Mga Iba’t-ibang Akda ng mga Dayuhan.
Ang Katutubong Pilipino.
Sistemang Pulitikal
Batas
Katarungan
Sistemang Pang-ekonomiya
Sistemang Panlipunan
Buhay at Kultura
Relihiyon
Ang pangunahing pinagkukunan ng mga
datos ng sinaunang lipunang Pilipino ay
mula sa mga mangangalakal na Tsino,
misyonaryo at mga kawaning Kastila.
Hindi lamang ang mga akda, pati rin ang
mga iba’t-ibang kagamitan ay ginagamit
sa pag-aaral ng sinaunang lipunang
Pilipino.
Detalyado at mapanuri ang mga naging
akda ng mga dayuhan sa kanilang
pagdating/pagtira sa Pilipinas.
Ngunit may mga bahid ito ng kanilang
mga bias.
Ilan sa mga akdang ginagamit ay ang
mga akda nina:
Chau Ju-Qua
Padre Chirino, Collins, Loarca at Plasencia
Antonio de Morga
Matatalino at bihasa ang mga Pilipino sa iba’t-
ibang gawain tulad ng agrikultura at
pagpapanday.
Ayon kay De Morga, maliksi, mapusok
magsalita at natutukoy ang kanilang gawain.
Matatapang at mabalasik ang mga katutubo
lalo na sa larangan ng digmaan.
Ang sinaunang pamayanan ay nahahati ng
Barangay na may 30-100 pamilya.
Pinamumunuhan ng Datu ang isang barangay.
Kung ang isang barangay ay nasa
pananampalatayng Islam, Rajah ang tawag sa
pinuno.
Ang pagiging datu ay maaaring ipasa sa kanyang
panganay na lalaki.
Maari rin siyang palitan ng iba kung hindi na
gusto ng kanyang nasasakupan ang kanyang
pamumuno o hindi na niya magampanan ang
kanyang tungkulin.
Ang mga katangian dapat taglayin ng isang
datu ay maaring:
Matapang
Magaling sa pakikidigma
Mayaman
Karismatiko
Ang isang datu ay karaniwang gabay lamang
kaysa sa isang tunay na mamumuno bagkus,
madalang ang isang datung koersibo.
Kapag ang isang datu may ma-impluwensya sa iba
pang mga datu, tinatawag siyang Pangulo.
Kapag ang isang datu ay siya ring nagtatag ng
barangay, siya ay tinatawag na Pinuno.
Sa pamumuno ng datu, siya ay may mga
tagapayo. Sila ang mga Agorang. Ang mga
nagsisilbi sa datu ay tinatawag na Sakop.
Ang pangunahing tungkulin ng isang datu ay:
Pangalagaan ang kanyang barangay sa anumang
panganib.
Ayusin ang kapayapaan at kapataganan ng barangay.
Mamuno sa digmaan.
Matugunan ang mga pangangailangan ng kanyang
nasasakupan.
Mamagitan sa mga suliranin, pakikipag-alitan at kasalan.
Ayon sa mga misyonerong Kastila, detalyado
at mabusisi ang mga batas ng mga sinaunang
Pilipino. Tinatawag itong mga Batasan.
Ang mga batas na ito at saligan ng mga
paghahatol, kaayusan, kapayapaan at
katarungan sa isang barangay.
Karaniwan ang mga batas ay patungkol sa mga
mana, hiwalayan, kasal, krimen at mga parusa,
ari-arian, pamilya, pag-aampon at maging sa
pangungutang.
Ang mga batas ay karaniwang sinasa-ayos ng
mga datu at ng kanilang mga tagapayo.
Karaniwang pinapanigan ng mga tagapayo
ang mga palatuntunin ng datu. Ito ay upang
siguruhin ang kapayapaan at kaayusan sa
barangay.
Anumang pagbabago sa mga batas ay
ipinapatalastas ng mga Umalahokan.
Karaniwan ang datu at ang matatanda ng
bayan ang mga huwes sa anumang suliranin sa
barangay. May mga kinatawan rin mula sa
ibang barangay upang magsilbing taga-
pamagitan.
Ayon kay Agoncillo, mabilis ang mga paglilitis
upang maiwasan mahabang proseso ng
katarungan. Ito rin ang ginagawa sa harapan
ng madla.
Ang mga hatol ay lubos na iginagalang ng mga
nanalo at natalo.
Karaniwang sistema sa ekonomiya ay barter o
pagpapalitan ng mga iba’t-ibang mga produkto.
Ang mga sinaunang Pilipino may madalas
makipag-kalakal sa mga mangangalakal na Tsino.
Dumarating ang mga Tsino tuwing Disyembre
hanggang Mayo sa tulong ng Hanging Amihan.
Sila’y bumabalik bandang Hunyo sa tulong ng
Hanging Habagat.
Mayroon ring mga kalakalan sa mga Indyano at
mga Arabong mangangalakal. Mayroon ring
nanggaling ng Indo-Tsina at Siam.
