Safety Regulations for Science Students and Student Science Safety Contract
T07-046 Tagalog; Arial font
Page 1 of 6
APPENDIX F]
[SAMPLE]
MGA ALITUNTUNING PANGKALIGTASAN PARA SA MGA ESTUDYANTE
SA AGHAM
Habang nasa laboratoryo, mayroon kayong mga mahalagang pananagutan na kaiba
sa mga ibang klase. Gagamit kayo ng mga kasangkapan o mga instrumento na kung
hindi kayo maingat, mapipinsala o masasaktan ang inyong sarili o ibang mga tao.
Maiiwasan ninyo ang lahat ng mga panganib kung kayo ay alerto, maingat at nasa
tamang pokus. Nararapat na kayo'y sumunod sa mga alituntunin na nakasaad para
makakilos nang mabuti:
1. Ipagpaalam agad sa guro ang ano mang disgrasya o sakunang bumabadya. Hindi
mahalaga kung gaano kaliit ang sugat. Kasali na rito ang sunog, gasgas, hiwa, at
anumang nakasisirang kemikal sa balat o damit.
2. Ihanda at basahin muna ang mga utos at alituntunin bago kayo pumasok sa
klase. Sundin ang lahat ng utos nang wasto at nang may karunungan. Pansinin at
alalahanin kung may pagbabago sa mga utos ayon sa inyong mga guro..
3. Ipagpaalam sa mga guro ng maayos ang anumang proyekto o eksperimento
bago gawin.
4. Gamitin lang ang mga kagamitan at instrumento na pinayagan ng guro.
5 Ipagpaalam agad sa guro kung hindi gumagana nang tama ang mga instrumento.
6. Punasan ang natapong mga kemikal ng hindi matapakan o madikit sa balat
ninuman.
7. Isuot ang nararapat na pangprotekta sa mata, sa pag-uutos ng guro, habang nasa
laboratoryo. Dapat na magsuot ng safety goggles tuwing may mga aktibidad na
mapanganib na may kinalaman sa nakasisirang kemikal, pagpapa-init at iba pang mga
aktibidad na maaaring makapinsala sa mata.
8. Kung nakasuot ng -contact lens, mapanganib ang pagsaboy ng likidong kemikal o
usok ng nakasisirangng kemikal. Dahil dito,mas makabubuting isuot ng mga
estudyante ang mga karaniwang salamin tuwing may klase o bumili ng sariling splash-
proof goggles at isuot ito kung mahaharap sa mga kemikal o sa usok ng kemikal.
9. Kailangang isuot ang guwantes kung mayroon kayong mga sugat o hiwa sa kamay.
Mas mabuting ipaalam sa titser upang maipagpaumanhin ang hindi na muna
pasgsaki sa kung ano mang aktibidades sa laboratoryo.
Safety Regulations for Science Students and Student Science Safety Contract
T07-046 Tagalog; Arial font
Page 2 of 6
10. Bawal magdala ng mga mainit na instrumento o nakasisirang kemikal lalo na kung
maraming estudyante sa paligid.
11. Maingat na basahin muna at tingnan ng mabuti ang babala kung papaano
gamitin ang anumang instrumento o kasangkapan. Siguraduhing gamitin nang maayos
ang mga ito.
12. Alamin kung mapanganib ang kemikal na ginagamit ninyo. Alamin kung saan ang
talaan ng material safety data sheet at kung ano ang nakasaad para sa bawat isang
peligrosong kemikal na ginagamit.
13. Bawal tikman o hawakan ang kemikal sa kamay kung hindi pinayagan ng guro.
14.Tingan ang babala tungkol sa partikular na kemikal na gagamitin.Maari dinng
amuyin ng maingat ang naturang kemikal sa kondisyong medyo malayo ito ng
kaunti sa ilong.
5. Bawal kumain at uminom habang nasa laboratoryo. Bawal din ang paggamit ng
alinmang intrumento upang kumain at uminom.
16. Kung kailangan ninyong kunin ang sukat o ilipat ang mga kemikal mula sa isang
tubo (test tube) sa ibang tubo, huwag gamitin ang inyong bibig sa “pipette”. Maari
ninyong gamitin ang mekanikal na “pipette filler”.
17.Kapag pinapainit ninyo ang laman ng “test tube”, ingatang wag maipasok ang
kahit anong daliri sa loob at wag ding ilapit ang bunganga ng “test tube” sa mga
tao.
18. Huwag ibuhos at ibalik ang mga kemikal na tinatawag “reagents” sa bote. Ang
paghalo ng mga kemikal na ito ay mapanganib. Huwag ilagay ang mga pamasak
(stoppers) ng tubo sa mesa.
19. Upang pahinain ang epekto ng mga kemikal, ibuhos ang asido sa tubig, hindi ang
tubig sa asido.
Marahang paghaluin ang mga kemikal upang pantay pantay lamang ang init ng
mga ito.
