EBALWASYON SA
KATATASAN SA
PAGBASA
PATROCINIO V. VILLAFUERTE
Puno, Kagawaran ng Filipino
Pamantasang Normal ng Pilipinas
Maynila
Panimula
Nakababahala ang
pagdami ng mga mag-aaral
na hindi makabasa’t
makasulat.
Sa panahon ngayon na
mabilis matuto ang mga
mag-aaral sa tulong ng
makabagong imbensyon ng
teknolohiya gaya ng
internet, nakapagtatakang
napakabagal ang pag-unlad
sa pagbasa ng mga mag-
aaral.
Marami pa ring nakababasa
nang mabagal at hindi
nauunawaan ang binabasa,
at mayroon ding mga
nakababasa ngunit hindi
matatas at hindi tuluy-tuloy.
Dahil sa mga suliraning
ito, mahalagang makatuklas
ng mga bagong paraan ang
mga guro upang
mabawasan ang ganitong
suliranin.
Kailangang mapanatili sa
kanilang kaisipan na upang
maging ganap na produkto
ang pagbasa, kailangang
makagawa sila ng mga
hakbang sa pagkakaroon ng
mga mag-aaral na matatas at
tuluy-tuloy bumasa.
Layunin ng papel na ito na
(1) makapili ng tekstong
nakalilibang basahin para sa
matatas at tuluy-tuloy na
pagbasa, (2) makagamit ng
mga estratehiyang angkop
para sa matatas at tuluy-
tuloy na pagbasa,
at (3) makalikha ng mga
gawaing pangklasrum para
sa matatas at tuluy-tuloy na
pagbasa.
Ang mga Katangian ng
mga Mag-aaral na Matatas
at Tuluy-tuloy Bumasa
1. Malayang nakapipili at
nakababasa ng mga
akdang nakalilibang mula
sa mga tekstong historikal
at kontemporaryo.
Walang pinipiling basahin
ang mga mag-aaral na
matatas at tuluy-tuloy
bumasa.
Mula sa tekstong
pangkasaysayan hanggang
sa makabagong uri ng
babasahin ay interesado pa
ring basahin ng mga mag-
aaral ang mga akdang
naglalarawan ng kalagayan
ng ating mga kababayan
noong unang panahon at
maging sa panahong
sinakop ang Pilipinas ng
mga dayuhan.
Samantala, nakahihiligan
ding basahin ng mga mag-
aaral ang mga kasalukuyang
akda gaya ng tula,
sanaysay, maikling
kuwento at dula-dulaan na
nakapokus ang paksa sa
tao, pamilya, paaralan,
kapaligiran at lipunan.
2. Ipinagpapatuloy ang
interes sa pagbabasa at
may panahong bumasa.
Madaling makilala ang
mga mag-aaral na matatas
at tuluy-tuloy bumasa. Ang
isang paraan ay ang pag-
alam sa oras na kanilang
iginugugol sa pagbabasa.
Bukod dito, patuloy silang
nagtatanong at naghahanap
ng mga akdang babasahin,
pagpapatunay lamang na
nagpapatuloy ang kanilang
interes sa pagbasa.
3. Umaasang makatutuklas
ng mga bagong kaalaman
sa binasang akda.
Ang mga mag-aaral ay
umaasang makatutuklas ng
mga bagong kaalaman sa
binasang akda at maiaplay
ang mga ito para sa
malawak na pagbasa.
Iba-iba ang uri ng
babasahing binabasa ng
mga mag-aaral na matatas at
tuluy-tuloy bumasa. Mula sa
malapantasyang babasahin
hanggang sa mga
babasahing nauukol sa
agham at teknolohiya,
partikular sa mga
makabagong imbensyon.
Dahil dito, patuloy na
nakatutuklas ng mga
bagong salita at
impormasyon ang mga
mag-aaral na magagamit
nila sa pang-araw-araw na
gawain.
Ang Mapanuring Pag-iisip
ng Mag-aaral na Matatas at
Tuluy-tuloy Bumasa
1. Natutukoy at
naipaliliwanag ang
pananaw ng may-akda.
Hindi lamang sa akdang
binabasa nakatuon ang
mga mag-aaral na matatas
at tuluy-tuloy bumasa.
Matapos niyang matukoy
ang mga pangyayari sa akda
ay ipinaliliwanag niya kung
bakit ganoon ang naganap.
