MGA KAPAMPANGANG MANUNULAT
Fr. Jorge Anselmo Fajardo
Nabuhay siya mula 1785 hanggang 1845. Siya ang kinikilalang “Ama ng Panitikang
Kapampangan”1. Siya rin ang unang manunulat na sumulat sa wikang bernakular2. Noong 1845,
isinulat niya ang isang cumidya na may pamagat na “Comedia Heroica de la Conquista de
Granada o Sea Vida de Don Gonzalo de Cordoba Llamado El Gran Capitan” (Heroic Comedy of
the Conquest of Granada on the Life of Don Gonzalo de Cordoba Called the Grand Captain)3.
Bayung sunis – ortograpiya at alpabetong pampango
Mariano Proceso Pabalan Byron
Pinanganak siya sa Bacolor, Pampanga noong Hulyo 2, 1862 at namatay naman noong
Enero 1, 1904 sa parehong bayan. Isinulat niya ang kauna-unahang komedya at zarzuela sa
Kapampangan na pinamagatang “Managpé” o “Ing Managpi” (Ang Mananagpi). Pinasimulan
niya ang Filipinisasyon ng mga dulang Kapampangan 4na nagdulot upang siya ay ituring bilang
“Ama ng Modernong Dula sa Kapampangan”. Nakasulat rin siya ng dula gaya ng “Apat Ya Ing
Junio” (Ang Ika-apat ng Hunyo). Isinalin niya sa kapampangan ang “Huling Paalam” ni Rizal na
siyang pinakauna at itinuturing na pinakamahusay na salin ng naturang akda5. Noong panahon
ng rebolusyon, siya rin ay naging isang katipunero. Malaki ang naging impluwensiya niya kay
Zoilo Galang na isa ring mahusay na manunulat sa Kapampangan.6 Isa rin siyang mahusay na
1
Pahina 26, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and Critique.
Manila : National Historical Institute, 1984.
2
Pahina 4, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
3
Pahina 26-27, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and
Critique. Manila : National Historical Institute, 1984.
4
Pahina 30, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and Critique.
Manila : National Historical Institute, 1984.
5
Pahina 366, E.Z. Manlapaz, VII. CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
6
Pahina 47, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
kompositor7. (Para sa kopya ng ilan sa kanyang mga gawa tingnan ang pahina 148 – 182, Castro,
Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press, c.1981.)
Jose M. Gallardo
Enero 20, 1918 nang ipanganak siya sa Candaba, Pampanga at Enero 8, 1986 naman
nang pumanaw siya. Isa siyang makata at mandudula. Naging kasapi siya ng HUKBALAHAP
noong panahon ng mga Hapon. Siya ay isa sa mga tagapagtatag ng AGTAKA, isang samahan ng
mga Kapampangang manunulat. Ilan sa mga dulang nilikha niya ay ang “Ing Katungkulan at Ing
Sinta” (Tungkulin at Pag-ibig), “Ing Pugante” (Ang Takas), “Torneo” (Paligsahan), at “Crucifijong
Pilak” (Krusipihong Pilak). Ang iba pa niyang mga akda ay ang mga sumusunod: “A Las Diez ning
Bengi” (Alas Diyes ng Gabi) na isang “mystery thriller” na nasa bersong metrikal, “Johnny and
Chandu” na isang nakatatawang panggagaya ng korido, “Dorung Guintu” na isang nobela at
“Diwa” na isang namang koleksyon ng mga 62 tulang kanyang nilikha. Sa nasabing koleksyon,
may isang tulang pinamagatang “Kalayaan” na hango sa anyong malikwatas. Ang malikwatas –
“mahiwagang tula” – ay isang uri ng tula na nagkakaroon ng iba’t ibang anyo sa pamamagitan ng
8
pagpapalit ng puwesto ng mga berso. Nakapagsulat din siya ng napakaraming bugtong sa
anyong berso9. (Para sa kopya ng ilan sa kanyang mga gawa tingnan ang pahina 125-26 z3,
Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.)
Juan Crisostomo Soto
7
Pahina 296, Filway’s Philippine Almanac, 1994.
8
Pahina 306, E.Z. Manlapaz, vol. VII, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
9
Pahina 124, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
Kilala rin siya sa pangalang Crissot. Ipinanganak siya noong Enero 27, 1867 sa Bacolor,
Pampanga at namatay noong Hulyo 12, 1918. Isa siyang mandudula, makata, direktor at
manunulat ng maikling kuwento10. Minsan siyang naging empleyado sa pamahalaan, sundalo ng
rebolusyon, gerilya laban sa mga Amerikano, manunulat sa diyaryo at “provincial deputy
assessor”11. Naging manunulat din siya sa La Independencia. Sa kabila ng kakulangan niya ng
pormal na pag-aaral, mapapansin ang napakaraming mabibigat na tungkulin at mahuhusay na
bagay na kanyang nagawa12.
