Embed
Email

Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino

Document Sample
Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino
Shared by: HC111118123034
Categories
Tags
Stats
views:
109
posted:
11/18/2011
language:
pages:
7
Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino



Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo.

Bawat isa sa mga grupong ito ay may kani-kaniyang sariling wika. Ayon kay Dr. Ernesto

Constantino (Magracia at Santos, 1988:1) mahigit sa limandaang (500) mga wika at wikain ang

ginagamit ng mga Pilipino. Sa ganitong uri ng kaligiran, isang imperatibong pangangailangan

para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng isang wikang pambansang magagamit bilang instrumento

ng bumibigkis at simbolo ng ating kabansaan o nasyonalidad.



Sa panahon ng Kastila, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na

nahati at nasakop ng mga dayuhan ang mga katutubo. Napanatili nila sa ilalim ng kanilang

kapangyarihan ang mga Pilipino nang humigit-kumulang sa tatlongdaang taon. Hindi nila

itinamin sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng kanilang

mga damdamin. Sa halip, ang mga prayleng Kastila ang mga nag-aral ng katutubong wika ng

iba’t ibang etnikong grupo. Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon sa

panahong yaon; ang naturang wika ang siyang ginamit ng mga prayleng Kastila sa pakikipag-

ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga katutubong Pilipino.



Hindi rin itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika, ang wikang Kastila, sa mga

katutubo na takot na magkabuklud-buklod ang mga damdamin ng mga mamamayan at mamulat

sa tunay na mga pangyayaring nagaganap sa kanilang lipunan at tuloy matutong maghimagsik

laban sa kanilang pamamahala.



Sa panahon ng Propaganda (1872), Tagalog ang wikang ginamit sa mga pahayagan.

Pinagtibay ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899 ang wikang Tagalog bilang wikang

opisyal.



Sa panahon ng Amerikano, Ingles ang wikang ginamit na midyum ng pagt5uturo sa mga

paaralang-pampubliko. Bukod sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo, ang mga paksang

pinag-aralan sa loob ng klase ay tungkol sa mga Amerikano, ang kanilang kasaysayan, literatura,

kultura, ekonomiya at pulitika. Sa panahong ito, ipinagbawal ang pag-aaral sa ano mang bagay

na Pilipino kaya interesado ang mga estudyante sa mga bagay na may kaugnayan sa Pilipino.

Higit nilang tinangkilik ang mga bagay na Amerikano. Ito ang simula ng pagkakaroon ng

kolonyal na mentalidad ng mga katutubong mamamayan na naman at itinaguyod ng mga Pilipino

hanggang sa kasalukuyang henerasyon.



Noong 1925, sa pamamagitan ng sarbey ng Komisyong Monroe, napatunayang may

kakulangan sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan, subalit wala

namang pagbabagong ginawa.

Noong 1931, si Butte, ang bise gobernador-heneral na siya ring kalihim ng pambayangt

pagtuturo ay nagpanukalang gawing bernakular ang pagtuturo sa primarya.



Sa mga panahong pinagtatalunan ang problema tungkol sa wika, maraming sumulat

tungkol sa gramar ng Tagalog, kasama na nag paggawa ng diksyunaryo. Nais nilang ipakitang

ang wikang Tagalog ay isang mayamang wika na maaaring gamitin bilang wikang panturo, at

higit na lahat, bilang wikang pambansa (Rubin at Silapan, 1989:6).



Wala pa ring naging kalutasan sa problema tungkol sa wika dahil ipinaglaban at

pinangatawanan ng Kawanihan ng Pampublikong Paaralan ang paggamit ng wikang Ingles.

Matatag namang sinalungat ito nina Rafael Palma at Cecilio Lopez.



Hindi kayang labanan ng mga tumatangkilik at nagmamahal sa wikang katutubo ang

puwersang tumataguyod sa wikang Ingles sa dahilang walang pagkakaisa ang mga nasabing

grupo; watak-watak din sila dahil bawat isa’y sariling literatura at kani-kaniyang wika ang

binibigyang-pansin. Kung tutuusin, Tagalog ang wikang ipinanlaban sa wikang Ingles. Ang

manunulat ay gumawa ng mga hakbang upang punahin ang wikang Ingles (Magracia at Santos,

1988).



