BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO I BANGHAY ARALIN
Document Sample


BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO I
GRAMATIKA AT PAGBASA
UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO
ANG PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN
Paksa : Paglalakbay at Kultura
Pamagat ng Texto : Kaysarap Maging Pilipino
Uri ng Texto : Textong Narativ
Kagamitan : Tula, Teyp ng Awiting “Ako ay Pilipino”
Gamit ng Wika : Paghahambing at Pagkokontrast
Istruktura ng Wika : Mga Ponemang Supradsegmental
Kasanayang Pampag-iisip : Pagpapasya
Halagang Pangkatauhan : Paglalahad ng sariling kaalaman o opinyon nang
may paninindigan sa sarili
MGA INAASAHANG BUNGA (SA BAWAT ARAW)
A. Nalilinang ang komprehensyon at kasanayan sa pagpapaliwanag ng
ideya/kaisipang nais ipahatid ng paksa.
B. Naipahahayag nang buong husay ang mga mahahalagang kaisipan at
opinyong nakapaloob sa texto at ang sariling paniniwala tungkol dito.
C. Natutukoy ang layon ng texto.
D. Nakikilala ang tiyak na uri ng textong binasa.
E. Nakapagbibigay-halaga sa mga ponemang suprasegmental tulad ng tono,
antala, haba at diin.
F. Nakabubuo ng paghuhusga batay sa kabisaan ng pagkakagamit ng mga
ponemang suprasegmental sa pagkakasulat ng texto.
G. Naipamamalas ang kahandaang umunawa ng katulad pang textong
tinalakay.
II. PROSESO NG PAGKATUTO
UNANG ARAW
1. Mga Panimulang Gawain
a. Pagganyak. Pangkatang Gawain. Pagpapakita ng isang
FACSTORMING WEB. Pabubuuin ang bawat pangkat ng mga ideya/
kaisipang posibleng nakapaloob sa FACSTORMING WEB sa tulong ng
mga sumusunod na tanong:
- Anu-anong mga kaalaman na maaari ninyong mabuo mula sa
FACSTORMING WEB?
12
- Bakit ganoong kaisipan ang inyong nabuo?
Pista
Pasyon
Mahal
Ingles na Araw Sa
Tradisyon Pasko Pamamanhikan
Filipino
Sa Kasal
Wika
Kaugalian
Waray Sa
Panganganak
KULTURANG
Ilocano PILIPINO
Pagtanggap
Musika ng Bisita
Sining
Relihiyon
Sayaw
Katoliko
Pagguhit Kasuotan Iglesia
Polo ni Kristo
Panitikan
Protestante
Pantalon Kimona
Saya
a.1 Pagbabahaginan ng mga kasapi ng pangkat
a.2 Pagbabahagi ng lider ng bawat pangkat sa klase ng nabuong
kaisipan
a.3 Pagbibigay ng feedback sa mga nakinig. Naniniwala ka ba o
hindi? Bakit?
b. Paglalahad. Pagbibigay-pansin sa paksa “KAYSARAP MAGING
PILIPINO”. Muli, pagbibigayin ng reaksyon ang bawat pangkat sa
tulong ng mga sumusunod na tanong:
- Ano ang isinasaad ng pamagat?
- Tunay nga bang maipagmamalaki at masasabing KAYSARAP
MAGING PILIPINO kapag pinag-uusapan ang kulturang Pilipino?
- Magbahagi ng sariling karanswan kung paano mo ipinagmalaki ang
sariling kultura
2. Pagbabasa ng textong lunsaran. “KAYSARAP MAGING PILIPINO”
13
KAYSARAP MAGING PILIPINO
ni Gng. Erlinda D. G. Antaran
I
Ang dakilang kasaysayan ng ating Inang-Bayan
Pilit mong iwaglit sa puso’t diwa’y hindi maiaalis
Dangal ito ng ating lahi, mabuhay, mainit
Kaya’t halina’t gunitain ganda niya at taginting.
II
Ang bansang Pilipinas na pinakatatangi
Sa silong ng araw ay nananahimik
Wala ni anumang pangamba sa dibdib
Pagkat ang mamamayani’y bayanihan at pag-ibig.
III
Ngunit isang araw ang bayan ay nagdilim
Iba’t ibang kamay ng dayuhan humampas sa atin
Batas nila at patakaran pili’t nilang ipinaaangkin
Ang karapatang pantao’y hinadlangan at pinigil.
IV
Ang bansang Pilipinas ay kanilang iginupo
Kalayaan ng ating bayan pili’t nilang iginuho
Bibig ay may busal, mata ay may piring
Sinakatan ang damdamin, pinahirapan ang isip at puso.