Noong 11 o 12 taong gulang pa lamang siya ay nakapagsulat na siya ng mga relihiyosong
dula13. Kung susumahin, may mabibilang na 50 dula at zarzuela siyang nalikha14. Sa lahat ng mga
dulang naisulat niya, ang mga dulang may patriotikong tema ang pinakamatagumpay tulad ng
“Sigalut” (Sigalot), “Ing Paniu nang Sitang” (Ang Panyo ni Sita), at “Ing Anac ning Katipunan”
(Anak ng Katipunan)15. Ang dulang “Alang Dios” (Walang Diyos) ang itinuturing ng marami bilang
“obra maestro” ni Crissot16. May mga nagsasabi na taglay ng gawang yaon ang kanyang
pilosopiya sa buhay17.
May ilan ding siyang tulang naisulat tulad ng “Ing Bandera” (Ang Bandila) at “Malaya”
(Ang Malayo) na pawang may temang makabayan18. Sa katunayan, itinuturing siya bilang
kaunaunahang Kapampangang manunula19. Mayroon din siyang maikling kuwento gaya ng
“Lidia”20. Nakasulat siya ng salin ng Noli Me Tangere sa Kapampangan. Naging patnugot din siya
ng mga Kapampangang peryodiko tulad ng “El Pueblo”, “El Imparcial” at “Ing Alipatpat”.
10
Pahina 49, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
11
Pahina 36, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
12
Pahina 57, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
13
Pahina 402, E.A. Manuel at E.Z. Manlapaz, vol. VII, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP,
1994.
14
Pahina 3 at 35, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East
Press, c.1981.
15
Pahina 402, E.A. Manuel at E.Z. Manlapaz, vol. VII, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP,
1994.
16
Pahina 49, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
17
Pahina 51, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
18
Pahina 57, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
19
Pahina 35, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
20
Pahina 61, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
Kinikilala siya bilang pinakamahusay na Kapampangang Dramatista21 at para sa iba, pati na rin
pinakamahusay na Kapampangang manunulat dahil sa dami at kalidad ng kanyang mga
naisulat22. (Para sa kopya ng ilan sa kanyang mga gawa tingnan ang pahina 37-45, 362-394, at
397-404, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East
Press, c.1981.)
Aurelio Valenzuela Tolentino
Siya ay nabuhay mula taong 1875 o 1867 hanggang taong 1915. Ipinanganak siya sa
bayan ng Guagua, Pampanga. Isa siyang mandudula, nobelista at makata. Nakatapos siya ng
bachiller en artes at nang lumaon ay abugasya. Naging kasapi siya ng La Liga Filipina at pati na
rin ng Katipunan kung saan isa siya sa mga pinakaunang miyembro23. Nagsulat siya para sa mga
rebolusyonaryong peryodiko tulad ng La Independencia. Nakilala niya si Andres Bonifacio nang
minsan ay tumungo siya sa Tondo upang magtago matapos na makipagtalo sa isang Español.
Nakasama rin niya si Andres sa Kweba ng Pamitinan sa Montalban, Rizal kung saan naganap ang
kauna-unahang sigaw para sa kalayaan. Isa rin siya sa mga saksi at pumirma na deklarasyon ng
kalayaan sa Kawit, Cavite. Naging malapit din si Aurelio kay Emilio Aguinaldo. Inatasan siya ng
huli upang pamunuan ang Junta de Amigos na isang gerilyang pagkilos laban sa mga Amerikano.
Noong 1910, itinatag niya ang Katimawan, ang kauna-unahang kooperatiba ng mga
manggagawa sa Pilipinas. Itinayo rin niya ang isang paaralan para sa pagtataguyod ng panitikan
at kulturang Filipino na tinawag na “El Pernaso Filipino”. Pinaniwalaan niya na kailangan ang
isang pambansang wika para magkaroon ng pagkakaisa sa bansa na sa kanyang palagay, ay ang
wikang Tagalog. Nagsusulat siya sa wikang Tagalog, Español at Kapampangan24.
Siya ang itinuturing na pinakadakilang Kapampangang Nobelista25. Ilan sa mga pamagat
ng mga nobelang isinulat niya ay ang “Ing Buak nang Ester” (Ang Buhok ni Ester), “Maring”, at
21
Pahina 402, E.A. Manuel at E.Z. Manlapaz, vol. VII, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP,
1994.; Pahina 48, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
22
Pahina 48, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
23
Pahina 45, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
24
Pahina 61, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
25
Pahina 61, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
“Napun, Ngeni’t Bukas” (Kahapon, Ngayon at Bukas)26. Binatikos niya ang corrido at moro-moro
dahil sa patriyotikong kadahilanan27 – marahil sapagkat ang mga panitikang ito ay hiram lamang
mula sa mga dayuhan. Nakagawa rin siya ng mga dula na pawang may temang kumakalaban sa
kolonyal na pamamahala28. Isinulat niya noong 1911 ang isang aklat na pinamagatang “Daclat
Kayanakan”(Daan para sa Kabataan)29. Isa rin siyang mahusay na manunulat sa Tagalog30.
