Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig

Document Sample
Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig Powered By Docstoc
					Mga Akdang Nakaimpluwensya sa
Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig
• Banal na Kasulatan/Bibliya
(Aramaic, Latin, Griyego, Hebreo)
• Koran mula Arabia
(Arabic)
• Iliad at Odyssey ni Homer (Griyego)
• Mahabharata ng India (Sanskrit)
• Canterbury Tales ni Chaucer (Old English)
• Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe
(Modern English)
• Divina Comedia ni Dante Alighieri (vulgar Italian)
• El Cid Compeador (Espanyol)
• Isanlibo at Isang Gabi (Arabic at
  Persyano)
• Aklat ng mga Araw ni Confucius (Intsik)
• Aklat ng mga Patay ng Ehipto
• Awit ni Rolando (Pranses)
Mga Akdang Nakaimpluwensya sa
Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig
• {Pinakamahabang epiko}
   Mahabharata
• {Pag-uyam sa pag-uugali ng mga Ingles}
  Canterbury Tales
• {Pananaw sa impyerno, langit at
  purgatoryo}
  Divina Comedia
• {Pananampalatayang Kristyano}
  Banal na Kasulatan/Bibliya
Mga Akdang Nakaimpluwensya sa
Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig
• {Pang-aalipin sa mga Itim}
  Uncle Tom’s Cabin
• {Islam}
  Koran
• {Mitolohiya ng Gresya}
  Iliad at Odyssey
• {Espanya}
  El Cid Compeador
• {Arabo at Persyano}
  Isanlibo at Isang Gabi
• {Intsik}
  Aklat ng mga Araw
• {Ehipto}
  Aklat ng mga Patay
• {Pranses}
  Awit ni Rolando
   Ilang Kuru-kuro ukol sa mga akdang
 nakaimpluwensya sa panitikan ng Pilipinas

