magiging bahagi ng PHnet ang
  Advanced Science and Technology Institute (ASTI),
  Asian Development Bank (ADB), Unibersidad ng Sto.
  Tomas (UST) noong Abril 1994; UPLB at DOST
  noong Mayo 1994; Industrial Research Foundation
  (IRF), Philippine Network Foundation, Inc. (PFI),
  Saint Louis University sa Baguio (SLU) at Xavier
  University (XU) noong Oktubre 1994; ang Mindanao
  State University (MSU), International Rice Research
  Institute (IRRI), Asian Institute of Management (AIM),
  at PDX noong Hunyo 1995 (Smbea 1999a).
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

            •   13 ng Abril 1994 nang isulat ang PHnet
                Basic Principles at ang Internet Code of
                Conduct. Makalipas ang halos isang
                taon lamang, Marso 1995, nang
                malagdaan ang Public
                Telecommunications Act of the
                Philippines (Republic Act 7925), na
                nagpapahintulot sa mga kumpanyang
                telecom na mag-alok ng serbisyo nang
                hindi na kailangan ang prankisa mula sa
                Kongreso (Smbea 1999a). Naging
                tagapanguna ng Cyberspace sa Senado
                ng Pilipinas ay si Sen. Ramon “Jun” B.
                Magsaysay, Jr. na pinagtuunan ang IT at
                E-commerce bilang bahagi ng kanyang
                legislative agenda. Naging akda siya ng
                Cybercrime Act at ng batas na
                nagpapsok sa Computer Literacy bilang
                bahagi ng pinag-aaralan sa primarya at
                sekundaryang edukasyon (Senate).
    KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

•   Hunyo 1994 nang itatag ni Dr.
    William Torres ang pinakaunang
    Internet Service Provider (ISP),
    ang Mosaic Communications
    (Mozcom). Itinuturing ng
    marami si Dr. Torres bilang isa
    sa dalawang “Ama ng Internet
    sa Pilipinas” kasama ang
    Administrador ng PHnet Phase
    II na si Dr. Rodolofo Villarica
    (Smbea 1998b) (Ayon pa si
    isang artikulo, si Dr. Torres ang
    Lolo ng Internet sa Pilipinas—
    Villafania 2004). Instrumental
    din sa pagtatag ng Internet ang
    Kalihim ng DOST sa mga
    panahong ito na si G. William
    Padolina.
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Mula Hunyo hanggang Agosto 1995, itinatag ang iba
  pang mga ISP tulad ng IBM Philippines, Globe
  Telecom's G-Net, Infocom's Sequel.Net, Iphil
  Communications, at Tridel Net. Sa mga panahong
  ito itinatag din ang mga Commercial Online services
  tulad ng Virtual Asia at Cybernet Live, na kinalaunan
  ay naging mga ISP rin. Mga bandang 1996, papasok
  ang mga dayuhang ISP tulad ng Asia Online
  (nakabase sa Hongkong) at Pacific Internet
  (nakabase sa Singapura) na nakabili Philworld;
  Nagsama ang Bayantel at Sky Internet upang ibahagi
  ang United Network Access (UNA); at nabuo ang
  Philippine Internet Services Organization (PISO)
  (Smbea 1999a).
    KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

