BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 2 GRAMATIKA AT PAGBASA IKATLONG MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO PAKSA MGA KASANAYAN MGA KAGAMITAN

Document Sample
BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 2 GRAMATIKA AT PAGBASA IKATLONG MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO PAKSA MGA KASANAYAN MGA KAGAMITAN Powered By Docstoc
					           BANGHAY - ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 2
                     GRAMATIKA AT PAGBASA
             IKATLONG MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO


PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN



        Paksa                     Mga Relihiyong Asyano
                                  :
        Pamagat ng Texto          Sulyap sa Relihiyong Asyano
                                  :
                                  Ang Kristiyanismo sa Pilipinas
                                  Bukas na Liham kay Jenny sa Malaysia
        Uri ng Texto            : Textong Narativ
        Kagamitan               : Mga larawan, roleta
        Gamit ng Wika           : Pagkakaiba at pagkakatulad; paglilista
        Istruktura ng Wika      : Pagbuo ng pangungusap sa dalawa o
                                  higit (langkapan) pangatnig
        Kasanayang Pampag-iisip : Paghahambing
        Halagang Pangkatauhan : Pagsasabi ng sariling paniniwala nang
                                  may pagtitiwala sa sarili



I.   MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

     A. Niuugnay ang mga karanasan at kaalaman kaugnay ng saloobin sa paksa
        batay sa pamagat.

     B. Napaghahambing ang iba’t ibang relihiyon sa Asya.

     C. Nakikilala ang paraan ng pagtatalata bilang ispesifik na katangian ng
        texto.

     D. Nakabubuo ng pangungusap na langkapan sa pamamagitan ng
        pangatnig.

     E. Nasusuri ang iba pang kauring texto.




BSE-Kagawaran ng Edukasyon                                                 339
II.   PROSESO NG PAGKATUTO

        UNANG ARAW

        A. Mga Panimulang Gawain

          Pagganyak :

          Pangkatang Gawain

             1. Pagpapakita ng piping palabas o pantomina na may kinalaman
                sa paksa. Halimbawa nito ay ang mga paraan ng pagsamba sa
                iba’t ibang relihiyon.

             2. Magbibigay ang bawat pangkat ng saloobing kaugnay ng
                napanood.

                        Anu-anong mga saloobin ang maaari ninyong ibigay
                         kaugnay ng napanood? Bakit?

             3. Pagbabahaginan ng mga kasapi ng pangkat.

             4. Pagbabahagi ng kinatawan ng pangkat ng kanilang nabuong
                saloobin.

             5. Pagbibigay ng reaksyon ng mga nanood at nakinig sa mga
                pahayag ng bawat pangkat.



          Paglalahad :        Pagbibigay-pansin sa pamagat ng textong
                              babasahin “Sulyap sa Relihiyon sa Asyano.”

             1. Sa inyong palagay, ano ang inilalahad ng pamagat?

             2. Banggitin ang iba’t ibang relihiyon sa Asya sa pamamagitan ng
                larong “Connect o Disconnect.”

             3. Kumuha ng kapareha at pag-usapan ang sariling karanasan
                kaugnay ng paniniwalang panrelihiyon na nakatulong sa inyong
                pag-unlad. Tatawag ng ilang pareha ang guro upang ipahayag
                sa harap ng klase ang kanilang napag-usapan.




340                                          BSE-Kagawaran ng Edukasyon
     B. Pagbasa ng unang textong lunsaran ang “Sulyap sa Relihiyong
        Asyano.”

     C. Pagbubuo ng sintesis ng mga napag-usapan (sa pamamatnubay ng
        guro) sa pamamagitan ng “ambush interview.” Ang isang mag-aaral
        ay magtatanong sa sinumang lalapitan niya para sa sintesis.