• Karamihan ay nakasulat sa wikang HINDI
  INGLES
• Karamihan ay mga akdang Europeo
• Salamin ng kolonyal/kolonisadong pag-
  iisip ng mga Pilipino (utak-Kanluranin)
Ang Mga Panahon ng
     Panitikan
    sa Pilipinas
(Historikal na Dulog/Approach)
Panahong Katutubo/Pre-Kolonyal/
 Bago Dumating ang mga Kastila
        (BAGO mag-1521)
Panahong Katutubo/Pre-Kolonyal/
 Bago Dumating ang mga Kastila
Ang panitikan sa panahong ito ay…
• Karaniwang pasalindila (oral)
• Tumatalakay sa paraan ng pamumuhay (way of
  life) ng ating mga ninuno
• Nagpapatunay na MAY
  SIBILISASYON/KABIHASNAN na ang mga
  katutubo sa Pilipinas bago pa dumating ang
  mga Kastila
• Matatagpuan din sa mga palayok, banga,
  kawayang bumbong (isang species ng bamboo)
  atbp. kung nakasulat
          Anyo ng Panitikan sa
          Panahong Katutubo
•   Alamat
•   Kwentong Bayan
•   Epiko
•   Awiting Bayan
•   Bugtong
•   Salawikain at Kasabihan
            Iba’t Ibang Epiko
•   Bidasari (Moro)
•   Tatuang, Tulalang, Tuwaang (Bagobo)
•   Parang Sabir (Moro/Tausug)
•   Haraya (Bisaya)
•   Maragtas (Bisaya)
•   Kumintang (Tagalog)
•   Biag (Buhay) ni Lam-Ang (Ilokano)
•   Ibalon (Bicolano)
•   Bantugan (Muslim/Maranao)
           Iba’t Ibang Epiko
•   Labaw Donggon (Ilongo)
•   Handiong (Bikol)
•   Hudhud (Ifugao)
•   Alim (Ifugao)
•   Hinilawod (Bisaya)
•   Indarapatra at Sulayman (Magindanaw)
               Awiting Bayan
•   Oyayi/hele (pagpapatulog ng bata)
•   Kalusan (paggawa)
•   Kundiman (pag-ibig)
•   Diona (kasal)
•   Kumintang/tagumpay (pandigma)
•   Dalit/himno (pagsamba sa anito/panrelihiyon)
•   Dung-aw (pagdadalamhati/pagluluksa sa patay)
•   Soliranin (pagsasagwan)
•   Talindaw (pamamangka)
               Mga Bugtong
• Gintong binalot ng pilak/pilak na binalot ng balat.
  (itlog)
• Hindi hayop, hindi tao/walang gulong tumatakbo.
  (agos ng tubig)
• Dahong pinagbungahan/bungang
  pinagdahunan.
  (pinya)
• Bumili ako ng alipin/mataas pa sa akin.
  (sombrero)
• Pinihit ko si kaibigan, bumukas ang daanan.
  (susi)
                Mga Bugtong
• Nang bata’y submarino, nang tumanda’y eroplano.
  (lamok)
• Natuwa ang nawalan, nagalit ang nakakuha.
   (utot)
• Prutas na kaysarap kainin, may itim na perlas kung
   hatiin.
   (papaya)
• Isang pindot ng daliri, impormasyo’y sari-sari.
   (internet)
• Tubig sa kaitaasan, ang ulo’y bilugan.
   (niyog/buko)
     Salawikain at Kasabihan
• Ang hipong palatulog, inaanod ng agos.
• Kung may isinuksok, may madudukot.
• Ang magtanim ng hangin, bagyo ang
  aanihin.
• Kung may tiyaga, may nilaga.
• Umiwas sa baga, sa apoy nasugba.
• Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa
  sarili.
      Panahon ng
Kolonyalismong Espanyol
      (1521?-1860s)
           Panahon ng
     Kolonyalismong Espanyol
Ang panitikan sa panahong ito ay…
• Karaniwang pasulat
• Tumatalakay sa paksang panrelihiyon
• Salamin ng kulturang Kanluranin (western)
• Karaniwang nakasulat sa wikang Espanyol
Mga Unang Aklat na Nilimbag
• Doctrina Cristiana (bilinggwal na
  katesismo; aklat ng mga panalangin atbp.)
  Hal. “Ylan po ang Dios?” “Isa po laman,
  datapuat may tatlon persona.”
• Nuestra Señora del Rosario (novenario;
  aklat ng nobena/debosyon sa Mahal na
  Birhen)
         Bersyon ng Pasyon
• Padre Gaspar Aquino de Belen
• Luis Guian
• Padre Mariano Pilapil (pinakagamitin ang
  kanya)
• Padre Aniceto dela Merced
    Halimbawa ng
mga saknong sa pasyon
       Panitikang Didaktiko
• Nangangaral
• Nagbibigay ng mga tuntuning dapat
  sundin sa maayos na pamumuhay
• Dalawang pangunahing halimbawa:
  “Pagsusulatan ng dalawang binibinbi na
  sina Urbana at Feliza” (Padre Modesto de
  Castro)
  “Tandang Basio Macunat”
         Ang Awit at Korido
• Hango sa mga akdang Europeo
• Romantisista
• Eskapista
• Kasangkapan upang maipalaganap ang
  kolonyal na pag-iisip
• Ginamit din ng mga Pilipino upang ilantad
  at tuligsain ang pagmamalabis ng
  gobyernong kolonyal
        Duplo at Karagatan
• Patulang pagtatalo na may halong malalim
  na pagpapatawa/humor/wit
• Isinasagawa sa burol/lamay/wake at sa
  pasiyam, anibersaryo ng pagkamatay
  atbp.
• Pang-aliw sa kamag-anak ng yumao
• Pampalipas-oras sa mga gabi ng lamay
                Karilyo
• Puppet show (anino ng mga tau-tauhang
  gawa sa karton na nasa likod ng puting
  tabing na iniilawan ng gasera/lamp sa
  likuran nito)
       Moro-moro/Komedya
• Magarbong presentasyon
• Isinasagawa sa tanghalan na itinayo sa
  lansangan
• Ginamit na kasangkapan upang
  ipalaganap ang Kristyanismo
• Romantisista
• Kanluraning tagpuan/setting
    Mga Dulang Panrelihiyon
• Tibag (ukol sa paghahanap ni Emperatris
  Santa Elena sa krus ni Kristo)
• Senakulo (ukol sa pagpapakasakit,
  pagkamatay at muling pagkabuhay ng
  Panginoong Hesukristo)
• Panunuluyan (ukol sa paghahanap ng
  matutuluyan ng Banal na Mag-anak sa
  panahong kagampan/manganganak na
  ang Birheng Maria)
         Ang unang “tula”
May bagyo ma’t may rilim
ang ola’y titigisin,
aco’y magpipilit din:
aking paglalakbayin
tuluyin kong hanapin
Diyos na ama namin.
         Tulang bilinggwal
• Nililikha ng mga LADINO (makatang
  bihasa sa Tagalog at Espanyol)
• Karaniwang nakasingit lamang sa mga
  aklat sa gramatika o kaya’y katesismo
• Mga LADINO: Fernando Bagongbant at
  Pedro Suarez Osorio
              “Tunay na Tula”
• Phelipe de Jesus ng San Miguel, Bulacan – ang “unang
  tunay na makata” sa Tagalog
  “Ybong camunti sa pugad      A small bird in the nest
  sa inang inaalagad           Nurtured by its mother
  ay dili macalipad            is unable to fly
  hangan sa di magcapacpac     until its wings develop.