•   Hunyo ng 1996, konektado na sa Cisco 7000 sa Makati ang mga lungsod ng
    Cebu, Zamboanga, Sorsogon, Davao, Bacolod, Legaspi, Naga. Sa mga huling
    bahagi ng taong ito, itinatag ang Philippine Internet Exchange (PHIX).
    Pagdating ng 1997, ayon sa The International Data Corporation (IDC),
    tinatayang mayroon nang 85,000 ang gumagamit ng internet sa Pilipinas, at sa
    Agosto ng taon ding iyon, mayroon nang 1,090 PH Domains. Ang mga
    malalaking network ng medyang pambalana tulad ng ABS-CBN (ABS-CBN
    Interactive Web Site) at GMA (GMANetwork.com) at mga pahayagan tulad ng
    Businessworld Online, Manila Bulletin, Philippine Star, Manila Times at
    Philippine Daily Inquirer ay nasa internet na rin. Nagkaroon din ng bagong
    porma ng medya, ang cybermags tulad ng 1969, Internet World Philippines, The
    Web Philippines at Link. Itinatag rin ang Philippine Network Information
    Center/Infrastructure Consortium (PHNIC), Philippine Computer Emergency
    Response Team (CERT-PH), at mga grupo ng mga gumagamit ng internet tulad
    ng PhilJUG (java) , PhilPlug (Linux), ISiP (Internet Society of the Philippines), at
    APRICOT (Asia-Pacific Region Internet Conference on Operating Technology).
    Noong Disyembre ng 1998, inilunsad ang pinakaunang Philippine Webby
    Awards (Smbea 1999a).
 KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Mula noon, naging mabilis na ang pag-unlad ng internet sa
  Pilipinas. Ayon sa Wikipinoy of the Year 2007 para sa Science
  and Technology na si Yuga, sa taong 2000, tinataya ng Internet
  World Stats sa 2 Milyon na ang gumagamit ng internet sa
  Pilipinas. Sa taong 2005, lolobo ito sa 7.82 Milyon (Yuga 2006).
• Sa pagsisimula ng Dekada 2000, winakasan ang deka-
  dekadang tradisyon ng pila sa pagpapatala sa Unibersidad ng
  Pilipinas nang ipakilala nito ang Computerized Registration
  System o CRS. Sinimulan din itong gamitin upang magpahayag
  ang iba’t ibang pulitikal na pormasyon at mga nakikibaka na
  kadalasan ay hindi nagbibigyan ng pansin sa komersyal na
  medya. Naging pantapat din ito sa bahagyang pagsupil sa
  komersyal na media ng pamahalaang Estrada at nagamit din
  noong EDSA 2 noong 2001 (PCIJ 2001).
 KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Ayon sa isang Pilipinong estudyante sa Australia na si Natasha
  Ria Cruz, makikita rin ang kapangyarihan ng Cyberspace upang
  isulong ang mga magagandang hangarin, maging ang mga
  hindi kagandahan:
• “Real-world issues, movements, and institutions have also taken
  on different forms. The rise in the number of cases of cyber
  bullying suggests that bullying is no longer confined within the
  walls of a school. Political activism and petition signing have
  also taken on an online presence. Tertiary institutions now offer
  online programs where you could get a university degree
  without stepping on campus. Even terrorist groups have used
  the Internet as a source of publicity, recruitment and maintaining
  a global network.” (N. Cruz 2008)
 KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Isang taon matapos ilunsad ang Friendster, ang isa sa
  pinakaunang social networking site sa daigdig, ay
  bumulusok pababa ang popularidad nito sa America. Sa
  kwento ni Chris Lunt, ang Direktor ng Inhenyeriya ng
  Friendster, sa PBS:
• “Lunt wondered why Friendster’s web traffic was spiking in
  the middle of the night, and noticed that the traffic was
  coming from the Philippines. According to Inc., he worked
  backwards, looking for “patient zero,” the first American
  who linked to a Filipino, and found Carmen Leilani De
  Jesus, a marketing consultant and hypnotherapist in San
  Francisco. She connected to dozens of Filipinos, and
  eventually more than half the site’s traffic was from
  Southeast Asia.” (Maderazo 2007)
 KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Naging “Friendster Capital of the World” ang Pilipinas. Ayon
  kay David Jones, Pangalawang Pangulo para sa Global
  Marketing ng Friendster, “the biggest percentage of (their site's)
  users is from the Philippines, clocking in with 39 percent of the
  site's traffic.” Wika niya, noong Marso 2008 lamang, pumalo sa
  13.2 Milyon ang mga unique visitors ng kanilang sayt, 13.2
  Milyon mula dito ay nagmula sa Pilipinas (T. Salazar 2008).
  Maging ang Multiply ay dinominahan na rin ng mga Pilipino.
  Ayon sa Pangulo at Tagapagtatag nito na si Peter Pezaris, 300
  Milyong page views sa bawat buwan, o tinatayang ikatlo (39%)
  sa isang bilyong page views na natatanggap ng multiply, ay
  mula sa mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Mas
  mataas pa sa Estados Unidos kung saan nakabase ito (Dizon
  2008). Ang Multiply ang ika-limang pinakamalaking sayt na
  pinupuntahan ng mga Pilipino, na may tinatayang 2 Milyong
  gumagamit sa bawat buwan (Gonzales 2007).
 KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Sa isang 2008 na pag-aaral ng Universal McCann, ang Pilipinas
  ay ipinroklama bilang “the social networking capital of the
  world,” 83 % na mga tinanong na Pilipino ang nagsabing bahagi
  sila ng social network (Universal McCann 2008). Tayo rin ang
  pinakamaraming mag-upload ng mga larawan at manonood ng
  bidyo, habang pumapangalawa naman tayo sa bilang ng mga
  mambabasa ng blog at naglalagay ng bidyo (Liao 2008). Sa 7.9
  Milyong gumagamit ng internet sa Pilipinas, 6.9 Milyon ang
  nagsasabing bumibisita sila sa isang social networking site ng
  kahit isang beses isang buwan (Yazon 2007). Ang popularidad
  ng mga ito ay lubos na magagamit sa Halalang Senatoryal ng
  2007 kung saan maraming pulitiko ay sinamantala ang
  pagkakataoan at gumamit ng Friendster, Mulitiply at MySpace
  upang magpalawak ng exposure.
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Binanggit ni Janette Toral, may-ari ng bahay-
  dagitab na DigitalFilipino.com na sa 2008,
  tinataya ng ACNielsen na ang mga
  gumagamit ng internet sa Pilipinas ay aabot
  sa 24 na milyon, na lalo pang lalaki sa
  pagdami ng mga murang kompyuter. Ayon
  sa Siemens, magkakaroon ng 1 Milyong
  Pilipinong broadband subscribers sa taong
  2009. At 16 na Milyong Internet gamers sa
  Pilipinas pagdating ng 2010 (Toral 2007).
 KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Anumang ang bilang, hindi mapagkakaila na sa kabila ng
  medyo mataas pa rin ang presyo ng internet, hindi na lamang
  nalilimita sa mayayamang Pilipino ang paggamit nito (Sa kabila
  nang mayorya pa rin ng gumagamit nito ay ang mga maykaya).
  Lumaganap na ito lalo sa mga nag-aaral na nagnanais
  makipag-ugnay at kumuha ng impormasyon. Nito lamang isang
  linggo, 19 Agosto 2008, Martes, sa isang maliit na internet shop
  sa Krus na Ligas, Diliman, Lungsod Quezon nakasabay ko ang
  napakaraming mga kabataan na elementarya na gumagamit ng
  Friendster. Sa kanilang kasuotan, makikita mong hindi naman
  ganoon karami ang kanilang pera, ngunit nandun sila,
  nakikipagtalastasan sa mga kaibigan. Noon lamang 24 Agosto,
  Linggo, nang magpunta ako sa Banahaw, sinabi sa akin ng
  aking kaibigan doon na nakita niya ang aking blog na kanyang
  ikinagulat.
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Ipinapakita ng karanasang Pilipino ng Cyberspace
  ang demokratisasyon ng pagbabahagi ng kaalaman
  at talastasan. Ilang taon lamang ang nakakaraan,
  dominado ng komersyal na medya at palimbagan
  ang pagkalat ng impormasyon, at dahil sa maliit na
  oras na binibigay sa mga isyu, hindi napapalalim ang
  mga ito. Ngunit ngayon, ang kahit na sinong
  mamamayan ay maaaring magpahayag ng sariling
  pananaw at kaalalaman at may pagkakataon ang
  lahat na mabasa ito. Sa katunayan, maraming
  bahay-dagitab at fora ang nagtatangkang magpalalim
  ng gagap sa mga isyu, lalo na sa kasaysayan
  (Tatalakayin sa susunod a bahagi).
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE
    KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

