Embed
Email

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO I

Document Sample
BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO I
Shared by: HC111118123034
Categories
Tags
Stats
views:
313
posted:
11/18/2011
language:
pages:
15
BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO I

GRAMATIKA AT PAGBASA

UNANG MARKAHAN – IKALIMANG LINGGO



I. MGA/PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN



Paksa :Edukasyon at Kasaysayan

Pamagat ng Texto :Ang Wika sa Edukasyon ng mga Pilipino

Uri ng Texto :Informativ

Kagamitan :Teyp ng tugtugin, casette, larawan

Gamit ng Wika :Pagbibigay ng pangunahin at pantulong na

kaisipan

Istruktura ng Wika : Pagbubuo ng Iba’t Ibang Salit Batya sa Punong

Salita

- Paglalapi

- Pag-uulit

- Pagtatambal

Kasanayang Pampag-iisip: Pag-aanalisa

Halagang Pangkatauhan: Pagbibigay ng tumpak na desisyon batay sa

narinig.





II. MGA INAASAHANG BUNGA (sa bawat araw)



A. Nakapagbibigay ng mga hinuha sa pamagat batay sa paksa.



B. Nakapaglalahad ng mga piling karanasan at kaalaman kaugnay dito.



C. Napipili ang mga paniniwala at opinyong nakapaloob sa texto.



D. Nakabubuo ng pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipang hango sa

binasa.



E. Natutukoy ang formalidad ng wika ng texto.



F. Nakabubuo ng iba’t ibang salaita batay sa punong salita gaya ng

paglalapi, pag-uulit at pagtatambal.



G. Nakabubuo ng iba’t ibang salita batay sa punong salita gaya ng paglalapi,

pag-uulit at pagtatambal.



H. Nakasusuri ng textong katulad ng textong tinalakay.









52 BSE-Kagawaran ng Edukasyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO



UNANG ARAW



1. Mga Panimulang Gawain





a. Pagganyak.



May iparirinig akong musika sa inyo. Habang pinatutugtog ang

musika, ilalarawan ko sa inyo ang isang tagpo. Ipikit ninyo ang inyong

mga mata habang pinaglalaro ninyo sa isip ang nilalaman ng aking

paglalarawan. Sasabihin ninyo pagkatapos sa harap ng klase ang

inyong paniniwala/saloobin (Visualization).



(May isang lugal sa bayan ng Makulot na kapansin-pansin sa

dami ng mga batang lansangan. Umaga pa lamang ay nagkalat na sila

sa kalye; magagaspang ang ugali; at may ilan pang bata pa’y

nasasangkot na sa di-kanais-nais na gawain. Yaon namang mga

kabataang nalulong sa masamang bisyo. Magulo sa lugal; naghihirap

ang bayan) (Palalabasin na mahalaga ang edukasyon sa isang

bayan.)



Anong kaisipan ang maaari ninyong mabuo mula sa ating

isinagawa? Anong larawan ang natanim sa inyong isipan?





1. Pagbabahaginan ng mga kasapi sa pangkat.

2. Pag-uulat ng bawat lider ng pangkat batay sa

napagtalakayan.

3. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig.



b. Paglalahad.



Pagbibigay ng pansin sa pamagat, “ANG WIKA NG

EDUKASYON NG MGA PILIPINO”. Pagbibigayin ng reaksyon ang

mga mag-aaral sa tulong ng mga sumusunod na tanong: (Pangkatang

Gawain)



- Ano ang isinasaad ng pamagat?

- Magbigay ng ilang kaalaman tungkol sa istruktura ng mga

paaralan noon at ngayon

- Magbigay ng sariling karanasan hinggil sa wikang panturo

gamit sa mga paaralan at paano ito nakaapekto sa inyo.







BSE-Kagawaran ng Edukasyon 53

- Pagbabahagi ng karanasan ng ibang tao na maaaring

narinig o nabasa sa naging bisa ng wikang panturo/paraan

ng pagtuturo



b.1 Pagbabahaginan ng pangkat

b.2 Pagbabahagi sa klase

b.3 Pagkuha ng feedback sa mga nakinig



2. Pagbasa ng texto nang tahimik.



Hahatiin sa tatlo ang klase. Una at ikalawang talata ay babasahin

ng unang pangkat; ikatlo at ikaapat ay babasahin ng ikalawang pangkat;

ikalima at ikaanim na talata ay sa ikatlong pangkat.



