Embed
Email

DA ULTRAINTER-

Document Sample
DA ULTRAINTER-
Shared by: HC111118122710
Categories
Tags
Stats
views:
110
posted:
11/18/2011
language:
English
pages:
242
1





D A U L T R A I N T E R -

M E G A L A K T I K

P I N O Y H E R O

Isang Eksplosib, Aksiyon Pak

Parodiya sa Mahabang Kasaysayan ng Pelikulang Bakbakan

Kuwento ni Mes De Guzman









Sumikad ang kanyang paa. Sumabay ang kanyang katawan sa hangin. Sumirko ng



tatlong beses sa ere upang mapagbigyan ang paa sa pag -igkas.







Bumagsak ang paang iyon sa mukha ng mamang pangit/may bigote/malaki



ang kaha/naka-dyaket/nakasalaming de-kulay na siyang bantay sa geyt ng bodega.



Umitsa sa ere ang nalagas nitong mga ipin habang bumabalandra ito sa salansan ng



mga botelya. Narinig iyon ng mga kasama nito na nagbabaraha sa isang sulok, at



mula sa ilalim ng mesa, sabay-sabay nilang dinampot/ikinasa/ ang mga baril nilang



M14/ M16, grenade launcher at M203.









Maliksi silang lumabas sa kuwartong pinagsusugalan upang tingnan kung



saan nanggaling ang ingay. Nang makita si Vargas, sabay-sabay na bumuga ang



mga nguso ng baril, umaangil papunta kay Vargas. Ngunit maagap si Vargas,



mabilis siyang nakailag sa humahagibis na bala ng grenade launcher.

2









Sumibad si Vargas sa ere habang umuutot pa rin ng apoy ang baril ng mga



kalaban, hindi na nakailag ang lalaking tinadyakan ni Vargas, ang katawan nito ang



sumalo sa mga balang pinakawalan ng mga goons. Gutay-gutay na nga sa bala,



sumabog at naluray pa ang katawan nito. Tuluyang nagiling sa bala ng gr enade



launcher ang naiwang mga laman.









Asar na asar/galit na galit/gigil na gigil/banas na banas ang mga goons kay



Vargas. Agad na tumawag sa radyo ang isa, upang kontakin ang iba pa nilang



kasamahan. Agad namang naal arma ang nakatanggap ng mensahe kaya pinindot



nito ang butong-pula di kalayuan sa kanya. Sukat doo‘y parang mga bumberong



nagbabaan sa kani-kanilang mga quarter ang mga goons. Kanya -kanyang suot ng



patig at bota, kanya-kanyang dampot din ng baril sa armor y room. May dumampot



ng M203, scud missile, M18, etc. At sabay-sabay na sumampa sa limang



tumatakbong army truck, papalabas sa bumubukas na gate ng kampo.





Samantala si Vargas ay naroroon sa isang sulok, kasama ang kahon -kahong



droga. Binuksan niya ang isan g kahon, binusisi ang mga nakaplastik na droga.



Inilabas niya ang Rambo knife niya‘t nilaslas ang isang supot, tinikman niya ang



pulbos. Natigilan siya, parang hindi niya malasahan kung ito nga ang drogang iyon,



kaya minabuti niyang tumikim ng konti pa.

3



Tiyempong nakalabas na mula sa belt bag niya ang parapernalya na siyang



gagamitin upang lalo niyang malasahan ang droga, tatlong lalaking pagkapangit -



pangit ang bumulaga sa kanya. Kasama ang mga baril nilang umaapoy sa galit.



Ngunit mabilis siyang nakatakbo bago abutan ng mga balang umaangil. Habol



naman nang habol ang mga bala sa kanyang paanan, ngunit mas matulin siya sa mga



ito. At bago uli siya tamaan ng grenade launcher, naka -dive na siya sa isang lubid,



at nag-ala- Tarzan siyang nagbaging habang ikinakasa niya sa bota ang dala niyang



kuwarenta‘y singko‘t agad na pinaputukan ang mga goons. Dalawa kaagad ang



lumabas na bala sa kanyang baril at sa di malamang dahilan, hindi niya alam kung



bakit nagkaganoon. Tatlong lalaki kaagad ang tumimbuwang, pan ay sa noo at dibdib



ang tama. Bumagsak ang mga ito sa kinatatayuan nilang mga salansan ng kahon.



Kasama ang mga kahong bumagsak sa semento, unti -unti naman silang natatabunan



ng mga pulbos ng droga mula sa butas na plastik.





Hindi pa nakakababa si Vargas sa lubid ay ginulantang na lamang siya ng



malakas na pagbukas ng bakal na gate, isang truck ang bumangga dito. Limang



armadong lalaki kaagad ang nakasampang nagpaputok sa kanya. Mayamaya‘y



kasunod na ang apat na truck.





Ngunit bago pa siya sabugan at abut an ng scud missile, nakatakbo na siya‘t



naka-dive sa mga dram na nagkalat. Ang mga drum ang pinuntirya ng mga goons, na



ngayo‘y nagbabaan na sa truck, nagkanya -kanya ng destinasyon.

4



Inilabas naman ni Vargas ang isang maliit na sako, mabilis niya itong bin uksan.



Bumuyangyang ang mga laman nito: partes ito ng Skuwago, isang sophisticated na



baril, galing ng Germany. Maliliit ang partes nito kaya maingat niya itong



pinagdugtong-dugtong. Mabusisi ang baril, ngunit may training naman siya noong



bata sa Lego kaya madali lamang niya itong napagkabit -kabit. Ang magasin ang huli



niyang isinalpak, na ayon sa nagbenta sa kanya‘y sa isang pindot ng gatilyo,



kuwarentang bala kaagad ang ibubuga nito. Ngunit kung kailan pa siya natapos sa



pag-assemble bigla na lamang si yang tinutukan ng baril. Natunton kaagad siya ng



dalawang goons. Nakangisi ang mga ito, parang sinasabing nagsayang ka lang ng



oras sa pag-assemble, matindi nga ang baril mo, pero hindi mo naman magagamit.



Ngunit sadyang ipinanganak si Vargas na mabilis/ma liksi, iyon ang kanyang



tadhana, ipinanganak siyang gumuguhit ang maraming kidlat sa langit, kaya ganoon



ang magiging marka niya sa ganitong sitwasyon.





Gumurlis sa hangin ang kanyang Rambo knife, sinalo ito ng mga leeg ng nag -



iisip ng masama sa kanya. Bumulwak ang dugo pagkapatid ng litid sa leeg ng



dalawang goons. Sa pangatlong lalaki, ang Skuwago ang kanyang ginamit. Isang



pindot, luray kaagad ang naiwang goons. Wala na ngang natira sa ulo nito kundi



mga buhok na ngayo‘y unti-unting nagsisilaglagan sa maruming sahig.





Maging ganoon pa man, duda pa rin siya sa baril na Skuwago. Tiningnan niya



ang counter, trenta‘y nuwebe lamang ang nakarehistrong numero, ibig sabihin,



trenta‘y nuwebe lamang ang lumabas na bala sa baril niya. Minura niya sa isip ang

5



nag-deal sa kanya ng baril na Skuwago. Ang tip sa kanya ng isang gun analyst,



taga- Danao ang kumag at malamang paltik lamang ang Skuwago!





Hindi muna niya pinag-isipan ang kumag, ang inintindi niya nang sandaling



iyon ay ang kanyang pamilya, ang asawang kamuk ha ni Christina Gonzales, at ang



anak niyang kasing-cute ni Niño Muhlach noong 1980‘s. Magurlisan lamang ang



kanyang pamilya, kuko lamang ni Angelo ang walang marka ng pulbura. Baril ko



ang uusig! Bala ko'ng huhusga sa hayop na ‗yon!‖ usal niyang ala - Fernando Poe,



Jr.





Nakabuti ang senti tungkol sa kanyang asawa‘t beybi. Mala - Rambo siyang



sumugod sa mga kalaban. Sakay ng pork lifter, pinasadahan niya ng bala ang mga



kalaban. Kaya marami kaagad sa mga goons ang nasorpresa, hindi nila akalaing



lalaban nang harapan si Vargas. Ang alam nila dito‘y ―wan man armi,‖ sanay sa



patago-tago at imposibleng mabuhay o kaya‘y makaligtas sa dami nila.





Trenta‘y otsong lalaki kaagad ang bumagsak sa semento nang muling bumuga



ang Skuwago ni Vargas. Muling nagtaka si Varga s. Diskumpiyado talaga sa baril



na Skuwago. Namangha ang kanyang mga kalaban, kaya para silang mga dagang



nagpulasan. Nagtago na parang mga bulate/ipis sa mga ilalim at sulok.





Pero walang makaliligtas kay Vargas. Iyon ang kanyang tadhana, walang



sinuman sa kanyang mga kaaway ang maiiwan sa mundo. Kaya ang mga bala‘y



lumulusot sa mga pinagtataguan nila na para bang guided bullets. Na kahit bumalik

6



pa sila sa matris ng nanay nila‘y wala pa rin silang ligtas. Naka -enkoda sa tadhana



na sila‘y mamamatay sa kama y ni Vargas.





Limang pindot pa lamang sa Skuwago, nalagas na ang mga kalaban, hindi



tuloy maiwasan ni Vargas ang maghikab. Ibig sabihin, limang segundo lamang ang



labanan. Walang kagana-gana, isip niya. Pero alerto pa rin siya, alam niyang



maraming pautot si Angelo. Gagawin nito ang pinaka-imposibleng paraan para



lamang mabura siya sa mundo. Pero hindi alam ni Angelo, iyon ang nakaukit sa



―tadhana.‖ Ang matira si Vargas sa mundo, at ubusin ang masasamang tao.





Ngunit hindi lingid sa kanya, may bago siyang haharapin, nanggaling sa



kanyang likod. Isang tangkeng kasinglaki ng Malacañang ang bumulaga sa kanya.



Walang sabi-sabing bumuga kaagad ito, tinamaan ang pork lifter na kinatatayuan



niya. Umitsa siya sa ere, nagsirko -sirko siya para malansi niya ang kalab an.



Pabalik-balik ang kanyang pagsirko. Sunod -sunod ang pindot niya sa Skuwago, pero



hindi makalusot ang mga bala sa kaha ng tangke. Minabuti muna niyang umeksit.



Maluluray siya kapag hindi niya ginamitan ng taktika ang lintek na tangke.





Eksakto sa pag-akyat niya sa hagdanan, nasalubong niya si Angelo, yakap -yakap



ang asawang kamukha ni Cristina Gonzales at hawak naman sa kamay ang anak



nilang kasing-cute ni Niño Muhlach. Nakangisi si Angelo, ngising demonyo. Sa



itsura nito‘y parang lamang na lamang siya kay Vargas. May hawak siyang baraha



at iyon ang pamilya ni Vargas.





―Bayaan mo ako sa diskarte ko Vargas! Walang mangyayari sa pamilya mo!‖

7



―Huwag mong tsansingan ang asawa ko,‖ iyon lamang ang nasabi ni Vargas,



dahil napansin niyang humihigpit ang pagkak ayapos nito sa kanyang asawa, pasagi



sa dibdib.





―Gago! Nayari ko na‘ng asawa mo!‖





Sukat doo‘y umakyat ang lahat ng dugo niya, kumulo na parang mantika sa



kanyang ulo. Tipong pupuwede nang pagprituhan ng Bunoan bangus. Ang pagsabog



ng galit ay hindi natulo y dahil narinig niya ang paglapit ng tangke.





―Ibaba mo ang baril mo!‖





―E, kung ayoko!‖





―Mapipilitan akong barilin ka at ang asawa mo!‖





Natigilan si Vargas. Pinag-isipan niyang mabuti ang sinabi ni Angelo.





Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang sumigaw ang asawa niya.





―Huwag Vargas, pabayaan mo na kami! Iligtas mo‘ng sarili mo! Ang



mahalaga‘y ang anak natin!‖





Doon uli siya natigilan. Paano siya makakaligtas kapag ibinaba niya ang



kanyang baril. At paano siya makakaligtas na kasama ang anak niya, hawak din ito



ni Angelo.





At kung ibababa niya ang baril, paano siya nakasisigurong makakaligtas nga



siya. Papakawalan ba siya ni Angelo, pati ang kanyang pamilya. Kung susundin

8



niya iyon, paano kung bigla na lamang siyang barilin ni Angelo. Paano siya



makakaligtas? Patay na siya.





―Bakit hindi mo pa ibinababa ang baril mo?‖





―E, kung barilin mo ako?‖





―E, kung barilin ko'ng asawa‘t anak mo!‖







Doon uli siya natigilan. Iyon ang hinihintay niyang dapat sabihin ni Angelo.



Sa eksenang ganito, wala siyang kalaban-laban, naisip niya. Kailangan nga palang



ibaba ang baril niya dahil kung hindi ay madadale ang kanyang asawa‘t anak. At



kapag naibaba na niya ito, ano ang susunod na gagawin ni Angelo, dito siya



mahihirapang mag-isip.







Tuso si Angelo, ang pangalan nito‘y kabaligtaran ng kanyang ugali. Paano



kung makipagsabayan si Vargas, iyon din ang huling baraha niya. Maraming



pupuwedeng mangyari. Ang una‘y positibo: mauunahan niyang matamaan si Angelo



sa ulo. Maliit lamang ang kanyan g asawa, kaya imposibleng tamaan ito kahit



yapos-yapos pa ito ni Angelo. At ang negatibo: siyempre, siya ang madale ni



Angelo.







Sa ganoong pangyayari hindi siya naniniwala, dahil ang tadhana mismo ang



nagsabing siya‘y ipinanganak na mabilis, maliksi s a lahat ng bagay. Paano kung

9



biguin siya ng tadhana, at siguro maging ang tadhana'y mapagbiro? Susubukan



niya ang kanyang lakas, ang kanyang tatag sa ganoong pangyayari. Litung -lito si



Vargas sa mga naiisip niya.





Inip na inip naman si Angelo, nakuha pa tuloy niyang kalkulahin ang maaari



niyang ikalugi kapag hindi niya naideliber ang mga ―epektos.‖





Naisip din niya ang halagang kikitain niya at nakuha pa niyang isa -isahin ang



maaaring bilhin sa kita: isang bagong kotse, pansampung asawa, panlimang bah ay



at beach resort sa Boracay. Marami na siyang naisip, pati tuloy ang kuwento ng



pag-iibigan ng lolo‘t lola niya‘y naikuwento na rin niya sa asawa ni Vargas. Kaya



nagtataka siya kung bakit ang bagal-bagal mag-isip ni Vargas. Gusto na niya tuloy



maniwalang hindi ito sa kidlat ipinaglihi kundi sa kulog.





―Ano? Susunod ka ba? "bulyaw nito habang mahigpit na yakap ang kanyang



asawa. Napairi naman sa sakit ang kanyang asawa. Ang kanyang anak nama‘y



naiiyak na, litung-lito sa nangyayari.





―Paano kapag hindi ako sumunod?‖





―Ang kulit mo naman. Sabi na‘ng papatayin kong asawa mo!‖





―Paano‘ng anak ko?‖





‗Isasama ko!‖





―Ang gulang mo naman! Pati walang-malay na bata‘y isasabit mo!‖

10



―Gago ka talaga Vargas, may druglord bang mabait at mapagbigay!‖





Natigilan uli si Vargas. Totoo ang sinabi ni Angelo. Kung mabait ito, hindi nito



maaatim na biktimahin ang mga kabataang nalululong sa drugs. Hindi nito maaatim



na sirain ang kinabukasan ng mga ito. Seryoso na ang eksenang ito. Kailangang



gamitan ng utak. At bigla niyang nasabi:





―Hindi ko ilalapag ang baril ko! Magkamatayan na kung magkamatayan!‖





Doon naman nag-isip si Angelo. Mukhang seryoso si Vargas sa huling sinabi



nito. Kaya walang sabi-sabing binaril niya sa ulo ang asawa‘t anak ni Vargas.





Ngunit ang tadhana‘y pabor kay Vargas gaya ng inaasahan. Hindi pa



nakakaigkas ang kalahating ulo ng bala sa nguso ng baril ni Angelo, trenta‘y otsong



bala na ang nagsiksikang bumaon sa kanyang mukha at noo. Kaya ang balang



lumabas sa baril ni Angelo‘y sinalo naman ng batang bumbunan ni Niño.





Bumuka naman nang maluwang na maluwang ang bunganga ng asawa nito sa



pagkamangha. Mayamaya nakarinig sila ng malakas na putok mula sa tangke na



biglang sumulpot na lamang sa kanilang likuran. Sumabog ang hagdanan kasama



ang pira-pirasong laman ni Nino na mistulang pumutok na longganisa. Bago sila



abutan, nakatakbo na silang mag-asawa sa isang kuwarto. Tiyempong ang



kuwarto‘y ang armory room. Agad nakakita si Vargas ng maraming dinamita.



Katabi ng mga tubong ginagamit sa imburnal. Ewan niya kung bakit bigla na



lamang niyang naisip buhatin ang isang tubo at sugurin ang tangke, kasama ang mga



dinamita.

11



Mabilis siyang nakalapit sa bunganga ng tangke at agad isinuksok ang mga tubo



at ang mga dinamita, at ang panghuli‘y isang palito ng posporong nagl iliyab ang



ipinasak niya.







Nakalabas na silang mag-asawa sa bodega nang magsimulang sunod -sunod na



sumabog ang mga dinamita. Napilitan tuloy silang tumakbo habang nagliliyab ang



bodega.







Tumakbo sila nang tumakbo habang ang apoy ay naglalagablab sa kanilang



likuran. Bago sila madilaan ng apoy, kapit -kamay silang tumalon sa isang tulay,



hindi nga lamang sila nakasisiguro kung malalim o mababaw ang tubig. At hindi na



rin nila inintindi kung ito nga ba‘y may tubig. Kaya pansamantala muna silang



lulutang sa ere. At dahil ang tadhana‘y pabor pa rin kay Vargas, ang dating sapa‘y



magiging ilog. Tiwala silang babagsak at sasaluhin ng tubig.







Mauunang makakaahon si Vargas at tutulungan niyang maka ahon ang



asawang kamukha ni Cristina Gonzales. Dahil kamukha ito ng mestisang si Cristina



Gonzales, ang dating suot nito‘y magiging kamison upang sadyang



bumakat/humapit/humubog/maaninaw ang alindog ng asawa —ang tayong-tayong



mga suso na pangdyolens, ang maindayog na bewang, ang kurbadang Coke, ang



mahabang buhok na ngayo‘y dahan -dahang malulugay, kasabay ang pagtalsik ng



mga tubig mula sa basang ulo.

12



Kakabigin niya ang leeg ng asawa, hahagkan ang labi na parang sumisipit na



talangka, magkakagatan sila ng labi, marubdob. Sasapuhin ng matitipunong kamay



ni Vargas ang siksik naman nitong puwit, pipisil -pisilin. Ngunit biglang maaalala



ng asawa ni Vargas ang kanilang anak, ang sigla at init ay napalitan ng mga hikbi at



iyak. Parehong yumugyog ang kanilang mga katawan nang maalala ang nangyari sa



anak. Ang pira-piraso nitong laman na sumambulat sa hangin.







Pero mahirap pahintulutan ang drama, bigla na lamang sa di kalayuan ng ilog



ay bubulwak nang pagkalakas-lakas ang tubig kasabay ng nakabibinging pagsabo g.



Agad namang namataan ni Vargas si Angelo, buhay pa pala! Kahit na manghang -



mangha‘y tatakbo si Vargas, yakag sa kamay ang asawa patungo sa batuhan upang



doon magtago.







Mula doo‘y bubuksan na naman niya ang isang kahon na nakuha niya sa



ilalim ng malaking bato. Ia-asembol na naman niya ang Skuwago, ngayo‘y made in



Japan na.







Mabilis niyang binasa ang manwal at nakuha pa niyang uminom ng iced tea



habang ina-asembol ang Skuwago. Patuloy namang sumasabog ang paligid.







Nagwawala na si Angelo, iyon ang iniisip ni Vargas habang tumatakbo‘t



sinasalubong ang mga scud missile. Bawat scud missile ay humahaging lamang sa



kanyang ulo, sa paa, sa likod. Ang ilog ang sumasalo ng pagsabog.

13









Habang nagbabarilan sila, inuusig ni Angelo si Vargas. Sinisisi ni to ang huli



kung bakit pinapakialaman pa ang raket nito.







Napag-usapan din nila ang ilan nilang sagupaan at ang kamuntik -muntikang



pagkadedbol ni Angelo. Marami pa silang napagkuwentuhang mga bagay na may



kaugnayan sa kanilang mga engkuwentro. Pati love life noong hayskul ay di rin



nakaligtas.







Hanggang sa nakalapit si Vargas kay Angelo, agad niyang isinaksak sa baga



nito ang dulo ng Skuwago, at mabilis na pinindot ang instant/ on line red button.



Mabilis na nagbilang ang kawnter nito. Tumalon kaagad si Vargas sa tulay habang



si Angelo‘y di malaman ang gagawin.







Nagtalsikan na ang mga laman nito sa ere na animo‘y mga kuwitis sa bagong



taon. Lumangoy naman si Vargas patungo sa kanyang asawang kamukha ni Cristina



Gonzales na ngayo‘y nakangiting kumakaway sa kanya. Nakapatong ang makinis na



hita sa isang bato. Sapu-sapo naman nito sa kabilang kamay ang anak na si Niño.

14



Mga Sipi mula sa Hari Manawari ni German V. Gervacio



I. Dalawang Bugtong









Sa pulo ng Mnaiwantiwan, isang dalaga ang aakyat sa bahay na



yari sa kapis upang magpakulo ng halamang-dagat. Magsasayaw ang



hagdan. Magigiba ang bubong ng lutuan. Madudurog ang kalan.







Sa katunayan, ang ganda ng Laguindingan ang pumatay kay Prinsipe Manawari.







Inagaw ng paligid ang kanyang iniisip. Galing siya sa Pulo ng Laguindingan subalit



ngayon lang niya namalas ang tunay nitong ganda. Mula sa kinalululanang Magik



Malong ay sinuyod niya ang angkin nitong halina. Pinababa niya kaysa karaniwan ang



lipad ng Magik Malong. Sa tanglaw ng buwan, ay tila ulap ang labusaw ng dagat.



Mistulang sariwang cauliflower ang pulo sa gitna ng sariwa ring tubig. Subalit sa



sandaling ito ay ang hagdan-hagdang palayan ang nakanakaw ng pansin ni Prinsipe



Manwari. Obra-maestra ng isang manlililok ang mga payaw. O Mistulang piraso ng



jamon na inilatag ng isang henyong kusinero. Nakaramdam tuloy ng gutom ang



prinsipe maging ang tatlong hayop na lulan ng Magik Malong.

15



Subalit mas may gutom pa pala sa kanila. Mula sa kanilang likuran ay umatake



ang mabangis na berkakan. Ang hampas ng buntot nito ang nagpagewang sa Magik



Malong na ikinahulog naman ni Prinsipe Manawari. Bumagsak siya sa bunganga ng



dambuhalang isda. Sinalo ang kanyang katawan ng sagpang ng matatalim na pangil



nito. Hinila siya pababa, sa lalim ng dagat ng mabangis na berkakan. Nagpupuyos ang



galit ng dambuhalang isda at hinalihaw ang prinsipe sa matatalim na korales.



Kumayod ang kanyang mga braso‘t binti sa mga korales at ngumudngod ang mukhang



ngayo‘y nabubuan ng dugo. Sa bawat paggiyagis ng pangil sa nawawakawak niyang



mga laman ay may tila sumusundot na kuryente sa kanyang isipan. Nagsalimbayan sa



humuhulagpos niyang kamalayan ang mga sandali ng pinagdaanang buhay. Manhid



na ang pakiramdam ni Prinsipe Manawari at anumang sandali‘y tanto niyang iiwan



siya ng huling pusikit sa kanyang nanlalabong mga mata. Sa isang mariing sakmal ng



berkakan at paghambalos ng ulo niya sa korales, ay inangkin siya ng di maipaliwanag



na kagaangan. Matapos ay ang walang hanggang dilim.









Payapa na ang kanina lang ay halos sumabog sa galak na kaharian. Bilog na bilog



ang maliwanag na buwan. Nakatindig si Prinsipe Manawari sa labas ng balkon.



Tinatanaw niya ang latag ng kabundukang tila nahihimbing na mayuming dalaga.

16



Naiisip niya kung ilang mga bundok, patag at dagat pa ang nasa likuran nito. Saang



bundok, patag o dagat doon nagkukubli ang katuparan ng kanyang mga pangarap?



Mamaya ang simula ng kanyang paglalakbay. Ang akala niya‘y ang kanilang



kaharian lamang ang kanyang lilibutin. Hindi ba‘t ito ang ihinayag ng bolang kristal ni



Merlino? Siya, si Prinsipe Manawari, ang pinakamakisig at nag-iisang prinsipe, ay



makatatagpo ng dalagang kanyang mamahalin. Isang dalagang bigla na lamang



susulpot sa inihandang masigabong kasiyahan ng kanyang Amang Haring Bacocos at



Inang Reyna Bicuda Nakasakay ang dalaga sa karwaheng hila-hila ng makikisig na



kabayo. Kitang-kita niya sa bolang kristal ang dalagang iyon. Ang balingkinitang



pangangatawan. Ang kulay-niyebeng kaputian. Ang nakapusod na ginintuang buhok.



Ang mga matang tila diamante. At isasayaw niya ang dalagang ito sa saliw ng waltz.



At maglalaho ang kaharian at anumang nasa kanilang paligid. Sila na lamang dalawa



at sa pagitan nila‘y ang dumadapong pag-ibig. Subalit kasinghiwaga ng pag-ibig na ito



ang dalaga. Maglalaho ito sa hudyat ng hatinggabi at iiwanan siya ng isang makinang



na alaala at malamlam na anino ng panghihinayang. Subalit hindi siya mag-aalala. Ito



rin ang sinasabi ng bolang kristal. Susuyurin niya ang buong kaharian at pasasaan man



ay matatagpuan din niya ang mahiwagang dalaga. At muling sasabog sa galak ang



buong kaharian sa kanilang pag-iisang dibdib.



Subalit tumatanda na nga bang talaga si Merlino at lumalabo na ang bolang kristal



nito? Bakit isang mahiwagang dalaga lamang ang lumitaw sa bolang kristal? Bakit



hindi nahagip ng mga tarot kard ang pagdatal din ng isa pang mahiwagang dalaga?

17



Dahil noong gabi ngang iyon, matapos tumalilis ang unang mahiwagang dalaga‘y may



natanaw sila mula sa papawirin. Ang akala nila‘y ang ikapat lang ng nagtatanod na



buwan. Ngunit habang papalapit nang papalapit ay napagsino nilang isa palang



napakalaking barko! Mistula itong isang islang lumilipad. At sa paglapag nito ay



napuno ang kaharian ng simoy ng aromang tila nagmumula sa ibang daigdig. Iniluwa



nito ang isang may kaliitang dalaga. Kulay-lupa ang balat nito at kaygandang



pagmasdan. Umaalong itim na dagat ang buhok nito na ultimo ang liwanag ng buwan



ay hindi makalagos. Ang mga mata ng dalaga‘y pares ng mutiang pinagyaman sa



pinakamalalim na karagatan. Muntik na niyang mabitiwan at mabasag ang tangang



salaming sapatos sa pagkakatigalgal.



Mas mahiwaga ang ikalawang dalaga kaysa una. Hindi man lang niya ito



nakadaupang palad dahil umimbay itong mag-isa sa saliw ng di niya mawawaang



musika na nagmumula sa mahiwagang barko. Hindi rin ito tumititig sa kanya habang



umiimbay. Ang mga mata nito‘y lagi nang nakatutok sa lupa o dili kaya‘y sa



kalangitan. Waring hinahalukay nito ang lihim ng lalim at sinusungkit ang hiwaga ng



kalawakan. Alitaptap na dumadapo sa kanyang mga mata ang gintong kalumbiga‘t



pulseras sa braso‘t bukong-bukong ng dalaga habang isinasayaw ng hangin ang



sarikulay na sedang kasuutan nito. Isang kaanyuang ngayon lang nasilayan ng buong



kaharian. Isang kagandahang hindi niya mawari kung ang mga mata niya ang



naglalarawan o ang kaibuturan ng kanyang kaakuhan. Muli, ang naramdaman niya sa



unang mahiwagang dalaga ay muli niyang naramdaman. At tila higit pa. Dahil habang

18



pinagmamasdan niya ang ritmo ng mga paang iyon na walang sapin ay parang ang



dibdib niya ang kumakabog sa halip na ang sa lupa. Walang sapin ang maliliit na



paang ito at kulay-lupa subalit sa pananaw niya‘y tila mas makinang ito kaysa



salaming sapatos ng naunang dalaga. At sa yugtong iyon na wari‘y nakapag-ipon siya



ng lakas ng loob para lapitan ang dalaga ay bigla itong tumalilis katulad ng unang



dalaga. Wala siyang nagawa kundi ang tanawin ang kinalulanang barko nito papalayo,



papataas sa kung saan mang bituin galing ang kagandahang iyon. Nakangangang sugat



ang kanyang mukha at unat pataas ang kanyang bukas-palad na mga kamay na wari‘y



nais higupin pabalik ang dalaga. Sa halip, isang panyo mula sa itaas ang lumapag sa



nangungulila niyang palad.



Salaming sapatos. Mahiwagang panyo. Hindi na ba naubusan ng bugtong ang pag-



ibig? At ang Unang Bugtong ang pinilit ipatugon sa kanya ng Amang Hari. Ito rin ang



nabanaag niya sa umaasang mga mata ng buong kaharian. At hindi nga ba‘t ito naman



ang inihihimatong ng tadhana? Ito ang bukas na pinatototohanan ng bolang kristal?



Ito ang bukas na maghahatid sa kanya at sa kanila sa walang hanggang kaligayahan.



Subalit ngayon ngang payapa na ang kanina lang ay halos sumabog sa galak na



kaharian na naging saksi sa kanilang pag-iisang-dibdib, may naghuhumiyaw namang



lungkot sa kanyang kaluluwa. Hindi niya napigil ang pagsilip ng luha sa kanyang mga



mata hanggang sa manlabo ang kanyang paningin—ang bilog na bilog na buwan ay



naging barko sa dagat na papawirin. Ang latag ng bundok na tila mayuming dalagang



nahihimbing ay waring tumindig at lumulan sa buwang barko. Papalapit sa kanya ang

19



barko. Papalapit sa kanya ang dalaga. Nahintakutan siya sa waring nakikita‘t naiisip.



Nagpasya na lamang siyang pumasok na sa kuwarto nilang magsing-irog.



Marahil ay nahapo kaya nahimbing. Payapa na ang kanina‘y-halos-sumabog-sa-



galak na mukha ng prinsesa. Bagamat tila hindi naalagaan ang ginintuang buhok ay



may kintab itong banayad sa mata. Umupo ang prinsipe sa gilid ng kama at hinaplos-



haplos ang buhok ng prinsesa. Sinalo ng daliri ang nakasaboy sa may patilya‘t pisngi at



iniipit sa likod ng tainga. Tumambad tuloy ang nanghihigop na uli-uli sa pisngi.



Napansin niyang sa pagkakapikit ay lalong pumilantik ang mga pilikmata ng marikit



na prinsesa. Tinangka niyang hagkan ang mga pilikmatang tila laging nagkakanlong



ng mamasa-masang luha. Hindi niya itinuloy ang pagtatangka.



Idinako niya ang wari‘y lumilikot na mga mata sa mahaba at bilugang leeg ng



prinsesang kabiyak. Sa tamang-tamang umbok ng dibdib ng kabiyak. Sa kurbadang



baiwang at humpak na puson ng kabiyak. Sa hita‘t binti ng kabiyak. Sa maliliit na



paa‘t hubog-kandilang mga daliri.. Sa kabuuan ng kabiyak, at tila may nabibiyak din



sa kanyang kaluluwa Ang nangungurog na ngayong kamay na kanina‘y nagtangkang



humawak sa kabuuan ng kabiyak, ay natagpuan niya ngayong dinarama sa halip ang



palad nito.



Tinatalo siya ng paggalang? O binabagabag siya ng napipintong pagtataksil?



Kinudlitan niya ng halik sa noo ang nahihimbing na prinsesa. Dahan-dahan siyang



bumitiw sa palad nito at hinubad ang nakatulugan nang pares ng salaming sapatos ng



kanyang prinsesang nahihimbing. Parang kaybigat ikilos ng kanyang mga bisig.

20



Kaygaan ng sapatos subalit parang kaybigat ng kanyang ginagawa. Hindi lamang niya



matiyak kung dahil ito sa takot at kalungkutang kanyang nadarama. Dinala siya sa



harap ng antigong aparador ng kimkim niya ngayong takot at kalungkutan. Marahan



niyang binuksan at ang malakas-lakas na kreeek ng nabuksang pinto ay hindi



nakagambala sa nahihimbing. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang damputin



ang isang baulito na napapalamutian ng binuhanging ginto at lantay ng diamante, ruby



at jade. Marahan niyang binuksan ito at unti-unting nakatakas ang ningning at liwanag



na nakabilanggo sa loob ng baulito. Tumambad sa kanya ang panyong may intrikadong



gantsilyo. Ang mahiwagang panyong hindi niya matiyak kung sadyang ihinulog ng



mahiwagang dalaga. Kinuha niya ito at inihalili sa baulito ang pares ng sapatos ng



kabiyak. At saka siya muling nagpasya. Kailangan niyang tugunin ang Ikalawang



Bugtong ng Pag-ibig.



Sakay siya ng kanyang matikas na puting kabayo at tinatanaw ang tila nunal na



lamang na kaharian sa nguso ng malawak na lupain. Nagtago na ang buwan nang



maulinigan ang pag-anggi ng niyebe. Napabaling ang tanaw ng prinsipe sa



kakahuyan habang nalalambungan ito ng puting niyebe. Nakagaan ng bahagya sa



kanyang pakiramdam ang tanawing ito at magpapasya sana siyang magpahinga muna



sandali. Subalit humalinghing ang kanyang matikas na kabayo upang ipaalalang hindi



saklaw ng kanilang kamaharlikaan ang ganitong uri ng pag-aaliw. Ipinasya niyang



ipagpatuloy ang paglalakbay upang hanapin ang mahiwagang dalagang may ari ng

21



mahiwagang panyong isiniksik niya sa kanyang marangya ring pananamit, sa tapat ng



kanyang nasasabik-nag-aalalang dibdib.







IV. Awit ng Sirena









Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling dagat,



Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,



May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.



Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.







Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina



Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,



Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,



Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.







Mamatay ay langit kung dahil sa ating dagat na sinilangan,



Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,



Ang mahinhing simoy na galing sa bukid ay lubhang mapanglaw



Sa wala nang anak, wala nang tahana't walang nagmamahal.

22









Maulap ang umagang iyon. May nagbabantang bagong bagyo. Sumisigid sa



kalamnan ni Prinsipe Manawari ang nakapangingilabot na lamig subalit mas



nakapaninindig ng kanyang balahibo ang awit. Kagabi pa niya naririnig ang awit na



iyon na waring nagmumula sa pusod ng karagatan. Noo‘y madalas ikuwento sa kanya



ni Merlino ang Alamat ng mga Sirena. Ang mga kuwento ni Merlino ay



nagpapahiwatig na ang mga sirena na ang pinakamalungkot na nilalang sa daigdig.



Singlungkot marahil ng naririnig niya ngayong awit. Bagamat nangangaligkig pa sa



ginaw ay pinilit bumangon ng prinsipe. Madilim man at may nagbabantang bagyo ay



kailangan na nilang ipagpatuloy ang paglalakbay. Ngayong umaga niya binalak



tawirin na ang dagat. Muli niyang pinagmasdan ang dagat na iyon. Nalulula siya sa



lawak nito. Ang mapayapang pintig ng dibdib nito‘y nagbabadya ng angkin nitong



kalaliman. Subalit nakapagpasya na siya. Hinila niya sa tulong ng kabaw ang tatlong



araw niyang ginawang balsa mula sa pagdadatig-datig ng malalaking sanga ng puno at



pagbigkis nito ng baging. Nang maiguyod nila ito sa dila ng dagat ay nilulan na nila



ang kanilang mga gamit at pagkain, lumulan na rin silang silang apat at iginaod ng



prinsipe ang balsa. Hindi pa sila nakalalayo ay siya namang pagbagsak ng ulan na tila



nag-uunahang sibat ng langit. Nag-aalimpuyo ang hangin at kumulong parang dugo



ang kaninang payapang kadagatan. Isang haplit ng malakas na hangin ay parang



tuyong dahong tinangay pabalik sa dalampasigan ang kanilang kalas-kalas at bali-



baling balsa. Tumilapon silang parang mga ipa ng binabayong bigas. Nalamog ang

23



baon nilang mga prutas na binalot nila ng malong. Sinaktan ng balakang ang kabaw.



Nabali naman ang dulo ng mahabang buntot ng manok. Namutla ang kayumangging



aso. Halos mawalan ang tatlo ng malay-hayop. Halos magkalasug-lasog naman ang



buto ni Prinsipe Manawari. Napahandusay na lamang siya at ang mga luha niya‘y



nagsumbong sa puting buhangin ng pasigan. Hindi malaman ng tatlong hayop kung



paano aaluin ang kanilang amo-kaibigan.



Maya-maya‘y biglang nagtatakbo si Kalabawbibaw papunta sa loob ng gubat na



nasa tapat ng kadagatan. Pagbalik nito ay may dala-dalang halamang sili na binunot



kung saan. Pinagmasdan lamang ni Prinsipe Manawari kung ano ang ginagawa ng



hayop na tila baga nasiraan na ng ulo. Pinitas-pitas ng kabaw ang mapupulang sili at



isinubo ito nang sabay-sabay. Umusok ang tenga‘t ilong ng kabaw sa sobrang anghang



at nagkulay bughaw ang katawan nito. Napatayo si Prinsipe Manawari. Nagpaikot-



ikot ang kabaw sa buhanginan na para bang nasusunog ang buong katawan. Maging



ang dalawang sungay nito ay umikot-ikot na parang ipoipo.. Hindi malaman ng



prinsipe ang gagawin. Nakatunganga naman ang aso at manok sa di-pangkaraniwang



nangyayari sa kapwa-hayop. Bagamat nag-aalangan ay nilapitan ni Prinsipe Manawari



si Kalabawbibaw at hinimas-himas ang bughaw na katawan nito na tila dagat. Parang



nahimasmasan naman ang kabaw. Pero bigla na namang nagtatakbo ito at pumunta sa



dila ng dagat. Ikinaway nito ang buntot na tila niyayaya na ang mga kasama.



Nagtataka namang tumalima ang tatlo. Kinumbatan sila ni Kalabawbibaw na sumakay



na sa likod nito. Pinagbigyan naman nila ang napapraning na yatang hayop. Muli

24



nilang inilulan sa likod ng kabaw ang mga gamit at pagkain. Pagkalulan nilang tatlo ay



lumusong na sa tubig ang kabaw. Ang katawan nitong bughaw ay tila sumasanib sa



dagat. Umiikot-ikot din ang dal‘wang sungay nito na para ngang uliuling



humahalukay sa tubig. Hindi makapaniwala si Prinsipe Manawari subalit tunay ngang



umaandar na sila. Humaplit na naman ang pagkalakas-lakas na hangin subalit hindi na



nito kayang itaob ang mabigat na katawan ng tabogol na hayop. Maging ang



nangangalmot na higanteng alon ay hindi ininda ng tila sinapiang kabaw. Tuloy ang



kanilang paglalakbay, may bagyo man at ang umaga‘y nginangatngat ng dilim.



Muli ay narinig ni Prinsipe Manawari ang awit na iyon. Habang papalapit sila sa



pusod ng dagat ay mas lumilinaw at lumalakas ang tinig. Halos makakaisang palit na



ng buwan mula nang magsimula silang maglayag sa dagat na ito. Bumabagal na nga



ang andar ni Kalabawbibaw at bumabalik na sa dati ang kulay nito. Sa tagal nilang



nawala sa lupa ay saka nagkulay-lupa ang balat ng prinsipe. Humaba na ang kanyang



buhok at nang manalamin siya sa tubig ay hindi na niya nakilala pa ang sarili. Anino



na lamang siya ng dating matikas na prinsipe. Nakaramdam ng gutom ang prinsipe



subalit ubos na rin ang mga prutas na ipinabaon ng pinuno ng Tribu Maliputu.



Nalagok na rin niya ang huling patak ng tubig sa kanyang sisidlan. Nahiga ang



prinsipe sa likod ng kalabaw at nakikipagtitigan siya sa araw. Hindi lang humahalik



ang araw sa dagat na ito kundi nangangagat pa. Sa pakiwari ni Prinsipe Manawari ay



tinutuya siya nito. Nagsimulang manlabo ang paningin ng prinsipe at huli niyang



namasdan ang araw na tila sumasayaw. Tuluyan na siyang nawalan ng ulirat.

25



Una niyang naramdamang sumayad ang tubig sa kanyang mga labi. Hirap ma‘y



pilit niyang ibinuka nang bahagya ang namumutok na labi. Lumagos sa tuyot niyang



lalamunan ang malamig na tubig mula sa kabibe. Nang idilat niya ang mga mata‘y



wala na ang nagsasayaw na araw. Ang bumati sa kanya‘y isang maamong mukha ng



may-ari ng malabughaw na buhok na isinasayaw ng banayad na hanging amihan.



―Mabuti naman at nagkamalay ka na. Ako si Zephyra.‖



―Prinsipe Manawari.‖ Habang nakikipagkilala‘y ibinaling-baling ng prinsipe ang



paningin niya sa paligid. Nahulaan naman ng babae ang mga tanong na naglalaro sa



kanyang isipan.



―Narito kayo sa Pulo ng Maniwantiwan sa pusod ng kadagatan. Ang iyong mga



kasama‘y sumakay sa kabayong dagat at gumala sa lalim. Tatlong araw ka na ring



walang malay.‖



Napansin ni Prinsipe Manawaring walang saplot ang dibdib ng babaeng



kinakakandungan niya. Siya ang bahagyang napahiya at tuloy napabangon.



―Huwag ka munang masyadong magkikilos at baka makasama sa iyo.‖



―Hindi, kaya ko na…maraming salamat.‖



Doon lang din muling namasdan ng prinsipe ang kanyang kausap. Ang maamong



mukha nito. Ang mga matang mutia. Ang mamasa-masang pilikmata. Ang manipis at



tikom na tikom na mga labi na tulad ng isang ayaw bumukang talaba. Ang



napakahabang buhok na mangasul-ngasul tulad ng dagat. Hindi sinasadyang muling



napadako ang mga mata ng prinsipe sa walang saplot na dibdib ng babae. Para itong

26



maputlang mga ulo ng sanggol na pugita. May biglang kumislot sa pagitan ng mga



hita ng prinsipe. Hindi na inalala ng prinsipe ang hiya at dagling dinukot niya ang



kumikislot sa pagitan ng hita. Halos mapisak sa palad niya ang may kalakihang isdang



bolinao na nakapasok pala sa kanyang karsunsilyo. Napangiti ang babae. Ngingiti na



rin sana ang prinsipe nang mapansin niya ang ibabang bahagi ng babae. Pagkakinis-



kinis nito. Pagkakinis-kinis na buntot ng isda!



―Ngayon ka lang ba nakakita ng tulad ko?‖



Alanganin ang tango ni Prinsipe Manawari na waring hindi pa nakababawi sa



pagkakatigalgal. Hindi pala alamat lamang ang mga kuwento ni Merlino, naisip niya.



―Huwag kang magimbal,‖ pang-aalo ng sirena. ―Ako man dati‘y hindi



naniniwalang may taong katulad mo. Subalit hindi nga ba‘t ganito talaga ang ating



daigdig?‖



―Ikaw yung naririnig naming umaawit?‖



Tumango ang sirena.



―Kaylungkot naman ng iyong awit.‖



―Dahil siguro‘y iyon ang laman ng aking puso.‖



At ikinuwento ni Zephyra kay Prinsipe Manawari ang dahilan ng kalungkutang



iyon. Hindi sinasadyang napaibig siya sa isang syokoy na may paa. Nagalit ang



Bathala ng Pag-ibig-Dagat sa pagsalangsang nila sa batas ng pagmamahalan sa



kanilang daigdig. Siya at ang kanyang banang si Ukuy-Ukuy ay ipinatapon sa Pulo



nga ng Maniwantiwan sa pusod ng dagat na iyon. Sila ang inatasang magtanod sa

27



Dagat-Maniwantiwan. Noong una‘y napakapayapa at masaganang masagana ang



yamang dagat. Ang Maniwantiwan ang kanilang naging paraiso. Ang kanilang naging



tanging kaligayahan kapalit ng pagkakalayo sa kanilang mga kaanak at kaibigan.. Dito



na rin nagluwal si Zephyra. Ang Paraiso‘y tila naging Langit na nga yata sa pagdatal



ng kanilang anak. Hanggang sa isang araw ay may dumating na isang dambuhalang



buwayang may kambal na buntot. Pinangakuan sila nitong tutulungan sa pagtatanod



ng kadagatan. Noong una‘y parang gayon nga subalit nang lumaon ay natuklasan



nilang ninanakaw ng buwaya ang yamang dagat at dinadala sa lupain sa kabilang



dagat. Hindi nakapagpigil si Ukuy-Ukuy nang matuklasan ang pananraydor ng



buwaya. Sinugod nito ang dating kaibigan at nagpambuno sila ng pitong araw at



pitong gabi sa ibabaw at ilalim ng dagat. Subalit hindi napantayan ni Ukuy-Ukuy ang



lakas ng dambuhalang buwaya at warat-warat ang katawang umilandang ito sa kung



saan sa hampas ng kambal na buntot ng buwaya. Hindi na natagpuan ni Zephyra ni



bakas ng bangkay ng bana. Tinangay rin ng buwaya ang sanggol nilang si Astra at



mula noon ay hindi na nakita pa ni Zephyra ang anak. Ang balita niya sa mga Isdang



Alapaap ay ibinigay ito ng buwaya sa Kambal-Ulong Higanteng Buwitreng Bumubuga



ng Apoy. Marahil ay dalagita na ngayon ang kanyang si Astra, naisp ni Zephyra at



lalong kumirot ang kanyang puso. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang



dambuhalang buwaya sa pananalasa ng yamang dagat. Sumusulpot ito sa may Pulo ng



Maniwantiwan tuwing kulay kahel ang buwan. At ngayong gabi nga‘y kulay kahel ang



bilog na bilog na buwan sa likuran ng ulilang bahay na iyon na yari sa kapis .