20. Ilayo ang mga kamay mula sa inyong mukha, mata, at damit habang ginagamit ninyo
ang mga kemikal, instrumento, o kagamitan sa laboratoryo. Hugasan ang mga kamay
nang lubos pagkatapos ng klase sa laboratoryo.
21. Kung nasugatan o nasunugan kayo sanhi ng asido o “alkali”, itapas ang sugat sa
“running water”. Kung ang inyong mata ang napinsala, nararapat na ipaalam
agad ito sa guro upang mabigyan ng kaukulang atensyon. Maari rin na buhasan
ang mata ng 15 minutos sa pwedto ng hugasan ng mata.
22. Alamin kung saan ang paliguan, puwesto para maghugas ng mata at mukha, kumot
na pamatay- apoy, pamatay-sunog ( fire extinguisher), at instrumento na nagpapabigay-
alam na may apoy (fire alarm), at mga labasan.(fire exit)
Safety Regulations for Science Students and Student Science Safety Contract
T07-046 Tagalog; Arial font
Page 3 of 6
23. Alamin kung ano ang dapat ninyong gawin kapag my apoy o lindol.
24. Irolyo ang mahabang manggas sa taas ng pulso, Huwag isuot ang mga mahaba at
nakalawit na kuwintas, malaki at mabigat na alahas, at marami at mabigat na kasuotan
sa loob ng laboratoryo.
25. Itali ang mahabang buhok habang nasa loob ng laboratoryo.
26. Magsuot ng sapatos na tinatakpan ang mga daliri ng paa, sa halip na sandalyas, sa
laboratoryo.
27.Panatilihing malinis ang puwesto sa laboratoryo.Linisin at isaayos ng husto ang
mga kagamitano instrumento pagkatapos gamitin. Tsekin ng mabuti kung
mayroong nakakalat sa sahig o daraanan.
28. Sindihan ang gas burner ayon sa utos ng guro. Siguraduhing walang mabilis mag-
apoy na materyales ( gaya ng alcohol o acetone) na malapit sa gas burner.
29. Maingat na gamitin ang ang burner. Ilayo ang inyong ulo at damit mula sa apoy at
patayin ang burner matapos itong gamitin.
30. Gumamit ng kumot na pamatay-apoy ( huminto, ibagsak, irolyo) upang patayin ang
anumang apoy sa nasusunog na tao.
31. Itapon ang basura ayon sa tamang alituntunin. Gumamit ng magkahiwalay na
itinakdang lalagyan ( hindi ang basurahan) para sa mga sumusunod:
• Posporo, isang papel na kapag inilubog sa kemikal, kung namula ibig sabihin ang
kemikal ay asido at kung naging asul, ang kemikal ay basiko. (litmus paper), maliit na
patpat ng kahoy (wooden splints), palito (toothpicks)
• Nabasag at salamin na hindi na maaring gamitin.
• Basahan, tuwalya, o ibang bagay na panlinis na maaring sipsipin ang mga kemikal na
puwedeng magliyab.
• Mapanganib at nakakalason na likido at solido
32. Ilagay ang mga libro, pitaka at mga katulad na gamit sa itinakdang lugar ng lagayan.
Dalhin lang ang mga bagay na gagamitin ninyo sa laboratoryo.
33. Bawal pumasok sa mga kuwarto kung saan nilagay ng mga estudyante and kanilang
gamit. Bawal din pumasok sa mga kuwarto ng mga guro kung walang pahintulot.
34. Para sa pagpuputol ng tubong salamin na ang kaluwagan o maliliit, gamitin ang
kikil o tubong pang-putol para makagawa nang malalim na lamat. Balutan ang tubo ng
papel bago baliin ang salamin ng mga hinlalaki (thumbs). Sunugin at kinisin ang mga
dulo ng salamin
35. Kung nais durugin ang salamin, palamigin muna ito. Pareho ang itsura ng
salamin kapag mainit o malamig. Upang malaman kung mainit ang salamin, ilapit ang
ibabaw ng inyong kamay sa salamin.
Safety Regulations for Science Students and Student Science Safety Contract
T07-046 Tagalog; Arial font
Page 4 of 6
36. Pagparisin ang butas ng tubo at tubo bago ipasok ang tapon sa tubo. Kung
kailangan paluwagin muna ang butas sa paggamit nang nararapat na tapong panukat na
insturmento. Padulasin ang tapon at salamin na tubo ng tubig o “glycerin”, para
madaling maipasok at gamitin ang tuwalya para protektahan ang mga kamay. Maingat
na paikutin (Huwag itutulak) ang salamin na tubo sa tapon.
37. Alisin ang mga pira-pirasong salamin sa paligid at sahig kaagad. Huwag gamitin ang
inyong kamay para pulutin ang mga piraso; gamitin ang walis at pangdakot.
38. Kung nagkabasag-basag ang salamin ng mga instrumento gaya ng thermometer
(para sukatin ang temperature), ipagbigay alam agad ito sa guro.
