Ang Lipunang Pilipino
Shared by: HC12022609830
-
Stats
- views:
- 322
- posted:
- 2/26/2012
- language:
- Tagalog
- pages:
- 31
Document Sample


Ang Lipunang Pilipino
Layunin
Matukoy ang lagay ng sinaunang lipunan ng Pilipinas
bago dumating ang mga dayuhan.
Maipaliwanag ang mga naging daan sa pag-unlad ng
lipunan ng sinaunang Pilipino.
Magamit ang mga ideyang ito sa pagbuo ng isang
pagpapahalaga sa mga naging kontribusyon ng ating
mga ninuno.
Masuri ang mga naging dahilan ng pagkawala ng mga
kontribusyong ito sa kasalukuyang panahon.
Malinang ang mga kontribusyong ito sa pag-unlad sa
kasalukuyang panahon.
Mga Nilalaman
Prehistoriko
Proto-historiko
Prehispaniko
Prehistoriko
Bago ang kasaysayan.
Walang nakasulat na tala o written
records.
Gumagamit ng mga artifacts at fossils.
Mga bahagi ng panahong prehistoriko:
Paleolitiko
Neolitiko
Metal
Panahong Paleolitiko
(paleo-) "old" + (lithos) "stone"
250,000 – 10,000 BCE
Nabuhay ang mga unang Pilipino sa Pilipinas.
Gumagamit ng mga kasangkapang bato na
tinapyas sa pamamagitan ng pag-umpog sa isa
pang bato (flake tool at core tool).
Mayroong mga kasangkapang matutulis at hugis
palakol.
Nakatira sa mga yungib (hal. Tabon at
Guri sa Palawan).
Umaasa lamang ng pagkain sa kapaligiran.
Walang kahusayan sa pangangaso.
Tanging mga maliliit, mahihina at
matatandang hayop ang kayang hulihin.
Palipat-lipat ng tirahan, madali lamang
dahil kakaunti ang populasyon.
Nawala sa Pilipinas
ang ilang mga hayop
tulad ng elepante,
rhinoceros, stegodon
at mga higanteng
pawikan dahil sa
pagbabago ng klima
at panghihimasok ng
tao sa kanilang
tirahan.
Paggamit ng apoy,
ang
pinakamahalagang
imbensyon ng tao.
Cagayan Excavation
Panahong Neolitiko
neos, “new” + lithos, “stone”
10,000 – 5,000 BCE
Naganap matapos ang paglubog ng tulay
na lupa. Nagbunga ng pagbabago sa
pamumuhay at kultura ng mga Pilipino.
Pinaniniwalaang dumating ang mga
Austronesiyano sa Pilipinas gamit ang mga
balanghay.
Pagtatanim ng halaman lalo na ang palay.
Nagtanim din ng gabi, ube, saging, millet,
nganga, at kawayan.
Umasa sa tubig ulan para sa irigasyon and
sa pag-aalaga ng hayop.
Nagsimulang manirahan ng permanente
sa maliliit na nayon o barangay.
Ngunit limitado ang mga ito sa malapit na
bahagi ng tubig kagaya sa mga pampang
ng ilog, dalampasigan o bukana ng ilog.
May mga iba ring mga hanapbuhay
kagaya ng pagbabanga, paghahabi,
paggawa ng bangka at iba pang palamuti
sa katawan.
Nagsimula na ang paglilibing sa mga
yungib (Duyong Cave sa Palawan) at
malalaking tapayan (Manunggul Jar).
Ang mga kasangkapang bato ay makikinis,
nilagari at binubutasan.
Mayroong ng hawakan at kadalasang
matutulis na parang isa ng palakol o
lanseta.
Gumagamit rin ng
kasangkapang yari
sa malalaking paros
(giant clams).
Gumagamit ng mga
batong hiyas bilang
gamit sa katawan
kagaya ng jasper,
agate, jade, onyx
at nephrite.