ANG WIKA SA EDUKASYON NG MGA PILIPINO

UNANG PANGKAT:



Ang edukasyon ng mga Pilipino sa mga paaralan ay

naisakatuparan sa tulong ng dalawang banyagang wika: ang Kastila

noong ikalabimpito, ikalabinwalo at ikalabinsiyam na dantaon at ang

Ingles noong ikadalawamnpung dantaon. Masasabi tuloy na halos lahat

ng mga mahahalagang naisakatuparan o naisagawa ng mga Pilipino

noong panahong iyon ay naganap sa tulong ng mga wikang Kastila at

Ingles. Bagamat ang pagbuo ng pambansang wika ay nasimulan noong

1935 sa ating Konstitusyon, noon lamang pagkaraan ng Ikalawang

Digmaang Pandaigdig na ang kilusan sa pagtuturo ng katutubong wika sa

mga Pilipino ay napagtuunan ng atensyon.



Nalalaman ng mga mapag-isip na Pilipino ang kahalagahan ng

wikang Ingles sa kanilang buhay; ngunit natatanto rin nila na hindi ito ang

pangunahing wika ng mamamayan dahil sa ang makalidad na

edukasuyon ay matatamo lamang sa antas tersyarya. Karamihan sa mga

Pilipino ay di-matanggap-tanggap ang wikang Ingles. Kailangang

magkaroon ng isang wikang makabubuti para sa lahat ng Pilipino. Ang

wikang ito ay ang Filipino.



IKALAWANG PANGKAT:



Kamangha-mangha ang pagbabago sa ekspektasyon ng mga

Pilipino sa istatus, tungkulin at gampanin ng Filipino. Nagsimula wari’y

isang bungang-tulog noong 1935 ang pambansang wika ng lahat ng

Pilipino. Noon una’y wala pa itong pangalan at nakikilala lamang bilang

“pambansang wika”. Ipinakilala ito bilang isang asignatura sa ikaapat na







54 BSE-Kagawaran ng Edukasyon

taon sa mataas na paaralan gayon din sa mga magtatapos sa kursong

edukasyon noong 1940.



Ginawa rin itong asignatura sa lahat ng mga paaralan noong 1946.

Tinawag itong Pilipino noong 1959 ng kalihim ng Edukasyon (hindi sa

batas ng Konggreso) upang maiba ito sa batayang Tagalog. Isa pang

dahilan ay upang maging pambansang pagkakakilanlan din ito. Ang

Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay siyang nagdeklara sa Pilipino na

kapantay ng Ingles sa bisa ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal.

Ginamit itong midyum ng pagtuturo sa lahat ng asinatura maliban sa

Agham aat Matematika sa lahat ng paaralan at pamantasan noong 1974.



IKATLONG PANGKAT:



Ang Konstitusyon ng 1973 ang nagdeklara sa Pilipino bilang

opisyal na wika at hindi bilang pambansang wika. Ang pangyayaring ito’y

naging kakaiba sa Pilipinas bilang bansang walang pambansang wika.



Noong 1987, isinaad sa Konstitusyon na tatawaging Filipino ang

pambansang wika ng Pilipinas. Simula noong taong akademikong 1989-

1990, ang pangunahing universidad sa Pilipinas – ang Universidad ng

Pilipinas ay nagsimula sa kanilang limang taong programa upang gawing

Filipino ang pangunahing midyum ng pagtuturo. Pinalitan nila ng Filipino

ang Ingles bilang wikang panturo. Buong-puso at bukas-palad nilang

tinanggap ang Filipino bilang wikang panturo.



Ang paglalagay sa Filipino bilang kapantay ng Ingles sa pagtuturo

ay sinalubong ng susun-susong mga suliranin at mga pagtutol, na wari’y

lampas-langit. Di naging katanggap-tanggap ang pangyayaring ito lalo na

sa lebel tersyara. Nagtaingang kawali rin ang mga samahang pang-iskolar

upang mag-ambag sa intelektwalisasyon ng Filipino. Sa 48 samahan, lima

lamang ang regular na nagsulat sa Filipino. Karamihan sa kanila’y

gumamit pa rin ng Ingles. Maging ang Kautusang Pampanguluhan na

inilabas noong 1988 ng Pangulo ng Pilipinas na nagkumbinsing gamitin

ang Filipino sa mga pakikipagtalas-tasang pampamahalaan ay di rin

naging katanggap-tanggap at tinutulan ng maraming di-katutubong

Tagalog. Ipinagwalang-bahala rin ito ng mga nasa byurukrasya. Ni

pabalat-bunga ay di sila kinakitaan ng lubusang pakikiisa na ang Filipino’y

ihanay na kapantay ng Ingles.