Kadalasang produktong pinagpapalit ng mga
sinaunang Pilipino ay:
Asin
Talukap ng pawikan
Perlas
Ginto
Pagkit (wax)
Habing tela
Alahas
Kinakailangang maging matapat tuwing may
kalakalan upang hindi masira ang tiwala ng
mga mangangalakal at mga katutubong.
Datu
Maharlika
Mandirigma/Bagani
Baybaylan/Katalonan
Timawa
Alipin
Namamahay
Saguiguilid
Ang mga mayayaman at maimpluwensya sa
isang barangay.
Ang kanilang pangunahing tungkulin ay ang
tumulong sa datu sa panahon ng digmaan at
kapayapaan.
Maaaring silang hindi magbayad ng mga
buwis o mga handog sa datu.
Bagani
Pintados – Bisaya
Ang kanilang tungkulin ay ang pagtatanggol at
pakikilahok sa digmaan.
Ang karaniwan nilang mga sandata ay kalis,
balaraw, sibat, kalasag at maging canyon.
Gumagamit rin sila ng mga lason buhat sa mga
damo, talahib at laway ng Tuko. Ayon kay De
Morga, may isang tangkay ng damo na kayang
pumatay ng maraming tao.
Katalonan - Bisaya
Mga katutubong Pilipinang manggagamot,
manghuhula, siyentipiko at karaniwan ring
mga pinuno ng pamayanan.
May kakayahang gumamot ng kaluluwa at
katawan ang mga babaylan bilang isang
tagahilom ng mga mamamayanan kaya
malawak ang kanilang kaalaman sa
pagpapagaling mga sakit.
Taga-pagtago ng karunungan at pilosopo at
nagbibigay ng katatagan sa pamayanan.
Sila rin ang tagapayo ng mga datu at sa
barangay.
Maaaring pumasok sa mundo ng mga
kaluluwa o iba pang katayuan ng diwa at
maglabas-masok ng walang sagabal sa mga
mundong ito.
Maari ring maging babaylan ang mga lalaki.
Ngunit sila’y inaasahang magbibihis at
magkikilos babae (binabae) upang
magampanan ang kanilang tungkulin bilang
babaylan.
Ang mga karaniwang mamamayan ng isang
barangay.
Sila ang may pinakamaraming kasapi sa isang
barangay.
Kanilang pinagsisilbihan ang datu, mga
maharlika, mandirigma at mga babaylan.
Ang pinakamababang antas ng
sinaunang lipunan.
May dalawang uri ng alipin:
Namamahay
Saguiguilid
May sariling tahanan.
Limitado ang kanilang karapatan.
Karaniwan sila’y may pinagkakautangan o
may mga naging atraso dahilan ng kanilang
pagkaka-alipin.
Sila’y naninilbihan kung kinakailangan lamang
tulad ng anihan at taniman.
Mga habambuhay na alipin.
Nakatira sila sa mga tahanan ng kanilang amo
o mga kubong para sa kanila.
Halos wala silang karapatan.
Kailangan nilang gawin ang anumang
pinapagawa sa kanila.
Pakikitungo ng Iba’t-ibang Antas
Pagpapamilya
Kasal
Libing
Mga Gawain
Panlalaki
Pambabae
Kasuotan
Pagkain at Inumin
Balanghay
Bukas at malaya ang pakikitungo hindi kagaya
ng caste system ng mga Hindu.
Bagamat malaya, may mga eksklusibong
pribilehiyo ang bawat antas.
Halimbawa
Ang mga Timawa at Alipin ay halos walang
pakikilahok sa mga usaping pambarangay.
Maaring umangat o bumaba sa kanilang antas
ang mga Pilipino. Ngunit hindi silang
pwedeng lumaktaw bagkus paisa-isa ang angat
ng antas.
Malalaki ang mga pamilya dahil kasama sa
pamilya ang mga kamag-anak ng mag-asawa.
Napakahalaga ng mga kamag-anak dahil
nagbibigay ito ng katatagan at kapanatagan ng
pamayanan.
Gaya ng isang karaniwang pamilya, ang ama,
ina at ang kanilang mga anak ang siyang
bumubuo ng isang pamilya.
Karaniwan iisa lamang ang asawa. May mga
ilang lugar rin ang nag-aasawa ng marami.
Maaring impluwensya ng Islam ang pag-
aasawa ng marami.
Pinapayagan rin minsan ang pag-aasawa ng
mga bata kahit sila’y nasa sinapupunan pa
lamang ng kanilang mga ina.
Bago maganap ang isang kasalan, ang lalaki ay
kinakailangang manilbihan sa pamilya ng
babae. Ito ay upang ipamalas ang kanyang
kakayahang buhayin ang babae.
Hindi kagaya ng ibang kultura, ang lalaki ang
siyang nagbabayad ng Dote (dowry).
Kung maraming anak na lalaki, ang dote ay
ina-ayon sa lagay ng kanilang yaman at sa
antas ng babae. Kadalasan, ang pinaka-
paboritong anak ang siyang may
pinakamalaking doteng ibinibigay.