VI
Noon din ang ating bayan, nagpumiglas at nag-isip
Isinigaw ang katarungang kalayaan ay maibalik
Lahig kayumanggi, buong tapang na lumaban at humarap
Laban sa mga dayuhang mapagkamkam at marahas.
VI
Mga bayani ng lahi isa-isang bumandila
Sina Gat. Jose Rizal, A. Bonifacio, A. Mabini at iba pa
Pagmamahal sa inang bayan kanilang ipinakita
Nagbuwis ng buhay, makamit lamang ang kalayaan
ng bayang sinisinta.
VII
Anupat ang kasarinlan sa wakas ay nakamtan
Dahila na rin sa mga bayani at henyo ng bayan
Kinilala ang lahing kayumanggi sa kagitingan at katapangan
Ngayo’y may hihigit pa ba sa kulay at ganda
ng kahapong kinagisnan.
14
VIII
Ang maging Pilipino ay isang karanagalan
Sa ugat at laman ko’y nananalaytay ang kabayanihan
Hindi umuurong sa anubang labanan
Taas-noo at nangunguna sa bawat larangan.
IX
Ang wika ko’y Filipino sagisag ng kaisahan
Pwersang nagpapakilos sa pagsulong bayan
Filipino rin ang kasangkapan sa tunay na kasarinlan
Tatak ito at simbolo ng ating kalayaan.
X
Ang kulturang minana ko’y katutubong talaga
Natatangi, naiiba, ipinagmamalaki ng balana
Ang mga paniniwala at tradisyon, kaugalian at kultura
Kayamanang maipagmamalaki sa bawat bumibisita.
XI
Sa lahat ng larangan. Pilipino’y kinikilala
Ambag nila sa ating sining, buong mundo ay humanga pa
Ma-teatro, mapa-Sining, sa isport man ay nangunguna
Galing ng Pilipino ay angat lagi sa iba.
XII
Mga dayuhan ay nabighani rin sa mga gawain
at pagdiriwang
Moriones, Ati-Atihan, Santa Cruz de Mayo at
pangkat Kawayan
Maging Pasko at Bagong Taon ay kanilang kinagigiliwan
Hinahanap-hanap ang pagbisita sa ating inang-bayan.
XIII
O! Kaysarap maging Pilipino, kaysarap talaga!
Ikinararangal ko ang aking lahi kahit saan mapunta
Taas noong ibabandila ang kalinangang nakilala
Pagka’t ito’y sariling atin, simbolo ng demokrasya.
XIV
O! Kaysarap maging Pilipino, kaysarap talaga!
May kulturang marangal na ipinagmamalaki tuwina
Isa para salahat at lahat para sa isa
Ang dakilang layuning Pilipino na angat salba.
3. Pagbubuod sa textong binasa. Pagbubuod sa tulong CONCEPT
MAPPING.
15
MAGIGITING NA
KAUGALIANG PILIPINO/
HENYO NG LAHI
WIKANG FILIPINONG
KAYSARAP MAY MGA IPINAGMAMALAKI
MAGING KULTURANG
PILIPINO IPAGMAMALAKI ATI-ATIHAN/MORIONES/
STA. CRUZ DE MAYO/
PASKO, BAGONG TAON
SINING/AWIT/
TEATRONG PILIPINO
IKALAWANG ARAW
Pagtatalakay sa Aralin
1. Panimulang Gawain
a. Pakikinig sa teyp ng awiting “AKO AY PILIPINO”
- Ano ang mensahe o nais ipahiwatig ng awit?
2. Pagpapabasang muli sa lunsaran. “KAYSARAP MAGING PILIPINO”.
Pagpapabigkas nang may nagkop na damdamin sa isang piling mag-
aaral habang nakikinig ang klase.
3. Pagpapakahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi
naunawaan batay na rin sa pagkakagamit nito sa texto.
1. bibig ay may busal
2. mata ay may piring
3. nananalaytay ang kabayanihan
4. iba’t ibang kamay ng dayuhan humampas sa atin
4. Pagpapalalim ng kaalaman. Papangkatin ang mga mag-aaral sa walo
(8). Magkakaroon ng bahaginan batay sa mga sumusunod.
Pangkat 1 at 2: Pagpili ng mga mahahalagang
Kaisipan sa texto
16
Pagbubuo ng pansariling
Pangkat 3 at 4: Paniniwala sa texto
Pagpili ng mga opinyon
Pangkat 5 at 6:
sa texto
Pangkat 7 at 8: Pagbubuo ng mga
sariling opinyon
5. Pagbabahagi sa klase ng kinalabasan ng pangkatang talakayan
6. Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral
7. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan. “Anong pangkalahatang
kaisipang ang maaari nating mabuo sa naganap na talakayan
Dapat nating ipagmalaki ang lahing Pilipino a lahat ng oras at
panaho. Ikarangal natin, ipagmalaki at patuloy na pahalagahan ang
sariling atin… ang KULTURANG PILIPINO.
