Embed
Email

Local Educational Agency Identified for PI (Tagalog) - Parent

Document Sample
Local Educational Agency Identified for PI (Tagalog) - Parent
Sample letter for Program Improvement districts, for use by local educational agencies.

T07-009 Tagalog; Arial font

Page 1 of 3 California Department of Education 8/28/2007

[LOCAL EDUCATIONAL AGENCY LETTERHEAD]



[Date]

Mahal Naming mga Magulang/Tagapangalaga ng mga Estudyante sa [Name of LEAl]:



LOKAL NA AHENSIYANG PANG-EDUKASYON NA TINUKOY PARA SA

PAGPAPAHUSAY NG PROGRAMA



Ang Batas ng 2001 na Walang Batang Maiiwan (No Child Left Behind, NCLB) ay nag-

aatas sa lahat ng estado na lumikha ng kanilang mga sariling matataas na pamantayan sa

pag-aaral para sa dapat malaman at makakayang gawin ng isang bata para sa lahat ng

grado sa sining ng wikang Ingles at matematika. Ang bawat paaralan ay dapat humusay

bawat taon hanggang ang lahat ng estudyante ay makatugon sa mga pamantayang ito.

Itong taunang paghusay sa pagganap ng paaralan, na kabilang ang mga pamantayan sa

pag-aaral at ibang mga bahagi, ay tinatawag na Sapat na Taunang Progreso [Adequate

Yearly Progress (AYP)].



Ang NCLB ay nag-aatas rin sa Kagawaran ng Edukasyon ng California na taunang

repasuhin ang pagganap ng bawat lokal na ahensiyang pang-edukasyon (Local

Educational Agency, LEA) na tumatanggap ng mga pondo sa ilalim ng NCLB, Titulo I,

Bahagi A. Ang isang LEA ay maaaring isang distrito ng paaralan o isang tanggapan ng

edukasyon ng county. Ang isang LEA na tumatanggap ng Titulo I, Bahagi A, na mga

pondo ay tinutukoy bilang isang Pagpapahusay ng Programa na LEA kung ito ay hindi

nakakatugon sa mga hangarin ng AYP para sa dalawang magkasunod na taon sa loob ng

mga partikular na lugar, na pangunahing nakatuon sa nakamit sa pag-aaral ng sining ng

wikang Ingles at matematika.



Ang NCLB ay nag-aatas sa Kagawaran ng Edukasyon ng California na ipagbigay-alam sa

mga magulang/tagapangalaga ng mga estudyante tungkol sa pagganap ng LEA.Ang

[Name of LEA] ay tinukoy bilang Pagpapahusay ng Programa na LEA. Makakakita kayo

ng partikular na datos na ginagamit upang gawin ang desisyong ito sa [District Web site

for LEA AYP reports]. Kung wala kayong magamit na Internet, mangyaring makipag-

ugnayan kay [Name of contact person for LEA] sa tanggapan ng distrito sa [phone

number of contact person], at isang kopya ng ulat ang ibibigay.



Bilang Pagpapahusay ng Programa na LEA, ang ating [insert type of LEA: district or

county office of education] ay dapat:



 Baguhin ang ating Plano ng LEA. Dapat tayong kumunsulta sa mga

magulang at mga tauhan ng paaralan kapag binabago ang Planong ito, na

nagpapaliwanag kung paano natin gagamitin ang Titulo I at ibang mga

pondo upang pahusayin ang nakakamit ng estudyante.

 Magreserba ng hindi kukulangin sa sampung porsiyento ng ating taunang

Titulo I na paglalaan upang magkaloob ng propesyonal na pagpapaunlad

ng mga guro at tagapangasiwa.

Sample letter for Program Improvement districts, for use by local educational agencies.

T07-009 Tagalog; Arial font

Page 2 of 3 California Department of Education 8/28/2007

 Patuloy na magkaloob ng tulong sa mga paaralan na tinukoy para sa

Pagpapahusay ng Programa.