Sa Visayas, ang biyenan na lalaki ang siyang
binabayaran ng dote ngunit binibigay niya ito
pag nagka-anak na ang kanyang anak at
manugang.
Kung sakaling magka-hiwalayan, pantay at
patas ang paghahati ng mga ari-arian.
Mabusisi ang mga pagbuburol at
pagpapalibing ng mga yumao.
Karaniwan ang mga datu at maharlika ang
siyang may pinaka-maranyang libing.
Karaniwang ang mga yumaong mayayaman ay
pinapahiram ng mga pabango, binabalot ng
kumot and ine-embalsa.
Simple lamang ang libing ng mga mahihirap.
Karaniwan silang nililibing sa ilalim ng
kanilang mga bahay. Habang ang mga may-
kaya ay inililibing sa loob ng kabaong.
Pinapabaunan ang mga yumao ng mga
pagkain, inumin, palayok, alahas, ginto at mga
damit. Mga sandata at gamit sa bukid o
palaisdaan kapag lalaki at habian o mga gamit
pambahay kapag babae.
Ayon kay Plasencia, kapag Bagani ang
namatay, kasamang ililibing ang isang buhay
na alipin. Itatali ang alipin kasama ng Bagani
hanggang siya’y mamatay rin.
Kapag ang isang yumao ay napatay, hindi ito
ililibing hanggang hindi nakakapag-higanti ng
mga naulila. Ngunit kung hindi mahanap ang
pumatay, isang baboy ramo o usa ang sisibatin
hanggang sa mamatay tanda ng paghihiganti.
Pagsasaka
Pangingisda
Pagpapastol
Paglalayag
Pakikipag-kalakalan
Pandirigma (Bagani)
Paghahabi
Pananahi
Paghihimay ng sinulid
Pag-aalaga ng mga alagang hayop
Pagbabayo at pagtatahip ng bigas
Pagluluto
Paglilingkod sa asawa at ama ng tahanan
Kangan at Bahag para sa mga kalalakihan habang
Baro, Saya (Patadyong – Bisaya), at Tapis naman sa
mga kababaihan.
Pagsusuot ng Putong. Ang gamit at ayos ay nasa gusto
ng nagsusuot.
Nagpupuson ng buhok ang mga babae.
Ang pagsusuot ng mga ginto at mga hiyas na alahas.
Karaniwang itong nilalagay sa mga daliri ng kamay at
paa.
Ang mga alahas ay maaaring kwintas, singing,
pulseras, Kalumbiga (armlets) atbp.
Pinangangahalagahan rin ang mga antigong alahas.
Ang pangunahing lutuin ay ang pagsasaing ng
bigas o Kanin.
Isda naman ang pangunahing pinag-kukunan
ng protina.
Ayon kay De Morga, kumakain raw ang mga
katutubo ng binulok na isda. Ayon naman kay
Rizal, ito ang Bagoong.
Sagana ang Pilipinas sa mga tamin na prutas at
gulay.
Kumakain rin ang mga katutubo ng mga gulay
gaya ng kamote, sitsaro (beans), kulitis
(Amaranth).
Sa mga prutas ay mga saging, bayabas, atis at
dalandan.
Ang pangunahing alak ay ang Tuba. Kapag
pinasingawan ang Tuba, nagiging Lambanog
ito.
Ayon kay De Morga, tuyo at matapang ang
mga alak ng mga katutubo. Karaniwan itong
inihahanda sa mga pagdiriwang. Ayon kay
Padre Collins, hindi nanggugulo at magalang
pa rin ang mga katutubo kahit sila’y mga
lasing na.
Ayon kay De Morga, ang paggamit ng mga
balanghay ay nasa gamit ng mga katutubo.
Maliit kung ito’y para lamang sa pansariling
pangangailangan. Malaki kung ito’y pandigma
o mahalagang tao ang nakasakay.
Karaniwan ring ginagamit ang mga balanghay
bilang mga sasakyang pang-komersyo.
Mabusisi ang mga paggawa ng mga
balanghay.
Pagsamba sa mga kaluluwa ng lahat ng bagay
sa paligid (spirit worship).
Sinasamba rin ang araw, buwan, tala, hangin at
ulap.
Si Bathala ang pinakamataas sa lahat ng mga
sinasamba. Ayon kay Jocano, tanging mga
Anito lamang ang maaaring lapitan sa
anumang kahilingan kay Bathala.
Ayon kay Placensia, ang mga Anito ay
ginagayakan at may pista. Ito ang Pandot na
karaniwang ginagawa sa bahay ng mga datu.
Ang pagsamba ay tinatawag na Mag-aanito.
Ang mga Anito ay sinasagisag ng mga lilok na
idolo o Likha. Karaniwan silang nakalagay sa
mga pinaka-importanteng bahagi ng bahay.
Binibihisan at nilalagyan ng mga pabango ang
mga Anito tanda ng paggalang.
Ang mga pag-aalay ay karaniwang
hinahandog para sa:
Paggaling ng karamdaman
Mabuting paglalayag at/o paglalakbay
Magandang ani
Matagumpay na Digmaan
Panganganak
Masayang pag-iisang dibdib