28



Samantala‘y nakabalik na ang tatlong hayop na lulan ng Kabayong Dagat.



Tuwang-tuwa ang mga ito nang makitang may malay na ang prinsipe. Subalit saglit



lang ang kanilang kasiyahan. Mula sa likuran ng prinsipe ay may nabanaag silang



parang pahabang pulong papalapit. Ang dambuhalang buwayang may kambal na



buntot! Habang papalapit ito sa Pulo ng Maniwantiwan ay hinahampas-hampas nito



ang kambal na buntot sa tubig. Parang pagsabog ng dinamita ang nalilikhang ingay ng



ihinahampas na buntot. Sa bawat paghampas ay naglulutangan ang mga namamatay



na isda na karamihan ay maliliit pa at nababasag ang mga korales sa lalim. Biglang



nag-init ang ulo ni Prinsipe Manawari. Subalit alam naman niyang wala siyang



magagawa. Ano nga ba ang laban ng isang taong tulad niya sa buwayang ito na bukod



sa dambuhala na, ang buntot ay dalawa pa? Hinugot niya ang kanyang balaraw



bagamat alam niyang wala namang gamit ito. Kuminang ang talim ng balaraw sa tama



ng kahel na buwan at napansin iyon ng buwaya. Waring ang dambuhala naman ang



uminit ang ulo pagkakita kay Prinsipe Manawari. Pasugod na ang buwaya at handa



nang manlapa. Si Prinsipe Manawari‘y tila handa namang mamatay. Mabuti na



lamang at kahit tuluyan na niyang nalimutan ang gintong sing-sing-ita ay naalala



naman niya ang diumano‘y Magik Sinturon daw na handog ng mga taga-Tribu



Maliputu. Ibinigkis ni Prinsipe Manawari ang Patola Kaorayan sa kanyang noo.



Dumagundong ang mga kulog at gumiyagis ang mga kidlat sa kalangitan. May kung



anong puwersang nanuot sa kalamnan at mga buto ng prinsipe mula ulo pababa



hanggang sa pinakadulo ng daliri sa paa. Nakaramdam siya ng tila ugat ng higanteng

29



punong nilalala sa kanyang mga himaymay. May tila bakal na pinapanday sa unod ng



kanyang buto. May kuryenteng dumuduro sa bawat pintig ng kanyang pulso. At may



biglang humiwang kidlat galing sa kanyang mabalasik na mga mata. Sumugod na ang



prinsipe at tila may bagwis ang kanyang mga paa. Nagpanagpo sila sa ere ng



dambuhalang buwaya at kaagad siyang hinalihaw ng kambal nitong buntot. Talsik ang



prinsipe sa dalampasigang pinanggalingan nila. Kinaon naman siya ng mga Isdang



Alapaap at inilipad pabalik sa Pulo ng Maniwantiwan. Nagpatuloy sa pakikihamok sa



buwaya si Prinsipe Manawari. Nadakma ng prinsipe Manawari ang buntot ng



dambuhalang buwaya at iwinasiwasiwas ito at ihinagis sa kabilang pangpang. Mabilis



namang nakalangoy pabalik ang buwaya at sinakmal ang prinsipe. Nakailag ang



prinsipe at nakalundag siya sa leeg ng buwaya. Nagpambuno silang dalawa. Minsa‘y



napapailalim siya sa buwaya at minsan nama‘y nakukubabawan niya ito. Minsang



mapadako sila sa pampang at magpagulong-gulong at kung minsan naman ay sa lalim



ng dagat at magpabali-baligtad. Kapwa ayaw magpatalo ng isa‘t isa. Apatnapung



araw at apatnapung gabi na silang nagpapambuno subalit wala pa ring sumusuko.



Walang gustong sumuko. Subalit sa labanang tulad ng gayon ay kailangang may



magwagi. Hanggang sa parang tinatakasan na ng lakas ang dambuhalang buwaya at



nakapag-ipon naman ng panibago si Prinsipe Manawari. Itinikom niya nang mariin



ang kamao at lumagutok ang nagngangalit na buto. Isinalin ni Prinsipe Manawari ang



lahat ng natitira pa niyang lakas sa kanyang bisig at ibinuga ito sa dulo ng kamao.



Dumapo sa maganit na panga ng dambuhalang buwaya ang isang maliit na kamaong

30



tila may lulang poot ng isang bulkan. At ang dating mabalasik na dambuhalang



buwaya ay naging hilong talilong na walang masilungan. Nang matiyak na ang



pagkagapi ng kalaban, sumisid si Prinsipe Manawari sa lalim at kumuha ng mahabang



baging-dagat. Iginapos ng prinsipe ang leeg at unahang paa ng dambuhalang



buwayang sa pagkakataong iyo‘y hindi na makapalag pa. Iniahon ng prinsipe sa pulo



ang dambuhalang buwaya na laslas ang tiyan at lalamunan. Bagamat punit-punit ang



kasuotan ni Prinsipe Manawari, nagtamo lamang ito ng kaunting gasgas sa braso.



Hindi magkamayaw ang mga nakasaksi lalo na nang putulin ni Prinsipe Manawari ang



kambal na buntot ng dambuhalang buwaya at iwagayway ito bilang tropeo ng



napagtagumapayang labanan. Naging simbolo ang kambal na buntot ng



nangangakong kapayapaan sa dagat na iyon na hinahalikan ng araw.



Walang paglagyan ang kasiyahan ni Zephyra. Bilang pasasalamat ay hahandugan



niya ng bagong bihis ang bayaning prinsipe kapalit ng napunit nitong kasuotan.



Pumutol siya ng bahagi ng kanyang mahabang buhok at humabi siya ng baluti mula



rito. Ang baluting ito na yari sa kanyang buhok at itinubog sa alat ng dagat ay hindi



tinatablan ng init o apoy. Kinuha rin ng sirena ang Magik Malong ng prinsipe at ang



laylayan nito ay sinulsihan ng palikpik ng Isdang Alapaap. Mula sa kung saan ay may



lumitaw na pagkalaki-laking gintong barko na nalululanan ng mga mutia at sarisaring



alahas. Inihandog niya ito sa prinsipe. Puwedeng turuan sa isip lamang ang barkong ito



at nakapaglalayag mag-isa. Nagpaalam na sina Prinsipe Manawari at nangako ang



prinsipe sa sirena na ibabalik niya ang dinukot na anak nitong si Astra. Bago sila

31



magpaalam ay ikinuwento ni Prinsipe Manawari ang tungkol sa mahiwagang



dalagang kanyang hinahanap. Ipinakita rin niya kay Zephyra ang mahiwagang



panyong pag-ari ng dalaga.



―Mosala…‖ Nausal ng sirena pagkakita sa panyo. Sinabi ng sirena na ang Mosala



ay hinahabi lamang ng pitong magkakapatid na Haori. Ang mga diwatang ito ay



bumababa lamang sa Talon ng Tinago para maligo tuwing bughaw ang buwan. Itinuro



ng sirena sa prinsipe kung saan matatagpuan ang Talon ng Tinago.



Magbubukangliwayway at nagpaalam na sina Prinsipe Manawari, lulan ng lumilipad



na ngayong Magik Malong. Inutusan naman ng prinsipe ang napakalaking barko puno



ng mahahalagang hiyas na pumasok muna sa isang malaking yungib sa may pangpang.



Mula sa itaas ay tanaw nila ang kumukutitap na ngiti ni Zephyra at bagamat may



sumusungaw pang lungkot sa mata dala ng pag-aasam sa anak, umaasa silang hindi na



nila muling maririnig na ganoon kalungkot ang awit na dala ng banayad na hanging



amihan..







VII. Ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasa









Nakatulungko si Prinsipe Manawari sa ilalim ng Puno ng Bayabas.



Pinagmamasdan niya ang Binansot na Balite. Isang kahel na dahon na naman ang

32



nalagas dito. Papaikli na nang papaikli ang taning niya at hindi pa niya natatagpuan



ang Ibong Aninipot. Ni wala nga siyang ideya kung saang lupalop ng daigdig ito



humahapon. Noon lang din niya muling napansin ang gintong singsing-itang ibinigay



ng Diwata ng Kagubatan. Kailanma‘y hindi pa niya ito napakikinabangan. Gusto na



niyang maniwalang biniro lang talaga siya ng diwata. Ni minsa‘y hindi naman niya ito



nakitang nakapulupot sa kanyang palasingsingan. Ngayon nga, katulad ng lumipas na



ilang mga araw, ay sa hintuturo niya ito laging nakapulupot. Napangalumbaba ang



prinsipe at naibulong niyang sana‘y kahit maituro man lang nito kung saan



matatagpuan ang Mahiwagang Ibon. Pagkausal nito‘y biglang kumawala ang gintong



singsing-ita sa kanyang hintuturo. Nalaglag ito sa lupa at biglang naging isang



dambuhalang sawa.



―Ano ang maari kong ituro sa inyo, Mahal na Prinsipe.‖



Matapos ang lahat ng naging karanasan sa paglalakbay at samu‘t saring



nasaksihang kababalaghan, hindi na nagugulat pa ang prinsipe.



―Ituro mo sa akin kung saan ko matatagpuan ang Mahiwagang Ibong Aninipot.‖



―Madali po iyon. Humahapon po ito sa Punong Aninipot.‖



―Saan ko naman matatagpuan ang Puno ng Aninipot?‖



―Naisin ko man, ay tunay ngang hindi ko alam. Subalit maari kong ituro sa inyo



kung sino ang maaring makapagturo sa inyo ng inyong hinahanap.‖



―Kung ganoo‘y sino ang makapagtuturo sa akin?‖



―Ang Prinsesang Nakaupo sa Tasa.‖

33



―Nakaupo saan?‖



―Sa Tasa po, Mahal na Prinsipe.‖



―T-tasa…?‖ Bagamat nalilito‘y nagpatuloy ang prinsipe. ―Saan ko matatagpuan ang



prinsesang sinasabi mo?‖



―Matatagpuan n‘yo siya sa Hinulugang Taktak.‖



―Hinulugang Taktak?‖



―Doon po sumasangguni ang lahat ng tao sa lahat ng panahon tungkol sa anumang



problemang hindi nila madesisyunan o masolusyunan.‖



―Paano ako makararating sa Hinulugang Taktak?



―Pumikit po kayo, Mahal na Prinsipe.‖



Sumunod naman si Prinsipe Manawari ngunit dagli din itong dumilat. Itatanong



dapat niyang‖ O, Ngayon?‖ nang mapansing nasa ibang lugar na siya. Nasa isang



maliit siyang tila pulo na napapaikutan ng di-kataasang talon. Nadilatan ni Prinsipe



Manawari ang mga taong nakapila na iba‘t iba ang kasuotan at paraan ng pananalita.



Ang pila‘y nagwawakas sa harap ng isang parang dalagitang, parang batang, di lang



niya matiyak. Nakaupo ito sa gilid ng isang malaking tasa. Sa magkabilang tagliran



nito ay may nakatayong dalawang tanod na mukhang uod. Nakipila si Prinsipe



Manawari. Ito na siguro ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasang sinasabi ng



gintong singsing-itang naging higante ngang sawa. Sa harap ngayon ng prinsesa‘y may



dalawang babaeng may dalang isang sanggol. Kunot ang noo ng prinsesang sa

34



malapitan pala ay pakiwari ni Prinsipe Manawari ay mukhang lolang katatapos lang



magnganga.



―Ano ang inyong problema?‖



―Ang akin pong sanggol ay gusto niyang agawin.‖ Anang nasa kaliwa.



―Subalit Mahal na Prinsesa. Ang sanggol na ito‘y ako ang nagluwal.‖ Anang nasa



kanan.



―Sino ba talaga ang ina ng sanggol na ito?‖



―Ako po.‖ Anang dalawa.



―Hindi puwede ang sinungaling dito. Alam n‘yo ang kaparusahan. Kanino



talagang anak ang sanggol na ito?‖



―Ako pong talaga, Mahal na Prinsesa.‖ Anang dalawa pa rin.



Napabuntunghininga ang prinsesa at matamang nag-isip kung paano lulutasin ang



problemang ito.



―Ikaw?‖ Tanong niya sa babae sa kaliwa. ―Ano‘ng pangalan mo?‖



―Ana po.‖



―Ikaw naman?‖



―Ana rin po.‖



―Parehong Ana ang pangalan n‘yo?‖



―Opo.‖ Anang dalawa sabay tango.



―Ganito na lang ang gawin natin. Yaman din lamang na pareho ninyong



pinangangatawanan na sa inyo ang sanggol na ito, na imposibleng mangyari dahil

35



hindi maaring sa dalawang ina manggaling ang isang sanggol, eto ang aking



solusyon...‖



Sabik na naghihintay ng desisyon ng prinsesa ang dalawang Ana.



―Hatiin natin ang sanggol na ito at paghatian ninyong dalawa para parehas at



walang away.‖



Napaisip ang dalawang ina.



―Payag ba kayong hatiin natin ang sanggol?‖



Nagkatinginan ang dalawa at sabay pang sumagot.



―Opo, Mahal na Prinsesa. Payag po kami.‖



Unti nang mahulog sa kinauupuang gilid ng tasa ang paham na prinsesa. Nang



makapanimbang ay inagaw niya sa dalawa ang sanggol at inutusan ang dalawang



tanod na gawaran ng parusa ang dalawang babae. Medyo namroblema naman ang



prinsesa sa sanggol na magiging kargo pa yata niya ngayon. Mabuti na lamang at ang



anim na lalaki palang kasunod sa pila ang ―mga ama‖ ng sanggol.



―Itatanong ko rin sa inyo ang itinanong ko kanina, at alam kong payag din kayong



anim na hatiin itong sanggol na ito.‖



―Pero, Mahal na Prinsesa, ― anang anim na lalaki. ―Hindi po kami pumapayag na



hatiin sa amin ang sanggol.‖



―Pero imposible ngang kayong anim ang ama nito!‖ Sumisigaw na ang prinsesa.



―Pero ako po talaga ang ama ng sanggol na iyan!‖ Sabay-sabay ang anim at



sumisigaw na rin.

36



Napangalung-noo ang prinsesa at matamang nag-isip. Una‘y naisip ng prinsesang



hingan kaya ng birth certificate ang anim pero maging ito‘y hindi garantiya dahil



puwede namang pekehin ang ganitong mga sertipiko. Tiningnan nito ang mukha ng



sanggol at ang mukha ng anim na ―ama‖ at tiningnan kung sino ang kamukha ng



sanggol. Ang bawat isa naman ay may katangiang makikita sa sanggol. Nang wala na



talagang maisip na solusyon ang prinsesa ay may kinuha ito sa loob ng tasa. Naglabas



ito ng baraha.



―Daanin na lang natin sa Pusoy Dos.‖



Nagtatakang nagkatinginan ang anim.



―Kung sino sa inyo ang magwawagi sa laro ay sa kanya mapupunta ang sanggol.



Marunong ba kayong mag-Pusoy Dos?‖



Tumango ang anim.



―Kung gayo‘y doon kayo sa isang tabi at simulan n‘yo na ang pagsusugal. O, yung



sunod…‖ Utos ng prinsesa sa anim at matapos ay tinawag na niya ang susunod sa pila.



Pupuwesto na sa isang tabi, sa likod ng tasa ang anim na lalaki para mag-Pusoy Dos.



Hindi pa nakapag-uumpisang magbaraha ang anim ay bumalik na ang isang lalaki sa



harap ng prinsesa.



―O, ano naman ngayon?‖



―Iginagalang ko po ang inyong naging desisyon, Mahal na Prinsesa.‖



―So?‖

37



―Kung sinuman sa amin ang tunay na ama ng sanggol ay sino nga ba ang



nakaaalam? Puwede ko po itong ipakipagsapalaran sa Pusoy Dos at sinusumpa ko sa



inyong ako ang magwawagi…‖



Matamang nakikinig ang prinsesa at nagpatuloy naman ang lalaki.



―Dangan nga lamang na naipangako ko sa sarili na hindi na ako muli pang



magsusugal. Ang aming yaman, ang aking asawa‘t iba pang mga anak ay nawala sa



akin dahil sa sugal—cara y cruz, sabong, jai-alai, jueteng, karera, lotto, ending…Ultimo



kung matitiis ko bang hindi magsugal o hindi ay pinakipagpustahan ko.‖



―Ano ngayon ang gusto mong mangyari?‖



―Hindi po ako sasali sa Pusoy Dos. Hihilingin ko lang pong mahagkan ko at



mayakap ang aking anak bago man lang ako lumisan.‖



Halos madurog ang puso ng prinsesa at mapuno ng kanyang luha ang malaking



tasa sa pagkarinig ng tinuran ng lalaki.



―Ano ba ang iyong pangalan, lalaki?‖



―Tana po.‖



―Kung gayon, Tana. Narito ang iyong anak. Umuwi na kayo.‖



―Subalit, maaring nagsisinungaling lamang ako at hindi ako ang tunay na ama ng



batang ito?‖



―Hindi na mahalaga kung ikaw man ang tunay na ama ng sanggol o hindi.



Nakapagpasya na ako. Ikaw lamang sa anim na nagke-claim ang puwedeng asahan ng

38



sanggol na iyan. Paano magiging responsableng ama ang isang sugarol? Subalit



ipangako mong hinding-hindi ka na magsusugal, Tana.‖



Tumango ang lalaki at tuwang-tuwang nagpaalam na. Bago siya umalis ay may



pahabol na tanong ang prinsesa.



―Teka nga. Bakit n‘yo ba pinag-aagawan ang sanggol na iyan?‖



―Maniwala po kayo at sa hindi, Mahal na Prinsesa. Ang sanggol na ito ay umiihi ng



langis at gasolina.‖



Napakunot ang noo ng prinsesa subalit hindi na niya pinansin ang tila naging



weird na lalaki. Kinurot na lang niya ang pisngi ng sanggol.



―At ano naman ang pangalan ni beybi?‖



―Spratlys po, Mahal na Prinsesa.‖ Pagkasabi ay dali-dali nang lumisan ang exayted



na ama ng sanggol na umiihi ng langis at gasolina. Samantala‘y inip na inip na si



Prinsipe Manawari. Bukod sa hindi niya mawawaan ang nagaganap at naririnig ay



nag-aalala siya sa nasasayang na panahon. Naiisip niya ang Binansot na Balite. Ilang



kahel na dahon na naman kaya ang nalagas dito? May tatlo pa sa unahan bago siya. Sa



likod niya‘y lalong humahaba ang pila. Subalit wala na siyang pakialam sa mga ito.



Matapos siya‘y dagli na siyang tatalilis. Hindi niya maunawaan ang lugar na ito.



Umabante naman sa pila ang dalawang lalaking ang amoy ay tila galing sa ilalim ng



lupa. Isang babae na lang at siya na. Nakabawas ito sa pag-aalala at pagkainip ng



prinsipe. Sinimulan na ng Prinsesang Nakaupo sa Tasa ang susunod na sesyon.

39



―Ano naman ang problema n‘yong dalawa? Sino ba kayo at mukha yatang amoy-



patay na kayo? Sa‘n ba kayo galing?‖



―Ako po‘y galing sa Libingan ng mga Bayani.‖ Tila nagmamagaling na sabi ng isa.



―Ako naman po‘y mula sa Libingan ng mga Tunay na Bayani.‖ Pagmamayabang



naman ng isa.



―Kung gayo‘y mga self-proclaimed bayani pala kayo. Bakit naman kayo naging



bayani, aber?‖



―Isa po yata akong Pambansang Alagad ng Sining, Mahal na Prinsesa.‖



―Ako po nama‘y Pambansang Alagad ng Tunay na Sining, Kamahalan.‖



―At bakit naman kayo naging Pamba-Pambansang-Ek-Ek?‖



―Ako po yata ang sumulat ng Doktrinang Anakpawis.‖



―Pero ako naman ang nagsapraktika ng Doktrinang iyon.‖



―Praktika…Inggit ka lang.‖



―Inggit…Baka ikaw?‖



―Gusto mo, square na lang tayo!‖ Sabay pa ang dalawa at nagtikom-kamao para sa



first round ng boxing. Pero inawat sila ng prinsesa.



―Pag-uuntugin ko kayong dalawa, e. Ano ba talaga problema n‘yo at mukha



yatang maging sa kabilang-buhay ay nagtatalo pa kayo?‖



―Siya po kasi‘y ayaw maniwala sa aking mas masarap yung ano.‖



―Mas masarap naman kasi talaga yung ano kaysa ano, e.‖

40



―Teka lang. Ano ba yung mas masarap na pinagtatalunan n‘yo? Kung mas



masarap mabuhay o mamatay para sa bayan?‖



Umiling ang dalawa.



―E ano nga?‖



―Kung mas masarap ang Nilupak kaysa Espasol?‖ Duet ng dalawa.



―Ang problema n‘yo‘y kung ano ang mas masarap? Kung yung Nilupak ba o



Espasol?‖



Tumango ang dalawa.



―Kung gayo‘y, next…‖ At tinawag na ng prinsesa ang babaeng kasunod sa pila.



Subalit ayaw pa ring umalis sa harapan ng dalawang bayani.



―Pero hindi n‘yo pa po nasosolusyunan ang aming problema.‖ Solo ng isa.



―Hindi n‘yo pa po nasasabi kung sino ang tama sa amin.‖ Solo ng isa pa.



―Kung ano nga ba ang mas masarap. Nilupak o Espasol?‖ Duet uli sila.



Tinastas ng prinsesa ang huling hibla ng kanyang pasensya.



―Wala akong panahon sa walang kakuwenta-kuwentang problema n‘yo. Mabuti



pa‘y umalis na kayo sa aking harapan bago ko kayo mapatay!‖



―Pero patay na po kami.‖



―Tanoood!‖



Habang binibiyabit ng tanod ang dalawa ay bumubulung-bulong ang mga ito na



hindi naiintindihan ng prinsesa ang kanilang problema. Subalit nagpasya na rin silang

41



tanggapin ang pasya ng paham na prinsesa dahil ika nga nila‘y ―Talaga namang



walang nakauunawa sa mga bayani sa sariling bayan.‖



Sa puntong iyo‘y gusto nang sisihin ni Prinsipe Manawari ang singsing-itang



naging higanteng sawa. Mas mapapadali pa siguro ang kanyang paghahanap kung



hindi siya nagpatulong o nagpaturo rito. Buwisit na buwisit na siya sa kanyang



kinasadlakan at inaalala nga niya ang tumatakbong mga sandali. Parang wala namang



halaga sa mga taong nandito ang panahon. Para nga lang naglalaro ang mga tao rito.



At naisip na naman niyang isa na naman kaya ito sa paglalaro sa kanya ng Diwata ng



Kagubatan? Subalit mas masasayang ang panahon niya kung ngayon pa siya aatras.



Masyado nang malaking panahon ang kinain ng kanyang paghihintay sa pila. At



malapit na naman talaga siya. Ito na nga lang babae at siya na. Kanina pa niya



napapansin ang babae sa kanyang harapan. Parang pamilyar ito. Hindi lamang niya



matandaan kung kilala niya ito o hindi. Marami naman kasing ganitong itsura ng



babae sa Kaharian ng Hansen. Ang balingkinitang pangangatawan. Ang pagkaputi-



puting kutis na tila niyebe. Ang banayad na paggalaw na parang lumulutang sa hangin



kung maglakad. Ang garbosang pananamit na parang laging may dadaluhang



marangyang pagdiriwang. Lubha ngang kayganda sa paningin ng babae. Ano kaya



ang maaring maging problema ng kagandahang ito?



Nakatulog si Prinsipe Manawari sa paghihintay sa pag-uusap ng dalawang babae.



Naalimpungatan siya nang maulinigang nagpapaalam na ang magandang dilag sa



munting prinsesa.

42



! ―Sa wakas!‖ Naisigaw na may kahalong buntunghininga ng isipan ng prinsipe.



Lalapit na sana si Prinsipe Manawari sa Prinsesang Nakaupo sa Tasa nang may biglang



sumingit na lalaking singkit mula sa likod ng tasa. Namukhaan ito ng prinsipe. Isa ito



sa anim na lalaki kaninang nagke-claim ng sanggol na umiihi ng langis at gasolina.



Halos nagtatatalon ito at nagsisisigaw hawak sa kamay ang winning cards.



―Bwa-haha! Ako ang nagwagi! I‘m the King of the World!.‖ Bulalas ng parang



napapraning na lalaki. ―Ako ang nanalo sa Pusoy Dos, Mahala na Prinsesa! Akin na



ang anak ko, akin na ang anak ko!‖



Tinuktukan ito ng kawayan sa ulo ng prinsesa at kinumbatan ang tanod na



gawaran na ito ng parusa. Takang-taka naman ang lalaking singkit habang biya-biyabit



na ito sa magkabilang bisig ng mga tanod. Nasa harapan na ngayon ng prinsesa si



Prinsipe Manawari. Nagpalinga-linga muna siya para tiyaking wala nang eeksena at



oras na talaga niya para sa kanyang sariling problema. Kinalimutan niya ang pagka-



asar at nagpugay sa paham.



―Magandang umaga, Mahal na Prinsesa. Ako po si Prin…‖



―Prinsipe Manawari. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?‖



―Bakit nyo po ako kilala?‖ Pagtataka ng prinsipe dahil sa mga nauna sa kanya‘y



walang kilala ang prinsesa.



―Ayan, o,‖ sabay hablot ng prinsesa sa nakabigkis na sinturon sa noo ng prinsipe.



―Nakaburda yang pangalan mo.‖

43



Ngayon lang niya napansin at totoong nakaburda pala ang pangalan niya sa Patola



Kaorayan. Binawi niya sa prinsesa ang Magik Sinturon at nagpatuloy.



―Nagsadya po ako rito para malaman kung saan ko matatagpuan si Prinsesa Ganda



ng Pulong Laguindingan.‖ Hayag ng prinsipe habang dinudukot sa may dibdib ang



Mosala.



Bago sumagot ang prinsesa ay may kinuha itong dahon. May binasa ito sa dahon



na para bang may tinitiyak. Matapos ay tumitig nang parang may inaarok sa mga mata



ng prinsipe.



―Pero ayon dito sa mensahe ng gintong singsing-ita ay magpapaturo ka lang kung



saan matatagpuan ang Punong Aninipot? Walang nabanggit ditong Prinse-prinsesa



Ganda. Niloloko mo ba ako?‖



―Hindi po, Mahal na Prinsesa,‖ parang napahiyang nasabi ng prinsipe. ―Isa rin po



iyon sa gusto kong malaman.‖



―Puwes, ipagpaumanhin mo subalit kung ano lamang ang nasa dahong ito, ay iyon



lamang ang maituturo ko sa iyo.‖



Hindi na pumasok pa sa isip ng prinsipe na makipagtalo sa prinsesa. Ibinalik na



lamang niya ang Mosala sa may dibdib.



―Kung ganoon po‘y maari bang ituro n‘yo sa akin kung saan ko matatagpuan ang



Punong Aninipot?‖



Mula sa loob ng tasa‘y naglabas ng tila garapon ang prinsesa.



―Tatlong pilak.‖

44



―Para saan po ang tatlong pilak?‖



―Para ituro ko sa iyo ang puno.‖



―Subalit kanina‘y hindi n‘yo naman sila siningil?‖



―Iba naman ang sadya nila. Ikaw ay nagpapaturo. Hindi mo ba alam kung gaano



kahirap magturo, Prinsipe Manawari?‖



Iiling-iling na kumuha sa bulsito niya ng tatlong pirasong pilak si Prinsipe



Manawari at ihinulog sa inilabas na tila garapon ng prinsesa. Kumalansing ito kasama



ng ilan pang pilak sa halos mangangalahati pa lamang na lalagyan.



―Ngayon po‘y maari n‘yo na po bang ituro?‖



―Huwag ka munang magmadali. Kailangan mo munang masagot ang dalawa sa



tatlong tanong na ibibigay ko.‖



Gusto nang maglulupasay sa lupa ni Prinsipe Manawari subalit tinatagan niya ang



kanyang loob.



―Sige po. Ano ang inyong katanungan?‖



―Konting bugtong lang naman ito at palaisipan.‖



―Ano nga po iyon?‖



―Teka, galit ka ba?‖



― Hindi po.‖



―Galit ka e.‖



―Hindi nga po.‖



―Asar?‖

45



―Hindi po.‖



―Asar ka yata, e…‖



Umiling na lang si Prinsipe Manawari. Di na niya mapilit magsinungaling ang



dila.



―Tandaan mo. Dalawa ang kailangan mong masagot nang tumpak bago ko ituro



ang kinaroroonan ng Punong Aninipot. May tatlumpung segundo ka para sagutin ang



mga tanong.‖



Tinantiya ni Prinsipe Manawari kung kaya niyang ihagis ang Munting Prinsesa.



Mukhang sa liit nito‘y kayang-kaya naman niya kahit hindi niya suot ang Magik



Sinturon. Subalit siempre, sa halip na ihagis ang nasa harapan, pinili niyang pigilin na



lang ang panginginig ng laman.



―Tatlumpung segundo lang?‖



―Oo. Pagkasagot mo‘y puwede mong pahintuin ang oras. Puwede ka ring



magpass kung hindi mo alam ang sagot. Pag me natira ka pang oras ay babalik tayo sa



hindi mo nasagot na tanong. Game ka na ba?‖



―Hindi pa po.‖



―Bakit?‖



―Kung masagot ko po ang tatlong tanong?‖



―Hindi mo masasagot.‖



―Pa‘no nyo naman nalaman? Pa‘no kung masagot ko nga po?‖



―Basta, huwag kang mag-alala. Hindi mo masasagot. Maniwala ka.‖

46



―E kung masagot ko nga po e.‖



― E hindi n‘yo nga po masasagot e.‖ Ginagad pa siya ng prinsesa.



―Sige po, ano ang tanong?‖



―Eto ang tanong...‖



―Eto ang sagot…‖



―Wala pang tanong.‖



―Wala pa rin namang sagot .‖



Inis si Prinsipe Manwari dahil parang nahahawa na siya sa kakulitan ng mga tao



rito. Pinagtaasan naman siya ng isang kilay ng prinsesa.



―Narito ang una mong tanong. Kung ang isang electric train ay tumatakbo pa-



Timog sa bilis na 100 milya per hora at bigla itong lumiko sa kanan at bumagal ang



takbo sa 75 milya per hora. Ano ang direksyon ng usok ng train? Timer starts now!‖



halos ibagok ni Prinsipe Manawari ang ulo sa labi ng tasa. Hindi niya masyadong



mawawaan ang tanong. Basta ang alam niya‘y may tumatakbo, may usok, may lumiko,



saan papunta usok…Wala siyang mahagilap na sagot. Tumatakbo ang segundo. Ayaw



niyang magpass kaya nanghula na lamang siya.



―Papunta ang usok sa Hilaga? Stop the clock!‖



Walong segundo ang nakain sa tatlumpung segundo niya.



―Mali.‖



―Silangan?‖



―Isang beses ka lang puwedeng sumagot. Pero mali din naman.‖

47



―Kung gayo‘y sa Kanluran o sa Timog din papunta ang usok.‖



―Mali. Mali. Mali.‖



―E nasabi ko na ang lahat ng direksyon. Ano po ang sagot?‖



―Wala. Wala namang usok ang electric train, e.‖



Napaisip at napakamot sa ulo si Prinsipe Manawari. Kinabahan siya dahil



kailangang masagot na niya pareho ang huling dalawang tanong. Tuso ang kanyang



kaharap, naisip niya.



―May natira kang dalawampu‘t dalawang segundo para sa dalawang katanungan.



Narito ang susunod na tanong. Hulaan mo kung ano ito: Baboy ko sa Maliputo, Mga



balahibo‘y pako.‖



Pagkarinig sa bugtong at sa Maliputo ay biglang lumipad ang isip ni Prinsipe



Manawari sa Tribu Maliputu. Wala siyang natatandaang nakitang baboy doon na may



balahibong pako. Maging ang pinuno ng tribu na bagamat mukhang baboy ay wala



namang balahibong pako. Ni wala nga yatang hayop sa kagubatan ng Maliputu. Ang



marami doon ay prutas. Prutas! Biglang may naalala si Prinsipe Manawari at sa isip



niya ay hinagod ang mga prutas na nakita niya sa tribu— lanzones, makopa, kaymito,



mangga, rambutan, langka, durian…at biglang kumislap ang mga mata niya at dagling



sumagot.



―Durian! Stop the clock!‖

48



―M-m…‖ sasabihin na dapat na ―Mali‖ ng nakangisi nang prinsesa subalit



nagdalawang-isip nang rumehistro sa utak nito ang isinagot na prutas ng prinsipe.



Saglit itong napaisip at para hindi mapahiya‘y sa nauntol na sasabihin ay:



―M-m…Magaling! Tumpak! Durian nga.‖



Napatalon si Prinsipe Manawari.



―Subalit bago ka matuwa ay gusto kong malaman mong isang segundo na lamang



ang natira sa oras mo.‖



―Isang segundo? Ang bilis naman po yata? Hindi ba‘t…‖



―Hindi ba‘t ang tagal mong sumagot at lumipad yata kung saang tribu ang isipan



mo kanina? Huwag kang mag-alala. Ke bigyan pa kita uli ng tatlumpung segundo ay



bale wala rin. Wala pang nakakasagot sa katanungan kong ito. O, handa ka na?‖



Tumango na lang si Prinsipe Manawari. Sa isip niya‘y alam na niya ang gagawin sa



gintong singsing-ita pagbalik niya.



―Para sa iyong huling palaisipan. May isang segundo ka, tandaan mo,‖ mas ay



pang-iinis iyon kaysa paalala sa prinsipe. Mas nilakasan din nito ang boses na parang



ipinaririnig sa lahat nang nakapila ―Ano itong apat sa uma…‖



―Tao!‖ Sagot ni Prinsipe Manawari bago pa man matapos ng Munting Prinsesa ang



tanong.



Tigalgal ang prinsesa.

49



―Tao. Apat sa umaga, dalawa sa tanghali at tatlo sa gabi. Tao ang sagot sa



palaisipan n‘yo, Mahal na Prinsesa. Ang tao kapag sanggol pa ay gumagapang. Sa



paglaki ay naglalakad at kapag tumanda na ay nakatungkod.‖ Paniniyak ng prinsipe.



Di nakaimik ang prinsesa.



―Pa‘no mo natsambahan?‖ Ayaw pa rin nitong bumilib sa prinsipe.



―Pagpaumanhin ninyo, Mahal na Prinsesa. Subalit nabasa ko na ito sa mga libro.



Maari n‘yo na bang ituro sa akin ang kinaroroonan ng Punong Aninipot? Kailangang-



kailangan ko lang po talagang malaman. Kailangan kong madakip ang Mahiwagang



Ibong Aninipot na humahapon sa punong ito.‖ Seryoso na ang prinsipe at sumeryoso



na rin ang humahanga na ngayong prinsesa . Subalit biglang sumanib sa bulalas ng



paghanga ang pinalungkot nitong mukha.



―Ipagpaumanhin n‘yo rin po, Mahal na Prinsipe. Subalit hindi ko alam ang



kinaroroonan ng inyong hinahanap. Hindi ko rin po kasi inaasahang masasagot ninyo



ang aking mga tanong.‖



Parang binagsakan ng mundo ang prinsipe. Subalit ano pa ang magagawa niya?



Baka nga siya naman ang talagang may diprensya? Bakit nga ba hindi niya agad



naisip? O kung naisip man niya ay kung bakit pinaniwala niya ang sarili na hindi nga



ganoon? Baka nga ito na ang talagang katotohanan. Baka nga ang lahat ng ito ay



pawang mga laro lamang. At siya ay isang napakamasunuring laruan! Gusto niyang



maglulupasay at bumunghalit ng iyak. Biglang nakaramdam siya ng pagnanais na



bumalik sa Kaharian ng Hansen at humagulgol na lamang sa kandungan ng Inang

50



Reyna Bicuda. O kaya‘y sa kandungan ng kanyang kabiyak. Hindi ba‘t doon talaga



siya nabibilang? Bakit niya ginagawa ito sa kanila? Bakit niya ito ginagawa sa sarili?



Ang prinsesa naman na nakaramdam ng pagkaawa sa prinsipe ay nagsikap



humagilap ng mga katagang kakalamay sa damdamin ng prinsipe.



―Huwag kang mag-alala, may paraan pa.‖



Pumailanlang ang huwad na halakhak ng prinsipe. Oo, may paraan pa. May



paraan pa. Para siyang masisiraan ng bait. Kung magkaganoon ma‘y hindi niya



binalak na dito takasan ng sanidad.



―Kung ganoon po‘y kapwa-tawad tayo, Mahal na Prinsesa. Magpapaalam na po



ako at may naghihintay pa sa aking mga kasama. Sa katunaya‘y isang naghihingalong



pulo ang umaasa sa akin.‖ Parang nangongonsyensyang nasambit ng prinsipe.



―Idinadalangin kong sana‘y magtagumpay ka sa iyong misyon, Prinsipe Manawari.



Isang paalala na lamang. Huwag mong hayaang mawala ang pag-asa sa iyong puso.



At huwag mong paniwalaan ang lahat ng iyong nakikita‘t naririnig. Mapanlinlang ang



daigdig na ito.‖



Hindi malaman ng prinsipe kung matatawa o mabubugnot na naman. Humirit pa



ng isa ang prinsesa.



―Huwag mong masyadong seryosohin ang buhay. Gaanan mo lang ang iyong puso



tulad ng nasaksihan ko sa iyo.‖



A gaanan pala, ha? Biglang kambyo ng mood ang prinsipe.

51



―Matanong ko nga po pala, Mahal na prinsesa. Saan n‘yo po ba gagamitin ang mga



pilak na ito?‖ sabay turo ng prinsipe sa tila garapon ng pilak ng prinsesa. Humilig sa



kanya ang prinsesa at may ibinulong.



―Madalas kasi ang pagdalaw ko sa babaylan. Inaabala ako nitong almoranas ko.



Ikaw ba naman ang umupo sa gilid ng tasang ito sa loob ng eksaktong…‖ Nag-isip



sandali ang prinsesa, ―…anim na bilyon, limandaang milyon at apatnapu‘t tatlong



daang taon at dalawampu‘t isang araw…e ewan ko lang kung hindi sumakit ang puwit



mo. Mahal na magpagamot ngayon…‖



―Kung iyon lang ang problema n‘yo‘y, mayroon akong suhestyon.‖



Sabik na naghihintay ang prinsesa sa suhestyon ng prinsipe. Pinalapit ng prinsipe



ang dalawang tanod na mukhang uod at ipinabuhat ang prinsesa pababa sa gilid ng



tasa. Matapos ay inutusan ng prinsipe ang tanod na baligtarin ang tasa. Pagkabaligtad



ay pinaupo muli ang prinsesa.



―O, ano po ang pakiramdam? Hindi ba‘t mas kumportable?‖



Dinama ng prinsesa ang lapat na niya ngayong inuupuang puwitan ng tasa.



Nakaramdam siya ng ginhawa at abot-abot ang pasasalamat niya sa ―mala-henyong‖



idea ng prinsipe. Nangiti na rin si Prinsipe Manawari. Kailangan na talaga niiyang



magpaalam. Muli, ay tinitigan niya sa mata ang Munting Prinsesang Nakaupo sa



baligtad na ngayong Tasa. Nasalamin niya sa mga mata nito ang kislap na tila baga



kailanma‘y di dumapo sa kanyang mga mata. Munti nga ang prinsesang ito at para



rito‘y laro lang ang buhay. Siya, na matanda na‘y mahirap maunawaan ito. Subalit

52



aminin man niya o hindi, ay nais niyang magpasalamat sa prinsesa sa saglit paghahatid



sa kanya nito sa daigdig ng mga bata. Hindi nga ba‘t lahat naman ng tao‘y minsang



naging bata? Hindi nga kaya ang suliranin ay sumulpot sa daigdig dahil nalimutan na



ng tao kung paano maging bata? Bigla ay nakaramdam ng inggit si Prinsipe Manawari



sa Munting Prinsesang Nakaupo sa Baligtad na Tasa. Subalit huli na para bumalik siya



sa pagkabata. Sunog na ang tulay na nagdudugtong sa mga yugtong ito. Wala na nga



siyang matandaan sa kanyang kabataan. O nagdaan nga bang talaga siya sa



pagkabata? Bakit parang ang pahina ng kanyang buhay ay nagsimula na binata na siya



kaagad? Isang binatang naghahanap ng makakaisang-dibdib. Isang binatang may



kakambal agad na problemang pangmatanda. Nakalilito‘t nakangangalos isipin.



Basta‘t ang nauunawaan niya‘y sino man ang Dakilang Awtor ng kanyang buhay ay



kailangan niyang sundin. Ito ang papel niya sa panulat nito. Kailangan niyang bumalik



sa mga pahina ng tunay niyang daigdig.



Hinagkan niya sa noo ang Munting Prinsesa at nagpaalam na. Pagbitiw ng



kanyang labi sa noo nito ay tinitigan siya sa mata ng prinsesa.



―May puwing ka yata sa pilikmata, Mahal na Prinsipe. Pumikit ka‘t tatanggalin



ko.‖



Pumikit si Prinsipe Manawari at naramdaman niya ang pagdampi ng munting



daliri ng prinsesa sa kanyang pilikmata. Nang dumilat siya ay halos mahalikan na niya



ang mamasa-masang nguso ni Kalabawbibaw. Sa magkabila niyang tagliran ay naroon



ang alimbyuging manok at tisikong aso. Gabi na naman pala. Sinulyapan niya ang

53



Binansot na Balite. Iilan na lang ang dahong kahel nito. Tinabig niya ang malaking ulo



ng tabogol na kabaw at hindi siya makapaniwala sa nakitang tanawing natabingan ng



hayop kanina. Sa di-kalayuan ay isang higanteng punong tila nagriringas sa gitna ng



dilim. Dali-dali itong nilapitan ni Prinsipe Manawari at natuklasan niya ang dahilan ng



pagdingas ng puno. Napapalibutan ito ng milyon-milyong alitaptap! Ito na ba ang



Puno ng Aninipot?



Bigla niyang naalala ang Munting Prinsesang Nakaupo Na Ngayon sa Binaligtad



Niyang Tasa. May kumislap na ngiti sa sulok ng kanyang mata.

54





Midterm Exam

Mykel Andrada



Panitikan ng Pilipinas 19 (Panitikan, Kasarian at Sekswalidad)

Midterm Exam, Unang Semestre 2004-2005

Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

Kolehiyo ng Arte at Literatura

Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon

Guro: Prop. K Z. Freire



Pangkalahatang Panuntunan:

Isang oras at kalahati ang nakalaang oras para sa eksam na ito. Binubuo ito ng dalawang bahagi:

A. Tama o Mali (15 puntos) at B. Sanaysay (35 puntos). Ang total score ay 50 points. Mayroon

ring bonus na tanong sa dulo ng exam (5 points). Kung may tanong, itaas lamang ang kaliwang

kamay para tawagin ang aking atensiyon. Good luck! 



A. Tama o Mali. Right minus wrong. (15 puntos)

1. Nakabababa o nakatatanggal ng libog ang pagkain ng papaya.

2. Maraming puno ng papaya sa seminaryo dahil ―tama‖ ang sagot sa tanong bilang 1.

3. Maaaring maging babae ang kasarian ng isang lalaking puno ng papaya.

4. Ang tao ay isang uri ng hayop.

5. Ang lahat ng hayop ay sekswal na nilalang.

6. Maaaring magahasa ang hayop.

7. Kasalanan ang incest maging sa mga pusa.

8. Maaaring maging bakla o lesbiyana ang pusa.

9. Size doesn‘t matter.

10. Matter occupies space and has weight.

11. Isang uri ng matter ang alma mater mong exclusive for boys o for girls.

12. Ang katawan ng tao ay Templo ng Diyos Espiritu Santo.

13. Ang ostia ay nagiging katawan ni Hesukristo sa proseso ng transubstantiation.

14. Ang ostia ay Templo ng Diyos Espiritu Santo.

15. Dahil mayroong Tatlong Persona (Triumvirate) sa Iisang Diyos, at dahil si Hesukristo ay

nagkatawang-tao, ang ostia na katawan at templo ng Diyos Espiritu Santo ay ang nakabuntis

kay Birheng Maria.





B. Sanaysay. Maging direct-to-the-point. Length is illusory, most of the time. (35 puntos)



1.) Ipaliwanag ang konsepto ng scopophilia sa pamamagitan ng analisis ng billboard ad ng

Bench kung saan nakaputing brief lang si Rafael Rosell. (10 puntos)



Alas otso pa lang ng umaga ay ngumangawa na si Mariah Carey. Napakalakas ng mga ispiker ng

Index, ang kabubukas lang na salon sa kanto ng Tandang Sora at Matandang Balara. Sa lakas ng

55



pagkanta ni Mariah, para akong biglang hinigop ng mga bangketa sa Quiapo kung saan

nagtatagisan at nagpipiyukan ang mga amplifier at karaoke ng mga modernong pirata.