Ipinaliliwanag din niya ang
naging desisyon ng may-
akda sa naging wakas ng
akda.
2. Natutukoy at
naipaliliwanag ang
pananaw ng may-akda.
Dahil ang isa sa mga
gustung-gustong basahin
ng mag-aaral na matatas at
tuluy-tuloy bumasa ay
panitikan, hindi siya
nasisiyahan na basahin
lamang ang akda at sagutin
ang mga tanong.
Ipinaliliwanag niya ang
naging pananaw ng may-
akda na likhain ang ganito’t
ganireng karakter, tagpuan,
atbp.
3. Nailalahad ang mga
napapanahong isyu mula
sa mga napakinggang
balita o pangyayari sa
radyo, napanood na
palabas sa telebisyon, at
nabasa sa pahayagan at
naiuugnay ang mga ito sa
kanilang naging karanasan.
Ang mag-aaral na matatas
at tuluy-tuloy bumasa ay
nakapaglalahad ng mga
karanasang batay sa mga
sitwasyong kanyang
napakinggan o napanood.
Madali niyang maiugnay ang
kanyang mga naging
karanasan sa paksa at mga
naganap na pangyayari.
Ang Pagpapalawak ng
Wika ng mga Mag-aaral na
Matatas at Tuluy-tuloy
Bumasa
1. Nagagamit ang talaan ng
nilalaman, glosaryo at indeks
nang may tiwala sa sarili.
Mabilis gamitin ng mga mag-
aaral na matatas at tuluy-tuloy
bumasa ang mahahalagang
bahagi ng aklat at ng iba pang
babasahin.
Pagkaraang matutuhan ang
paggamit ng mga ito ay madali
nilang matukoy kung saang
pahina matatagpuan ang bawat
bahagi at mabilis nilang
nagagamit ang mga ito nang
may buong pagtitiwala sa
kanilang sarili.
2. Nagbibigay-puna sa mga
elemento ng mga akdang
bungang-isip lamang ng
may-akda gaya ng banghay,
mga tauhan, gayundin ng
mga makatotohanang akda
gaya ng pangangatuwiran,
sariling pananaw, atbp.
Dahil matatas at tuluy-tuloy
bumasa, mabilis makapagbigay
ng sariling ideya o opinyon ang
mga mag-aaral na matatas at
tuluy-tuloy bumasa ukol sa
mga isyu o bagay-bagay na
mahalagang pag-usapan mula
sa mga akda na kanyang
nabasa.
Isinasaad sa Philippine
Elementary Learning
Competencies ng Basic
Education Curriculum sa
Filipino ang ganito:
Para sa mabisang
pagtuturo, ang mga tiyak na
kasanayan ay nalilinang sa
pamamagitan ng mga
sitwasyon at iba’t ibang
kagamitan tungo sa
lubusang pagkatuto.
Ang mga bata ay tuturuan
ng angkop na kagamitang
panliteratura tulad ng
jingles, tugma, tula,
diyalogo, atbp
Samakatuwid, mula sa
pahayag na ito ay kinikilala
ang panitikang pambata
bilang isa sa mga salik na
tutugon sa mabisang
pagtuturo ng Filipino sa mga
mag-aaral lalung-lalo na sa
mga may depekto sa
pagsasalita at sa mga hindi
makabasa nang matatas at
tuluy-tuloy.
Ang mga Estratehiya sa
Pagbasa nang Matatas at
Tuluy-tuloy
1. Shared Reading.
Maraming babasahin ang
angkop sa pagbabahagi ng
binabasa. Hinihikayat ang
mga mag-aaral na
nagsisimula pa lamang
bumasa nang matatas at
tuluy-tuloy na ibilang ang
istilo, relasyon ng
binabasang akda sa mga
akda mula sa ibang lugar at
panahon, at iba pang
perspektibo ng panitikan.
Narito ang paraang
susundin sa estratehiyang
ito:
1.1. Bago Bumasa –
Pagpapakilala sa tekstong
babasahin
Bago bumasa ay
ganyakin muna ang mga
mag-aaral na basahin ang
pamagat ng akdang
babasahin. Ipalarawan din
ang nakapaloob sa aklat.