•   Ano ba ang meron sa ating kultura at kasaysayan at naging popular sa
    atin ang Cyberspace?
•   Ayon sa pangulo ng Multipy na si Pezaris, ito ay dahil sa malakas na
    diin natin sa pamilya at samahan (Dizon 2008). Ayon sa pananaw ni
    Leilani de Jesus, ang Amerikanong unang nagpakilala ng Friendster sa
    mga Pilipino, na mababasa sa PBS:
•   “I personally think that Friendster took off in the Philippines because
    that’s a culture where friendship and ‘who you know’ is sometimes a
    more valuable currency than money,” she wrote on her blog. “Basically
    everyone has an ‘uncle’ or a ‘friend’ or a ‘relative’ who can help you get
    what you need based on nepotism, favoritism, friendship, etc., because
    not everyone has money. ‘But if you do me a favor, I’ll owe you a favor.’
    This is why friendship is important, and why a platform like Friendster,
    which was a ‘friend-collecting’ service, took off so rapidly in the
    Philippine culture.” (Maderazo 2007)
 KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Bagama’t may punto, tila binigyang diin ang negatibong aspekto
  ng kulturang Pilipino. Maaaring mapalalim ang pananaw kung
  ibabatay natin ang pagtasa batay sa ating sariling kasaysayan
  at kultura.
• Sa isang naunang pag-aaral (Chua 2007b), naging karagdagan
  ni Prop. Vicente Villan bilang komento na kailangang ugatin pa
  ang pagkahilig natin sa Cyberspace sa mga sinaunang mga
  pasalitang tradisyon ng ating mga ninuno (Villan 20 Nobyembre
  2007). Kung paghahambingin ang dalawa, makikita na
  bagama’t ang mga blog ay nakasulat, tila may elemento pa rin
  ito ng pasalitang tradisyon at pinasa-pasang kwento—walang
  pag-aalala sa porma at paggamit ng wika na tulad sa mga
  nakasulat na dokumento.
 KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Sa nakalipas na tatlong dekada, nakita natin ang paggamit sa
  mga ganitong impormal na uri ng batis sa pagbakas ng
  nakaraan na sinimulan nina Zeus Salazar, Reynaldo Ileto, at iba
  pa. At lumaganap lalo sa Agham Panlipunang Pilipino
  (Pantayong Pananaw, Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya) na
  nagbibigay ng diin sa bawat ordinaryong mamamayan bilang
  sisidlan ng kalinangan, kung gayon, ang Kasaysayan ay hindi
  na lamang dapat mapako sa kasaysayan ng mga pinuno at
  pangulo. Dalawa lamang sa mga halimbawa ng pagtatangkang
  gawin ito ukol sa cyberspace: Ang pananaw ng kabataan ukol
  sa historiograpiya ng Pantayong Pananaw ay aking tinangkang
  repasuhin batay sa mga sinusulat sa internet (Chua 2007b), at
  si Dr. Salazar naman ay ginagamit ang mga sulating erotica sa
  internet upang ipakita na nagpapatuloy pa rin ang kamalayan sa
  mga sinaunang konspeto ng Libog, Buhay at Ginhawa.
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Sa aming pag-uusap sa Bundok Banahaw nitong
  nakaraang 24 Agosto 2008, iminungkahi ni Prop.
  Villan ang isang pagtatangka na ang mga pag-aaral
  ng cyberspace sa Pilipinas ay dapat pag-ugnayin sa
  antropolohkal na batayan, para makita ang solid na
  grounding. Sa kanyang pagpapalawak ng konsepto
  ng KAPWA ni Virgilio Enriquez, binigyan niya ng
  historikal na batayan ang konsepto batay sa kanyang
  mga pananaliksik para sa kanyang disertasyong
  doktoral ukol sa Kabisayaan.
 KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Kung hindi naging hadlang ang karagatan at mga ilog sa
  sinaunang mga bayan, bagkus ay ginamit pa ito upang lalong
  mapatibay ang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
  kulturang maritima, pakikipagkalakalan at pakikipag-sandugo,
  hindi kaya maaaring ang cyberspace ang magbuklod sa
  maraming Pilipino, hindi lamang sa sangkapuluang ito kundi
  maging sa ibang bansa, batay sa kapatiran sa Inang Bayan?
  Makikitang halimbawa sa pag-aaral ni Judith Balares-Salamat
  ukol sa mga Bikolano sa Estados Unidos na sa pamamagitan
  ng cyberspace ay nag-uugat sa Kabikulan (Salamat 2008), na
  nagiging bahagi pa rin sa Talastasang Bayan ang diaspora sa
  pamamagitan ng teknolohiyang ito.
• Kung may pag-unlad at pagyaman na nagaganap sa Pilipinas,
  masasabing isa na ang cyberspace at ang kulturang tinatagalay
  nito sa mga ito.
    KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

