(Speech of Hon by HC111214174453

VIEWS: 0 PAGES: 6

									(Speech of Hon. Mayor Calixto R. Cataquiz during the San Pedro Roadmap 2020
Year One Report held on December 10, 2010 at the San Pedro Astrodome, Pacita
Complex I, San Pedro, Laguna.)



           SAN PEDRO ROADMAP 2020 YEAR ONE REPORT

      Napakabilis talaga ng panahon. Nakaisang taon na pala ang ating
programang SAN PEDRO ROADMAP 2020 noong Dec. 5, 2010.

      Nagkaroon ng series of meetings ang mga department heads and
volunteers with some of my consultants at ako’y nagpapasalamat sa inyo, mga
Program Head Volunteers, na kung tawagin ay champions, dahil co-champion
naman ang tawag sa department heads.

      Bagama’t ang 2010 ay election year, tuloy kami sa pagkokonsepto ng mga
proyekto sa Roadmap. Mula January to May, talagang election ang mood, given
the short election period.   At kasunod pa nito ang Barangay Election. Mula
Agosto hanggang Oktubre ay ito ulit ang main menu. Di natin makalabit ang mga
Barangay Captain para umupo at talakayin ang Roadmap.

       After the May election ay ginugol natin ang mga buwan ng Hunyo, Hulyo
hanggang kalagitnaan ng Agosto para sa GOOD GOVERNANCE program ng
Roadmap. Nakita kasi na dapat ay may kahandaan ang mga department heads at
staff nila. Matagal ding walang pangmalawakang programa - short and long
range program – na nararanasan ang mga kasama ko sa Executive Department at
nakita ko rin na sila ay dapat makaagapay nang husto sa mga champions
dahil sila, bilang co-champions, ang magpapatupad ng mga proyekto.

      Kaya nagma-marathon meetings kami ng mga department heads at ng
ilang consultants ng Roadmap at nagsagawa ng Operations Review. Tinalakay
kung ano ang mandato ng kanilang opisina, ano ang yardstick or measurement
kung nagawa o hindi, ano ang kasalukuyang ginagawa at ano ang mga dapat na
gawin at additional na dapat gawin in accord with Roadmap 2020. Kasama rin
ang rating system in accordance with the Civil Service Rules and Regulations.
Kaya masasabi kong we focused muna sa GOOD GOVERNANCE. Dahil parang
ito ang prime mover ng Roadmap 2020. Kaya ating nailunsad din ang Anti Red
Tape Act or ARTA, though I feel it needs still to be perfected.

      Noong aking inauguration for the new term of office ay nagpirmahan kami
ng covenant, ng commitment para sa Performance Management System o PMS at
Office Performance Evaluation System o OPES. Kailangan ito, nakita natin sa
programang Roadmap – kung ayaw gawin, o hindi magawa, ang problema ay ang
tao o opisina, hindi dapat mag-suffer ang programa. To quote consultant Sonny
O. parang pag ang sabi sa Roadmap ay Mansanas ang itanim, eh ang gusto ng
opisina na itanim ay Aratiles—hindi naman pwede ito. At related to this ay nakita
natin na dapat magkaroon ng Manual of Operation & Employees Handbook para
alam ng departamento at ng mga tao kung saan sila nakatayo. This is ongoing.

      Sa GOOD GOVERNANCE               pa rin, ipinagpapatuloy ang ating
Computerization, review ng ating Revenue Generating departments, review ng
Services at Technical departments. Ako’y nalulungkot, masakit din sa loob ko na
dumadaan sa Administrative Investigating Committee ang ibang kasama sa
Pamahalaang Bayan. Hindi po ako natutuwa, sana’y walang ganito, kaya lang
minsan may mga pangyayari na dapat bigyan ng dapat na imbestigasyon. Sana’y
maunawaan ninyo, ng iba, na there are times you have to do it. Sana din ay
huwag gamiting political issue ng ibang kabangga sa pulitika. Nakalinya rin ang
Moral Enhancement Program ng mga Municipal Employees upang maunawaan
ang kortesiya (courtesy) at gawi ng isang Lingkod Bayan di basta kawani ng
pamahalaan.

      Related pa rin dito sa programang GOOD GOVERNANCE, ating isasaayos
muna ang ating Municipal Social Welfare Office, Municipal Health Office plus the
renovation of the Gavino Alvarez Lying-in-Center (GALIC) at Jose L. Amante
Emergency Hospital (JLAEH) na magsisilbi nang 24 oras, at ang Health Care with
Health Card, Wellness or Sickness Prevention ay atin nang pinag-aaralan lahat.

     Gayundin ang Public Order and Safety Office (POSO), sa pamamagitan ng
pagsasagawa na ng isang townwide integrated traffic and community safety plan
at pagpapatrol sa buong bayan para sa kaayusan at seguridad ng mga
mamamayan.

