silabus 1st grad fil ii ubd

W
Shared by: HC12010414353
Categories
Tags
-
Stats
views:
543
posted:
1/4/2012
language:
pages:
5
Document Sample
scope of work template
							                                         Republika ng Pilipinas
                                        Kagawaran ng Edukasyon
                                   Pampangasiwaang Rehiyon ng Caraga
                                      Sangay ng Lungsod ng Surigao
                                 CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
                                      San Juan, Lungsod ng Surigao

                                         Silabus Filipino II
                                     Taung Panuruan 2011-2012
                                          40 minuto/araw

    I.   Paglalarawan sa Kurso
      Ang Filipino II ay nakapokus sa pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal
na pagbabasa at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikan sa Filipino partikular na ang sa
rehyunal, pambansa at saling-tekstong Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo ng cultural na
literasi. Inihanda ang silabus na ito upang maipamalas ng mga mag-aaral ang kakayahang
komunikatibo, at ang kahusayang sa pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang mga
tekstong pampanitikan.
      Ang silabus ding ito ay magsisilbing gabay sa guro ng Filipino II ng Paaralang Pansekundaryang
Pang-agham ng Rehiyong Caraga. Kinapalolooban din ito ng paglinang sa pagbigkas ng tula,
pagtatanghal ng balagtasan, pagtatanghal ng dula, at pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura sa
iba’t ibang aspekto.
     Mithiin din nito ang paunlararin at pagyamanin ang kalinangan at makatutulong sa pansarili at sa
pambansang kaunlaran.

    II. Panlahat na Layunin (Unang Markahan):

            Pagkatapos ng Ikalawang Taon, ang Sekundaryang Filipino ay naglalayong matugunan
            ng mga hinihinging pangangailangan sa mga paksa, kaya ang mga mag-aaral ay
            inaasahang:

    1. Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, at ang kahusayan sa pag-
       unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang mga akdang pampanitikang rehiyonal,
       pambansa, saling-akdang Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo ng cultural na literasi.

    III. Nilalaman ng Kurso:
             UNANG MARKAHAN
             A. Panitikan:
                1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula
                2. Uri ng Taludturan
                    2.1 Tradisyonal
                    2.2 Blangko-berso
                    2.3 Malaya
                3. Apat na Uri ng Tula
                    3.1 Pandamdamin
                        3.1.1 Oda
                        3.1.2 Elehiya
                        3.1.3 Soneto
                        3.1.4 Awit/himno
                    3.2 Tulang Pasalaysay
                        3.2.1 epiko
                        3.2.2 awit
                        3.2.3 korido
                        3.2.4 balda
                        3.2.5 pasyon
                    3.3 Tulang Dula
                        3.3.1 Moro-moro
                        3.3.2 Komedya
                        3.3.3 Tibag
                        3.3.4 Panuluyan
                        3.3.5 Sarswela
                    3.4 Tulang patnigan
                        3.4.1 Karagatan
                        3.4.2 Duplo
                        3.4.3 Balagtasan
                        3.4.4 Batutian
         4. Mga Elemento ng Tula
              4.1 Sukat
              4.2 Tugma
              4.3 Aliw-iw o indayog
              4.4 Talinghaga
              4.5 Kariktan
      B. Gramatika/Retorika
         1. Mga Pananda
              1.1 Pantukoy
              1.2 Pang-ukol sa anyong sa
              1.3 Ay bilang pananda sa ayos ng pangungusap
         2. Mga Ponemang Suprasegmental
              2.1 Diin
              2.2 Tono/Intonasyon
              2.3 Hinto/Antala
         3. Mga Pangungusap na Walang Paksa
              3.1 eksistensiyal
              3.2 pahanga
              3.3 maiikling sambitla
              3.4 pamanahon
              3.5 pormulasyong panlipunan
         4. Pang-uring Pamilang
              4.1 patakaran
              4.2 panunuran
IKALAWANG MARKAHAN
   A. Panitikan
      1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan
      2. Tulang Patnigan
         2.1 Karagatan
         2.2 Duplo
         2.3 Balagtasan
         2.4 Batutian
      3. Mga Elemento ng Balagtasan
         3.1 Tauhan
              3.1.1 Lakandiwa
              3.1.2 Mambabalagtas
              3.1.3 Mga Manonood
         3.2 Uri ng Taludturan
              3.2.1 Sukat
              3.2.2 Tugma
         3.3 Paksa/Temang Pagtatalunan
              - Politika
              - Pag-ibig
              - Karaniwang bagay
              - Kalikasan
              - Lipunan
              - Kagandahang asal
              - Pambayan
         3.4 Ang Balagtasan Bilang Salamin ng Kulturang Pilipino
   B. Gramatika/Retorika
      1. Pangngalan
         1.1 Pantangi
         1.2 Pambalana
      2. Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
         2.1 Payak
         2.2 Tambalan
      3. Pinasidhing Anyo ng Pang-uri
      4. Pang-abay na pamaraan
IKATLONG MARKAHAN
   A. Panitikan
      1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Dula
      2. Mga Uri ng Dulang Pantanghalan
         2.1 Senakulo
         2.2 Tibag
         2.3 Panuluyan
         2.4 Moro-moro o Komedya
         2.5 Sarsuwela
         3. Mga Uri ng Dula Ayon sa Anyo
            3.1 Trahedya
            3.2 Melodrama
            3.3 Parsa
            3.4 Komedya
            3.5 Saynete

