Embed
Email

PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO

Document Sample
PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO
Shared by: HC111203204718
Categories
Tags
Stats
views:
505
posted:
12/3/2011
language:
pages:
24
PANITIKAN SA

PANAHON NG

AMERIKANO

KALIGIRANG

KASAYSAYAN

== Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi

laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit

sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating

bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng

pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen.

Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng

Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y

naging panandalian lamang sapagkat biglang

lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng

digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi

ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903.

Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay

nagsimula noong pang 1900.

MGA KATANGIAN NG

PANITIKAN SA



1. Hangaring makamit ang kalayaan

2. Marubdob na pagmamahal sa bayan

3. Pagtutol sa kolonyalismo at

imperialismo

DIWANG NANAIG SA

PANAHON NG



1. Nasyonalismo

2. Kalayaan sa pagpapahayag

3. Paglawak ng karanasan

4. Paghanap at paggamit ng bagong

pamamaraan

MGA IMPLUWENSYA SA

PANANAKOP NG MGA

AMERIKANO

1. Pagpapatayo ng mga paaralan

2. Binago ang sistema ng edukasyon

3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan

4. Ipinagamit ang wikang Ingles

5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa

pamamalakad ng pamahalaan

6. Kalayaan sa pagpapahayag na may

hangganan

MGA PAHAYAGAN SA

PANAHON NG AMERIKANO

1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig

ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete

noong 1900

2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag

ni Sergio Osmena noong 1900

3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang)

itinatag ni Rafael Palma noong 1900

4. Manila Daily Bulletin-1900

3 PANGKAT NG MGA

MANUNULAT



1.Maka-Kastila

2.Maka-Ingles

3.Maka-Tagalog

MGA DULANG IPINATIGIL



1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS –

sinulat ni Aurelio Tolentino

2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad

3. MALAYA –ni Tomas Remegio

4. WALANG SUGAT – ni Severino Reyes

PANITIKAN SA KASTILA

1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang

papuri kay Jose Rizal ; OBRA-MAESTRA- A Rizal

2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan

sa Kastila; OBRA-MAESTRA-Crisalidas (Mga Higad)

3. JESUS BALMORI – “Batikuling”; OBRA-MAESTRA- El

Recuerdo y el Olvido; nahirang siyang “poeta

laureado” sa wikang Kastila

4. MANUEL BERNABE- makatang liriko

5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS

COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan)

6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik

W at K sa abakadang Pilipino

IBA PANG MANUNULAT

SA WIKANG KASTILA

•ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa

Pilipinas na magaling sa Kastila; Obra-maestra- EL NIDO

•ISIDRO MARPORI –obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO

( Halimuyak ng Pangarap)

•MACARIO ADRIATICO –obra-maestra-alamat”LA PUNTA

DE SALTO ( Ang Pook na Pamulaan )

•EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON

PANYONG; kilala bilang mahusay na mananalambuhay

•PEDRO AUNARIO –sumulat ng DECALOGO DEL

PROTOCIONISMO

PANITIKAN SA TAGALOG

= Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas

at “URBANA AT FELIZA”ni Modesto de Castro ang

naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa

Tagalog

= Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga

makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod:

= MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed

Regalado;Carlos Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose

Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias A.

Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez;

Nemecio Carabana; Mar Antonio

MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos;

Jose Corazon de Jesus; Florentino

Collantes; Patricio Mariano; Carlos

Gatmaitan; Amado V. Hernandez





MAKATA NG DULAAN : Aurelio

Tolentino; Patricio Mariano, Severino

Reyes; Tomas Remegio

•LOPE K. SANTOS – Ama ng Balarilang Tagalog;

OBRA-MAESTRA-Banaag at Sikat

•JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRA-

MAESTRA-Isang Punungkahoy

•FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRA-

MAESTRA- Lumang Simbahan

•AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga

Manggagawa; MGA OBRA-MAESTRA- Isang Dipang

Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya;

Bayang Malaya; Ang Panday

•VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at

Kintin Kulirat; OBRA-MAESTRA- Nena at Neneng

•INIGO ED REGALADO – Odalager; OBRA-MAESTRA-

Damdamin

ANG DULANG TAGALOG

•SEVERINO REYES – Lola Basyang; Ama ng Dulang

Tagalog; OBRA-MAESTRA- W alang Sugat

•AURELIO TOLENTINO – ipinagmamalaking

mandudula ng Kapampangan; OBRA-MAESTRA-

Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon at Bukas

•HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang

“COMPANA ILAGAN” na nagtanghal ng maraming

dula sa kalagitnaang Luzon

•PATRICIO MARIANO- sumulat ng “NINAY” at “ANAK

NG DAGAT” na siya niyang OBRA-MAESTRA

•JULIAN CRUZ-BALMACEDA- “Bunganga ng Pating”

ang siya niyang OBRA-MAESTRA

PANITIKANG FILIPINO SA

INGLES

•JOSE GARCIA VILLA – “Doveglion”; pinakatanyag

na Pilipinong manunulat sa Ingles

•JORGE BACOBO – sinulat-”Filipino Contact with

America”; A Vision of Beauty

•ZOILO GALANG – sumulat ng kauna-unahang

nobelang Pilipino sa wikang Ingles na

pinamagatang “A Child of Sorrow”