•   Ngunit sa kabila ng mungkahing pagtingin na ito sa pakikipagkapwa at
    pagkakaisa sa internet, hindi pa rin dapat isawalang-bahala ang
    paggamit ng mga may makasariling interes at masasamang loob sa
    Cyberspace para sa panlilinlang. Nang unang basahin ang papel na ito
    sa Ika-17 na Pambansang Kumperensya ng UP LIKAS na may temang
    “Makabagong Umalohokan: Ugnayan ng Kasaysayan at Mass Media,”
    noong umaga ng ika-27 ng Agosto, 2008, NISMED Auditorium, UP
    Diliman, Lungsod Quezon, nagbigay ng kritisismo at mungkahi ang
    historyador na si Atoy Navarro sa maaari pang pagtuunan ng
    Kapanahong Kasaysayan sa Cyberspace:
•   ”So, yun lang, pwede siyang daan sa pakikipagkapwa, pagbubukas ng
    loob, pero pwede rin siyang paraan para sa pagbabalatkayo, panloloko.
    Pwede siyang paraan sa pagbubuo ng bayan, pagbubuo ng bansa,
    pero paraan din siya para i-deconstruct, lalo pang paghati-hatiin, pag-
    away-awayin ang mga Pilipino...” (Navarro 27 Agosto 2008)
 KASAYSAYAN NG CYBERSPACE

• Ngunit ayon kay Navarro, may napakagandang makikita sa
  talastasan ukol sa Kasaysayan sa Cyberspace:
• ”...Sa academic discourse, mas mabilis ang internet at
  Cyberspace. Ang daming pagdedebate tungkol sa mga
  akademikong mga usapin sa internet at academics yung nagde-
  debate. Samantalang kung hihintayin mong lumabas yung
  jornal, yung sagot nung isang historyador doon sa sinabi nung
  isang historyador, aabutin ng taon-taon. Samantalang sa
  internet, nagsulat si Salazar, hindi ka agree, babanatan mo
  kaagad. Pwede kayong magtalo-talo doon. At nababasa
  niyong lahat kung ano ang points of differences ninyo, ano yung
  pagtatagpo ninyo. Isa ring positive yun ng internet sa
  Cyberspace sa larangan ng Kasaysayan...” (Navarro 27 Agosto
  2008)
• Ito ang tatalakayin ng susunod na bahagi ng papel na ito.
 KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

• Ang cyberspace ay hindi lamang naglalaman ng kaisipan at
  karanasan ng bayan, isa rin itong sisidlan ng mga salaysay
  (narratives) ng nakaraan ng mga Pilipino.
• Mayaman ito sa batis at materyales. Sa katunayan, marami sa
  mga mapanghawing-landas na artikulo ukol sa mga
  pinakabagong iskolarsyip mula sa mga pinagpipitaganang jornal
  sa Kanluran ay maaari nang makita sa Journal Storage: The
  Scholarly Journal Archive (http://www.jstor.org na sa
  kasamaang palad ay may bayad) at iba pang bahay-dagitab.
  Sa katunayan, nagsimulang isadagitab (digitize) ng JSTOR ang
  mga artikulo ng jornal simula pa noong 1995 (Schonfeld 2003).
  Maganda ito sapagkat marami sa mga aklatan sa Pilipinas, ay
  hindi naa-update ang mga jornal. Sa kabila nito, mas maraming
  artikulo kaugnay ng mga teorya at bagong tuklas ukol sa
  kasaysayan ng Pilipinas ang hindi pa matatagpuan sa internet.
    KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

•   Sa kabila nito, marami-rami na ring materyales ukol sa kasaysayan at
    mga pangyayari sa Pilipinas ang matatagpuan sa cyberspace at
    mainam na gamitin. Ang listahan sa ibaba ay ilan lamang sa mga
    bahay-dagitab na maaaring magamit sa pag-aaral at pananaliksik ng
    kasaysayan:
•   Project Gutenberg (http://www.gutenberg.org) –– ipinangalan sa
    pinakaunang tagapaglimbag sa daigdig, ang bahay-dagitab ay
    sinimulan ni Michael Hart noon pang 1971, ang pinakamatandang
    online library sa daigdig. Noong Oktubre 2007, sinasabing mayroon na
    itong 22,000 mga lumang aklat na nasa public domain sa kanilang
    koleksyon (Hart 2007 at Thomas 2007). Kabilang sa mga ito ang ilang
    mahahalagang akda ukol sa Pilipinas, halimbawa, ang Doctrina
    Cristiana (ang pinakaunang aklat na inilimbag sa Pilipinas); mga
    salaysay nina de Comyn, Jagor, Virchow, Foreman, at Worcester; ang
    True Version of the Philippine Revolution ni Aguinaldo; ang klasikong
    akda ni Craig ukol kay Rizal; at Tomo I hanggang XXIV ng The
    Philippines Islands: 1493-1898 nina Blair at Robertson.
 KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

• Filipiniana.net (http://www.filipiniana.net) –– itinatag nitong 2006
  ni Gus Vibal ng Vibal Publishing House, Inc., iniipon ng bahay-
  dagitab na ito ang iba’t ibang mga materyales ukol sa
  kasaysayan ng Pilipinas –– mga larawan, dokumento,
  sanaysay, at iba pa –– karamihan sa mga ito ay primaryang
  batis. Ilan sa mga ito ay ang lahat ng mga naging Saligang
  Batas ng bansa, mga dokumento ukol sa himagsikang Pilipino
  (Philippine Revolutionary Records), at marami pang iba. Ang
  kaibahan ng Filipiniana.net sa Project Gutenberg ay nilalagyan
  nila ng abstrak ang bawat dokumento. Madali ring gamitin ang
  search engine nito. Narito rin ang iniwasto at nilagyan ng mga
  tala na edisyon ng Blair at Robertson. Ayon kay Gus Vibal,
  “This digital library is fully-indexed, fully searchable, and we
  have librarians working with us to write the subject headings”
  (Lim, 2007). Isa sa mga patnugot ng bahay-dagitab na ito ay
  ang UP LIKAS alumnus na si Prop. Raymund Arthur Abejo.
 KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

