Sample Uniform Complaint Procedure Form: High School Version
T07-102 (004) Tagalog; Arial Font
Page 1 of 2
Halimbawang Anyo ng Hakbang sa Reklamo
Para sa Reklamong Education Code Section 35186
Ang Education Code (EC) Section 35186 ay lumikha ng hakbang sa paghain ng mga reklamong kaugnay sa mga
kakulangan ng mga materyal sa pagtuturo, kondisyon ng mga pasilidad na hindi napapanatiling malinis o ligtas o
nasa maayos at maaari pang ikumpuni, at bakanteng guro o maling pagtatalaga ng guro. Ang reklamo at
kasagutan ay mga pampublikong dokumento na itinalaga ng batas. Maaring hindi magpakilala kapag naghain ng
reklamo. Ganunpaman, kung nais na masagot ang inyong reklamo, kailangang ilagay ang mga impormasyon sa
tanong sa ibaba.
Nais ba ninyo ng kasagutan: Oo Hindi
Pangalan (Maaaring ilagay o hindi): Tirahan (Maaaring ilagay o hindi):
Telepono sa araw (Maaaring ilagay o hindi): Sa gabi (Maaaring ilagay o hindi):
Paksa ng reklamo (Maaari lamang pong markahan ng tsek ang lahat ng naaangkop):
1. Mga Aklat-pampaaralan at mga Kagamitan sa Pagtuturo
Ang estudyante, pati ang nag-aaral ng Ingles, ay walang mga maayos na libro o gamit sa paaralan o
mga aklat-pampaaralang nanggagaling sa estado o distrito o iba pang kinakailangang kagamitan sa
pag-aaral na ginagamit sa klase.
Ang estudyante ay walang anumang paraan upang magamit ang mga aklat-pampaaralan o mga
kagamitan sa pag-aaral sa bahay nito o kapag natatapos ang klase.
Ang mga aklat-pampaaralan o mga kagamitan sa pagtuturo ay luma na o hindi na magamit, may mga
kulang na pahina, o hindi mabasa dahil sa mga punit nito.
Ang estudyante ay binigyan ng mga kopya ng bahagi lamang ng aklat-pampaaralan o mga kagamitan
sa pag-aaral upang matugunan ang kakulangan ng mga libro o kagamitan sa pagtuturo.
2. Kondisyon ng Pasilidad
Ang kondisyon ay nagbabadya ng masidhing babala sa kalusugan o kaligtasan ng mga estudyante o
mga tauhan ng eskuwelahan, kasama ang: gaas na tumatagas o tumutulo, hindi gumaganang
pampainit, bentilasyon, pampatay ng sunog o mga gamit pampalamig, pagkamatay ng kuryente,
paghinto ng pangunahing linya ng tubig, pagkalat ng mga peste, mga insekto at pulgas, mga basag na
bintana, sirang pintuan o tarangkahang hindi maikandado na nagbabadya ng panganib sa kaligtasan,
mapanganib na hindi nadiskubreng mga materyal na nagbabadya ng pinsala sa mga esudyante o
mga guro at iba pang tauhan ng eskuwelahan, pinsalang pang-istrakturang magdudulot ng mga
hadlang o daan upang hindi na maaaring mamalagi sa lugar o eskuwelahan, at iba pang mahigpit at
pangmadaliang kondisyong sa tingin ng distrito ng eskuwelahan ay nararapat.
Ang banyo ay hindi malinis o hindi palagiang nalilinis, hindi gumagana o walang nakatabing
tisyu,sabon, tuwalyang papel o maayos na pampatuyo ng kamay.
Hindi pinanatiling bukas ang lahat ng mga palikuran ng eskuwelahan sa oras ng klase kapag ang mga
estudyante ay hindi nagkaklase, at walang sapat na palikurang bukas sa oras ng klase kapag ang mga
estudyante ay nasa klase.
3. Walang Guro o Maling Pagtatalaga ng Guro
Walang guro- nagsimula ang semestre na walang guro. (Ang bakante o walang guro ay ang posisyon na kung
saan ang isang inatasang empleyado ay hindi naitalaga sa umpisa ng taon para sa buong taon, o kung ang
posisyon ay para sa isang semestreng kurso lamang; posisyong kung saan ang isang inatasang empleyado ay
hindi naitalaga sa umpisa ng semestre para sa buong semestre.)
Maling pagtatalaga ng guro – ang gurong naitalaga sa isang klase upang magturo sa mga estudyanteng
nag-aaral ng Ingles ay hindi kuwalipikado o kulang sa kalidad para magturo ng klaseng may mahigit sa 20
porsiyento ang nag-aaral ng Ingles.
Maling pagtatalaga ng guro- ang guro ay iniatas na magturo sa klase na kung saan siya ay kulang sa
kaalaman na magturo ng naturang asignatura.
Sample Uniform Complaint Procedure Form: High School Version
T07-102 (004) Tagalog; Arial Font
Page 2 of 2
4. Eksamen ng Pagtatapos ng High School (Para sa mga distrito ng paaralan na tumatanggap ng
pondo Para sa Masusing Pagtuturo)
Ang mga estudyanteng hindi nakapasa sa pagsusulit ng pagtatapos sa High School sa katapusan ng
ikalabindalawang grado ay hindi nabigyan ng pagkakataong tumanggap ng masusing pagtuturo at
serbisyo alinsunod sa Education Code 37254 (d) (4) at (5) pagkaraang makumpleto ang ika-12
grado. .
Petsa ng Problema:
Lokasyon ng Problema (Pangalan ng Paaralan, lugar at numero ng kuwarto):
Kurso o Grado at Pangalan ng Guro:
Maari po lamang na detalyadong ilarawan ang basehan ng inyong reklamo. Maaari po kayong magdagdag ng ilan
pang pahina kung kinakailangan upang mailarawang mabuti ang sitwasyon.
Maari pong ihain ang inyong reklamo sa lugar na ito:
(Punong-guro o taong hinirang na tagapamahala ng distrito at lugar)
October 2007
[NOTE TO LOCAL EDUCATIONAL AGENCIES (LEAS): As a form of assistance to LEAs,
the California Department of Education (CDE) offers this translation free of charge.
Because there can be variations in translation, the CDE recommends that LEAs confer
with local translators to determine any need for additions or modifications, including the
addition of local contact information or local data, or modifications in language to suit
the needs of specific language groups in the local community. If you have comments or
questions regarding the translation, please e-mail the Clearinghouse for Multilingual
Documents (CMD) at cmd@cde.ca.gov.]