BSE-Kagawaran ng Edukasyon 55

3. Pagbubuod ng texto.



Isasagawa ito ng lider ng bawat pangkat



a. Pagbibigay ng feedback batay sa kawastuhan at kaayusan ng

ginawang pagbubuod.





IKALAWANG ARAW



1. Panimulang Gawain



a. Panel Discussion:



Anong wika ang mabisang panturo sa klase, Filipino o Ingles?



Mga magsasalitang panauhin



- Magulang

- Kalihim ng Edukasyon

- Mag-aaral

- Pare

- Guro



2. Balik-aral sa binasang textong lunsaran, “ANG WIKA SA

EDUKASYON NG MGA PILIPINO.” Balik-tanaw sa pamamagitan ng

isang bata. Gagawin nang pasalaysay.









56 BSE-Kagawaran ng Edukasyon

3. Pagpapakahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi

maunawaan batay sa pagkakagamit nito sa texto. Isusulat sa bawat

petal/dahon ang salita.









4. Pagpapalalim ng kaalaman.



Papangkatin ang mga mag-aaral. Magkakaroon ng bahaginan

batay sa mga sumusunod:



Pagbibigay ng paniniwala/opinyon/pangunahing kaisipan.



Pangkat I - Unang talata

II - Ika-2 “

III - Ika-3 “

IV - Ika-4 “

V - Ika-5 “

VI - Ika-6 “









BSE-Kagawaran ng Edukasyon 57

(Iba’t ibang gawain ang maaaring gawin ng bawat pangkat batay sa

paniniwala/opinyon)



- pagsasadula



a. Pagbabahaginan ng bawat pangkat

b. Pag-uulat ng bawat pangkat sa pamamagitan ng lider.



Bigyan-diin ang:



- paniniwala/opinyon

- kaisipan



c. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig.



Sinang-ayunan ba ninyo ang mga ito? Bakit?



d. Pagbibigay ng sintesis ng napag-usapan



Pag-buo ng mga islogan batay sa mga kaisipang tinalakay.



islogan islogan islogan islogan

1 2 3 4





IKATLONG ARAW



1. Panimulang Gawain



a. Pagganyak



Ilan sa inyo ang mayroon pang lolo. Lola?



May lolo ba kayo o lola na nakapag-aral noong panahon ng

mga Amerikano?



Isalaysay sa klase ang karanasang ito.





2. Pagpapabasa ng texto. “ANG EDUKASYON SA PANAHON NG MGA

AMERIKANO”. Dugtungang pagbasa.









58 BSE-Kagawaran ng Edukasyon

ANG EDUKASYON SA PANAHON NG MGA AMERIKANO



Ang edukasyon ng Pilipino sa panahon ng mga Amerikano ay

naiiba sa edukasyon sa ilalim ng mga Kastila. Kung sa panahon ng mga

Kastila ay tanging mga mamamayan, maykaya at makapangyarihan

lamang ang nakapag-aaral, ang sa Amerikano ay demokratiko.

Nangangahulugang bukas-palad ang paaralan sa lahat ng nais matuto.

Ang mga batang Pilipino ay pinipilit na pamasok sa paaralan, paano’y

urong-sulong sila kung mag-aaral o hindi. Upang mahikayat ang mga

batang pumasok sa paaralan nang sila’y matuto ng Ingles, binibigayan sila

ng lapis at papel at may libre ring pagkain. Isa pang ikinaiiba ay ang

edukasyong Amerikano ay hindi nakasalig sa relihiyon. Ang tuon nila ay

sa mga paraang gagawin upang maging mabuting mamamayan ang

Pilipino. Ang layunin ng edukasyong Kastila ay gawing mabuting

mamamayan ang mga Pilipino para sa kabilang-buhay samantalang ang

sa Ameikano ay gawing mabuting mamamayan para sa buhay dito sa

lupa.