IKATLONG ARAW
1. Panimulang Gawain
a. Ano ang inyong pananaw sa salitang “Tradisyon”. (Pagpapakita
ng guro ng mga larawan hinggil sa tradisyon)
2. Pagpapabasa sa isang kaugnay na texto. Mula rito ay magbibigay ng
input ang guro tungkol sa layon ng texto.
TRADISYONG PILIPINO
ni Gng. Erlinda G. Antaran
I
Ang tradisyong Pilipino kung pag-uusapan
Ang pagpapahalagang pantao’y buhay na larawan
Isinapuspong palagi ang kagandaang-asal
Pagkalahi ng bayan, lubos na ginagalang.
17
II
Tradisyong Pilipino noon at magpasahanggang ngayon
Ipinaglaban ng mga bayaning manatili sa bawat panahon
Mula sa katutubo, Kastila, Amerikano at Hapon
Tradisyon natin ay nagningning at kinikilala sa lahat ng panahon.
III
Kaya nga’t tradisyong Pilipino ay maipagmamalaki
Tulay ito sa pagbabago at simbolong natatangi
Kaugalian at kilos, tunay na kawiliwili
Hagdan ito sa tagumpay at kapayapaang minimithi.
Isa-isahin ang mga nais sabihin ng texto sa mga mambabasa.
3. Pagbibigay ng faynal input ng guro tungkol sa layon ng texto at uri
nito.
Ang layon ng texto ay tumutukoy sa mga kaisipang nais sabihin
ng may-akda sa mga mambabasa. Ang mga kaisipang ito ay may
tiyakang kaugnayan sa sarili, sa isang tiyak na personalidad at sa
kalahatan.
Narativ ang texto kung ito ay nagpapakita ng mga kaalaman
tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos at galaw sa mga tiyak na
panahon. Nagsasalaysay din ito ng mga magkakaugnay na kaisipan.
4. Papangkatin muli sa apat ang klase. Ipasusuri ang textong lunsaran.
“KAYSARAP MAGING PILIPINO” ayon sa layon at uri ng texto.
Gabay na Tanong:
Ibigay ang mga nais sabihin ng texto sa mga mambabasa.
Patunayan sa tulong ng mga tiyak na bahagi.
- Bakit tinawag na textong narativ ang tula? Magbigay ng
patunay.
5. Pagbabahaginan ng ginawang pagsusuri.
6. Pagbubuo ng sintesis.
18
Ang layon ng texto ay tumutukoy sa kaisipang nais sabihin
ng may-akda sa mambabasa.
Narativ ang texto kung ito ay nagpapakita ng mga
informasyong tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos at galaw sa
mga tiyak na panahon.
TEXTONG
TEXTONG
NARATIIV
NARAT V
LAYON
LAYON
NG TEXTO
NG TEXTO
IKAAPAT NA ARAW
1. Panimulang Gawain
a. Pagdadayalogo ng dalawang mag-aaral. Pag-uusap hinggil sa isang
darating na okasyon. Pagbibigay-pansin sa kanilang pagsasalita (tono,
haba, diin, at antala).
2. Pagbibigay ng guro ng kailangang input upang makilala ang mga
hiram ponemang surpasegmental tulad ng tono, antala, haba at diin.
Tono - ang taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng
isang salita upag higit na maging mabisa ang ating
pakikipag-usap.
19
Haba - tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol sa
nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita.
Diin - tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Antala - saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa
kausap.
3. Muling Pagpapabasa sa textong lunsaran. KAYSARAP MAGING
PILIPINO.
4. Pagsusuri sa texto batay sa mga ginamit na ponemang
suprasegmental tulad ng tono, antala, haba at diin.
Pangkat 1: Mga salitang/bahaging nagpapakita ng tono
Halimbawa: 3
2
ga * ang nagsasalita ay nagtatanong o
1 la
ta nagdududa
1 * ang nagsasalita ay papatotoo o
ta 2 ga 3 nagpapatunay
la
Pangkat 2: Mga salitang nag papahiwatig ng antala
Halimbawa: Sinaktan angdamdamin/pinahirapan/ang puso at
isip.
Pangkat 3: Mga ponemang suprasegmental na ginamit sa paniniwala
Halimbawa: Anupa’t ang kasarinlan sa wakas ay nakamtan.
Dahilan na rin sa mga bayani at henyo ng bayan.
*Ang tono o pagtaas-baba ng bigkas sa taludtod na ito auy nanganga-
hulugan ng isand matinding paniniwala at pagpapahalaga.