Kung ang babasahin ay
isang alamat, kailangan
munang banggitin sa mga
mag-aaral ang kahulugan ng
alamat at kung paano ito
naiiba sa ibang anyo ng
akdang tuluyan.
Sabihin: Mga bata, ano ang
pamagat ng akdang
babasahin natin ngayon?
Sagot: Alamat ng Buwan
at Bituin.
Itanong: May nakakaalam
ba sa inyo kung ano ang
kahulugan ng alamat?
Kung walang nakakaalam
o wala ni isa mang mag-
aaral na sumagot, sabihin
sa kanila ang kahulugan ng
alamat.
1. Ang alamat ay isang uri
ng kuwento na naglalarawan
kung saan nagmula ang
isang tao, bagay, lugar o
hayop.
2. Ang alamat ay kuwento
na kathang isip lamang na
kinasasangkutan ng
kababalaghan o di
pangkaraniwang
pangyayari na naganap
noong unang panahon.
3. Ang alamat ay
karaniwang tumatalakay sa
mga katutubong kultura,
kaugalian o kapaligiran.
Kung hindi nababasa sa
pamagat ang uri ng kuwento
na ipababasa sa mga mag-
aaral ay ipokus na lamang
ang pamagat at ang larawan
sa pabalat ng aklat.
1.2 Habang Bumabasa
1.2.1 Pagtalakay sa
teksto
Sa bahaging ito, hindi
dapat magambala ang
pagbabasa ng mga mag-
aaral dahil lamang sa
maraming pagtatanong ng
guro o pagtalakay sa
kabuuan ng kuwento.
Kailangang mabigyang-
pansin ang iba’t ibang kilos
ng mga tauhan sa kuwento
at ang kalakasan ng mga
larawan na nakatulong sa
pagkatuto ng mga mag-
aaral.
1.2.2 Pagtalakay sa
istilo
Mahalaga ring mapag-
usapan ang istilong
ginamit ng tagaguhit sa
paglalarawan ng mga
pangyayari sa kuwento.
Kailangang mabigyan ng
pagkakataon ang mga mag-
aaral na maipahayag ang
kanilang mga reaksyon sa
pamamagitan ng malikhaing
gawain. Maaari nilang
magawa ang alinman sa
mga sumusunod:
1.2.2.1 Pagsasadula ng
kuwento
1.2.2.2 Pagkilala sa
tauhang naibigan at
pagganap sa papel na
ginagampanan nito
1.2.2.3 Pagkukuwentong
muli sa pamamagitan
ng paggamit ng ibang
anyo o porma gaya ng
pagsasadula o pagtula
1.2.2.4 Pagkukuwentong
muli sa pamamagitan
ng pananaw ng isa sa
mga tauhan
2. Guided Reading
(Pinatnubayang Pagbasa.
Ang pinatnubayang
pagbasa ay itinuturing na
puso ng programang
literasi sa pagbasa.
Nabibigyan nito ng
pagkakataon ang guro at
grupo ng mga mag-aaral na
makapagsalita, makabasa at
makapag-isip sa
pamamagitan ng teksto.
Ito’y isang paraan na
nakatutulong sa mga mag-
aaral upang maging matatas
at malayang mambabasa.
Sa pinatnubayang pagbasa,
sinusunod ng guro ang mga
sumusunod na hakbang:
2.1 Tinutulungan ng guro
ang grupo ng mga mag-
aaral na gumamit ng mga
estratehiya sa pagbasa ng
teksto.
2.2 Pinipili ang angkop na
teksto. Sa gawaing ito,
dapat isaalang-alang ng
guro ang mga sumusunod:
2.2.1 nasa antas ng mga
mag-aaral na babasa
2.2.2 hindi pamilyar sa
mga mag-aaral
2.2.3 nakalilibang at
impormatibo
2.2.4 angkop sa gagawing
estratehiya ng pagtuturo
2.2.5 naglalaman lamang
ng 5 hanggang 10
minutong pagbabasa
2.2.6 kumakatawan sa
balanang tekstong
likhang-isip lamang o
tekstong makatotohanan
2.2.7 may sipi ang bawat
mag-aaral
2.3 Pagpapakilala sa teksto
2.4 Pagtalakay sa binasa
2.5 Pagtataya sa mga mag-
aaral matapos mabasa
ang kuwento
Mga Hakbang sa
Pinatnubayang Pagbasa
1. Paghahanda
1.1 Pumili ng tekstong
babasahin na simple
ngunit komprehensibo
ang nilalaman
1.2 Maghanda ng 10-20
aytem na pagsusulit sa
nilalaman ng teksto.