Una – bumuo sila ng mga samahang pupuna sa wikang Ingles.



Ikalawa- sumulat sila tungkol sa iba’t ibang sangay ng panitikan tulad ng: sanaysay, maikling

kuwento, nobela, tula at dula.



Ikatlo – nahati ang mga manunulat sa dalawang grupo; manunulat sa panitikan at manunulat sa

wika. Ang mga nasabing manunulat ay gumawa ng librong panggramar sa Tagalog upang

mapalaganap ang wika (Rubin at Silapin, 1989:7).



Noong 1934, lubusang pinag-usapan sa Kumbensyong Konstitusyunal ang hinggil sa

wika. Sumasang-ayon ang maraming delegado sa iba’t ibang panig ng kapuluan na dapat wikang

bernakular ang maging wikang pambansa ngunit matatag na sinalungat ito ng mga tumataguyod

sa wikang Ingles. Para sa mga maka-Ingles, ang nasabing wika ang magsisilbing – daan sa

paghahanap ng trabaho. Naniniwala ang maka-Ingles na kapag marunong kang magsalita ng

banyagang wikang ito, makakamit mo ang mataas na posisyon sa gobyerno. Kung komersiyo

naman ang pag-uusapan, naniniwala pa rin silang ang mahuhusay lamang magsalita ng Ingles

ang maaaring makipagnegosasyon. Nakalimutan ng mga maka-Ingles ang naibibigay na

kahalagahan ng isang bernakular na wika sa pagpapaunlad at pagpapasulong ng kultural,

ekonomiko at pulitikal na sistema ng buhay ng mga Pilipino.

Ngunit nabanaagan ng tagumpay ang mga nagmalasakit sa sariling wika nang

magmungkahi ang grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa

mga umiiral na wikain sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan naman ni G. Manuel L.

Quezon na sa panahong yaon ay president ng Komonwelt ng Pilipinas. Ang pagsusog na ginawa

ng pangulo sa nasabing mungkahi ay nakasaad sa probisyon sa Artikulo XIV ng Konstitusyon ng

Pilipinas ng 1935:



“ Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang

wikang pambansa na bata sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Hangga’t hindi itinatakda

ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na wika.”



Nagkaroon ng maraming talakayan hinggil sa isyung kung sa anong wika ibabatay ang

pagpili ng wikang pambansa na hindi magkakaroon ng negatibong saloobin ang ibang etnikong

grupo.



Ayon kina Prop. Emma Magracia at Prop. Angelina Santos ng MSU- IIT (1988.7) batay

nga sa probisyon ng 1935 Konstitusyon, pinagtibay ng Asemblea ng Komonwelt ng Pilipinas ang

Batas Komonwelt Bilang 184 na nagtatag ng isang Surian ng Wikang Pambansa na ang tanging

gawain ay ang pag-aaral ng mga wikang pangunahing ginagamit sa Pilipinas at pumili ng isang

panlahat na wikang pambansa batay sa isa sa pinakamaunlad na umiiral na katutubong wika ayon

sa balangkas , mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.



Ang mga miyembrong naatasan ng Surian upang magsagawa ng pag-aaral ay binubuo

nina:



Jaime C. Veyra – tagapangulo, kumakatawan sa Samar



Cecilio Lopez – kalihim, kumakatawan sa rehiyong Tagalog



Santiago A. Fonacier – Ilokano



Filemon Sotto – Cebu



Felix S. Solas Rodriguez – Hiligaynon



Hadji Butu – Muslim



Casimiro F. Perfecto – Bicol

Maoobserbahan na ang mga miyembro ng Surian ay mula sa iba-ibang rehiyon at

kumakatawan sa ilang pangunahing wika sa Pilipinas.



Sa pag-aaral na isinagawa ng mga kagawad ng Surian, kanilang napagkasunduan na

Tagalog ang gawing batayan ng wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma, pumasa

at umayon sa pamantayang kanilang binuo. Ang ilang pamantayang nabuo ng lupon na

nasasabing maihahanay ang Tagalog sa istandard nito ay tulad ng : ang wikang pipiliin ( Rubin at

Silapan, 1989:9 ) ay wika ng sentro ng pamahalaan, wika ng sentro ng edukasyon, sentro ng

kalakalan at wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan. Noong Nobyembre

9, 1937, isinubmite ng miyembro ng Surian ang anilang rekomendasyon kay Presidente Quezon

na Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang pambansa. Lumabas ang Kautusang

Tagapagpaganap Bilang 134 noong Disyembre 30, 1939, makaraan ang dalawang taon,

nagkabisa ang kautusang ito.