5. Pagbabahagi sa klase ng ginawang pagsusuri.
6. Pagpapalalim sa paksa batay sa mga sumusunod na tanong.
1. Makabuluhan ba ang pagkakagamit ng mga halimbawang ponemang
suprasegmental sa texto?
20
2. Mahalaga ba ang kaalaman sa paggamit ng mga ponemang
suprasegmental sa pagbubuo ng isang textong narativ? Patunayan.
7. Pagbubuo ng sintesis batay sa paksang pinag-usapan.
EFEKTIVONG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
TONO HABA AT DIIN ANTALA
- Sa efektivong komunikasyon, mahalaga ang pagkakaroon
ng kaalamang panggramatika patungkol sa mga ponemang
suprasegmental. Sa tulong ng nabanggit na kaalaman,
magiging malinaw rin ang mensahe, damdamin o kaisipang
nais ipahatid sa kausap.
IV. EVALWASYON
IKALIMANG ARAW
1. Panimulang Gawain
a. Ano ang pagkakaalam mo sa “Ati-Atihan”?
2. Pagpapabasa ng isa pang halimbawang textong narativ. Paksa: “ATI-
ATIHAN SA AKLAN”.
ATI-ATIHAN SA AKLAN
Ati-Atihan… isang pagdiriwang na hindi mapapantayan ng
anumang bansa at ito’y sa Pilipinas lamang ginagawa taun-taon.
Subalit, ano nga ba ang Ati-Atihan? Saan at paano naganap ang
unang Ati-Atihan?
Sa isang lugar sa Panay, ikalabintatlong daan taon na ngayon ay
ipinagpalit ni Haring Marikudo ng mga Ati ang kanilang lupain sa mga
Malay ng gintong salakot, batya at isang kondisyon na ang Malay ay hindi
na pupunta sa kabundukan na kanilang tinitirhan. Subalit nilabag ito ng
mga Malay kaya’t dito nagsimula ang alitan ng dalawang lahi.
Tumagal ang labanan hanggang pagpasyahan ng mga pinunong
mag-usap para sa kapayapaan ng bawat lahi. Pumayag din naman si
Haring Marikudo at ang kanyang Amang si Polpulan subalit pumunta
silang may kasamang mga mandirigma pagkat hindi raw sila nakasisiguro
sa kanilang kaligtasan.
21
Sa Kalibo, ginawang lahat ng mga Malay ang lahat ng maaaring
ikasiya ng mga Ati upang ipakita ang kanilang layunin. Sinimulan ang
peace talk at pinakinggan ng parehong panig. Napagkasunduan nilang
ang mga Ati ay maaari nang mangisda sa karagatan ng mga Malay.
Natapos ang usapan at ito’y sinundan ng napakasayang
pagdiriwang. Nag-inuman sila ng tuba at sumayaw ang mga Ati upang
ipakita ang kanilang kasiyahan. Umawit naman ang mga Malay na
sinaliwan ng malalakas na tunog na ugong na nagsasaaf ng kanilang
dakilang layunin sa mga Ati.
Nagsiuwian sa bundok ang mga Ati na may kasiyahan habang ang
mga Malay ay kumakaway pa sa knila. Ang kanilang paghihiwalay ay
simula ng kanilang pagsasamahan.
Hanggang sa ito’y maging kaugalian taun-taon, sa kabila ng
pagbabago ng panahon. At ito ay isa na rin sa mga tourists attraction.
Minsan pang napatunayan na ang naghahangad ng kabutihan ay
nagdudulot ng kaayusan at kapayapaan.
3. Pagsusuri ng binasang texto batay sa mga tiyak na katangian.
b. Anu-ano ang mahahalagang kaisipan sa texto?
c. Anu-ano ang mga opinyong matatagpuan sa texto?
d. Ano ang pangunahing punto na nais sabihin ng texto sa mga
mambabasa?
4. Pagsusuri sa binasang texto batay sa mga halimbawang ponemang
suprasegmental na maaaring magamit sa texto.
Halimbawa: ____________ Ati: Massaya?
____________ Malay: Masaya.
____________ Malay : Hindi, maaring pumunta sa kabundukan.
____________ Ati : Hindi maaaring pumunta sa kabundukan.
5. Pagpapasulat ng isang alamat.
Gabay : 1. Sumulat ng isang textong narativ.
2. Pagtuunan ang layon ng texto.
3. Isaalang-alang ang mga ponemang suprasegmental
6. Pagpapahalaga sa ilang isinulat ng mga mag-aaral.
7. Pagbibigay ng guro ng faynal input sa araling tinalakay “Ponemang
Suprasegmental sa isang textong narativ.”
22
Get documents about "