  Loob ninyong masilacbo        Your angry feelings
  parang ningas na alipato      are like flying embers
  sa alapaap ang tongo          that will go to the sky
  ay bago hamac na abo.         and become lowly ash.
 Panahon ng Kilusang Propaganda/
Pagbabagong-Diwa/Pagbabagong-Isip
           (1860s-1892)
 Panahon ng Kilusang Propaganda/
Pagbabagong-Diwa/Pagbabagong-Isip
    Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
•   Tumutuligsa sa pang-aabuso ng gobyernong
    kolonyal
•   Nagkikintal ng pagkamakabayan
•   Humihingi ng reporma
•   Humuhubog ng sariling pagkakakilanlan ng mga
    Pilipino (pinauso ang pagtukoy sa mamamayan
    ng Pilipinas na Filipino; ikinarangal ang pagiging
    indio)
•   Nakasulat sa Espanyol (sapagkat nais nilang
    magbago ang mga Kastila; hindi PA nila nais na
    maging malaya ang Pilipinas)
    Mga Repormang Hinihingi ng
      Kilusang Propaganda
• Asimilasyon ng Pilipinas bilang
  lalawigan/probinsya ng Espanya
• Iba’t ibang karapatan para sa mga Pilipino
  na tinatamasa ng mga Espanyol sa
  Espanya (malayang pamamahayag,
  pagpoprotesta, pagpupulong atbp.)
• Pilipinisasyon ng mga parokya
• Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa
  Cortes (ang tawag sa
  parlamento/parliament ng Espanya)
              Mga Nobela
• La Loba Negra (Ang Babaeng Lobong Itim) ni
  Padre Jose Burgos – pinaniniwalaang
  nakaimpluwensya rin sa mga 2 obra maestra ni
  Rizal
• Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose
  Rizal
• Fray Botod (ayon sa ibang aklat ay maikling
  nobela ngunit sa aktwal ay maikling kwento) ni
  Graciano Lopez-Jaena – ukol sa masasamang
  katangian ng mga prayle sa Pilipinas noon
• Ninay ni Pedro Paterno – diumano’y kauna-
  unahang “nobelang panlipunan”
             Mga Sanaysay
• Filipinas Dentro de Cien Años (Ang Pilipinas
  Pagkalipas ng 100 Taon) ni Jose Rizal – mga
  hula ni Rizal ukol sa kahihinatnan ng Pilipinas:
  binanggit niya na posibleng sakupin tayo ng
  Estados Unidos sa ating paglaya at totoo nga…
• Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa
  Katamaran ng mga Pilipino) – sinagot
  (sinupalpal) ni Rizal ang mga buladas ng mga
  Kastila na diumano’y tamad ang mga Pilipino
           Mga Sanaysay
• Sa Mga Kababayang Dalaga sa Malolos
  (liham) ni Jose Rizal – isa sa mga akdang
  Tagalog ni Rizal na naging popular;
  nagbibigay-inspirasyon at -papuri sa mga
  kababaihan ng Malolos, Bulacan na nais
  magtayo ng paaralang pambabae sa
  kanilang bayan
            Mga Sanaysay
• La Frailocracia en Filipinas
  (Pangingibabaw ng mga Prayle sa
  Pilipinas) – tumutuligsa sa katiwalian at
  kawalang-katarungan at pangingibabaw
  sa Pilipinas ng mga prayle noon
   Parodiya (Parody/Lampoon)
• Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del
  Pilar – koleksyon ng Katesismo at mga
  dasal na pinarodiya upang tuligsain ang
  mga prayle
         Ilang bahagi ng
      “Dasalan at Tocsohan”
Aba ginoong barya, nakapupuno ka ng
alkansya. Ang prayle ay sumasaiyo.
Bukod ka niyang pinagpala’t pinahigit sa
lahat. Pinagpala rin naman ang kaban
mong mapasok. Santa barya, ina ng
deretso, ipanalangin mo kaming huwag
anitan at kami’y ipapatay. Siya nawa.
salin ng Aba Ginoong Barya
Hail oh coin, you fill up the piggy bank.
The friars are with you. Blessed are you
among all and further multiplied by the
friars. And blessed also is the chest that
you enter. Holy coin, mother of rights, pray
for us so that we will not be scalped and
be assassinated. Amen.
              Mga Tula
• Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya ni
  Hermenigildo Flores
• Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
  ni Marcelo H. del Pilar
          Mga Pahayagan
• Diariong Tagalog (unang pahayagang
  Tagalog) – pinamatnugutan ni Marcelo H.
  Del Pilar
• La Solidaridad (Espanyol ang wika) –
  opisyal na pahayagan ng Kilusang
  Propaganda; pinamatnugutan nina
  Graciano Lopez-Jaena at Del Pilar.
     Tatlong Haligi ng Kilusang
            Propaganda
• Jose Rizal (Laong-laan/Dimasalang)
• Marcelo H. del Pilar (Dolores Manapat;
  Pupdoh; Piping Dilat; Plaridel)
• Graciano Lopez-Jaena
     Iba Pang Propagandista
• Jose Maria Panganiban (Jomapa)
• Mariano Ponce (Naning; Tikbalang;
  Kalipulako)
• Isabelo de los Reyes
• Antonio Luna
• Pedro Paterno (bagamat malao’y 2 beses
  magtataksil sa Pilipinas)
• Pascual Poblete
Panahon ng Himagsikan/
 Rebolusyon ng 1896 at
  ng Unang Republika
      (1892-1899)
      Panahon ng Himagsikan/
        Rebolusyon ng 1896
  Ang panitikan sa panahong ito ay
  karaniwang…
• Nananawagan ng himagsikan
• Nakasulat sa bernakular (wikang katutubo)
• Nagpapahayag ng marubdob na
  pagkamakabayan
              Mga Tula
• Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andres
  Bonifacio – tahasang nananawagan ng
  pagbaklas/paghiwalay ng Pilipinas sa
  “Inang Espanya”
• Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal
• Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres
  Bonifacio
• Filipinas ni Jose Palma – pinagbatayan
  ng liriko/titik ng Pambansang awit
             Bahagi ng
   “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik,
ang anak, asawa, magulang, kapatid,
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

If this country will be endangered
and if she needs protection,
children, wife, parent and brethren
shall be left to heed her call.
Bahagi ng “Katapusang Hibik…”
Ang lupa at bahay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan
at gayon din pati ng mga halaman
sa paring Kastila ay binubuwisan.