• Mga Kasaysayan ng PINAS: Pundar Pang-Pilipino
  (http://www.elaput.org) –– isang bahay-dagitab na sinimulan ni
  G. Ernesto Laput na pangunahing tumutugon sa
  pangangailangan ng mga migranteng Pilipino na mag-ugat sa
  sariling bayan. Ilang mga mahahalagang primaryang batis,
  lumang aklat at sanaysay ukol sa iba’t ibang paksa ang
  matatagpuan dito. Ayon sa kanya, ang mga dokumentong
  inipon niya sa kanyang bahay-dagitab at ang kaakibat na aklat
  na PINAS: Munting Kasaysayan ng Pira-Pirasong Bayan ay:
• Tinipon at isinalin sa Tagalog upang huwag antukin ang mga
  bumabasa. Isa pang dahilan, upang maiba naman at marami
  nang Philippine history na nakasulat sa English. Panghuli,
  upang maunawaan ng mga walang pambili ng bagong aklat o
  hindi bihasa sa English o sa Espanyol ang mga mali at kulang-
  kulang na itinuro sa paaralan (Laput 2007).
    KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

•   Wikipedia (http://en.wikipedia.org at http://tl.wikipedia.org) –– ang
    pinakamalaking open source na ensiklopedya sa buong cyberspace at mayroon
    ng iba’t ibang bersyon sa 250ng wika sa daigdig. Sinimulan ito noong 2001 at
    nagtataglay ng humigit-kumulang 9 na milyong artikulo (Wikimedia Foundation,
    2007). Ito ang isa sa mga unang-unang lumalabas kapag humahanap ng paksa
    sa mga search engine na google.com man o sa yahoo.com. Lahat ng tao ay
    maaaring magbahagi o magpalit ng anumang impormasyon kaya naman
    maraming nagsasabi na hindi katiwa-tiwala ang nilalaman ilang artikulo nito.
    Ang kagandahan ng Wikipedia ay marami sa mga artikulo nito ay may
    dokumentasyon na maaaring sangguniin ng mga nais magpalalim ng pag-aaral.
    Subalit dapat ginagamit lamang ang Wikipedia bilang tuntungan sa paghahanap
    ng mga mas may kredibilidad na batis at hindi dapat ito ang pangunahing
    binabanggit sa mga akademikong papel, lalo na sa mga tesis at disertasyon
    (Young 2006), liban na lamang kung Wikipedia mismo ang paksa ng pag-aaral,
    o dili kaya kung ang tala ay nagmula sa isang opisyal na batis. Sa ganitong
    pagkakataon, dapat ipaliwanag kung bakit binabanggit ang isang artikulong
    Wikipedia.
    KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

•   Ang mga bahay-dagitab para sa partikular na mga paksa sa Kasaysayan ng
    Pilipinas. Ilan lamang sa mga halimbawa nito ang:
•    José Rizal Website ng José Rizal University (http://www.joserizal.ph),
•   The Diaries of José Rizal ni Pupu Platter (http://rizaldiaries.blogspot.com),
•   Bonifacio Papers ni Pupu Platter (http://bonifaciopapers.blogspot.com),
•   Katipunan: Documents and Studies ni Jim Richardson (http://kasaysayan-
    kkk.info)
•   The Philippine-American War, 1899-1902 ni Arnaldo Dumindin
    (http://www.freewebs.com/philippineamericanwar),
•   Corregi-dor, 503, Heritage Batallion (http://corregidor.org),
•   Tribute to Ninoy ni Arnold Barredo (http://www.tributetoninoy.tk),
•   Marcos Foundation (http://marcospresidentialcenter.com),
•   The 1986 EDSA Revolution Website ng Thinkquest Team
    (http://library.thinkquest.org/15816) at maraming marami pang iba.
•   Maaari ring bisitahin ang ilang blog tulad ng Punditry, Politics, History,
    Commentary ni Manolo Quezon (http://www.quezon.ph), Philippine Commentary
    ni Dean Jorge Bocobo (http://philippinecommentary.blogspot.com), at ang
    Filipino Librarian ni Vernon R. Totanes (http://filipinolibrarian.blogspot.com) para
    sa kanilang madalas na pagbabalik-tanaw sa nakaraan.
 KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

• Ang mga bahay-dagitab ng mga peryodiko, magazin, at istasyon
  ng telebisyon, halimbawa ang Philippine Daily Inquirer
  (http://www.inquirer.net), Time Magazine (http://www. time.com),
  Cable News Network (http://www.cnn.com), at iba pa, ay
  mainam rin sa pananaliksik ukol sa mga pangyayari nitong
  nakaraang siglo at maging sa mga maiinit na isyu. Mayroon
  silang artsibo o sinupan (archive) na maaaring kuhanan ng mga
  nakaraang artikulo o balita. Maaari nitong bawasan ang hirap
  ng pananaliksik sa maalikabok na artsibo o malabong mga
  microfilm reel. Mayroon ding mga historyador, tulad ni Ambeth
  Ocampo, ang nagsusulat ng mga kolum sa mga peryodiko at
  mababasa ang mga ito sa web.
KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

• Ang Bahay-Dagitab ng Bagong Kasaysayan
  (http://bagongkasaysayan.multiply.com) ––
  isang websayt para sa mga babasahin ukol
  sa Pantayong Pananaw, isa sa mga teorya sa
  pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas na
  dinalumat ni Dr. Zeus Salazar at patuloy na
  pinapaunlad ng talastasan ng mga mas
  nakababatang historyador tungo sa isang
  tunay na maka-Pilipinong pananaw (Chua
  2007b).
KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