2. Layunin sa pagbasa
2.1 Ibigay ang paksa ng
tekstong babasahin
nang may layunin.
3. Magbasa at magbasa
3.1 Maglaan ng 10-15
minuto para
makumpletyo ang
pagbabasa nang tahimik.
3.2 Tanungin sila kung
ano ang kanilang
natatandaan.
3.3 Itala ang lahat ng
impormasyon.
4. Sariling pagwawasto
4.1 Hikayating maiwasto
ng mga mag-aaral ang
kanilang mga tugon sa
pamamagitan ng
pagbuklat sa aklat.
5. Muling pagbubuo
5.1 Hikayatin ang mga
mag-aaral na gumamit ng
graphic organizer.
Itanong kung ano ang
pangunahing ideya.
6. Pagwawasto ng guro
6.1 Kung hindi nakasagot
mabuti ang mga mag-
aaral, itanong kung alin sa
limang sagot ang tama.
7. Pagtataya
7.1 Ibigay ang pagsusulit
na binanggit sa unang
hakbang.
7.2 Ang markang 70% -
80% ang pasado.
8. Introspeksyon
8.1 Tanungin ang mga
mag-aaral kung ano ang
kanilang natutuhan.
3. Teacher-Directed
Recitation
3.1 Simpleng mga tanong
sa unang antas matapos
mabasa ang seleksyon ay
nakatutulong sa pagbibigay-
diin sa elemento sa:
3.1.1 pagtiyak sa
batayang
komprehensyon kung
ano ang binasa
3.1.2 partikular na uri
ng pagsagot sa tanong
na mahalaga sa tiyak
na uri ng material na
ginagamit.
3.1.3 paggamit ng
pamaraang jigsaw
3.1.3.1 Hatiin sa apat na
pangkat ang mga mag-
aaral.
3.1.3.2 Bawat pangkat ay
bibigyan ng takdang-
aralin.
3.1.3.3 Bigyan ng
pagkakataon ang mga
mag-aaral na basahin
ang itinakdang gawain
sa kanila.
3.1.3.4 Magtakda nang
isa sa bawat pangkat
na basahin, wastuin at
gamitin sa sariling
pangungusap ang
pagkaunawa nila sa
itinakdang babasahin.
3.1.3.4 Pabalikin ang
mga mag-aaral sa
kanilang pangkat para
sa presentasyon.
Mga hakbang sa Teacher-
Directed Recitation
1. Tulungan ang mga mag-
aaral na masabi ang
pagkakaiba ng recitation sa
talakayan.
2. Ang recitation ay
pagwawasto sa pag-unawa.
3. Gawing maikli – 9
hanggang 10 minuto
4. Tanungin ang bawat mag-
aaral.
5. Iwasang gamitin ang
recitation bilang parusa.
6. Huwag kalimutan ang
verification-level recitation.
7. Huwag kalimutan ang
pagsasalin (sariling
pangungusap ng mga mag-
aaral).
8. Subukin ang open-
minded recitation.
4. Inside-Outside Circle
4.1 Ito ay para sa
istrukturang
pangkolaboratibo ng
buong klase upang
matamo ang di-sapilitang
partisipasyon ng mag-aaral
habang iwinawasto /
binubuo ang batayang
komprehensyon.
Mga hakbang sa Inside-
Outside Circle
1. Paghahanda
1.1 Maghanda ng 15
tanong
pangkomprehensyon sa
kard.
15 mga tanong para sa 30
mag-aaral. Mga
pansaloobin at
pagtatayang mga tanong
ay maaaring gamitin.
1.2 Pabilangin sa 2 ang
mga mag-aaral. Lahat ng
kabilang sa Blg. 1 ay
pabilog na haharap sa labas.
Ang mga kabilang sa Blg. 2
ay nakaharap nang pabilog
sa mga may Blg. 1.
Hikayatin silang magbatian
at magkamay.