     PAGTALAKAY SA ARALIN

     IKALAWANG ARAW

     A. Panimulang Gawain

       Pagganyak : Akrostikang Paligsahan

       Panuto : Dalawang pangkat ang bibigyan ng mga akrostikang kard (bawat
                 kard ay may letra). Makikinig ang bawat pangkat sa tanong na
                 binabasa ng guro ng paligsahan. Mabilis at tahimik na bubuin
                 ng pangkat ang sagot sa tulong ng mga kard nilang hawak.

       Mga Tanong :

               1. Relihiyong ipinakilala ng mga Aryan sa India.

                2. Relihiyong kauna-unahang itinaguyod ng mga Hapones.

                3. Relihiyong ipinakilala ni Siddharta Gautama

                4. Relihiyong itinuro ni Propeta Mohammed

                5. Relihiyong nabuo sa pananampalataya kay Jesus

                6. Itinurong relihiyon ni Patriyarka Abraham

                7. Relihiyong pinagmulan ng Gintong Tuntunin (Golden Rule)

     B. Pagbibigay-kahulugan sa iba’t ibang relihiyon sa tulong ng “Role
        Playing.”

             Sa istratehiyang ito, ang mga mag-aaral na maaatasang magbigay
       ng kahulugan sa relihiyon ay gaganap na kinatawan o katutubo ng
       bansang may ganoong relihiyon at magbibigay ng maikling paliwanag.
       Isang mag-aaral ang gaganap na ankorman ng palatuntunan.
       Halimbawa


BSE-Kagawaran ng Edukasyon                                                   341
        Ankorman : “Mga kaibigan, mapalad po tayo at panauhin natin ang iba’t
                    ibang dayuhang magbibigay ng linaw sa kanya-kanyang
                    relihiyon. Pinakikilala ko sa inyo sina :

                   G. Hapones –     Shintoismo
                   G. Hudyo   –     Hudaismo
                   G. Hindu    –    Hinduismo
                   G. Morke    –    Buddhismo
                   Padre Jose –     Kristiyanismo
                   G. Mohammed –    Islam

      C. Pagpapalalim ng kaalaman. Gagamit ng istratehiyang SAG (Sketch
         Appropriate Graphics). Papangkatin ang klase na naaayon sa
         istratehiyang gagamitin.

           Pangkat 1 : Fish Bone Graphics

                        Mga Katangian

        kahinaan                                    Relihiyon

                        Mga Pagkakaiba


           Pangkat 2 : Graphic Organizer

                               RELIHIYONG
                                ASYANO




         HINDUISMO              HUDAISMO                 SHINTOISMO




              MGA                   MGA                      MGA
           KATANGIAN             KATANGIAN                KATANGIAN




342                                           BSE-Kagawaran ng Edukasyon
          Pangkat 3 : Venn Diagram



              BUDDHISMO
              PAGKAKAIBA

                                PAGKAKATULAD



                                      KRISTIYANISMO
                                      PAGKAKAIBA




          Pangkat 4 : Network

               TAGAPAGTATAG               TAGAPAGTATAG




 KATANGIAN        TAOISMO                   CONFUCIA          KATANGIAN
                                             NISMO




                 PANINIWALA                 PANINIWALA


     D. Pagtatanghal ng bawat pangkat ng kanya-kanyang graphics at
        relihiyong tatalakayin.

     E. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan. Bibigyang-diin           ang
        pangkalahatang kaisipang nabuo sa talakayan.

             Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang iba’t ibang relihiyon sa
              Asya?




BSE-Kagawaran ng Edukasyon                                             343
      IKATLONG ARAW

      A. Panimulang Gawain

        Pagganyak : Larong Roleta


        Panuto : Gagamit ang guro ng roleta na kung saan ang mga relihiyon ay
                 nakasulat. Kung kailan tumigil ang roleta sa kaukulang relihiyon
                 sa Asya ay saka magtatanong tungkol dito na sasagutin ng
                 kinatawan ng pangkat.