      May mga Council, Board at Technical Working Group (TWG) na naitatag
tulad ng Municipal Peace and Order Council, Municipal Disaster Risk Reduction
Coordinating Council kung saan pinaghahandaan na natin ang mga evacuation
center na hindi na gagamit ng mga classroom, pagbili ng mga kagamitan at
pagsasagawa ng training para sa kalamidad.

     Isang malaking bagay din sa Good Governance ang updated
COMPREHENSIVE LAND USE PLAN (CLUP). Ito ay akin ding ipinauuna para sa
paghahanda ng ECONOMIC DEVELOPMENT at ENVIRONMENT PROTECTION
AND MANAGEMENT.

     Dito lang pala sa loob ng Pamahalaan ay isang programa na talaga ang
Roadmap -- ang pagsasagawa ng pagbabago, makabagong pamamahalang
napapanahon, new system of management using the best practices now being
done by leading municipalities and cities, may kopya, may sariling inobasyon.
Kaya nga imagine kung ang municipal capacity enhancement ay ating maisaayos
at maibahagi sa labas, sa mga NGO, sa iba’t ibang asosasyon bilang NGO
enhancement-capacity building eh napakalaking bagay.       Mga kasama sa
Pamahalaan, sa Good Governance, tayo ang simula palabas sa ating
nasasakupan.

       Ang new Municipal Hall na pinapalamutian ng kung anu-anong
kontrobersiya ay target na matapos sa kalagitnaan ng 2011. Good Governance
deserves a new face at angkop na opisina. We may create another economic
activity in that area so that those sleeping surrounding areas will also experience
some commercial value generating employment and income from Business
Permits.

      Sa programang ECONOMIC DEVELOPEMT ay ating itatatag na ang San
Pedro Investment Board kung saan ang mga miyembro nito ay siyang makikipag-
ugnayan sa top businesses upang mag-relocate man lang ng kanilang light
industries dito. Ang Laguna Lake Ferry Terminal at ang lake shore development
ay naka-angkla sa national project kaya ang rehabilitation ng Laguna Lake ay
pansamantalang nakabinbin sapagka’t pinag-aaralang muli ng ating Pangulong
Aquino.

      Ating pormal nang binuksan ang SAN PEDRO LIVELIHOOD OPEN
TRAINING CENTER side by side with the San Pedro Manpower Training Institute
(SPMDI) at PUP upang ang ating human resources ay magkaroon din ng skills,
pangkabuhayan pa, at mapalabas natin ang ating One Town, Multiple Product,
sa pamamagitan ng produktong kanilang magagawa. Kasama rin dito ang
libreng computer literacy course para sa lahat.

      Patuloy ang ating pagpaplano ng quality roads, bridges and drainage
network. This is townwide kaya di pwedeng isang iglap ay matapos agad. We
have to interconnect main and secondary drainages. We have started dredging
the Tunasan-San Pedro River. Kamakailan ay aking ipinagawa at ito’y natapos na
– ang old Bailey Bridge connecting Bayan-Bayanan sa Brgy. San Vicente at Brgy.
San Antonio.     Nagtatawiran ang tao roon patungo sa magkabilang side,
nahuhulog pa sa tulay kaya kahit national, kung di maipagawa ng national, at
kaya natin, ginagawa na natin. Ang ating Highway Bridge linking Brgy. Nueva
and San Antonio ay aking ipinare-review at pinapa-check ang tibay at safety nito.
Panahon pa ni Pres. Magsaysay ang tulay na ito. Year 2011 will bring in
substantial changes in our road and drainage system. Sa water filtration system,
we hope to find an investor who can filter, purify lake water and sell it sa ating
Water District at kahit sa mga adjacent areas.

       Sa ating programang ENVIRONMENT PROTECTION AND MANAGEMENT,
may mga mini awareness program ang ating pamahalaan on educating our
citizenry in climate change at 3 Rs – Reuse, Reduce and Recycle. Mayroon nang
naitayong waste to energy or power generation ang ating sanitary landfill. Ang
SOLID WASTE MANAGEMENT ACT ay atin nang isinasagawa ang mga hakbang
para sa implementasyon nito.

       May mga pilot open spaces nang target na isaplano para maipatupad ang
isang kumpletong bagong AYOS, bagong ANYO ng isang community open space.
May environment area, may pasilidad na co-use ng lahat ng homeowners at mga
asosasyon, may pangkabataan, pangkatandaan, may pang physical fitness –
isang masasabing wholesome family area. Mayroon na rin tayong pinag-aaralan
at idedeklarang Edible Green Areas sa bawat public places. Environment, family
and heart friendly na open spaces ang ating bubuuin. Sa mga homeowners, sa
ikadadali, iniimbitahan ko kayong makipag-unawaan, makigawa ng scheme plan
sa ating Engineering, Architect at Municipal Planning and Development Office sa
inyu-inyong lugar. Ipalilipat ko rin ang Municipal Fire Dept. Bldg. na nasa Pacita 1
upang mapaganda ang area na kasalukuyang kinatatayuan nito. Nasa drawing
board na rin ang conversion ng mga tricycle sa LPG bilang sagot sa Clean Air
Act.