Paalam na, Ina, itong Pilipinas
Paalam na, Ina, itong nasa hirap,
Paalam, paalam, Inang walang habag.
Paalam na ngayon, katapusang tawag.
           Mga Sanaysay
• Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio
  Jacinto – ukol sa masasamang dulot ng
  pag-ibig sa ningning ng kayamanan
• Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog ni
  Andres Bonifacio – panawagan sa mga
  Pilipino na tuklasin kung saan nagmula
  ang mga paghihirap na kanilang dinaranas
  (sa KOLONYALISMO/Pananakop at
  pangingibabaw ng mga dayuhan)
           Mga Sanaysay
• El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na
  Sampung Utos) ni Apolinario Mabini –
  sampung utos na kahawig ng 10 Utos sa
  Bibliya; nagbibigay-diin sa pag-ibig sa
  bayan at kapwa
• Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto –
  naglalaman ng mga tuntuning dapat
  sundin ng mga Katipunero
           Mga Sanaysay
• Ordenanzas dela Revolucion at
  Programa Constitucional dela
  Republica Filipina ni Apolinario Mabini –
  dokumentong nagpapahayag ng mga
  patakaran ng gobyernong rebolusyunaryo
  ng mga Pilipino (na malao’y magiging
  republikano); binanggit sa Ordenanzas…
  ang reporma sa lupa
  Ilang bahagi ng “Ang Dapat
  Mabatid ng Mga Tagalog”
Itong Katagalugan (Pilipinas) na
pinamahalaan ng unang panahon ng ating
tunay na mga kababayan niyaong hindi pa
tumutungtong sa mga lupaing ito ang mga
Kastila ay nabubuhay sa lubos na
kasaganaan at kaginhawahan….bata’t
matanda at sampung (pati) mga babae ay
marunong bumasa at sumulat ng talagang
pagsulat nating mga Tagalog (ang
alibata)…
  Ilang bahagi ng “Ang Dapat
  Mabatid ng Mga Tagalog”
Itinuturo ng katwiran na huwag sayangin
ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong
kaginhawahan na hindi darating at
mangyayari. Itinuturo ng katwiran ang
tayo’y umasa sa ating sarili at huwag
antayin sa iba ang ating kabuhayan…
          Mga Pahayagan
• Kalayaan – opisyal na pahayagan ng
  Katipunan
• Heraldo dela Revolucion [Tagapagbalita
  ng Himagsikan] – opisyal na pahayagan
  ng Republikang Pilipino
• La Independencia [Ang Kalayaan] –
  pahayagang pinamatnugutan ni Heneral
  Antonio Luna
Panahon ng Kolonyalismong
        Amerikano
       (1900s-1942)
      Panahon ng Kolonyalismong
              Amerikano
    Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
•   Nagpapakita ng dalawang pwersang
    nagtutunggalian
•   Nakasulat sa wikang Katutubo, Kastila at Ingles
•   Tumatalakay sa pagkamakabayan o kaya’y mga
    paksang romantisista
•   Nananawagan ng pagpapatuloy ng rebolusyon o
    pagpapailalim sa mga Amerikano
•   Nagsisikhay na mapanatili ang sariling identidad
    o nangongopya ng mga estilong Kanluranin
      Bakit sa Espanyol pa rin
         nagsulat ang iba?
• Protesta sa pananakop ng mga Amerikano
  na nagsasalita ng Ingles
• Mas matulain at mas akma sa panitikan
  ang Kastila kaysa Ingles, ayon sa kanila
• Bibihira pa ang sanay mag-Ingles sa mga
  unang taon ng pananakop ng Amerikano
• Espanyol pa rin ang wika ng mga
  intelektwal noon
    Mga Manunulat sa Kastila
• Cecilio Apostol – sumulat ng mga tulang handog sa mga
  bayani at tumutuligsa sa mga Amerikano
• Fernando Ma. Guerrero – naglabas ng
  antolohiya/koleksyon ng mga tula na pinamagatang
  Crisalidas (“Mga Higad”)
• Jesus Balmori – may sagisag na Batikuling (isang uri ng
  puno); “poeta laureado” (poet laureate)
• Manuel Bernabe – makatang liriko
• Claro M. Recto – naglabas ng antolohiyang Bajo Los
  Cocoteros (“Sa Lilim/Shade ng Niyugan”)
• Apolinario Mabini – “utak ng Himagsikan”; ipinatapon ng
  mga Amerikano sa Guam dahil popular sa taumbayan
  ang kanyang mga sinusulat
   Mga Nagsulat sa Tagalog
• Julian Cruz Balmaceda – sumulat ng
  “Bunganga ng Pating”
• Lope K. Santos – nobelista at
  mambabalarila (grammarian); Ama ng
  Balarilang Tagalog
• Jose Corazon de Jesus – “Huseng
  Batute”; “Makata ng Puso/Pag-ibig”
• Pascual Poblete – sumulat ng pasyon na
  anti-prayle
   Mga Nagsulat sa Tagalog
• Florentino Collantes – batikang duplero;
  “Kuntil-Butil”
• Amado V. Hernandez – “Makata ng mga
  Manggagawa”
• Valeriano Hernandez-Peña – “Tandang
  Anong”; nobelista
• Iñigo Ed Regalado – “Odalager”;
  kwentista, nobelista at peryodista
 Mga Nagsulat sa Tagalog at Iba
     Pang Wikang Katutubo
• Severino Reyes – “Ama ng Dulang
  Tagalog”
• Aurelio Tolentino – “Ama ng Dulang
  Kapampangan”
• Juan Crisostomo Sotto – “Ama ng
  Panitikang Kapampangan”
• Hermogenes Ilagan – mandudula
  (playwright)
• Patricio Mariano – kwentista
    Mga Nagsulat sa Ingles
• Jose Garcia Villa – makatang Pormalista
  (art for art’s sake); “Doveglion”
• Zoilo Galang – nagsulat ng unang nobela
  sa Ingles
• Zulueta de Costa – makata
• N.V.M. (Nestor Vicente Madali) Gonzales
  – kwentista
• Paz Marquez Benitez – kwentista
•   Maximo Kalaw – nobelista
•   Juan Laya – nobelista
•   Leon Arguilla – kwentista
•   Nick Joaquin – kwentista
             Mga Sanaysay
• El Desarrollo Caida Dela Republica Filipina
  (Ang Pagbagsak ng Republikang Pilipino) ni
  Apolinario Mabini – tumatalakay sa pagtataksil
  ng mga Pilipinong ilustrado sa Unang Republika
  ng Pilipinas
• Aves de Rapiña (Mga Ibong Mandaragit-
  EDITORYAL; iba pa sa nobela ni AVH) –
  tumutuligsa sa Amerikanong ganid at tiwali;
  nilathala sa pahayagang “El Renacimiento”;
  ipinasara ang pahayagan at ipinakulong ang
  mga editor at ibinenta/isinubasta ang lahat ng
  ari-arian ng dyaryo
   Isinaling sipi ng Aves…