        Halimbawa :

           Tumigil ang roleta sa Hudaismo

         Tanong :

              Pangunahing Katangian

              Pangunahing Pagkakaiba

              Nagtatag ng Hudaismong Relihiyon




      B. Pagpapabasa ng ikalawang textong lunsaran “Ang Kristiyanismo sa
         Pilipinas.”

      C. Pagsusuri batay sa tiyak na katangian ng texto. (Pangkatang
         gawain).

        Ipapamigay ang mga sumusunod na mga tanong sa mga pangakat.

        Gabay na tanong :

           1. Paano sinimulan ang texto? Maayos ba ang simula? Patunayan.

           2. Paano pinalawak ang texto? Masustansya ba ang ginawang
              pagpapalawak? Paano?

           3. Paano binigyan ng wakas ang texto? Sumasang-ayon ka rito?




344                                             BSE-Kagawaran ng Edukasyon
           4. Sa inyong palagay, bakit tinawag na textong narativ ang tinalakay?
              Patunayan.

     D. Pagbabahaginan ng ginawang pagsusuri.

     E. Pagbibigay ng guro ng input tungkol sa textong di-tuluyan.


         Input ng Guro

               Sa araling tinalakay natin ay natunghayan natin ang mga
         halimbawa ng textong nareysyon/narativ. Sa ganitong texto nakikita
         ang mga impormasyong tumutugon sa tanong na kung paano at kailan
         nangyari.

               Ang mga textong narativ ay nagpapakita ng mga impormasyon
         tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos at galaw sa mga tiyak na
         panahon.

               May tiyak/ispesifik na karakteristik ang textong narativ na ating
         pinag-aralan. Nilinaw natin ang paraan ng pagkakasulat ng texto.

              Tinitingnan dito ang texto batay sa istraktura o pagkakabuo tulad
         ng paraan ng ginawang pagsisimula, estilo ng may-akda sa
         pagpapayaman ng kaalaman at ang paraan ng pagwawakas.




BSE-Kagawaran ng Edukasyon                                                   345
      F. Pagsusuri ng unang textong lunsaran batay sa tiyak na katangian ng
         textong narativ na naaayon sa istraktura o pagkakabuo.

         Panuto : Kumuha ng isang talulot at sagutin ang gabay na tanong na
                  nakasulat sa likod ng talulot na kinuha.



                           Blg. 1
                                                 Blg. 4

                                 Istruktura
                                     ng
                 Blg. 3            Texto




                                        Blg. 3




         Mga tanong na isusulat sa likod ng talulot :

             Talulot Blg. 1. :      Paano sinimulan ang texto? Maayos ba ang
                                    simula? Bigyan patotoo.

            Talulot Blg.2. :     Paano pinalawak ang texto? Pumili mula sa unang
                                 lunsaran ang patunay na tumutugon sa tanong na
                                 nabanggit.

            Talulot Blg.3. :     Paano binigyan ng wakas ang texto? Sumasang-ayon
                                 ka rito? Bakit?

            Talulot Blg. 4. : Sa inyong palagay, anong uri ng texto ang ating
                              sinuri? Bakit? Patunayan.




346                                                       BSE-Kagawaran ng Edukasyon
     G. Pagbubuo ng sintesis        sa    pamamagitan     ng    pagbabalita    o
        istratehiyang broadcast.


     PAGSUSURING GRAMATIKAL

     IKAAPAT NA ARAW

     A. Panimulang Gawain

       Pagganyak :

          1. Ipamimigay ng guro sa mga mag-aaral ang kartong may nakasulat
             na mga buwan sa isang taon . Ipaawit ng guro ang “Lubi-lubi” sa
             lahat ng mag-aaral at habang ipapasa ang mga karton sa bawat
             isa. Pagtigil ng awit, tatayo ang may tangan ng karton at tutungo sa
             unahan na ipagsusunud-sunod ang mga buwan ng kalendaryo.

                                     Lubi-lubi

                              Enero -      Pebrero
                              Marso -      Abril
                              Mayo -       Hunyo
                              Hulyo -      Agosto
                              Setyembre- Oktubre
                              Nobyembre- Diyembre
                              Lubi - Lubi.