Katapat ng Index ang pinaglumaang salon ni Beauty. Sa tapat naman ng parlor ni Beauty,

nakaburol ang mga panambak, pinagkataman, mga basyo ng bote, lumang diyaryo, at ilang

natutuyong dahon ng acacia. Sa tapat rin ng parlor ni Beauty ako nag-aabang ng dyip papunta sa

may Unibersidad ng Pilipinas. Habang sinasalat ng aking kaliwang hintuturo ang taghiyawat sa

pagitan ng aking mga kilay, sinitsitan ako ni Beauty. Ngumiti lang ako.



―Free shave for you mam‘ya! Go ka ditech, ha?‖ Pinakurba niya ang mga labi niya upang bumuo

ng bilog. Pagkatapos ay pinaglabas-masok niya ang kaniyang dila sa bilog na butas. Parang sapot

ng gagamba ang kaniyang panis na laway.



―Next time na lang.‖



―I miss you na kasi, e! Sige na, I know naman na gustong-gusto mo ‗pag inaahitan kita.‖



―Baka malugi ka lalo.‖ Pagkasabi ko nito, tumaas ang kaliwang kilay ni Beauty, nagpamaywang

siya, tiningnan niya ang Index. Halos umakyat na sa puyo niya ang kanyang kilay.



―Punyeta ka, Kiko! Ke aga-aga, inookray mo aketch!‖



Buti na lang ay may dumating nang dyip. At buti na lang ay bakante ang harapan ng dyip.

Pagkasakay ko, iniabot ko sa drayber ang P7.50 at humingi ako ng permiso para magyosi.

Tumango ang drayber at nakihiram pa ng lighter. Habang sinisindihan ko ang aking unang istik

ng Winston Lights, nakita ko sa sidemirror sa tabi ng drayber ang billboard ad ng Bench:

nakaputing brief ang higanteng si Rafael Rosell. Agad kong binawi ang tingin ko. Paglingon ko

naman sa sidemirror sa tabi ko, nakita ko ang tinitighiyawat na mukha ng isang lalaking tayung-

tayo ang buhok. Maganda ang pagiging mapanga niya. Moreno pa. Nagbubutil ang pawis sa noo.

Naka-puting polo. Nasa hayskul siya malamang. Sa U.P. Integrated School kaya siya nag-aaral?

Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.



Iniiwas ko ang tingin ko, kunwari‘y ang mga nadaraanang maliliit na bahay, barung-barong, mga

kabuteng beauty parlor, panaderya, sari-sari store at iba pang establisimiyento ang sinisipat-sipat

ko. Sa kaliwa‘y sinubukan kong bilangin kung ilang lalaki sa covered basketball court ang

walang suot na pang-itaas. Sa kaliwa pa rin ay maingat kong tinutukan ang paborito kong bantay

ng Pascual Lumber & Hardware Supply. Sa kanan, napasadahan ko ang ipinintang larawan ng

mga batang tumatawid: ito ang disenyo ng pader ng Mustard Pre-school. Bigla kong naalala ang

Parable of the Mustard Seed – kayliit-liit na buto ngunit kapag itinanim at inalagaang mabuti ay

lalaki at lalago upang maging higanteng puno.



Nahaplit ng usok ang kanang mata ko kaya napapikit ako. Tiningnan ko sa sidemirror ang

kanang mata ko, medyo namula. Sinulyapan kong muli ang lalaking tayung-tayo ang buhok.

Nakayuko siya.

56



Parang iniimbudo ang pakiramdam ng biyahe padating sa main gate ng Ayala Heights. Parang

itinitinging mantika ang trapik ng traysikel, dyip, kotse, bus at trak sa kahabaan ng Katipunan.

Ito ang baradong isaw na daanan sa likod ng Unibersidad ng Pilipinas. Barado hanggang sa

Ateneo, hanggang sa dulo ng puwet ng Katipunan.



Pagkatapos ng halos 20-minuto ng mabagal na pag-usad, tumapat na ang dyip na sinasakyan ko

sa may MWSS. Bumaba na ako kahit malayo pa ang gate ng U.P. Mayroon pa akong sampung

minuto bago mag-8:30nu. Ayokong mahuli sa unang klase ko. May eksam sila ngayon.



Habang pinagmamadali ko ang aking mga hita, binti‘t paa, bumunot ako ng isa pang istik ng

Winston Lights. Isang yosi lang ang haba ng lakad papunta sa Kolehiyo ng Arte at Literatura.

Namantsahan na ng pawis ang dibdib ng pulang t-shirt ko. Kinuha ko ang panyo ko, sinimulan

kong hagurin ang dibdib ko para tuyuin ang pawis. Sa kahahagod ko, tumigas ang kaliwang

utong ko. Naramdaman kong unti-unti namang tumitindig ang ilang hibla ng buhok sa kanang

utong ko.



Dahan-dahang sumikip ang brief ko. Kumambiyo ako habang naglalakad. Iniwasan ako ng

dalawang babaeng kasalubong ko.





2. Mayroon bang relasyong pangkapangyarihan sa sitwasyon o proseso ng seduksyon?

Ipaliwanag ang iyong sagot. Magbigay ng mga ispesipikong halimbawa. (15 points)



A.

Binibilang ko kung ilang hakbang pababa ang kailangan kong gawin para makarating sa

basement ng gusaling pinagdadarausan ko ng klase. Nasa ika-69 na ako nang biglang may

sumukbit na braso sa nakalaylay kong braso. Akala ko‘y isa sa mga kaibigan ko. Iyon pala‘y siya

– ang estudyante kong laging nakalugay ang mahabang kulot na buhok at laging pinasusungaw

ang nagkikiskisang mga pisngi ng kanyang mabibilog na dibdib.



―Sa‘n ka punta, Sir?‖



―Lunch.‖



―1pm na a! You must be so hungry. Ano bang fave food mo?‖



―Hinihintay ako ng kaibigan ko.‖



―Masarap ba siya?‖



Lihim akong kinabahan. Hindi naman naikubli ng mga tainga ko ang pagkagulat sa tanong niya.

Namula ang mga ito tulad ng pamumula ng langit tuwing lumulubog ang araw.



―See for yourself,‖ ang tanging naisagot ko. Pagkasabi ko noon, tinanggal ko sa pagkakalingkis

ang kaniyang braso, dumukot ako ng yosi sa bulsa ng aking pantalon. Hindi ko makita ang

57



lighter ko. Kapa ako nang kapa, sa harap, sa likod ng pantalon. Nang matiyak kong wala na

talaga ang lighter ko, isinubo ko na lang ang puwet ng yosi. Inakbayan niya ako, iniharap ang

kaniyang manggang-mukha sa mukha kong nag-iimbak ng pawis sa noo, at idinikit-dikit niya

ang lighter niya sa kaliwang tainga ko. Lalong namula ang mga tainga ko.



―Savior mo ako, o!‖ sabay tanggal ng lighter sa tainga ko at akmang sisindihan niya ang yosi ko.

―Kahit di ako naniniwala sa diyos.‖



―Salamat.‖



Nang masindihan niya ang yosi ko, napansin kong bumigat ang pagkakalatag ng kaniyang braso

sa balikat ko.



―Mauna na ako, Angel. Hinihintay na ako ng kaibigan ko.‖



―Akala ko ba sir ‗see for yourself‘?‖



―Gawin mo na lang yung assignment. May quiz bukas.‖ Pagkasabi ko nito, tamang-tama‘y

namataan ko ang isang kapwa guro ko. Kinawayan ko siya at nagpaalam na ako kay Angel.



―Who‘s the hottie?‖ tanong ni Sir Mon.



―Sir naman, parang anak n‘yo na ‗yun.‖



―So?‖



―Sir.‖



―Mukhang type ka nun a! Ayaw mo ba?‖





B.

Pagkatapos ng mga klase ko, bumili ako ng buko juice. Sa loob lamang ng humigit-kumulang

dalawampung segundo ay nasaid ko na ang laman ng plastik na lalagyan.



Pumunta ako sa tambayang-kubo sa gilid ng Faculty Center. Nakalaan ito para sa mga guro at

istap ng aming kolehiyo. Mag-a-alas dose pa lang ng tanghali ay nakakawalong istik na ako ng

Winston Lights. Dumating ang matalik kong kaibigang si Caloy.



―Caloy, shet!‖



―Bakit? Inaatake ka ba ng high blood?‖



―Nagkasala na naman ata ako.‖

58



Nakangising tinitigan ako ni Caloy. ―Sino naman ngayon?‖



―Siya uli.‖



―Baka sinasadya mo!‖



―Hindi, a! Bakit ba kasi siya shorts nang shorts?! Di naman siya varsity player.‖



―Baka sinasadya niya.‖



Ikinuwento ko kay Caloy ang ―kasalanan‖ ko. Habang nag-eeksam ang aking mga estudyante sa

unang klase ko, nakaupo ako sa ibabaw ng mesa upang tingnan kung may nagkokopyahan at

upang abangan kung mayroong sumesenyas sa akin para magtanong. Naka-Indian seat ako. Sa

pagkakaposisyon ko, ibang bagay ang nakanakaw ng aking atensiyon.



Sa harap siya laging umuupo. At kapag eksam, lagi siyang nakabukaka. Lagi siyang naka-shorts.

Naka-blank stare lang naman talaga ako kanina. Katulad nung una. Hindi ko naman sinasadya.

Puti ang brief niya nung una. Kanina, pula. Medyo nangalasig ang mga balahibo ko sa katawan,

at kung pusa ako‘y tiyak na nagsusulat na ang aking buntot ng letrang ―S‖ sa hangin.



Mabilis akong bumaba mula sa aking mesang-trono.



Sa gilid ng aking kaliwang mata, nakita kong ngumisi siya, lumitaw ang kaniyang biloy sa

kaliwang pisngi – lumikha ito ng uwang sa balat, parang maliit na maliit na maliit na maliit na

replica ng bukanang-tumbong ng sanggol. Bigla niyang itinaas ang kaniyang bolpen. Lumapit

ako sa kaniya upang alamin kung ano ang tanong niya.



―Sir, puwede bang ‗yung billboard na lang ni Wendell Ramos ang i-analyze ko? ‗Yung naka-red

na brief siya.‖



Marahan niyang idiniin-diin ang takip ng bolpen sa kaniyang biloy.



Pagkatapos ko siyang tanguan, ipinasok niya ang kaliwang kamay niya sa ilalim ng kaniyang t-

shirt. Dahan-dahan niyang hinimas ang kaniyang tiyan, na para bang nagpapahinga mula sa

pagsagot sa eksam. Sigurado akong pinaglalauran ng kaniyang kaliwang hinliliit ang kaniyang

bulex, paakyat sa kaniyang pusod upang doon magpaikot-ikot. Tumalikod na ako‘t ipinahinga

ang aking mga kamay sa magkapatid na harapang bulsa ng aking pantalon.





3. Bakit itinuturing na “mag-asawa” sa sekswal na pag-aaral ang mga konsepto ng

fetisismo at narsisismo? Ipaliwanag. Gumamit ng sariling halimbawa. (10 puntos)



Habang binabagtas ko ang paakyat na kalye ng Road 2, Matandang Balara, pauwi sa aking

inuupahang kuwarto, aligaga‘t abala ang mga kapitbahay kong nakatira sa hilera ng mga barung-

barong. Nahaging ang aking mga mata ng isang babaeng may hawak na salamin at ng katapat

59



niyang babaeng nagbubunot ng mga buhok sa kilikili. Nagkukuko naman sa paa ang isang

lalaking naka-kahel na salawal. Naabutan kong dinudurog niya sa pagitan ng kaniyang kaliwang

hinlalaki at hinlalato ang nakuhang dumi mula sa sulok-sulok ng kaniyang mga kuko sa paa.

Pagkadurog, inamoy-amoy niya ang kaniyang kaliwang hinlalaki at hinlalato. Ganun rin ang

ginagawa ng nanay sa pinagtutulihan ng kaniyang anak na batang babae. Pagpasok ko sa gate ng

compound kung saan naroroon ang apartment na tinutuluyan ko, nakahandusay sa daan ang isang

lalaking naghihilik. Gumagalaw na bundok ang kaniyang tiyan. Katabi niya ang isang buntis na

pusa, himbing na himbing.



Pagkapasok ko sa aking inuupahang silid, tinanggal ko ang sapatos at medyas ko. Inamoy ko

kung puwede pang gamitin kinabukasan ang medyas. Puwede pa. Kinuha ko ang maliit na

salamin sa ibabaw ng mesa. Hinog na hinog na ang taghiyawat sa pagitan ng aking mga kilay.

Pagkatiris ko dito, inamoy-amoy ko ang mantsang iniwan nito sa dilaw na tisyu ng Wendy‘s.



C. Bonus (5 puntos)

Ano ang ibig sabihin ng salitang bulex at ano ang tawag sa buhok sa kilikili?

60









SINUMPAANG SALAYSAY









Usli ang pusod ni Lingling. Kaya hindi makapaniwala ang lahat ng mga taga-Don



Felipe, kasama na ang kanyang mga magulang, nang matanggap siyang magtraining



sa promotions para pumunta sa Japan. Summer vacation noon, katatapos lang niya



ng Second Year High School.



"Aba, si Omeng, mapapahaloblak na ang bahay!"



"At baka magkaroon na ng service, ano ha!"



Sa kanilang barangay, kitang-kita ang pagkakaiba ng may asawa sa Saudi, may



tiyahin sa Taiwan, may anak sa States, in short may kaanak saanmang bahagi ng



mundo, kumpara sa hanggang ngayon ay nakikiporsyento sa lupa ng iba o nabubuhay



sa pangingisda. Kaya magandang balita tuwing may isang tagaroon na nagkakaroon



ng liwanag ang pagpuntang abroad.



"O, e diba't sabi'y dahil sa pusod ay hanggang Gapan na lang ang batang iyan."



"Swerte!"



Ang sabi ng ilan, swerte talaga sa biyahe ang usling pusod. Kung baga kasi sa



eroplano, nakaungos na ito, handa nang lumipad.



Kahit katorse lang, swerteng natanggap si Celestina, o Lingling, sa First Time



Promotions sa bayan para maging entertainer sa Japan. Asawa ng Hapon si Ate



Claire, ang may-ari ng promotions, na nag-screen kay Lingling. Tama lang daw ang

61



katawan niya, balingkinitan. Ipinataas ang palda niya para makita ang legs. Dapat



walang peklat. Sinipat pati puson, sinigurong walang bilbil.



Kabang-kaba si Lingling. Baka mahalata ang kanyang pusod. Bata pa siya,



pinagdidiskitahan na iyon ng lahat. Di naman kasi maiwasang makita iyon ng iba, dahil



minsan, ihinahabilin siya ni Aling Inya pag may paggapas o patanim na dadayuhin.



Nakalakihan na niya ang deklarasyon ng mga matatandang wala siyang pag-asang



mag-Japan dahil doon. Ang sabi kasi nina Mimi at Estela, ang mga orihinal na nag-



Japan sa barangay, dapat perpekto ang katawan.



Minsan, habang naglalaro sa silong ng bahay, ikinumpara niya ang pusod niya sa



pusod ng mga kababatang babae. Sumalampak sila sa lupa, itinaas ang mga palda at



bahagyang hinilang pababa ang mga panty. Di gaya ng mga sa kababatang parang



balong malalim, mukhang sitsarong bulaklak ang kanyang pusod.



"Nakabuyangyang!" palatak ni Ana.



"Delikado iyan, sabi ni Jean, "madaling matusok."



"Oo nga," susog ni Lea, "sabi ni Nanay, pag nakuwit ang pusod, pupuslit ang dugo."



Pero hindi pinansin ni Ate Claire ang pusod. Nakahinga nang maluwag si Lingling.



Pati ang kanyang edad na katorse, walang problema. Papasa naman kasing eighteen



ang bulas niya. Madali nang paraanan, sabi ni Ate Claire.



Pangkaraniwan na ang ganoon sa mga taga-Don Felipe.



Isang linggong pinagpraktis ng pagsayaw at pagkanta sa promotions si Lingling



bago ipinadala sa sister agency sa Maynila. Live-in siya kasama ng kagaya niyang



trainees sa opisina ng First Time, isang lumang apartment sa isang kalye ng mga



promotions sa Pasay. Araw-araw may dumadating doong mga tinatawag nilang

62



trainers para magturo ng pagkanta at ng pagsayaw. Lahat ng ginastos sa kanila



habang trainees, babayaran nila pag nakaalis na sila. P2,500.00 kada buwan.



Mag-iisang buwan na si Lingling nang magkaroon sila ng bagong trainer sa sayaw,



si Ms. Angie. Bata pa ito at malambing, kaya nakagaanan niya ng loob.



"Pag hinintay mong First Time ang magpaalis sa iyo, malulubog ka sa utang.



Kung gusto mo nang mabilisan, sumama ka na lang sa akin, entertainer din, pero hindi



sa Japan kundi sa Malaysia, sa isang linggo na ang alis," hikayat nito kay Lingling isang



araw.



Napahimas sa tiyan si Lingling, di maiwasang masanggi ang usling pusod. Naisip



niyang baka nga nagdilang-anghel ang matatanda sa kanila. Hindi niya swerteng



pumunta sa Japan, pero pupunta siya sa Malaysia.



“Baklas passport ang gagamitin,” patuloy ni Ms. Angie. “Walang problema iyon,



ganoon din ako noon. Matagal kasi ang pagprocess ng mga legal na papeles.”



Ang ibig daw sabihin ng baklas, iba ang pangalan sa passport, pero picture ni



Lingling ang nakalagay. Babaguhin din ang kanyang edad. Wala na siyang gagawin



pa kundi magpaalam sa mga magulang.



“Bakit biglang-bigla?” tuliro si Aling Inya.



Ipinaliwanag ni Lingling na sanay na sanay na kasi si Ms. Angie sa pagpunta sa



Malaysia. Ilang taon na itong nagtatrabaho sa isang club doon. Ang sabi nito, maaring



umabot ng P30,000 on commission ang kikitain doon sa bawat buwan, hindi pa kasama



ang tips.



Akala mo totoong nasa edad na si Lingling kung magpaliwanag. Hindi mapigilan ni



Aling Inya ang pagtulo ng luha. Naalala niya nang ipanganak niya ito. Tahimik itong

63



lumabas, pero biglang pumalahaw nang putulin ni Aling Simang kumadrona ang pusod



nitong nakakabit sa inunan niya.



"Anak, e ang bata mo pa, kahit sa Japan e ayaw ko sana…," impit na panimula ni



Aling Inya, pero hindi na niya natapos ang sasabihin dahil anyong papalahaw na si



Lingling.



Pero pumalahaw din si Lingling. At hindi ito tumigil hanggang di pumapayag ang



mga magulang.



Sabagay, naisip ni Mang Omeng, ang kinikita niyang P5,000 sa isang buwan sa



pagiging bodyguard ni gubernador, ay talaga namang kulang sa anim niyang mga anak.



Panahon na nga sigurong makatulong ang kanyang panganay.



"Hindi ka man lang ba muna magtatapos ng high school, Lingling?" nag-aalala si



Ma‟am Ellen, class adviser ni Lingling.



"Bakasyon pa po naman, Ma'am Ellen. Pag hindi ko po nagustuhan, uuwi na lang



ako."



"Mawawalan kami ng Muse sa klase. Ikaw pa naman sana ang kandidata ng school



natin sa Miss Don Felipe."



"Okay na iyan, pareng Omeng, hindi lahat e nakaaalis nang ganyan kabilis. Aba, e



iyong pamangkin ko, ako pa mismo ang naghatid sa promotions sa Cubao, naku, ang



daming papeles.” May himig inggit ang payo ng Kapitan ng Barangay.



"Sabagay Kapitan, saan ba mauuwi't talagang mag-aabroad naman iyang si Lingling



ko, e di daliin na ngayon."



"Inya, nabalitaan ko si Lingling…,” humahangos ang kura paroko.



"Opo, Father."

64



"Sigurado na ba kayo. Napakabata pa ng anak ninyo…"



"Ayaw pong papigil, Father. Hindi ko po alam ang gagawin ko."



Halos tatlong oras ang biyahe galing Don Felipe hanggang Maynila. Alas-singko ng



umaga nang sumakay ng bus sina Mang Omeng, Aling Inya at Lingling. Alas-otso ang



usapan nilang magkikita ni Ms. Angie. Alas-diyes na nang dumating ito. Tumuloy sila



sa Sweet Suites kung saan naka-book si Boss Joey, ang may-ari ng club sa Malaysia



kung saan magtatrabaho si Lingling.



Bahagya lang tumango si Boss Joey sa mga magulang ni Lingling. Ang sabi ni Ms.



Angie, Malaysian-Chinese ito, hirap makaintindi at makapagsalita ng Ingles. Iniabot



agad nito ang passport ni Lingling.



"Walang magiging problema sa NAIA at sa Kuching," sabi ni Ms. Angie, "ang lahat



ng mga taong dadaanan mo, bayad na."



Kinuha ni Lingling ang kanyang passport na may pangalang Angela Edel. Mahigpit



niyang hinawakan ito hanggang sa pagsakay nila sa FX taxi papuntang NAIA. Alas-



kuwatro pa ang flight papuntang Malaysia, pero ang sabi ni Ms. Angie, kailangang



maaga sa NAIA dahil meron pang mga aasikasuhin. Sama-sama silang lahat sa FX na



arkilado nito.



Sa NAIA, dumiretso sila sa canteen. Doon inisa-isa ni Ms. Angie kung ano ang mga



dapat tandaan ni Lingling. Kung tatanungin daw ito kung ano ang gagawin sa Malaysia,



sabihing tourist, magbabakasyon lang. Pag tinanong kung saan ang punta, sabihing



Kuching. Pag tinanong kung saan titira, sabihing Holiday Inn o Hilton. May mga



escorts daw na nakaassign sa NAIA para siguradong makaalis sila nang maayos. Mga



taga-NAIA ang mga iyon, naka-uniform.

65



Pagkatapos magpaliwanag ni Ms. Angie, nakita ni Aling Inya na inabutan ito ng pera



ni Boss Joey. Hindi nakapagpigil si Aling Inya at tinanong kung para saan ang pera.



"Para sa immigration escort," sagot ni Ms. Angie.



"Magkano naman?" ukilkil ni Aling Inya.



"Walong libo bawat isa."



Noon nakaisip magtanong si Mang Omeng, kung bakit iba ang pangalan ng anak sa



passport. Sinabi ni Ms. Angie na ang mabilis na pagproseso lang ng papeles ang



dahilan. Gusto pa sanang itanong ni Mang Omeng kung bakit wala silang



pinanghahawakang kontrata ng trabaho ni Lingling, pero hindi na niya nagawa dahil



noon din ay niyaya ni Ms. Angie si Lingling sa kabilang dulo ng canteen kung saan



mayroon daw silang taong dapat kausapin. Pero pagdating doon, bigla naman silang



bumalik sa dating kinauupuan dahil wala na pala ang taong kakausapin nila. Ewan



niya, pero kinutuban noon si Aling Inya, kung bakit parang ipinarada ang kanyang anak.



Binigyan ni Ms. Angie ng P550.00 si Lingling para sa terminal fee. Magkakasama



silang tatlong aalis, pero hindi sila nagsabay-sabay sa pagcheck-in. Nauna si Boss



Joey. Nagpahuli naman si Ms. Angie, kinausap muna ang mga magulang ni Lingling.



Sa second lane, sinalubong ng isang lalakeng nakauniform ng NAIA si Lingling. Ang



lalakeng ito ang tumulong sa kanya sa buong proseso, kung saan pipila at kung saan



magbabayad, at sinamahan pa siya hanggang sa last gate. Sa loob ng eroplano,



nakahiwalay ang upuan niya kina Boss Joey at Ms. Angie. Pero hindi niya pinansin



iyon. Para sa kanya, matutupad na ang ambisyon niya, iyon ang mahalaga.



Matutulungan na niya ang mga magulang. Makababayad na ang mga ito sa mga utang



na tersyahan. Mapapaaral na niya ang mga kapatid. Hindi na kailangan pang

66



magpaupa ang mga ito sa paggamas ng mga saka ng iba, o sa pakikiani ng sili,



kamatis, at iba pang gulay, P50 hanggang P100 kada araw, makaipon lang ng



pantraysikel at pambaon sa eskwelahan.



Madilim na nang lumapag ang eroplano sa Malaysia. Sa immigration office,



minarkahan ng "Tourist: Not permitted to work in any social, government, or any other



employment" ang passport ni Lingling. Nang lumabas sila ni Ms. Angie, naghihintay na



si Sir Argee, ang supervisor ng club ni Boss Joey. Inihabilin ni Ms. Angie si Lingling. Si



Boss Joey naman ay nauna nang umalis, sakay ng sundo nitong kotse.



ForestCrater Club and Restaurant. Nasa groundfloor ito ng isang limang palapag na



gusali na pag-aari ni Boss Joey. Ang buong 2nd floor ay VIP rooms. Ang 3rd floor ay



quarters ng mga entertainers. Ang 4th floor ay opisina ni Boss Joey, ng supervisor na si



Sir Argee, at ng iba pang staff. Ang 5th floor ay gym at swimming pool. Si Boss Joey



lang at ang kanyang mga kaibigan ang pwedeng gumamit doon.



Pagpasok ni Lingling sa quarters, napansin niyang lahat ay mga Pilipina. Ang



karamihan sa kanila ay mga edad disiotso pataas, pero may mga apat o limang



mukhang mas bata.



"Ilang taon ka na?"



"Virgin ka pa, ano?"



Pagkakwento ni Lingling kung paano siyang nakarating sa ForestCrater, iba-iba ang



naging reaksyon ng mga babae.



"Putang ina nila! Bakit naman pati batang walang alam bibiktimahin pa!" hiyaw ng



isa.



"Bakit pumayag ang mga magulang mo?" naninising sambot ng isa pa.

67



"Alam mo ba kung anong trabahong naghihintay sa iyo?" malamig na sabi naman ng



isa.



"Wala na tayong magagawa. Pare-pareho lang tayong biktima. Ne, gaya namin,



tanggapin mong maluwag sa loob ang kapalaran mo," buntunghininga ng isa pa.



Numero unong bugaw ni Boss Joey Si Ms. Angie. Dati siyang entertainer sa Japan,



pero nagkakaso sa pinapasukang omise at nadeport. Raket niya ang magtrainer sa



mga smalltime promotions, lalo na iyong hindi alam ng mga kawawang trainees ay hindi



pala lisensyado sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA, para



makarecruit ng mga pwedeng dalhin sa ForestCrater.



"Girl, wag ka na mag-inarte," sabi ni Sir Argee kay Lingling. "Ayusin mo ang sarili



mo at mamaya e sasalang ka na sa baba. Okay lang nakapants basta sexy blouse.



Kita ang baywang. Dapat labas ang pusod. 9:00 tayo magbubukas."



Pil33. Iyon ang code ni Lingling. Pinaupo siya sa Table 1, isa sa mga waiting



tables. Hindi nagtagal, pumasok ang isang may edad nang lalaki na agad siyang nai-



table. Pagtabi pa lang nito sa kanya, naglumikot na ang mga kamay. Namataan



naman agad iyon ni Pil29, na agad tumabi sa matanda at pilit ibinaling ang atensyon



nito sa kanya, sabay kindat sa noo'y nanginginig nang si Lingling. Noon nakaisip ng



paraan ng pag-iwas sa mga kustomer si Lingling. Mula sa kinauupuan niya'y kita



kaagad ang pagpasok ng mga ito, kaya agad niyang pasimpleng natatakpan ang



mukha ng kanyang mga palad, o kaya'y agad nakatatakbo papuntang comfort room.



Ganoon nang ganoon ang kanyang ginawa, hanggang halos mayupyop na sa mesa



ang kanyang mukha sa antok dahil wala nang naki-table pa sa kanya hanggang



magsara sila nang alas-tres.

68



Kung panaginip o malikmata, ewan ni Lingling. Bagsak sa kama ang katawan niya



pag-akyat nila sa quarters. At walang anu-ano, napanood niya ang sarili habang



ipinapanganak ng kanyang nanay. Ramdam niya ang paghahabol niya ng hininga dahil



sa pagkakaipit ng kanyang laman. Umiiyak siya pero walang lumalabas kahit impit na



boses. Narinig niya si Aling Sima, ang kumadrona, sinasabing kailangan nang putulin



ang kanyang pusod. Pero bigla itong napasigaw. May sariling buhay ang pagkahaba-



habang pusod, at gumapang ito, marahang-marahan… At bigla, hindi na ang kanyang



nanay ang nanganganak kundi siya, at ang ipinapanganak niya ay ang kanyang sariling



pusod. Ayaw nitong humiwalay sa kanyang laman. Kulapol ng dugo, gumapang ito sa



kanyang singit, tumalon sa puson, lumingkis sa baywang, humilig sa dibdib, bago



biglang sinakmal ang kanyang leeg. Nagsumigaw siya kahit walang boses. Nakita



niyang nakapalibot sa kanya ang mga taga-Don Felipe - ang mga matatandang pinag-



iiwanan sa kanya noong bata pa siya, ang kanyang mga magulang, si Kapitan, si



Father, si Ma'am Ellen….



"Usli ang pusod! Usli ang pusod!" sumbat nila.



Alas-dos ng hapon nang magising si Lingling kinabukasan. Halos lahat ay



kababangon din lang. Nag-iinat pa ang ilan. Pinagmadali siya dahil may orientation



meeting kay Sir Argee ang mga baguhan.



Inisa-isa ang mga penalties sa mga pagkakamali: manipis na makeup - 500 ringgit;



pagpapakalasing - 400 ringgit; pagtanggi sa booking - 300 ringgit. Tatlong klase ang



booking: room - dadalhin ang talent sa VIP room at maaring gawin sa kanya lahat,



maliban sa sex, 50 ringgit/hr w/ drinks; bookout - maaring dalhin sa disco o saanmang



lugar ang talent pero walang sex, 150 ringgit; hotelbook - may sex, 200 ringgit, kung

69



virgin pa, 2,000 ringgit (1,200 sa talent; 800 sa management). Hindi maaring lumabas



sa building, maliban kung bibili ng pagkain. Isang beses lang ang pagbili, lahat sabay-



sabay, tuwing alas-tres ng hapon. Maraming tinatanggal sa dapat kitain ng mga talents



- bayad sa pag-chop ng passport, pagkain, pagpapaabort sakaling mabuntis, gamot, at



kung anu-ano pa.



"Tumawag ka sa mga magulang mo. May cellphone ako. Umalis ka na bago ka



mapahamak!" bulong ni Ella kay Lingling nang lumabas sila para bumili ng pagkain.



Pero walang telepono sina Lingling. At hindi niya alam ang telepono ng kahit sinong



taga-Don Felipe.



Nang ikatlong gabi ni Lingling, nangyari ang kinatatakutan ni Ella. Pinatawag kay Sir



Argee at pinagalitan ni Boss Joey si Lingling dahil wala pa itong nagiging kustomer



mula nang dumating. Pilit itong pinainom ng ecstasy pills at saka dinala sa VIP room



kung saan tatlong lalaki ang naghihintay. Mga pagkai't alak, ladies' drinks, at iba't-ibang



klaseng pildoras ang natandaan ni Lingling na nakahain sa mesa. Unti-unting tumalab



sa kanya ang ecstasy at nanakit nang matindi ang ulo.



Ramdam na ramdam niya ang halinhinang paggapang ng mga palad ng tatlong



lalaki sa kanyang katawan. May nagsumiksik sa kanyang singit, dumagan sa puson,



lumamas sa suso… hanggang hindi na siya makahinga. Nagsumigaw siya pero walang



lumayang boses habang paulit-ulit na dinidilaan ng mga lalake ang nakausli niyang



pusod. Saka siya tuluyang hinimatay.



Hindi na namalayan ni Lingling ang pagtalilis ng mga lalaki at ang pagkakagulo sa



buong building. Hindi na niya narinig ang palahaw ng mga kasamahan. Hindi na

70



pinanginig ang kanyang laman ng pagmumura ni Boss Joey habang nagkukumahog



papunta sa secret exit.



Police Raid!



Ilang linggo nang minamanmanan ang ForestCrater. Nakapagsumbong kasi sa mga



magulang sa Pilipinas si Laura, isa sa mga babaeng narecruit doon. Sa tulong ng ilang



kakilala, naireport ang club sa isang non-government organization na humahawak sa



mga kaso ng child trafficking.



Child trafficking ang tawag sa pang-iengganyo sa mga batang pumunta sa isang



lugar kung saan wala silang kakilala, bitbit ang pangakong magandang buhay, pero ang



totoo‟y pagsasadlak sa trabahong ilegal. Pinabanggit kay Laura ang pangalan ng alam



niyang mga batang gaya niya sa club, iyong mga labimpito pababa ang edad. Dahil



ang lahat ay gumagamit ng alyas, hindi sigurado si Laura sa mga nabanggit niya,



maliban kay Lingling, ang pinakabago't pinakabata, na mabuti't naipahabol pa niya ang



pangalan.



Sa police station na nagkamalay si Lingling. Doon, ipinaalam sa kanila na sina



Laura, Lingling, Marita, Rebecca at Bernadeth lang ang hinahanap ng mga pulis. Agad



nang pinaalis ang iba pang mga babae. Pinyansahan daw ni Boss Joey. Ang ilan sa



kanila ay nagpasaring pa, nagpakita ng pagkainis na pati sila ay naabala dahil lang sa



lima. Legal naman daw sila.



Dinala sina Lingling, Laura, Mina (Marita), Dina (Rebecca) at Lucy (Bernadeth) sa



Satok jail. Kinabukasan, ipinaliwanag ng head ng police station na isang sulat galing sa



Interpol ang ipinadala sa kanila tungkol sa pagrescue sa limang bata sa ForestCrater.

71



Pero wala silang magagawa kundi patigilin silang lima sa Satok habang ipinapadala sa



immigration ang kanilang mga papeles.



Siksikan silang lima sa selda sa Satok. Maliban sa biskwit na ibinibigay pag agahan,



di nila kayang lunukin ang ipinakakain, na dahil di pagkaing Pilipino ay di nila kilala at sa



tingin nila'y mga pinaghalu-halong kung ano. Nang ikatlong araw, dinalaw sila ni Boss



Joey. Tinuruan sila kung paanong sumagot sa mga tanong. Sabihin daw nila na



waitress ang trabaho nila sa ForestCrater, na hindi sila pinilit gumawa ng kahit anong



labag sa kanilang loob. Nasilip nila ang pakikipagkwentuhan ni Boss Joey sa mga



awtoridad.



Sa wakas, pagkalipas ng dalawang linggo, nagbunga ang pangungulit ng Child



Trafficking NGO sa Dept. of Foreign Affairs sa Pilipinas. Nakauwi silang lima.



Pumalahaw si Aling Inya. Napasuntok sa dinding si Mang Omeng.



Sa Don Felipe, kasali sa itinerary ng sinumang bisita ng barangay ang bahay at ari-



arian ng mga OFW. Nakasanayan nang gamiting indikasyon ng pag-unlad ng barangay



ang mga ito.



"Sampung taon nang domestic helper sa UK 'yang Italian tiles na bahay na iyan…"



“Tingnan mo iyang naka-Harley Davidson, tin-edyer lang iyan. At ang laptop at



cellphone niyan, wow hanep! Nasa Caribbean kasi ang nanay.”



"Iyang high tech ang mga ilaw, may anak na engineer sa Dubai. Ang mga muwebles



diyan, imported lahat."



"Iyang Forward na iyan nag-TNT sa States ang may-ari. O, e di kaigeng humakot ng



pananim ngayon."

72



Nakaabang ang lahat sa biyaya ng pinagpawisang dolyar, euro, pounds at kung ano



pa man ng mga OFW. Alam iyon ni Lingling. Iyon na ang kinalakhan niyang kuwento.



Kaya nga nagmadali siyang makalipad. Kahit bata pa siya. Kahit usli ang kanyang



pusod. At alam din niyang ngayon, pagtapat sa kanilang bahay ng ipinapasyal na bisita



ng barangay, ibubulong sa tainga nito ang "Nag-abroad din iyan, pero hindi pinalad."



(2002)

73



SI MITOY, ISANG MADALING ARAW

Mula sa Ang mga Prodigal

Luna Sicat-Cleto









A

las tres y medya ng umaga nang magising si Mitoy, nanginginig, pinipilit



niyang makatulog muli pero ayaw nang bumalik ng antok. Mamaya pa‘ng



alas singko ang hatid sa kanya ng taxi patungong airport. Bakit pa kasi niya



naisipang matulog dito sa bahay niya sa Chopin? Tulog na marahil ang nanay niya,



hindi na maaring bulabugin kung tatawagan. Gusto niyang tawagan si Alvin pero



hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin at paano pagugulungin ang pag-



uusap kung sakali. Ayaw naman niyang bulabugin si Veronica, na alam niyang



pagod rin sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo.







Umuungot ang askal na nakatali sa may garahe. Nang tumagal, kumakahol na ito.



Naramdaman nito na siya‘y gising. Nagpapakalag ng kadena. Istorbo talaga ang



asong ito, pakakawalan na sana niya ang hayop nang maisip isip niya, teka, pa‘no



kung hindi na ito bumalik? Baka maghapon pa itong hanapin ng katiwala niya sa



bahay?







Lumabas muna siya ng pinto. Naroroon pa rin ang puting sasakyan na rinegalo niya



kay Fiona. Hindi man niya silipin, alam niyang nakasabit pa rin sa salamin ng



Toyota Corollang iyon ang rosaryo. Isinabit niya iyon doon bago siya tumulak muli



pabalik ng Dubai. Tanda ng pagpapatawad nila sa isa‘t isa ang rosaryong iyon.

74



Isinabit niya iyon sa sasakyan bilang paalala ng ikalawa nilang sumpaan, na hindi



na sila mag-aaway, na hindi na nila sasaktan ang isa‘t isa, na hindi na sila



makikipagtagpo sa kani-kanilang mga kalaguyo, para sa ikatatahimik ng pamilya.







Nakakaisang buwan pa lang si Mitoy sa disyerto nang makasagap siya ng balita



mula sa asawa. Balewala ang rosaryo, balik sa dating gawi.







Hindi na niya idinispose ang kotse. Nanghinayang si Nanay. Puwede rin daw



naman niyang gamiting pamasyal. Paano naman kaya pakikinabangan ang



sasakyang iyon e ni hindi ito napaaandar ng may sampu, labing lima, o higit pang



mga taon? Ganoo‘ng katagal na ba? Lintek.







Christmas party. Toka ng anak niya ang pagdadala ng spaghetti. Mahilig magluto si



Fiona. Naglalaro ang mga bata, masaya sa habulan, masaya sa pagbubukas ng mga



regalo. Nagkukuwentuhan ang mga ina ng mga bata. Kausap ni Fiona ang isa sa



kanila, na pinansin niya ang malalaking hikaw na pilak. Sinasalat salat marahil,



hinayaang tamaan ng sinag ng araw, parang nakikini-kinita na ni Mitoy ang galaw



ng dati niyang asawa sa kanyang pagbabaliktanaw.







―Mukha kang totoong gypsy sa suot mo. Ang ganda ganda ng iyong peasant dress,



bagay na bagay ang lahat ng accessories.‖

75



―At kamukha mo si Twiggy sa iyong pantsuit na apple green. Imported ‗yan ano?‖







May nangyayari sa taong uhaw sa papuri, lalo na kung hindi naman siya ubod ng



ganda. Gumagaan ang loob nito sa pumuri, nagiging matulungin sila sa mga taong



iyon na para bang ang papuri'y taos sa puso, kahit na sa totoo lang ay naiinip na si



Fiona sa handa at ibig na niyang umuwi, pero wiling wili pa sa paglalaro ang



kanyang anak.



―Bigay ito ng aking asawa, padala niya.‖



―Bakit, nasaan ba siya?‖



―Nasa Saudi. Kung ako sa iyo, hikayatin mo ang iyong mister na magtrabaho doon.



Iyon ang lugar na pinupuntahan ngayon ng mga propesyunal, para kumita ng



malaki laki.‖







At bumukod na ang dalawang babae sa umpukan ng iba pang mga ina. May



hinugot na papel mula sa bag ang babaeng nakapeasant dress na tangerine at



brown, at isinulat niya roon ang address at telepono ng agency na maaring tawagan



ng asawa ng babaeng nakapantsuit na apple green. Hinalikan ni Fiona ang papel na



parang ostiya. Kaagad siyang nagpaalam na sa kausap, tinawag na ang anak, at



umuwi na sila.







Habang naglalakad ang mag-ina sa kanto ng Road 30, may napansin ang batang si

76



Alvin sa kalsada. Papel, dalandan na papel. Pinulot niya iyon. Pagkapulot na



pagkapulot, napatingin siya sa ina. Ibinalik niya ang papel, inipit sa ilalim ng isang



bato. ―Ano ka ba, Alvin? Bakit mo binalik?‖



―E sabi po sa school, kung hindi sa iyo, ibalik mo o iwanan mo sa kung saan mo



nakita. Baka daw po kasi balikan ng nakawala.‖



―Engot! Beinte pesos rin 'yun!‖ At dumukwang si Fiona, nabigla ang pantsuit niya



sa kilos kaya napunit ito sa may tumbong. ―Hmpph!‖ Hinila niya ang bata



pagkakuha niya ng pera, na dali dali rin niyang sinuksok sa bag.







Gabi. Kauuwi lang ni Mitoy. Pagod siyang sumalampak sa silya. ―Abutan mo nga



ako ng tubig,‖ utos niya sa asawa, at tumalima si Fiona. Minamasa-masahe nito ang



batok niya nang bigla nitong maisip na ikuwento ang insidente kanina.







―Biruin mo, naroon na nga sa kalsada 'yung grasya, sinoli pa ng anak mo 'yung



pera. Kung di ba naman may pagka-engot.‖



Muntik mabulunan si Mitoy sa ―engot‖ na narinig. Ina ng kanyang anak ang



nagsasalita, ang engot ay ang batang lalaking magmamana ng kanyang pangalan.



―Anong sinabi mo?‖



Natigilan si Fiona, tila nahimigan sa boses ng kausap ang init ng ulo.



―Dapat nga pinuri mo ang bata sa kanyang katapatan.‖

77



―Sus! Hoy Emerito, kailangang ituro sa anak mo ang maging praktikal. Paano siya



mabubuhay kung isosoli niya ang lahat ng mga grasya? ‖



―Kung maririnig ka ni Nanay ngayon baka paluin ka pa sa puwet nu'n. Ayaw na



ayaw niyang makakarinig ng ganyan.‖



―O siya, siya. Sorry na. Ngapala, may naisip ako...‖







At habang minamasahe ulit ni Fiona ang batok at likod ni Mitoy, ginampanan niya



ng mabuti ang papel ng masuyo‘t maasikasong asawa. Inakay niya ang lalaki sa



hapagkainan, kung saan naghihintay ang hapunan nitong tirang spaghetti at



dalawang barbecue na naamot niya sa kabilang bahay. Kinuwento niya ang



Christmas party ng bata, at ang kuwentuhan nila ng babaeng mukha talagang gypsy



sa kanyang outfit.







―Marami raw mga job openings sa Saudi. Naghahanap sila ng mga construction



workers, welders, electricians. Subukan mo kaya? Iwan mo na 'yang pagiging



electrician mo sa Meralco. Walang mangyayari sa 'yo diyan.‖



―Kung magsalita ka parang tapos ako ng college. E drop out nga ako, di ba?‖



―Bakit, 'yung asawa ba ng babaeng kinuwento ko sa 'yo kanina tapos? Aba'y



parehas lang kayong umabot ng third year. Mas lamang ka pa kasi Engineering ang



kurso mo, sa Mapua pa. E 'yung asawa niya? Accounting yata. U.E.‖



‖Pag-iisipan ko, puwede? Ayaw kong mawalay sa ating mga anak.‖

78



―Alam mo hindi lang siya ang may asawang nagtratrabaho rin doon. Sinabi niya sa



akin marami na ring kamukha rin niya, ‗yung stay at home ba, pasundo sundo na



lang sa mga anak tuwing dismissal, may mga magagandang sasakyan, kumpleto



ang gamit sa bahay, maginhawa.‖







Hindi na kumibo pa si Mitoy sa patuloy na pangungumbinse ni Fiona noong gabing



iyon. Para matahimik ang asawa, nagtulugtulugan na siya. Pero kahit na siya‘y



pumikit na‘t nagkunwaring humihilik, gising na gising si Fiona. Sinuklay nito ng



sinuklay ang buhok. Binalumbon ang mga kumpol sa plastic rollers. Gumulong



marahil sa diwa ng kanyang asawa ang mga posibleng eksena kung sakaling



makalilipad na nga siya patungong Saudi: makakaalis na sila sa bahay nina Nanay,



makakalipat na sa mas malaking hulugang apartment, baka nga makapagpatayo pa



ng sariling bahay. Hindi na siya aasa sa kakarampot na suweldo ng asawa sa



Meralco, at hindi na kailangang sumaydline pa ng asawa tuwing Sabado't Linggo sa



pagkukumpuni ng mga sasakyan. Nayayamot si Fiona sa mga kamiseta‘t shorts



niyang amoy langis, na kulang na lang ay lunurin niya sa pabango. Nayayamot rin



ito sa mga naniningil ng utang, pero gastos naman siya ng gastos. Siguro, ang sabi



ni Mitoy sa sarili noon, magiging masaya na ito dahil hindi na sila matataranta sa



utang, hindi na siya tatakbo pa sa bahay ng nanay niya sa Cubao para humingi ng



pera. Sa wakas, hindi na siya ang kaaawaan, at baka siya pa ang mag-aabot ng sobra



para rito, pambili man lang ng luho ng matanda, consuelo.

