2008 STAR Program Guide (Tagalog) - Standardized Testing and

Document Sample
scope of work template
							Parent/Guardian Guide to the 2008 STAR Program; Questions and Answers About the STAR Program
T08-206 Tagalog, Arial font
Page 1 of 4




                                   STAR
      2008 Pinagpantay-pantay na Programang Pagsusulit at Pag-uulat
           (Standardized Testing and Reporting, STAR Program)


   Patnubay ng Magulang/Taga-
 bantay sa 2008 Programang STAR
Ang mga pagsusulit sa Pinagpantay-pantay na Programang Pagsusulit at Pag-uulat (Standardized
Testing and Reporting, STAR Program) ay isang mahalagang bahagi ng sistemang pagsusuri ng
estado. Ang mga pagsusulit na ito ay ibinibigay sa bawat tagsibol upang sukatin kung gaano
kahusay nakakamit ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan ng California ang mga
nilalamang pamantayan ng California. Itong mga pagsusulit ng kabatiran ay nakatutok sa sining ng
wikang-Ingles at matematika sa ikalawa hanggang ika-labing-isang baitang. Dagdag pa rito, ang
mga pagsusulit sa agham at kasaysayan-panlipunang agham ay ibinibigay sa mga piling baitang.

Ang pagtuturo sa mga estudyante ay isang pagsisikap ng koponan. Ang mga magulang, mga taga-
bantay, mga estudyante, mga paaralan, at mga komunidad ay nakikinabang kapag may
magkakabahaging responsibilidad para sa karunungan. Upang lubos na makasali bilang bahagi ng
koponan, ang mga magulang at mga taga-bantay ay dapat may ganap na pang-unawa sa papel na
ginagampanan ng mga pagsusulit ng Programang STAR sa paniniguro na makamtan ng lahat ng
mga estudyante ang mga nilalamang pamantayan ng California.

Ang mga sagot sa mga karaniwang katanungan tungkol sa 2008 Programang STAR ay inilaan sa
ibaba. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga partikular na pagsusulit sa Programang
STAR ay makukuha sa paketeng ito.

Mga Tanong at Mga Sagot Tungkol sa Programang STAR
Sino ang sumasali sa Programang STAR?
Lahat ng mga estudyanteng nasa ikalawa hanggang ika-labing-isang baitang sa mga
pampublikong paaralan ng California ay sumasali sa Programang STAR sa bawat tagsibol. Ito ay
naglalakip sa mga estudyanteng may mga kapansanan at mga mag-aaral ng Ingles.

Anu-ano ang mga pagsusulit sa 2008 Programang STAR?
     Ang Mga Pamantayang Pagsusulit ng California (California Standards Tests, CSTs) ay
     sumusukat sa kabatiran ng mga nilalamang pamantayan ng California sa sining ng wikang-
Parent/Guardian Guide to the 2008 STAR Program; Questions and Answers About the STAR Program
T08-206 Tagalog, Arial font
Page 2 of 4

      Ingles, matematika, agham, at kasaysayan-panlipunang agham. Ang mga pagsusulit na ito
      ay ibinibigay sa ikalawa hanggang ika-labing-isang baitang.

      Ang Mga Pagsusulit ng Kabatiran ng California, Ika-anim na Edisyon (California
      Achievement Tests, Sixth Edition, CAT/6 Surbey) ay sumusukat sa kabatiran ng
      pangkalahatang akademikong kaalaman sa mga mahahalagang paksa. Itong mga pagsusulit
      na naayon-sa-pamantayan ay ibinibigay sa ikatlo at ika-pitong mga baitang lamang at
      naglalaan ng mga pambansang paghahambing para sa mga baitang na ito.

      Ang Kapalit na Pagsusuri ng Kabatiran ng California (California Alternate
      Performance Assessment, CAPA) ay sumusukat sa kabatiran ng mga nilalamang
      pamantayan ng California sa sining ng wikang-Ingles, matematika at agham. Ang
      alternatibong pagsusuring ito ay ibinibigay sa mga estudyanteng nasa ikalawa hanggang
      ika-labing-isang baitang, na may mga mahahalagang kapansanan hinggil sa utak at hindi
      nakakakuha ng mga CST kahit na may mga pagsasaayos o mga pagbabago.

