Embed
Email

suring

Document Sample
suring
Shared by: romeo tamayo
Categories
Tags
Stats
views:
4887
posted:
8/30/2009
language:
pages:
8
SURING BASA

IPINASA NI: Jimboy vergara IV – sapphire IPINASA KAY: Mrs. Creus



SURING BASA

IPINASA NI: Reymark sarte IV – sapphire IPINASA KAY: Mrs. Creus



Susi ng Tagumpay

Pamagat I. May-akda: Flor S. Gorrospe Uri ng Panitikan: Pabula Layunin ng akda: magbigay-aral tulad ng wala sa lakas at tikas ng katawan nagagawa ang lahat ng bagay. Tema/Paksa ng akda: Pagbubukas ng mahiwagang baul Mga tauhan: 1. Haring Dragon 2. Tutubing Kalabaw 3. Berdugong Tutubi 4. Tutubing Damo 5. Tutubing Karayom 6. Ministro ng Hari 7. Prinsesa 8. Tagpuan/ Panahon: Noong unang panahon sa isang kaharian



II.



III.



IV. V.



VI.



VII. Nilalaman/ Buod: Noong unang panahon ay isang kaharian na naninirahan ay pawing mg tutubi. Ang namumuno sa kanila ay si Haring Dragon. Isang araw, naglalakad ang hari sa loob ng kaharian ng mapatapat sya sa isang malaking salamin na pawing nangangamba na lilisanin na nya ang kaharian na walang maiiwang alaala sa kanya na sasakupan. Papupuntahin ng hari ang kanyang mga nasasakupan sa kaharian upang maipagsapalaran sa pagbubukas ng mahiwagang baul. Binigay alam ito ng ministro ng hari sa mga tutubing kanilang nasasakupan. Nagsimula nang maglakbay ang mga tutubi patungong palasyo.



Isa-isang pinapasok ang mga tutubing makikipagsapalaran sa pagbubukas ng mahiwagang baul. Ang unang lumapit ay si tutubing kalabaw sya ay malaka at matatag ang katawan. Hinwakan nya ang baul at pilit na buksan ito pero nabigo sya. Sumunod ay si berdugong tutubi aniya sa pamamagitan ng kulay ng kanyang katawan, tatag at tigas ng kanyang ulo ay mabubuksan niya ang baul pero nabigo sya. Sumunod ay si Tutubing Damo. Sa pamamagitan dawn g kanyang tinis ng boses ay naniniwala syang mabubuksan nya ang baul. Umawit sya ng ibat-ibang awitin ngunit hindi rin nya nabuksan. Sa hiya y tumakbo sya palayo sa hari at sa paktakbo nya ay natabi nya ang isang tutubing payat at maliit. Sya ay makikipagsapalaran din s pagbukas ng baul, ngunit parang humina ang kanyang loob dahil nung natabig sya ay napunit ang kanyang kasuotan. Pero pinalakas ng Hari ang kanyang kalooban. Kaya humarap syas abaul at may nakita sya na buta. Doon ay pinasok nya ang kanyang munting buntot at bumukas ang mahiwagang baul. Nang pagkabukas ay may isang magandang prinsesa ang lumabas. Pinahiling ang tutubi ng isang kahilingan at ito ay bigyan sya ng karayom sa pantahi sa kanyang nap unit na kasuotan. At mula noon ay tinawag na sya Tutubing Karayom. VIII. Istilo ng Pagkakasulat ng may-akda: Ginamitan ng may-akda ang pabulang ito ng malalalim na tagalog tulad ng pawing, aniya, sapalaran, at umawit.



Ang Buhay Sa Looban

PAGKILALA SA MAY AKDA: Pedro S. Dandan tunay isang mahusay na akda at siya rin ay naniniwala na ang labingtatlong numero ay malas. KAKAYAHAN NG MAY-AKDA: Magaling at matalinong akda URIN NG PANITIKAN: Pagsasalaysay LAYUNIN NG MAY AKDA: Maipabatid sa mambabasa na ang bawat pamahiin ay dapat ding paniwalaan TAGPUAN / PANAHON: Ang looban ay may bahagyang ganda ng isang maliit na nayon sa lalawigan at sagana sa kapangitan ng isang “patay na pook sa longsod. TEMA O PAKSA: Ang buhay sa looban ay masyadong masaya ngunit kung ikaw ay mawawalay dito ay isang bangungot. NILALAMAN / BALANGKAS: Sa isang looban may isang bata na nalulungkot sa kanyang pag-alis Mga kaisipan / Ideayang taglay ng may Akda: Maganda ang kanyang pagkakagawa ng kwento at kuha sa isang tunay na buhay.