31
Ipinangalan sa kanya ang isang paligsahan sa pagtula na tinawag na Tolentinuan . (Para sa
kopya ng ilan sa kanyang mga gawa tingnan ang pahina 46-48, Castro, Rosalina Icban. Literature
of the Pampangos. Manila : University of the East Press, c.1981.)
Zoilo Sangalang Hilario
Ipinanganak siya sa San Fernando, Pampanga noong Hunyo 27, 1892 at namatay noong
Hunyo 13, 1963. Kilala rin siya sa bansag na Don Ilung32. Isa siyang mandudula, kritiko,
manunulat ng sanaysay at makata33. Isa siyang malapit na kasamahan ni Crissot34. Nakapagtapos
siya ng abugasya at nang lumaon ay naging hukom at mambabatas. Tagapagtatag siya ng ilang
institusyong nagtataguyod ng kultura tulad ng “Amanung Kapampangan” na isang akademyang
nagtutulak ng pagbabago sa Kapampangang ortograpiya at ng pagkakaroon ng pambansang
wika sa bansa. Nakapagsulat siya sa “Bayung Aldo” na isang panglingguhang papel sa wikang
Ingles. Marami-rami siyang nalimbag na mga koleksyon ng kanyang mga tula tulad ng “Adelfas
de la Lira Filipina” (Mga Adelfa ng Filipinong Lira) noong 1913, “Patria y redencion” (Bansa at
Kalayaan) noong 1914, “Himnos y arengas” (Mga Awit at Talumpati) noong 1968 at “Bayung
26
Pahina 38, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and Critique.
Manila : National Historical Institute, 1984.
27
Pahina 45, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
28
Pahina 8, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.3
29
Pahina 46, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
30
Pahina 358, Filway’s Philippine Almanac, 1994.
31
Pahina 45, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
32
Pahina 57, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
33
Pahina 66, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
34
Pahina 9, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
Sunis” (Bagong Tugma) na pawang lahat ay nakasulat sa Kapampangan. Ang “Bayung Sunis” ay
isang pagpupugay sa mga bayani at manunulat ng Pampanga. Kasama rin sa aklat na ito ang
ilang pahinang napapatungkol sa mga prinsipyo ng pagsulat ng tula, at mga pagsasaliksik ukol sa
Kapampangang alpabeto at ortograpiya35. Nakalikha rin siya ng ilang mga dula tulad ng
“Mumunang Sinta” (Unang Pag-ibig), “Bandila Ning Filipinas” (Bandila ng Pilipinas) at “Ing
Mapamatubu” (Ang Pating). 36
Ang mga karaniwang tema ng mga gawa ni Zoilo ay ang mga sumusunod: patriyotismo
at kalayaan, pagtataguyod ng pambansang wika, pagtangkilik sa mga lokal na industriya,
kapakanan ng mga masa at kahalagahan ng mga kababaihan37.
Noong 1915, ipinakilala niya ang “pambabaeng tugma” (feminine rime) sa panulaang
Kapampangan na tinawag niyang “Maladalit” o “sunis a sakdal”38. Ito ay pagkakaroon ng tugma
sa huling dalawang pantig ng salita. Halimbawa ng kanyang gawa na may ganitong tugma ay ang
“Aus king Musa” (Pananalangin para sa Lakambini). (Para sa kopya ng ilan sa kanyang mga gawa
tingnan ang pahina 67, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
at 58-67, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East
Press, c.1981.)
Amado Magcalaz Yuzon
Isa siyang makata mula sa Guagua, Pampanga. Nabuhay siya mula Agosto 30, 1906
hanggang Enero 17 1979. Naglingkod din siya bilang isang abugado at pulitiko.
Karamihan ng kanyang mga tula ay may temang makabayan. Isinulat niya ang “Ing
Ortelano” (Ang Magsasaka), ang kauna-unahang tula tungkol sa reporma sa lupa. Subalit,
sinasabi ng marami na ang mga tula niyang napapatungkol sa pag-ibig ang pinakamahuhusay sa
35
Pahina 57, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
36
Pahina 633, E.Z. Manlapaz at M.L. Maniquis. Vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila:
CCP, 1994.
37
Pahina 58, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
38
Pahina 56, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and Critique.
Manila : National Historical Institute, 1984.
lahat ng kanyang mga tula tulad ng “Buri Ku King Abaw Mu” (Gusto Kong Malaman Mo) at
“Palsintan Daca” (Mahal Kita). Tinagurian siyang “Ari Ning Crissotan”(Hari ng Crissotan) noong
1926 na isang balagtasan sa Kapampangan. Nakapagsalin din siya sa kapampangan ng mga
klasikong gawa tulad ng “Euripides”, “Virgil” at “Horace”. 39
Siya ay naging patnugot ng mga Kapampangang peryodiko tulad ng “Ing Catuliran” (Ang
Kanan) at “La Libertad” (Kalayaan). Nakakasulat siya sa wikang Ingles, Pilipino at Kapampangan.
