Tips for Parents: Underage Drinking: “What Can You Do?” T07-150 Tagalog, Arial Font Page 1 of 3
MUNGKAHI SA MGA MAGULANG Pag-inom ng Wala sa Edad sa California: “Anong magagawa mo?”
Ang pag-inom ng mga kabataan sa Amerika ay isang seryosong problema.
Alkohol ang pinaka-karaniwang gamot na gamit ng mga kabataan.
Gaano Ka-ordinaryo Ang Pag-Inom Ng Wala Sa Hustong Gulang?
52% ng nasa ikawalong baitang at 80% ng nasa pinakamataas na baitang sa mataas na paaralan ay nakagamit na ng alkohol. 25% ng nasa walong baitang at 62% ng nasa pinamataas na baitang ng mataas na paaralan ang nakaranas nang malasing.
“Alcopops” ang tawag sa bagong usong inumin ng mga kabataan. Ang mga lasang-prutas na mga inuming ito ay makukulay katulad ng mga “soft drinks” na kilala sa mga kabataan. Tinatawag ito ng industriya ng alkohol na “flavored malt beverages” ( mga malalasang inumin )o “lowalcohol refreshers,” ( pampalamig na may mababang alkohol ) kahit pa na ang lamang alkohol nito ay maihahambing doon sa mga karamihang serbesa.
Paano Nakakukuha Ang Alkohol Ng Wala Sa Hustong Gulang?
Karamihan ng mga kabataan ay nag-ulat na napakadaling makakuha ng alkohol. Marami sa kanila ay nakukuha ito sa tatlong pinagmulan: Ikatlong Partido (halimbawa, kaibigang nasa husto o legal na edad, kapatid, at mga hindi kila lang tao) Pinagmumulang Komersiyal, tulad ng mga tindahan, lugar inuman, at mga kainan (ang ilang estudyante ay gumagamit ng pekeng ID upang makabili ng alkohol) Tahanan, kung saan ay ang pangunahing pinagmumulan ng alkohol ng mga kabataang umiinom. Ang alkohol ay ipinupuslit sa magulang o kusang ibinibigay sa bata ng magulang. Mga peligrong dahilan: Ang mga ibang kabataan ay mas umiinom kumpara sa iba. Bagaman ang mga kabataang babae ay halos pareho lamang kung uminom kumpara sa mga kabataang lalaki, ang mga kabataang lalaki ay karaniwang mas madalas na malakas uminom.
Ang inyo bang anak ay umiinom?
Mahirap malaman kung ang inyong anak ay gumagamit ng alkohol, ngunit ito ang mga palatandaan na dapat tingnan: Pabago-bago ng ugali Normal lamang sa kabataan ang pagbabago ng pag-uugali subalit tingnan ang sobrang pagbabago—ang inyong anak ay masaya kasunod ng biglaang pag-iiba o pagkagalit. Malihim Kung ang inyong anak ay nagsisimulang maging malihim tungkol sa kanyang mga pag-aari o mga gawain ito ay maaaring palatandaan ng pagkabahala.
Tips for Parents: Underage Drinking: “What Can You Do?” T07-150 Tagalog, Arial Font Page 2 of 3
Mga Bagong Kaibigan Kung ang inyong anak ay gumagamit ng alkohol, maaaring siya ay makikisalamuha din sa ibang may kaparehong kawilihan. Ang inyo bang anak ay biglang “sumasama o nakikisalamuha” sa mga bago nitong kaibigan? Mga pagbabago ng kagawian sa eskuwela Ang inyo bang anak ay lumalaktaw ng klase? Biglaan ba ang pagbaba ng kanyang marka?
Ang mga ordinaryong kasabihan ng mga magulang ay:
“Ang sabihin o gawin ng magulang ay hindi makapagbibigay ng anumang kaibahan. Ang mga kabataan ay nakikinig lamang sa kanilang mga kaibigan.” Ang katotohanan: Ang mga magulang ay ma-impluwensiya. Sa pag-aaral na isinagawa sa mga nagbibinata at nagdadalaga ng Research Institute on Addictions ( Institusiyon ng Pananaliksik sa Adiksiyon ) inihayag nito na, maging anuman ang kanilang lahi o laki ng kita, ang mga kabataan na sinusubaybayan ng mga magulang ang pakikipagkaibigan at mga gawain ay ang mas mga hindi napapasama sa problema, tulad ng paginom ng alak. Makinig: Ang susi sa mabisang pakikipag-usap ay ang pagiging mahusay na tagapakinig. Sa mga kabataan, mahalagang maglaan ng oras na makinig sa kanila, lalo na kung sila ay handa nang magsalita. Alamin kung anong dapat sabihin: Alamin ang mga salita, mga oras, at mga lugar na maginhawa sa bawat isa na makapag-usap. Magbigay oras: Ang paglalaan ng palagiang “magkasamang panahon” kasama ang inyong anak ay makapagdudulot ng mabuti sa pag-e-engganyo nitong magsalita. Mag-usap na magkasama, isahan: Kung kayo ay mayroong mahigit sa isang anak, subukang kausapin sila isa-isa kahit na ang mga pag-uusapan ay pareho ang paksa. Bilang magulang o tagapag-alaga, kayo ay may mahalagang bahagi sa paghubog ng inyong anak. Kayo ay nagsisilbing modelo sa paggamit ng alkohol, pagmamaniubra sa dami ng alkohol sa inyong tahanan, at sa pagtulong sa pag-aayos sa pag-asa ng inyong anak tungkol sa pag-uugali o asal sa pag-inom.
Ang “Tips for Parents” ay hinubog ng Grupo ng mga Konsehal at Tagapayo ng Gobernador ng California sa Pagpigil sa Wala sa Edad na Pag-Inom. Kung kayo ay interesado na isalin ang ito sa ibang wika upang magamit ng ibang estado, maari lamang na makipag-alam kay Wendy Tully, Opisina ng Abogado Heneral ng California, sa:wendy.tully@doj.ca.gov. Ang kagawaran ng Edukasyon ng California ay nag-aabot pasalamat kay Joel Phillips, Sentro ng Solusyon sa Paggamit ng Pananaliksik, para sa pahintulot na isalin ang nilalaman ng tekstong ito.
Tips for Parents: Underage Drinking: “What Can You Do?” T07-150 Tagalog, Arial Font Page 3 of 3
[NOTE TO LOCAL EDUCATIONAL AGENCIES (LEAS): As a form of assistance to LEAs, the California Department of Education (CDE) offers this translation free of charge. Because there can be variations in translation, the CDE recommends that LEAs confer with local translators to determine any need for additions or modifications, including the addition of local contact information or local data, or modifications in language to suit the needs of specific language groups in the local community. If you have comments or questions regarding the translation, please e-mail the Clearinghouse for Multilingual Documents (CMD) at cmd@cde.ca.gov.]