• Subalit hindi lahat ng materyales dito ay
  maaaring gamitin bilang batis basta-basta.
  Kailangang maging mapanuri at magtanong:
  (1) Ang impormasyon ba ay magagamit sa
  paksa na hinahanap? (2) Ang impormasyon
  ba ay nagmula sa isang batis o eksperto na
  may kredibilidad? Maaaring gamitan ito ng
  kritikang panlabas at kritikang panloob na
  metodong pangkasaysayan (Navarro 2000,
  18-22).
 KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

• Liban pa dito, sa kabila ng globalisasyon, kailangan
  pa ring maging mulat ang mag-aaral ng kasaysayan
  sa pook at kultura na pinanggalingan ng batis
  sapagkat ito ay nagtataglay ng bagahe o bias ng
  taong sumulat. Marami sa mga maling persepsyon
  ukol sa ating sarili bilang mga Pilipino ay nagmula sa
  mga primaryang batis na makadayuhan ang
  pananaw. Marami sa mga batis na ito ay siya ring
  mga batis na matatagpuan ngayon sa internet.
  Maging ang mga peryodiko ay may pananaw na
  taglay, halimbawa, dapat mulat ang mag-aaral na
  isinusulong ng CNN at iba pang mga ahensya ang
  interes ng Kanluran.
KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

• Kailangan ding wastong banggitin ang mga
  batis mula sa cyberspace. Nang lumaganap
  ang paggamit ng internet, naging mas madali
  ang pangongopya (plagiarism) dahil sa
  madaling mag-copy and paste ng mga akda.
  Kaya naman, masasabi ring ang mga gurong
  masigasig ay madaling makadama kung ang
  isang akda ay kinopya lamang sa internet. At
  dahil sa search engine, mas madali itong
  matunton.
 KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

• Para sa mga guro sa kasaysayan, ang cyberspace
  ay mainam din gamitin upang lalong bigyang-sigla
  ang pagtuturo. Maaaring gumawa ng bahay-dagitab
  kung saan mailalagay ng guro ang iba’t ibang
  larawan, babasahin, maging mga audio at video file
  para madaling maabot ng mga mag-aaral. Sa
  pamamagitan ng chat at fora, maaaring
  makipagtalastasan ng opinyon sa mga paksa sa
  kasaysayan maging sa labas ng mga klasrum.
  Maging malikhain at gamitin ng mahusay ang mga
  teknolohiyang ito.
 KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

• Sinasabing maganda ang hinaharap ng pag-aaral, pananaliksik,
  at pagtuturo ng kasaysayan sa cyberspace. Ibinandila ng
  pabalat ng Newsweek nitong nakaraang 26 Nobyembre 2007 na
  “Books Aren’t Dead (They’re Just Going Digital): Five Centuries
  After Gutenberg, Amazon’s Jeff Bezos is Betting That The
  Future of Reading is Just A Click Away.” Winika ni Bezos,
  nagtatag ng pinakamalaking bilihan ng aklat sa cyberspace,
  nang kanyang ilunsad ang produktong Kindle, “The vision is that
  you should be able to get any book –– not just any book in print,
  but any book that’s ever been in print –– on the Kindle, in less
  than a minute” (Steven 2007, 58)
 KASAYSAYAN SA CYBERSPACE

• Anupaman, sa mga seryosong guro, mag-
  aaral, at mananaliksik ng kasaysayan, ang
  internet ay tuntungan lamang o isang paraan
  upang mapayaman ang pag-aaral. Ito ay
  hindi ang tanging mapaghahanguan ng batis.
  Kailangan itong samahan ng masinop na
  pananaliksik sa mga aklatan at arkibo para sa
  patuloy na pagpapalalim ng
  pagpapakahulugan ng kasaysayan.
          PAGLALAGOM

• Sa panimulang pagtanaw na ito, makikita sa
  kasaysayan ng cyberspace at ng kasaysayan
  sa cyberspace ang katotohanan na ang
  kasaysayan ay para sa lahat. Gayundin ang
  katotohanan na ang lahat, kapwa ang mga
  dalubhasa, may hilig, interes, at estudyante
  ng kasaysayan, ay may pagkakataong
  makibahagi sa pagsusulat at paglikha ng
  kasaysayan.
           PAGLALAGOM

• Makikita rin na maaaring maiintindihan ang
  batayang kultural ng cyberspace sa Pilipinas
  kung titingnan ito sa ating sariling konsepto
  ng Kapwa at Kapatiran, tungo sa tunay na
  Talastasang Bayan, at pagbubuo ng
  Sambayanang Pilipino sa loob at labas ng
  sangkapuluang ito. Gamitin ng lubos ang
  magagandang dulot nito sa talastasan subalit
  maingat pa rin sa mga panganib na dala-dala
  nito.
 Maraming Salamat Po!