Sa daigdig, ang ilang tao ay ipinanganak
upang kumain o manila (to prey upon), at
ang iba nama’y para kainin o silain (to
become prey).
Inuutos niya sa pamamagitan ng mga
lihim na ahente at m
              Mga Tula
• Al Yanqui ni Apostol – tumutuligsa sa
  pananakop ng mga Amerikano
• Maria Clara ni Guerrero – nagpapahayag
  ng pagluluksa dahil sa inagaw na
  kalayaan
• Pasyong Poblete – tumuligsa sa mga
  prayle sa pamamagitan ng tulang estilong
  pasyon
                Mga Tula
• Kahapon, Ngayon at Bukas (IBA PA SA
  DULA) ni Aurelio Tolentino – alegorikal at
  sarkastikong batikos sa huwad na kabaitan ng
  Estados Unidos
• Sa Dakong Silangan (“modernong awit”) ni
  Jose Corazon de Jesus – alegorikal na
  pagtalakay sa kasaysayan ng Pilipinas mula
  pagdating ng mga Kastila hanggang sa
  pagdating ng mga bagong mananakop
  (Amerikano)
               Mga Tula
• Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus –
  tumutuligsa sa pananakop ng dayuhan at
  nagbibigay-pag-asa na balang araw,
  lalaya rin ang bayan (nilapatan ng musika
  ni Prop. Constancio de Guzman kaya
  naging awit)
• Mahalin Ang Sariling Wika ni Joaquin
  Mañibo
             Mga Tula
• Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking
  Bayan ni Amado V. Hernandez
• Ang Lumang Simbahan ni Florentino
  Collantes
       Sipi mula sa “Kung Tuyo na ang
            Luha Mo, Aking Bayan”
Lumuha ka, aking bayan, buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika…

(Weep, my country, with all sadness weep for
the miserable plight of your poor land:
the flag that symbolizes you is eclipsed by a foreign banner,
even your language of heritage is enslaved by another.)
   Sipi mula sa “Kung Tuyo na ang
        Luha Mo, Aking Bayan”
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos…

[Weep over a thousand and one tragedies that conspired
to heap burdens upon you, tonic for the foreigners:
all of your treasure chests have been totally emptied,
all of your liberties were simultaneously murdered.
           Sipi sa tulang
    “Al yanqui”(Sa mga Yankee)
             ni Apostol
¡Yankee!
Si mis estrofas logra sobrevivirme,
sus palabras vibraran
en los siglos venideros el odio eterno
del eterno paria.
(Yankee!
Should my lines outlive me,
their words will make known
to future ages the eternal outcast’s
eternal hatred.)
           Sipi sa tulang
      “Maria Clara” ni Guerrero
             ni Apostol
Lore sobre nosotros,
alma hermana,
Sobre esta tierra que te
quiere y te nombra…
¡Todavia no surge la mañana!
¡Todavia lloramos en la sombra!