         4. Mga Elemento ng Dulang Pantanghalan
            4.1 Tauhan
            4.2 Tagpuan
            4.3 Banghay
            4.4 Diyalogo
            4.5 Gamit Teknikal tulad ng Tunog, Biswal at iba pa

         5. Mga Bahagi ng Dulang Pantanghalan
            5.1 Yugto (Act)
            5.2 Tanghal-Eksena (scene)
            5.3 Tagpo (Frame)

    B. Gramatika/Retorika
       1. Katagang Pang-abay o Ingklitik
       2. Mga Pangatnig
       3. Pagpapahayag ng iba’t ibang Damdamin
       4. Mga uri ng Panghalip
          4.1 Panao
          4.2 Pamatlig
          4.3 Pasaklaw
          4.4 Pananong
       5. Aspekto ng Pandiwa
          5.1 Perpektibo
          5.2 Perpektibong Katatapos
          5.3 Imperpektibo
          5.4 Kontemplatibo

IKAAPAT NA MARKAHAN
   A. Florante at Laura
      Aralin 1 – Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
      Aralin 2 – Ang mga Tauhan ng Florante at Laura
      Aralin 3 – Ang Nilalaman at Kasiningan ng Florante at Laura
      Aralin 4 – Mga Elemento ng Florante at Laura bilang isang Awit
               - Saknong
               - Taludtod
               - Tugma
               - Sukat
               - Aliw-iw o Indayog
               - Mga Tayutay
               - Mga Simbolismo
               - Mga Pahiwatig

IV. Sanggunian
    A. Aklat
       Balarilang Filipino
       Wika at Panitikan I & II
    B. Web site
       http://eduphil.org/forum/ubd-in-filipino-secondary-education-curriculum-2010-t-1792.htm
       http://mamsha.tripod.com/id45.html
       http://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan

V. Batayan sa Pagmamarka/Rubrik
   A. Markahan
         MarkahangPagsusulit..………               25%
         Interaksyong Pangklase ……              25%
         Pagtataya sa mga Nagawa…..             25%
               (Pagsasatao,Panggagagad, Pagkikipagtalo,
               Pangangatwiran, Dagliang Pagtatalumpati,
               Pag-uulat, Pangkatang talakayan)
         Pagsulat ng Komposisyon..…             10%
                          - Nilalaman
                          - Pamamaraan
    Lingguhang Awtput na Pasulat.               15%
                                                100%
B. Pamantayan sa bawat Lingguhang Awtput (Rubrik)
   1. Tula
   Pagbigkas ng Tula
          - Orihinalidad
          - Napapanahon ang paksa
          - Hindi bababa sa limang saknong ang tula
          - Nagtataglay ng mga element ng tula
          - Nagtataglay nang wastong paraan ng pagbigkas ng tula
          - Wasto ang paggamit ng gramatika/retorika
   Pagsulat ng Tula
          - Makatotohanan
          - May kaugnayan sa paksa
          - Taglay ang elemento/Bahagi ng pagsulat tula
          - Wasto ang pagkakagwamit ng mga pananda sa pagpapahayag ng kilos
          - Presentasyon
   Pagsusuring-papel
          - Orihinal
          - May kaugnayan sa paksa
          - Taglay ang mga elemento ng Suring-papel
          - Presentasyon
   Pagsasapopular sa alinman sa mga uri ng tula
          - Orihinal na interpretasyon sa tula
          - Mailikhain
          - Napapanahon
          - Gamit ang wika ng kabataan sa kasalukuyan
          - Wasto ang pagkakagamit ng mga pangungusap na walang paksa