Siya ang pangulo at tagapagtatag ng United Laureates International.40 Siya ang nakalikha ng istilo
sa panulaan na tinatawag na “timawang kawatasan” (blank verse) na binansagan din bilang
“Yuzonian Sonnet” 103-11, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila :
University of the East Press, c.1981.)
Rosendo M. Dayrit
Ipinanganak siya noong 1913. Siya ay isang makata subalit sa Magalang, Pampanga,
pagiging barbero ang kanyang hanapbuhay. Mayroon siyang isang tula na pinamagatang
“Makananu Yung Milapit Ing Tau King Dyos” (Paano ang Tao’y Magiging Mas Malapit sa Diyos).
41
Zoilo Galang
Siya ay tubong Bacolor, Pampanga na nabuhay mula Enero 27, 1895 hanggang taong
1959. Isa siyang manunulat ng sanaysay at mga kathang gawa. Nakapag-aral siya ng abugasya
subalit hindi siya nakatapos. Ilan sa mga pamagat ng mga nobelang isinulat niya ay “Kasaquitan
39
Pahina 779 – 780, E.Z. Manlapaz, vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
40
Pahina 119, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.; pahina 232, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and
Critique. Manila : National Historical Institute, 1984.
41
Pahina 58-59, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and
Critique. Manila : National Historical Institute, 1984.
at Ligaya” (Kasakitan at Ligaya), “Ing Kapalaran – Ing Galal Ning Bie” (Kapalaran – Ang
Gantimpala ng Buhay) at “Kapatac a Lua” (Patak ng Luha). Kilala siya sa paggamit ng Ingles at
Español sa pagsusulat sa kapampangan. Isa rin siya sa mga pinakaunang manunulat na Pilipinong
nagsulat sa Ingles. 42
Marami siyang pinasinayang mga akdang panitikang Pilipino tulad ng kauna-unahang
romantikong nobela, “A Child Sorrow” (Pambatang Hapis); kauna-unahang libro ng mga maikling
kuwento, “Tales of the Philippines” (Mga Kuwento sa Pilipinas); kauna-unahang libro ng mga
sanaysay, “Life and Sorrow” (Buhay at Hapis); kauna-unahang antolohiya ng mga maikling
kuwento, “The Box of Ashes and Other Stories” (Ang Kahon ng Abo at Ibang mga Kuwento) –
lahat ng ito ay naisulat sa wikang Ingles.43
Armando Baluyot
Isa siyang patnugot at manlilimbag ng “The Voice” isang tabloid sa wikang Ingles at
Kapampangan.
Eusebio Yuzon Cunanan
Kilala siya sa tawag na Enrique Cruz. Ipinanganak siya noong Disyembre 16, 1902. Isa
siyang manunulat ng tula at sanaysay na nakatapos ng abugasya. Kasama ni Sergio Navarro,
isinalin niya ang mga akda ni Jose Rizal sa Kapampangan. Ang ilan sa mga kilalang tula niya ay
“Ing Kapampangan” (Ang Kapampangan), “Sinukwan”, at “Kasapunggul a Bulaklak” (Isang
Kumpol ng Bulaklak). Ilan naman sa mga sanaysay na isinulat niya ay “Ika” (Ikaw), at “Lua at
Bulaklak” (Luha at Bulaklak).44
42
Pahina 610, L. Vidal, vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
43
Pahina 610, L. Vidal, vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
44
Pahina 57, M.L. Maniquis, vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
Si Eusebio ay kolektor ng mga akdang pampanitikan45. Naging patnugot din siya ng “Ing
Kapampangan” (Ang Kapampangan), “Ing Kasalang” (Ang Panangga), “Kanawan” (Kasaganahan)
at “Sinukwan”46. (Para sa kopya ng ilan sa kanyang mga gawa tingnan ang pahina 82-86, Castro,
Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press, c.1981.)
Eduardo David
Siya ay kapatid ni Jose David. Isa siyang makata at mandudula.47
Jose Gutierrez David
Tulad ng kanyang kapatid na si Eduardo, isa rin siyang makata at mandudula 48.
Ipinanganak siya sa Bacolor, Pampanga noong Enero 29, 1891 at namatay noong Marso 24,
1977. Naging patnugot siya ng “Ing Balen” at “Ing E Mangabiran – El Imparcial”. Sumulat siya ng
ilang mga tula, sanaysay at zarzuela. Mga pamagat ng ilan sa kanyang mga likaha ay “Amanda”,
isang zarzuela, “Migdusang e Micasala” (Ang Walang-salang Nagdurusa), isang drama sa berso at
“Ing Independencia” (Ang Kalayaan), isang patriyotikong dula. (Para sa kopya ng ilan sa kanyang
mga gawa tingnan ang pahina 53-57, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos.