1.3 Ibigay ang mga kard
sa mga nasa loob ng
bilog. Tatanungin ng nasa
loob ng bilog ang
kanyang kaharap. Kung
mali ang sagot ng
kaharap, sasabihin niya
ang sagot
SA DAIGDIG NG HUNI,
UGONG AT TUNOG
ni Pat V. Villafuerte
(Pangatlong Gantimpala sa Gawad
Komisyon sa Maikling Kuwentong
Pambata 2007)
1. SABI NI LOLA, nang
ipanganak ako ni
Mommy ay kakambal ko
na ang musika. Inilabas
daw kasi ako na sa halip
na umire at magsisigaw
si Mommy ay paulit-ulit,
pataas nang pataas at
palakas nang palakas
niyang binibigkas nang
may tono ang DO-RE-MI-
PA-SO-LA-TI-DO.
Ang loob ng aming
bahay ay punung-puno
ng mga instrumentong
may iba‟t ibang laki,
hugis at tunog. Pamana
pa raw iyon kay Daddy
ng lolo ng lolo ng lolo ng
lolo niya. Itinuro sa akin
ni Daddy ang
pagkakaiba ng biyulin sa
cello, double bass, gitara at
harp. Siya rin ang
nagpakilala sa akin ng
flute, clarinet, piccolo at
saxophone. Siya rin ang
nagparinig sa akin ng
tunog ng trumpeta, cymbal,
tuba at cylophone.
Ang nakapagtataka,
hanggang ngayon ay
hindi ko alam tugtugin
ang mga ito.
Tuwing umaga,
pagkaalmusal ay parang
may concert sa bahay
namin. Walang tigil si
Mommy sa kapipindot sa
keyboard ng piyano
habang kumakanta si
Ate. Na sinasabayan
naman ni Daddy ng
pagtugtog sa biyulin. Sa
kulong na kuwarto sa
silong ng bahay ay abala
naman si Kuya sa
pagpalo sa kanyang
drum.
Titser sa musika si
Mommy. Kampeon si Ate
sa isang timpalak sa pag-
awit sa isang programa
sa telebisyon. Miyembro
ng isang kilalang
orkestra si Daddy.
Miyembro naman si
Kuya ng isang banda.
Kung ang ibang
pamilya ay pag-e-
ehersisyo ang libangan
pagkagising, kakaiba ang
pamilya ko. Walang
nagdya-jogging, walang
nagbabaras at walang
nagpu-push-up. Pag-awit
at pagtugtog ng mga
instrumento ang
libangan ng mga kasama
ko sa bahay.
Inaalikabok na ang
VCD player sa bahay
dahil hindi na
nagagamit. Sa gabi ay
pampaantok na lamang
ang gamit ng telebisyon.
Mangyari, ang daigdig
ni Mommy ay nasa
pagtugtog ng piyano.
Ang daigdig ni Ate ay
nasa pagkanta. Ang
daigdig ni Daddy ay
nasa pagtugtog ng
biyulin. Ang daigdig ni
Kuya ay nasa pagpalo ng
drum. Iba-iba ang
kanilang daigdig!
Pinili nina Mommy na
tumira kami sa isang
malaking bahay na
malayo sa mga kapit-
bahay. Ayaw nilang
makaistorbo at
makaperhuwisyo.
Pero bakit ganun?
Ako lang sa pamilya ang
walang hilig umawit at
tumugtog.
Tinuruan ako ni
Mommy na pumindot sa
keyboard ng piyano
ngunit . . .
“Ang hirap mong
turuan, Mac-Mac,” sabi
ni Mommy.
Ilang ulit na akong
tinuruang kumanta ni
Ate ngunit . . .
“Sintonado ka, Mac-
Mac,” puna ni Ate.
Ilang ulit na akong
tinuruan ni Daddy na
tumugtog ng biyulin
ngunit . . .
“Gusto mong baliin ko
„yang mga daliri mo,
Mac-Mac?” galit si
Daddy.
Ilang ulit na akong
tinuruan ni Kuya ng
tamang pagpalo ng drum
ngunit . . .
“Bubutasin mo ba „yang
drum, Mac-Mac?”
bulyaw ni Kuya.
Wala na tuloy sa akin
ang atensyon ni Mommy,
nasa pyano na niya.
Hindi na ako inaalagaan
ni Ate, boses na lang
niya. Hindi na ako
pinapasan ni Daddy,
biyulin na lang niya.
Hindi na ako ang laging
kasama ni Kuya, drum
na lang niya.