79









Mag-aalas tres na yata ng umaga nang humiga ito sa kanyang tabi.







Kinabukasan, agad na kinausap ni Mitoy si Nanay. Kinuwento ang hiling ng asawa.



Kaagad siyang nakapili‘t nakakuha ng lote sa Fairview na huhulug-hulugan niya.



Linihim niya kay Fiona na binayaran na ni Nanay ang downpayment. Pagkaraan ng



ilang buwan, hinikayat siya ni Fiona na mag-apply ng housing loan sa SSS. ―Sige na,



kayang kaya naman natin itong bayaran...‖ Para raw makapagpatayo na sila ng



kanilang sariling bahay sa loteng iyon. Alam ni Mitoy na magiging mahirap ang



pagbayad ng buwanang amelyar dahil hindi pa fully paid ang lote. Pero halos araw



araw na silang nag-aaway magsimula no‘n, at madalas nitong isumbat na kung



magtratrabaho lang daw siya sa abroad, napakadali nang bumili ng sariling bahay



at mas magiging maginhawa ang kalagayan ng kanilang mga anak.





Para sa katahimikan ng lahat, itinuloy na rin ni Mitoy ang applikasyon sa Middle



East. Eksaktong dalawang buwan pagkaraan, bumibiyahe na siya patungong



Bahrain. Magigising na lang ng isang umaga ang kanyang mga anak na



pinagmamadali sa pagbibihis. Tamad na tamad kumilos si Alvin, at gayundin ang



kapatid niyang babaeng si Nicole, na umiiyak dahil nasasaktan sa higpit ng



pagkatirintas ng buhok nito.



―Aray! Mommy, sobrang higpit!‖

80



―Ganyan talaga, kung gusto mong maging maganda...‖







Naging mahirap nga ang pagkakawalay nila sa isa‘t isa. Naging malungkot si Fiona



sa bagong tayong bahay: sa gabi, kinakapa niya ang mga bagong pintang pader at



iniiyakan ang mga kurtinang nakasabit sa bintana. Samantala, lumilim man si Mitoy



sa mga nakaparadang container vans ng kumpanya, tila nanunuot pa rin sa yero‘t



pader niyon ang mga makikitid at malabalaraw na sinag ng araw sa disyerto.



Nagdugo ang kanyang ilong at tainga, nagsuka siya na parang nagdadalangtao



dahil sa matinding init. Kakaunti pa lang ang mga Pilipinong nagtratrabaho noon sa



bansang iyon, na karamiha‘y mga Muslim. Ibig man niyang makipagkuwentuhan,



bihira naman siyang makalabas. May segregasyon ang mga kasarian, iba ang ritmo



ng trabaho-pahinga, at halos gupuin siya ng lungkot.







Sinusulat rin ni Fiona kay Mitoy ang kanyang lumbay. Mahaba ang listahan ng mga



ibig niyang ipabili – Oriental rugs, Kenwood stereo, washing machine, telebisyon,



14K gold bracelets, first-class chocolates, at ano pa nga ba? Hindi na niya maalala.



Lagi itong humihingi ng pera. Kinikiskis siya na parang mahiwagang lamparang



mag-aalay ng hindi kapani-paniwalang yaman. Naaawa si Mitoy sa kanya kaya‘t



ipinapadala niya ang buong suweldo pati ang overtime niya‘t allowance. Gusto



niyang mabili ng kanyang kabiyak kung anong kailangan niya, ayaw niyang



napupuyat ito sa pag-iisip sa mga babayarang mga utang. Pagkaraan ng isang taon,

81



umuwi siya. Ibig niyang ibalita, ng harapan, na may nag-alok sa kanya na



magtrabaho sa ibang kumpanya na mas mataas ang suweldo. Akala niya



mapapasaya na niya ang kanyang pamilya.







Noong Agosto 1977, bumalik uli siya sa disyerto, pero sa pagkakataong ito,



nadestino siya sa Dubai, sa Jefferson Marine. Nang umuwi siya noong 1979,



napansin niya ang panlalamig ni Fiona sa kanya. Hindi na rin ito masigla sa



kanilang mga pagtatalik. Nagtataka siya dahil ibinibigay naman niya dito ang lahat



lahat, at nagtitiis lang siya sa mga dolyar na tinatabi niya, dahil binabayaran niya rin



ang downpayment ng bagong kotse. Sa mga panahong ito kumakalat na ang mga



kuwentong may kalaguyo ang kanyang dating asawa. Noong una hindi niya ito



pinapansin, dahil hindi siya makapaniwalang magagawa nga iyon ni Fiona sa



kanya, dahil alam nito ang paghihirap na tinitiis niya sa ibang bansa.







Kagaya ng nakasanayan noon, nagpapadala siya ng pera sa asawa na pinadadaan sa



kanyang mga katrabaho. Di nagtagal, sinabi sa kanya ng kanyang mga kasamahan



na laging may kasamang lalaki ang kanyang asawa, na laging ipinakikilala na



pinsan daw niya tuwing kinukuha niya ang remittance. ―Ano‘ng itsura?‖ ―Gaano



katangkad?‖ ―Maitim ba?‖ Wala ni isa sa kanyang mga kaanak na tumutugma sa



deskripsiyon nila ng lalaki. Lalo siyang nagduda. Nagdesisyon siyang umuwi nang



sumulat na mismo si Nanay sa kanya. Naremata ang bagong sasakyan, hindi daw

82



nababayaran ang SSS loan at dumami pang lalo ang utang ng asawa. Hunyo na



iyon ng 1980.







Kinumprunta niya si Fiona sa pagkakataong ito. Diniretso na niya, bakit hindi



nababayaran ang mga utang at lalo pa tayong nababaon sa kabila ng pagpapadala



ko sa iyo ng buo kong suweldo? ―May iba ka ba?‖ Ngayong napag-iisipan na niya



itong muli, nagtataka siya kung bakit kaybilis nitong inamin ang lahat, kaybilis



nitong humingi ng tawad sa kanya. Lumupasay ito sa sahig at yinakap ang kanyang



binti. Noon din, yumukod siya‘t tinulungan niyang tumindig ito. Tila



napakaningning noon ng mga salitang ―second chance‖. ―Salamat,‖ sabi nito, at



nakahinga siya ng maluwag. Sinubukan niyang magdahilan sa ginawa sa kanya ng



asawa. Siguro, malungkot lang siya. Siguro, fling lang ‗yun. Siguro, matatauhan na



siya at hindi na niya uulitin ‗yon.







Kasama sa mga inimpake sa kanyang maleta pabalik ng Dubai ang mga dahilan, at



bumalik siya roon na mabigat ang loob. Kalaunan, nabalitaan niya mula sa



mapagkakatiwalaang tao na balik sa dating gawi ang asawa. At ngayon, iba ang



kinakasama niyang lalaki. Para matiyak na hindi na nito lulustayin ang kanyang



ipinapadala sa bago niyang lalaki, ipinadala niya ang kanyang remittance kay



Nanay, at siniguro niyang makakarating ang pera sa mga bayarin: sa eskuwela, sa

83



schoolbus, sa bahay, sa kotse. Sapat lang para sa kanilang mag-iina ang ipinadala



niya sa asawa.







Kapapadala lang niya ng remittance sa asawa noon nang makatanggap siya ng



kakatwang package. Kinasabikan niyang buksan ang package na iyon. ‗Yun pala‘y



puro bulok na ulo ng isda ang laman. Ipinadala ni Fiona ang mga textbook ng



dalawa nilang anak doon sa Dubai, sabay sabing hindi na papasok sa eskuwela ang



mga bata. Binalaan siya ni Fiona: brinainwash ko na ang mga bata na kasuklaman



ka, at mas gusto na ni Alvin ang boyfriend ko kaysa sa iyo. Ipinagmalaki pa nitong



may apat siyang mga manliligaw at humihingi na siya ng legal separation para



mapaghatian na nila ang kanilang mga ari-arian. ―Para malaya na akong



mapakasalan si James.‖ Iyon ang pangalan ng Amerikano niyang boyfriend na may



malawak raw na farm sa Iowa. Nasulsulan rin si Fiona ng isa pa niyang naging



karelasyon, si Col. Lester Manalastas, na ireport si Mitoy sa Interpol dahil hindi niya



sinusustentuhan ang pamilya niya.







Nang katukin siya sa tinutuluyan niyang apartment ng Interpol, inisip niya kung



paano siya nakarating sa puntong iyon. Habang ipinaliwanag niya sa dalawang Puti



kung ano‘ng nangyari, nangingiti sila sa itsura ng Character Education 4 at Into the



Future: Science and Health 2. Ipinakita niya sa kanila pati na rin ang sulat mula kay



Fiona. Naunawaan nila ang kanyang sitwasyon. Hindi na siya dineport pabalik ng

84



Pilipinas. Naroon siya sa Muslim na bayang iyon, walang makausap maliban sa



kanyang mga kasamahan sa trabaho na alam ang kahiya-hiya niyang sitwasyon sa



pamilya. Himalang hindi siya nagpatiwakal o nasiraan ng bait kagaya ng nangyari



sa iba niyang mga kakilala. Hindi siya pinatutulog ng kabatirang nagagalit sa kanya



ang kanyang mga anak.







Noon din, ibinuhos niya ang sarili sa trabaho at hindi na muna umuwi para



magbakasyon. Pana-panahon, may mga naririnig siyang hindi magandang balita



ukol sa asawa. Dahil sa paulit ulit nitong pangangaliwa, tila nasanay na siya sa mga



gayong balita, parang balat na lagi na lang nasusugatan ang langib. Mas mahirap



talagang lunukin ‗yung sinabi nitong galit sa kanya ang kanyang mga anak, lalo na



ang panganay. Binaligtad ni Fiona ang kuwento. Sinabi nito sa mga bata na siya ang



nangaliwa, at kaya ito nagkaroon ng bagong lalaki ay para makaganti sa kanya.







Inabandona ng kanyang pamilya ang bahay sa 11 Chopin st. noong 1981, at nakitira



na sila sa kanyang biyenan sa Cubao. (Kailan lang, nabalitaan niyang namatay na



rin ito.)







Ngayon, nakipagsapalaran na rin si Alvin sa disyerto. Tila kinalimutan nito ang



lahat nang sumama na rin siya sa negosyo. Kung paano‘ng nagkawatak ang



pamilya nila dala ng pagloloko ng nanay niya. Kung paano sila gumapang sa hirap

85



nang tumigil ang mga padala. Kung paano sila unti-unting ibinangon ng nanay



niya, nang sinangla nito ang share niya sa bahay nila sa Cubao. Sa siklo ng mga



promissory notes na pinipirmahan kada enrollment, nakaraos si Alvin ng pag-aaral.



Binulag niya ang sarili sa mga karelasyon ni Fiona na dumarating, at umaalis rin.



Nakapagtapos siya, nakapag-asawa, nagka-anak.







Akala ni Mitoy, magkakalapit sila ni Alvin, ngayong bahagi na ito ng Shuttle. Hindi



ito nangyari. Habang mas inaabot niya ang kanyang anak, mas lalo itong lumalayo,



at mas lalo lang siyang lumulubog sa pagsisisi. Habang sinisikap niyang kanlungin



ito sa kanyang binubuong pamilya, pumipisag ito‘t nanunumbat.







Buhangin itong dumadausdos sa singit singit ng palad niya, ganito na talaga siya



kahit noon pa, kahit noong magkakasama pa silang nagbabakasyon sa baybay dagat



sa Real, Quezon. Hukay dito, taklob doon, kinis dito, ukit doon. Sumanib ang



buhanging hinawakan niya sa Real sa buhanging sasalatin rin niya sa mga



dalampasigan ng Jumeirah, kapag nag-oouting naman sila ni Veronica, kasama ang



kanyang dalawang anak dito. Ukit dito, kinis doon, taklob dito, hukay doon.



Mahilig magdrowing ng bapor si Marvin, kagaya rin ni Alvin. Matalino sa math at



science si Guia, gaya ng katalinuhan ni Nicole. Tila mga reinkarnasyon ang mga



anak. Tapak-tapakan man ang buhangin, hangin rin mismo ang magbubura ng



natapakan. Kung tutuusin, dapat pa nga iyong tingnan bilang pag-asa. Pero ewan

86



ba niya – noong pumunta siya sa disyerto, hinangad niyang yumaman, at yumaman



na nga siya. Hinangad niya ang buong pamilya, magandang tahanan, at nakuha rin



niya. Pero walang tigil ang paghahanap. Namamalikmata siya sa mga direksiyon,



umaasa siya sa mga pangalan ng kalsada, sa tila eternal na katangian ng simento‘t



batong bumubuo ng mga bahay, sa mga pangalan ng kadugo. Pero parang kulang.



Hinahanap hanap niya pa rin ang batang marunong magsoli ng beinte pesos sa



kalsada‘t ang batang babaeng mahigpit ang tirintas ng buhok.







Umalulong ang aso. Nakaramdam siya ng panlalamig, naalala ang pamahiin ni Impo.



Para tumigil ang hayop, linapitan niya ito‘t tinapik tapik ang ulo, hanggang sa



kumakawag kawag na ang buntot nito. Dinadamba na siya. Tinulak niya ang aso,



damba ulit, tulak, tadyak, ungot. ―Ano, naglalandi ka ba? Ha?‖ Tiningnan lang siya ng



aso, pumikit, at muli nitong idinukwit ang ulo nang pahilig, tila napagod, tila ibig nang



magpahinga.

87



REGALO



Alvin B. Yapan







Isang regalo na galing sa mga pusa. Tiyak ni Gener na galing sa mga pusa. Babala



ng nanay niya minsan, huwag na huwag siyang magkakamaling magpakain ng ligaw na



pusa. Huwag bibigyan ng regalong galing sa hapag-kainan ang naligaw na pusa nang



bumagyo sa kanila. Huwag bibigyan dahil baka sa kanila na tumira. Para na rin sa



kapakanan ng pusa. Baka kasi makaramdam ng utang na loob na suklian ang kaniyang



inihaing regalo. Suklian sila ng daga sa pinto, ng mga butiki at bubuling wala nang mga



buntot. Panukli sa pagkupkop nila sa kaniya pagkatapos ng bagyo. Kaya itinapon ni Gener



ang pusa. Mula noon wala na siyang balak pang muling mag-alaga ng pusa. Hanggang sa



isang gabi makarinig siya ng ngiyaw. Akala niya sa loob lamang ng utak niya nanggagaling



ang ngiyaw. Guniguni lamang niya. Ngunit nang magising siya sa ikatlong araw sa ngiyaw



ng pusa, natiyak niyang hindi lamang panaginip o bangungot. Napansin niyang pahina nang



pahina ang ngiyaw ng pusa. Kahit nasa elementarya pa lamang, may sapat nang kaalaman



si Gener tungkol sa mga panaginip. Hindi humihina ang mga ngiyaw sa panaginip o



bangungot. Hindi sila nanganganib na maglaho sa pandinig. Lumakas pa sana ang ngiyaw.



Lumakas pa sana bawat gabi hanggang sa mapuno ang buong kabahayan ng mga ngiyaw na



siya lamang ang nakaririnig. Ngunit humihina ang ngiyaw ng pusa. Humihina ang ngiyaw



ng kuting. Maliit lamang ang ngiyaw. Mula marahil sa isang kuting, napagpasyahan niya.



Tulog na ang nanay niya nang mapadaan siya sa kuwarto nito paglabas niya ng bahay.



Matagal nang hindi nakakatulog nang ganoon kahimbing ang nanay niya. Mula nang hindi



na muling umuwi ang tatay. Ayaw na niyang gambalain pa ang nanay dahil lamang sa

88



ngiyaw ng kuting. Lumabas siya ng bahay kahit bawal na‘t sumirena na ang curfew.



Maglalabasan na raw ang mga kikik kasunod ang mga aswang. Lalapain siya ng mga



aswang. Ngunit hindi maaaring ipagpabukas ang paghahanap niya sa pinagmumulan ng



ngiyaw. Lalo na‘t hinayaan na niyang lumipas ang pagngiyaw nang tatlong araw. Alam



niyang kung hindi niya susundan ang ngiyaw ngayong gabi hindi na niya muling maririnig



sa susunod na araw. Inisip na lamang niyang matagal na ring nawala ang



pinangangambahan ng nanay niyang umaaligid na mga aswang pagkatapos mawala ang



tatay niya. Matagal na silang wala. Nakakatulog na nga muli nang mahimbing ang nanay



niya. Wala na siyang dapat ikatakot. Higit na ikinakatakot niya ang hindi na muling



pakarinig ng mga ngiyaw ng kuting.



Umabot siya sa labas ng bakal na tarangkahan ng bungalow nilang bahay. Binuksan



niya ang gate. Walang katao-tao sa kalsada. Tanging ang mga kulisap na nababaliw sa ilaw



sa poste ang nakikita niyang gumagalaw. Ni walang aso sa paligid. Ni walang ibang pusa



kundi ang ngumingiyaw. Natunton niya ang ngiyaw ng pusa na nanggagaling sa ilalim ng



gutter. Doon niya naririnig; nagmumula sa loob at umaalingawngaw. Dumapa siya sa



kalsada upang itapat ang tainga niya sa butas ng kanal. Doon nga nanggagaling ang



ngiyaw. Ginaya niya ang pagngiyaw ng kuting. Pilit na kinakausap. Pilit niyang inaalo ang



pusa, pinapangakuang hindi niya pababayaan doon sa malalim na imburnal. Nahulog



marahil doon ang kuting sa anumang kadahilanan. Marahil naglalaro at nadulas sa loob.



Marahil may hinahabol na bubuwit o bubuli at nalaglag sa loob. Ngunit dahil kuting pa



lamang hindi na nito nakayang talunin ang taas ng butas pabalik sa kalsada. Naipit na doon



sa loob. Ipinasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng gutter. Pilit niyang inaabot ang



kuting nang masagip sa pagkakalaglag sa imburnal. Ginagaya ang pagngiyaw nang huwag

89



matakot sa inaalay niyang kamay. Ngunit ni walang maapuhap na burak ang kaniyang



kamay. Malalim ang imburnal. Isa sa mga pangunahing linya ng kanal ng subdibisyong



tinitirhan nila. Maikli ang kaniyang kamay upang maabot ang kuting. Halos nakikita na



niya ang mga basura‘t putik sa ilalim ng imburnal. Umaalingasaw ang baho ng kanal sa



butas ng gutter. Naintindihan ni Gener na hindi niya kayang maabot ang kuting.



Masyadong maikli ang naaabot ng kaniyang kamay. Katulad ng masyadong maliit pa ang



kuting upang kayaning malundag ang butas pabalik sa kalsada. Ngunit hindi niya maaaring



iwan na lamang doon ang kuting. Hindi maaaring bigla na lamang siyang umalis. Ngayon



pa kung kailan alam na niya kung saan matatagpuan ang kuting na ngumingiyaw.



Bumalik ng bahay si Gener. Kukuha siya ng pagkain na maaaring ihulog sa kanal



nang may makain ang kuting. Suwayin na ang utos ng kaniyang nanay. Nasuway na rin



lang niya ang pagbabawal nitong lumabas siya sa kalsada kapag sumilbato na ang curfew.



Mamamatay ang kuting dahil tatlong araw nang hindi kumakain. Hindi kumakain sa paligid



ng burak at putik at duming itinapon sa kanal ng buong kakapitbahayan nila. Bukas



ikukuwento na lamang niya sa kaniyang nanay. Higit na mahaba ang biyas ng nanay niya.



Tiyak maaabot ng kamay ng nanay niya ang kuting sa ilalim ng imburnal. Hindi na niya



ikukuwentong gabi niya natagpuan ang kuting. Hindi na niya ikukuwentong pumuslit siya



nang mahimbing na natutulog ang nanay niya sa kabilang kuwarto. Ngunit nang gabing



iyon kailangan niyang pakainin ang kuting.



May tira pang pagkain sa loob ng kaserola. Hindi pa rin nakakalimot ang nanay niya



na magtira ng pagkain. Mula nang hindi na umuwi ang tatay, parati nang pakiramdam ng



nanay niya na may bisitang darating na kailangang pakainin sa gitna ng gabi. Hindi na



maalala ni Gener kung bakit ba talaga hindi na umuwi ang tatay niya sa kanila. Ni hindi

90



niya nakitang nag-away ang mga magulang niya. Hindi naman naglayas ang kaniyang tatay



dahil nandoon pa rin ang mga damit sa aparador. Kung nasaan man siya, naisip ni Gener,



maaaring hubo‘t hubad ang kaniyang tatay. Laba-tindi ang ginagawa niya sa kaniyang



damit. Ngunit nagbinata na‘t lumaki si Gener wala pa namang dumating na bisita sa gitna



ng gabi upang pakainin. Ang kuting lamang ang naalala niyang nakinabang sa mga



paghahanda ng kaniyang nanay. Ang kuting na namatay na sana sa ikatlong araw na iyon at



hindi na muling narinig kung hindi sa pag-aalala ng nanay niya.



Kinaumagahan ng ikatlong araw na iyon, hindi na naikuwento ni Gener sa nanay



niya ang kuting sa ilalim ng imburnal. Naunahan na siya ng galit nito nang matuklasa ng



nabawasan ang isda sa loob ng kaserola. Nagmura ang nanay niyang may nakapasok daw



na pusa sa kabahayan. Pinagalitan siya. Baka raw kasi pinakain niya ang pusang naligaw



nang nagdaang bagyo. Nahinawa tuloy sa pagkain sa loob ng bahay nila. Umaabuso na.



Hindi niya masabing pusa nga ang kumain ng pagkain, ngunit siya ang kumuha at hindi ang



pusa. Kamay niya ang humaba upang makadukot sa loob ng kaserola. Mula noon inilaan na



lamang niya ang paghaba ng kaniyang kamay sa pag-abot sa pusa sa loob ng imburnal.



Nagtitira na lamang siya ng mumong pagkain. Patuloy niyang pakakainin ang kuting sa



ilalim ng imburnal hanggang sa lumaki at makaya na nitong lundagin ang butas palabas ng



kalsada. Hindi na nga niya nakuhang ikuwento sa nanay niya. Hindi rin naman siya



paniniwalaan dahil pagsapit ng umaga hindi na muling ngumingiyaw ang kuting. Waring



guniguni lamang ang pagngiyaw nito ng nakaraang gabi. Natutulog marahil sa pagkabusog.



Marahil gising lamang tuwing gabi ang kuting upang humingi ng pagkain at natutulog



naman sa umaga. Samantalang gising naman sa umaga ang nanay niya at tulog sa gabi.



Ayaw rin naman niyang gambalain pa ang masarap na pagtulog ng nanay niya. Pati nga sa

91



mga kaibigan niya hindi na niya naikuwento ang tungkol sa kaniyang alaga. Hindi naman



niya sila madadala doon sa imburnal sa kalagitnaan ng gabi. Hihintayin na rin lamang



talaga niya ang paglaki ng mga kaibigan niya bago ikuwento ang inaalagaan niyang pusa sa



ilalim ng imburnal. Dahil kapag malaki na sila, maaari na niya silang madala sa imburna l.



Araw-araw ganoon ang naging ritwal para kay Gener. Sa pagitan ng pagpasok sa



eskuwela at pag-aaral, nag-iipon siya ng mga tira-tirang pagkain para sa kuting.



Maghihintay siya sa gabi sa pagtulog ng kaniyang nanay upang mapakain ang kuting. Ang



pag-asang makikita niya isang araw ang kuting, na pusa nang lababas doon sa gutter, ang



tanging umuudyok sa kaniyang ipagpatuloy ang araw-araw niyang pamamanata sa



imburnal. Sa araw na iyon, makikita niya kung ano nga ba talaga ang kulay ng balahibo ng



pusa. Kung isa lamang ba o tatlo ang kulay ng pusa. Suwerte raw ang pusang may tatlong



kulay. Kung lalaki ba o babae ang pusa dahil gala raw ang pusa kapag lalaki. Dinadayo



naman kapag babae. Ngunit kinalaunan hindi na magiging mahalaga para kay Gener kung



isa o tatlo ang kulay, kung babae o lalaki, basta naroon ang pag-asang makikita niya ang



pusa isang araw. Magkakaroon din ng katiyakan ang pagkakakilala niya sa pusang



inalagaan niya mula pa sa pagkabata niya.



Hanggang sa maging maingat si Gener pati sa mga ikinakalat niyang dumi sa



paligid, pati ang mga ibinubuhos niyang dumi sa lababong alam niyang hahantong sa kanal.



Sa isip ni Gener nakikita niya kung papaano humahantong ang lahat ng dumi‘t plastik ng



kakapitbahayan nila sa imburnal. Baka sa dami nila, matangay nila pati ang kuting na



inaalagaan niya. Baka kapag may asido‘t lason siyang ibinuhos sa imburnal ay malapnosan



ang alaga niyang pusa. Ayaw niyang mabara ang mga kanal tuwing umuulan dahil baka



malunod lamang doon ang pusa pagkatapos niyang alagaan.

92



Ngunit ilang taon nga ang lumipas, nakatapos na siya ng elementarya‘t nakatapak na



ng hayskul, gabi-gabi pa rin niyang naririnig ang pagtawag sa kaniya ng kuting upang



pakainin. Nawala na ang curfew. Dumating na ang daylight saving time. Nawala na si



Marcos, napalitan na ni Cory, nandoon pa rin ang pusa. Alam niyang malaki na ang pusa sa



ilalim ng imburnal. Imposibleng kuting pa rin ang alaga niya. Ngunit ano‘t hindi



lumulundag ang kuting palabas ng kanal. Minsan, sinubukan niyang dukutin ang pusa sa



ilalim ng imburnal. Sa kaniyang tenga, alam niyang malapit lamang at maaabot ng humaba



na niyang kamay. Marahil nakalimutan na ng pusa kung paano siya nakarating at nalaglag



sa ilalim ng imburnal. Kuting pa ang pusa nang malaglag sa loob. Nakalimutan na niya



marahil ang daan palabas sa kaniyang kinalaglagan. Madaling makalimot ang mga bata. Ni



hindi na nga maalala ni Gener kung bakit nga ba talaga nag-away ang mga magulang niya,



kung bakit ba talaga sila iniwan ng tatay niya. Kaya sinubukan niya minsang dukutin ang



pusa sa ilalim ng imburnal. Iyon ang hindi niya makakalimutan: ang katotohanang nalaglag



doon ang kuting, kahit hindi na niya matandaan kung may nalaglag ba talaga doon o



panaginip lamang niya ang nagsabi kung paano nauwi doon ang kuting. Alam niyang



totoong nandoon ang kuting. Hindi niya maikakaila.



Kung takot man ang pusa sa pag-alis sa ilalim ng imburnal, hindi siya takot sa kung



anumang dumi ang maabot ng kaniyang kamay. Marahil nasanay na ang pusa sa ilalim ng



imburnal at itinuring nang tirahan ang kinalaglagan, ngunit hindi maaaring pabayaan na



lamang ni Gener ang pusang doon na manirahan hanggang mamatay. Hindi niya



makakayang isipin na kung anuman ang mangyari sa kaniya, nakasalalay ang isa pang



buhay ng alaga niya sa kaniya. Sakaling maaksidente siya o maospital, walang mag-aalaga



sa pusa. Hindi niya kaya ang ganoong responsibilidad. Sinuwerte lamang siya na hindi pa

93



siya naaaksidente, naoospital o nawawala nang matagal upang hindi niya maabutan ng



pagkain ang pusa sa ilalim ng imburnal. Kaya kailangang lumabas na doon ang pusa kahit



puwersahin pa niya, kahit pa makalmot siya sa pagpilit sa alaga niya. Napakabigat isipin



gabi-gabi na may nakasalalay na buhay sa kaniyang bawat galaw. Kailangan niyang maging



maingat sa pagtawid sa daan. Kailangan niyang ingatan ang sariling huwag magkasakit.



Ngunit alam niyang matatapilok siya balang araw anumang pag-iingat ang gawin niya.



Kailangan ngang mailabas sa lalong madaling panahon ang pusa sa ilalim ng imburnal. At



ngayong naaabot na niya ang ilalim ng imburnal, muli niyang isinuot doon ang kaniyang



mga kamay. Naapuhap niya ang mga latak ng kanilang subdibisyon. May mga plastik, may



mga buhok, may madudulas na mga bagay. Ang amoy, noon niya lamang talaga nalanghap



ang amoy ng imburnal. Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsaliksik sa kailaliman ng



imburnal sa pag-asang mahahawakan niya ang pusa. Ngunit paano malalaman ng mga



kamay niya kung ang pusa na pala ang nahahawakan niya, at hindi ang pinagsama -samang



buhok ng buong subdibisyon na nauwi doon sa ilalim ng imburnal. Saka niya naisipang



muling tawagin ang pusa. Tinawag niya ang pusa. Ginaya niya ang pagngiyaw ng pusa sa



pag-asang nakikilala na nito ang boses niya sa ilang taon na rin niyang pagpapakain dito.



Ginaya niya ang pangngiyaw ng pusa hanggang sa matiyak niyang sa ibabaw ng takot at



pangamba sa kung ano ang maaaring mangyari sa pusa, sa pag-iwas sa responsibilidad sa



alaga, ang higit na ngayong nangingibabaw na dahilan kung bakit kailangang makalabas sa



imburnal ang pusa ay upang malaman niya kung ano nga ba talaga ang hitsura ng alaga



niya. Hindi na mahalaga kung babae ang pusa o lalaki, kung itim o puti o tatlo ang kulay,



ang mahalaga‘y makilala niya ang pusa, ang makita niya ang pusang inalagaan niya nang



ilang taon na rin. Kaya kahit pa halos malasahan na niya ang sangsang ng amoy ng

94



imburnal, kahit hindi na niya makilala ang duming naaapuhap ng kaniyang kamay, patuloy



pa rin siya sa pagtawag sa pusa.



―Ano ang hinahanap mo diyan?‖



Sa ganitong paraan nakilala ni Gener si Lucas. Sa ilang taong pagpapakain ni ya sa



pusa sa ilalim ng imburnal, wala pang nakakahuli sa kaniya hanggang ngayon. Siguro dahil



wala na ang curfew, o marahil hindi talaga siya naging maingat na huwag mahuli dahil



halos baliw na niyang inaapuhap ang dumi sa ilalim ng imburnal. Noon lamang nangyaring



may nakahuli sa kaniya. At nang tanungin siya ni Lucas kung ano ang inaabot niya sa



ilalim ng imburnal, halos nakapag-isip na siya ng isang pagsisinungaling. Gayong wala



naman siyang dapat ikatakot sa katotohanang dapat niyang isagot kay Lucas n a halos



kasing-edad lamang niya. Gayong minsan na niyang binalak dalhin ang mga kaibigan niya



doon sa butas ng imburnal upang ipakilala ang inaalagan niya. Sa paglipas nga lang ng



panahon, hindi niya napansing tumubo na rin sa kaniyang ulirat ang takot na baka guniguni



lamang niya ang pusa sa ilalim ng imburnal. Sa paglipas ng panahon, lalo lamang naging



mahirap ang magsugal na may pagsabihan siya dahil baka guniguni nga lamang niya ang



pusa. Hindi niya makakayang guniguni lamang ang lahat ng pag-aalaga niya sa pusa sa



ilalim ng imburnal. Ngayong nahuli siya ni Lucas, naungkat ng tanong nito ang lahat ng



kaniyang pangamba. Hindi kaagad nakasagot si Gener. Nag-aapuhap ng isang



kasinungalingan nang maiwasan ang posibilidad na nais sa kaniyang ipaharap ng tanon g ni



Lucas.



―Ang pusa, iyong pusa ba ang hinahanap mo diyan?‖



Iyon pala‘y wala naman siyang dapat ipangamba dahil si Lucas na rin ang sumagot



ng tanong para sa kaniya. Napatigil si Gener sa pag-aapuhap sa dumi sa ilalim ng imburnal.

95



Napatigil siya sa pag-aapuhap ng kasinungalingan sa isip niya. Tumayo siya sa kaniyang



pagkakadapa sa kalsada. Hindi siya makapaniwala. Halos maiyak siya sa tuwa na hindi



lamang pala siya ang nakakarinig sa pusa. Kinailangan niya muling tanungin si Lucas.



―Naririnig mo rin ang pusa sa ilalim ng imburnal?‖



Tango ang naging sagot ni Lucas. Oo naririnig niya ang pusa. Lubos ang



naramdamang kasiyahan ni Gener. Hindi na tuloy naging mahalaga na narinig lamang ni



Lucas ang pusa nang nakalipas lamang na gabi. Hinihintay niya kasing umuwi ang tatay



niya mula sa tindahan nila. May-ari sila ng construction supply. Ang tatay niya ang



nagsasara ng tindahan nila. Nakahiga na siya sa kama ngunit hindi siya makatulog. Alam



niyang may mali nang gabing iyon. Hindi man lang tumawag ang tatay niya na hindi



makakasabay sa kanilang hapunan. Naglatag pa tuloy ang nanay niya ng puwesto para sa



tatay. Habang kumakakin silang mag-anak, may pinggang nakataob sa tabi nila. Nagbukas



ng telebisyon ang nanay niya upang manood ng balita. Kahit hindi naman daw niya iyon



ginagawa gayong wala naman siyang nasasagap na magandang balita. Ngunit nang gabing



iyon parang may hinihintay, parang may hinahanap ang kaniyang nanay sa balita. May



kakaiba nang gabing iyon dahil ni hindi man lang tumawag ang tatay niya at ni h indi man



lamang tumawag ang nanay niya sa tindahan nila. Kaya hindi siya makatulog at pabiling -



biling lamang sa kama. Hindi naman siya makanood ng telebisyon dahil nagpaiwan ang



kaniyang nanay sa salas. Hinihintay ang pag-uwi ng tatay niya. Ngunit hindi umuwi nang



nakalipas na gabi ang kaniyang tatay. Wala siyang narinig na kaluskos ng pagbubukas ng



pinto o pagdating ng lumang kotse ng tatay niya. O kahit man lamang paglangitngit ng



gate. Ang pagngiyaw ng pusa ang narinig ni Lucas.

96



Sa kabilang kalsada nakatira si Lucas. Malayo sa tirahan nina Gener, kaya hindi sila



magkakilala. Marahil daw naglalakad din ang pusa sa kabit-kabit na imburnal ng kanilang



subdibisyon. Nagkataong nang gabing iyon doon narinig ni Lucas ang pusa sa malapit sa



kanila. Hindi naman daw maaasahan ni Gener na pumirmi lamang ang pusa sa isang lugar.



Nang lumabas daw ng bahay si Lucas, nadaanan pa niyang nakatulog na ang nanay niya sa



sofa. Hindi na niya ginising ang nanay niya upang tanungin lamang tungkol sa pagngiyaw



ng isang pusa. Alam niyang kailangan ng tulog ng nanay niya sa pag-aalala tungkol sa tatay



niya.



Si Lucas ang hindi naniwala kay Gener nang ikuwento niyang bata pa siya nang una



niyang marinig ang pusa. Kuting pa ang pusa nang una niyang abutan ng pagkain sa ilalim



ng imburnal. Hindi makapaniwala si Lucas na ganoon na katagal ang pusa sa ilalim ng



imburnal. Sinisi pa niya si Gener kung bakit wala man lamang siyang ginawa kung hindi



bigyan ng pagkain ang kuting at hintaying lumaki nang mag-isang makalundag palabas ng



imburnal. Hindi man lamang daw siya nagtawag. Bata pa siya noon, paliwanag ni Gener.



Walang maniniwala sa kaniya tungkol sa isang kuting sa ilalim ng imburnal. Kung may



maniwala man, isang kuting lamang ang nalaglag sa ilalim ng imburnal upang pag -



aksayahan ng panahon ng matatanda at paghirapang bungkalin ang buong imburnal ng



subdibisyon. Kaya naisip niyang walang ibang paraan kundi palakihin ang pusa. Ngunit



ngayon namang malaki na ang pusa, ayaw na nitong umalis doon. Hindi makapaniwala si



Lucas sa kuwento ni Gener. Hindi siya makapaniwalang kinimkim ni Gener ang ganoong



lihim nang ganoon katagal nang wala man lang ginagawa. Sumbat na lamang ni Gener na



kung magagalit sa kaniya si Lucas, subukan kaya niyang magtawag ng tutulong sa kanila sa

97



pagligtas ng isang pusa sa ilalim ng imburnal. Kaya nga siya nandoong nakadapa sa



kalsada dahil may ginagawa siyang pagtulong sa pusa.



Ilang araw ding hindi nagpakita si Lucas dahil nagkasagutan sila. Sa mga sumunod



na araw, hindi na gabi-gabi kung marinig ni Gener ang pagngiyaw ng pusa. Tuwing



ikalawang gabi na lamang kung magparinig sa kaniya ang pusa. Tiyak niyang sa mga



gabing hindi niya naririnig ang alaga niya, nandoon ang pusang pinapakain naman ni Lucas



sa kabilang kalsada. Kung kaya‘t nagkagalit man sila ni Lucas dahil sa hindi paniniwala sa



kaniyang kuwento, naibsan din ang kaniyang pangambang baka mamamatay na lamang



doon ang pusa sa ilalim ng imburnal sakaling may mangyari sa kaniya. May iba nang mag -



aalaga sa pusa kung saka-sakali. May katuwang na siya sa pagpasan ng kaniyang lihim na



alaga sa ilalim ng imburnal.



Pagkauwi niya isang araw galing sa eskuwela, naghihintay sa kaniya sa kalsada, sa



labas lamang ng kanilang gate si Lucas. Parang walang nangyaring alitan sa kanilang



dalawa. Malamang nahalata rin ni Lucas na pinaghahatian na nila ng oras ang



pangangalaga sa pusa sa ilalim ng imburnal. Kapwa na nila responsibilidad ang pusa sa



ilalim ng imburnal. Alam na daw niya kung papaano tutulungan ang pusa. Hindi magiging



sapat ang pagtawag nila sa pusa o ang pagsikap nilang abutin sa loob ng imburnal kahit



gaano pa man kahaba ng mga kamay nila. Gagawa daw sila ng mapagtutulayan ng pusa



palabas ng imburnal. Mangangarpintero sila. Gagawa sila ng andamyo na parang hagdan na



maaaring akyatan ng pusa. Ilalagay nila sa loob ng butas, at iiwan lamang doon para sa



pusa. Hanggang sa matutunan na rin ng pusa ang lumabas sa imburnal nang hindi nila



pinipilit. Naisip raw kasi ni Lucas na kung doon nga sa loob ng imburnal lumaki ang pusa



hindi magiging madali para sa hayop ang muling bumalik sa mundong ibabaw, upang

98



mamuhay sa liwanag ng araw. Intindihin na lamang daw nila na maninibago ang pusa pati



sa magiging amoy ng kaniyang paligid. Hindi nito makikilalang malinis ang malinis na



hangin.



Kinuha nila ang mga gamit mula sa tindahan nina Lucas ng construction supply.



Mula sa mga retaso ng plywood at tabla sa likod ng tindahan, kumuha ng ilang piraso si



Lucas upang gawing andamyo. Sila na ng nanay niya ang namahala sa tindahan mula nang



bigla na lamang hindi umuwi isang gabi ang kanyang tatay at hindi na muling nagpakita.



Kaya lalong nagpursigi sa pag-aaral si Lucas. Alam niyang balang-araw siya ang hahalili sa



kaniyang nanay sa negosyo nilang unti-unti nang bumabagsak. Nararamdaman niya tuwing



dumarating ang pagtatapos ng buwan kung paano napakaraming dapat bayaran.



Naramdaman niya nang magtanggal ng mga trabahador ang kaniyang nanay na matagal na



rin nilang kasama, kahit tinatawag na niyang mga tito at tita. Naramdaman niya nang



pinaupahan ng nanay niya sa isang salon ang ikalawang palapag ng tindahan. Hindi minsan



nakapagpigil ang kaniyang nanay sa pagbuntong-hininga sa kaniya, minsang nawalan pa uli



sila ng isang malaking kliyente. Dumidiretso na raw ang mga dati nilang kliyente sa mga



suppliers. Hindi na sila kailangan. Nakakatawang napag-aaralan niya sa paaralan at



nababasa sa diyaryo na nagkakaroon nga ng construction boom ngunit bumabagsak naman



ang kanilang maliit na negosyo. Kung kaya‘t kahit nasa hayskul pa lamang si Lucas,



nararamdaman na niya ang bigat ng magiging responsibilidad niya. Siya pa ang panganay



sa kanilang tatlong magkakapatid. Hindi pa man nagtatapos ng hayskul alam na ni Lucas



ang kukunin niyang kurso sa kolehiyo. Anumang may kinalaman sa komersiyo o negosyo.



Hindi na niya tinanong sa kaniyang nanay kung bakit bigla na lamang nawala isang gabi



ang tatay niya.

99



Hanggang sa isang araw, nang hindi pa rin nakukuhang maglakas-loob ng pusa na



umakyat sa andamyong ginawa nila, nakita na lamang muli ni Lucas ang kaniyang tatay.



Nasa telebisyon ang kaniyang tatay. Pinanonood ng kaniyang nanay. Noon naintindihan ni



Lucas kung bakit bigla na lamang nawili sa panonood ng balita ang kaniyang nanay mula



nang hindi umuwi ang asawa mula sa kanilang tindahan. Nalaman na rin niya sa wakas



kung ano ang waring hinahanap o hinihintay ng kaniyang nanay sa telebisyon tuwing oras



ng balita. Hindi niya ikinatuwang nasa telebisyon ang kaniyang tatay. Nakasuot ng damit -



pampreso. Nakaposas ang mga kamay. Nakayuko ang ulo sa hiya sa harap ng pagpitik at



titig ng mga kamera. Nakatayo siya sa likod ng isang heneral na nagpapaliwanag kung



papaano siya nahuli bilang isa sa mga pirata ng pelikula sa Pilipinas. Ipinakita pagkatapos



ang niraid daw na pakopyahan ng vcd at dvd na pagmamay-ari daw ng tatay ni Lucas.



Hindi na nakuha pang tapusin ng kaniyang nanay ang balita nang ipakitang pagawaan din



ng shabu ang niraid na kuta ng tatay niya. Ngunit isara man ng kaniyang nanay ang



telebisyon, nakita na niya ang lahat. Isara man ang telebisyon makikita naman niya ang



mukha ng tatay niya bukas sa mga diyaryo.



Mabuti na lamang ilang buwan na ring hindi umuuwi ang tatay niya. Hindi na



naaalala ng kakapitbahayan na doon pala tumitira sa kanila ang nahuling supplier ng shabu



at piniratang pelikula. Ni hindi nga siya sinita ni Gener nang muli silang magkita nang



hindi pa rin lumalabas ang pusa sa ginawa nilang andamyo. Sinita lamang siya ni Gener



kung bakit daw higit na dumadalas yata ang pusa sa kanilang kalsada. Akala daw ni Gener



noong una patay na ang pusa o kaya nakalabas na. Nang puntahan naman niya si Lucas,



nandoon pa rin ang ngiyaw ng pusa. Sa hindi maipaliwanag na paraan dumalas nga ang



pusa sa bahay nina Lucas. Akala ni Gener may espesyal siyang pinapakain sa pusa. Ngunit

100



nang sabihin niyang wala naman, si Gener naman ang hindi naniwala sa kaniya. Si Lucas



ngayon ang nanumbat kay Gener. Kung ganoon kahalaga sa kaniya, si Gener na lang kaya



ang magpakain sa pusa. Hindi naman siya pinipigilan ni Lucas. Kinakailangan nga lang



niyang maglakad papunta kina Lucas upang mapakain lamang ang pusa. Hindi naman daw



iyon ganoon kahalaga, ang sagot na lamang sa kaniya ni Gener. Hindi na rin niya ginalit pa



si Gener. Nagpasalamat na lamang siya na hindi alam ni Gener ang tungkol sa tatay niya.



Lalo na nang pagkatapos lamang ng isang linggo, muli na namang naging laman ng b alita



ang tatay niya. Tumakas daw sa presinto. Binayaran daw ang mga pulis na magtulug -



tulugan nang makatakas sila ng mga kasamahan niya. Huwag na huwag daw magkakamali



ang tatay niya na umuwi sa kanila, mura ng nanay niya. Kung pinagtatakpan lamang ng



nanay niya ang tunay na nararamdaman nito, hindi na niya nakuhang alamin pa dahil



dumalas na nga nang dumalas ang pagngiyaw ng pusa tuwing gabi malapit sa bahay nila.



Hanggang hindi na niya matagalan ang mga pagngiyaw. Hindi niya maintindihan kung



bakit ni hindi iyon naririnig ng kaniyang nanay. Marahil ganoon kalalim ang tulog ng



kaniyang nanay sa pagod sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo. Marahil ganoon kalalim



ang tulog ng kaniyang nanay sa pilit paglunod ng sarili sa trabaho nang hindi maharap ang



katotohanang nakapangasawa siya ng pirata at drug pusher. Hindi maintindihan ni Lucas



kung bakit halos hindi na umaalis sa kanila ang pusa.



Isang araw, bigla na lamang siyang napuno. Marahil nabibigatan na siya sa



responsibilidad na dapat pinagtutuwangan nila ni Gener. Pinuntahan niya si Gener. Sinabi



niya kay Gener ang kaniyang balak. Habang isinasalaysay ang balak, unti -unti naman



niyang naiintindihan na hindi pala si Gener ang dahilan ng kaniyang galit. Hindi pala siya



galit kay Gener dahil naiisahan siya nito sa pangangalaga sa pusang nadadalas sa kalsada

101



niya. Hindi rin dahil sa bigat ng responsibilidad kung kaya‘t hindi siya mapakali sa



madalas na pagdalaw ng pusa. Nagagalit siya dahil natuklasan niyang siya na ngayon ang



nag-aalala para sa pusa.