      Ang Ibinagay na Pagsusuri ng California (California Modified Assessment, CMA) ay
      sumusukat sa kabatiran ng mga nilalamang pamantayan ng California sa sining ng wikang-
      Ingles, matematika, at agham. Sa 2008, ang pagsusuring ito ay ibinigay sa mga
      estudyanteng may kapansanan sa ikatlo hanggang ika-limang baitang, na nakatugon sa
      pagiging karapat-dapat sa CMA ayon sa inaprobahan ng Lupon ng Edukasyon ng Estado.

      Ang Mga Pagsusulit na ibinatay-sa-mga-Pamantayan sa Espanyol (Standards-based
      Tests in Spanish, STS) ay sumusukat sa kabatiran ng mga nilalamang pamantayan ng
      California sa sining ng wika-pagbabasa at matematika sa Espanyol. Sa 2008, ang mga
      pagsusuring ito ay ibinigay sa mga nagsasalita ng Espanyol na mag-aaral ng Ingles sa
      ikalawa hanggang ika-pitong baitang.

      Ang Aprenda, La prueba de logros en español, Tercera edición (Aprenda 3) ay
      sumusukat sa kabatiran ng pangkalahatang akademikong kaalaman sa Espanyol. Sa 2008,
      itong pagsusulit na naayon-sa-pamantayan ay ibinigay sa mga nagsasalita ng Espanyol na
      mag-aaral ng Ingles sa ika-walo hanggang ika-labing-isang baitang.

Dapat bang sumali ang lahat ng mga estudyante sa Programang STAR na pagsusulit?
Oo. Lahat ng mga estudyante ay dapat sumali maliban kung ang kanilang mga magulang o mga
taga-bantay ay nagkaloob ng nakasulat na hiling sa paaralan upang ipuwera sila mula sa
Programang STAR na pagsusulit (Kodigo ng Edukasyon Seksiyon 60615). Napakahalaga na lahat
ng mga estudyante ay sumali sa Programang STAR. Ang bawat distrito ng paaralan at paaralan ay
dapat magkaroon ng di-menos sa 95 porsiyento ng mga estudyante nito na sumali sa mga pang-
estadong pagsusuri upang tugunan ang pederal na mga kailangang pananagutan.
Parent/Guardian Guide to the 2008 STAR Program; Questions and Answers About the STAR Program
T08-206 Tagalog, Arial font
Page 3 of 4

Kailan ko matatanggap ang STAR Ulat ng Estudyante ng aking estudyante?
Karamihan sa mga magulang at mga taga-bantay ay tatanggap ng STAR ulat ng estudyante sa
katapusan ng Setyembre 2008.

Anong impormasyon ang ilalakip ng ulat ng aking estudyante?
Ang STAR Ulat ng Estudyante ng iyong estudyante ay maglalaan ng mga resulta para sa mga
CST, CAT/6 Surbey, CAPA, CMA, o STS, depende sa pagsusulit na kinuha. Ang ulat ng CST o ng
CAPA ay magpapakita ng mga iskor at mga antas ng kakayahan para sa bawat paksang sinulit.
Ang mga antas ng kakayahang sanay o mataas ay nangangahulugan na ang iyong estudyante ay
tumutugon o lumalampas sa puntirya ng estado para sa akademikong kabatiran. Ang mga antas
ng kakahayang pundamenta, mas mababa sa pundamenta, o lubhang mababa sa pundamenta ay
nagpapakita ng mga larangan ng kaalaman na nangangailangan ng pagpapabuti. Ang ulat ng
CMA o ng STS ay magpapakita ng porsiyento sa tamang iskor para sa bawat paksang sinulit.

Dagdag pa rito, Ang STAR Ulat ng Estudyante para sa mga CST ay maglalakip ng mga iskor para
sa partikular na mga nilalamang larangan sa loob na bawat paksang sinulit at isang Numero ng
Listahan ng Pagbabasa ng California (California Reading List, CRL Number). Isang paliwanag
tungkol sa lahat ng impormasyong nakalakip sa ulat ng iyong estudyante ang isasama sa ulat.