Noong Abril 1, 1940, binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at

isang gramar ng wikang pambansa. Noong Hunyo 19, 1940, sinimulang ituro ang wikang

pambansa na batay sa Tagalog sa mga paarang pampubliko at pribado.



Ang wikang pambansa sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay nagkaroon ng

pagsulong dahil ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa ano mang aspekto ng pamumuhay ng

mga Pilipino. Ipinagbawal din ang paggamit ng lahat ng mga libro at peryodikal nauukol sa

Amerika. Nang magbukas ng paaralang pampubliko ang mga Hapones, wikang Tagalog ang

ginamit na midyum ng pagtuturo. Itinuro rin ang wikang NIponngo o Hapon sa lahat ng antas. Sa

bisa ng Ordinansa Bilang 13, ginawang mga opisyal na wika ang Tagalog at Niponggo.

Masasabing naging maningning, namulaklak at umunlad ang wikang pambansa sa panahon ng

mga Hapones.



Noong Hulyo 4, 1946, Araw ng Pagsasarili, ipinahayag na ang wikang opisyal sa

Pilipinas ay Tagalog batay sa Batas Komonwelt Bilang 570. Sa panahong ito nabalam na naman

ang pagpapaunlad sa wikang pambansa dahil muling namayagpag ang wikang Ingles bilang

midyum ng komunikasyon sa mga pahayagan at pamahalaan.



Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 12 na nilagdaan ni Presidente Ramon

Magsaysay noong Marso 26, 1951, ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa. Nagsimula

ang pagdiriwang mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon. Pinili ang linggong ito para sa

pagdiriwang bilang parangal kay Francisco Balagtas dahil Abril 2 ang kaarawan ng makata. Sa

sumunod na taon, sa bisa ng Proklamasyon Bilang 186 na ipinalabas ni Presidente Ramon

Magsaysay rin, ang pagdiiwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay inilipoat mula Agosto 13

hanggang Agosto 19 taun-taon bilang parangal sa dating Presidente Manuel L. Quezon na siyang

itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa. Itinaon ang nasabing pagdiriwang sa araw ng

kapanganakan niya.



Pinalitan ang dating katawagang Wikang Tagalog sa Wikang Pilipino Bilang wikang

pambansa noong Agosto 13, 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na ipinalabas

ni G. Jose E. Romero, ang dating kalihim ng Edukasyon.



Higit na binigyang-halaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa panahong ito. Naging

popular na wika ito. Lahat ngtanggapan at gusali ng gobyerno ay pinangalanan sa Pilipino; ang

mga dokumentong panggobyerno tulad ng panunumpa sa trabaho, pasaporte at visa ay nakasaad

sa Pilipino; ang pamuhatan ng mga korespondensya opisyal ay nakasulat sa Pilipino o d kaya ay

katumbas sa Pilipino. Ginamit na rin ang wikang Pilipino sa iba’t ibang lebel ng edukasyon pati

na rin sa mass media tulad ng telebisyon, radio, komiks, magasin at dyaryo.



Sa kabila ng mga pagbabagong-ito, hindi pa rin matanggap ng ibang sector ang Pilipino

bilang wikang pambansa. Marami pa ring sumasalungat sda pagkakapili sa naturang wika bilang

simbolo n gating kabansaan.



Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa 1972 Kumbensyong

Konstitusyunal; naging mainit na isyu ang probisyong pangwika hanggang sa ang naging resulta

ng maraming pagtatalo at pag-aartal ay ang probisyong Seksyon 3 (2) ng Artikulo XV sa

kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas:



Samantalang ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa

pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na kikilalaning

Filipino.



Masasabing isinilang na ang Filipino, ang bagong katawagan sa wikang pambansa ng

Pilipinas simula pa noong 1972 sa Kumbensyong Konstitusyunal at pormal na pinagtibay noong

1973 Konstitusyon ngunit hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay

at pambansang pag-iimplementa nito.