Puro pindot na lang si
Mommy. Puro kanta na
lang si Ate. Puro kalabit
na lang si Daddy. Puro
palo na lang si Kuya.
Pindot . . . Kanta . . .
Kalabit . . . Palo . . .
Mahal pa kaya nila ako?
Sa totoo lang,
naiingayan ako sa bahay
namin. Tuwing umaga,
kapag sabay-sabay kong
naririnig ang boses ni
Ate at tunog ng piyano
ni Mommy, biyulin ni
Daddy at tambol ni
Kuya ay tatawagin ko
na si Yaya para
tulungan akong
magbihis. Mas gusto ko
pa kasing maagang
pumasok sa iskul kaysa
mapakinggan ang pag-
iingay nina Mommy.
Kasi, kapag nagsimula
na ang concert sa bahay
namin ay . . .
Parang lalagpak ang
kisame ng bahay.
Parang babagsak ang
mga ilaw.
Parang mabibiyak ang
sementadong dingding.
Parang matatanggal
ang mga frame. Parang
gagalaw ang lahat ng
kabinet.
Parang mababasag ang
mga baso, platito‟t
pinggan.
Parang mabubuksan
ang mga gripo‟t kalan.
Parang iikot ang
buong bahay.
Parang lilindol.
Lilindol. Lilindoooool!
2. WALONG TAON PA
LANG AKO at grade two
sa iskul. Maaga akong
nagigising para pumasok.
Ginigising ako ng iba‟t
ibang tunog, huni, at
ugong sa paligid.
Kaysarap pakinggan!
“Twit! Twit! Twit!” ang
huni ng ibon.
“Klang! Klang!
Klang!” ang tunog ng
kampana.
“Tik! Tak! Tik! Tak!” ang
panggising ng orasan.
“Shhh! Shhh! Shhh!”
ang ugong ng hangin.
Mas gusto ko pang
marinig ang huni ng
alaga kong maya kaysa
sa boses ni Ate. Mas
gusto kong mapakinggan
ang tunog ng kampana
sa simbahan kaysa sa
tunog ng piyano ni
Mommy. Mas gusto ko
pang marinig ang tunog
ng malaking wall clock
kaysa sa tunog ng biyulin
ni Daddy. Mas gusto ko
pang mapakinggan ang
ugong ng hangin kaysa
sa kalampag ng drum ni
Kuya.
Sa iskul, noong itinuro
sa amin ni Miss
Harmoniya ang iba‟t
ibang huni, ugong at
tunog ay tuwang-tuwa sa
akin ang mga kaklase ko.
Ginaya ko kasi ang iba‟t
ibang hayop. Ginaya ko
ang kumpas at galaw ng
kanilang mga kamay at
paa. Ginaya ko ang
hugis at laki ng kanilang
katawan. Ginaya ko rin
ang kanilang mukha
habang nagsasalita.
Hinampas ko ang
aking tiyan at
tumingala. “Tiktilaok!
ang panggising ng
manok.”
Pinalaki ko ang aking
tiyan at pinatulis ko
ang aking nguso. “Oink!
Oink! Oink! ang iyak ng
baboy na malusog.”
Tinaas ko ang aking
mga kamay at pinalapad
ko ang aking mga
balikat. “Ik! Ik! Ik! ang
sigaw ng paniking
sumisiksik.”
Pinalaki ko ang aking
mga mata at lumundag-
lundag. “Kokak! Kokak!
Kokak! ang bigkas ng
palakang pandak.”
Ipinatong ko ang
dalawa kong hintuturo
sa aking ulo na parang
may sungay at
kumendeng-kendeng.
“Meeh! Meeh! Meeh!
ang awit ng kambing na
suhi”.
Tumalon ako nang
tumalaon at inilabas ang
aking dila . “Aw! Aw!
Aw! ang tahol ng asong
matakaw.”
Ikiniskis ko ang aking
mga kamay sa aking
pisngi. “Ngiyaw!
Ngiyaw! Ngiyaw! ang
iyak ng pusang ligaw.”
Tawa nang tawa si
Miss Harmoniya. Tawa
nang tawa pati ang
aking mga kaeskwela.
Pati yata ang bumbilya,
pisara, silya at mesa ay
tumatawa.
“Mga hayop lamang ba
ang kaya mong gayahin,
Mac-Mac? Paano ang
tunog at ugong ng mga
bagay?” tanong sa akin
ni Miss Harmoniya.