Kung pilit ng mga Kastila na magsaulo ang mga batang Pilipino,

pinilit naman ng mga Amerikano na ituro ang wikang Ingles sa lahat ng

paaralang-bayan. Ang Kastila ay hindi inalis sa mga paaralang Kastila ang

ginagamit na wika. Gaya ng San Juan de Letran, Ateneo de Manila at iba

pa. Ang puno’t dulo nito’y marami sa ating kababayanng Pilipino ay natuto

ng wikang Ingles. Isa pang insentibo na ibinigay ng mga Amerikano upang

maging “Kayumangging Amerikano” o “Amerikanong Kayumanggi” ay ang

pagpapadala sa Amerika ng mga Pilipinong “may berdeng utak” upang

magpakadalubhasa sa larangang kanilang napili. Masasabing ang lahat

ng ito’y tagapagbandila ng sibilisasyong Amerikano. Ang mga Pilipino ay

nagpilit magsalita ng Ingles bagamat nagkakabuhul-buhol ang kanilang

mga dila.



Ang kurikulum na ipinasok ng mga Amerikano sa mga paaralang-

bayan ay sipi sa kurikulum sa Estados Unidos. Ang naging bunga nito’y

higit na naunawaan ng mag-aaral na Pilipino ang mga salitang Ingles at

kulturang Ingles kaysa mga bagay na katutubong Pilipino. Maging ang

mga aklat na ginamit ay pawang galing sa Amerika. Dahil dito, ang lahat

ng natutuhan ng ma Pilipinong mag-aaral ay mga bagay na palasak sa

Amerika ngunit di kilala sa Pilipinas. Ito marahil ang pinagmulan ng

“colonial mentality” ng mga Pilipino.



Ang nagaganap na ito sa mga paaralang-bayan ay nababatid ni

Quezon kaya’t nang naging pangulo siya ng Makasariling Pamahalaan ay

pinalitan niya ang mga aklat at ginawang Pilipino ang diwa’t kaluluwa.

Sinimulang ituro ang talambuhay ng mga bayaning Pilipino. Upang





BSE-Kagawaran ng Edukasyon 59

makasunod sa itinatadhana ng Konstitusyon na ang edukasyong primarya

ay libre. Nagpanukala si Quezon sa Asamblea na lakihan ang badyet ng

Kagawaran ng Pagtuturong Pambayan. Ang badyet noong 1939-40 na

30,000 milyong piso ay ginawang 35.5 milyon. Nilikha rin ni Quezon ang

batas ukol sa mga Paaralang Pribado at ang Tanggapan ng Edukasyong

Pribado sa Pilipinas. Ang layunin nito’y mapagbuti ang istandard ng mga

paaralang pribado gayon din ang mga unibersidad. Sa panahon din ni

Quezon naganap ang pagtuturo sa mga matatandang di marunong

bumasa’t sumulat. Noong 1936 ay itinatag ang Tanggapan ng Edukasyon

ng Matatanda na ang mga layunin ay ang mga sumusunod: 1.) ituro sa

matatanda ang pagiging mabuting mamamayan; 2.) pagtuturo ng

karunungang bokasyonal; 3) pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa mga di-

marunong bumasa’t sumulat; 4.) pagtuturo sa mga babaeng wala sa

paaralan; at 5.) pagpapalaganap ng mga gawain ng tanggapan. Bunga

nito, bago sumiklab ang digmaan noong 1941, ang bilang ng mga

paaralan para sa matatanda ay umabot na sa 2,457 na may 148,000

humigit-kumulang na mag-aaral.





3. Pagsusuri batay sa tiyak na katangian at uri



a. Anong uri ng texto ang inyong binasa? Bakit?

b. Formal ba o di-formal ang mga salitang ginamit sa texto? Patunayan.



4. Pagbibigay ng input ng guro



Informativ – uri ng texto na nagbibigay ng mahahalagang

impormasyon. Ito ay nagpapabatid, nagbibigay ng

kaalaman.



Gamit ng wika:



Tumutukoy ito sa paraan ng pagkakagamit ng wika sa texto.

Nakikilala ito bilang formal o di-formal. Formal ang wika kung

ito ay hindi pangkaraniwan. Di-formal ang wika kung ito ay

karaniwan lamang.







5. Pagsusuri sa textong lunsaran batay sa gamit ng wika.









60 BSE-Kagawaran ng Edukasyon

Pangkatang Gawain:



Suriin ang textong lunsarang “ANG WIKA SA EDUKASYON NG

MGA PILIPINO”.



Pangkat 1 at 2: Patunayang hindi formal ang gamit ng wika sa texto.



Pangkat 3 at 4: Patunayang formal ang wika ng texto.



Pangkat 5 at 6: Patunayang informativ ang texto.