          2. Magsasabi ng may tangan na karton ng tungkol sa
             tradisyon/seremonya/paniniwala ayon sa buwan ng kalendaryong
             nasa karton ng sunud-sunod.

          Halimbawa :

          Mayo – Piyesta ng Patrong San Isidro Labrador may Pahiyas sa
          Lukban, Quezon.




BSE-Kagawaran ng Edukasyon                                                    347
      B. Pagbibigay ng input ng guro upang makabuo ng pangungusap na
         langkapan.



      Input ng Guro

              Ang textong ginamit natin      bilang lunsaran ay binubuo ng
      pangungusap. Ang pangungusap ay binubuo ng lipon ng mga salita na
      nagsasaad ng isang buong kaisipan at may simuno’t panaguri. Maaaring
      buuin ang pangungusap mula sa dalawa o higit pang sugnay na makapag-
      iisa at ibang sugnay na di-makapag-iisa na pinag-uugnay ng dalawa o higit
      pang pangatnig upang maging langkapan.

      Halimbawa :

              Ang India ay sinakop ng mga Aryan at ang mga mamamayan rito
      ay sumasamba sa mga elepante, bagyo, apoy at kasayahan ngunit
      ipinakilala pa rin ng mga Aryan ang Hinduismo.

      Paliwanag ;

         -   Ang mga lipon ng salitang may tuwid na salungguhit ay isang
             pangungusap o sugnay na buo ang kaisipan.

         -   Ang at, ngunit na naka-italized pagkatapos ng unang pangungusap
             ay tinatawag na pangatnig na nagsisilbing tagapag-ugnay ng
             sumusunod na pangungusap.

         -   Ang mga lipon ng salitang sinalungguhitan ng liku-likong guhit ay
             maituturing pa ring isang pangungusap o sugnay na makapag-iisa.

            Ang ibinigay na halimbawa sa itaas ay pangungusap na langkapan
         sapagkat binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at ng isa pang
         sugnay na di makapag-iisa sa tulong ng mga pangatnig.




348                                              BSE-Kagawaran ng Edukasyon
     C. Kikilalanin sa binasang texto ang mga langkapang pangungusap.
        Basahin ng unang pangkat ang mga langkapang pangungusap nang
        malakas at itala sa talahanayan ang mga pangatnig.

                              TALAHANAYAN




     D. Pagbubuo ng sariling pangungusap na langkapan batay sa
        naunawaan sa textong binasa. Papangkat na gagawin ito.

     E. Pagbabahaginan sa klase/pagbasa ng nabuong pangungusap.

     F. Pagpapalalim sa paksa batay sa mga sumusunod na tanong :

             Paano epektibong nakatulong ang pangatnig sa pagbuo ng
              pangungusap na langkapan?

             Sa inyong palagay, anong tungkulin ang ginagampanan ng
              pangatnig sa pagbuo ng texong narativ?

     G. Pagbubuo ng sintesis batay sa paksang pinag-uusapan                 sa
        pamamagitan ng istratehiyang dugtungang pagsasalaysay.


EVALWASYON

     IKALIMANG ARAW

     A. Panimulang Gawain

       Pagganyak : Pag-awit ng buong klase ng isang awiting panrelihiyon.

     B. Pagbabasa ng isa pang halimbawa ng textong narativ.

     C. Pagsusuri sa binasang texto batay sa paraan ng pagkakabuo.




BSE-Kagawaran ng Edukasyon                                                  349
         Gabay na Tanong :

                Paano binuo ang texto? May napansin ka bang pagkakaiba ng mga
                 texto? Ipaliwanag at patunayan.

                Sa inyong palagay, paano magiging mabisa’t kaakit-akit ang
                 panimula’t wakas ng textong narativ?

      D. Pagpapasulat ng isang textong narativ (news story) sa tulong ng
         isang tiyak na larawan na panrelihiyon. Ipatatala muna ng guro sa
         mga mag-aaral ang angkop na pangatnig.