Pinakilos ko ang aking
mga braso‟t kamay.
Pinagalaw ko ang aking
mga paa‟t balakang.
Pinaikot ko ang aking
ulo. Pinangiti ko ang
aking bibig.
Nameywang ako at
ginagalaw-galaw ang
ulo‟t balakang. “Tik! Tak!
Tik! Tak! Tik! Tak! ang
panggising ng orasang
wasak.”
Itinulis ko ang aking
nguso at ipinasok ang
dalawa kong daliri sa
aking bibig. “Prrit! Prrit!
Prrit! ang tunog ng
pitong makulit.”
Inusug-usog ko ang
aking mukha‟t dibdib.
“Tsug! Tsug! Tsug! ang
hudyat ng treng
sumusugod.”
Ginalaw-galaw ko ang
aking mga daliri na
parang tumitipak-tipak.
“Takatakatak!
Takatakatak!
Takatakatak! ang tunog
ng makinilyang basag.”
Puring-puri ako ni Miss
Harmoniya. Pwede raw
akong artista. Mahusay
raw akong umarte at
magpatawa.
Pinalakpakan ako ng
aking mga kaklase
habang wala silang tigil
sa katatawa. Sa buong
klase ay ako ang bida.
3. ANG SAYA-SAYA
KO nang kaming buong
pamilya ay nagpunta
sa beach. Sa wakas,
nasa akin na ang
atensyon ni Mommy.
Aalagaan na ako ni Ate.
Papasanin na ako ni
Daddy. Sasamahan na
ako ni Kuya.
Pero bakit ganun? Ang
akala ko‟y kain at langoy
lang ang dinayo namin
sa beach. Pagkakain,
inilabas ni Mommy ang
keyboard ng piyano.
Nag-praktis ng pagkanta
si Ate. Nag-biyulin si
Daddy. Walang tigil sa
pagda-drum si Kuya.
Hanggang beach ba
naman sinusundan ako
ng ingay?
Iniwan ko sila.
Nagtatakbo ako. Isa
lang ang naisip kong
puntahan. Isa lang ang
naisip kong gawin.
Sisid dito, sisid doon.
Langoy rito, langoy roon.
A, kaysarap lumangoy.
Kaylamig ng dagat.
Ngunit bakit parang
idinuduyan ako ng mga
alon? Bakit parang
papalayo ako nang
papalayo? Bakit parang
papalubog ako nang
papalubog? Bakit
parang wala na akong
makita? Bakit parang
wala na akong
maramdaman? Kung
kani-kaninong tinig ang
naririnig ko!
“Mabuti‟t may
nakakita sa bata habang
nalulunod . . . Malakas
ang alon kaya nahirapan
ako sa pagsagip . . . Wala
bang kasama ang bata?
Mabuti‟t dumating na
ang lifeguard . . . First
aid muna bago natin
ilipat sa malapit na
ospital . . . Paraanin
ninyo kami . . . Sila
siguro iyong mga
magulang ng bata . . .”
“Dok, gawin ninyo ang
lahat ng inyong
magagawa.
Magbabayad kami kahit
magkano. Mabuhay
lamang ang aming anak .
. .” Tinig ni iyon ni
Mommy, hindi tunog ng
kanyang piyano.
“Mahal ka namin, Mac-
Mac. Hindi mo iiwan
ang Ate, di ba?” Tinig
iyon ni Ate, hindi siya
kumakanta.
“Mac-Mac, gumising
ka, anak. Gising . . .
Huwag kang patatalo,
anak . . .” Tinig iyon ni
Daddy, hindi tunog ng
kanyang biyulin.
“Kaya mo „yan, Mac-
Mac. Lumaban ka.
Nandito lang ang kuya.”
Tinig iyon ni Kuya, hindi
tunog ng kanyang drum.
Iyon ang huli kong
narinig. Biglang
humihip ang malakas na
hangin. Parang may
ipu-ipong dumating.
Iniikot ang buo kong
katawan. Papaikot nang
papaikot. Papataas nang
papataas. Sinasalubong
ako ng maraming ulap.
Mapuputi at makakapal
na ulap. Iba‟t ibang
himig ang aking
naririnig. Iba‟t ibang
huni. Iba‟t ibang ugong.