Manila : University of the East Press, c.1981.)
Remedios David
45
Pahina 11, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
46
Pahina 82, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
47
Pahina 9, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
48
Pahina 9, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
Isinulat niya ang “Mater Dolorosa”49.
Fidel de Castro
Isa siyang manunula sa Ingles at Kapampangan.
Eugenio Gallardo
Siya ang ama ni Jose Gallardo. Isa siyang manunulat ng moro-moro.50
Felix Napao Galura
Siya ay isang mandudula, makata at kritiko ng panitikan. Binatikos niya ang corrido at
moro-moro sa isang artikulong pinamagatang “Kabigwan” (Kabiguan)51. Nakasulat siya ng isang
nobenang dasal na may pamagat na “Pamagsiam King Ikarangal Ning Ginu Tang Virgin Karin
Lourdes” noong 1906. Taong 1915 naman nang isulat niya ang “Ing Kabiguan” (Ang Kabiguan) na
tungkol sa isang rebelyon laban sa mga Español. 52
Kilala rin siya sa pangalang “Flauxgalier”. Ipinanganak siya sa Bacolor, Pampanga noong
Pebrero 21, 1866 at namatay noong Hulyo 21, 1919. Naging kawal siya sa rebolusyon. Itinatag
niya ang “Ing Alipatpat”, isang lingguhang publikasyon sa Pampanga. Nakalikha rin siya ng isang
aklat tungkol sa balarila na pinamagatang “Sanayan o Malaguang Pipagaralan qng Amanung
Castila Agpang qng Gramatica” (Mga Pagsasanay sa Madaling Paraan ng Pag-aaral ng Wikang
Español Gamit ang Balarila) noong 1916. Dahil sa gawang yaon, kinikilala siya bilang “Ama ng
49
Pahina 56, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and Critique.
Manila : National Historical Institute, 1984.
50
Pahina 124, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
51
Pahina 6, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
52
Pahina 65-66, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
Kapampangang Balarila”53. Ang “Ing Babaying Panguingera” (A Babaing Panguingera) ang
itinuturing na pinakatanyag na tulang naratibong kanyang isinulat. Sa kasawiang palad, marami
sa kanyang mga akdang pampanitikan ang hindi nakolekta. 54
Isaac Crisostomo Gomez
Ipinanganak siya sa Bacolor, Pampanga at nabuhay mula 1872 hanggang 1948. Isa siyang
mandudula at makata. Siya ay pamangkin ni Juan Crisostomo Soto na isang tanyag na
Kapampangang manunulat. Ang ilan sa mga dulang naisulat niya ay “Ing Sumpa ning Ulila” (Ang
Sumpa ng Ulila), “Anac ning Kandidatu” (Ang Anak ng Kandidato) at “Sampagang Asahar”
(Orange Blossoms). Ang huli ang itinuturing na pinakamahusay at pinakatanyag sa lahat ng
kanyang mga dula. Mayroon din siyang mga akdang berso tulad ng “Musa’t Poeta” (Ang
Lakambini at ang Makata) at “Calma ning Alipan” (Kapalaran ng Alipin), isang komentaryo sa
relasyong Amerikano-Pilipino noong mga panahong yaon. “Magdalena” ang pamagat ng isang
nobelang nilikha niya. 55Kinikilala siya bilang “Edgar Allan Poe” ng Pampanga56.
Leon Maria Gonzales
Siya ay isang manunulat ng mga kuwentong bayan sa Pampanga57.
Pascual Gozun
53
Pahina 71, Filway’s Philippine Almanac, 1994
54
Pahina 306-307, E.A. Manuel, vol. VII, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
55
Pahina 310-311, E. Z. Manlapaz, vol. VII, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
56
Pahina 9, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
57
Pahina 23-32, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
Isa siyang dramatista, manunulat ng sanaysay at komentarista58.
Modesto Juaquin
Siya ay tubong Bacolor, Pampanga59. Isa siyang kritiko at manunulat ng sanaysay60.
Edilberto Joven
Isa siyang malapit na kasamahan ni Crissot. Nang mamatay ang huli, siya ang humalili
rito.61
Diosdado Pangan Macapagal
Ipinanganak siya sa Lubao Pampanga noong Setyembre 28, 1910. Siya ay isang
manunula, aktor at manunulat ng maikling kuwento. Nakatapos siya ng doktorado sa abugasya
at ekonomiks at nang lumaon ay naging pangulo ng Pilipinas. Kabilang siya sa mga romantikong
makata noong dekada 1940. “Bante”, “Pagbanua” (Matapos ang Isang Taon), “Sintang
Cayanaca” (Batang Pag-ibig), “Bayung Sunis” (“New Rime”), “Sapa”, “Gripu” (Balon) at “Gareta”
(Kalesa) ay ilan sa mga pamagat ng tulang isinulat niya. Sa maikling kuwento naman, nariyan ang
62
“Pitung Bundok” at “Sisilim” (Takipsilim). Naging patnugot din siya ng “Ing Catimawan”
(Kalayaan)63. (Para sa kopya ng ilan sa kanyang mga gawa tingnan ang pahina 113-116, Castro,
Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press, c.1981.)