Ginawa na nila ang lahat makalabas lamang ang pusa sa ilalim ng imburnal. Ayaw



pa ring lumabas ng hayop. Pumasok sa isip ni Lucas na baka pilay ang pusa at hindi



makagalaw sa ilalim ng imburnal. Kaya marahil hindi makaalis-alis sa tapat ng kanilang



bahay. Hindi na siya makapagpipigil, ibinalita na lamang niya kay Gener. Kailangan na



nilang wasakin ang isa sa mga konkretong takip ng imburnal. Kailangan na nilang masuhin



nang makapasok ang isa sa kanila sa imburnal. Kailangan na nila mismong damputin ang



pusa mula sa ilalim. Kailangan nilang iligtas ang pusa. Marahil napilay ang hayop sa



pabalik-balik na paglalakad sa magkalayong bahay nilang dalawa. Marahil pahina na nang



pahina ang pusa sa ilalim ng imburnal. Nangangamba siyang isang araw hindi na nila



maririnig ang ngiyaw ng pusa katulad nang basta na lamang hindi umuwi ang kaniyang



tatay at hindi na muling nagpakita. Kailangan nilang wasakin ang takip ng imburnal kahit



pa umalingasaw ang baho mula sa kailaliman ng subdibisyon. Kahit pa hulihin sila ng mga



tanod at pulis sa kanilang barangay. Dahil hindi niya maintindihan kung bakit sa loob



lamang ng subdibisyon nila walang sirang takip ng imburnal gayong halos nagkalat sa



buong Maynila ang balita tungkol sa mga taong namamatay sa pagkakalaglag sa loob ng



mga butas ng imburnal.



Kung kaya‘t isang gabi, sa kalagitnaan ng gabi, nagkita sila sa tapat ng bahay ni



Lucas. May dalang dalawang maso si Lucas. Tig-isa sila ni Gener. Dudurugin nila ang



konkretong takip ng imburnal kapag narinig na nila ang ngiyaw ng pusa. Tiniyak n a muna



nilang naroon nga ang pusa at wala kina Gener. Nakaamba na ang masong tangan ni Lucas

102



nang pigilan siya ni Gener. Tiyak daw na maririnig sila ng kakapitbahayan sa gagawin



nilang pagmamaso. Hindi na iyon mahalaga, sagot naman ni Lucas. Magising man n ila ang



buong subdibisyon sa pagmaso, mawawasak na nila ang konkretong takip ng imburnal bago



pa man makasugod ang lahat upang pigilan sila. Dahil durog na ang takip pagdating nila



hindi na mahalaga kung maniniwala sila sa kanilang kuwento tungkol sa isang kuting na



nabuhay nang ilang taon sa ilalim ng imburnal. Bago pa man makarating ang mga



kakapitbahay upang pigilan sila, marahil may isa na sa kanilang nakapasok sa imburnal



upang sagipin ang alaga nila. At kapag naipakita nilang totoo nga ang pusa hindi na



mahalagang nabasag nila ang konkretong takip dahil maniniwala na sa kanila ang buong



kakapitbahayan.



Sa mga pagpapaliwanag ni Lucas, hindi na nakatutol pa si Gener. Sasabihin sana



niya kay Lucas na may iba pang paraan nang hindi winawasak ang konkretong takip ng



imburnal, nang hindi ginigising ang buong kakapitbahayan. Ipaliliwanag sana niyang ilang



taon na lang at nasa kolehiyo na sila. Maaari na silang sumali sa asosasyon ng



kakapitbahayan sa kanilang subdibisyon. Maaari na silang makapagmungkahi nang



pinapakinggan. Maaari na silang pakinggan at paniwalaan ng matatanda. Ngunit hindi na



nakatutol pa si Gener kay Lucas dahil buo na ang loob ni Lucas sa kaniyang binabalak.



Muling itinaas ni Lucas ang dala niyang maso upang simulan ang pagwasak sa



konkretong takip ng imburnal. Kailangang maging malakas ang gagawin niyang pagbayo



nang mapadali ang pagkawasak sa takip, nang maunahan nila ang pagdating ng mga



maaalimpungatang kakapitbahay. Ngunit bago pa man tumama ang kaniyang maso sa



konkretong takip, may nakakita na sa kanilang dalawa ni Gener. Noon dumating si Julio na



halos kasing-edad o matanda lang nang kaunti sa kanila. Tiyak lamang nilang nag-aaral na

103



sa kolehiyo, katulad nila, ang nakakita sa kanilang binata. Nagtaka na lamang sina Gener at



Lucas nang sabihan sila ni Julio na huwag silang mag-alala. Wala siya doon upang pigilan



sila. Basta daw pahihintulutan lamang nina Gener at Lucas na panoorin niya sila. Hindi



niya sila isusuplong sa mga awtoridad. Bagamat hindi na yata iyon kailangan dahil tiyak n a



magigising ang mga natutulog sa paligid kapag minaso na nila ang konkreto. Walang



nagawa sina Gener at Lucas kung hindi ang magtanong, gaya nang minsang tinanong ni



Lucas si Gener kung ano ang kaniyang inaapuhap sa ilalim ng imburnal.



―Bakit mo kami papanoorin?‖



Muling naantala ang pagmaso ng dalawang binata sa konkretong takip ng imburnal



dahil tatlo na sila ngayon. Nandoong nakatalungko sa tapat ng butas ng imburnal: nag -



uusap, nagkukuwentuhan, nagpapakilala sa isa‘t isa sa kalagitnaan ng gabi kung kail an



tulog ang lahat sa paligid, kung kailan sila lamang tatlo ang nakaririnig sa ngiyaw ng pusa



sa ilalim ng imburnal. Ngunit hindi kaagad narinig ni Julio ang mga ngiyaw ng pusa. Saka



pa lamang niya narinig ang pusa nang matapos na siya sa kaniyang kuwento sa pagsagot sa



dalawang binata kung ano ang ginagawa niya doon sa kalagitnaan ng gabi.



Hindi raw kasi siya makatulog. Hindi tagaroon sa kanila si Julio. Nagsimula siyang



mahirapang makatulog mula nang magka-coma ang tatay niya. Para bang inako na ng tatay



niya ang pagtulog nilang dalawa. Paliwanag ng doktor na wala naman talagang diperensiya



ang tatay niya. Hindi lamang talaga nagigising. Walang hinto sa pagtulog. Kaya hindi



talaga masabing coma ang sakit. Pinayuhan sila ng doktor na sa bahay na lamang ni la



patulugin ang tatay niya. Kung patutuluyin pa kasi sa ospital, gagastos lamang sila.



Binilhan na lamang nila ng suwero. Nagpaturo na lamang sila kung paano magkabit ng



suwero. Sa palagay nga ni Lucio, sa tagal ng panahon, naging parang ugat na rin ng ta tay

104



niya ang karayom na nakatusok sa katawan niya. Hindi na nila pinangangambahang



kalawangin pa. Kaya nandoon lamang ang tatay niya sa bahay nang iwan niya upang



magpalipas ng gabi sa paglalakad sa labas. Walang ginagawa ang tatay niya kung hindi



matulog, samantalang patuloy sila ng kaniyang nanay sa kanilang buhay.



Hindi alam ng kaniyang nanay na hindi na siya nakatulog mula nang matulog nang



napakalalim ang tatay niya. Ayaw niyang ikuwento sa kaniyang nanay. Lalung-lalo pa‘t



makalipas lamang ang ilang araw pagkatapos matulog ang tatay, nakarating sa kanila ang



balitang napaslang ng mga NPA ang kaniyang lolo‘t lola sa tatay. May kabutihan din ngang



nadadala ang mga bagay-bagay, sabi na lamang ng nanay niya. Mabuti na lamang at



nakatulog ang tatay niya bago nakarating sa kanila ang balita. Kung nagkataon baka hindi



nito nakayanan ang balita. Dati rin daw kasing namundok ang tatay niya. Dating kasapi ng



NPA. Ang pagpapakasal sa nanay niya ang humikayat ditong magbagong buhay. Panahon



pa ng batas militar. Dati kasing mamamahayag ang tatay niya. Nagsusulat sa diyaryo.



Pagdating ng batas militar, nang pinangangambahan niyang isa siya sa ipadadakip ng



rehimeng Marcos, namundok na rin siya. Mula noon isa na siya sa mga nagsusulat ukol sa



buhay sa bundok. Hindi na siya kailanman gumawa ng balita para sa mga diyaryo. Tapos



na raw ang panahon ng pagbabantay niya sa sarili kung para kanino ang isinusulat niya.



Baka hindi raw nakayanan ng tatay niya ang balita. Tumanggi raw ang lolo na



magbigay ng abuloy sa napadaang pangkat ng NPA sa lugar nila. Sa lalawigan nakatira ang



lolo ni Lucio. Ayaw pumunta sa Maynila kahit ano pang paghikayat ang gawin sa kaniya.



Hindi raw kasi makuhang pagkatiwalaan ng lolo niya na mabuhay sa isang lungsod na



walang tiwala ang tao sa isa‘t isa. Ganoon nga ang nangyari. Akala niya



mapagkakatiwalaan niya nang lubos ang lalawigan. Marahil nga kung buhay pa siya

105



sasabihin niyang hindi ang lalawigan ang may kasalanan. Dahil hindi naman tagaroon sa



kanila ang mga napadaang NPA. Baka nga hindi talaga sila NPA at mga karaniwang



armadong magnanakaw lamang. Tumanggi raw ang lolo na magbigay ng abuloy sa kanila.



Dati rin siyang namundok katulad ng anak niya. Kaya hindi niya nakuhang pigilan ang



tatay ni Lucio nang mamundok sa panahon ng batas militar. Dating Huk naman sa



kapanahunan ng Hapon ang lolo. Nang pakitaan siya ng baril ng mga napadaan sa kanila,



hindi siya natakot. Buo ang pagtitiwala niya na walang mangyayari sa kaniya sa lalawigan.



Nagkamali nga lamang siya.



Mabuti na lamang daw at tulog na ang tatay ni Lucio nang makarating sa kanila ang



balita. Malamang daw umuwi ang tatay niya sa kanilang probinsiya. Hinalughog sana niya



ang buong kagubatan sa paghahanap sa pumatay sa kaniyang ama‘t ina. Ginalugad sana ang



kanilang buong bayan sa paghahanap ng mga naging kasamahan niya sa pamumundok.



Pinagbayad sana ng utang ang pumaslang sa mga magulang niya. Malamang daw, sabi ng



nanay ni Lucio sa kaniya, muli na namang namundok ang tatay niya sa pagkakapatay ng



lolo‘t lola niya sa kamay ng mga NPA. Wala sana sa kanilang bahay ang tatay niya. Hindi



sana nila alam kung hanggang kailan siya mananatili sa bundok. Mananatili doon ang tatay



niya hangga‘t hindi naipaghihiganti ang pagkamatay ng mga magulang.



Kuwento naman ni Julio kina Gener at Lucas, iba ang natunugan niya sa mga tunay



na pangyayari. Suspetsa niya, ang balita mismo ng pagkamatay ng lolo‘t lola ang naghatid



sa tatay niya sa napakalalim na tulog. Malamang hindi nga nito nakayanang sa mismong



mga kasamahan pa niya mamamatay ang mga magulang niya. Minarapat na lamang niyang



matulog nang matulog. Ilang araw lamang pagkatapos makatulog ang tatay ni Lucio bago



nakarating ang balita sa kanila. Kung hindi raw nagkakamali si Lucio, una nang binalitaan

106



ang tatay niya ng ilang kasamahan dati sa pamumundok. Bago pa man niya mabalitaan sa



mga diyaryo at telebisyon. Mabuti na ring sa kanila manggaling ang balita kaysa sa ibang



hindi kakilala. Na aksidente lamang ang nangyari. Hindi raw kasi nakilala agad ang mga



magulang niya. Masyado lang kasing naging matigas ang tatay niya. Palibhasa kasi may



karanasan na rin sa pakikibaka.



Dahil sa bigat ng dinadala ng kaniyang nanay, hindi na nakuha pang ikuwento ni



Lucio ang kaniyang lalong mabibigat na haka-haka. Hindi na rin niya ikinuwento kung



papaano mula nang makatulog ang tatay niya, siya naman ang hindi na makatulog. Nang



mga unang gabi, sinubukan niyang magbasa, magsulat, at gawin na ang lahat ng puwedeng



gawin nang hindi namamalayan ng nanay niya. Ngunit kinalaunan, nabagot din siya. Nang



matutunan niya ang ritmo ng pagtulog ng kaniyang nanay, nagkalakas-loob na siyang



umalis ng bahay nang hindi nagpapaalam. Namamasyal na lamang siya tuwing gabi. Sikap



niyang iniintindi kung bakit siya hindi makatulog. Natuklasan niyang hindi lamang pala



siya ang hindi makatulog tuwing gabi. Ninais niyang makilala ang iba pang hindi



makatulog tulad niya. Hindi ang mga gising sa gabi dahil may trabaho katulad ng mga puta,



ng mga guwardiya, ng mga pulis, ng mga driver ng taxi, ng mga call centers, nurses, at



kung sinupamang nagtatrabaho nang walang tulugan. Pangangailangan ang ganoong mga



hindi pagtulog. Nais niyang makilala ang mga katulad niyang wala namang dahilan para



hindi matulog pagsapit ng gabi, pero ano‘t gising na gising pa rin sa kalsada. Nais niyang



matuklasan kung bakit gabi ang sinasamantala ng mga nagsusulat ng kabastusan, paninira



at protesta sa mga dingding at monumento ng Maynila, ng mga nagnanakaw ng ari -arian sa



kakapitbahayan, ng mga ilaw sa poste, ng mga nagtutuklap ng takip ng manhole, ng



naglalagari ng railing ng mga flyover, ng mga bakal sa daanan. Sa pakiwari niya‘y hindi

107



lamang iyon dahil sa pagnanakaw. Maaari ring magnakaw sa umaga. Maraming



nagnanakaw sa umaga. Hindi iyon dahil sa pagprotesta sa pamahalaan dahil nagkalat din



ang rally sa Kamaynilaan, kaliwa‘t kanan at nagkakasalubungan. Hindi rin maaaring sa



takot dahil may dala ring sarili niyang takot ang gabi. Nakakatawang isiping lalabas



lamang sa gitna ng banta ng mga holdaper, ng mga ligaw na bala, ng mga durugista para



lamang magsulat ng kabastusan sa dingding. O baka dahil sila na rin mismo ang mga



holdaper at durog.



Hanggang sa makasalubong nga ni Julio sina Gener at Lucas. Hindi naman sila mga



holdaper at durugista, pagpapaliwanag kaagad ng dalawa kay Julio. Kung nais niyang



matuklasan ang dahilan ng pananatili nilang gising sa gitna ng gabi, kailangan lamang daw



niyang makinig. Noon nga lamang narinig ni Julio ang ngiyaw ng pusa sa ilalim ng



imburnal. Hindi siya makapaniwalang kuting pa ang pusang naririnig niya ngayon nang



unang alagaan ni Gener. Ngunit hindi niya makuhang pagtawanan ang dalawa dahil siya



itong nagtatanong at naghahanap ng sagot. Nang maikuwento na nga nina Gener at Lucas



kay Julio, wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa konklusyon ng



dalawa. Hindi maiiwasan at natitirang tanging paraan ang pagwasak sa sementong takip ng



imburnal. Naniwala na lamang siya katulad ng naniwala na lamang basta ang dalawa



tungkol sa tatay niyang wala namang coma ngunit natutulog nang hindi nagigising.



Naniwala na lamang sila sa kaniyang paliwanag na nandoon siya dahil sa simpleng



dahilang hindi siya makatulog.



Nakita na lamang niya ang kaniyang sarili na tinutulungan ang nakatagpong



dalawang binata sa pagbuhat ng maso. Nakihalili siya kina Gener at Lucas, kung sino na sa



kanilang dalawa ang napapagod sa pagmaso sa takip ng imburnal. Hinambalos nila nang

108



hinambalos ang konkretong takip. Bawat ulos ng maso, inuubos nila ang kanilang lakas at



hininga. Nang mapadali ang pagwasak nila sa takip ng imburnal. Nang maunahan nila ang



sinumang unang sasaway sa kanilang ginagawa. Halos nakikita na nilang isa-isang



nagigising ang mga kakapitbahay sa pagmasong ginagawa nila. Bawat pagmaso



dumadagundong sa pinakapundasyon ng subdibisyon. Sa kanilang pakiramdam, parang



guguho ang buong subdibisyon. Alang-alang lamang sa ikaliligtas ng isang pusang doon na



lumaki sa ilalim ng imburnal.



Ngunit kahit takot na takot na silang sa anumang sandali sisitahin na sila ng



guwardiya o ng isang kakapitbahay, walang dumating upang pigilin sila. Walang binuksang



ilaw dahil naingayan sa kanilang pagmaso. Kahit halos maramdaman na nilang lumilindol



sa bawat pagmaso nila, walang nagising sa buong subdibisyon. Parang karaniwan lamang



na gawin ang kanilang ginagawa sa kalagitnaan ng gabi upang huwag pagdudahan at



pangambahan. Nagpatuloy lamang sa kanilang pagtulog ang buong subdibisyon at hinayaan



sila sa pagwasak sa konkretong takip ng imburnal.



Nadurog nga nila ang takip at kumawala sa hangin ang sangsang ng imburnal.



Katulad rin ng hindi inaasahan, wala ring pusang lumundag palabas. Halos maduwal silang



tatlo sa umalingasaw na amoy ng imburnal. Nagkatinginan lamang ang tatlong binata. Wala



pa sa kanilang nagduda kung mayroon ngang pusa o wala sa ilalim ng imburnal. Si Gener



ang unang tumawag sa kaniyang alaga. Ginaya niya ang pagngiyaw ng pusa. Hanggang sa



sila nang tatlo ang tumatawag sa pusa. Wala ni isa man sa kanilang natawa sa kanilang



paggaya sa ngiyaw ng pusa. Kailangan nilang makita ang pusa. Kailangang makita ni



Gener ang pusa upang patunayan na hindi napunta sa wala ang pangangalaga niya sa kuting



mula pa sa kaniyang pagkabata. Kailangang makita ni Lucas ang pusa upang patunayan sa

109



kaniyang sarili na hindi siya nagkamali sa paniniwala sa mga kuwento ni Gener.



Kailangang makita ni Julio ang pusa dahil hindi niya makuhang pagdudahan ang tanging



dalawang taong nakausap na katulad niyang hindi makatulog sa gabi.



Hanggang sa hindi na makapagpigil si Gener. Nang masanay na sila sa amoy ng



imburnal, bumaba si Gener sa butas. Hahanapin niya ang pusa sa pasikot -sikot ng imburnal.



Malamang natakot lamang nila ang pusa at sumuot kung saan nang simulan nilang masuhin



ang konkretong takip. Nasanay na nga marahil ang pusa sa pagtira doon at ayaw nang



umalis. Ngunit kahit man lamang makita nila ang pusa. Mapatunayan man lamang nila na



may pusa nga sa ilalim ng imburnal. Kahit hindi na nila makita ang pusang naglalakad sa



ibabaw ng lupa. Kahit sa ilalim na rin ng imburnal nila makasalubong at makilala ang pusa.



Pati dito‘y nanatiling bigo ang tatlong binata. Ngumiyaw na sila nang ngumiyaw s a



pusa. Umalingawngaw na sa lahat ng likô at sulok ng imburnal ang panggagaya nila sa



tinig ng pusa, wala pa ring lumabas sa hinahanap nila. Hanggang sa gumapang sa kanila



ang takot na paano nga kung wala talagang pusa. Sinira nila ang konkretong takip ng



imburnal para lamang sa wala. Ang pusa sana ang ipanghaharap nila sa mga taong



magigising sa kanilang pagmaso. Nang maniwala silang may dahilan kung bakit nila



winasak ang takip ng imburnal. Baka ipakulong sila.



Ngunit kinalaunan, nawala pati ang pangamba sa pagkakakulong. Natabunan ng



panghihina ng loob nang wala pa rin silang makitang pusa sa lahat ng latak at dumi at baho



at sangsang sa ilalim ng imburnal. Ni hindi na nila nakuha pang magpaalam sa isa‘t isa na



uuwi na sila. Umalis sila sa tapat ng winasak nilang imburnal na para bang bigla na lamang



silang napagod at nawalan ng gana. Ni hindi na sila nagtinginan. Ni hindi nakuhang



magtanguan man lamang. Hindi na tinulungan ni Gener si Lucas sa pagbuhat ng maso

110



pabalik sa kaniyang bahay. Ni hindi na kinuha ni Lucas ang maso. Iniwan na lamang niya



doong nakahandusay malapit sa butas ng imburnal. Ni hindi nakuhang tuyain pa ni Julio



ang dalawang binatang nakakilala niya, dahil sa kung ano-anong kababalaghang pinaniwala



sa kaniya. Tumalikod na lamang siya at umalis. Pagdating niya sa bahay, sa sobrang pagod,



nahiga na lamang siya sa kaniyang kama nang nakatulala at nakatitig sa kisame.



Hindi maintindihan ng tatlong binata kung ano ang nangyari sa kanila nang gabing



iyon. Akala nila ganoon na nga lamang magtatapos ang lahat. Katulad ng pagkawala ng



mga tatay nina Gener at Lucas; katulad ng bigla na lamang pagtulog ng tatay ni Julio.



Ngunit katulad din ng hindi inaasahan, naintindihan nila ang lahat kinagabihan ng araw na



magising ang buong subdibisyon na wasak na ang konkretong takip ng imburnal. Sa



presinto na nakuha ni Lucas ang dalawa nilang maso dahil doon dinala nang matagpuan ng



mga kakapitbahay niya. Sinabi na lamang niyang baka may nagnakaw sa garahe nila. Dahil



masunurin at wala namang rekord si Lucas, hindi nila nakuhang pagdudahan ang binata.



Kinagabihan nga ng araw na iyon, muling narinig ng tatlong binata ang ngiyaw ng



pusa. Ngunit tiyak nilang hindi na nanggagaling sa ilalim ng imburnal ang mga pagngiyaw.



Nagmumula na lamang sa labas ng pinto ng kani-kanilang bahay. Nang bumaba si Gener ng



kaniyang kuwarto upang buksan ang pinto, saka niya naalala ang bilin sa kaniya ng nanay



niya ukol sa hindi pagpapakain sa mga ligaw na kuting. Nang lumabas si Lucas sa kaniyang



kuwarto upang buksan ang pinto, halos alam na niyang kinakailangan niyang



magpaumanhin kinaumagahan sa pagduda niya sa mga kuwento ni Gener. Nang marinig



naman ni Julio ang ngiyaw ng pusa, natanong niya kung parehong pusa ang narinig niya sa



ilalim ng imburnal, nang makakilala niya sina Gener at Lucas kinagabihan lamang. Nang



buksan nina Gener at Lucas ang pinto ng kani-kanilang bahay, natagpuan nilang may

111



nakahandusay na bangkay ng tao sa punasan ng paa papasok sa kanilang tahanan. Naaagnas



na ang mga bangkay. Ngunit hindi na mahalagang hindi na nila makilala ang mukha ng



patay na nakahandusay doon. Dahil natitiyak nilang bangkay ang mga iyon ng kanilang



mga tatay na matagal nang nawawala at bigla na lamang hindi nagpakita. Mga bangkay ng



kanilang tatay na regalo ng pusang inalagaan nila. Natagpuan na lamang nina Gener at



Lucas na ginigising na nila ang kanilang mga nanay sa mahimbing na pagkakatulog.



Natagpuan na lamang ni Julio na ginigising na rin niya ang kaniyang nanay. Dahil



nadaanan niyang gising na ang tatay niya mula sa malalim nitong pagkakatulog. Nakaupo



na ang tatay niya sa kama nang mapadaan siya sa kuwarto nito upang buksan sana ang



pinto sa salas at kilalanin ang pusang ngumingiyaw. Noon lamang naintindihan ng tatlong



binata ang lahat. Bumalik na ang kanilang mga tatay. Ibinalik sa kanila ng pusang



inalagaan at pinalaya nila sa kailaliman ng imburnal.

112



Paputian ng Laba



Maikling Kuwento ni Allan Derain









HINDI TALAGA KAMI makapaniwala sa kanilang alok nung una. Isang libong piso para sa



bawat maghapong paggamit nila dito sa aming barong-barong? Aba, para palang upa sa hotel,



hirit ni Papadu na di naman nauunawaan talaga ang kaniyang hinihirit puwera na lang kung ang



ibig pala niyang sabihin ng hotel ay motel. Kung ba‘t ganito ang tingin ko, malalaman n‘yo rin



maya-maya. Basta tatandaan n‘yo lang ‗yong salitang ‗motel‘ dahil diyan mahilig ang tatay



namin. Pero hindi kasi talaga ‗yan ang kuwento ko kaya balik tayo sa aming barong-barong.



Masinsinan kaming kinausap nung matabang baklang nakakulay abong alampay at puting



sun visor. Siya raw ang kumakatawan para sa Lavides Entertainment Venture. Sa dinami-rami



ng mga bahay dito sa Maynila, ang sa amin daw ang totoong tumawag ng kanilang pansin. Kung



sa bagay, sa labas pa lang talagang may dating nang pang ‗Maalaala Mo Kaya?‘ itong aming



tinitirhan. Kung titingnan mo itong maigi mula sa di kalayuan, parang lagi itong humihingi ng



tulong, pang-unawa at proteksyon laban sa karahasan. Sa kabila ng mga nagdaang bagyo, baha at



lindol, nakatayo pa rin ang tatlo pero dati‘y lima nitong haligi. Palo tsina at tabla ang mga



dinding na pinuno namin ng mga puting krus panakot sa manananggal na pasumpong-sumpong



kung manalakay sa Maynila. Harap lang ng bahay ang konkreto kaya nga maliwanag na



nakasulat sa gawing itaas nito sa itim at malalaking letra: BAWAL TIBAGIN. Sinulat sadya ito



para do‘n sa mga naiinggit na mga kapitbahay na may mga tirahang naibabalibag ng bagyo



hanggang kabilang barangay. Kung tutuusin halos wala na ngang titibagin dito dahil sa

113



pagkalaki-laking guang gawa ng bintanang may inartehang rehas na halos sumakop na sa buong



dingding. Harap ng sari-sari store sana ang gustong mangyari ni Mamadu sa gawing ito ng bahay



pero dahil walang mga panindang maisasabit sa bintana kaya naging bintana na lang. Pero hindi



ko siguro puwedeng sabihing ‗naging bintana’ na lang. Hindi lang naman ito simpleng



bintanang nagpapakita sa amin kung ano ang nasa labas. Bintana rin ito ng mga tagalabas para



lagus-lagusang makita kami ritong mga nasa loob. At sa pagdating ng mga artista ng



pinakaaabangang telenobela sa aming bahay ay lalo pang mag-iibayo ang silbi ng bintanang ito



sa mga usyoso.



Pagpasok niya sa aming bahay, lalo pang natuwa ‗yong baklang nakakulay abong



alampay at puting sun visor nang makita ang mataas at kinakalawang na banggerahan.



―Dito masarap mambrutal,‖ sabi niya. ―Damang-dama ko ‗yong dahas, ‗yong poot, ‗yong



sarap ng pananadista dito mismo sa sulok na ito. Kaya kung meron tayong isang katutak na



sampalan, lahat ‗yon dito natin gagawin. At itong lababong ito—naku marami akong eksena para



sa lababong ito na ngayon pa lang makikita sa telebisyon.‖ Nabuksan ang aming mga mata sa



unang pagkakataon at noon lang din namin nakitang may gano‘ng pampelikulang katangian pala



ang aming banggerahan.



Tatlong van ang dumating no‘ng sumunod na araw. Nang makita naming inilabas buhat



sa isang van ‗yong mga kable at ‗yong kamera, naniwala na kami. Artista na nga itong bahay



namin.



‗Dakila, Busilak at Wagas‘ daw ang pamagat ng telenobelang gagawin nila dito sa amin.



Tungkol daw ito kay Veronica, isang karaniwang labandera na anak pala ng mayamang mag-



asawang may malaking korporasyon sa Ayala-Makati. Kung paano siya napagkaitan ng tunay



niyang pagkatao at kung paano niya ito babawiin sa huli, dito magpapaikot-ikot ang buong

114



istorya ng nasabing telenobela. Iyong matabang baklang nakakulay abong alampay at puting sun



visor pala ang magiging direktor at si Mari Jodi Lualhati ang gaganap naman daw sa papel ni



Veronica.



―Direk, gipit lang kami ngayon kaya kung puwede isasanla ko muna sa inyo itong relo



ko.‖ Si Papadu iyon—maagang sinusubukan ang kaniyang kapalaran. ―Direk, kakaiba itong



relong ito. Nawawala.‖



―Paanong nawawala?‖ Alam kong hindi na sana gustong magtanong ni Direk Taba.



―E kanina pa kasi ito hinahanap ng may-ari.‖ At saka humagalpak ng tawa si Papadu.



Pero mag-isa siyang tumawa. Gusto sana niyang magpakitang gilas pero sori dahil panahon pa



ni Chiquito ‗yong gimik na alam niya. Sinimangutan lang siya nung Direk Taba. Mukhang



nabuwisit sa ginawang pagpatol sa kaniya.



Sa loob ng ilang linggo, mga artistang namumukhaan lang namin pero di masapol-sapol



ang mga pangalan ang panay na dumarating. Sa loob ng mga linggong iyon, kinunan sa loob ng



aming bahay ang ginawang pagpapalaki sa magandang sanggol na napulot sa isang



inabandonang bodega. Matapos nun, isa namang batang may sampung taong gulang ang kinuha



nila para gumanap na batang Veronica. Madalas dumungaw sa bintana ang batang Veronica.



Nakatingala siya sa mga bituin habang nangangarap ng buhay malayo sa amoy ng pusali. Pero



dahil sa kapal ng usok at alikabok sa langit hindi naman talaga nagpapakita ang mga bituin sa



gawing ito ng lungsod. Kaya hindi mga bituin ang totoong kaharap ni Veronica kundi mga



mukha ng mga taong nanonood ng shuting na maluha-luha na sa kanilang pagkaawa sa bata.



Kung may nakita man kayong mga bituin no‘ng ipinalabas sa tv ‗yong eksena, daya na ‗yon. Isa



pang daya ‗yong pagpatak ng mahinang ulan na idinagdag ng direktor sa eksena sa tulong ng



sprinkler. Luha raw ‗yon ng mga bituing nakikiiyak din sa kasawian ni Veronica. Naluha na rin

115



si Veronica at napakanta pa ng ―Somewhere Out There.‖ Pumipiyok-piyok pa ang bata pero wala



namang problema dahil boses ng ibang singer naman ang ginamit nang lumabas ito sa tv.



Natapos ang eksena sa isa niyang munting dasal na ang nilalaman ay halos kahawig din ng



kaniyang katatapos lang na kanta. Dinala ng batang ito ang ganitong mga gawain hanggang sa



magdalaga. (Kung susumahin, ipinakitang halos doon na sa harap ng bintana ito lumaki.) At sa



puntong ito ng istorya papasok ang tunay na bidang artista—si Mari Jodi Lualhati.



Nung araw bago dumating si Mari Jodi, naglinis kami ng bahay. Winalis naming mabuti



ang buong bakuran. Tinambakan namin ang mga parteng maburak. Nanghiram din kami ng mga



halamang nakapaso na ipapalamuti sa paligid ng bahay. Hindi lang ‗yon, sa tulong ng mga



kabarangay at sa pangunguna rin ni Kapitan, winalis namin ang buong kalye. Ipinagbawal ng



barangay ang pagtapon ng mga basura kung saan-saan. Sandali ring ipinagbawal ang umagang-



umagang inuman ng iba‘t ibang tropa ng mga sunog-baga, ang paghihingutuhan sa harap ng mga



pinto ng mga bagong gising, ang mga pa-bingo at ang paggala-gala sa lansangan ng mga batang



walang saplot.



Pero nang makita ni Direk Taba ang kinalabasan ng aming mga preparasyon, nanggalaiti



siya sa sobrang galit. Sinabihan kaming mga di nag-iisip. Dahil kung nag-iisip daw kami,



maiintindihan namin kung bakit sa dinami-rami ng mga iskwater sa Maynila, ang aming lugar



ang napili nilang gawing lokesyon. Nagbanta pa siya na kung di namin ibabalik sa dati ang lugar,



hahanap sila ng ibang pagdadausan ng kanilang shuting. Kaya ibinalik namin ang lahat ng mga



kalat, ang mga sunog-baga, ang mga hingutuhan sa harap ng mga pinto, ang mga pa-bingo,



ganun na rin ang mga batang malayang nakapaglalakad-lakad nang walang saplot. Sa



pagtutulungan naming mga magkakabarangay nagawa pa nga naming gawing mas masahol pa sa



dati ang aming lugar.

116



Sa wakas, dumating si Mari Jodi sakay ng dilaw na limo. Pagbaba na pagbaba sa



sasakyan, mabilis siyang sinalubong ng mga tao. Isang kariton ng sorbetes ang nabangga at



naitaob ng mga taong nagpapanakbuhan. Lahat kasi gustong makita at gustong mapisil kahit



sandali para mapatunayan kung totoo nga ba ang labing-anim na taong gulang na aktres na kung



ilang gabi rin naming sinubaybayan sa Once and Future Star ng Channel B. Matapos niyang



magwagi bilang Most Shining Teen Star sa kontes na ‗yon na naghahanap ng mga pinakabagong



artista, ang ‗Dakila, Busilak at Wagas‘ ang kauna-unahan niyang breyk. Hindi namin akalaing



ang breyk na ito‘y magkakaroon pa ng kinalaman sa bahay namin. Kaya kung pamilya namin



ang tatanungin, hindi namin gusto ang ginagawang pamumutakti sa kaniya ng mga tagarito.



Nakagugulo lang kasi. Kung iisipin, bisita namin ang artista dahil sa bahay namin siya



makikituloy. Gustong hawiin ni Mamadu ‗yong mga tao. Pero iika-ika kasi ‗yong lakad niya



kaya di siya makasunod sa daloy. Nakuha ni Mamadu ‗yong ika niya sa ganito ring eksena.



Gitgitan. Kuyugan. Kasama ng ilang mga tagarito, sinugod kasi nila noon ang Malacañang.



Napanood kasi nila sa tv na namimigay ng libreng titulo ng mga lupa ang Presidente. Unahan



ang mga tao sa geyt ng Palasyo. Sa gitna ng tulakan at balyahan, di sinasadyang may nakaapak



sa paa ni Mamadu at bakya pa ‗ata ang suot ng nakaapak. Kaya iyon. Durog ang buto ng isang



paa. At ang masama, di naman siya nakakuha ng sinasabing titulo. Kaya imbes na



makipaggitgitan sa mga tao para tulungan ‗yong kawawang artista, sumandal na lang si Mamadu



sa may punong alatres at pinanood ang mga nagkakagulo. May pobiya na ‗ata sa gitigtian.



Kaya si Kuya Tor ang kinausap ko. Si Kuya Tor lang ang puwedeng humawi sa mga tao.



Hawak ang paborito niyang pamalong bakal na may sariling taguan pa sa aming kusina,



iwinasiwas niya ito sa mga magugulong ayaw magbigay daan. Sa pagkakaalam ko, pito ang



kaniyang nabukulan. Habang sumasalunga sa mga taong nagkakagulo, itinuro namin kay Mari

117



Jodi kung saan ang papunta sa aming bahay. Do‘n sana namin siya dadalhin. Pero sabi no‘ng



babaeng tagabitbit ng kaniyang gamit, sa van daw magpapahinga ang alaga niya.





Ilang sandali pa, sa labas ng bahay naglagay na ng ko rdon ang



ilang mga alalay para markahan kung hanggang saan lang



makalalapit ang mga tao sa set. Nasa loob na kasi ng bahay ang



buong cast. Nakaupo sa aming sopang monoblocks si Mari Jodi,



nakasuot na ng lumang t-shirt at tsinelas na sa akin pa lahat hiniram.



Binabasa na niya ang kaniyang mga linya. Ilang mga kapitbahay na



nasa labas ang nakiusap na kung pupuwede pa silang makalapit sa



bintana sabay pangakong hindi sila mag-iingay. „Yon lang mga



nagpahiram kahapon ng halaman sa paso ang pinayagan ni Mamadu.



Napakarami nila kaya nawalan din ng saysay ang ipinalibot na



kordon.



Tinawag ako no‘ng isang alalay. May itatanong daw sa akin si Ate Jodi. Ate Jodi na ang



tawag ko kasi sa simple nitong meyk-ap, sa t-shirt na suot at sa prenteng pagkakaupo sa aming



upuan, no‘ng araw na ‗yon parang naging kapamilya na rin namin ang artista.



―Ano‘ng neym mo?‖ tanong niya sa akin.



―Lailani po.‖



―Wala nang ‗po‘. Ilang taon ka na ba?‖



―Pareho Po ng edad ninyo.‖

118



―Kitam.‖



Wala naman akong masamang ibig sabihin doon sa ‗Po.‘ Pero kung hindi kasi gagamit



ng ‗Po‘, paanong paggalang ang puwede naming ipakita tuwing makikipag-usap sa mga artistang



kagaya niya?



―Marunong ka bang maglaba?‖



―Marunong Po.‖



―Sinabi nang wala ng ‗po‘.‖



―Magpapalaba ka ate?‖



―(Ate?) Puwede bang imuwestra mo ngayon sa ‗kin kung paano kunwari kinukusot itong



tuwalyang minantsahan ng grasa? Sabi kasi dito sa iskrip, kelangan ko raw tulungan ‗yong



nanay-nanayan kong labandera kaya kelangan ko ring maglaba.‖



Bigla naisip ko, sana may nanay-nanayan din akong labandera. O sana si Mamadu na



labandera sa tunay na buhay ay isa ko lang palang nanay-nanayan. Dahil ang tunay kong ina ay



naroon sa Ayala-Makati at nagpapatakbo rin ng isang malaking kumpanya. Pero hindi siya



masaya. May malaking kulang pa sa buhay niya. Hinahanap kasi niya ang kaniyang Matagal



Nang Di Nakikitang Tunay Na Anak At Heredera at ako ‗yon. Pero hindi ‗ata gano‘n kadaling



magwaglit ng mga anak ang mga inang may malalaking kumpanya sa Ayala-Makati, maliban na



lang siguro kung marami pa silang mga anak sa labas na nagpapalipat-lipat ng tirahan sa kung



saan-saang mga dako.



―Ate Jodi, ano‘ng ginagawa ng mommy mo?‖



Inginuso niya ‗yong aleng akala ko kanina‘y tagabitbit lang ng damit niya.



Ilang sandali pa, nagsimula na ang shuting. Pinatahimik na ang mga tao at nagsimula



nang gumiling ang kamera. Sa eksena, nakaupo at magkaharap na naglalaba sina Veronica (na

119



ginagampanan nga ni Ate Jodi) at ‗yong isang beteranang aktres na gumaganap bilang Nanay-



nanayan. Hindi mapakali si Veronica habang nagkukusot ng tuwalya. May gusto siyang itanong



sa ina na di niya maitanong-tanong. Pero nang makakuha ng buwelo, naitanong rin niya ito.



―Nay, totoo bang ampon n‘yo lang ako?‖



Gustong pagsabayin no‘ng beteranang aktres ang tawa at kaba. ―Itong batang ‗to. Ba‘t



mo naman naitanong ‗yan?‖



―Narinig ko po kasing pinag-uusapan ng mga tao diyan sa tindahan…‖ Iyong tindahan ni



Weng-Weng sa harap ang tinutukoy ni Veronica. Do‘n kinunan ‗yong eksena ng ilang mga



ekstrang dito rin sa lugar namin pinaghuhugot, ‗yong eksenang pinag-uusapan ng mga ekstra ang



tungkol sa tunay na pagkatao ni Veronica. Sa totoong buhay, tambayan naman talaga ng mga



matatalas na tsismosa ang tindahang ‗yon. Katunayan, lahat ng mga naging kabit ni Papadu at



kahit pa nga mga pokpok sa beerhouse na isang gabi lang niyang nailabas, diyan sa tindahang



iyan namin unang narinig ang mga pangalan. Kahuli-hulihang na-link kay Papadu itong



biyudang nagtitinda ng balut at tsitsaron sa may labasan ng beerhouse. At tingin ng mga tsismosa



sa tindahan, hanggang ngayon may relasyon pa ang dalawa.







SI PAPADU ANG UMAABOT doon sa perang binabayad nila Direk para sa pagsu-



shuting dito sa aming bahay. Kaya kapag wala siyang perang maipakita sa ‗min, puwede na



naming hulaan kung saan ‗yon napunta.



―Walanghiya ka, Juanito! Hayup ka! Pambili natin ‗yon ng bigas,‖ ipapaalala naman sa



kaniya ni Mamadu. Kaya sa puntong ito, dapat alam na ninyo ang koneksyon ng motel sa buhay



ng aming ama. Sa unang tingin, di bagay kay Papadu ang maging babaero. Bagay lang sa kaniya



ang pangalan niyang Juanito. Katunog ng Chiquito. Parang pangalan pa nga ng isang bansot at

120



patpating komidyante. Sabi ni Mamadu, dito raw siya nadaya ng mga napapanood niya. Sa mga



pelikula, panay macho kasi ang madalas na babaero. At iyong mga patpatin at lampa, kundi



komedyante, santo. Malay daw ba niya na sa totoong buhay, meron palang mga katulad ni



Juanito.



―E tarantada ka pala, e! Sinabi nang wala pang inaabot na pera ‗yong mga tao.‖



―Anong wala! Lolokohin mo pa ‗ko, demonyo ka. Gugutumin mo pamilya mo may



maisustento ka lang talaga sa kabit mo!‖



Sa kabilang bahay, kakatwang ganito rin ang mismong linyang binitiwan no‘ng nagda-



drama sa radyo. O baka nga ‗yong radyo lang talaga ‗yong narinig ko. Pero tiyak kong si



Mamadu ‗yon. Ako pa ba‘ng di makatiyak? Tuwing nagsasalita siya, maliban sa ‗kin walang



ibang nakikinig. Kaya kung isasapelikula siguro ang buhay namin, bagay na gumanap sa papel



niya si Perla Bautista na mahilig magsabi ng ―Anak, huwag mong ilagay sa ‗yong kamay ang



batas.‖ Kahit minsan ba kasi may nakinig kay Perla Bautista? Kung pakikinggan nga naman siya,



e paano pang magkakaharap-harap ang mga bida‘t kontrabida sa palabas? Pero sa isang banda,



hindi sasabihin ni Mamadu ‗yon sa akin o kahit kanino sa ‗ming magkakapatid. Na iasa ang lahat



sa batas. Walang batas batas. Mahirap na nga kami tapos magpapaapi pa kami sa ibang tao?



‗Yon ang madalas niyang sabihin sa ‗kin no‘ng maliit pa ‗ko.



―Ma, anong gagawin ko ‗pag may umaway sa ‗kin?‖



―Awayin mo rin. Awayin mo hanggang magkamatayan kayo.‖



―Magkamatayan? Pa‘no kung lalake ang umaway sa ‗kin?‖



― ‗Pag lalake, bayagan mo. Alam mo ba kung nasa‘n ang bayag?‖



Gano‘n si Mamadu. Noon. Pero ngayon siya itong madalas na nakakatikim.



―‘Pag di ka pa tumigil sa kakangalngal mo makakatikim ka na talaga!‖

121



Hudyat na ‗yon para sa maliliit ko pang mga kapatid (labing-isa lahat kami hindi pa



kasama ‗yong dalawang sinundan ko na parehong namatay) na magkumpol-kumpol na sa isang



tabi at magtalukbong ng kumot. Hindi kasi pambata ang mga susunod na eksena. Pero ako, alam



ko na ang mga susunod na mangyayari. Hihilahin ni Papadu si Mamadu sa buhok papunta sa



banggerahan. Ewan ko ba kung anong meron sa banggerahan. Ang kalawang ba sa gilid ng



lababo o baka ang kalawang sa matagal nang natuyong tubo o baka naman ang hilera ng



matatalim na kawayang nagsisilbing pangharang, sabitan ng mga baso at suksukan ng itak at



kutsilyo kung bakit parang totoo nga ‗yong sinabi nung direktor. Na sa gawing ito masarap



mambrutal.



Nahulog sa sahig ang mga baso, kutsara at plato. Malamang na si Mamadu ‗yon na



nagtangkang dumampot ng kahit anong ipupukpok sana kay Papadu. O baka si Mamadu ‗yon na



bumagsak sa sahig kasama ng mga baso, kutsara at plato.



Dumagsa ang mga tao sa labas. Do‘n sila sa malaking bintana naggitgitan. ‗Yong iba



bumuhat pa ng bangko di para upuan kundi para tuntungan. Para nga naman kahit marami nang



taong nakatayo sa unahan nila, meron pa rin silang matanaw kahit pa‘no. Pakiramdam ko para



kaming isang palabas sa sinehan. Ang malaking bintana ang iskrin nitong sinehan. At sa gawing



itaas mababasa ang pamagat ng aming palabas sa itim at malalaking letra, ang dati na doong



nakasulat, ‗BAWAL TIBAGIN‘.



―Magsiuwi na kayo,‖ sabi ko sa mga tao. ―Tapos na‘ng drama dito.‖



―Tapos? E talaga bang may katapusan ‗yan?‖ tanong no‘ng isang gusto pang



mamilosopo. Parang gusto kong buhusan silang lahat ng ihi dahil doon sa nagtanong na ‗yon.