      E. Pagpapahalaga sa mga isinulat ng mga mag-aaral.

      F. Pagbibigay ng guro ng faynal na input tungkol sa aralin.


        Input ng Guro

              Isang maituturing na pag-unlad ng mag-aaral ang makabuo ng
        isang maayos at makabuluhang textong narativ. Sa pagbubuo nito’y
        kinakailangan ang kaaya-ayang panimula na maaaring gamitan ng
        tanong, kasabihan, pagsasalaysay o nakagugulat o naiibang pahayag.
        Ang pinakakatawan o nilalaman nito ay pawang mga makabuluhang
        impormasyon ng pangyayari na may tiyak na panahon at ang wakas ay
        dapat mag-iwan ng kakintalan sa mga mambabasa.

             Mahalaga ring malaman ang mga pangatnig sa pagbubuo ng mga
        pangungusap na langkapan sa binubuong texto.



Unang Textong Lunsaran

                   SULYAP SA RELIHIYONG ASYANO
      Noong unang panahaon, karaniwan na sa mga Asyano ang sumasamba sa
mga anito, hayop, bagyo, araw at iba pang kalikasan na kinikilala nilang diyos at
diyosa. Sa paglipas ng ilang panahon, kumalat ang iba’t ibang relihiyon na nagbigay
ng mga bagong paniniwala, doktrina at gawi sa mga bansang Asya.

       Kinilala ang mga relihiyong Hinduismo, Budhismo, Hudaismo, Kristiyanismo,
Shintoismo, Confucianismo, Taoismo, Islam at iba pa ng mga Asyano na nagbibigay
sa kanila ng sariling kakanyahan at pagkakakilanlan.



350                                               BSE-Kagawaran ng Edukasyon
      HINDUISMO. Noong 200 B.K. ipinakilala ng mga Aryan sa mga Hindu sa
India ang Hinduismo. Kinilala ang pangunahing mga diyos sina Brahma, ang
lumalang o creator at Vishnu, ang tagapamuksa o destroyer. Naging banal na mga
aklat nila ang Vedas na naglalaman ng mga himno at dasal at Brahmas na
kinapapalooban ng mga ritwal na panrelihiyon. Samantala sa Aranyakas
matutunghayan ang mga tuntunin sa paggawa ng mga sakripisyo at sa Upanishads
matatagpuan ang mga panrelihiyong kaisipan tungkol sa mga katotohanang
pansansinukop. Tinatawag nilang Brahmin ang pinakapari nila sa Hinduismo.

       Naniniwala ang mga Hindu sa muling pagkabuhay ng mga namatay kaya ang
kaluluwa ng isang mabuting Hindung namatay ay muling mabubuhay bilang isang
Brahmin upang makaranas nang walang katapusang kaligayahan. Samantala, ang
mga masasamang Hindung namatay ay muling mabubuhay sa mga hayop tulad ng
baboy, aso at tigre.


       BUDDHISMO. Noong 556-483 BK, si Prinsipe Siddharta Gautama ng tribong
Sakya sa India ay tinalikuran niya ang kayamanan, katayuan sa lipunan at pamilya
upang hanapin ang katahimikan ng kaisipan at kaluluwa. Nilibot niya ang buong
India nang nakadamit na dilaw at may dala-dalang puswelong lalagyan ng kanyang
napaglimusang pagkain.

        Isang araw, ipinasya niyang mamahinga sa ilalim ng isang punong Bo sa
Boodh-Gaya at nagdasal dito saka nagmuni-muni. Nakamit niya rito ang
pagliliwanag ng kaisipan kaya tinawag niya ang kanyang sarili na Buddha at ito’y
nangangahulugan ng “Ang Naliwanagan.”