58
Pahina 64-66, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
59
Pahina 7, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
60
Pahina 66, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
61
Pahina 9, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
62
Pahina 664, E.Z. Manlapaz, vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
63
Pahina 112, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
Urbano Macapagal
Siya ang ama ni Diosdado Macapagal. Noong 1927, naging bahagi siya ng Compania
Lubeña (Kumpanya ng Lubao) na isang grupong nagpapalabas ng mga dula. Mayroon siyang apat
na zarzuelang nalikha at ang dalawa sa mga ito ay “Bayung Ierusalem” (Bagong Herusalem) at
“Atul Ning Banua” (Ang Hatol ng Langit). 64 (Para sa kopya ng ilan sa kanyang mga gawa tingnan
ang pahina 313-318, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of
the East Press, c.1981.)
Monico Mercado
Siya ay tubong Guagua, Pampanga. Ipinanganak siya noong Mayo 4, 1875 at namatay
noong Enero 26, 1953. Isa siyang makata, kritiko, manunulat ng sanaysay at mandudula65.
Nagsusulat siya sa Español at Kapampangan66. Ilan sa mga dulang isinulat niya ay “Anino ning
Milabas” (Ang Anino ng Nakaraan) at “Iraya o Sultan Ning Tundu” (Ang Iraya o Sultan ng Tondo).
Ang huli ay itinuturing na pinakamahusay sa lahat ng kanyang mga dula67. Para sa tulang liriko,
nariyan ang “Ing Lalawigan Tamu” (Aming Lalawigan) na tungkol sa kadakilaan ng Pampanga at
ng mga kilalang anak nito at “Ketang Milabas” (Sa Nakaraan) na tungkol naman sa Digmang
Pilipino-Amerikano noong 1899. 68
Romulo Mercado
64
Pahina 9, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
65
Pahina 66, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
66
Pahina 8, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
67
pahina 8, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
68
Pahiina 680, E.Z. Manlapaz, vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
Siya ang ama ni Monico Mercado. Isa siyang makata. 69
Belarmino Piñgul Navarro
Kilala siya sa mga pangalang Nar Bravo, Ricardo Ruben at Janitor Jack. Ipinanganak siya
sa San Fernando, Pampanga noong Nobyembre 1, 1904. Isa siyang makata at manunulat ng
sanaysay. Pamangkin siya ni Sergio Navarro Jr. Mabibilang sa 200 ang kanyang mga nagawang
akda70. Tanyag siya sa pagsusulat ng mga akdang nakaaaliw, may paninindigan at may malasakit
sa katayuan ng mga mahihirap at naaapi. Ang mga sanaysay na “Two Orphans” (Dalawang Ulila)
at “Pamangailangan” (Sa Pagsasarili) ay tungkol naman pagkamakabayan. Ang ilan sa mga tulang
naisulat niya ay “Mangacuyad a Salita” (Maikling Usapan), “Alang Capampangan” (Walang
Kapampangan) at “Sari-Saring Penandit” (Iba’t Ibang Uri ng Pagkilos). 71 (Para sa kopya ng ilan sa
kanyang mga gawa tingnan ang pahina 90-92, Castro, Rosalina Icban. Literature of the
Pampangos. Manila : University of the East Press, c.1981.)
Jose M. Navarro
Isa siyang nobelista at mandudula72.
Sergio Canlas Navarro Jr.
Kilala siya sa mga bansag na ESY, Esiong, E. Sy Ong, at marami pang iba. Ipinanganak siya
sa San Fernando, Pampanga. Nabuhay siya mula Oktuber 6, 1898 hanggang Marso 12, 1972. Siya
ay isang mandudula, director, aktor at makata. Naging patnugot siya ng “Ing Kawal”, isang
lingguhang papel sa Pampanga. Ilan sa mga zarzuelang isinulat niya ay “Ninung Makasalanan?”
69
Pahina 8, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
70
Pahina 89, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
71
Pahina 686-687, M.L. Maniquis, vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
72
Pahina 69, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
(Sinong May Kasalanan?) na siyang pinaka-una, “Indu Ku” (Aking Ina), at “Ing Mapanako” (Ang
Magnanakaw). Nakagawa rin siya ng mga adaptasyon ng mga banyagang dula tulad ng “Viuda
Alegre” (Masayang Biyuda). Sa dulang “Martin Luther”, nakatrabaho niya si Zoilo Hilario73.