―E di abangan n‘yo na lang kung may kasunod pa.‖

122



―E di sige. E di babalik na lang kami.‖ Parang isang matinong kasunduan iyon, isa-isa na



silang nagsitalikod at nagsiuwi matapos magpaalam nang gano‘n.







UMULAN NANG MALAKAS KINAGABIHAN. Dumating si Kuya Tor galing



konstraksyon, basang-basa ang katawan. Dahil gutom na gutom, hindi na niya nagawang



magbihis muna bago humarap sa mesa. Walang imik siyang nagpista sa inihaw na talong na



nakababad sa platito ng toyo, sibuyas at kalamansi habang sa kabilang dulo ng bangko, naro‘n si



Mamadu at ngumungulngol. Nagsusumbong kay Kuya.



Si Kuya Tor lang ang may trabaho sa amin ngayon. Tagamaso at tagatibag siya ng mga



lumang bilding na kailangan nang tanggalin para matayuan ng bago. Si Kuya ang nagpapaaral sa



akin dati. Natigil lang ako nang matanggal siya sa trabaho. Pero nangako sa akin si Kuya na ‗pag



nakabalik uli siya sa konstraksyon, pag-aaralin daw niya uli ako. Samantala, ituloy ko lang daw



muna ang pagbabasa. Magbasa ako ng kahit ano para mapraktis kahit paano. Madalas, si Kuya



pa nga ang nag-uuwi sa akin ng mga babasahin. Komiks, diaryo, Liwayway at mga polyeto pa



minsan ng kanilang unyon. Dahil kay Kuya Tor, nagkahilig akong magbasa. Pati library nga sa



Luneta, pinasok ko na rin dahil sa kaniya. Nahinto lang akong tumambay doon nang manalo sa



lotto si Papadu at nakabili kami ng bagong colored tv. Simula kasi noon, masyado na akong



nahaling sa pagsubaybay sa mga telenobela. Hindi na ako nakapagbabasa. Kung sa bagay,



marami rin naman akong natututunan sa tv. Isa pa, naniningil na ng entrance ‗yong library sa



Luneta. Mas mahal pa nga entrance nila kaysa sa tiket sa sine.



Pero hindi nakalimutan ni Kuya ‗yong pangako niya. Nung isang buwan, nagkatrabaho



uli siya, at sabi niya, mamili na raw ako ng gusto kong kolehiyo dahil sa susunod na pasukan,



mag-aaral na uli ako.

123



Sa pangatlo na ‗atang pagkakataon, inisa-isa uli ni Mamadu kay Kuya kung paano siya



binugbog ng kaniyang asawa. Huminto sa pagkain si Kuya. Hinanap ng mga mata ang



paboritong bakal na tubo. Nang matanaw ito, tumayo, dinampot ang pamalo at walang sabi-



sabing pinasok sa kuwarto si Papadu.



Bugbugan uli. Kahit umuulan nagsibalik uli ‗yong mga tao para magitgitan sa harap ng



aming bintana. Suot ng marami ang kanilang mga kapoteng tila yari sa selopen. ‗Yong iba‘y



nagbitbit pa ng payong. Lahat sila, naniningil para doon sa karugtong ng eksenang nasimulan na



nila kanina. Sa pagkakataong ito, iba naman do‘n sa unang bugbugan ang masasaksihan nila. Si



Mamadu at si Kuya Tor naman ngayon ang magkatulong sa paggulpi kay Papadu. Panay



tungayaw lang ang naisagot ni Papadu sa bawat hampas ni Kuya na sinasagot naman ni Kuya ng



isa pa uling paghataw habang nakaayuda naman si Mamadu sa kaniyang mga kamot at tadyak.



Habang pinanonood ko si Kuya, nakikita kong para nga siyang may tinitibag na isang lumang



bagay—dahil may gusto siyang itayong bago. Nakikita ko rin ang mga mukha ng mga taong



nanonood sa amin. Nakikita kong ninanamnam nilang maigi ang bawat pahirap na tinatanggap ni



Papadu sa kamay ng dalawa. Siguro, gusto nilang bumakas sa ginagawang paghihiganti ng



dalawa. Katunayan, alam kong marami silang gustong gawin pero di lang nila magawa. Gusto



nilang magkape tuwing umaga para mainitan kahit paano ang kanilang mga sikmura. Pero



mahal ang kape. Mahal ang asukal. Mahal din ang gas pang-init ng tubig. Gusto lang nilang



makabawi kahit paano.



Nakalabas ng bahay si Papadu. Putok ang noo. Tatakbo na sana siya papalayo pero may



mga kapitbahay na humarang at tumulak sa kaniya pabalik sa bahay. Mabuti na lang at dumating



bigla ang mga pulis. Dinampot nila ang tatlo at ‗yong iba pang mga nakisali sa gulo.

124



―Kuya! Kuya!‖ Hinabol ko si Kuya para iabot ang isang tuyong kamiseta. Hindi pa kasi



siya nakapagpapalit ng tuyong kamiseta. ―Kuya, ikukulong ka ba nila? Kuya, sasama ako sa



‗yo.‖



―E di sumama ka. Lintek na!‖







BINATILYO, HINATAW NG TUBO ANG SARILING AMA. Iyan ang lumabas na



headline sa tv no‘ng sumunod na gabi kasama ng balitang holdapan sa LRT at salpukan ng



dalawang trak sa may Tandang Sora.



Oy, nasa tv kami!



Talaga? Anong tsanel?



Lahat ng tsanel.



Kumpol-kumpol kaming magkakapatid sa harap ng tv. Magkatabi sa upuan si Papadu at



Mamadu habang nanonood. May tagas pa ng dugo ang gasa sa noo ni Papadu pero katulad din



namin, kita sa mukha niya ang pananabik na mapanood ang balita. Sa presinto pa lang, pinagbati



na ng mga pulis ang dalawa.



―Kung ako lang talaga Tsip, gusto ko talaga hiwalay na,‖ sabi pa ni Mamadu noon do‘n



sa presinto. ―Puro kalbaryo ang inaabot ko sa hayup na manyak na ‗yan. Kung di lang talaga



dahil sa mga bata, dahil maliliit pa ‗yong ibang mga anak ko…‖



―Tama po ‗yan misis. Alang-alang po sa mga anak ninyo…‖



Para magkaayos, nagkasundo ang dalawa sa harap mismo ni Tsip na magmula sa araw



na ‗yon si Mamadu na ang aabot sa perang binabayad nila Direk. Pero si Kuya Tor, maiiwan sa



presinto. Walang isinampang reklamo sa kaniya ang aming ama. Pero baka raw kasi adik, sabi ng



mga lispu. Kaya di muna palalabasin si Kuya hangga‘t di pa lumulusot sa drug test. Si Kapitan

125



na dumating din no‘ng huli ang umako na do‘n sa pangdrug test ni Kuya. Pero bakit si Papadu di



rin nila pinagdrug test? ‗Yong pambubugbog kasi ng tatay namin sa nanay namin, away mag-



asawa lang daw ‗yon. Kaya normal lang. Pero ‗yong pambubugbog ni Kuya sa sariling ama, iyon



daw talaga ang di normal. Pero sayang at di mapapanood ni Kuya ‗yong balita tungkol sa kaniya.



Matapos ipakita ang tungkol sa holdapan, iyong tungkol na sa amin ang sumunod na



ipinasok. Tutok ang mga mata naming lahat. Walang kumukurap. Walang humihinga. Nang



biglang napatili si Mamadu. Pero hindi ‗yon tili ng pananabik. Tili ‗yon ng isang parang nakakita



ng taong mababangga ng sasakyan. At naintindihan ko si Mamadu. Sa iskrin ng tv, naro‘n nga



ang balita tungkol sa amin. Pero parang hindi na tungkol sa amin. May tinatanong ang reporter



kay Mamadu. Pero dahil sa utos na rin no‘ng reporter na sinunod naman namin, nagsasalita si



Mamadu sa tv pero may talukbong namang tuwalya ang mukha. Si Kuya, may balot ng kamiseta



ang buong ulo. Si Papadu, nakadukdok na ang ulo sa mesa ng pulis, nahaharangan pa ng



malaking makinilya. At ‗yon namang parteng nagpapaliwanag ako sa reporter kung ba‘t biglang



nagalit si Kuya, hindi na ipinakita. Tinanggalan kami ng karapatan sa madaling sabi. Bakit ‗pag



malalaking tao ang sangkot sa mga krimen, oras-oras pa at malapitan kung ibandera ang mga



mukha sa tv? Bakit kaming mga maliliit, minsan lang magkaroon ng sarili naming kuwento,



tatalukbungan pa ng kumot ang mga ulo? Nasaan ang sinasabing pagkakapantay-pantay?



Nasaan?



Iyan ang tinatanong ko noon doon sa pinakamalapit na aleng nakatanghod sa may



bintana, noong araw na ‗yon na nagalit si Direk sa mga maiingay. Iyon din ‗yong di inaasahang



araw na nagbigay sa ‗kin ng pagkakataong mabago ang aking kapalaran at kapalaran ng mga



mahal ko sa buhay. Ang araw na nakapagpatunay sa lahat na matapos mong maapi, ikaw pa rin



ang magwawagi sa huli.

126









―ANAK NG PUTEK! Cut! Cut! CUT!‖ bulyaw ni Direk Taba. ―Sino ba ‗yang ngakngak



nang ngakngak diyan?‖



Nilingon ng direktor ang pinanggalingan ng ingay. Nagulat pa siya nang makita ang isang



damukal na mga taong nakatunghay sa may bintana.



―Ano‘ng ginagawa ng mga ‗yan dito? Paalisin sila, para n‘yo nang awa.‖



Lumabas ng bahay ang isa sa mga alalay. Nakiusap siya sa mga taong magsiuwi na lang



sa kani-kanilang mga bahay.



―Nakapagluto na ba kayo ng tanghalian para sa mga pamilya ninyo?‖ pangongonsensya



pa no‘ng alalay.



Napahiya siguro dahil sa tanong na ‗yon kaya nagsialis ang mga tao. Pero makaraan ng



ilang sandali, tahimik at sunod-sunod din silang nagsibalik sa mga dati nilang puwesto sa may



bintana. Malamang mga wala rin silang gaanong nailutong pananghalian kaya nakabalik din



agad galing sa kani-kanilang mga bahay. Sa pagkakataong ito, mas ibayo ang kanilang mga pag-



iingat na huwag makatawag ng pansin.



Nagsimula uli ang paggiling ng kamera. Itatanong muli ni Veronica sa ina kung ampon



nga lang ba siya habang nasa gitna ng kanilang paglalabada.



―Cut! Cut! CUT!‖



Malaki ang problema ni Direk sa ginagawang paglalaba ni Veronica doon sa tuwalyang



minantsahan ng grasa. Katunayan, nakakalimang teyk na sila dahil dito at di pa napapaputi ng



artista ang nilalabhan. Kailangan daw kasing mahuli ‗yon sa kamera nang walang daya, sabi ni



Direk.



―Hindi ganyan ang naglalaba sa totoong buhay!‖

127



Oo, alam ko, ako ang nagturo sa kaniya kung paano magkusot, magbanlaw at magpiga



nung tuwalya. Pero kung paano ‗yon gagawin nang makatotohanan kahit inaarte mo lang sa



harap ng kamera: iyong tamang pag-upo sa bangkito para di agad mangawit ang balakang, iyong



tamang lapit sa palanggana, iyong tamang paghukot ng likod, iyong tamang bilang ng kusot,



lublob at piga dahil kung tutuusin para rin itong isang denumerong sayaw, pero higit sa lahat ay



iyong hirap at pagod na dapat mabasa sa mukha sa manaka-nakang pagpunas ng pawis sa noo o



hilam ng sabon sa mata, hirap at pagod na inaasahang matutumbasan ng singkuwenta pesos kada



kilo ng malalabhan, iyon siguro ang hinahanap ni Direk. Pero hindi ito naituturo sa loob lang ng



ilang minuto. Lalo na sa katulad ni Mari Jodi na isang baguhan. Baguhan sa paglalaba at pati na



rin sa pag-aartista.



―Direk, itong akin, mungkahi lang. Hindi ba puwedeng imbes na naglalaba, ipakita na



lang na nagsasampay ng damit itong si Veronica?‖ Nanay ni Mari Jodi ‗yon habang isa-isang



pinapatakan ng agua oxigenada ang maliliit na sugat sa mga kamay ng alaga.



―Hindi puwede. Masisira ang eksena. Hindi n‘yo ba nakikita? Katulad ng paglalaba,



nililinaw din ni Veronica ang pagkatao niya sa eksenang ito. Kaya ‗pag tinanggal n‘yo ang



paglalaba, mawawalan ako ng metapor. Isa pa, Tidy Detergent Powder ang isponsor ng



telenobelang ito kaya dapat lang na ipakita ang galing ng bida sa ganitong klase ng gawaing



bahay,‖ paliwanag ni Direk Taba. ―Kaya kailangan ko ng isang pares ng kamay. Iyong mahusay



na mga kamay na kayang paputiin mismo sa harap ko itong tuwalyang ito na pinaitim sa grasa.‖



―E di ako na lang ang gagawa no‘n para kay Jodi,‖ boluntaryo agad ng nanay ni Mari



Jodi na itinaas pa ang isang kamay na parang may sasaguting tanong sa loob ng klase na siya



lang ang nakakaalam ng sagot.

128



―Tingin mo naman puwede kang maging kadobol ng anak mo?‖ Pauyam na tiningnan ni



Direk Taba ang kausap mula ulo hanggang paa at pabalik mula paa hanggang ulo.



―Direk, mas kayang gawin ‗yan ni Lailani ko. Sige anak, ipakita mo.‖ Matalas ang



pakiramdam ng nanay ko sa ganitong mga pagkakataong minsan lang sa buhay kung dumating.



Kagaya ng paglusob niya sa Malacañang. Kailangang isapalaran. Makipagbalyahan kung



kinakailangan. Pero siyempre, nagsigaya rin sa kaniya ang ibang mga inang naroon. Hindi sila



papayag na di mabigyan ng gano‘n ding pagkakataon ang kanilang mga anak na dalaga. Kaya



kani-kaniya sila ng pakiusap. Nagsimula ang isang uri ng ingay na di nalalayo sa ingay ng mga



itik tuwing oras ng pagpapakain.



Imbes na pagbubulyawan ang mga nanay na maiingay, tahimik lang silang pinagmasdan



ni Direk. Parang may kung anong mailap na hayup siyang hinuhuli sa kaniyang isip. Nang bigla



siyang napatingala sa aming kisame at parang doon ay nagpakita sa kaniya ang Diyos na may



dalang mahalagang mensahe kung paano maisasalba ang makasalanang sanlibutan. Nang



humupa ang ingay, saka siya tumayo sa aming kalagitnaan. Mayroon daw siyang importanteng



sasabihin sa lahat. Nagsalita siya sa boses na parang nagmumula sa ibang daigdig. Doon sa



daigdig na matagal nang napagpasiyahan ang kapalaran ng bawat tao--kung meron mang



gano‘ng klaseng daigdig.



―Hahanap ako ng isang puwedeng maging kadobol ni Veronica para sa eksenang ito. Para



mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga kadalagahan mula kinse hanggang dise-nuwebe



anyos ang edad, sandali munang isasantabi ang pagsu-shut sa eksena ni Veronica para bigyang



daan ang isang kontes sa paputian ng laba. Dito mismo sa inyong lugar gagawin ang kontes.



Ilang opisyal galing Tidy ang tatawagin natin para magsilbing mga hurado. Iikot ang buong

129



kontes na ito sa temang ‗Mga Kamay ni Veronica: Masdan ang Naggagawa ng Isang May



Dakila, Busilak at Wagas na Kalooban‘ ‖.



Prankahan na. Gusto ko talagang maging artista. Hindi sa kung ano pa mang dahilan.



Pero kilala n‘yo ba si Trixie Minero? Ni hindi siya kilala ng nanay ko. Pero dahil alaga ng



Channel B kaya nakabili ng sariling islang bakasyunan. At wala pang isang taong nag-aartista



‗yon. Baka sabihin naman, naiinggit lang ako. Opo, naiinggit nga po ako. E sino ba sa panahon



ngayon ang di puwedeng mag-artista? Basta may gimik ka sa buhay, at kung papatok ‗yan, pasok



ka.



Kinabukasan, hindi dumating ang grupo nila Direk Taba. Lumipas pa ang mga araw at



ang pahayag na ‗yon ng direktor ay itinuring na lang ng mga tagarito bilang mga salitang



nabitiwan ng isang nagkaroon ng sandaling pagkabuang, o di kaya sinabi lang para bolahin ang



mga nanay na handang-handa na sana noong makipagsabunutan para sa kanilang mga anak na



dalaga. Pero nang sumunod na linggo, muli silang nagbalik sa aming lugar. Kasama nila, sabay-



sabay ding nagsidating ang limang trak ng rasyong tubig na pinangungunahan ng van ng Channel



B. Sakay ng van ang sikat na sikat na TV host na kinagigiliwan ng marami, si Sweet Anton.



Nakaputing bandana, puting polo, puting maong at puting bota ang TV host. Madalas ko siyang



napapanood mag-interview ng mga artistang napariwara ang mga buhay—iyong mga nalulong sa



drugs, sugal, prostitusyon, kidnaping at estafa—pero nais nang magbagong buhay. Gustong-



gusto ko ang paraan ng kaniyang pag-iinterview, lalo na‘t lagi niyang tinatanong sa bandang huli



kung ano‘ng pinakamahalagang aral ang natutunan ng kaniyang kausap at kung pa‘no pa ito higit



na napalapit sa Diyos dahil sa natutunang aral.



Muli na namang nabuhay ang aming lugar. Kani-kaniyang labas ng mga palanggana,



timba at tabo ang maraming tahanan. Bilang kaayusan, inihelera sa isang linya ang mga

130



palanggana ng lahat ng mga sasali. Lumalagos ang haba ng hilerang ito mula pasukan hanggang



labasan ng aming barangay.



Ilang sandali pa, binigyan na kami ng tig-iisang kamisetang lalabhan. Tiniyak ng mga



huradong pantay-pantay ang bahid ng mantsang nasa bawat kamiseta. Sa likod ng bawat



kalahok, nakaabang ang mga sumusuportang kamag-anak. Nakahanda silang umalalay sa pag-



aabot ng kailangang tabo, palo-palo at inigib na tubig. Ilang patakaran ang ibinigay ng mga



hurado. Pinakaimportante sa lahat, sabi nila, na ang sabon lang nila ang gagamitin sa pagtanggal



ng mantsa at pagpapaputi sa mga kamiseta. Nagpahabol pa ‗yong isang hurado na ang sabong



Tidy lang talaga ang may kumpletong sangkap para sa tunay na puti at kakaibang brilyo. Kaya



naman gamit ito ng mga may dakila, busilak at wagas na kalooban.



Matapos ibigay ni Sweet Anton ang countdown, nagsimula na ang paglalaba. Hindi



namin alintana ang mainit na sikat ng araw sa katanghaliang tapat. Gigil na gigil pa nga ang mga



kamag-anak sa pagtuturo sa kanilang mga kalahok kung paano ang mas mainam na pagkusot. Si



Mamadu naman, pasimpleng inabot sa ‗kin ang isang botelyang ibinalot sa pabalat ng Tidy.



Pampaputi raw ‗yon na gamit pa ng kaniyang inang dating tagalaba ng mga sundalong kano



no‘ng panahon ng giyera. Klorox at dayap.



Para makatiyak, limang ulit ko pang sinabon at binanlawan ang nilalabhan kong



kamiseta. Tiyak kong paulit-ulit din ang sabon at banlaw na ginagawa ng iba. Paulit-ulit din ang



palit namin ng tubig. Maya-maya, naglawa na ang buong paligid. Mabilis na kumalat ang mga



bula at umabot ang tubig hanggang sa mga inuupuan naming bangkito.



―Gloria, Gloria labandera



Gloria, Gloria labandera



Gloria, Gloria labandera

131



Labandera si Gloria!‖







Tumaas nang tumaas ang mga bula. Parang nabalot ng malagulamang ulap ang



nilalakaran at tinatayuan ng mga tao. Kung di kami maghahanap ng pupuwedeng patungan ng



aming mga palanggana para magpatuloy sa paglalaba nang nakatayo, tiyak na matatabunan at



lalangoy kaming lahat sa bula.



Pagkatapos ng labing limang minutong palugit, tuloy sa sampayan ang mga kamiseta.



Habang hinihintay na matuyo ang mga ito, nagsiuwi ang mga kalahok para sandaling magpalit



ng maayos na damit. ‗Yong iba, nagpaayos pa ng buhok, nagpa-pedikyur at nagpameyk-ap.



Gusto kasi nila, pagharap sa mga hurado, walang anumang bakas na puwedeng magsabing



kagagaling lang nilang maglaba. Pero ibang pag-aayos ang ginawa sa ‗kin ni Mamadu. Pinagsuot



niya ako ng panluksa. Pinahiran pa niya ng uling ang aking mga braso pati na mukha. Para raw



mahabag sa akin ang mga hurado. Bukod dito, kapag itinabi raw ako sa kamisetang nilabhan ko



ay lalong lulutang ang kaputian at kalinisan nito.



Nang matuyo ang mga sinampay, pinatayo kami sa harap ng aming nilabhan. Nilibot ng



mga hurado ang sampayan. Habang naghihintay ang mga tao, paulit-ulit na maririnig sa



loudspeaker ang theme song ng telenobelang ―Dakila, Busilak at Wagas.‖ Tungkol sa babaeng



nangungulila sa tunay na pag-ibig ang paksa ng kanta. Sa dulo ng kanta, maririnig muli ang



paalala na ang sabong Tidy lang ang may kumpletong sangkap para sa tunay na puti at kakaibang



brilyo, kaya nga gamit ito ng mga may dakila, busilak at wagas na kalooban. Paulit-ulit ito



hanggang sa magsiakyat na sa entablado ang mga hurado para sa resulta ng kontes.



At ngayon, ang pinakahihintay ng lahat, ang mga nagwagi. Third place, Contestant



Number 38. Si Ipang. Kasamang umakyat sa entablado ang nanay ni Ipang. Parehong labandera

132



ang dalawa. Tangi ang mag-inang ito na tumatanggap ng mga palaba buhat sa mga pokpok.



‗Yong iba kasi natatakot na baka makakuha ng sakit sa paghipo-hipo sa mga panloob na ginamit



ng mga pokpok. Pero sabi ng nanay ni Ipang, nagbabanyos naman daw sila ng alkohol



pagkatapos maglaba kaya walang problema. Pero simula nang magsalita ng gano‘n ang nanay ni



Ipang, kahit kelan hindi na nagpalaba sa kanila ang kahit sinong pokpok, bata man o matanda.



Kung ba‘t ko naman ito nabanggit, gusto ko lang kasing sabihin, propesyunal si Ipang. Kaya di



nga malayong manalo.



Second place, Contestant Number 12. Si Verna. Isa pa ring propesyunal. Pero mas



matindi. Balitang alalay daw kasi itong si Verna ng aborsyonistang may klinik sa Recto. Siya



ang naglalaba ng mga pinagduguan.



At ang nagwagi. Ang dakila, ang busilak, ang wagas, Contestant Number 10. ―Anak,



ikaw ‗yon! Ikaw ‗yon!‖



Habang naglalakad patungong entablado, kung ilang ulit ko pang tiningnan ang aking



numero. Ako nga si Contestant Number 10. Sa itaas, sinalubong ako ni Sweet Anton ng isang



mahigpit na yakap. Sumunod na umakyat ang lahat ng aking kaanak sa pangunguna ng aking



ama. Lahat kami, nasa itaas na ng entablado, lahat maliban nga lang kay Kuya Tor na nasa



presinto pa rin ng mga sandaling iyon. Di ko na napigilang mapahagulhol sa pag-iyak. Nang



mapansin ni Sweet Anton na pareho na kaming basang-basa sa luha, saka lang siya umawat sa



pagkakayakap.



―Ano‘ng pangalan mo, iha?‖ tanong ni Sweet Anton.



―Lailani po.‖



―Alam mo ba Lailani na nanalo ka ng P50,000 cash prize at isang taong supply ng Tidy



Detergent Powder?‖ Nagpalakpakan ang mga tao. May narinig pa akong bumaswit.

133



―Bukod diyan,‖ patuloy ni Sweet Anton, ―bibigyan ka ng pagkakataong gumanap bilang



kadobol ng idolo mong si Mari Jodi Lualhati sa papel ni Veronica ng telenobelang gabi-gabi



nang inaabangan ng buong bayan, ang ‗Dakila, Busilak at Wagas‘.‖ Lalong lumakas ang



palakpakan ng mga tao. Ngayon may kasama nang hiyawan.



―Kaya Lailani, ano‘ng masasabi mo ngayon sa Channel B at saka sa Tidy?‖



―Maraming salamat po. Talagang maraming-maraming salamat po. Sa Channel B at saka



dito sa Tidy. Malaki po ang naitulong ninyo sa aming pamilya…‖ Hindi ko na nakuhang ituloy



ang gusto ko pa sanang sabihin. Naunahan uli kasi ako ng iyak. Bilang pag-alo, lumapit si



Mamadu at hinimas-himas ang aking likod sabay turo ng mga dapat ko pang sabihin sa



mikropono.



―Bakit Lailani? Pa‘no ba nakatulong sa pamilya mo ang kontes na ito?‖ tanong ni Sweet



Anton.



―Kailangang-kailangan po kasi talaga namin ngayon ng pera. Nasa presinto po kasi



ngayon ang kuya ko. Nakakulong. Pero wala po siyang kasalanan. Mabait po ang kuya ko.‖



―Ano ba‘ng trabaho dati ng kuya mo?‖



―Konstraksyon worker po. Siya nga lang po ang bumubuhay ngayon sa aming pamilya.



Pero mag-iilang araw na po siyang nakakulong. ‗Yong bilding na ginagawa nila, malapit na pong



matapos. Pero si Kuya, hanggang ngayon di pa nakalalabas ng kulungan.‖



―Kung nandito sa harap mo ngayon ang iyong kuya, ano‘ng sasabihin mo sa kaniya?‖



―Kuya, bukas tuloy na uli ang shuting dito sa bahay. Kakausapin daw ako ng mga taga-



Channel B. Kuya, baka isali raw nila ako sa shuting bukas. At saka Kuya, bukas na bukas din



makakalaya ka na. Meron na tayong pera.‖

134



―Ayan po mga kaibigan. Nakita n‘yo naman at narinig: Ang Channel B, bukod sa



nagbibigay na ng aliw, e tumutulong pa po sa mga kapos-palad na nangangailangan. Kaya hindi



n‘yo lang kami Kapuso, hindi n‘yo lang kami Kapamilya. Higit pa riyan, kami ay—‖



―KASAMA SA HIRAP AT GINHAWA!‖ Mga tao na ang nagtuloy sa sasabihin ni



Sweet Anton.



―Marami pong salamat. Mahal na mahal po namin kayo. Bueno, bago tayo magtapos,



Lailani, ano‘ng pinakaimportanteng aral ang natutunan mo dito sa iyong pagkapanalo na puwede



mong ibahagi sa mga kabataang katulad mo, na maaaring nangangarap din na balang araw ay



magkaroon ng puwang sa showbusiness?‖



―Habang may pangarap po may pag-asa. Basta panatilihin lang po nating dakila, busilak



at wagas ang atin pong mga kalooban, wala pong imposible. Iyon lang po.‖



―Alam mo Lailani…‖ Sandaling tumigil si Sweet Anton para abutin ang aking kamay,



―Napakaganda ng iyong sinabi. Mga kaibigan, palakpakan po natin si Lailani.‖



Pagkatapos no‘n, agad na rin kaming pinababa sa entablado. Pero bago tuluyang bumaba,



binalikan ni Mamadu si Sweet Anton para tanungin kung kanino tatanggapin ang perang



papremyo.



―Naku, misis, tinanggap na po ng mister ninyo.‖



Kinagabihan, matapos mapaalis ang pinakahuli sa mga nanghihingi ng balato, tumayo



ako sa harap ng malaking bintana. Wala kasing malaking salamin sa bahay. Kaya para sa aking



paghahanda sa Bagong Hamon ng Tadhanang Haharapin Ko Bukas, ang malaking bintanang ito



na lang kunwari ang magsisilbi munang apat na kanto ng iskrin ng telebisyon. Dito, eneeksena



ko sa isip ko kung pa‘no ako dapat lumabas sa telebisyon. Hindi sapat na tanungin ko lang kung



ampon nga lang ba ako. Inay, kelangang malaman ko po talaga ang totoo. Dapat ko ring idagdag

135



‗yon sa linya. Pero hihingin ba nilang magsalita ako? Di ba‘t hindi naman nagsasalita ang mga



kadobol? Ang kailangan ko lang ‗ata ay maglaba sa harap ng kamera.



Sa labas, bigla kong napuna ang ilang mga kamisetang ginamit sa kontes na naiwan pa sa



sampayan. Isa doon ang kamisetang nilabhan ko. Sa sobrang aligaga ng mga tao kanina,



nakaligtaan sigurong ipasok sa bahay. Kahit sa dilim, puting-puti pa rin sila. Para silang mga



watawat ng pagsuko na sabay-sabay na winawagayway ngayon ng hangin.



E ano ba kung mga kamay ko lang na naglalaba ang kelangang ipakita. Puwede nang



simula ‗yon. Ang dapat siguro, ngayon pa lang, isa-isahin ko nang lahat ang mga kaya ko pang



gawin bukod sa paglalaba. Halimbawa rito ang pagkukula. Ang pamamalantsa. Kaya ko ring



magsaing ng kanin nang di nasusunog, nalulugaw o nahihilaw. Kaya ko ring magpatahan ng nag-



aalburutong bata. Marami pa. Kelangang mailista ko lang lahat sa papel.



Kaya imbes na magtuon pa ng pansin sa malulungkot na mga kamiseta, sinubukan kong



tumingala sa mga bituin. Gano‘n kasi ang ginagawa ng mga bidang babae sa mga pelikula kapag



nangangarap. Pero hindi nga pala nagpapakita ang mga bituin sa gawing ito ng lungsod.

136









Mula sa Ligo Na U, Ready na Me



Ni Eros Atalia



i.







Himagsik at Lantik ng Physics









“Nong ideal d8 mgsuicide?”







“Mya n lng, bc pa me.”







“Mr. Villalobos, keep your cellphone away. Exam, tapos nagte-text ka.”







Alam ni Sir na di ako nagtsi-cheat. Imposibleng makapag-cheat sa celphone kapag



exam. Lalo na sa physics. Una, may 1/4 index card kaming lahat para doon tignan ang



formula. Medyo pinsan lang ni Hitler si Sir sa pagte-terrorize at pagto-torture sa aming



mga estudyante. Pwedeng gumamit ng kahit ano (calculator, scientific calculator,



abacus, butil ng mais o munggo, mga daliri sa kamay at paa) sa pagso-solve sa



kanyang mga problem na prinomoproblema ko ngayon. Pangalawa, open notes, open



books, open tables at lahat ng gusto mong i-open at i-close, kahit prayer book, Biblia,



Qur‟an, summa theologica ni Santo Tomas at Saligang Batas ng Pilipinas, pero hindi ko



makikita ang kasagutan. Pangatlo, kahit mangopya ako kahit kanino, o humingi pa ako

137



ng saklolo sa kaluluwa ng mga ninuno kong namayapa, malamang hindi pa rin tatama



ang sagot ko.







Hay! Physics. Gusto ko na ayaw ko ng subject na ito. Gusto, kasi tuwang tuwa ako sa



pressure (panggigipit sa magulang para makahingi ng dagdag na baon), force



(pamimilit sa magulang na kailangan nang i-upgrade ang celphone ko), gravity (na



kapag tumalon sa jeep dahil nag-1-2-3, gravity ang maniningil sa pwet na pumalakda o



ulong nabagok), acceleration/deceleration (bagalan o bilisan ang pagtawid sa



lansangan pinaghaharian ng mga tsuper na kaliga nina Road Runner at Speedy



Gonzales, Kuya Cesar at Ben Tisoy , heat transfer (matutong sumalo ng init ng ulo ng



mga drayber, professors at asong galang di naka-score) buoyancy (paano umuwi sa



gitna ng baha na lumulutang at salbabida ang backpack habang nakataas ang kamay



na hawak ang celphone). Ayaw ko, kasi, exact at precise science/math ang physics.



Hindi ako makapambola, makapangatwiran o makipagdebatae sa numbers at figures.



Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na tama ang sagot ko pero mali ang



solution.







First period. Exam. Late. Panalo.







Papisik-pisik ako habang sumasagot ng physics exam. Pailing-iling. Tingin sa papel.



Tingin sa prof. Tingin sa kisame. Tingin sa board. Sagot na mailap, nasaan ka? Totoo



nga kaya na talagang insignificant ang time sa point of view ng universe? Pero habang



tumatakbo ang oras, unti-unti kong nararamdaman na humahalakhak ang universe sa

138



akin. Malamang, kinakantyawan ako ni John Lennon (isa sa mga pinagkuhanan ng



pangalan ko ni erpat) ngayon. Siguro, kinakanta nya ang Across the Universe habang



sinisipat-sipat ang papel kong nagmamakaawang magkahimala at litawan nang kusa ng



tamang sagot.









Kaya kanina, nang mag-vibrate ang cellphone ko, kala ko, himala na ng mga himala at



may nagpadala na ng sagot. „Yun naman pala, si Jen. May sapi na naman at kung ano-



ano ang naiisip. Pati ako, binigyan pa ng panibagong problema. Problema na sa



physics, problema pa kung kelan ang ideal date para mag-suicide. Isa-isa lang, mahina



ang kalaban. Ito munang pa-exam ni Einstein con pinsan ni Hitler ang uunahin ko. At



kung bumagsak ako dito, malamang ako pa ang maunang mag-suicide.







May ilang items akong nasagutan, may ilang ala-tsamba at may ilan siguradong mali.



Pero okay yung punuin yung papel. Baka may psychological effect kay sir na kapag



nakita nyang hindi ko iniismol ang subject nya (kahit minor lang pero nag-aasta syang



major) ay pinaghirapan ko naman talaga. Pinuno ng sagot. Sagot lang naman ang



kailangan. Kung tama… yun ang problema.







Direction: Answer the following. Show your solution. Encircle your final answer. Use the



provided extra sheet as needed.

139



Ito ang gusto ko kay Sir Physics, walang paligoy-ligoy. Yung sinabi nya lang ang ibigay.



Kung hindi hinihingi/tinatanong, wag nang mag-epal-epal.







Kaya minsan, natatawa ako sa ibang prof na nagbibigay ng instructions/directions sa



exam:







Direction: Fill in the blanks with the correct answer.







E, ano pa kaya ang ilalagay doon kundi tamang sagot lang?







Direction: Choose the best letter that corresponds to the question.







Kung hindi best yung sagot ko, let‟s say, good… good din kaya ang point/s. 0.25 out of



1? Kapag better? 0.50 out of 1?







“Time‟s up.”







Ugong ng bulungan, buntong hininga, palatak at mura. Pasahan na ng papel. May ilang



ayaw pa. Baka makasilip pa ng sagot sa mga papel na iniabot. O finishing touches sa



sagot.

140



Inulit ni Sir Physics ang panawagan. No choice. Nagpasa na ang lahat. Pati ako. Bahala



na si Batman (Bakit si Batman na lang ang laging bahala? Busy naman lagi ang Dark



Knight sa dami ng krimen sa Gotham City at puyat pa lagi).







Nagpaalam na ang prof. Lalong lumakas ang ingay sa classroom. Buti na lang di



sinagad ni Sir Physics ang three-hour class namin. Kapag galing ka sa isang oras na



pakikipagbuo sa mga formula at equation, at pagkatapos ng test ay magle-lecture pa uli



ang prop… hindi ba‟t masarap manggilit ng leeg ng tao gamit ang kalawanging tansan?







“Puno ang papel mo dude, ha?”, si Jenny. Yung nag-text kanina. Classmates at kalaro



ko. Nakaupo sa likuran ko.







“Walang probelama. Kung pupunuin, yakang yaka. Problema nga lang kung tama yung



sinulat.”







“Hm, pa-humble effect ka pa? If I know, kahit di ka naman nagre-review, pumapasa ka



pa rin.”







“Magaling lang akong manghula at tsumamba.”







“So, what‟s your answer sa problem number 6?”







“Di ko na matandaan, e.”

141









At kahit matandaan ko pa, wala na namang silbi yun. Ito ang sakit ng mga estudyante



tapos ng exams. Tanungan ng sagot. May magagawa pa ba sakaling magkakaiba o



magkakatulad kami ng sagot sa isang item? Kapag nalaman ko bang mali yung sagot



ko, pwede kong habulin si Sir sa faculty room at itama yung mali kong sagot?



Magbubuklat ng notes ang karamihan at hahanapin ang tamang sagot. Manghihinayang



kapag mali ang isinagot o mapapa „yes‟ kung tama. Yung mga grade conscious, abot-



abot ang pagsisi at kulang na lang na batukan ang sarili kung mali ang isinagot.Yung



mga myembro ng „bahala na gang,‟ at „sige-sige‟, abot-abot ang usal ng orasyon na



sana tumama ang hula o magkabisa ang tsamba.









“Ano dude, kelan ba best day mag-suicide?” si Jenny uli.







“Pwedeng huminga muna?”







Tumawa lang ito. Binulatlat ang bag. May dinukot. Iniabot sa akin ang dalawang bar ng



imported na chocolate. Dark Chocolate. Alam ni Jenny ang kiliti ko.







“Ano ito, suhol?” kunwari pa ako, pero tinatalupan ko na. Nagkarambola ang maliit at



malaki kong bituka. Giniling na ng mga ito ang almusal ko kaninang isang platong



sinangag at tatlong tuyo‟t dalawang pritong itlog. Dalawang tasang kape at isang



saging. Malakas makatunaw ng laman ng tyan ang exam ni Sir. Kumikirot ang tyan?

142



Kumikirot ang ulo? Correlation? I therefore conclude na ang utak ay parang tyan,



sumasakit kapag walang laman.







“Sige na dude. Kung di pa yan enough sa „yo, sabihin mo lang… ”







“Ganito yan Ate Vi…”







“Anong Ate Vi?”







“E, dude (Edu Manzano) ang tawag mo sa akin… di ikaw si Ate Vi.”







“That‟s the result ng mahirap na exam, you‟re getting corny na ang jokes mo.”







Pinangos ko ang natitirang chocolate bar. Lunok. Iniabot ni Jen ang bottled water nya.



Wag daw akong mandiri at wala pa naman daw syang nakakahawang sakit. „Wala pa‟



ha? Panalo.







Ganito talaga si Jenny. Basta‟t gustong nyang mang-abala, dark chocolate ang



pansuhol nya sa akin. Alam nyang hindi ako makatanggi dito. Sabihin nyang itakbo ko



ang ulo ni Rizal sa Luneta kapalit ng dalawang box na dark chocolate, hindi ako



magdadalawang isip. Sya lang ang nakakalam nito. Minsan kasi, mga one week pa lang



nagsisimula ang klase, habang naghihintay kami ng prof, kumakain ako ng dark



chocolate (local nga lang, yun lang ang kaya ng budget), nakatingin sya sa akin. Kahit

143



nag-aalangan ako (baka nga pumiraso), inalok ko sya. Kinuha nya ang kinakain ko.



Hinati sa gitna. Iniabot nya sa akin ang kalahati. Nakangiti syang kumakain. Parang



gusto kong agawin sa kanya ang chocolate ko. “Tang ina „to ha? Ang ganda pa naman,



kaso matakaw.” sa loob-loob ko. Kaya mula noon, kapag kumakain ako ng chocolate,



hindi ko na ito inaalok, o ni tinititigan pa… baka manghingi pa. O kaya para di naman



ako magmukhang maramot , pasimple na lang ang kain ko. Since nasa likuran ko



naman sya, hindi nya na siguro napansin noon ang kadamutan ko sa patagong pagkain



ng dark chocolate. Pero minsan pag-uwi ko, may nakita akong isang bar ng dark



chocolate sa bag ko. Kinabukasan, tinalupan ko ito sa harapan ni Jenny, at inialok sa



kanya. Nagkangitian kami.









Sabi ko sa kanya, since gusto nyang mapansin ang kanyang pagpapakamatay, dapat



ma-maximize nya ang atensyon ng mga tao.







Kaso, January na ngayon, at next week ay prelims na… bad date kung



magpapakamatay sya. Busy ang lahat sa pag-aaral at pagkuha ng exams. Walang



makikipaglamay at makikipaglibing sa kanya.







Kung February, naku, abala ang lahat sa Valentine‟s Day. Saka hoarding ng bulaklak sa



Dangwa sa Sampaloc kapag ganitong mga buwan. Baka yung mga bulaklak na iaalay



sa lamay ay malamang recycled mula sa mga syota ng mga nakipaglamay. Saka



panay-panay ang suspension ng klase noon, gawa ng EDSA-People Power 1

144



celebration. Matrapik. Mabagal na nga ang libing, mas babagal pa gawa ng kaliwa‟t



kanang demonstrasyon. Chinese New Year nga rin pala sa ganitong buwan. Ang pangit



naman ng eksena na may makakasalubong na Lion Dance ang libing kasabay ng



masigabong putukan (akalain pa ng ilan na tuwan tuwa ang mundo sa pagpapakamatay



nya). Papasok na rin ang tag-init.







Marso, Fire Prevention Month. Abala ang kalsada sa pagkakampanya ng bumbero



laban sa panay-panay na sunog. Saka patapos na ang klase noon, Finals. Walang



makikipaglamay at libing sa mga ganoong panahon. Busy ang buong eskwelahan, mga



nanay na naghahanda sa graduation/closing party sa school at pagpapa-book sa



summer destination. At dahil summer, tatamarin ang mga taong makipaglamay (buti



sana kung sosyal at airconditioned ang punerarya) lalo na sa pakikipaglibing.







Abril? Hindi maganda. Mahal na Araw. Busy ang lahat sa pasyon, pabasa, senakulo at



penitensya. Kakumpitensya sa ingay ng pag-iyak ng mga kamag-anak nya yung mga



trompa ng mga nagpapabasa. Ampangit naman na sumusunod ang karo ng libing nya



sa mga kristu-kristuhang samantalang pasan-pasan ang krus-krusan habang



hinahagupit ng mga hudyu-hudyuan. Saka ang pagkakaalam ko, sarado ang simbahan



kapag Mahal na Araw. Saka, April‟s Fool nga pala noon. Baka hindi seryosohin ng mga



tao ang burol at libing nya (o ang mismong pagpapakamatay nya). Baka ma-Wow Mali



sila. Yung mga matatanda, abala sa pagpapraktis ng kanilang agimat o galing. Bawal



sa mga may agimat ang dumadalo sa burol.

145



May? Naku, lalong pangit. May 1 pa lang, rally na. Ampangit naman na habang



ngumangawa ang mga nakikipaglibing ay sumisigaw ang mga manggagawa ng



“Makibaka, Wag Matakot! ” Saka, buwan ito ng mga pyesta, Santa Cruzan, Sunduan,



Flores de Mayo at kung ano-ano pang anik-anik. Busog ang mga tao sa kabi-kabilaang



handaan.At dahil busog nga, yung iba ay natatakot sumilip sa bangkay. Baka nga



naman bangungutin sila at sila pa ang susunod na paglamayan.Finals din ito ng mga



kumukuha ng summer classes. Finals din ito ng mga pa-contest ng Baywatch Bodies,



Boracay Beauties… patapos na kasi ang summer. Baka matapat pa sa eleksyon.



Masisira ang senti ng lamay habang may nagpapa-meeting sa mga kanto-kanto. May



politiko/kandidatong magpapadala ng bulaklak at mass card sa lamay. At baka sa



mismong libing doon pa sila mangampanya sa mga makikipaglibing, tumatangis na



kaanak at kaibigan.







Kung June naman, lalong hindi bebenta ang senti ng suicide. Unang una, nagsisimula



nang magpasukan at abala ang lahat ng mga magulang at estudyante sa pagbili ng



gamit, damit, sapatos at syempre, pag-e-enroll. At dahil opening o kakasimula pa lang



ng klase, malamang trapik lagi. At mahirap nga namang pumunta sa lamayan at



pakikipaglibing na trapik ang sasalubong sa mga uuwi. Oo nga pala, marami raw



nagpapakasal sa buwang ito.Malas daw sa mga bagong kasal o balak magpakasal ang



sumilip sa patay (lalo na kapag nalaman nilang nagpakamatay ang pupuntahan). Baka



kapag napag-isip-isip ng groom kung gaano kasama ang ugali ng bride, di na ito



magpakasal at ang bride…malamang ay mag-suicide. Sya nga pala, dikit-dikit ang



parada sa buwang ito dahil sa Independence Day at Alay-Lakad. Baka magkapalitan ng

146



mga tao ang makikipaglibing at nakikiparada. Sagwa naman na „yung umiiyak ay



namalayan na lamang na nasa Flag Raisng na sya at yung mga ulyaning beterana‟t



beterano ay nauwi sa sementeryo at diretso libing na sila. At baka magkapalitan ng



banda. Habang ipinapasok ang kabaong sa nitso ay bumanat ng Lupang Hinirang ang



banda. Samantalang sa pagtaas ng bandila ay hihirit ng Lift Up Your Hands to God o



kaya ay Hindi Kita Malilimutan.