   2. Balagtasan
   Balagtasan
          - Orihinal
          - Napapanahong isyu o paksang pagtatalunan
          - Presentasyon
          - Wasto ang pagkakagamit ng gramatika/retorika
   Pangangatwiran
          - May kaugnayan sa paksa
          - May batayan ang mga pangangatwiran
          - Orihinal
          - Presentasyon
   Pagtatanghal ng alinman sa mga tulang patnigan:
          - May kaugnayan sa paksa
          - Orihinal ang interpretasyon
          - Masining
          - Napapanahon ang paksa
          - Wasto ang pagkakabuo ng taludtod/pahayag
   Pagsasakilos ng Balagtasan
          - Kaangkupan ng kumpas
          - Kasuotan
          - Pagbigkas
          - Tinig
   Paglalahad ng katwiran kaugnay sa pagtalunang paksa
          - Napapanahon
          - Makatotohanan
          - Angkop sa paksa
          - Tumutugon sa layunin
          - Batay sa pananaliksik
   3. Dula
       Pagtatanghal ng Dula
          - Malikhain
          - Masining
          - Orihinal
          - Napapanahon
          - May angkop na kasuotan
          - Nagtataglay ng mga element ng dulang pantanghalan
          - Wasto ang pagkakagamit ng gramatika/retorika
       Pagtatanghal ng Ritwal sa iba’t ibang rehiyon
          - Naglalarawan ng kultura ng rehiyong napili
          - Malikhain
          - Masining
          - Orihinal
          - Wasto ang pagkakagamit ng mga katagang pang-abay o ingklitik
            Pagtatanghal ng iilang tagpo sa isang uri ng dula
                - Masining
                - Orihinal
                - Napapanahon
                - Angkop ang pagkakagamit ng mga pangatnig sa mga diyalogo
            Pagsusuri sa anyo ng dulang pantanghalan
                - Batay sa pananaliksik
                - Makatotohanan
                - Maayos ang pagkakasulat
                - Nagtataglay ng mga katangian ayon sa anyo nito
            Pagsulat ng isang tagpong-dula
                - Malikhain
                - Orihinal
                - May kaugnayan sa paksa
                - Wasto ang paggamit ng mga panghalip
                - Taglay ang mga elemento ng dulang pantanghalan
         4. Florante at Laura
            Pagsusuri ng Florante at Laura
                - Batay sa pananaliksik
                - Tumatalakay sa iba’t ibang aspekto
                - Taglang ang mga bahagi ng suring-papel
            Pagsasagawa ng Paglalarawan ng Florante at Laura
                - Angkop sa paksa
                - Makatotohanan
                - Napapanahon
                - Masining
                - Orihinal
            Pagsasagawa ng pagpapatunay
                - Batay sa pananaliksik
                - Makatotohanan
                - Malikhain
                - Masining
                - Maiuugnay sa kasalukuyan
            Pagtatanghal ng Florante at Laura
                - Angkop sa paksa
                - Masining
                - Napapanahon

VI.   Inaasahang Awtput/Proyekto
         Unang Markahan –        Big Book - Tula at mga Uri nito
         Ikalawang Markahan -    Sariling gawang Balagasan
         Ikatlong Markahan -     Video Clips in CD
         Ikaapat na Markahan -   Pagtatanghal sa Florante at Laura

VII. Inaasahang Gawain
        Pagpapaliwanag
        Pagbuo ng sariling pananaw
        Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
        Interpretasyon
        Paglalapat
        Pagkilala sa sarili




                                                  Inihanda:


                                                   MARIA CONSUELO C. JAMERA
                                                         SST - III

						
Related docs
Other docs by HC12010414353
Toplum Sagligi ve Evde Bakim Hizmetleri
Views: 26  |  Downloads: 0
Polozenie, powierzchnia, ludnosc
Views: 42  |  Downloads: 0
Upper Wentworth Aerobic Schedule
Views: 9  |  Downloads: 0
La gaceta 222 17 NOV-2006
Views: 44  |  Downloads: 0
Syllabus of Arab Chemistry Olympiad
Views: 43  |  Downloads: 0
to kill a mockingbird study guide1
Views: 263  |  Downloads: 4
????? 5 - PowerPoint
Views: 35  |  Downloads: 0
L�identification du patient
Views: 75  |  Downloads: 0