6. Pagbabahaginan at pag-uulat sa klase.



7. Pagbuo ng sintesis.



Isasagawa sa paraang Pagbabalita

(Anawnser – ibabalita ang mga kaisipang nahango sa texto)



IKAAPAT NA ARAW



PAGSUSURING GRAMATIKAL



1. Panimulang Gawain



Kliping (Pagkakabit/Pagbubuo ng salita sa bawat titik ng salitang

nakakulong sa guhit)









P ino

L I pi

L ahi

w I ka

sika P

tin I g

i N itg

lol O









BSE-Kagawaran ng Edukasyon 61

2. Pagpapabasang muli ng textong lunsaran, “ANG WIKA SA

EDUKASYON NG MGA PILIPINO”



Ipapipili lamang ang isang bahaging naibigan upang basahin.



3. Pagsusuri sa mga salitang nabuo sa pamamagitan ng paglalapi, pag-

uulit at pagtatambal.



Gagawing paligsahan. Unahan sa pagpili at paglalagay sa kolum ng

hinihingi nito:



- Pagpili ng salitang nabuo sa pamamagitan ng:



Pangkat I - Paglalapi

Pangkat II - Pag-uulit

Pangkat III - Pagtatambal





Paglalapi Pag-uulit Pagtatambal

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

4. 4. 4.



4. Pagbabahaginan at pag-uulat sa klase.



5. Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral.









62 BSE-Kagawaran ng Edukasyon

6. Pagbibigay ng guro ng input sa gramatika

Paraan ng Pagbubuo ng Salita



1. Paglalapi – isang paraan ng pagbubuo ng salita sa

pamamagitan ng paglalagay o pagkakabit ng panlapi sa

salitang-ugat.



a) may panlaping ikinakabit sa salitang-ugat upang

makabuo ng pandiwa

hal.: um - + = um alis

-an + walis = walis an



b) May panlaping ikinakabit sa salitang-ugat upang

makabuo ng pang-uri.

hal.: ma -+ ganda = maganda



c) May panlaping ikinakabit sa mga salitang-ugat

upang makabuo ng pangngalan.

hal.: Ka -+ bata +- an = Kabataan

mag -+ ina = mag-ina



2. Pag-uulit – Maaring ang ulitin ay:



a) unang patinig ng salita

hal.: a alis ; ta takbo



b) dalawang panting na salita

hal.: ka ni - kanino ; ta u - tauhan





c) buong salita

hal.: gandang-ganda ; bagay-bagay

takbo nang takbo



3. Pagtatambal – pagsasama o pagkakabit ng dalawang

salitang magkaiba na pina-iisa na lamang na kung minsa’y

nagkakaroon ng bao o pangatlong kahulugan.



hal.: bahay + kubo = bahay-kubo

bayad + utang = bayad-utang

bahag + hari = bahaghari

dalagang + bukid = dalagang-bukid

hipong + tulog = hipong tulog

bantay + salakay = bantay-salakay





BSE-Kagawaran ng Edukasyon 63

7. Pagbubuo ng mga sintesis batay sa paksang pinag-usapan



a. Epektibo bang nagamit ang mga salitang maylapi, inuulit at tambalan

upang mailahad nang malinaw ang mga tiyak na impormasyon?

Patunayan.



b. Mahalaga ba ang kaalaman sa paggamit ng mga binuong salita batay

sa punong salita sa pagbubuo ng textong informativ? Patunayan.





IV. EVALWASYON



IKALIMANG ARAW



1. Panimulang Gawain



Sa tulong ng Venn Diagram, ihambing ang pagkakaiba at

pagkakatulad ng tatlong dayuhang sumakop sa Pilipinas.









A B

AB



Kastila Hapones

ABC

AC BC









2. Pagpapabasa sa isa pang halimbawa ng textong informativ. “ANG

EDUKASYON SA PANAHON NG MGA KASTILA”.