Hulyo? Hm… bad idea. Malamang ay makaksalubong ng karo ng patay ang karosa at



float ng mga Prep at Nursery na nagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Nakabarandal



ang mga islogang parang nangangantyaw : Kumain ng Gulay, Hahaba ang Buhay



(nagpakamatatay ka nga, e); Kumain ng Itlog, Ikaw ay Bibilog (nakahiga… unat na



unat); Ang Kalusugan ay Kayamanan (dahil nagpakamatay ka, ikaw ang pinakamahirap



sa lahat ng mga mahihirap); Kumain ng Kamatis, Kikinis ang Iyong Kutis



(nangungulubot na nga ang kutis mo dahil sa formalin at pasasaan ba‟t mabubulok ka



na rin). Tapos, sa halip na mga barya ang ihagis sa karo ng ililibing, imadyinin na



umuulan ng kamatis, talong, okra at ampalaya.







Sakaling piliin ang buwan ng Agosto, tingin ko sablay pa rin. Busy ang buong klase para



sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Marami ang nagpa-praktis ng



sabayang bigkas, pagsasatao, pagkukuwento, pagtatalumpati at paghahanda ng



kakaning Pinoy. Syempre, mahirap maghanap ng patadyong, Balintawak, Barong



Tagalog, bahag, malong, batik at kung ano-ano pang katutubong kasuotan. Sabi ko nga



kay Jenny, mahalay naman na sa burol nya, pupunta kami na nakasuot pa ng

147



Filipiniana, baka akalain ng marami na may bagong sequel ng „Ang Panday (Panday vs.



Zombie)‟. Saka prelims na nga pala nun ng first sem. Busy talaga. At sa pagkakaalam



ko, kaliwa‟t kanan ang bagyo‟t baha sa ganitong buwan. Mahirap maglamay lalo na‟t



kailangang lumangoy pauwi ng mga nakikiramay. At kung lalala ang ulan, baka



mapagkamalang bangka ang lumulutang nyang kabaong. Sa libing, sayang lang ang



ibabayad sa musiko o banda na tutugtog. Hindi mahihipan ang trompa‟t torotot na puno



ng tubig-ulan. Hindi rin mararamdaman ang iyak at palahaw ng mga kamag-anak nya.



Kakainin ng kulog at kidlat ang pag-atungal ng mga nakikilibing at naulila.







Setyembre? Naku, selebrasyon/komemorasyon ito ng Martial Law (selebrasyon kasi



maraming yumaman noong panahon ng diktadurya, komemorasyon kasi pag-alala ito



ng mga naghirap na hindi nakinabang sa kinulimbat na yaman ng bruha at Apo). May



mga demonstrasyon din sa buwang ito.







Lalo naman syempreng hindi pwedeng Oktubre. Finals na nun, no? Kung kalagitnaan



naman sya magpapakamatay… sem break. Walang makikipaglamay.Nasa probinsya



yung iba. Alangang lumuwas sila para lang makipaglamay at makipaglibing sa isang



kaeskwelang nag-suicide sa alanganing araw. Di praktikal yun. Di papayagan ng mga



magulang.







Nobyembre? Sabi ko kay Jen, sira ba sya… kakatapos lang ng Todos los Santos,



kagagaling lang ng mga tao sa sementeryo, pababalikin nya ba agad? Malamang tipirin

148



ng mga taong makikiramay sa kanya ang ibibigay na bulaklak at kandila. Mahal ang



mga ito sa Araw ng mga Patay. Saka, malapit na ang pasukan para sa second sem.







At lalong pangit magpakamatay kung Disyembre. Busy ang lahat sa Christmas party.



Kainan. Shopping.Maraming pera ang tao sa mga panahong ito. No time to grieve. No



time to cry. Ampangit naman na pagkagaling sa kasiyahan ay pupunta sa lamayan at



vice versa. Pangit din na may magkakaroling sa gitna ng lamayan. Mas pangit kapag



nagno-Noche Buena sa mismong punerarya. At dahil Christmas rush… malamang,



panalo ang trapik. Baka hindi pa nangangalahati sa byahe ang ililibing, mainip at



maburat na ang mga nakikipaglibing… magsiuwian na sa kalagitnaan ng parada dahil



sa halos hindi umusad na karo ng patay. Baka mga kamag-anak nya na lang ang



magtyagang ihatid sya sa huling hantungan. Tapos, habang tinutugtog ng karo ang



“Hindi Kita Malilimutan,” “Lupa” at “Take Me Out of the Dark” ay maririnig sa paligid ang



pagtugtog ng “Pasko na Naman,” “Jingle Bells” at “Rudolph the Red Nose Reindeer.”



Kung sa huling linggo ng buwang ito magpapakamatay… imadyinin ang sasalubong na



bagong taon. Sinasalubong ng paputok, lusis, super lolo, kwitis, plapla, torotot at



kinakalampag na banyera ang kanyang kamatayan.







“So…” nakapamewang nyang urirat.







“Pag-iisipan ko pa… bigyan mo pa ako ng ilang araw.‟

149



“‟Tang na ka dude, „kala ko pipigilan mo ko magpakamatay o itatanong mo kung ba‟t



ako magsu-suicide… yun pala…”







Tumahimik na ang lahat. May paparating na bagyo. Si Ma‟am. Si Ma‟am Ethics.

150



Ang problema ng maikling kuwento:

O kung paano ko gagawing parang totoong buhay ang sinulat kong ito?



Eli Rueda Guieb III

080627

Montreal, Quebec Canada







X



Local Disc (C): Data Drive (D): Memory Stick (E):



Winbond SD Drive (F): DVD/CD-RW Drive (G): Shared Documents





X



Local Disc (C): Data Drive (D): Memory Stick (E):



Winbond SD Drive (F): DVD/CD-RW Drive (G): Shared Documents



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

151



Scripts

Student Papers



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat





09 Oktubre 2006, 2.48-4.50am



Marami pa akong pamamaalam na gagawin. Hindi iyon madaling gawin pero tulad ng



anumang bagay, tulad ng maraming bagay, nakakasanayan ang pamamaalam, kahit na sabihin



pang ang bawat pamamaalam ay paghuhukay sa libingan ng mga liblib na damdaming



ngumangatngat sa kabuuan ng pagkatao. Bagamat ang bawat pamamaalam ay pagtitiyak ng mga



paglayong walang tiyak na pagbalik, higit sa lahat, na siyang dahilan ng lahat, ang bawat



pamamaalam ay pag-usad tungo sa pagbatid ng kabuuan ng lumilisan at, sana, sana, maging ng



iniiwan, kung tunay man o ganap ngang iniiwan ang anuman o sinumang nililisan.



Masakit mamaalam, lalo na iyong mga tahimik na pamamaalam o iyong mga



pamamaalam nang walang kagatol-gatol, wala ni anumang babala o pagpaparamdam ng hinala.

152



Mabigat ang mga pamamaalam na punong-puno ng pagtangis na walang luha o iyong mga pag-



iyak na walang tunog, iyong mga pagluha sa loob, sa kaloob-looban ng mga kimkim na himutok



na nanunudyo ng mga labag-sa-loob na pagtatakwil sa lahat, sa lahat-lahat ng minahal at nais pa



sanang mahalin, hanggang ang pamamaalam ay maging kusang-loob, masakit at mabigat na



pagkukusang-loob.





Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat



Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam sa pagsusulat ng

maikling kuwento. Hindi ko tiyak kung ang pamamaalam na ito ay pansamantala lang o isang

walang-urungan at wala-nang-balikang pamamaalam. Ang pagsusulat ng maikling kuwento ang

siyang pinaghuhugutan ko ng aking hininga, ang pinagmumulan ng aking pagkatao at pagiging

tao. Kaya ang pamamalaam na ito ay isang mabigat na pagkatanto.

Nitong mga nagdaang taon ay maraming bagay ang naganap sa aking buhay na humukay

ng malalim, malalim na malalim na balon ng ___ na para bang wala nang bukal ng emosyon na

maaari kong ___. Catatonia ang tawag ng marami rito. Kamatayan ang tawag ko dito. ‗Yung

kamatayang ito, ‗yung mga kamatayang ganito, ito ‗yung umubos ng lahat-lahat ng pagiging

(becoming) ng aking pagkatao. Naubusan ako ng hininga, naubusan ng paghuhugutan ng buhay

na siyang arsenal ng aking pagsusulat.

153



Naisip ko na mas harapin ang mga bagay na ito hindi sa pagsusulat ng mga maikling

kuwento, kundi sa pagsusulat ng sanaysay kung saan, sa tingin ko, na pwedeng mali rin ako, ay

mas ganap ang mga katotohanan ng pagsasalaysay. ‗Yun, ‗yun ang kailangan ko, ang muling

magkaroon ng lakas sa paggagap ng mga katotohanan. Marahil, ‗pag nagawa ko ‗yon,

kakayanin ko na muling bumalik sa kuwento. Pero sa ngayon ay mas kailangan kong igiya ang

aking mga emosyon sa mga katotohanan ng mga pangyayaring naganap sa aking buhay, mga

bagay na mas mahalagang bigyang-titik sa katapatan ng sanaysay.

Hindi ko sinasabing hindi tapat ang maikling kuwento. ‗Pag kuwento kasi, nagsisimula

ang pagsusulat kung paanong gagawing parang hindi totoo ang totoo pero titiyaking

mararamdamang totoo ang hindi totoo. ‗Yun ang gusto ko sa kuwento.

Ngayon, mas gusto ko yatang isalaysay ang totoo sa sanaysay kung saan nagsisimula ang

pagsusulat sa totoo at titiyaking walang-dudang totoo ang pakiramdam ng totoong ito. ‗Yun ang

hamon na gusto kong harapin sa ngayon. Sa sanaysay ko haharapin ang hamong ito.

Mabigat mamaalam sa kuwento pero umaasa ako na ang pamamaalam na ito ay

magbibigay ng bagong katiyakan sa maraming bagay na dapat itala at ibahagi, sa ngayon, sa

anyo ng sanaysay. Na magtutulak sa akin na bumalik muli sa kuwento.



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat







09 Oktubre 2006, 11.50am-12.17pm



Marami pa akong pagluluksang gagawin. Dahil sa ayaw at sa gusto, ang bawat paglisan



ay paghuhukay ng mga sariling kamatayang walang-lubay na nagmamatyag sa mga piping

154



hinampong natututong payapang magngitngit sa sarili nitong katahimikan. Ang bawat



pagluluksa, sa katunayan, ay pagtiwalag hindi ng mga damdaming nawalan ng pakiramdam



kundi ng mga pagál nang gunitang nangungunyapit sa mga maninipis at nagninisnis na sinulid ng



malay. Sa bawat pagluluksa ay nagkukumahog sa pagtiwalag ang lahat ng tinipong sensibilidad



ng loob, parang pagpapatiwakal na sadyang walang saksi, sariling-sarili ang nanikip na mga



solitaryong pangamba.







10 Oktubre 2006, 3.28-3.54pm



Malungkot magkuyom ng mga saloobin. Para iyong pagwawaksi ng anumang puwedeng



ipagkaloob ng loob, nakakapanikip ng malaya sanang daloy ng diwa, nakakapanginig ng



malumanay sanang lukso ng timpi. Ang pagtitimpi ay nahahalinhan ng pagtatampo kasabay ng



pagkapatid ng lahat ng pagkabatid. Nagmamaliw ang maliw, nagugunaw ang gunam hanggang



ang kinuyom na saloobin ay magmistulang solidong tuldok na nakabulon sa balon ng pang-



unawa ng puso.



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

155



My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps







Gustong-gusto ko ng mga bintanang nakadilat. Ayoko ng mga bintanang nakapikit.

06 November 2007

156







antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps



antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps







Huwag kaligtaang lumimot, kung kinakailangan.

157



Subalit kahit matutunang lumimot, huwag na huwag bibitiw sa pagdama, kahit pagod na ang

puso.

10 October 2006





antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

158



My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat







11 Oktubre 2006, 9.30-10.32am



Nanlulumo ako sa mga dagliang bagay, sa mga paspas na paglipas ng panahon, sa mga



nagmamadaling pagbisita ng anumang bagay. Para iyong mga multong ragasang nananahan sa



hilakbot ng isip, mga panandaliang kilabot na nag-iiwan ng matagal at mahahabang pagsuyo ng



mga nangangapal na alaala. Maninikit ang mga iyon sa ginulantang na isip, parang mga



nakatulalang mukhang nakatitig sa talukap ng panaginip, tila dalawang bintanang nagtititigan sa



isa‘t isa, nag-aapuhap ng madadaluyang lagusan sa bakanteng siyasat, naninilip sa sumambulat



na himaymay ng pagkatulala. Mas nakakapanghilakbot ang mga iniiwang palatandaan ng



bangungot, parang mga wasak na bakás ng nagmamadali at kawawakas na unos.



Nakapanlulumo ang mga ganitong permanenteng pagtitipon sa isip ng mga kumaripas na



trahedya ng bangungot na lagi‘t laging tentatibo sa kanilang pagdatal at paglipas.



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

159



elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

160



Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps



Meron din akong collection ng stamps ni Rizal, marami dito galing pa sa stamp collection ng

lolo ko, kaya ingat na ingat ako sa pagpreserve. Brittle na 'yung ibang stamps, pero

properly maintained pa rin. Madaling makakuha ng digitized copy sa internet, pero iba pa

rin 'yung feel na nararamdaman mo 'yung texture ng lumang stamp, 'yung tamang

paghawak ng stamp, 'yung preparasyon sa sarili sa paghawak ng stamp, 'yung emotional

preparation din sa pagbubuklat ng mga lumang stamp collection, at 'yung pakiramdam din

ng pagbubuklat ng album ng mga aktuwal na stamps, hindi digitized. Parang training sa

pagbi-build up ng emosyon (na importante sa pagkukuwento). Siguro sa mga gano'ng

sitwasyon ko natutunang magkuwento. 'Yung mga karanasan ng pag-iingat sa mga lumang

bagay, sa mga minanang bagay, kasabay ng pag-iingat sa katauhan ng pinagmulan ng mga

bagay na ito, 'yung proseso ng paghahanda sa pagharap sa tila-misteryosong bagay, 'yung

aktuwal na pakikiramdam sa mga ispesimen ng emosyon.





antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps



antok

161



bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps



Kimkim-kimkim mo ang dagat sa iyong puso.



antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps



antok

bintana

162



di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps



salamat sa reply. tagal ko itong hinintay.



inisip ko ngang umalis na lang muna. tutal ganon din naman ang sitwasyon, magkahiwalay. salamat,

maraming salamat sa effort na makipagkwentuhan tayo.



lupaypay na ang emosyon ko sa lahat ng fronts. so gumagalaw na lang ako sa abot ng kaya ng aking

emosyon. sa maraming pagkakataon, pakiramdam ko, aatakihin na ako sa puso.



hindi pa ako umiiyak. gusto ko, pero walang espasyo sa mga luha para sa ngayon. maraming

kailangang harapin nang may katatagan. sa puso na lang muna ang luhang iyon.



tapos na rin ang deadline, expired na rin ang palugit ko. ayokong makipaggitgitan ng karapatan, kaya

mabuti pang umalis na lang. hindi ko kaya emotionally ang pakipaggitgitan sa anumang bagay sa mga

panahong ito. hindi ibig sabihin nito, binibitiwan ko ang karapatan ko sa aking mga anak. ayokong

manakit ng tao kaya ako na lang ang aalis, para walang gulo sa isyu ng mga karapatan. maipapaliwanag

ko naman ito sa aking mga anak sa ibang panahon, kahit na may pangamba ako na sa panahong iyon ay

baka wala nang talaga ang pagkatao ko sa kanila.



marami na akong gustong bitawan, pero sumusubaybay na lang ako, hinaharap na lang ang ibang

obligasyon. hinihintay ko lang ang panahon ng pagtatapos ng mga bagay na ito. maraming pagkakataon

na gusto kong ako na ang magtapos ng mga pagtutuos. pero bagong pakikipagtunggali din ito, this time

laban sa sarili. pero, tulad ng dati, iiwanan ko ang pagtutuos na iyon sa sarili, at haharap sa iba pang

aspekto ng sarili ko na nakadikit sa maraming sarili sa labas ng aking sarili, na isa na namang siklo ng

mga pagtutuos.

163







isa-isa nang nag-eexpire ang maraming bagay para sa aking buhay. una nang nag-expire ang boses ko.

kahit anong pilit ang gawin niya, hinding-hindi niya ako mapagsasalita, hinding-hindi na ako magsasalita.

gano‟n pala „pag nag-expire ang boses, o pinag-expire ang boses. pwede rin palang taningan ang boses

sa loob, „yung hindi ka na magpaparamdam ng kahit na ano, kahit pinakamaliit na ngiti ng puso, o kunot

ng damdamin, hindi mo ipaparamdam. gano‟n pala mag-expire ang boses.



pero maraming bagay na hindi na rin kailangan pang ipaliwanag o hanapan ng mga paliwanag sa

ngayon. tulad ng lagi kong sinasabi, hayaang payapa at malayang dumaloy ang mga bagay, gawin ang

pwede o dapat gawin sa gitna ng pagdaloy na ito, sumabit o lumangoy paayon o palaban sa daloy,

sundan ang piniling agos at tingnan kung anong biyahe at bagahe ang ibinibigay ng piniling daloy at doon

mamuhay sa abot ng kaya ng katawan, isip at puso. sa ngayon, bumibitaw na ang puso sa daloy na

iyon. sa ngayon, nanghihina na rin ang katawan ko. isip na lang ang nagpapagalaw ng mga bagay, pero

maging ang isip ay parang gusto na ring bumitaw sa isip. hindi ako natatakot na bumitaw ang isip sa isip

dahil hindi rin angkin ng isip ang sarili nitong isip. „pag bumitaw na ang isip sa panahong matagal nang

humiwalay ang katawan at puso, wala nang dahilan pang ipagpatuloy ang pagtutuos. sa katunayan,

nakakabagabag na isip na lang ang nagpapatakbo ng sarili dahil hindi buo ang sarili kung wala ang

katawan at puso. pero kung maging ang natitirang bagay na nagbibigay ng kaunting katiyakan ng mga

pagtutuos ay magdesisyong humiwalay sa buhay, saan pa pwedeng kumapit para ipagpatuloy ang mga

pagtutuos?



salamat.



antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps

164



antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps







di-tapos na paalam

(an unfinished farewell)



Punong-puno ng pamamaalam ang aking buhay.



Pakiramdam ko‘y nagpapatiwakal ako sa bawat pamamaalam. Parang lagi‘t laging may

tinatanggal sa loob, lagi‘t lagi‘y may pahimakas na ibinubuntong-hininga.



Bawat pamamaalam ay may kimkim na mga lihim ng pagtanggi at pagtakwil sa

pamamaalam, parang tuwina‘y nakikipagbabag sa bumibisitang pamamahinga at dumarapong

pakiramdam ng paglisan.



Bawat pamamaalam ay ngumangatngat ng pagkatao. Lahat ng pamamaalam ay

yumuyugyog ng kabuuan.



May koneksyon bang nabubuo, o mabubuo, sa bawat pamamaalam, sa lahat ng

pamamaalam? Paanong magpapaalam nang hindi nakakasakit, ng walang masasaktan? Paano

magpaalam nang masaya? Paano tinatanggap ang mga pagsasara? Ano ang kikilingan, ang mga

mahahabang pamamaalam, ang mga minsanang paglisan, ang mga biglang paglayo, o ang mga

di-tapos at di-matapos-tapos na pamamaalam?



Saan tumutungo ang mga pamamaalam? Ang bawat pamamaalam ba‘y tumatahak ng

iba‘t iba o pare-parehong direksyon?

165







Paanong sinasalubong ang mga pamamaalam? Paanong tatalikdan ang lahat ng mga

pinagpapaalaman?



Ang bigat-bigat magpaalam sa napakaraming bagay. Pero parang ang sarap-sarap ring

magpaalam sa lahat ng bagay.



Napakaluwalhating magpahinga. Hanap at hangad ko‘y walang-lubay at walang-

katapusang pamamahinga sa lahat ng bagay, magpahinga rin sa lahat ng mga nakakayanig na

pamamaalam, maging sa mga tiwasay na pagyao, sa lahat ng mga bakás ng buhay at

pamumuhay, sa maraming pagkatao sa loob at labas ng sarili, sa mga sariling nakapaloob sa mga

sarili ng ibang tao at pagkatao.



Ako ang may hawak ng aking pamamahinga. Ako ang magtatakda ng aking payapang

pamamaalam. Sana.



Pero anong katiwasayan ang naghihintay pagkatapos ng mga pamamaalam?



Kailangan bang maging paglisan ang mga pamamaalam? Kailan nagiging, at magiging,

pagdating ang mga pamamaalam? Ang bawat pagdatal ba‘y katumbas ng lahat ng

pamamaalam? Ang lahat ng pagdating ba‘y katiyakan ng bawat pamamaalam?



Paanong niyayakap ang mga di-inaasahang pamamaalam? Paano ngingiti, o hahalakhak,

sa mga inaasahang pamamaalam? Paano sinasalubong ang bawat pamamaalam na nagiging

pagdatal?



Sa lahat ng bagay na inaasahan at sa napakarami pang bagay na hindi inaasahan, paalam.



Punan nawa ng pamamaalam ang lahat-lahat sa aking buhay.



unang burador

21 Enero 2007: 9.00-9.30 ng umaga; 12.45 ng tanghali; 9.00-10.05 ng gabi

22 Enero 2007: 2.25-2.30 ng madaling-araw



[Gusto ko pang dagdagan, pero ayoko na, masakit na. Nakakapanlupaypay na. Bakit masakit

ang dating ng mga imahe, ang ragasa ng emosyon? Paano bang pinipigilan ang mga dampi ng

lungkot? Paanong tatanggihan ang yapos ng hinagpis?]





pahimakas sa isang lumisan



Kababalita lang sa akin, namatay ang isang kaibigan, periperal na kaibigan kung tutuusin.

166



Huli naming pagkikita ay nu‘ng anyayahan niya akong magpunta sa kanilang kapilya

upang dumalo sa isang Sunday service kung saan siya ang pastor. Paalis na ako noon papuntang

Montreal; 2001 iyon.



Kaunting-kaunti lang naman silang nagpaunlak at nag-alok sa akin ng mga maliliit na

bahagi ng kanilang buhay, mga munting panahon na kinakayanang pagkasyahin sa mabilis na

galaw ng mga paglipas. Isa siya sa kakaunting kakilala at kaibigan na pinaunlakan kong

bisitahin bago ako umalis, kung bakit ay hindi ko alam.



Hindi na kami nagkita buhat noon. Hindi na rin kami nagkabalitaan ni minsan, kahit

noong mga panahong nakakauwi ako sa Pilipinas.



Hindi ko alam kung ano itong panghihinayang na nararamdam ko. Hindi, hindi

kailangang panghinayangan ang masikip na oras na pinilit pagkasyahin sa pagitan ng pagtatagpo

at paglisan, sa pagtalunton sa diwa at unawa.



Salamat, Pastor. Salamat sa pakikipamuhay sa iisang mundo at panahon.



Paalam, Pastor. Magkita tayo, kung kakayanin, kung pahihintulutan, sa kung saan man at

kailanman.



antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps



Anthro Papers

eBooks

Emails

167



Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

168



Wala pang pamagat



Paano makipagtitigan sa mga bintana at pintuan?



Sa tuwing mapapadaan ako sa pintuan, pakiramdam ko‘y niyayaya ako nito sa kanyang mga

siwang upang tumagos sa pusod ng bahay at buhay. Tila ito nakabukang bibig na manlalamon

ng kagampan ng pagkatao.



Sa tuwing mapapatingin ako sa mga bintana, pakiramdam ko‘y may kung anong nagmamatyag

sa lahat ng aking mga kilos. Para silang mga matang naninino ng anino ng aking kaluluwa.



Nakakatakot tumuloy sa imbitasyon ng mga pintuan. Nakakakilabot makipagtitigan sa matyag

ng mga bintana.



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

169



Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps



antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

170



pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps



03 Disyembre 2006

Nung makita at mabasa ko sa internet ang balita‘t mga imahe ng trahedya sa Bicol, nanlumo ako.

Nagdagsaan sa utak ang mga katulad na trahedyang naganap nitong mga nakaraang taon. Ewan

ko kung bakit kailangang mangyari ang mga ganito.



Pa‘nong kumilala ng patay?

Pa‘nong kikilalanin ang mga mukhang pinutikan ng dusa at hilakbot?

Pa‘no yayakapin ang bangkay ng mahal sa buhay?

Pa‘no gagawing pamilyar ang ngayo‘y di-madaling-kilalaning mukha‘t hugis ng mga nilamon ng

ragasa ng putik?

Pa‘no gagawing matatag ang sarili para maharap ang mga pwede pang harapin sa bukas?

Hindi ko alam, hindi ko alam.

Ayokong alamin, ayokong malaman.

Hindi ko kaya, tiyak na hindi ko kakayanin.

Pa‘no nila kinakaya?

Bigyan n‘yo ‗ko ng lakas ng pagkaya.



antok

bintana

di ka na pwedeng umakyat

di-tapos na pamamaalam

etc1

etc2

etc3

etc4

etc5

etc6

etc7

hr

Ispesimen ng Emosyon

Kimkim ang dagat

main

Minsan

Muni-muni

ngayong taglagas

nothing

Pagbitiw ng isip

pagkatapos ng bagyo

pamilya

reply

stamps



Anthro Papers

eBooks

Emails

171



Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

172



Wala pang pamagat







16 Oktubre 2006, 12.38-2.04am



Mabigat ang pagkabalisang likha ng mga pagkakait, lalo‘t kung ang sarili ang



ipinagkakait. Nakakabagabag ang mga pagkakait na pinagtampuhan ng unawa. Para iyong



paglalayag sa pusod ng dagat sa pusikit na hatinggabi, parang malungkot na pagdungaw sa



bintana habang naghihintay sa isang bagay na alam mong hinding-hindi naman darating, habang



pabulong na inaawitan ang sarili, nagbibigay ng mga nanginginig na himig ng pagkahungkag,



para sa katiwasayan ng nagpapakamatay na loob. Pero kailangang yapusin ang mga bagabag



upang maging ganap ang pagkakait ng sarili sa lahat, sa lahat-lahat, sa lahat ng pinapasok sa



buhay, sa lahat ng naging bahagi ng buhay, sa lahat ng nakibahagi sa buhay, sa lahat ng



binahaginan ng buhay. Hakbang iyon, mga kiming hakbang, parang mga hakbang ng mga taong



nakikipaglibing, mga hakbang iyon ng paglilibing ng balisa upang maibsan ang pait ng pagkakait



nang sa gayon ay maging magaan ang pamamaalam.



Marami pa akong paglilibing na gagawin, mga walang-saksing paglilibing, mga



paglilibing na walang hinihintay na pakikiramay. Pero nakakapagod maglibing, kailangang



wakasan ang mga paglilibing.



Hindi ko na kayang maghintay sa kamatayan. ‗Pag inabot ako ng pagkainip, hahablutin



ko, aagawin ko ang nag-aatubiling kamatayan. Aangkinin ko siyang ganap, isasaksak, isisiksik



sa puso upang madama ng loob. Dahil hindi dapat habambuhay na pinagdadalamhati ang loob.



Biktima

Buo

Dalit ng isang

elehiya

elehiya ni sabel

elehiya ni Marco

elehiya ng makahiya

173



mga elehiya

Napagtanto ko, ngayon-ngayon lang, na kailangan ko nang mamaalam

Siwang

Tungkol sa awtor

Wala pang pamagat



Anthro Papers

eBooks

Emails

Films

Journal

Kwento

My Pictures

My Playlists

Old Computer Files

Personal Essays

Photos

Projects

Sanaysay

Scripts

Student Papers



X



Local Disc (C): Data Drive (D): Memory Stick (E):



Winbond SD Drive (F): DVD/CD-RW Drive (G): Shared Documents







X



Local Disc (C): Data Drive (D): Memory Stick (E):



Winbond SD Drive (F): DVD/CD-RW Drive (G): Shared Documents



Basic phrases

My Pictures

Music

Reports

Term Papers

kahit ano lang





Basic phrases

My Pictures

Music

Reports

Term Papers

kahit ano lang

174









Bakit parang walang panahon ang iyong wika?



File Edit View Insert Format Tools Table Window Help X



File Edit View Insert Format Tools Table Window Help X



New

Open

Close

Save

Save As

Save As Webpage

Search

Versions

Web Page Review

Page Setup

Print Preview

Print

Send To

Properties



New

Open

Close

Save

Save As

Save As Webpage

Search

Versions

Web Page Review

Page Setup

Print Preview

Print

Send To

Properties







Bakit walang pagkakakilanlan ng iyong pagkatao ang iyong mga salita, except dun sa

imbitasyon ng kamatayan?



Hindi ko alam kung bakit mo tinanggap ang imbitasyon ng kamatayan.





New

Open

Close

Save

Save As

175



Save As Webpage

Search

Versions

Web Page Review

Page Setup

Print Preview

Print

Send To

Properties



New

Open

Close

Save

Save As

Save As Webpage

Search

Versions

Web Page Review

Page Setup

Print Preview

Print

Send To

Properties



My Pictures

Music

Reports

Term Papers

ek ek

kahit ano lang



File name:

Files of type: Word document



File name: kahit ano lang2

Files of type: Word document







Bakit walang pagkakakilanlan ng iyong pagkatao ang iyong mga salita, except dun sa

imbitasyon ng kamatayan?



Hindi ko alam kung bakit mo tinanggap ang imbitasyon ng kamatayan.





File Edit View Insert Format Tools Table Window Help X





File Edit View Insert Format Tools Table Window Help X

176



My Pictures

Music

Reports

Term Papers

kahit ano lang

kahit ano lang2





File Edit View Insert Format Tools Table Window Help X





Bakit parang walang panahon ang iyong wika?





File Edit View Insert Format Tools Table Window Help X







X



Local Disc (C): Data Drive (D): Memory Stick (E):



Winbond SD Drive (F): DVD/CD-RW Drive (G): Shared Documents





X



Local Disc (C): Data Drive (D): Memory Stick (E):



Winbond SD Drive (F): DVD/CD-RW Drive (G): Shared Documents

177









amerika

ni Khavn Dela Cruz









amerika ang sagot sa lahat ng problema natin. ipapadala mo lang ito

sa paborito mong kartero. maghintay ka mula tatlong minuto

hanggang tatlong linggo, depende sa kalyo ng kapalaran mo. darating

ang sagot sa loob ng maliit na kahon na inilalaan kadalasan s a

dyamante at brilyante. mag-ingat lang sa pagbubukas. tiyaking hati

talaga ang gabi. at walang ibang nakatanod.

para makarating sa amerika, kailangan mo munang tumira ng isang timba ng ajax. pagkatapos,

isang galon ng kerosene. tapos, isang gramo ng nikotina. at ang pinakahuli at pinakamahalaga,

isang dram ng tubig-kanal.



ang amerika ay hindi talaga gawa sa gatas at pulot kundi kape at gata. bagamat masarap ang

gatas at pulot na gawa sa amerika. mapakla naman ang kape at matabang ang gata. ang kape ng

amerika ay parang tubig na sinawsawan ng medyas ng piyon. ang gata ay bilinilad na kapeng

nilagyan ng tisa.



mapapalad ang taga-amerika; ang hindi taga-amerika ay matalampakan. malalaman mo kung

amerkano ka kung ang palad mo ay kasinlapad ng mukha mo. at mas malaki ang kaliwa mong

palad kaysa kanan. at ang mga guhit ay lumilkha ng bilog, kwadrado, tatsulok, at iba pang hugis

na matatagpuan lamang sa libro ng geometry.



dito na ako pinanganak. dito na rin ako marahil magkakaanak. at dito ko siguro makakanta nang

taimtim ang ―anak‖. at dito na rin ako magpapalabas ng mga anak sa labas. at magpapasok ng

anak sa eskwelahan magpakailanman.



iniwan na naman nila ako sa amerika. di ko alam kung bakit. bakit may pusit na nagtatago sa

singit? umulan ng palaka sa loob ng tv. ganon pa rin ang itsura ng mga tao. kalendaryo lang ang

nagbabago. malas. tao po tao po. gusto ko sanang pagbuksan pero ako mismo nakasarado rito.



walang kwenta ang amerika. gaya ng lahat ng kwento. sa kanto. may kumakalampag sa ilalim ng

sahig. ano na namang kalaswaan kaya yon?

178



ang amerika ay hindi lugar kundi pangalan. parang huwan. parang marya. parang ebenizer.

parang krisnamurti. parang narinig ko na yan.



amerika ng sirang plaka at pangakong napako. pinatugtog pa rin kahit walang tunog, dahil

walang magawa, sa totoo lang. ipinako si krus sa kristo pero binanatan lang ni hudas sina

maryang ina at magdalena. yan ang tinatawag na ingrato garbo.



pag walang amerika, wala ring tagatimpla ng tsaa. syempre, wala ring tasa. at walang silya at

mesa. kaya kailangan ng amerika, para meron tayong maupuan.



ang amerika ay dambana ng pagmamahal, kalis ng libog, tabernakulo ng pagtataksil. gusto kong

magsimba kahit hindi linggo. dahil sa simbahan lang ng amerika matatagpuan ang inuuod na

bangkay ng dyos, ang nakakatakot na multo ng espiritu santo, ang pinugot na tarugo ni

hesukristo, ang malalaking suso ni maryang sawimpalad, at lahat ng sama ng loob na

nagsakatawang-bato ng mga santa‘t santo ng hinayupak na kasaysayan ng banal na mundong ito.



amerika ang pinakamakapangyarihan na barko sa balat ng lupa. kailangan niya nang magsabon

maski magastos. kailangan niya nang umuwi bago magtanghali. kailangan niya nang maghanap

ng masayang trabaho. kailangan niya nang tumalon mula sa tuktok ng pinakamataas na toreng

garing patungo sa paanan ng bundok ng kanyang irog. kailangan niya nang malunod nang siyam

na beses sa ilog.



nauubos ang salita ng ibang bansa pero hindi ang amerika. dahil sa amerika nililikha ang mga

salita. meron kaming 827,103,559,648 na paktorya ng salita. kung gusto mo, ibibigay ko na lang

sa yo yung isa sa halaga ng $23. payag ka? ambagal mo namang magdesisyon. bayaan mo na

nga. mamamatay ka sa gutom.



amerika ang pinakamadaldal sa lahat ng loro. maski putulan mo ng dila. maski ikandado mo ang

bibig. maski isilid mo sa ilalim ng tubig. maski takpan mo ang iyong pandinig. kamatayan lang

ang tanging paraan para siya tumigil. kaya mo ba siyang patayin?



kung gaano karami ang pulubi sa amerika, ganoon karami ang pulgas ko sa bulbol. inahit ko na

ang bulbol ko, andon pa rin sila, nakabaon ang matatalim na ngipin sa aking itlog. yan ang

napapala mo sa pakikagbanatan sa aso. pati matalik mong kaibigan, tinatalo mo. buti nga sa yo.

palimos po. palimos po. etong pulgas ko.



alisin ang telepono ng amerika sa directory kung sakaling magkaroon na naman ng digmaan.

dahil sa oras ng kagipitan, madaling matuksong tumawag ng mersenaryong walang awa.

madaling kumulubot sa harap ng takot. sapagkat tayo‘y tae lamang. hindi man lang pwet, hindi

man lang isaw. kundi echat. tanggapin mo man ito o hindi, ito ang walang patumanggang

katotohanan.



hindi maasahan ang amerika sa mga bagay na espiritwal. dahil pati vegetarian sa kanila ay

kumakain ng chicharon. dito mo malalaman ang balintuna ng mga bagay-bagay. ansakit ng mata

ko. parang pinupulikat. napasma yata nang basain ko pagakatapos mamboso. buti sana kung

179



sulit. kaso olats. sana tinulog ko na lang. baka napanaginipan ko pa sana nang basa si miss

amerika.



lahat ng kamag-anak ko ay nakatira sa amerika. si huwan at si marya.



lahat ng kaibigan ko ay nagtatrabaho sa amerika. si huwan at si marya.



nagugutom ako limang beses isang araw sa amerika. sa ibang bansa, tatlo na ang pinakamarami

na. pero sa amerika, my god, lima! santa santisima, limang kutong lupa! mabuti pa kaya, mag-

empake na ko patungong afrika. balita ko, marami raw dong tapang zebra.



hindi pareho ang amerika sa tv at ang totoong amerika. ang amerika sa tv ay labing-apat na

pulgada. ang totoong amerika ay wala pang isa‘t kalahating pulgada. hindi lang iyon, ang

amerika sa tv ay umaasa sa kuryente. ang totoong amerika ay laging brown-out.



para akong may sakit. pero wala naman talaga. kunwari lang. para makakuha ng simpatiya at

libreng gamot. ganyan talaga rito sa amerika.



nahihilo ako sa musika ng amerika. dagundong ng tambol, wala nang iba. ang lahat na ng tunog

ay multo, alingawngaw, anino. dagundong lang ng tambol ang maririnig mo. hinahampas ang

puso mo. may sakit ka pa naman sa puso. hirap na hirap ka na ngang huminga. ayaw ka pa nilang

tantanan. tang-ina nila! wala ba silang puso? ibig sabihin, darating ang araw, magkakasakit din

sila sa puso. kaya, kung ayaw nilang karmahin, pakipatay na po ang musika ng amerika, bago ko

patayin ang mismong salarin.



mahilig sa kabayo si billy kaya siya naging cowboy. mahilig ang baka sa aso kaya siya naging

billy. nalilito pati ang amerika sa ganitong pagpapalit-anyo.



maingay ang kalsada kahit wala ka sa amerika. isinisigaw niya ang kanyang lungkot at galit. ano

pa ba ang ibang makapangyarihang damdamin? wala na.



sa isang sulok ng amerika, maraming piyanong nakakadena sa poste ng ninakaw na ilaw. iba-

ibang kulay, taon, gawa, laki, amoy. mga bilanggo sila ng panahon, kaawa-awang muhon.



punung-puno ng damo sa bermuda ng amerika. aabot ka sa pinakamababang ulap sa taas ng

amats mo. pasensya na, walang sasaklolo, maliban sa bangkay mong lolo. lolo, lolo! kaso, bingi

nga pala ang iyong yumao. kaya dere-deretso ka sa butas ng ozone. masusunog ka gaya ng mga

baklang sinunog ng bibliya. bagamat sa alaala ng utak mong tutong, ikaw pa rin ang kaakit-akit

na prinsesa sa gitna ng entablado.



ang butiki at ipis ng amerika ay namumukod-tangi sa buong planeta. ang butiki nila ay

sumasayaw ng pandanggo. ang ipis nila ay kumakain ng apoy. mga tubong-sirkero. kapag

nagtalik ang butiki at ipis, ang lalabas ay bopis. bagamat walang bopis sa amerika ng alaala ng

utak mong tutong, ngayon meron na, gaya ng lahat ng salita ng nakaraang mga pahina. masarap

180



ang bopis kapag sinabuyan mo ng gatas na kondensada. pakiramdam mo tuloy parang kondeng

namamasada.



mainit pa sa alas-dose ang disyerto ng amerika. may refrigerator, wala namang yelo.



maniniwala ka kaya kung sabihin kong ako ang nawawalang dakilang apo ng amerika?



kung papipiliin ka, sino ang mas gusto mong manggahasa sa pinakamamahal mong butas:

espanya o amerika? ako, ayoko nang mamili, dahil sawa na ako sa mga tanong mong walang

kapararakan.



papasok kaya ako bukas o hindi? papasok lang ako dahil natatakot ako. baka magalit ang

amerika sa akin at pagpapaluin ako sa pwet.



ambagal ng oras sa amerika. hindi kaya dahil sira ang mga relos dito? tama, sira! sira sira sira

sira! hanap tayo ng manggagawa. yung papayag nang libre. meron pa ba non? yung papayag

gawin ang lahat ng relos ng amerika nang walang bayad. hindi dahil sa pera kundi dahil sa

pagkabusilak ng kanyang negrong puso.



para, ale, doon sa malayung-malayong amerika.



kahapon pa masakit ang likod ko. simula nang dumating ako sa dyaskeng amerikang ito.

pinasakay ba naman ako ng tiyuhin ko likod niya. tapos pinasakay yung elepante sa likod ko. pag

hindi ba naman nabali ang likod ko nang pitong beses, ewan ko na lang.



may nagngangangawa sa amerika tungkol sa nganga sa kanyang bunganga. hindi pa raw ito luto.

hindi rin naman daw hilaw. ano ba talaga, ate?



walang konsepto ng ate at kuya sa amerika. dahil patas ang lahat ayon sa laos na konstitusyon.

dahil walang nalalaos ayon sa patas na konstitusyon.



ang una kong pinuntahan sa amerika ay ang puntod ni witman. tapos ang coney island of the

mind. tapos si kafka at si lorka. tapos kinain ang ulo ko ni orka. tapos nakita ko ang laman-loob

niya. tapos kadiri, kadiri! sabi niya, ganyan ang itsura ng lahat ng puti.



tanong ko, paano ang mga itim ng amerika? ganoon din ba, kadiri? biglang hinimatay ang pating

sa nakitang dagang-bukid nagtatampisaw sa gitna ng dagat.



walang kamatayan ang pag-ibig sa amerika. kahit saksakin mo ang berdeng puso ng lahat ng

mangingibig. kahit lasunin mo ang lilang labi ng lahat ng mangingibig. kahit dukitin mo ang ang

lahat ng kayumangging mata ng mangingibig. kahit pahiran mo ng margarin si margarita. kahit

sabuyan mo ng sibuyas si shylock. bente-singko oras at walong araw ang pag-ibig sa amerika.

181



may gustong sabihin ang monitor sa akin. ang amerika ay kaaway. ang amerika ay tirahan. ang

amerika ay bentilador. ang amerika ay tawas. nagmamadali akong hinanap ang saksakan at

hinugot ito. baka bigla niyang sabihing ―ang amerika ay amerika‖, at maging huli na ang lahat.



galit pag gutom ang amerika. galit pag busog.



gutom pag galit. busog pag galit ang amerika.



maraming makata sa amerika. pati mga taga-ibang bansa ay nagpupunta rito at nagpapaampon.

ang kanilang dahilan: sapagkat sa amerika raw pinakamalinamnam ang hamburger. ang bilang

ng mga makata ngayong sandaling ito sa amerika ayon sa aking relos na kapapaayos ko lang ay

tatlo at kalahati. payag ka bang maging kalahati, kaibigan?



ginto ang pawis ng amerika. parang tenga ng mais.



umiiyak ang amerika, parang may problema. pero wala talaga siyang problema. nag-eensasyo

lang para sa kamera.



ang lala ng ulan sa amerika kapag taglagas. isipin mong mabuti.



hinihintay ko na lang na bumagsak ang dilaw na kisame sa abuhin kong bumbunan. ayaw sagutin

ng amerika ang mga tawag ko. akala nila, bibiruin ko na naman sila. pero nagbago na ako.

itanong mo pa kay dok. dok, di ba? kita mo.



ano ang tunog ng palakpak ng mga pinutulan ng kamay? yan ang tunog ng amerika.



bumaba na ang presyo ng paglipad sa nweba york simula nang sumabog ang pinatubo. ang hindi

nila alam, ang mga eroplanong kuripot ang sunod na sasabog. walang dahilan.



ambigat ng paa ko. ayaw umusad. matigas pa ang ulo sa amerika ng mga ninuno natin.



mahilig magbahag ang amerika sa loob ng banyo.



sa tingin mo, hawak ng amerika ang sarili nilang oras. ikaw na walang pinanghahawakan

maliban sa sirang orasan. laging huli, walang nahuhuli. isda o tambalokan. kaawa-awang

nilalang.



panahon na para magbago ang mga pananaw. simula sa amerika, tapos sa amerika. dadaan sa

timbuktu tuwing meryenda.



ang walang katorya-toryang istorya ng amerika pagkagat ng dilim. ―bungal ang bampira,‖

bunyag ng bagong binyag na walang bayag tulad ng bihag ni blumentrit.

182



papalapit nang papalapit ang amerika sa dulo ng daigdig pero hindi niya ito alam. maski mahulog

siya pagkatapos, hindi niya pa rin ito alam. dahil masyado siyang masaya sa natirang empanada

kanginang umaga para mapansin ang mga pisikal na kababawang ito.



ayaw hubarin ng amerika ang kanyang maskara dahil natatakot siyang malaman ng iba na wala

talaga siyang mukha.



hindi ako galit sa amerika. alalaombaga‘y mahal ko ang amerika. gaya ng mahal ko ang butas

kong medyas at laspag kong tsinelas. gaya ng mahal ko ang bago kong t-shirt at mabango kong

maong.



paano ako magagalit sa amerikang nagluwal sa akin?



kinumpiska ng amerika ang lahat ng dinaanan niyang bagyo at bangketa, walang patumangga sa

masasamang biro ng tadhana.

183









Norman Wilwayco









Readme.txt



Meron akong sikreto na mamaya ko na sasabihin kase baka malito ka lang kung



ngayon.



Pero dahil makulit ka, sasabihin ko na rin: Noong gabi ng live recording, may



natagpuan ako. Sa pag-dive ko sa memory lane habang umiindak sa tugtugan ng Asin,



nakita ko ang pising dating tangan ko. Nakita ko kung saan ko siya nabitiwan.



Kita mo, nalito ka lang.









I. Iodized Salt





Bago sila, wala ako. Nasan ako, kasama mo.



Kasabay ang buong angkan ko hanggang sa ikatlong tuhod, at kabilang sa



milyon-milyong mamamayang nabubuhay sa buong pinagpalang republikang kung



ituring ng ibang bansa—masahol pa sa malansang isda.

184



Di ba, kasama mo ako sa maghapong pakikinig sa aral ng mga guro. At kasama



mo akong naglalaro sa damuhan pagkatapos ng klase, at uuwi tayo sa kanya-kanyang



bahay, tutulong sa mga gawaing-bahay, manonood ng tv, makikinig ng radyo, kakain,



makikipagkuwentuhan sa mga kasambahay, matutulog, mananaginip.