“Kasacmal a Sampaguita” (Sandakot ng Sampaguita) ang pamagat ng isang koleksyon ng
kanyang mga tula. Subalit, ang tulang “Napun, Ngeni, at Bukas” (Kahapon, Ngayon, at Bukas)
ang pinakatanyag sa lahat ng kanyang mga tula na tungkol sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose
Rizal. 74 (Para sa kopya ng ilan sa kanyang mga gawa tingnan ang pahina 68-81, Castro, Rosalina
Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press, c.1981.)
Cornelio A. Pabalan Byron
Nabuhay siya mula 1868 hanggang 1921. Isa siyang moralista, tagapagsalin, at
manlilimbag. Nakapaglimbag siya ng maraming relihiyosong aklat at polyeto tulad ng “Historia
Sagradong Kapampangan” (Banal na Kasaysayan ng Kapampangan).75
Silvestre Manarang Punsalan
Siya ay tubong Magalang, Pampanga. Ipinanganak siya noong Disyembre 30, 1905 at
pumanaw noong Disyembre 9, 1978. Isa siyang makata at manunulat ng kathang gawa at
sanaysay. Nakapag-aral siya ng abugasya at nang lumaon ay naging pulitiko. Isa sa mga tulang
naisulat niya ay ang “Metung Cung Capampangan (Bistat Muli Cung Abu)” *Ako’y Isang
Kapampangan (Kahit na sa Abo Ako ay Babalik)] na isang tulang inalay para kay Rufino Cardinal
Santos. Noong 1929, isinulat niya ang naging bantog na nobelang “Ing Anak nang Lidia” (Ang
Anak ni Lidia). Nariyan din ang ilang maikling kuwento tulad ng “Bucas” (Bukas) at “Casalanan”
(Kasalanan). Ang mga sikat na sanaysay niya tulad ng “A Father’s Regrets” (Ang Panghihinayang
73
Pahina 68, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
74
Pahiina 687, M.L. Maniquis, notes by R.I. Castro, vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila:
CCP, 1994.
75
Pahina 25, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and Critique.
Manila : National Historical Institute, 1984.; pahina 366, vol. VII, CCP Encyclopedia of Philippine Art.
Manila: CCP, 1994.
ng Isang Ama) ay isinulat niya sa kanyang pitak o “column” sa diyaryo na pinamagatang
76
“Paninap ning Nacaguising” (Gunamgunam). (Para sa kopya ng ilan sa kanyang mga gawa
tingnan ang pahina 94-100, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila :
University of the East Press, c.1981.)
Delfin Quiboloy
Ipinanganak siya sa Lubao, Pampanga noong Hulyo 23, 191177. Isa siyang makata at
mandudula. Nagtrabaho siya bilang guro at prinsipal ng isang paaralan. Isa siya sa mga
tagapagtatag ng AGTAKA at noong 1977 ay naging pangulo siya nito78. Nakagawa siya ng humigit
kumulang 200 tula at karamihan dito ay liriko79. Tumolong din siya sa Gawad Don Gonzalo, na
naglalayong kumilala sa mga bantog na alagad na panitikan sa kapampangan80. Tatlo sa kanyang
mga tula ay “Soneto”, “Cupido” at “Indu Ku” (Aking Ina). Mayroon din siyang mga naisulat na
zarzuela tulad ng “Ing Tagumpe ning Katutwan” (Ang Pagwawagi ng Katotohanan), “Sinta’t
Balen” (Pag-ibig at Bayan) at “Aus ning Laman” (Tawag ng Laman) na nalikha niya sa kasagsagan
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang pamagat ng kanyang maikling kuwento ay “Ing Bayu
81
nang Banwang Mario” (Ang Bagong Taon ni Mario). (Para sa kopya ng ilan sa kanyang mga
gawa tingnan ang pahina 120-124, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila :
University of the East Press, c.1981.)
Roman P. Reyes
76
Pahina 712, M.L. Maniquis, vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
77
Pahina 119, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
78
Pahina 119, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
79
Pahina 119, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
80
Pahina 119, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
81
Pahina 712, E.Z. Manlapaz, vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: CCP, 1994.
Ipinanganak siya sa San Simon, Pampanga noong Agosto 9, 1906. Naging tanyag siyang
manunula bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nahirang din siya bilang “Principe
ning Crissotan”. Nakapagsulat din siya ng ilang zarzuelas. Naging patnugot siya ng “Ing
Campuput” (Ang Campuput). 82 (Para sa kopya ng ilan sa kanyang mga gawa tingnan ang pahina
101-102, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East
Press, c.1981.)
Nicanor G. Sampang
Ipinanganak siya noong 1901. Pagbabarbero ang kanyang karaniwang trabaho. Sumulat
siya ng isang dula na pinamagatang “Jesus: Dyos Ampon Tau” (Hesus: Diyos at Tao). 83
Jose Mesina Sanchez
Kilala rin siya sa pangalang Duending Balen, Abel Mario, Abenaver at marami pang iba.