michaelxiaochua.multiply.com
                  SANGGUNIAN
•   Abbate, Janet (1999). Inventing the Internet. Cambridge:
    Massachusetts Institute of Technology.
•   Bauer, Yehuda (1976). “Contemporary History – Some Methodological
    Problems.” History 61.
•   Barraclough,Geoffrey (1967). “The Nature of Contemporary History.”
    An Introduction to Contemporary History. Harmondsworth: Penguin
    Books.
•   Billedo, Cherrie Joy F. (2004) The Formation of Inter-Personal
    Attraction and Romantic Relationships on the Internet Relay Chat: An
    Exploratory Study. Di pa nalalathalang tesis mesterado (Sikolohiya),
    Unibersidad ng Pilipinas.
•   Casiraya, Lawrence (2008, 8 Mayo) “RP has highest percentage of
    social network users,” Philippine Daily Inquirer.
    http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/infotech/view/20080508-
    135336/RP-has-highest-percentage-of-social-network-users----study.
                      SANGGUNIAN
•   Chua, Michael Charleston B. (2007a). “Ang Imeldific: Representasyon at Kapangyarihan
    sa Sto. Niño Shrine sa Lungsod ng Tacloban.” Unang isinumite kay Dr. Maria Mangahas
    para sa klase ng Anthropology 219 (Special Problems in Museology), Pangalawang
    Semestre, 2006-2007 sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Napili sa CSSP Summer
    Fellowships 2007 at binasa sa Talastasan Series 2008 ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan
    at Pilosopiya noong hapon ng ika-26 ng Pebrero, 2008 sa CSSP AVR 207, Palma Hall, UP
    Diliman. Binasa rin sa ikalawang araw ng Ika-18 Pambansang Kumperensya sa
    Kasaysayan at Kalinangan ng ADHIKA ng Pilipinas, Inc. na may temang “Mandala: Mga
    Salaysay ng Batas Militar” noong hapon ng ika-29 ng Nobyembre, 2007 sa Central Luzon
    State University, Muñoz, Nueva Ecija; at sa unang sesyon ng “Narratives of Display: The
    Graduate Student Talks at the UP Anthropology Museum” (bahagi ng pagdiriwang ng
    pagbubukas ng bagong UP Museo Anthro), Bulwagang Palma, UP Diliman, Lungsod, hapon
    ng ika-28 ng Pebrero, 2007.
•   __________ (2007b, Nobyembre 20). “Global Pantayo: Ang Diskursong Pantayong
    Pananaw sa Cyberspace sa Ika-21 Dantaon.” Papel na binasa sa Ikalawang Pambansang
    LIKAS-BAKAS Sampaksaan sa Bagong Historiograpiyang Pilipino: Pantayong Pananaw at
    Bagong Kasaysayan sa Ika-21 Dantaon, College of Engineering Theater, UP Diliman.
•   __________ (2008), “Kas Online: Ang Bisa ng Cyberspace sa Pag-aaral, Pananaliksik, at
    Pagtuturo ng Kasaysayan.” Atoy M. Navarro, Alvin D. Campomanes, John Lee P.
    Candelaria, eds, Kaalaman at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Kasaysayan. Lungsod
    Quezon: UP Lipunang Pangkasaysayan, 2008, 23-30.
                SANGGUNIAN
• Croce, Benedetto (1937, 2000). History as the Story of Liberty,
  trans. Sylvia Sprigge, rev. Folke Leander and Claes G. Ryn.
  Indianapolis.
• Cruz, Isagani R. (1997) “Ang Filipino sa Internet,” Daluyan.
  Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, VIII (1-2): 69-74.
• Cruz, Natasha Ria (2008, 19 Hunyo), “Youngblood: Heart in
  cyberspace,” Philippine Daily Inquirer.
  http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/2008061
  9-143480/Heart-in-cyberspace
• Dizon, David (2008). “Filipinos are top Multiply users,” Abs-
  cbnNEWS.com. http://www.abs-
  cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=122302.
• Gabriel, Nancy Kimuell (2007). “Mam, Totoo Po Bang Hindi
  Nag-exist si Bonifacio? (Isang Medyo Seryosong Sagot sa Hindi
  na Cute na Tanong).” Hindi nailathalang draft ng isang artikulo.
                  SANGGUNIAN
•   Gonzales, Nick (2007, 7 Nobyembre). “Multiply Big In The Philippines,
    Lands Ad Deal.” http://www.techcrunch.com/2007/11/07/multiply-big-
    in-the-philippines-lands-ad-deal/.
•   Hart, Michael (1992, Agosto). “Gutenberg: The History and Philosophy
    of Project Gutenberg.” Project Gutenberg Website.
    http://www.gutenberg.org/wiki/Gutenberg:The_History_and_Philosophy
    _of_Project_Gutenberg_by_Michael_Hart.
•   ICOPHIL (2008, 23-26 Hulyo). International Conference on Philippine
    Studies. Programme and Book of Abstracts. Lungsod Quezon.
•   Kunting, Ayshia (2008, 7 Agosto). Pakikipagtalastasan.
•   Laput, Ernesto (2007, Disyembre 10). “PINAS: Munting Kasaysayan
    ng Pira-Pirasong Bayan.” Mga Kasaysayan ng PINAS: Pundar Pang-
    Pilipino. http://www.elaput.org/pinsmain.htm.
                     SANGGUNIAN
•   Liao, Jerry (2008, 20 Mayo). “The Philippines - Social Networking Capital of the
    World.” Manila Bulletin.
    http://www.mb.com.ph/issues/2008/05/20/TECH20080520124703.html.
•   Lim, Ronald (2007, Hunyo 9). “Filipiniana.net: Library 2.0.” The Manila Bulletin
    Online. http://www.mb.com.ph/issues/2007/06/09/ YTCP2007060995585.html.
•   Mayer, Christina. “What is Contemporary History” (Papel na isinulat para kay
    Prop. Dr. Chester Pach noong Taglagas ng 2000 para sa klaseng Contemporary
    History 601 sa Ohio University).
    http://oak.cats.ohiou.edu/~cm322900/whatischi.html.