Neolitikong Pamumuhay
Sisidlang pang-inumin
Palakol at pampagpag ng tela
Paghahabi
T’nalak
Pagpapalayok
Bangang Burnay
Panloob na bahagi ng balanghay
Sa Butuan
Mga balanghay ng
Butuan
Kasama ito sa paglilibing
ng mga yumao
Isang halimbawa ng paglilibing sa
panahong neolitiko
Mga Bangang Pang-
libing
Kabaong mula sa Cebu
Manunggul Jar
Manunggul, Palawan
Panahon ng Metal
500 BCE – 900 CE
Ito ang panahon kung saan ang iba’t-ibang uri
ng bakal tulad ng tanso, bronse, pilak at ginto
ay ginamit bilang mga sandata, palamuti o sa
pang araw-araw na pangangailangan.
Batay sa mga ebidensya, tanso at bronse
(bronze) ang unang metal na ginamit sa
Pilipinas (Palawan, Cagayan, Sorsogon at
Pangasinan) hanggang sa pagdating ng mga
mangangalakal na Tsino.
Panahon ng Tanso
Ayon kay Jocano, ang tanso (copper) ang unang
metal na ginamit bilang kagamitan ng mga
sinaunang Pilipino. Ito ay dahil sa maraming
deposito ng tanso sa iba’t-ibang panig ng
kapuluan.
Palamuti ang pangunahing gamit ng tanso.
Walang ibang gamit bilang kasangkapan maliban
sa talim ng siba at iba pang hamit sa
pangangaso at pangingisda dahil sa kalambutan
ng tanso.
Panahon ng Bronse
Bagamat may mga kagamitang bronse (Bronze)
ang natagpuan sa Palawan, walang deposito ng
lata (Tin) na maaring pagkunan sa Pilipinas.
Maaaring dala ito ng mga mangangalakal sa
palibot ng Timog-Silangang Asya (Jocano, 2000,
121).
Higit na matigas at naging pangunahing gamit
sa kasangkapan tulad ng talim ng sibat at pana,
pait (chisel), palakol, kutsilyo itak at mga gamit
pang-agrikultura.
Panahon ng Bakal
Isang matigas na metal na nagdulot ng malaking
pagbabago sa pamumuhay.
Natagpuan rin sa Palawan ng mga kagamitang
yari sa bakal (Iron) 190 B.C. ang tanda. Galing
ang mga ito sa yungib ng Manunggul.
Ginamit di lamang sa mga sandata kundi maging
sa produksyon ng ibang kasangkapan.
Naging mas matalim, manipis at matuli ang mga
kasangkapan tulad ng itak at palakol.
Nagsimula ang pagpapanday ngunit lubos
na ipinagtataka ng mga dalubhasa kung
bakit walang mga katibayan na nagkaroon
ng mga malawakang pandayan sa
panahong ito.
Nakagawa at napa-unlad ang paggawa ng
panghuli ng isda at hayop, basket, banga
ng palay at iba pang sisidlan.
Umunlad ang pagsasaka kagaya ng pag-
aaro at irigasyon.
Dahil sa paglawak ng tirahan ng tao,
umabot hanggang kabundukan ang
kanilang tirahan.
Sa panahong rin ito, nalikha ang…
Banaue Rice Terraces
Umunlad ang teknolohiya ng sasakyang
dagat (hal. Agusan). Nakarating ang mga
Pilipino sa Tsina at umunlad ang kalakalan
sa buong Asya.
Umunlad rin ang paglililok. Nagsimula na
ring gumamit ng mga kabaong yari sa
kahoy at nilalagyan ng mga gintong
palamuti sa patay at sa ngipin.
Sandata
Mga kalis na yaring bakal
Bakal na palayok
Gintong singsing
Maskarang pampatay
Gintong Alahas
Maskarang pampatay
Mga gintong alahas na
tinatakpan ang mata at bibig
Get documents about "