Isinilang siya sa Angeles, Pampanga noong Disyembre 23, 1890 at pumanaw noong Hulyo 16,
1961. Isa siyang makata at mandudulang nagsusulat sa Kapampangan at Español. “Sampaguita’t
Ilang-Ilang” at “Rosa’t Azul” (Rosa’t Asul) ay koleksyon ng mga naratibo, tula at sanaysay sa
Kapampangan. Ilan sa mga dulang naisulat niya ay “Rizalina”, “Kenkoy” noong 1931, “Bagong
Katipunan” at “Pasyon Apung Mamacalulu” (Maawaing Panginoon) na itinuturing na
pinakamahusay sa kanyang mga dula. “Loleng” naman ang pamagat na isang nobelang isinulat
niya. May ilan din siyang mga dula sa Español tulad ng “Un caballero socorron” (Isang Tusong
84
Ginoo), “Abrojos” (Tinik) at “Gay caballero” (Masayang Kabalyero). Mayroon siyang naisulat
82
Pahina 100, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
83
Pahina 57-58, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and
Critique. Manila : National Historical Institute, 1984.
84
Pahina 395, E.A. Manuel at M.L. Maniquism, vol. VII, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila:
CCP, 1994.
na mahigit kumulang 50 mga maikling kuwento at isa dito ay “Ing Suging Gobernadora” (Ang
Tanyag na Asawa ng Gobernador)85.
Felino Simpao
Isa siyang manunulat ng sanaysay at komentarista ng buhay86. Naging patnugot siya ng
“El Proteccionismo” at “Ing Damayan”. Nakapagsulat din siya ng maraming mga dula, zarzuela at
drama na naging sanhi upang bigyan siya ng titulong “dramaturgo”. 87
Jacinto Tolentino
Isinilang siya sa Guagua, Pampanga noong Hulyo 3, 1865 at namatay noong Enero 28,
1932. Tulad ng kanyang kapatid na si Aurelio, siya rin ay isang mandudula. Subalit, nang maging
tanyag ang kapatid, tumigil na siya sa paggawa ng dula at tumulong na lamang sa kanyang
kapatid. Sa kabila nito, marami-raming zarzuela pa rin ang kanyang nalikha tulad “Ing
Mangaibugan” (Ang Sakim), “Nung Tosu Ya Man ing Matchin, Apaglalangan Miya Mu rin”
(Matalino Man ang Matsing, Mapaglalamangan Mo rin) at “Yng Oasalipit nang Ynduna o Angela”
(Ang Karibal ng Kanyang Ina o Si Angela). May ilan din siyang mga nobela tulad ng “Himala o
Pagkakataun” na sa wikang Tagalog at “Tagumpay Lua ding Adwang Angel” (Ang Luha ng
Dalawang Anghel) na sa wikang Kapampangan. Naging kapitan siya ng isang hukbo laban sa mga
Amerikano. Pinaniniwalaan niya ang pilosopiya na nagsasabing ang sining ay para sa sining at
hindi para pagsilbihan ang ibang mga layunin labas sa sakop ng sining88.
Celestino M. Vega
85
Pahina 59, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and Critique.
Manila : National Historical Institute, 1984.
86
Pahina 66, Calixto, Eufrosina D. A Criticism of Pampango Literature.[S.l. : s.n., 19--n].
87
Pahina 8, Castro, Rosalina Icban. Literature of the Pampangos. Manila : University of the East Press,
c.1981.
88
Pahina 35, Lacson, Evangelina Hilario. Kapampangan Writing : A Selected Compendium and Critique.
Manila : National Historical Institute, 1984.
Ipinanganak siya sa Paniqui, Tarlac noong Abril 6, 1910. Isa siyang makata.
Nakapagtapos siya ng kurso sa Edukasyong Elementarya. Siya rin ay naging patnugot at
peryodista. Ilan sa mga tulang naisulat niya ay “Dugo at Kalansay”, “Bulag na Silangan”,
“Barikada”, “I Rise to the Level of a Rose” (Umakyat Ako sa Lebel ng Isang Rosas) at “Ngayon” na
nakatanggap ng maraming gantimpala. Mapapansin na ang kanyang mga tula ay nakasulat
lamang sa wikang Tagalog o Ingles. Mayroon din siyang mga koleksyon ng mga tula tulad ng
“Walang Tukod”, “Langit (Eight Pillars of Heavens)” *Langit (Walong Haligi ng Kalangitan)+ at
“Bagong Balintawak (Ritual and Metaphors)” *Balintawak (Ritwal at Metapora)+. 89
89
Pahina 769 – 770, R. Jocson at E.L. Gatchalian, vol. IX, CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila:
CCP, 1994.