•ZULUETA DE COSTA-nagkamit ng unang

gantimpala sa tulang “Like the Molave”

•NVM GONZALES- may-akda ng “My Islands” at

“Children of the Ash Covered Loom”. Ang huli ay

isinalin sa iba’t ibang wika sa India

*ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng

“April Morning”; nakilala sa pagsulat ng mga

tulang liriko noong panahon ng Komomwelt

•ESTRELLA ALFON – ipinalalagay na

pinakapangunahing manunulat na babae sa

Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang

“MAGNIFICENCE” at “GRAY CONFETTI”

•ARTURO ROTOR – may-akda ng “THE

WOUND AND THE SCAR”-kauna-unahang

aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild

IBA PANG PANITIKAN

*PEDRO BUKANEG- Ama ng Panitikang Iloko;

Bukanegan-kasingkahulugan ng Balagtasan

*CLARO CALUYA- Prinsipe ng mga Makatang Iloko;

kilala sa pagiging makata at nobelista

*LEON PICHAY – kinilala bilang “pinakamabuting

BUKANEGERO”

*JUAN CRISOSTOMO SOTO- Ama ng Panitikang

Kapampangan; Crisostan-kasingkahulugan ng

Balagtasan

*ERIBERTO GUMBAN-Ama ng panitikang Bisaya

PANITIKAN SA

PANAHON NG HAPON

KALIGIRANG

KASAYSAYAN

Ang Panitikang Filipino sa wikang Ingles sa pagitan

ng taong 1941-1945 ay nabalam sa kanyang tuluy-tuloy

na sanang pag-unlad nang muli tayong sakupin ng isa na

namang dayuhan mapaniil-ang mga Hapones. Natigil ang

panitikan sa Ingles. Maliban sa Tribune at Philippine

Review, ang lahat halos ng pahayagan sa Ingles ay

pinatigil ng mga Hapones.

Naging maganda naman ang bunga nito sa Panitikang

Tagalog. Patuloy na umunlad ito sapagkat ang mga

dating sumusulat sa Ingles

ay bumaling sa pagsulat sa Tagalog. Si Juan Laya

na dating manunulat sa wikang Ingles ay nabaling

sa Tagalog, dahil sa mahigpit na pagbabawal ng

pamahalaang Hapon tungkol sa pagsulat ng

anumang akda sa Ingles.

Ang lingguhang LIWAYWAY ay inilagay ng mga

Hapones sa mahigpit na pagmamatyag hanggang sa

ipabahala ito sa isang Hapong nagngangalang

ISHIKAWA.

Ang naging paksain ng mga panitikan sa

panahon ng Hapon ay pawang nauukol sa BUHAY

LALAWIGAN.

MGA MANUNULAT



** SANGAY NG DULA:

-JOSE MA. HERNANDEZ- Panday Pira

-FRANCISCO RODRIGO- Sa Pula, Sa Puti

-CLODUALDO DEL MUNDO –bULAGA

-JULIAN CRIZ BALMACEDA- Sino Ba Kayo?;

Dahil sa Anak ; Higanti ng Patay

SANGAY NG MAIKLING KWENTO

*Naging maunlad ang larangan ng maikling kwento

noong panahon ng Hapon.



-Narciso Reyes – Lupang Tinubuan

-Liwayway Arceo- Uhaw ang Tigang na

Lupa

-NVM Gonzales- Lunsod, Nayon at

Dagat-Dagatan

SANGAY NG TULA



-Ang karaniwang paksa ng mga tula

noong panahon ng Hapon ay tungkol

sa BAYAN o sa PAGKAMAKABAYAN;

PAG-IBIG; KALIKASAN; BUHAY-

LALAWIGAN o NAYON;

PANANAMPALATAYA at SINING

MGA URI NG TULA

-HAIKU – isang tulang may malayang taludturan na

kinagiliwan ng mga Hapones. Binubuo ng 17 pantig

na nahahati sa tatlong taludtod. Unang taludtod-5;

ikalawang taludtod-7 pantig; ikatlong taludtod-5

Hal: TUTUBI – Gonzalo K. Flores

-TANAGA – tulad ng haiku, ito’y maikli ngunit may

sukat at tugma. Ang bawat taludtod nito ay may

pitong (7) pantig

Hal : PALAY – Ildefonso Santos

-KARANIWANG ANYO- ang mga katangian nito ay

nagtataglay ng sukat at tugma, indayog, aliw-iw

Hal. PAG-IBIG – Teodoro Gener


Related docs
Other docs by HC111203204718
Course Brochure 2004 2005
Views: 0  |  Downloads: 0
Loomade populatsioonid�naamika
Views: 0  |  Downloads: 0
form eva personal
Views: 0  |  Downloads: 0
Hoja1
Views: 68  |  Downloads: 0
Conference CD Notes
Views: 0  |  Downloads: 0
MedicinaSa�de
Views: 4  |  Downloads: 0
Dini Dimakos
Views: 1  |  Downloads: 0
3
Views: 0  |  Downloads: 0
51014340
Views: 0  |  Downloads: 0
By registering with docstoc.com you agree to our
privacy policy

You are almost ready to download!

You are almost ready to download!