39. Kung gagamitin ang mga elektrikal na makina, tiyakin na tuyo ang paligid at inyong
mga kamay.
40. Kapag hinihila ang plag ng kuryente, hilahin ang plag, hindi ang kurdon o tali.
41. Tratuhin nang maayos ang mga hayop sa laboratoryo nang may respeto at tamang
pag-aalaga.
42 Panatilihin ang pagiging seryoso at hwag kalimutan ang respeto sa ibang tao
habang nasa loon ng laboratoryo.
43. Panatilihing malinis ang ang loob at labas ng laboratoryo bago umalis.
44. Dapat na maghugas ang estudyante at guro ng kanilang mga kamay bago umalis sa
laboratoryo. Paunawa: Mawawala ang inyong karapatan upang gamitin ang
laboratoryo at posibleng matanggal sa klase sa paulit-ulit o sadyang hindi
pagsunod sa regulasyon. Pakitingnan ang “Kontrata sa Kaligtasan ng mga
Estudyante sa Agham” sa susunod na pahina.
Safety Regulations for Science Students and Student Science Safety Contract
T07-046 Tagalog; Arial font
Page 5 of 6
Kontrata sa Kaligtasan ng mga Estuyante sa Agham
[Eskwelahan:] ______________________________ [Guro:] ___________________ [Petsa:] ____________
[Pangalan ng estudyante:] __________________________________________________________________
Nakatanggap ang estudyante ng ispisipikong pagtuturo tungkol sa paggagamit, pakinabang, at lokasyon ng
mga sumusunod:
Mga aprons at mga guwantes ❑
Mga kagamitang panglinisin sa tumapong kemikal) ❑
Mga kasangkapang pangprotekta sa mata (goggles, face shield, safety shield) ❑
Eyewash fountain, drench spray, and drench shower ❑
Pamatay-sunog (Fire extinguisher) ❑
Kumot na pamatay-apoy (Fire blanket) ❑
First-aid kit ❑
❑
Pinanggagalingan ng init (kalan, hot plate, microwave) at paggamit dito)
Material safety data sheets (MSDSs) ❑
Mga tapunang lalagyan ng salamin, kemikal, posporo, papel, kahoy ❑
Susundin ng estudyante ang ““Mga Alituntuning Pangkaligtasan para sa mga Estudyante sa Agham”upang
iwasan ang mga aksidente at pinsala sa kanilang sarili at ibang tao at:
• Susundin ang lahat ng mga iniutos ng guro.
• Maging masunuring estudyante anumang oras sa laboratoryo.
Isulat ang mga sakit kagaya ng mga “allergy” at mga bagay na maaring maging sanhi ng sakuna.
((halimbawa: sa halaman, hayop, pollen, pagkain, kemikal, kagat ng bubuyog ) na may masamang epekto
sa kaligtasan ng sa laboratoryo o sa field trips:
Markahan kung nakasuot ng contact lens ang ang estudyante: ❑
Safety Regulations for Science Students and Student Science Safety Contract
T07-046 Tagalog; Arial font
Page 6 of 6
Ang Pahayag ng Estudyante
Natanggap at nabasa ko ang “Mga Alituntuning Pangkaligtasan para sa mga Estudyante sa Agham”at
susundin ang mga ito sa lahat ng oras habang nasa laboratoryo. Natanggap ko ang ispisipikong pagtuturo sa
kaligtasan na nakasaad sa itaas.
Lagda ng estudyante Petsa
Ang Pahayag ng Magulang / Tagapag-alaga
Nabasa ko ang “Mga Alituntuning Pangkaligtasan para sa mga Estudyante sa Agham””at ibinibigay ko
ang aking pagpayag para sa estudyante na lumagda sa naunang pahayag na makasali sa mga aktibidad sa
laboratoryo na gumagamit ng iba’t-ibang kagamitan at materyales sa agham, kabilang ang mga nabanggit.
Ipinapangako ko ang aking pakikiisa sa kanyang pagsunod sa mga alituntuning pangkaligtasang isinaad.
Lagda ng magulang/ tagapag-alaga Petsa
Return the completed and signed form to [DISTRICT ADDS CONTACT NAME AND INFORMATION]
by [DISTRICT ADDS THE DATE BY WHICH THE SIGNED FORM IS TO BE RETURNED.]
[NOTE TO LOCAL EDUCATIONAL AGENCIES (LEAS): As a form of
assistance to LEAs, the California Department of Education (CDE) offers
this translation free of charge. Because there can be variations in
translation, the CDE recommends that LEAs confer with local translators to
determine any need for additions or modifications, including the addition of
local contact information or local data, or modifications in language to suit
the needs of specific language groups in the local community. If you have
comments or questions regarding the translation, please e-mail the
Clearinghouse for Multilingual Documents (CMD) at cmd@cde.ca.gov.]