MGA TAUHAN: Popoy Mang Pito Aling Teda Pentong Inkung Fruto Polito Lupo Gofyo Apo ISTILO NG PAGKAKASULAT: Maayos ang pagkakagawa o pagkakasulat ng kwento ng may akda at nasa pagkakasunod-sunod ang pagkakasulat sa kwento BUOD: Ang looban ay may bahagyang ganda ng isang maliit na nayon sa lalalwigan. At sagana sa kapangitan ng isang “patay na pook” sa lungsod ang simoy nito ay naging bahagi na ng baga ni Popoy pati na rin ng kanyang balat at ito’y kinasabikan na rin ng kanyang katawan. Namihasa nang dungisan ng alabok nito ang kanyang damit at mukha at ang buong paligid ay napaukit na sa kanyang diwa at tila hindi na maaring pahiran ng panahon. Ang bungad ng looban ay humangga sa gilid ng isang maluwang na daan. Doon ay may gawing timog. Ay luma na yari sa kahoy at pawid at may patahian. Sa silong ang nasa dako ng hilaga. Nyang silungan na kabayo ni Mang Pilo at ang bubong na yero niyo’y kinakalawang na. salikuran ay ang kubo ni Apo na naliligid ng mga punong saging. KONKLUSYON: Ang buhay ay patuloy sa kanyang pagpintig. Pag-inog at ang bawat pintig nito’y tungo sa pagbabago pagbabagong di mapipigilan na nag-iiwan ng lungkot at pag-asa na sa darating.



KAPATID Genoveva Edroza Matute

I Pagkilala sa may-akda: Si Genoveva Edroza Matute ay isang batikang kuwentista, manunulat, manunuri ng dalubhasang edukador. Dating dekana ng Pagtuturo ng Philippine Normal College na ngayon ay Philippine Normal University. Isa siyang Palanca awardee. Ang kanyang maikling kathang Kuwento ni Mabuti ay nagkamit ng unang gantimpala sa kaunaunahang paligsahang pampanitikan ng Palanca Memorial Awards noong 1951. Noong 1961 nakamit din niya ito mula sa kanyang kuwentong Parusa. Ipinagkaloob sa kanya ng Lungsod ng Quezon ang karangalang Dangal ng Lahi. Nakamit din niya ang parangal na Patnubay ng Kalinangan mula sa Lungsod ng Maynila. Nahirang siyang Outstanding Alumna ng Dalubhasaang Normal ng Plilipinas. Ipinagkaloob din sa kanya ng Ateneo de Manila University ang karangalang Tanglaw ng Lahi. II Uri ng Panitikan: Ito ay isang babasahing pupukaw sa isipan ng nakararaming tao sa kadahilanang ang pangyayaring tulad.nito ay di-inaasahan mangyayari sa buhay natin. Gusto niyang ipahiwatig na dapat tanggapin ang isang tao na nais maging tunay na iyong kapamilya bagaman ito ay anak lamang sa labas. III Layunin na May-akda: Layunin ng may-akda nitong hikayatin ang mga mambabasa na tanggapin ang mga taong hindi tunay na kapamilya na maging tunay na kapamilya tulad na anak lamang sa labas. IV Tema o Paksa ng akda: Tunay na makatotohanan at mag-aangat sa sensibilidad ng mambabasa ang paksa ng akda sa kadahilanang nangyayari talaga ito sa tunay na buhay. V Mga Tauhan/Karakter sa Akda: Batay sa aking nabasa maliban kay Tiyo Tano ay walang nabanggit ng pangalan ng tauhan, bagama’t wala silang pagkikilanlan sila ay mga taong likha ng lipunang ginagalawan natin at ng maraming tao.



VI Tagpuan/Panahon: Ang tagpuan sa babasahin ito ay ang tahanan ng nasasabing tunay na anak. Ang panahon naman ng naturing kuwento ay may kaugnayan sa nangyayari ngayon. VII Nilalaman/Balangkas ng Pangyayari: Sa naturang babasahin ay maykaugnayan ang pangyayari nito ngayon inaayos ang daloy at takbo ng kuwento ngunit mag-iisip ang mambabasa sa simula ngunit mauunawaan din pagdating ng wakas. Natutunan kong tanggapin ang mga taong di ko tunay na kapamilya bagama’t wala akong kapatid sa labas. VIII Mga Kaisipan/Ideyang taglay ng Akda: Ang pampanitikan na gawa ng akdang ito ay batay sa karanasan at ito ay tumutukoy sa panlipunang sitwasyon. Likas sa tao at makatotohanan ang mga bagay na nais niya iparating sa mga mambabasa. IX Istilo ng Pagkakasulat: Ang paraan ng may-akda ay tunay na nakapupukaw sa nga mambabasa. Sa mga taong malawak na ang pang unawa ay angkop na angkop ito. Malawak at malalim ang mga detalyeng ginamit ng may akda sa kuwentong ito. Tunay na mahalaga para sa mga mambabasa ang naturang kuwento na sinulat ng isang mahusay na akda. X Buod: Ang batang babae na tunay na anak na may masayang kasakasama ng kanilang pamilya. Ang batang lalake na madalas niyang nakikita ng may labindalawang taong gulang na, ay hindi niya inaasahan na anak pala ng kanyang ama sa iba. Sa una ay hindi niya matanggap ito. Namatay ang kanyang ama at nagkitang muli silang magkapatid sa burol . Sa bandang huli nakuha na rin niyang tanggapin ang batang yaon at tinuring na tunay nilang kapamilya. Bagama’t alam na niya na ang batang yaon ay anak sa labas




Related docs
Other docs by romeo tamayo
deed of sale
Views: 7743  |  Downloads: 93
suring
Views: 4887  |  Downloads: 59
By registering with docstoc.com you agree to our
privacy policy

You are almost ready to download!

You are almost ready to download!