64 BSE-Kagawaran ng Edukasyon

ANG EDUKASYON SA PANAHON NG MGA KASTILA

Noong panahon ng mga Kastila, ang naging mga unang guro ng

mga Pilipino ay ang mga misyonerong Kastila. Sa Cebu nagsimula ang

pagiging guro ng mga misyonero noong 1565. Kusang-loob nilang

tinuruan ang mga mag-aaral na bumasa at sumulat, magkwento at

tumugtog ng mga instrumentong pangmusika. Ipinasasaulo sa mga mag-

aaral ang mga aralin, bagamat di naman nila nauunawaan ang kanilang

sinasabi. Ang paulit-lulit na pagmememorya ay di naibigan ng mga

nakararamik. Maging ang dasal ay ipinasasaulo nrin. Labas-pasok sa

kanilang tainga ang pagmemorya ng mga dasal na tila sila mga lorong

sunod lang nang sunod sa mga misyonero. Kung susundin ang mga

unang utos ng hari ng Espanya, ang dapat na unang itinayo nila ay mga

paaralang primarya. Di agad ito naisakatuparan ng pangasiwaan. Nagtayo

ang mga Kastila ng mga kolehiyo na katumbas ng mataas na paaralan sa

ngayon. Ang unang paaralang itinatag ng mga pareng Heswitas para sa

mga lalaki ay ang Colegio de Manila noong 1589. Ito ang kolehiyo na

kilala ngayon bilang Colegio de San Ignacio, Sunud-sunod nang itinatag

ang colegio de San Ildenfonso sa Cebu noong 1595 at ang Colegio de

San Jose sa Maynila noong 1601.



Nagtayo rin ng kolehiyo para sa mga babae. Unang itinatag ang

Colegio de Santa Potenciana noong 1589. Sinundan ito ng Colegio de

Santa Isabel noong 1632 at ang Colegio de Santa Rosa noong 1750.

Hindi lamang mga kolehiyo ang itinatag ng mga Kastila kundi maging ang

mga beateryo para sa mga babae. Nangunguna ang Beaterio dela

Comapaña de Jesus noong 1694 at ang Beaterio de Santa Catalina

noong 1696.



Ang edukasyon sa panahon ng mga Kastila ay totoong naging

makabuluhan. Ito’y dahil sa ang Escuela Pia ay naging unibersidad.

Itinatag ito ng mga Heswitas hanggang sa ito’y maging Ateneo de Manial.

Hindi lamang iyon, ang Colegio de Santisimo Rosario na itinatag ng ma

pareng Dominikano ay siya ngayong kilalang-kilala bilang Universidad ng

Santo Tomas.



Nakapagtapos sa dalawang bantog na kolehiyo at unibersidad ang

mga Pilipinong kabilang sa Ilustrado o alta-sosyedad ng lipunan. Ang mga

Pilipinong ito’y pinanday at hinubog ng mga pareng Hesuwita at

Dominikano ay siyang nagbukas sa isipan ng mga Pilipino na gumawa ng

hakbang upang makatulong sa kapwa Pilipino. Dahilan sa natutuhan

nilang kaalaman ginising nila ang damdaming nasyonalismo ng mga

Pilipino.









BSE-Kagawaran ng Edukasyon 65

Ang mga pareng Misyonero ang una nating guro, at ang mga

paaralang kanilang itinatag na siyang pinagmulan ng kaalaman ng mga

Pilipino’y siya ring pinagsimulan ng mga Pilipinong nakaunawa sa mga

pagsasamantala at pagsikil ng ating mga kalayaan noong panahong iyon.







3. Pagsusuri sa binasang texto batay sa mga sumusunod:



- Pagbibigay ng mga paniniwala/opinyong inilahad sa texto

- Pagbibigay ng pangunahing kaisipan, pantulong na kaisipan







Katulong na Katulong na Pangunahing

Kaisipan Kaisipan Kaisipan









4. Pagsusuri sa binasang texto batay sa paglalapi, pag-uulit at

pagtatambal.



5. Pagpapasulat ng isang textong informativ.







Sumulat ng isang textong informativ tungkol sa “Ang Basic

Education Curriculum, sa Pananaw ng Isang Mag-aaral”.

Gamitan ng mga salitang maylapi, inuulit at tambalan. Formal na

wika ang gamitin.





6. Pagpapahalaga/Pagpapabasa sa ilang isinulat ng mga mag-aaral.









66 BSE-Kagawaran ng Edukasyon


Related docs
Other docs by HC111118123034
Course Outline Summary
Views: 24  |  Downloads: 0
Introduction
Views: 5  |  Downloads: 0
Sheet1 - Office Live
Views: 479  |  Downloads: 0
357 edital
Views: 62  |  Downloads: 0
John McKeeman
Views: 0  |  Downloads: 0
Sheet1
Views: 0  |  Downloads: 0
Holography � Timeline
Views: 4  |  Downloads: 0
116
Views: 3  |  Downloads: 0
Cornerstone University Archives Room
Views: 0  |  Downloads: 0
CARTRACS
Views: 2  |  Downloads: 0
By registering with docstoc.com you agree to our
privacy policy

You are almost ready to download!

You are almost ready to download!