•   Navarro, Atoy (2000). ”Ang Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino: Kalikasan,
    Kaparaanan, Pagsasakasaysayan.” Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa
    Kasaysayan ng Pilipinas, 11. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi.
•   __________ (2008, 27 Agosto). Malayang Talakayan sa Ika-17 na
    Pambansang Kumperensya ng UP LIKAS na may temang “Makabagong
    Umalohokan: Ugnayan ng Kasaysayan at Mass Media,” umaga ng ika-27 ng
    Agosto, 2008, NISMED Auditorium, UP Diliman, Lungsod Quezon.
                   SANGGUNIAN
•   Maderazo, Jennifer Woodard (2007, 15 Hunyo). “Orkut, Friendster Get Second
    Chance Overseas.” PBS.org.
    http://www.pbs.org/mediashift/2007/06/try_try_againorkut_friendster.html.
•   PCIJ (2002). People Power Uli! Lungsod Quezon: Philippine Center for
    Investigative Journalism.
•   Pertierra, Raul, et.al. (2002). “Txt-ing selves: Cellphones and Philippine
    Modernity.” Maynila: Palimbagan ng Pamantasang De La Salle.
•   Pertierra, Raul (2003). “Science, Technology and Everyday Culture in the
    Philippines.” Lungsod Quezon: Institute of Philippine Culture, Pamantasang
    Ateneo de Manila.
•   __________ (2004). “Globalism, Culture and the Nation-State,” Philippine
    Studies 52(1):119130.
•   __________ (2006). “Transforming Technologies: Altered Selves–Mobile Phone
    and Internet Use in the Philippines,” De La Salle University Press, Manila.
•   __________ (2008). “Comments and Approaches to Philippine Studies.”
    Binasa sa International Conference on Philippine Studies, Lungsod Quezon.
                SANGGUNIAN
• Philippines Internet Review Blog (2007, 5 Enero). “Dr. William
  Torres - Father of the Philippine Internet” (Panayam kay Dr.
  Torres).
  http://philippineinternetreview.blogspot.com/2007/01/dr-william-
  torres-and-philippine.html.
• Quittner, Joshua (1999, Marso 29). Network Designer: Tim
  Berners-Lee. Time, 150 (22), 126-128.
• Salamat, Judith Balares (2008) “Blogs and Blogging: Writing in
  the Diaspora.” Binasa sa International Conference on Philippine
  Studies, Lungsod Quezon.
• Salazar, Tessa (2008, 22 Hunyo). “Filipinos are prolific, go and
  Multiply.” Philippine Daily Inquirer, A1, A10.
• Senate of the Philippines (w.p.). “Senator Ramon B.
  Magsaysay, Jr.”
  http://www.senate.gov.ph/senators/sen_bio/magsaysay_bio.asp.
                   SANGGUNIAN
•   Zeus A. Salazar (2005). Pangulong Erap: Biograpiyang Sosyopulitikal
    at Pangkalinangan ni Joseph Ejercito Estrada, Tomo 1 Pinunong
    Bayan: Tungo sa Hamon ng EDSA II. San Juan, Metro Manila: RPG
    Foundation, Inc.
•   __________ (2007, 11 Hulyo). Pakikipagtalastasan.
•   __________. (2008, 16 Enero). Pakikipagtalastasan.
•   Schonfeld, Roger (2003). JSTOR: A History. Princeton: Princeton
    University Press.
•   Smbea (Sherry Ma Belle Arrieta) (1999a). “The Unofficial Philippine
    Internet Timeline.” Wired! Philippines.
    http://www.msc.edu.ph/wired/timeline.html.
•
•   __________ (1999b), “Dr. Rodolfo Villarica, Father of Internet in the
    Philippines.” Wired! Philippines.
    http://www.msc.edu.ph/wired/drvillarica.html
                SANGGUNIAN
• Steven, Levy (2007, Nobyembre 26). “The Future of Reading.”
  Newsweek, 150 (22), 52-59.
• Thomas, Jeffrey (2007, Hulyo 20). “Project Gutenberg Digital
  Library Seeks to Spur Literacy: Library Hopes to Offer 1 Million
  Electronic Books in 100 Languages.” US Info.
  http://usinfo.state.gov/xarchives/display.html?p=washfile-
  english&y=2007&m=July&x=200707201511311CJsamohT0.614
  6356.
• Toral, Janette (2007). “Philippine Internet Demographics 2007.”
  http://www.digitalfilipino.com/ecommerce_article.cfm?id=57.
• Torres, William (2006). Podcast ng panayam para sa EDSA
  20/20 ng Philippine Center for Investigative Journalism.
  http://pcij.org/edsa20/edsa20-20.html.
• Universal McCann (2008, Marso) “Power To The People: Social
  Media Tracker, Wave3.”
                     SANGGUNIAN
•   Villafania, Alexander F. (2004, 28 Marso 2008) “Looking back at 10 years of
    Internet in the Philippines.” Philippine Daily Inquirer.
    http://ruby.inquirer.net/adv/dekada/.
•   Villan, Vicente (2007, 20 Nobyembre). Panayam.
•   __________ (2008, 24 Agosto). Panayam.
•   Wikimedia Foundation (2007, Disyembre 10). “Wikipedia: About.” Wikipedia:
    The Free Encyclopedia. http://en.wikipedia.org/ wiki/Wikipedia:About.
•   Yazon, Giovanni Paolo (2007, 31 Marso). “Social networking to the higher level.”
    Manila Standard Today.
    http://www.manilastandardtoday.com/?page=goodLife6_mar31_2007
•   Young, Jeffrey (2006, 12 Hunyo), “Wikipedia Founder Discourages Cademic
    Use of His Creation.” The Wired Campus. http://chronicle. com/wiredcampus/
    article/1328/ wikipedia- founder-discoura ges-academic- use-of-his- creation.
•   Yuga (2006, 6 January). “5 Million Filipino Friendster users?”
    http://www.yugatech.com/blog/the-internet/5-million-filipino-friendster-users/.

				
DOCUMENT INFO
Shared By:
Categories:
Tags:
Stats:
views:138
posted:5/18/2012
language:Tagalog
pages:79