      Sa loob ng 45 taon, nilibot niya ang buong India at itinuro ang relihiyong
Buddhismo na kung saan ang apat na katotohanan ay kanyang nabigyang-diin. Una,
sa katotohanan, ang buhay ng tao ay puno ng paghihirap o pagpapakasakit;
ikalawa, maaaring tapusin ng isang tao ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng
pagsupil sa makasariling pagnanasa; ikaapat, matapos niyang maalis ang kanyang
paghihirap, mapapasakanya ang Nirvana o kaluwalhatian upang makamit ito, ang
isang tao ay kailangang sumunod sa walong pamamaran na binubuo ng : a.)
tamang paniniwala; b.) tamang adhikain; c.) tamang pananalita; d.) tamang asal; e.)
tamang hanapbuhay; f.) tamang pagsisikap; g.) tamang pag-aalaala at h.) tamang
pagdarasal.


       HUDAISMO. Noong 1800 BK, isang Hudyo ang sinasabing nakipagkasundo
kay Yahweh o Jehovah na ikalat ang mensaheng iisang diyos at siya ay si
Patriyarka Abraham. Itinuro niya ang mensahe sa mga Hudyo sa relihiyong
Hudaismo kaya inaalala ng mga ito ang naturang mensahe sa seremonya ng
pagiging ganap na nilalang.



BSE-Kagawaran ng Edukasyon                                                     351
        Sinusunod ng mga Hudyo ang mga araw ng pangiling. Ang Sabado ay
pinakadakilang araw nila at ang Pasack Passoon ay panahon ng pag-aani ng mais
at saka ito ang paggunita nila sa Exodus. Ang Pentecost naman ay paggunita sa
kasaysayan ni Ruth at ang pagbibigay ng Sampung Kautusan ng Diyos kay Moses
sa Bundok ng Sinai. Ginugunita rin nila ang pagwawakas ng pag-aani at sa panahon
ng paglalagalag sa disyerto ng Sinai na tinawag nilang Sukkoth at saka nangingilin
din sila sa unang araw ng taon, ang Rash Hashbona anupa’t nagtakda rin sila ng
araw ng pagsisisi na tinwag nilang Yam Kippur.


      CONFUCIANISMO. Itinuturing ng mga Tsino na relihiyon ang Confucianismo
bagamat marami sa kanila ang Buddhista dahil sa paggalang at paghanga kay
Confucius, isang pilosopong Tsino.

      Binigyang-diin ni Confucius na ang tao ay likas na mabuti at upang hindi
makapangyari ang kasamaan, dapat na linangin ang magagandang katangian tulad
ng paggalang sa mga magulang at matatanda, pagkakawanggawa at lakas ng loob.
Ang kaniyang “Gintong Aral” ay nakasaad sa negatibong pangungusap. “Huwag
mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.”


      TAOISMO. Noong 640 BK, naniniwala si Lao Tzu na mahalaga sa buhay ang
pagsunod sa batas ng kalikasan (Tao). Ang pag-asa o (pag-asam) sa kabaligtaran
ng lahat ng bagay at sa pag-ugnay sa lahat ng bagay ang karaniwang paksa ng
naniniwala sa Taoismo na naging relihiyon ng ibang Tsino.


        SHINTOISMO. Itinataguyod ng mga kauna-unahang Hapones ang
Shintoismo bilang relihiyon. Naniniwala sila na sa pagsamba sa mga likas na lakas
ng kapaligiran ay pinagmumulan ng kanilang ikinabubuhay. Itinatangi nila bilang
mga diyos ang hangin, bulkan, lalung-lalo na ang araw. Ayon sa kanilang
kasaysayan, namuno sa kanilang bansa ang diyosa ng araw at ang mga emperador
ng Imperyong Hapon ay pinaniniwalaang anak ng diyosang araw na si Amaterasu.
Kinilala nilang diyos ang emperador kaya hindi nila sinasambit ang tunay na
pangalan bagkus tinatawag siyang Tenno na ito’y nangangahulugang “Kamahalan
at makalangit na puno.” Naniniwala ang mga mananampalataya rito na ang lahat ng
bagay sa Hapon ay pag-aari ng emperador at ipinahihiram lamang upang gamitin ng
mga mamamayan.