Sa panahon ni Presidente Aquino, binuo niya ang Komisyong Konstitusyunal ng 1986.

Ang nasabing komisyon ay may 48 miyembro. Noong Oktubre 12, 1986, pinagtibay ng

Komisyon ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.



Matutunghayan sa Artikulo XIV, Seksyon 6, ang probisyon tungkol sa wika na

nagsasaad:

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat

payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga

wika.”



Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa dapat pagpasiyahan ng Kongreso,

dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang

pagggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo

sa sistemang pang-edukasyon.



Ang nasabing Artikulo IV, Seksyon 7, ay nagsasaad:



“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal sa mga

rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon.”



“Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic.”



Noong Pebrero, 1987, niratipika ng mga mamamayang Pilipino ang probisyon ng 1986

Konstitusyon at tinawag itong 1987 Konstitusyon. Noong Mayo 21, 1987, nagpalabas si Dr.

Lourdes Quisumbing, ang dating Sekretarya ng Edukasyon, Kultura at Isports ng Kautusang

Pangkagawaran Bilang 32, serye ng 1987, na pinamagatang “Patakaran sa Edukasyong

Bilinggwal ng 1987.” Ang nasabing patakaran ay nagsasaad ng “pagpapalaganap ng Filipino

bilang wika ng literasi” at ang paggamit ng Ingles bilang “di-eklusibong wika ng siyensya at

teknolohiya.” Noong Mayo 27, 1987, lumabas ang kasunod na Kautusang Pangkagawaran

Bilang 54, serye ng 1987, na pinamagatang “Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa

Edukasong Bilinggwal ng 1987” , at naglalahad ng mga dapat isagawa ng iba-ibang ahensyang

pang-edukasyon sa Pilipinas para sa implementasyon ng Patakaran sa edukasong bilinggwal ng

bansa. Ang nasabing patakaran ay may nakalaang mga insentibo at mga karagdagang sahod.

May pangangailangan ding matuto ang mga guro ng Filipino sa lahat ng lebel ng edukasyon sa

buong bansa, upang magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo ng anumang asignatura.



Ang dating Presidente ng Pilipinas, si Gng. Corazon C. Aquino ay nagpakita ng suporta

sa pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng suporta sa

pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng Atas

Tagapagpaganap Bilang 333, serye ng 1988, na “nag-aatas sa lahat ng kagawaran, departamento,

kawanihan, opisina, at ahesya ng Pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kinakailangan

para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at

korespondensya.” May utos din si Gng. Aquino noon na ang mga opisinang pampubliko, mga

gusali at mga karatula sa mga opisina ay dapat na isalin sa Filipino.

Wika nga ng dating Presidente, “Ang pagpupunyaging gamitin ang Filipino sa

pamahalaan ay makakatulong sa sambayanan na maintindihan at lalong pahalagahan ang mga

programa ng gobyerno kasama na ang mga proyekto.”



Bilang pangwakas, ang malaking katanungang nangangailangan ng kasagutan ay: Saan

nakasalalay ang tagumpay ng pagkakasabatas ng Wikang Filipino?



Ayon kina Prop. Ligaya T. Rubin at Dr. Ofelia J. Silapan ng Unibersidad ng Pilipinas ,

“Ang tagumpay ng Wikang Pambansa ay nakasalalay sa kamay ng mga namamahala ng bansa,

sa Kongreso, sa mga korte, sa mga eskwelahan, at sa iba pang mga ahensya o institusyon.”


Related docs
Other docs by HC111118123034
Course Outline Summary
Views: 24  |  Downloads: 0
Introduction
Views: 5  |  Downloads: 0
Sheet1 - Office Live
Views: 479  |  Downloads: 0
357 edital
Views: 62  |  Downloads: 0
John McKeeman
Views: 0  |  Downloads: 0
Sheet1
Views: 0  |  Downloads: 0
Holography � Timeline
Views: 4  |  Downloads: 0
116
Views: 3  |  Downloads: 0
Cornerstone University Archives Room
Views: 0  |  Downloads: 0
CARTRACS
Views: 2  |  Downloads: 0
By registering with docstoc.com you agree to our
privacy policy

You are almost ready to download!

You are almost ready to download!