Iba‟t ibang tunog.
Nasaan ako? Nasaan
ako?
Mayamaya‟y para
naman akong
bumabagsak. Pababa
nang pababa. Pabagsak
nang pabagsak. Mabilis.
Napakabilis!
“Ligtas na po ang anak
ninyo, Misis. Kailangan
lang niyang magpahinga.
Sundin ninyo ang oras ng
pagpapainom ng gamot.
Oobserbahan muna natin
siya hanggang bukas.
Samakalawa ay maaari
na siyang makalabas ng
ospital.”
4. PAPAUWI NA
KAMI ng bahay. Sa loob
ng kotse ay yakap ako ni
Mommy. Hagud-hagod ni
Ate ang ulo ko. Panay
ang tanong ni Daddy
kung ano ang gusto kong
kainin. Panay naman
ang sabi ni Kuya na
ipapasyal niya ako.
Mahal na mahal nila
ako!
Sa labas ay nadaanan
namin ang iba‟t ibang
hayop na ginagaya ko sa
iskul. Ibig ko nang
pumasok. Ibig ko nang
magparinig ng iba‟t
ibang huni, ugong at
tunog. Ibig kong marinig
muli ang papuri ni Miss
Harmoniya. Ibig kong
marinig muli ang
palakpak at tawanan ng
buong klase.
At sa bahay?
Gagayahin ko ang laki,
hugis, anyo, at galaw ng
mga hayop pati na ng
mga bagay. Iparirinig ko
kina Mommy ang huni,
ugong at tunog ng mga
ito. Bago mag-piyano si
Mommy. Bago kumanta
si Ate. Bago mag-biyulin
si Daddy. Bago mag-
drum si Kuya.
Tiyak, sila naman ang
pupuri at papalakpak sa
akin.
AKLASAN
ni Amado V. Hernandez
I.
Ngangatigil
ang gawain
sa bukirin.
Nagpahinga
ang makiina
sa pabrika.
Nangatiwangwang
ang daunga’t
pamilihan.
At sa madla
ay nagbanta
ang dalita.
Nanlupaypay
ang puhunan
at kalakal.
Nangagsara
ang lahat na . . .
Welga! Welga!
Bawat sipag
bawat lakas
ay umaklas.
Ulong yuko’y
itinayo
diwang dungo.
Ang maliit
na ginahis
ay nagtindig.
Pagkat bakit
di kakain ang
ang nagtanim.
Ang naglitson
ng malutong
patay-gutom
Ang nagbihis
sa makisig
walang damit.
Ang nagbihis
sa makisig
walang damit.
Ang yumari
ng salapi
nanghihingi.
Ang gumawa
ng dambana’y
hampaslupa.
Ang bumungkal
niyang yaman
nangungutang.
II.
Bakit? Bakit?
laging lupig
ang matuwid.
Di nasunod
pati Diyos
na nag-utos.
Di tinupad
binaligtad
pati batas.
Ah, kawawa
ang paggawa
at ang dukha.
Laging huli,
laging api,
laging bigti!
May lunas bang
hihigit pa
sa sandata?
Ang aklasa’y
di tagumpay
kung sa bagay.
Nalilibid
ng panganib
dusa’t sakit.
Pagkat ito
ay simbuyong
sumusubo.
Pagkat ningas
na nagliyab
ay sumilklab.
Pagbabangon
ng ginutom
at inulol.
Himagsikan
ng nilinlang
at pinatay.
Buong sumpa,
poot, luha
ng paggawa.
Katapusan
ng kasamaa’t
pangangamkam.
At sa wakas,
bagong batas,
bagong palad.
III
Ngunit habang may pasunod
na ang tao’y parang hayop,
samantalang may pasahod
na anaki’y isang limos,
habang yaong lalong subsob
at patay sa paglilingkod
ay siyang laging dayukdok
habang pagpapabusabos
ang mga paupa ng pagod,
habang daming nanananghod
sa pagkaing nabubulok
ng masakim at maramot,
habang laging namimintog
sa labis na pagkabusog
ang hindi nagpawis halos,
at habang may walang takot
sa lipunan at sa Diyos,
at may batas na baluktot
na sa ila’y tagakupkop,
ang aklasan ay sisipot
at sasabog ng poot,
Maraming
Salamat Po
at
Maligayang
Pagbabasa!