      Sa ating SOCIO-CULTURAL DEVELOPMENT, open na para sa lahat na
maging miyembro ng San Pedro Aktibo Sports Association sa La Martina Bldg.,
Brgy. San Vicente, di lang pang-sports kundi pang-physical fitness pa.

       Ating matagumpay na naisagawa ang isang local and international
sisterhood agreement sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya at sa 8 bayan ng Guam.
We hope that through continuing communications, we can harvest from these
agreements fruits for employment, trade, education, health, tourism , culture and
arts and technical cooperation. I will revive the sisterhood agreement with a
Japanese City that I started way back my first term of office at siguro
makakausap ko na ang mga anak ng mga ikinasal kong Hapon at Pilipina na
baka ang edad ngayon ay kinse anyos (15) na. Baka maging opisyales din ng
bayang iyon, Yoshikawa-Machi, Niigata Prefecture, ang mga kabataang ito.

     Sa Housing, matagumpay na nailipat ang mahigit na 1,700 pamilya mula sa
PNR railroad tracks sa isang residential subdivision na tinatawag na Southville
3A in partnership with the National Housing Authority. We hope to have
Southville 3B and 3C para matuldukan ang kawalan ng pabahay na sarili sa ating
bayan. At ang lupa naman na pinag-alisan ay akin naman ipinapalinis habang
pansamantalang walang ginagawa ang PNR upang maging alternative walking,
jogging, biking area with touches of trees and plants para maging environment
friendly area rin. Sa magkabilang tabi ng riles na mula sa Brgy. San Antonio
patungong Brgy. San Vicente, Brgy. Nueva, Elvinda Village at Pacita 1 ay pwede
ka nang maglakad.

       SA EXECUTIVE LEGISLATIVE AGENDA ay nakapagsimula na kami ng
pagmimiting ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at naiharap ko na sa
kanila ang aking executive agenda na nakapaloob sa Roadmap 2020.


      Ang lahat ng mga proyektong nakapaloob sa Good Governance at
Environmental Protection and Management ay natalakay na.

      Sa mga susunod na ELA meetings naman tatalakayin ang Socio Cultural
Development, Economic Development at iba ko pang executive agenda at ang
mga legislative agenda naman ng ating Sangguniang Bayan.

     Ang layunin ng mga ELA meetings ay matanggap at pagtibayin ng
Executive at Legislative Teams ang Executive Legislative Agenda ng
Pamahalaang Bayan para sa tatlong taon (2011-2013).

      SA CITYHOOD, nakasulat na tayo at sinagot na ng mga kinauukulang
ahensiya ng pamahalaan na pasado tayo sa income at population requirements
ng Cityhood. Ang mga iba pang kailangan ay patuloy nating inihahanda.

      SA WASTE TO ENERGY PROGRAM na nakapaloob sa Environmental
Protection and Management ng Roadmap 2020, ay ikinagagalak kong ibalita na
nagkaroon na ito ng katuparan nang pasinayaan ang San Pedro Methane Power
Plant sa Pilotage Sanitary Landfill sa Barangay San Antonio noong Disyembre 2,
2010.

      Ang power plant na ito ng Bacavalley Energy, Inc. ay makagagawa ng 4
megawatts, sapat na makapagsupply ng kuryente sa 4,000 pamilya. Sa ngayon,
ang kuryenteng makukuha ay ipagbibili muna sa MERALCO.

       Sa lahat nang nagawa nating ito, sa kabila ng mga eleksiyon na katatapos
lang, naipakita ko at pinatunayan na pwedeng ihiwalay ang pamamahala sa
pulitika. Tulad nang lagi kong sinasabi, 50% akong administrator at 50% lang na
pulitiko. At sa aking pamamahala, lagi ko kayong isinasama at updated sa aking
ginagawa sapagka’t kayo ang nagluklok sa akin dito sa aking poder. Wala tayong
iwanan.
      Kaya ngayon, mga kababayan ko, kailangan ko ng mga volunteers na
makakatulong sa ating Roadmap 2020. Ipaalam ninyo sa amin ang inyong mga
expertise. Samahan ninyo kami.    Sumali kayo upang mapabilis natin ang
katuparan ng Roadmap 2020.

      Napakaraming mga proyekto ang nakapaloob sa bawat program
component. Makakapili kayo ng proyektong sasalihan ayon sa inyong field of
interest at kakayahan. Makakapili kayo as an individual or as a group or
association. Makakahingi kayo diyan sa mga kasama natin ng mga Volunteer
Sign Up Form at puwede na kayong pumirma. SIGN UP NOW! SALI NA!

      BE PART OF THE SOLUTION, sabi nga. Maging bahagi kayo sa paglutas
ng mga problema ng ating minamahal na bayan. Sama-sama tayong humakbang
tungo sa kaunlaran. SIGN UP NOW! SALI NA!

           MARAMING SALAMAT PO.

								
To top