Tala: Ang mga magulang at mga taga-bantay ay pinapaalalahanan na ang mga resulta ng kanilang
mga estudyante ay lihim at inaalagaan ng distrito ng paaralan lamang.

Ano ang Numero ng Listahan ng Pagbabasa ng California?
Ang Numero ng Listahan ng Pagbabasa ng California (California Reading List, CRL) ay isang
indeks batay sa iskor ng bawat estudyante sa CST sa sining ng wikang-Ingles. Ang mga
magulang, mga taga-bantay, mga estudyante, at mga guro ay maaaring gamitin ang CRL para
makapasok sa isang listahan ng mga aklat na nasa antas ng pagbabasa ng estudyante. Ang
listahan ay makikita sa Web page ng STAR sa http://www.cde.ca.gov/ta/tg/sr/readinglist.asp.
Maaaring makatulong ito sa mga magulang at mga taga-bantay kapag namimili ng mga aklat para
basahin ng kanilang mga estudyante sa bahay.

Paano iuulat ang mga resulta ng STS o Aprenda 3 sa mga magulang at mga taga-bantay?
Ang mga ulat ng estudyante para sa STS o Aprenda 3 ay dapat maipamahagi sa mga magulang o
mga taga-bantay sa loob ng 20 araw ng trabaho, pagkatapos matanggap ang mga ito ng distrito ng
paaralan. Ang mga ulat ng estudyante sa STS at Aprenda 3 ay dapat dumating sa mga distrito ng
paaralan sa katapusan ng Setyembre. Ang mga ulat ng estudyante para sa dalawang pagsusulit
na ito ay ilalaan sa Espanyol.

Paano ginagamit ang mga resulta ng 2008 Programang STAR upang mapabuti ang
edukasyon ng aking estudyante?
     Ang mga resulta ng Programang STAR ay naglalaan ng impormasyon tungkol sa pag-unlad
Parent/Guardian Guide to the 2008 STAR Program; Questions and Answers About the STAR Program
T08-206 Tagalog, Arial font
Page 4 of 4

      ng bawat estudyante na ginagamit upang tulungan ang mga magulang o mga taga-bantay
      at mga guro na magtulungang mapabuti ang kaalaman ng estudyante.

      Ang mga paaralan ay gumagamit sa mga resulta ng Programang STAR upang
      matulungang gumawa ng mga pagpapasiya tungkol sa kung paano pinakamabuting
      magtaguyod sa kabatiran ng estudyante.

      Ang mga resulta ng Programang STAR ay maaari ring gamitin, kasama ng ibang mga
      datos, upang matulungang magsuri ng mga estudyante para sa pagtataas o pagpapanatili
      at para sa espesyal na pamamagitan o mga programang pagpapabuti. Ang mga resulta ng
      pagsusulit, gayunman, ay hindi dapat gamitin bilang nag-iisang pinagmulan ng
      impormasyon para gumawa ng mga mahahalagang pagpapasiya tungkol sa edukasyon ng
      estudyante.

Paano higit na maunawaan…
Kung ikaw ay may mga karagdagang katanungan tungkol sa mga nilalamang pamantayan ng
California o sa Programang STAR, mangyari lamang itanong ang mga ito sa guro, taga-payo, o
opisina ng paaralan ng iyong estudyante. Maaari ka ring makakita ng mga sagot sa iyong mga
katanungan      tungkol   sa     Programang    STAR    sa    Web    page   ng   STAR      sa
http://www.cde.ca.gov/ta/tg/sr/resources.asp. Ang mga nilalamang pamantayan ng California ay
maaaring      repasuhin    sa     Web    page    ng  mga     Nilalamang   Pamantayan      sa
http://www.cde.ca.gov/be/st/ss/.




[NOTE TO LOCAL EDUCATIONAL AGENCIES (LEAS): As a form of assistance to LEAs,
the California Department of Education (CDE) offers this translation free of charge.
Because there can be variations in translation, the CDE recommends that LEAs confer
with local translators to determine any need for additions or modifications, including
the addition of local contact information or local data, or modifications in language to
suit the needs of specific language groups in the local community. If you have
comments or questions regarding the translation, please e-mail the Clearinghouse for
Multilingual Documents (CMD) at cmd@cde.ca.gov.]

						
Related docs