{Weep over us, sister spirit
Weep for this land which
loves you and calls on you…
Morning still has not come!
We are still weeping in the shadows!}
Sipi sa tulang “Kahapon, Ngayon at
       Bukas” (iba pa sa dula)
 (Nagsasalita ang Estados Unidos
 At sasagot ang Pilipinas:)
 Ang tunay kong nais kayo ay turuan
 ng pamamahala nitong inyong bayan
 saka pagkatapos sa inyo’y ibigay
 ang pagsasarili ng malayang buhay.

 Ani Kalayaan: Aking hinihiling
 Itong aking baya’y iyong palayain
 Pabayaan akong gumawa ng aming
 Mga kautusang sukat kailanganin.
Sipi sa tulang “Kahapon, Ngayon at
       Bukas” (iba pa sa dula)
 (patama sa Estados Unidos:)
 Siya palibhasa ay MALAKING hari
 Sa ibayong dagat MALAKI ang lahi
 kaya MALALAKI lahat niyang gawi
 at lalong MALAKI gugol na salapi.

 Pawang MALALAKI ang ginawang bahay
 at MALALAKI rin ang tulay at lansangan
 at lalo pang MALALAKI naman
 ang lahat ng buwis na pataw sa bayan
Sipi mula “Sa Dakong Silangan”
(Patama sa katangahan ng ilang Pilipinong maka-
Amerikano)
Sa gayo’y pamuling lumamlam ang araw
nitong sawing lahi sa dakong silangan;
Mayroon bayan palang kahit sinasakal,
ay di mo makita ang bakas ng kamay.

(Patama sa edukasyong Kanluranin/Kano:)
At ang kabataang tila nabubulag
kay dami ng aklat ngunit walang aklat
libo-libong aral, laksa-laksang pilak
paglabas sa templo’y dayuhan ang utak.
Sipi mula “Sa Dakong Silangan”
(Tagubilin sa kabataan:)
Kayong kabataang pag-asa ng bukas
huwag mangawili sa masayang palad
habang ang bayan mo’y may kadena’t hirap
paglaya’y hanapin sa aklat o tabak.

{Oh young men and women, tomorrow’s hope,
do not be intoxicated with the good life
while your country’s enslaved and oppressed
seek out liberty in books or through force.}
         Sipi mula “Mahalin
         Ang Sariling Wika”
Ang wikang sarili’y arteng mahiwaga
landasin ng bayan sa pagkatimawa
ngunit kapag ito’y hindi nakalaya
malulugami na sa pagdaralita

{A nation’s language is a mysterious art
the path of a country towards freedom
but if it fails to be liberated
the nation will miserably stay in poverty.}
                Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas,
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag

At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
               Bayan Ko
Ibong mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
ang di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal-laya.
                Mga Dula
• Walang Sugat (sarswela) ni Severino Reyes –
  ukol sa pag-iibigan ng isang babae at ng
  Katipunero
• Napun, Ngeni at Bukas [Kahapon, Ngayon at
  Bukas] sarswela ni Aurelio Tolentino – tuligsa sa
  pananakop ng mga Amerikano; ipinaaresto si
  Tolentino at ang mga artistang gumanap; ni-raid
  ang mga pagpapalabas
• Anac Ning Katipunan [Anak ng Katipunan]
  sarswela ni Juan Crisostomo Sotto
• Tanikalang Ginto ni Juan Abad – dulang pag-ibig
  ang paimbabaw (superficial) na tema ngunit
  pagtuligsa sa imperyalismong Amerikano ang
  tunay na mensahe
              Mga Dula
• Pobres y Ricos [Mga Mahirap at Mga
  Mayaman] sarswela ni Isabelo delos
  Reyes – tumatalakay sa kaawa-awang
  kalagayan ng mga manggagawa sa
  Pilipinas
• Bagong Cristo ni Aurelio Tolentino –
  tumatalakay sa minimithing pagkakaisa ng
  mga manggagawa upang makamit nila
  ang kanilang hinahangad na uri ng lipunan
             Mga Nobela
• Banaag at Sikat [Glimmer and Sunshine] ni
  Lope K. Santos – kauna-unahang nobelang
  tumalakay sa sosyalismo
• Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña
• Madaling Araw [Dawn] ni Iñigo Ed Regalado
• Pinaglahuan ni Faustino Aguilar – nobelang
  nananawagan ng rebolusyon ng mga
  manggagawa
• Mga Anak-Dalita ni Patricio Mariano
• Mga Anak-Bukid ni Rosauro Almario
            Mga Nobela
• Bulalakaw ng Pag-asa ni Ismael A.
  Amado – tampok ang karakter na mala-
  Simoun
• Pusong Walang Pag-ibig ni Roman
  Reyes
    Sipi sa “Banaag at Sikat”
…Sa Estado Sosyalista, ang lahat ay mag-aaral,
gagawa ng bagay-bagay ayon sa kanyang hilig
at sa pangangailangan ng sambayanan. Wala
nang matututong magnakaw, sapagkat wala
namang pag-aari ng ibang nanakawin: ang lahat
ay sa lahat na.
{…In the socialist state, everyone will study, will
do things in accordance to what he wants and
what the people needs. There would no longer
be thieves, because private property that can be
stolen no longer exists: everything belongs to
everyone.}
      Sipi sa “Pinaglahuan”
Sa ikapagtatagumpay ng alinmang layon, sa
ikabibihis ng katauhang dinudusta, at sa
ipagwawagi ng Katwiran laban sa Lakas ay
kailangan ang luha’t ang apoy na panunog.
Maggiba muna saka magbuo pagkatapos.
{To successfully attain any objective, to redeem
the oppressed people, and for Right to
overcome Might, tears and fire that burns are
needed. Destroy first so as to create afterwards.}
            Sipi mula sa
       “Bulalakaw ng Pag-asa”
(Pag-aalay ng may-akda sa “Bayan Ko”)
…Upang matubos nang ganap sa kuko ng mga kaaway
mong lihim ay kinakailangang matanim sa puso at
mabatid ng bawat Pilipino, na ang una at huling
tungkulin niya sa iyo ay ang matutong gumiba, gumutay,
tumupok, nang walang kapangi-pangimi, sa dapat igiba,
gutayin at tupukin.
{…So as to totally redeem you from your disguised
enemies, it should be inculcated in the hearts of and be
known to every Filipino, that his first and last duty is to
learn how to demolish, destroy and burn, without any
restraint, things that should be demolished, destroyed
and burned.}
              Ang Balagtasan
• Nagsimula noong unang bahagi ng 1900s
• Pagtatangka ng mga makabayang makata na ikiling (to
  tilt) ang paksa ng mga patulang pagtatalo gaya ng sa
  duplo sa mga paksang pampulitika at panlipunan
• Ang mga unang balagtasan ay tumalakay sa mga
  paksang gaya ng: wikang sarili, wikang Ingles o Kastila?;
  obrero o eskirol; kagyat (immediate) na kalayaan o
  awtonomiya?
• Ipinangalan kay Francisco Balagtas; nagkaroon ng
  bersyon sa ibang wika gaya ng sa Kapampangan
  (Crisottan: parangal kay Juan Crisostomo Sotto) at sa
  Ilokano (Bukanegan: parangal kay Pedro Bukaneg)
          Mga Pahayagan
• El Nuevo Dia [Ang Bagong Araw]
• El Grito del Pueblo [Ang Sigaw ng
  Bayan]
• El Renacimiento [Ang Muling Pagsilang]
        Mga Nobelang Ingles
•   A Child of Sorrow ni Zoilo Galang
•   The Filipino Rebel ni Maximo Kalaw
•   His Native Soil ni Juan Laya
•   His Dishonor the Mayor ni Leon Ma.
    Guerrero
Panahon ng Pananakop ng
Hapon/Gintong Panahon ng
   Panitikang Tagalog
       (1942-1944)
 Panahon ng Pananakop ng Hapon
Ang panitikan sa panahong ito ay
  karaniwang…
• Nakasulat sa wikang katutubo gaya ng
  Tagalog
• May “katutubong kulay”
• Tumatalakay sa buhay sa
  lalawigan/kanayunan (countryside),
  paghahangad ng kalayaan at
  pagkamakabayan
                Mga Tula
• Haiku (5-7-5)
  Hila mo’y tabak…
  Ang bulaklak: nanginig!
  Sa paglapit mo.
• Tanaga (7-7-7-7)
  Palay siyang matino
  Nang humangi’y yumuko
  Ngunit muling tumayo
  Nagkabunga ng ginto
         Maikling Kwento
• Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
• Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes
• Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway
  Arceo
• Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan ni
  NVM Gonzales
                  Dula
• Sa Pula, Sa Puti ni Francisco “Soc”
  Rodrigo
 Natatanging Kontribusyon ng mga
  Hapon sa Panitikan ng Pilipinas
• Ipinagbawal ang paggamit ng Ingles (taktika
  upang maakit ang mga Pilipino sa republikang
  papet ng mga Hapon)
• Hinikayat ang mga manunulat na magsulat sa
  Tagalog at iba pang wikang katutubo
• Pinayagan ang pag-iral (existence/operation) ng
  mga magasin na gaya ng Liwayway na
  nagpalaganap sa sariling panitikan ng Pilipinas
  (bagamat nakapailalim ito sa sensura o
  censorship)
Panahon ng “Isinauling Kalayaan”/
     “Malayang Republika”
           (1946-1960)
Panahon ng “Isinauling Kalayaan”/
     “Malayang Republika”
• Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
• Tumatalakay sa masasamang karanasan ng
  mga Pilipino sa ilalim ng mga Hapon
• Isinasali/inilalahok sa mga patimpalak gaya ng
  Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
  (ang pinakapopular na timpalak sa pagsulat sa
  Pilipinas)
• Sosyal-realista (social realist: sumasalamin sa
  lipunan)
  Mga Antolohiya/Koleksyon
• Ako’y Isang Tinig – mga tula at sanaysay
  ni Genoveva Edroza-Matute
• Parnasong Tagalog – mga piling tulang
  Tagalog
       Mga Unang Nagwagi sa
        Timpalak Palanca
Maikling Kuwento
• Unang Gantimpala – “Kuwento ni Mabuti”
  ni Genoveva Edroza-Matute
• Ikalawang Gantimpala – “Mabangis na
  Kamay…Maamong Kamay” ni Pedro S.
  Dandan
• Ikatlong Gantimpala – “Planeta, Buwan at
  Mga Bituin”
       Mga Unang Nagwagi sa
        Timpalak Palanca
Dula
• “Hulyo 4, 1954 A.D.” ni Dionisio Salazar
           Mga Nobela
• Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro
  Francisco
• Pagkamulat ni Magdalena nina Elpidio
  Kapulong at Alejandro G. Abadilla
• Mga Ibong Mandaragit ni Amado V.
  Hernandez
• Tundo Man Ay May Langit Din ni Andres
  Cristobal-Cruz
              Mga Tula
• Ako Ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla
  (AGA)
Panahon ng Aktibismo
     (1960s-1970s)
        Panahon ng Aktibismo
• Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
• Aktibista
• Sosyal-realista (social realist: sumasalamin sa
  lipunan)
• Tumatalakay sa mga suliraning panlipunan
  (kawalan ng lupa ng mga magsasaka,
  mababang sahod ng mga manggagawa,
  rebelyon sa kanayunan, katiwalian sa
  pamahalaan atbp.)
• Mapanghimagsik
               Mga Tula
• Mga Duguang Plakard [mahabang tulang
  alay sa mga demonstrador na pinatay sa
  Mendiola] ni Rogelio Mangahas
• Ang Burgis sa Kanyang Almusal
  [pagtuligsa sa kawalang-
  pakialam/insensitivity ng mga middle class
  sa karukhaan ng taumbayan] ni Rolando
  S. Tinio
              Mga Tula
• Tata Selo [iba pa sa maikling kwento] ni
  Romulo Sandoval
• Ang Mga Kagila-gilalas na
  Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz
  ni Jose “Pete” Lacaba
• May Bango Ang Awit ng Rebolusyon ni
  P.T. Martin
• Elehiya sa Isang Rebelde ni Virgilio
  Almario
     Sipi sa “Kagila-gilalas…”
Nang wala nang malunok
si Juan de la Cruz
dala-dala’y gulok
gula-gulanit na ang damit
wala pa ring laman ang bulsa
umakyat
sa Arayat
      ang namayat
na si Juan de la Cruz
 Sipi mula sa “May Bango…”
Ang awit ng rebolusyon   The song of revolution
ay awit ng isang baliw   is the song of a lunatic
sa lipunang              in a society where
kabaliwa’y kalayaan      lunacy is freedom
para lumaya              to be free
sa kabaliwan             from the lunacy
ng pagiging alipin.      of slavery.
   Sipi mula sa “May Bango …”
Aling awit pa kaya          What other song
ang magpapaligaya           can give happiness
sa pusong inulila                 to a heart forsaken
ng pag-ibig at hustisya             by love and justice
kundi awit ng rebolusyon.   except the song of the revolution.
O kaysarap                  How sweet it is
masamyo,madama              to savor, to feel
ang lagitik, ang sonata     the creak, the sonata
ng bala’t pulbura           of bullet and gunpowder
sa bayang pinuputa.         in a prostituted country.
    Sipi mula sa “Elehiya…”
Ngayon lalong luksa ang kalang malamig
Maging ang ulilang araro sa linang
Daga’y magpiging man sa banga’t kamalig
Wala nang sisinop sa ipang iiwan.