     Noong panahon ng Meiji Restoration naging makapangyarihan ang mga
emperador at ang tinitirhan nila ay nasa pinakamataas na lugar sa Hapon.

      Nang lumaon, ang ilang kapangyarihan o mga kautusan ay napasakamay ng
mga taong nakapaligid sa emperador dahil na rin sa lakas pampulitika.



352                                              BSE-Kagawaran ng Edukasyon
Ikalawang Textong Lunsaran

                  ANG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS
       Iba’t ibang relihiyon ang pinaniniwalaan ng mga Asyano kaya nagkakaiba
sila ng paniniwala, tradisyon, seremonya, araw ng pangilin at kilos o galaw ng
pagsamba.

        Isa sa mga Asyanong bansa ang Pilipinas at may pinakamalaking bahagdan
ang mananampalataya sa Kristiyanismo. Naniniwala sila na si Jesukristo ang anak
ng Diyos isinugo sa daigdig upang magdala ng mensahe ng pag-asa at pagliligtas
sa sandaigdigan. Sa mataas na pananampalataya ay nagawa ni Jesukristo na
makakita ang bulag, nakalakad ang lumpo, gumaling ang may sakit at napakain ang
libu-libong tao sa pamamagitan ng dalawang isda at limang tinapay.

        Itinuturo sa Kristiyanismo na ang mga tao’y nagkakaiba man sa katayuan sa
buhay ay magkakapantay-pantay at magkakapatid sa mata ng Diyos. Binibigyang-
diin dito ang buhay pagkamatay ay pagbibigay gantimpala sa mabuti at pagbibigay
parusa sa masama.

       Naniniwala ang mga Kristiyano na si Jesus ay pinako sa krus, namatay at sa
ikatlong araw ng pagkakalibing ay muling nabuhay at umakyat sa langit, kaharian ng
Diyos Ama.

       Bilang paggunita sa sakripisyong ginawa ni Jesus, ang mga
mananampalataya ay nag-aayuno kapag sumasapit ang buwan ng kuwaresma na
malimit na ginaganap sa Abril. Ginagawa ang pag-aayuno kung Mahal na Araw na
ang bawat nagtalagang mag-ayuno ay hindi kumakain ng karne o isang pagkain
paborito sa loob ng isang linggo o mahigit pa. Ang iba nama’y nagpipinitensya
upang mabawasan ang kanilang pagkakasala subalit marami ang hindi sang-ayon
sa ganitong paraan sapagkat naaapektuhan ang kanilang kalusugan.

      Sa mga lansangan at tanghalan ay magtatanghal ng senakulo kapag
kuwaresma upang sariwain ang dinanas na hirap ni Jesus bago siya ipako sa krus
sa kanyang kamatayan.

      Sa mga tahanan ay nagkakaroon ng pabasa na kung saan ang buhay ni
Jesus ay binabasang paawit sa tulong ng pasyon. Kapag sumapit na ang Biyernes
Santo, lahat ng Santo sa isang bayan ay ipinuprusisyon. Nagkakaroon din ng
Salubong sa madaling araw ng “Linggo ng Pagkabuhay” sa patio ng simbahan.

       Sa ibang buwan naman ng taon tulad ng Mayo, Enero, Disyembre at Hunyo
ay ipinagdiriwang ang mga kaarawan ng Santo’t Santa o Piyesta. Sa Lukban,
Quezon naririyan ang Pahiyas sa piyesta ni San Labrador, ginaganap sa buwan ng
Mayo; sa Quiapo, Maynila, ipinagdiriwang ang piyesta ng Nazareno; sa lahat ng


BSE-Kagawaran ng Edukasyon                                                    353
dako ng Pilipinas, ipinagdiriwang ang Pasko kung Disyembre at kapag Enero ay
ang piyesta ng Santo Nino sa Cebu at Tondo.