Paano makakatulong ang mga magulang na pahusayin ang kanilang paaralan at

lokal na ahensiyang pang-edukasyon?



Narito ang ilang mungkahi na makakatulong sa inyo na magtrabahong kasama ng inyong

paaralan at LEA upang suportahan ang mga pagpapahusay:



 Kumuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga bagong iniaatas ng

NCLB at alamin ang mga istratehiya upang pahusayin ang nakakamit sa

akademiko ng estudyante. Ang karagdagang impormasyon at tagatulong

ay makukuha sa mga sumusunod na lugar sa Web:

o Ang California Department of Education,

http://www.cde.ca.gov/sp/sw/t1/titleparta.asp at

http://www.cde.ca.gov/sp/sw/t1/titleIpf.asp

o Ang U.S. Department of Education, http://www.ed.gov at

http://www.ed.gov/parents/landing.jhtml?src=fp

 Makipag-usap sa mga tauhan ng LEA tungkol sa Plano ng LEA at mga

pagbabago sa programa na dapat gawin upang tulungan ang mga

estudyante na makatugon sa mga pamantayan ng estado sa pagbasa at

matematika.

 Bisitahin ang paaralan ng inyong anak. Maaari rin kayong lumahok sa

mga boluntaryong aktibidad upang tulungan ang inyong paaralan.

 Kung kayo ay magulang ng isang estudyante na dumadalo sa isang

Titulo I na Pagpapahusay ng Programa na paaralan, itanong ang tungkol

sa mga mapipiling paaralan upang ilipat ang inyong anak, na may bayad

na transportasyon, sa isang pampublikong paaralan sa inyong LEA na

hindi tinukoy bilang isang Pagpapahusay ng Programa na paaralan.

 Kung kayo ay magulang ng isang estudyante na dumadalo sa isang Titulo

I na paaralan na dalawang taon o higit na nasa Pagpapahusay ng

Programa, itanong ang tungkol sa mga karagdagang serbisyong pang-

edukasyon na maaaring makuha para sa inyong anak. Ang mga

karagdagang serbisyong pang-edukasyon ay mga serbisyong pagtuturo

na ipinagkakaloob sa labas ng regular na araw ng pagpasok sa paaralan

para sa mga karapat-dapat na estudyante.

Hinihikayat ko po kayong makipag-ugnayan kay [Name and contact information of LEA]

para sa iba pang impormasyon tungkol sa alinman sa mga iniaatas na ito at alamin kung

paano kayo makalalahok sa mga pagsisikap para sa Pagpapahusay ng Programa.



Lubos na sumasainyo,



[Name of Superintendent]

[Name of LEA]

Sample letter for Program Improvement districts, for use by local educational agencies.

T07-009 Tagalog; Arial font

Page 3 of 3 California Department of Education 8/28/2007

[NOTE TO LOCAL EDUCATIONAL AGENCIES (LEAS): As a form of

assistance to LEAs, the California Department of Education (CDE) offers

this translation free of charge. Because there can be variations in

translation, the CDE recommends that LEAs confer with local translators to

determine any need for additions or modifications, including the addition of

local contact information or local data, or modifications in language to suit

the needs of specific language groups in the local community. If you have

comments or questions regarding the translation, please e-mail the

Clearinghouse for Multilingual Documents (CMD) at cmd@cde.ca.gov.]


Related docs
Other docs by DustinHarris
Lemon tart
Views: 32  |  Downloads: 1
W 158 (29)
Views: 16  |  Downloads: 0
Datganiadau o Bolisi Rhaglenni'r BBC 20082009
Views: 4  |  Downloads: 0
İSTANBUL-3 NOLU SEÇİM ÇEVRESİ
Views: 313  |  Downloads: 0
BBC CYMRU WALES
Views: 27  |  Downloads: 0
Byw ein Gwerthoedd Cyhoeddus
Views: 39  |  Downloads: 0
Guide to Conflict of Interest
Views: 27  |  Downloads: 1
By registering with docstoc.com you agree to our
privacy policy

You are almost ready to download!

You are almost ready to download!