(Now the cold stove is more mournful
so is the plow forsaken in the field
Though the rats feast on pots and in the barn
no one will throw the hulls that are left.)
     Sipi mula sa “Elehiya…”
Sapagkat nang ikaw’y bistayin ng punglo
Habang nagpupunla ng bagong pag-asa
Sa nayo’t bukirin, ang tumapong dugo’y
may katas at samyong sa lupa’y pamana.

(Because when you were smothered by bullets)
while you were sowing renewed hope
in the fields and the countryside, the blood spilled
had flavor and fragrance that is your legacy to the land
           Mga Nobela
• Daluyong ni Lazaro Francisco
• Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
• Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio
  Sicat
• Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo
  Reyes
     Mga Maikling Kuwento
• Banyaga ni Liwayway Arceo
• Impeng Negro ni Rogelio Sicat
• Tata Selo ni Rogelio Sicat
• Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel ni Efren
  Abueg
• Servando Magdamag ni Ricky Lee
• Isang Araw sa Buhay ni Lazaro ni Jose
  Rey Munsayac
     Panahon ng Batas Militar/
         “Bagong Lipunan”/
        Diktadurang Marcos
Ang panitikan sa panahong ito ay
  karaniwang…
• Tumatalakay pa rin sa mga suliraning
  panlipunan
• Matimpi (subdued) at pailalim/indirekta
  (subtle) ang pagbatikos sa kawalan ng
  kalayaan
             Mga Tula
• Kung Ang Tula Ay Isa Lamang ni Jesus
  Manuel Santiago

				
DOCUMENT INFO
Shared By:
Categories:
Tags:
Stats:
views:2349
posted:11/24/2011
language:Tagalog
pages:118