        Nakikita sa kanya-kanyang simbahan o kapilya ang mga paraan ng kanilang
pagsamba kay Jesus. Naririyan ang mga nakaluhod na nananalangin, umiiyak at
umaaawit habang nagdarasal, at kung minsan ay kung anu-ano ang mga bagay na
itinataas o iwinawagayway bilang pakikipag-usap sa Diyos.

       Sa mga seremonya, tradisyon, kilos at galaw ng mga mananampalataya ay
nakikita ang kanilang pagkakakilanlan.


Ikatlong Textong Lunsaran

             BUKAS NA LIHAM KAY JENNY SA MALAYSIA
     Isang mapagpalang pagbati sa iyo at sana’y patnubayan ka ng Panginoon sa
pananatili mo sa bansang Malaysia.

        Hindi kaila sa iyo na ang opisyal na relihiyon diyan ay Islam at ang mga
mananampalataya nito ay ang mga Muslim na nangangahulugang “isang sinuko ang
sarili sa Diyos.”

        Pinaniniwalaan ng mga Muslim na si Allah ang iisang diyos at isinugo niya si
Mohammed na propeta. Ang mga itinuturo ni Mohammed ay napapaloob sa Koran,
bibliya, ng mga Muslim. Naniniwala sila sa mga sumusunod: Una, ang pagsasabi ng
paniniwalang walang ibang Diyos kundi si Allah at si Mohammed ang kanilang
propeta; Ikalawa, ang pagdarasal ng limang beses sa isang araw na nakaharap sa
Mecca at ito’y ginagawa sa madaling araw, tanghali, gitnang hapon, paglubog ng
araw at sa maagang bahagi ng gabi; Ikatlo, ang pagbibigay ng limos sa mahihirap;
Ikaapat, ang pag-aayuno na tinatawag nilang Ramadan.

       Ang mga nag-Ramadang Muslim ay hindi kumakain, umiinom, at
naninigarilyo mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito sa loob ng isang
buwan; at ang ikalima, ang pagtungo sa Mecca o banal na lungsod ng Islam, minsan
man lang sa kanilang buhay. Ang isang makatupad nito ay tinatawag na hadji na
nangangahulugang manlalakbay.

       Dahil sa ikinalat ni Mohammed na bagong relihiyon at pangangalap nito ng
mga kasapi sa palihim na paraan, ang mga imam ng Arabia ay nagbalak na siya ay
patayin sapagkat ang ikinakalat niyang relihiyon ay salungat sa pinaniniwalaang
mga diyos na pinanggalingan ng lakas at kapangyarihan ng mga imam.




354                                               BSE-Kagawaran ng Edukasyon
       Si Mohammed ay tumakas sakay ng isang kamelyong kasama ang isa niyang
alalay at tinawid nila ang disyerto. Habang sila ay nagtatago sa isang kweba sa
disyerto, nagpakita ang kanyang kasama ng pagkatakot at saka winikang, “Tayo ay
dadalawa laban sa marami.” Sinagot siya ni Mohammed ng, “Hindi tayo dalawa
lamang kundi tatlo, si Allah ay nasa atin.”

      Nakarating sila sa lungsod ng Medina sa kanilang pagtakas nang araw ng
Biyernes 622 BK at ito ang simula ng kalendaryo ng Islam, ang araw nang matapos
ang Hegira o pagtakas ni Muhammed tungo sa Medina, samakatuwid Biyernes din
ang araw ng pagsamba ng mga Muslim.

       Ang mga isinalaysay ko sa iyo ay lubos na makatutulong sa iyong
pakikipamuhay sa kanila riyan. Inaasahan kong babalitaan mo ako sa anumang
pagbabagong nasasaksihan mo sa Islam.

                                            Ang Iyong kaibigan,

                                            Odeng




BSE-Kagawaran ng Edukasyon                                                 355

				
DOCUMENT INFO
Shared By:
Categories:
Tags:
Stats:
views:3254
posted:12/13/2011
language:
pages:17