At kinabukasan, gigising, tatae, maliligo, papasok sa eskuwela. Tulad mo,



ginagawa ko ito araw-araw. Ganito lang naman ang buhay di ba?









II. Magulang





Naglakas-loob akong sabihin kay Papa na gusto ko ng gitara.



Preno, konting paliwanag: sa pamilya namin, at malamang sa inyo rin, bawal



mag-asam ng kung anu-ano. Kahit walang nagsasabi sa iyo, dapat alam mo na ang



pamilya nating nahahanay sa uring peti-burges, ay kalimitang sapat-sapat lang din ang



kinikita para mabuhay sa bayang hawak sa bayag ng punyetang imperyalistang kano.



Kaya wag kang pabili nang pabili ng kung anu-anong kapritso mo. Dig mo? Pag may



trabaho ka na, saka ka bumili ng lahat ng trip mong bilhin.



Kaya hindi biro ang pagsasabi ko kay Papa na gusto ko ng gitara. Grabe ang



preparasyon noon. Timing ng request at nag-uumapaw na lakas ng loob ang pinuhunan



ko. At ilang gabing pagpapraktis sa kama bago matulog kung paano at kailan ko



sasabihin kay Papa na: Pa, gusto ko ng gitara.

185



III. Graphic Design









Tulog ako nang tumawag si Ang, isang kaibigan. Pupungas -



pungas kong sinagot ang telepono. Ang sama pa ng signal kaya wala



akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Makalipas ang mahigit



dalawang minutong ingay ng static, nawawaan ko rin ang



pinapaliwanag niya.





Meron daw siyang ipapasang raket sa akin. Pwede raw ba kong



mag-design ng album cover?





—Pwede, sagot ko.





—Magkano? tanong niya.





—Depende, sagot ko. Album ba nino ito?



—Asin.



Ni sa hinagap, di inabot ng isip ko na darating ang araw, magde-design ako ng

album ng Asin. Parang ang hirap arukin sa isip. Parang si Virgin Mary na naka-t-back.

Malabong mangyari.



Pero totoo nga. Dapat kong pasalamatan si Ang sa pagbigay sa akin ng ganito

ka-surreal na pagkakataon. Ang matututunan ko rito, di ko matututunan kahit saan.

Bihira ang mga taong pinagpapalang dumanas ng kakaibang karanasang tulad nito.

Salamat sa lahat ng tumulong, sa lahat ng involved sa proyektong ito.

186



Kung di mo ma-gets, makakatulong na marinig mo ang scope ng project. Ganito



iyon: Magrerecord ng live album ang Asin. Ako ang magde-design ng album sleeve.



Ako na isang hamak na graphic artist, na ipinanganak na maraming dala-dalang isyu sa



buhay, nahahanay sa uring peti-burges, ay kailangang mag-nostalgia trip para ma-dig



ng todo ang Asin at mailapat ko nang maayos ang esensya ng kanilang music sa



gagawin kong album design. Di ko ma-imagine ang laki ng responsibilidad na hinihingi



ng proyekto.



Heto ang mga pangunahing isyu:



a. Mabigyan ko kaya ng hustisya ang sining ng Asin sa album design na



gagawin ko? (Ang totoo, kahit 10% lang ng esensya ng Asin ang tumagos sa



gagawin kong design, masaya na ako.); at



b. Wag mong kalimutan na kailangan kong mag-nostalgia trip para balikan ang



mga butong itinanim ng Asin sa isip ko noong una kong marinig ang mga



kanta nila. Ano‟ng ibig sabihin nito? Pakikinggan ko uli ang lahat ng kanta ng



Asin. Na para sa isang tulad kong ipinanganak sa hanay ng peti-burges at



sapat-sapat lang ang kinikita para buhayin ang sariling pamilya, isa itong



napakalaking responsibilidad. Bakit? Kase, Dahil dito—



c. Sa pagbalik natin sa memory lane, susukatin at panghihinayangan natin ang



mga pangarap na binaril at pagkakataong pinalampas, at tutuklasin natin



kung kailan tayo nagsimulang tumanda, kung kailan tayo bumitiw sa mga



paniniwalang bakal nating sinusunod dati, at maaalala natin na minsan na



tayong namulat, tumuklas, humanap ng ibang daang taliwas sa naka-set na



standard ng lipunan, at titingnan natin ang sarili natin sa kasalukuyan,

187



malayong-malayo sa imahen ng dati nating sarili, noong mga panahong



rebelde tayong mga manlalakbay, binabagtas ang mga daang lihim,



nakahawak sa matibay na pising nakabuhol sa puso ng mga manlalakbay na



nauna sa atin, at hahanapin natin kung kailan tayo nakabitiw sa biyahe, saan



natin nabitiwan ang tangang pisi, hahalughugin natin ang mga natutulog na



saya at bangungot sa isipan; at



d. Hassle 2 dre. Nostalgia trip is for rich fuckers.







Kalimitan, lalo‘t malalaking raket tulad nito, sumasablay ang self-confidence ko. Madalas

umiral ang pagka-praning ko at inisip na dapat kong tanggihan ang raket na ito hangga‘t

maaga dahil:

a. Di ko mabibigyan ng hustisya ang sining ng Asin sa gagawin kong album



design. Di ko kaya kahit 10%.



b. Di ko yata kayang mag-nostalgia trip. Dahil…



c. Masyado nang malawak ang memory lane ko, tiyak maliligaw ako, baka di



ako makabalik; at,



d. Hassle 2 dre. Nostalgia trip is for rich fuckers.









Pero dahil ako nga ang magdedesign ng album, at dahil ito



naman talaga ang trabaho ko, wala akong ibang puwedeng gawin



kundi, dahan-dahan, habang muling pinakikinggan ang mga kanta ng



Asin at unti-unting sumasabay ang pulso sa ritmo ng gitara‟t



mikropono, at di maiiwasang bulatlatin ang mga pahina ng tiniklop

188





na pangarap na sa kabila ng mga lumipas na taon, namamahay pa rin



sa mga sulok-sulok ng isip ko at nagpaparamdam sa bawat bagay na



makita, marinig, matikman, at maamoy ko. At napapansin ko,



habang tumatanda ako, padalang na nang padalang ang mga



pagkakataong naaalala ko sila, ang mga pangarap kong sing-ilap ng



mga kuto ko. Kung babalikan ko ngayon, parang nabibigatan akong



isiping minsan, hinangad ko ring pumiglas, lumipad, at lumaya.

189







IV. Magulang







Sa wakas, nasabi ko rin. Para kong tinanggalan ng tinik sa leeg.



Higit pa. Para kong na-tae sa salawal sa harap ng crush ko at



naalimpungatan ako‟t nagising at natuwa dahil panaginip lang pala



ang lahat, sabay hawak sa salawal para makasigurado.



Di sumagot si Papa. Nakaupo siya noon sa sala at nagbabasa ng pocketbook

nang pasimple akong umupo sa kabilang dulo ng sofa.



—Pa, gusto ko ng gitara, ulit ko.





—Ha? tanong niya. Tinandaan ng daliri ang binabasa, at



tumingin sa akin. Medyo nairita dahil na-istorbo ang pagbabasa niya.





—Sa bertdey ko gitara na lang.





Balik siya sa binabasa niya. Binuksan ko ang radyo at



nakiramdam. Marahang gumapang na parang anino sa buong



kabahayan ang kanta ng Asin na natiyempuhan kong pinapatugtog sa



radyo noong oras na iyon. Buti na lang kasama ko sila, ang Asin.



Habang naririnig ang kanta nila, lumalakas ang loob ko.





*Refrain: Di pa rin siya sumasagot.

190





Sinandal ko ang likod kong unti-unti nang nangangawit sa



tensyon. Pinikit ko ang mga mata at palihim na nagdasal na sana,



pagbigyan ako ng tadhana sa hinihingi ko, tutal, naging ma buti



naman akong anak. At mayroon pa bang mas mabigat na dahilan



kaysa sa musika ng Asin na sabay namin ngayong naririnig?





Repeat *Refrain. Di pa rin siya sumasagot.





Gusto kong tingalain ang mga iniidolo ko. Gusto kong sundan



ang yapak nila. Gusto kong tikman ang kulturang handog nila. Gusto



kong tuntunin ang hinahawan nilang landas para sa akin, kase dati,



hindi ko ito nakikita, di ko alam na may daan palang iba. Gusto kong



isabuhay ang mga mensahe ng bawat kanta nila. Sa isang batang



tulad ko, na hahahanay sa uring peti-burges, may mas hihigt pa bang



dahilan para maghangad ako ng gitara?





Repeat *Refrain. Di pa rin siya sumasagot.





Nilakasan ko nang bahagya ang volume ng radyo.





—Hinaan mo nga yan! sigaw niya.

191





Pinatay ko ang radyo. Pumasok ako sa kuwarto, nangarap at



natulog.









V. Kita-kits









Matapos ang mahabang panahon, pinalad akong muling



mapadpad sa bayang kinalakhan ko.





Mahigit sampung taon kaming di nagkita ng mga tropa kaya



nagkatodohan sa inuman. Akalain mo nga naman. Nangyari‟t



lumipas ang sampung taon nang parang di ko namalayan. Kung



tatanungin ako kung ano ang ginawa ko noong lumipas na sampung



taon, baka di ko masagot. Wala akong masyadong maalala. O siguro



mas tamang sabihing ayaw ko masyadong alalahanin. Sa punto de



bista ng isang praning na tulad ko, mas tamang sabihing: masyado



akong nawasak sa iba‟t-ibang espiritung ninamnam at kemikal na



nilanghap noong nakaraang dekada kaya literal na wala akong



maalala.

192





Sa gitna ng ingay ng baso at debate, naisip kong napakalaki ng



binago sa akin ng lumipas na dekada. Nakakapanghinayang ang



dumaang panahon. Tanong ng ilang kaibigan, bakit ang hilig kong



magkikisay sa mga kabadtripan ng nakaraan. Dapat daw, positive



outlook sa future. Ganoon talaga, sagot ko, di maiwasan, ugali ko



nang iyakan ang natapong beer sa sahig.





Sa mga ganitong pagkakataon, nagsisi-ilaw ang mga warning



lights sa utak ko. Senyales ito ng pagdating ng pinakamalakas at



pinakamabagsik kong kaaway: INIP.





Napag-usapan namin si Raul na dati naming kaklase. Patay na



daw. Napatay sa isang encounter. Naging kumander pala ng NPA si



Raul. Ang problema, di ko na siya maalala. Pilit ko siyang hinagilap



sa imbakan ng 1 x 1 pictures ng lahat ng kakilala sa isang sulok ng



utak ko, pero di ko siya makita.





O baka madami na kase kong naiinom.





Kaya nga noong mapadpad ang usapan sa mga traba-trabaho,



at nagkatanungan tungkol sa mga gamit na binibili sa perang kinita,



tapos tinagayan ako ng isang basong puno ng tanduay, walang

193





chaser, ininom ko ng straight tapos tinatanong ako kung ano daw ang



una kong binili nang matanggap ko ang una kong sahod sa una kong



trabaho matapos ang mahabang panahong ginugol ko sa akademya‟t



lansangan, basta, parang ganoon yung tanong, parang tipong pang -



formal-theme, tapos tawa ko nang tawa sa tanong kase di ko masagot,



nakakatawa dahil ang alam ko, may binili ako sa una kong suweldo



pero nakakatawa nga kase di ko na maalala kung ano yun, hanggang



sa makatulog na ako sa sahig at magpagulong-gulong sa suka kong



mapanghe, at narinig ko may nagsalang ng tape ng Asin, at nakatulog



akong pilit sinusundan ang lyrics ng masdan, mayroon lang akong



hinihiling sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan, gitara ko ay aking



dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan…

194





VI. Live recording









Matagal na ako dito sa Maynila pero ngayon ko lang sila



mapapanood ng Live.





Papunta ko ng Asin Live Recording sa 70‟s Bistro nang pansinin



ko ang kabang kanina pa nagpapapansin sa akin. Kumakabog ang



dibdib ko, di ko alam kung sa pananabik dahil makikita ko‟t



maririnig nang malapitan ang mga musikerong lumikha n g mga



kantang nagpayanig sa mga pundasyon ng lahat ng paniniwala ko.



At siyempre pa, idagdag mo na ang ka-praningan ko dahil sa laki ng



responsibilidad, etc. etc, na kaakibat ng proyektong ito, etc… etc….





At siyempre, ang pinakaimportanteng elemento ng gabing ito:



Yung malaki kong sikreto.





Balik muna tayo sa Asin. Kung dati na akong nawawasak sa



mga kanta ng Asin kapag naririnig sila sa radyo, Isipin mo na lang



kung ilang ulit ang lakas ng tama nito kung Live.

195





Pagpasok ko ng club, inabutan kong tinutugtog ng Asin ang



“Bayan kong Sinilangan/Cotabato”. Unang tinamaan ng mata ko si



Pendong. At bigla, parang kidlat, mabilis na hiniwa ng ala -ala ang



utak ko.





Naalala ko na si Raul.





At naalala ko na rin kung ano ang una kong binili sa una kong



suweldo sa una kong trabaho. Pero mamaya ko na sasabihin kung



ano. Balik muna tayo kay Raul.





Si Raul. Naaalala mo ba yung classmate nating taga -Bogac?



Yung payat na maitim, matangkad, malaki ang mga mata, butuhin



ang panga, naka-tsinelas araw-araw. Yung magaling mag-gitara.



Hanggang grade four lang siya, nang mag-gradefive tayo, wala na



siya, di na natin nakita.





Kinakain natin ang mga baong pananghalian sa lilim ng mga



punongkahoy, madalas natin siyang kasabay, laging tuyo a ng ulam



niya, pinakamabilis siyang matapos kumain, at kakantahan tayo ng



mga Asin hits. Naaalala mo ba, dati di pa natin kilala ang Asin.

196





Akala natin, iniimbento niya lang yung mga kinakanta niya. Pero



kahita na, bilib pa rin tayo.





Tapos sumabog sa buong nagkakagulong Mindanao ang



pangalan nila. At narinig natin sila sa radyo. At mula noon, lalong



nagkaroon ng katuturan ang mga kinakanta ni Raul. Grade four lang



tayo noon pare. Ito yung panahong puro laro ang iniintindi ng mga



kasabayan natin. Pero tayo, parang mga miyembro ng isang



lumalawak na underground movement. Ang saya- natin kase para



tayong nakahanap ng kaligtasan. At pare-pareho tayong nagbunyi at



nalasing sa natagpuang kaligtasan.





Nasabi ko noong umpisa na “Bago sila, wala ako. Nasan ako,



kasama mo.”





Kahit na obvious, sasabihin ko na rin kung sino ang tinutukoy









ko.

197









Bago ang Asin, wala ako. Wala ka rin, di ba? Asan tayo?



Kasama tayo ng nakararami. Sumusunod lang tayo sa buhay na



itinakda para sa atin. Pinanganak tayong balot ng mga batas na



magsasabi sa atin kung alin lang ang puweng gawin o sabihin. Di tayo



nagrereklamo‟t nagtatanong. Akala natin, talagang ganoon. Akala



natin, habambuhay nang ganoon.





Buti na lang nakilala natin ang Asin.





Buti na lang nakilala natin si Raul, na siyang nagpakilala sa



atin sa Asin.





Putangina bakit ko nakalimutan si Raul? Isa itong malaking



kaputang-inahan, senyales na kailangang magpa-check-up na ko sa



doktor ng utak. Naaalala ko na siya ngayon, si Raul. Kahit n a nawala



ko na yung litrato niya sa utak ko, binibigyang -anyo siya ni Pendong



habang humihiyaw sa mikropono‟t kinakaskas ang lumang gitara.





Para sa iyo ang gabing ito, Raul. Patawarin mo sana ko‟t



masyado kong madaling makalimot. Madalas nakakalimutan ko ng



tungkulin ko rin pala bilang tao na maghangad na pumiglas, lumipad

198





at lumaya. Hiling ko lang, sana tag-ulan noon nang mamatay ka sa



engkwentro. Kantahan mo kami pag nasa ulap ka na, paulanan mo ko



ng saya at pighati, at sana tanggapin nitong manhid kon g pagkatao



ang lahat ng aral na mapupulot ko sa iyo.









VII. The Making









Matagal na proseso bago ko natapos ang unang disenyo. Panay



palusot na ko sa project coordinator para ma-extend ang deadline.





Noong umpisa, naisip ko na dapat sarcastic ang dating ng



album. Tipong nangungutya, nagsasabing “HOY, TANGINA NYO



ANDITO PA RIN KAMI! AT ROCK „N ROLL PA RIN ANG BUHAY



NA TINATAGLAY NAMIN!”





Sa tingin ko kasi, matapos ang dalawampu‟t siyam na taong



paglikha nila ng matinong musika, halos walang maisukli kahit



pabuya sa pagod nila ang walang kasing-bulok nating lipunan na



kung ituring pa ang mga artist na wala sa mainstream, masahol pa sa

199





malansang isda. Paano ka mag-aalay ng sining sa isang lipunang di



mo maani ang mataos na respetong dapat sana‟y sa iyo, matapos



mong pag-alayan ng huling katas ng talino‟t pagod? Paano mo



pasasalamatan ang isang taksil?





Sige nga, sabihin mo sa akin kung paano. At ikukuwento ko



naman sa iyo ang sikreto ko noong gabing nag-record ng live album



ang Asin sa bistro.





Ang di ko alam, iba pala ang gusto ng Asin. Gusto nila masaya



ang design ng album nila. Napag-isip tuloy ako, bakit di ko agad



nasapol ang gusto nila? Nakakahiya ang sagot sa tanong na ito pero



sasagutin ko.





Hindi ko nasapol ang gusto ng kliyente kase masyado kong



nalasing sa posisyon ko bilang “official album designer”. Inilagay ko



sa pedestal ang sarili ko, hanggang sa tuluyan na kong malayo sa



subject. Di maganda ang naging resulta.





Rewind tayo ng ilang araw, noong gabi ng recording, noong



isang dipa lang ang layo ko sa kanila habang kinakanta nila ang



Damdaming Nakabitin, at kinukuhanan ko sila ng video. Sa

200





kalagitnaan ng kanta, may mga dumating at pumuwesto sa gawing



likuran ko.





Badtrip yung video ko dahil ang ingay ng mga bagong dating.



Tawanan sila nang tawanan, sigawan nang sigawan, walang pakialam



sa live recording na kasalukuyang nagaganap sa harap nila. At ang



dinig ko pa, mga artist din sila, mula sa iba‟t-ibang respetadong



banda. Di na nila nirespeto ang Asin, ginawa nilang background



music ng dakdakan nila. Sana sa labas na lang sila nagkuwentuhan at



nagtawanan at sigawan.





Tinapos ng Asin ang second set, at nagpa-alam sa mga audience.



Di ako nagpa-istorbo kahit kanino. Pinanood ko ang eksenang ito:



1. Ang mainit na pakikipagkamay nina Lolita at Pendong sa



mga taong dumalo



Dibdibang picture-taking with fans; santambak na group pics at sandamakmak na

solo pics.

2. Walang pagsidlang saya sa mukha ng isa‟t-isa



3. Walang bahid ng sarcasm sa mga ngiti ng tao. Lalo na sa



panig ng Asin. Ako lang pala ang sarcastic mag-isip. Wala

201





silang pagsisisi. Masaya pa rin sila sa ginagawa nila.



Hanggang ngayon.









Sa lala ng kasalanan ko, pwede na kong barilin, tadtarin, at



ipalamon sa mga pulitiko. Buti na lang binigyan pa ko ng isa pang



pagkakataon.









VIII. Play that funky music, white boy!









Birthday ng tito ko kaya nasa bahay nila sa Makati ang buong



angkan. Ang sentro ng salu-salo: Magic Sing!





Bilib na bilib ang lahat sa teknolohiya ng videoke. Lahat, nag -



aagawan sa mikropono, nag-uunahang kumanta. Sa kanilang lahat,



isa lang ang medyo nasa tono.

202





Dahil umiikot ang mikropono, maya-maya, si Papa naman ang



kakanta. Nag-request ng Bee Gees. Pero may nag-propose na mas



funky ang Jambalaya.





Mabuti na lang di ako umaalis ng bahay nang walang baong



sariling music. Nakatodo ang volume ng Velvet Underground sa



gasgas pero astig kong mp3 player.





Praise the Lord!





Di ako nagbiyahe mula Q.C. hanggang Makati para mabingi sa



pakikinig sa namamaos na boses ng pinsan kong trip na tri p kantahin



ang mga hits ng Aegis.





Tinanggal ko ang earphones ko nang si Papa na ang kakanta.



Naisip ko kasi, ngayon ko lang siya makikitang kumanta nang may



hawak na mikropono. Kumbaga, todohan na ito, hindi na ito



kantang shower.





Sinabayan siya ng ilang kamag-anak sa chorus.





Pagkatapos niyang kumanta, pumasok ako sa banyo at inatake



ng ikalawang pinakamalupit kong kaaway: LUMBAY.

203





Damang dama ko ang pagdating niya. Gradual, unti -unting



gumapang sa balat, pumasok sa katawan, at hinanda ko na ang sarili



ko. Maya-maya, mula sa buong katawan kong balot ng LUMBAY,



nag-akyatan silang lahat sa utak ko, inatake ang katinuan ko. Di ko



mapigil ang iyak.





Rewind nang kaunti:



1. Pinapakinggan ko ang sa tingin ko‟y pinaka-wala-sa-tonong-



rendition ng Jambalaya sa buong kasaysayan ng musika.



2. Nakiki-chorus ang mga kamag-anak kong wala sa tono‟t



sablay ang timbre.



3. Pinapanood ko si Papa, hirap na hirap sa pagkanta. Tipong



napasubo, dinadaan na lang sa tawa at pasayaw -sayaw.



4. Papasok ako ng CR. Inatake ako ng LUMBAY.



5. Di ko mapigil ang iyak.





Sasabihin ko na kung ano ang binili ko nang matanggap ko ang



una kong sahod sa una kong trabaho. Siguro alam mo na pero



sasabihin ko na rin. What the fuck, di ba?

204









Sasabihin ko rin kung bakit ako naiyak. Naiyak ako kase



habang kumakanta si Papa, nakita ko ang sarili ko sa telebisyon,



pero bata pa siya, grade four pa lang, nakatingin siya sa akin,



nakahawak sa tiyan, tawa nang tawa. Wala kahit isang kamag -anak



ang nag-react kaya iniisip kong ako lang ang nakakita noon.





“FUCK MUSIC!”, nakasulat sa notebook na hawak niya.



Gumugulong na siya palabas ng screen sa katatawa sa akin. At alam



ko kung bakit niya ko pinagtatawanan.









IX. Magulang 2









Nagluto si Papa ng biko noong birthday ko. Habang kumakain



kami sa mesa, naglakas-loob uli akong banggitin ang gitara.

205





—Pa, asan na yung gitara ko? tanong ko.





—Wag ka nang mag-aral mag-gitara, sagot niya. —Walang



magtuturo sa iyo. Wala ni isa man sa atin ang marunong gumitara.



Kanino ka magpapaturo?





—May kaibigan akong marunong gumitara. Tuturuan niya ko.





Umiling-iling siya.





—Alam mo, hindi basta-basta matuto mag-gitara. Take it from



me.





Di na ako matututong maggitara.





—Para matuto kang maggitara, dapat may kasambahay kang



marunong gumitara at wala kayong gagawin maghapon at magdamag



kundi magpraktis. Dig this: Maghapon-magdamag, all-day-everyday,



24/7, wala kayong gagawin kundi magpraktis. Dapat dumugo lahat ng



daliri mo.





Di na ako magiging musikero.

206





—Kahit may kaibigan ka pang sinasabi na marunong



maggitara, walang kapupuntahan iyon. Maliban na lang kung dito



natin siya patitirahin. Eh, di naman puwede yon di ba?





—Pa, eh di araw-araw kahit isang oras lang pupunta ko sa



kanila, magpapaturo akong maggitara. Matututo rin ako.





—Hay, naku. Maniwala ka gud sa akin dahil dinanas ko na yan!



Noong nag-aaral ako sa Cebu, nakatira ko sa boarding house,



maghapon-magdamag akong tinuturuang maggitara araw -araw ng



kasambahay ko. Pero di ako natuto. Kasama ko na siya sa bahay



noon. Paano na lang kung magkahiwalay kami ng bahay? Kagaya ng



sinasabi mong kaibigan mo na malayo dito ang bahay? Paano ka



matututo? Magsasayang lang tayo ng perang pambili ng gitara.



Magkano rin iyon. Pambili na rin ng fishing rod iyon, mantakin mo.



Saka alam mo namang gipit din tayo sa pera. Saka kung ako sa iyo,



kalimutan mo na „yang gita-gitarang iyan. Walang kapupuntahan



iyan. Saka di ka rin sisikat at yayaman diyan dahil wala sa dugo



natin ang music.

207





Bago matulog, sinulat ko ng pentel pen sa likod ng notebook



ko:









Tama si Papa, naisip ko. Wala akong pag-asa sa music dahil



wala sa dugo namin ang pagiging musikero. Markado na sa akin ang



gabing iyon habambuhay. Ginawa ko ang sa tingin ko pinaka -



mabigat na desisyon sa buong buhay ko. Iyon ang gabing pinatay ko



ang pinakamagandang musang naligaw sa nakakahon kong isipan.



Pinatay ko siya dahil wala na siyang silbi. Sasakit lang ang loob ko



tuwing makikita siya.





Di ko pa alam noon na paglipas ng ilang taon, pagtatawana n ng



batang ako ang matandang ako, at maiiyak na lang ang matandang



ako sa loob ng c.r. habang ginugunita ang ala-ala ng pinatay kong



musa. Walang awa ko siyang pinugutan ng ulo, pinagputol -putol ang



mga parte ng katawan, at tinapon sa kangkungan para kain in ng mga



hayop na gala. At tawa nang tawa ang nangungutyang batang ako sa

208





nagsisising matandang ako kung bakit ibinase ko ang desisyon ko sa



payo ni Papa. At parang salita ng Diyos na nakamarka sa isip ko na



di ako maaaring maging musikero, dahil, sabi ulit ni Papa. Lahat ng



desisyon ko sa musika, ibinase ko sa payo ng taong walang alam at



walang hilig sa musika. Isa sa mahahalagang desisyong gagawin ko sa



buhay ko, nakabase sa pananaw ng isang taong di kayang kantahin



kahit ang pinaka-simpleng mga kanta, tulad halimbawa ng



Jambalaya.





Kung babalikan ko ngayon, di ko rin masisisi si Papa. Ganoon



talaga siya, walang hilig sa sining. Dahil iba ang trip niya sa buhay,



hindi niya alam na sinira ng mga simple niyang salita ang isa sa mga



pundasyong inaasahan kong magsasalba sa akin sa mga panahong di



ko mahanap ang sarili ko. Oks lang, normal na may mga ganitong



issues talaga sa pamilya namin. Kasalanan ko kung bakit ako



nakinig, naniwala at nanalig.





Pero pangako ko sa sarili ko, hinding-hindi ko ito gagawin sa



anak ko.

209







X. Ang Malaking Sikreto









YAN ANG ALBUM! Sabi raw ni Pendong nang makita ang huli



kong ginawang design. Pati kay Lolita, aprub! Nakahinga ko nang



maluwag. Salamat po sa karanasan.









Sasabihin ko na ang malaki kong sikreto.





Noong gabi ng live recording, may natagpuan ako. Sa pag -dive



ko sa memory lane habang umiindak sa tugtugan ng Asin, nakita ko



ang pising dating tangan ko. Nakita ko kung saan ko siya nabitiwan.

210





At sinasabi ko sa iyo, ngayon din, hahawakan ko ang pising ito,



at itutuloy ang naantala kong biyahe.

211



KULAY



para kay Chicken Shit



Ni Rolando B. Tolentino



1. Maroon na Kotse



Bawat maroon na kotseng dumaraan ay napapalingon ako. Ang dami palang maroon na



kotse rito! May maroon na Honda, may maroon na Toyota, may maroon na Mitsubishi. Pero



tiyak kong hindi maroon na Kia o maroon na Benz. Napakaraming maroon na kotse sa isang



university na may loyalty sa maroon na kulay.



Four o three ba ang dulo ng iyong plate number, hindi ko na maalaala. Pero hindi naman



ito ang kaagad kong nakikita. Marami ring palang maroon na kotse na ang plate number ay three



at four. Maraming mga maroon na kotse, pakaliwa‘t pakanan, umaarangkada‘t bumabagal,



luma‘t bago. Walang diperensya, lahat sila‘y nagpapaalaala sa akin.



Sa ilalim nitong acacia lane sa university oval, naglalakad akong mag-isa. Papagabi na‘t



paratihang umaasa na makita ang iyong kotse. At kapag nakita naman, di ko naman alam ang



gagawin. Pero kahit kailan, hindi ko pa natatanaw ang iyong maroon na kotse. O baka naman,



nalalampasan na lamang ako. Kaya paratihan, patanawtanaw pa rin sa lahat ng maroon na



kotseng naligaw, napadayo‘t nanunundo rito. Nakakabalaho ang pagtingin at pag-aantay.



Sa isip ko, mayroon din namang maroon na kotseng sumasabog, maroon na kotseng



nasusunog, maroon na kotseng kina-carnap, maroon na kotseng naglalaho na lamang na parang



bula.



Ako‘y muli‘t muling titingin pa rin. Dahil nga baka ito ang maroon na kotse sa



dinamirami ng maroon na kotse. Baka ito ang higit na maroon na kotse. O dahil nga ang



maroon na kotse ay isang maroon na kotse lamang.

212









2. Dilaw na Bubuyog



Wala kang tanong, kaagad ka pang sumagot nang ―oo.‖ Nanood tayo ng Rama Hari sa



Cultural Center of the Philippines. Habang naghihintay ng palabas, ipinakilala kita sa mga



kasamahan ko sa Ateneo, sina Beni, Danny, Jonathan, Jerry, Mel, Kalon at Mrs. Quetua. Hindi



ko alam kung natuwa ka naman sa palabas. Pero hindi mo ipinakitang inaantok ka.



Komportable ka naman, katabi sina Glecy at Ginebra, at tanaw sina Nic at Pete. Nang



nakipagdigma si Rama, kasama ng mga kaalyadong unggoy, natuwa naman tayo sa movements



at costumes.



Sa 10-minute break, habang naninigarilyo ka sa driveway ramp ng CCP, tanaw ang



higanteng fountain, may lumapit sa aking babaeng kakilala. Nanghingi siya ng sigarilyo sa iyo.



At nag-pour out ito ng kanyang problema sa lover. Tumunog ang chime sa lobby, patapos na



ang break. Papasok ay sinabi ko sa iyong hindi ko naman ka-close ang babae. At ang tinutukoy



niyang lover ay isang babae rin. Tinanong ko kung nagulat ka. At tila naman natuwa ka sa



posibilidad ng iba pang mundo.



Natapos ang palabas. May reception sa third floor. Inaya kita para batiin si Nic, ang



librettist ng performance at siya ring nagbigay ng compli tickets natin. Wala si Nic sa itaas, kaya



habang naghihintay ay uminom na lang tayo ng red wine at tumikim ng ilang pika-pika.



Nakasandal ka sa poste, tila hindi ka kumportable habang tinatanaw ka ng mga bakla at iba pang



tao. Nang tila hindi pa darating si Nic ay inaya na kitang bumaba. Sabi mo kasi‘y baka may



maaga ka pang lakad bukas.



Pababa ay nagkita tayo ng mga taga-Ateneo, tinanong kung paalis na tayo. Pababa ay



nakita ko si Nic na naninigarilyo sa labas ng lobby. Sabi ko sa iyo‘y sandali lang at babatiin ko.

213



Kinamayan ko si Nic, nag-congratulate at nagpasalamat sa kanya. Tinanong niya kung kanino



napunta ang extra-ticket kong hiningi. Lumingon ako‘t itinuro kita. Lumapit ka nang kawayan



kita. Tila wala naman sa iyo. Nagpasalamat ka rin kay Nic. At ako naman kay Badong, ang



production designer. Dahil paisa-isa lang ang salita at conversational skills ni Badong, naubos



ang aming pleasantries. Pareho na kaming nakatanaw sa tila animated ninyong usapan ni Nic.



Patungo sa sasakyan ay tila naman sincere ang pasasalamat mo sa pag-imbita sa iyo.



Inihatid kita sa inyo at ako ay tumungo sa aking bahay sa Quezon City. Tila naman maganda



ang naging gabi, kahit na gusto pa sanang pahabain.



Tila naman, tila maganda pa sa Jollibee na may katiyakan ang lahat ng produkto sa lahat



ng branch sa lahat ng lugar nito sa mundo. At nakakaumay ang mga katiyakang ganito, tulad ng



katiyakan ng walang katiyakan sa iyo.







3. Abong Syudad



Dati‘y tinatanaw ang kagandahan ng kaunlaran at modernong syudad. Ilang beses pa



lang akong napapadaan sa highway paakyat ng Antipolo. Sa may original na Padi‘s Point, tanaw



ang syudad, nababalutan ng abong hangin. Ang may Ortigas Center ay parang relic ng naunang



sibilisasyon. Habang papalayo ang tingin, lalong lumalabo ang kapaligiran. Nagmimistulang



abo ang dakong paroon. Abo rin ang kulay ng ubod ng syudad, habang tumataas ang tingin, may



kalinawanagang unti-unting natatamo. Nagsasalising kulay asul at puti ang langit kapag araw, at



kulay itim kapag dilim. Tanging ang ilaw sa bahabahagi ng syudad ang nagbibigay ng artipisyal



na liwanag sa kapaligiran. Hindi para makita ang paligid, pero para matanto ang lawak at sakop



nito.

214



Sa aking pagtanaw rito sa Antipolo, walang tao ang syudad. Tila walang laman ang loob



ng mga struktura gayong alam nating may anim na milyong katawan ang kumikilos dito sa



syudad. Nagkakadaupampalad sa isang iglap. At sa ibang iglap, kagyat na nagpapaalam.



Narito ako ngayon at nakatanaw sa syudad, at naalaala ko rin kung paano kita nakikita



noong unang panahon. Hindi ba‘t para ka ring aparisyon ng sinauna? Minsan, sa isang maikling



panahon, nagbigay-pag-asa sa monotonomiya ng karahasan sa abong kapaligiran. Pero ang



aking nakaligtaan ay ikaw ay ikaw dahil sa abong nakabalot sa paligid. Hindi ikaw ang pag-asa,



hindi ikaw ang katubusan. Ikaw at ang kapaligiran ay magkabahagi. Ikaw ay nabahiran na,



kundi man nasaniban na, ng itim mula sa paligid sa iyong budhi. Ikaw ay sumasamsam ng lakas



mula sa abo. Gayundin, ang abo ay sumasamsam ng lakas mula sa taong katulad mo. Kahit



manakanaka‘y marami pa rin kayong naglipana rito sa lupa ng abang abong syudad.



Nakatungtong nang hindi sumasayad ang talampakan sa lupa. Iba na ang anak ng diyos.

215



At para akong sugo na walang kapanalig. Tanging ako ang nakakakita nito sa iyo.



Nakakatuwa kang tao pero hindi ka naging mabuti sa akin. Ako, mag-isa, ang



nakatanghod sa malapit na distansya nitong abong syudad. Ikaw, at ang mga tulad mo sa



kapatiran at konfradia, ang pumapailanlang naman sa ubod nito. Ano ang natatanaw



ninyo mula diyan, na sa akin ay sa dakong paroon, ang dito?









215

216





ANG MGA APO

Ni Edgar Calabia Samar









1.





INILAPAG NI ISIDRO ang libro sa mesa bago siya naupo. “Anlakas ng ulan,” sabi niya

kahit kitang-kita na iyon sa basang-basa niyang buhok at t-shirt. Dinampot ni Glen ang

librong halos kakulay na ng orange na pabalat ang mga papel sa loob. Nakilala niya agad

ang nagsulat, pero sandali rin siyang nagduda. Constante C. Casabar. Tumingin siya kay

Isidro, bahagyang nakakunot ang noo. “Kaano-ano mo, ser?” si Isidro. “Bakit?” Binuklat-

buklat niya ang mga pahina. Salin na sa Tagalog. “Gusto ko lang malaman, ser.” Hindi siya

naging malapit sa lolo niya. Dito na siya sa Maynila ipinanganak at lumaki. Mas malapit

siya sa pamilya ng Mama niya na kasama niyang lumaki sa iisang compound. “Lolo ko. Sa

ama.” Kahit pakiramdam niya‟y alam na iyon ni Isidro. “May gusto lang akong malaman,

ser.” Hindi agad nagsalita si Glen dahil ang nasa isip niya: Anong oras ba titila ang ulan na

„to. “Sige, order ka na muna.”









2.





“Nabasa mo na ba „yan, ser?” Ngayon lang napansin ni Glen na may punto sa pagsasalita si

Isidro. Mahina‟t malamya na parang may pag-aalangan. “Taga-saan ka nga pala… teka, ano

ba‟ng itatawag ko sa „yo?” Ang totoo‟y hindi niya mahagilap ang pangalan ng estudyante

niyang ito. Kasisimula pa lang naman ng sem, katwiran niya sa sarili. “Sid na lang, ser. Yun

ang tawag ng coursemates ko. Pero sa „min, RJ. Binaligtad lang, ser. Junior ako, JR dapat.”

Tumango lang si Glen. “Cagayan ako, ser. De Oro.” “Freshman.” Puro freshman naman

talaga ang estudyante niya. “Freshman, ser. Journ.” “Anong meron sa librong „to?” Hindi

pa iyon nababasa ni Glen. Wala siyang nabasang kahit anong isinulat ng lolo niya. “Hindi



216

217





n‟yo pa nabasa, ser?” Gusto sanang iwasan ni Glen ang tanong pero naunahan siya ng pag-

iling niya. “Ginagamit n‟yo sa klase?” Baka gustong ma-interview si lolo, naisip ni Glen.

Journalism. At ngayon, magiging tulay pa siya sa lolo niyang bukod sa hindi naman talaga

niya nakilala‟y patay na patay na. “Last sem, ser. Phil Lit.” “O, e bakit dala mo pa ngayon?”

“Hindi mo pa ba nababasa „to, ser?” Binuklat-buklat ni Glen ang libro at saka tiningnan ang

nakasulat sa likod. “Di ko field „to.” Sa tonong ang ibig sabihin ay dapat alam na ng kausap

na hindi siya mahilig magbasa ng kuwento-kuwento. “Kahit sa lolo n‟yo, ser?”

Nakakaramdam na ng bahagyang pagkainis si Glen. “Uray nu Ilokano, ser?” Napatitig si

Glen sa estudyante. “Akala ko ba, sa Cagayan ka.” “Wen, ser, ngem Ilokano met ni Lolok.”

“Hindi ako nag-i-Ilokano.” Si Isidro naman ang napatitig sa teacher niya sa General

Chemistry. “Hindi ako marunong mag-Ilokano, Sid. I was born here. Dito na „ko lumaki.”

“Nasaan na ang lolo mo, ser?” Interview, interview, sa isip ni Glen at lalong gusto na niyang

makaalis doon. Kung bakit sa labas ng campus pa sila nagkita. Napasulyap siya sa estatwa

ni McDo na lifesize, kahit wala naman talaga itong totoong buhay na pagbabatayan ng

lifesize nito. Pulang-pula ang labi at nakapamaywang ang kaliwang kamay habang

nakakaway ang kanan. O nakikipag-high five ba iyon? Basta mukhang inaasar siya. “Nasa

high school pa lang „ata ako nung mamatay s‟ya.” Kung feeling makata lang mag-isip si

Glen, maiisip niya: Parang binabagyo ng kung anong lungkot ang mga mata ni Isidro. Pero

hindi niya naisip iyon. Kapag di sinasadyang napapatingin siya sa mga mata ni Isidro,

palagay niya‟y hindi repleksiyon ng mukha niya ang makikita niya roon. Mga atomo. Mga

formula. Kapatid ba ito sa labas ni Papa? May iba bang pamilya si Lolo kaya di rin malapit

dito sina Papa at Tito Ronnie? Bahagya nang bumuka ang mga labi ni Isidro nang muli itong

magsalita. Nakaramdam ng bahagyang kaba si Glen na hindi rin niya maintindihan. Para

saan pa? Ano kung malaman niya ngayon na totoo ang iniisip n‟ya? “Ser, ano, dito kasi sa

nobela,” itinuro ni Isidro ang pangalan ng tauhan sa unang linya ng unang pahina ng unang

kabanata: Salvador. Nanginginig pa ang daliri. “Iyan, „yan, ser, si Apo „yan, si Apo „yan e.”

Ang nasa isip ni Glen, magtatapos na ang Nobyembre, ang lakas pa rin ng ulan.









3.



217

218









Iniuwi ni Glen ang libro. Bilingual edition. May salin sa Tagalog, may orihinal sa Ilokano.

Salin ng isang Duque. Pamilyar ang pangalan, pero hindi na niya pinag-isipan pa. Puno ng

guhit ng colored pencil ang iba‟t ibang linya sa parehong bersiyon. Mukhang parehong

binasa ni Isidro. May mga marginal notes pa, pero hindi niya maintindihan lahat. Hindi

Tagalog, hindi Ilokano (sa palagay niya). Mukhang Bisayang English. Ateneo de Manila

University Press ang publisher, noon pang 1993. Ilang taon siya noon, pito, walo?

Nagsisimula pa lang siyang matutong magbasa noon. Hindi siya sigurado kung bakit niya

iniuwi ang libro. Wala naman siyang oras para basahin ito ngayon. Pangatlong sem na

siyang nagtuturo pero di pa siya nasasanay sa routine. O baka nga dahil tatlong sem pa lang.

Kahit walang gaanong bago sa course content, nagbabago naman ang mga estudyante kaya

parang kailangan lagi ng panibagong paghahanda. MWF lang ang mga klase niya pero

tuwing gabi ng Linggo, Martes at Huwebes, kinakabahan pa rin siya. Iyung mga biglang

kaba nang walang dahilan habang nakahiga na at matutulog. Gaya ng kaba sa loob ng FX

kapag bigla niyang naisip kung napihit niya ba pasara ang gas pagkatapos niyang patayin

ang stove nang magpakulo siya ng tubig na ipinangkape niya bago umalis. Iyong kaba na

dahil sa posibilidad ng isang maliit na pagkakamali, makasunog siya ng isang buong

compound at mapatay niya ang lahat ng mga kamag-anak niya sa mother‟s side. Sa Cubao

siya bumababa mula sa Sto. Niño sa Marikina at doon na siya lumilipat ng panibagong FX

na dadaan sa España. Pagpasok niya sa gate sa P. Noval malapit sa Beato Angelico, habang

naglalakad na sa loob ng campus, naroon pa rin ang kaba. Paano kung biglang may itanong

ang estudyante na hindi niya alam? Madaling sabihin na di ko alam, pangungumbinsi niya sa

sarili, kahit hindi noon inaalis ang kaba. Paano kung mapadalas ang paghi-hindi-ko-alam

niya? Siya man ang estudyante, naisip ni Glen, pagreresaynin niya ang teacher. Hindi niya

puwedeng gamiting shield na bago pa lang siyang teacher. Iyon na nga, bago pa lang siya.

Wala pang tenure. At paano mapepermanent ang laging nag-a-Idon‟tknowtheanswer sa mga

estudyante niya? Ang pakunsuwelo na lang niya, at ito ang medyo nakakabawas ng kaba,

kahit anong mangyari e mas magaling naman siguro siya sa kahit na sinong estudyante niya.

At ilan bang estudyante ang nagtatanong ngayon na interesado talagang malaman ang

sagot? Inilapag niya ang libro ng lolo niya sa ibabaw ng reading table niya. Dinampot niya



218

219





ang mahigit 1,000 pahina na Chemistry textbook ni Raymond Chang na ni-require niyang

bilhin ng mga estudyante niya. Okay, dapat, at least two chapters ahead of my students,

naisip niya. Huwebes ng gabi. Muli, naramdaman niya ang kaba.









4.





Nang makita niya si Isidro sa klase kinabukasan, saka lang naalala ni Glen ang libro ng lolo

niya. Naiwan niya ito sa bahay. Kapag kinuha ito ngayon ni Isidro, naisip niyang

magdahilan na lang na binabasa niya kaya sa kaniya na muna. Naalala niya ang sinabi nito

noong magkita sila nang sinundang araw: “Lolo ko ser ang Salvador d‟yan.” Iyung tauhan

sa nobela, iyung bida sa nobela. “Gusto ko lang malaman ser kung bakit ginamit ng lolo mo

rito ang kuwento ni Apo.” Gustong matawa noon ni Glen sa sarili niya. Kung ano-ano pa

ang inisip niya. Interview, anak sa labas. Heto pala‟t malayong-malayo ang nasa isip ni

Isidro. Ilang taon lang ba ang tanda niya rito? Apat-lima? Pasulyap-sulyap siya sa bahagi ni

Isidro habang tinatapos niya ang lecture niya tungkol sa “Chemistry: The Study of Change”

na unang chapter ng libro ni Chang. Pero iniiwasan niyang magtagpo ang mga mata nila.

Madaling gawin iyon dahil nasa pinakagilid ito ng ikatlong row sa bandang kaliwa niya. Sa

gilid ng paningin niya, tingin niya‟y nakikinig naman ito sa kaniya. O nagpapanggap na

nakikinig, gaya ng sa palagay niya‟y ginagawa ng halos lahat ng mga estudyante niya. Ni

hindi science major ang mga ito. Mga napilitang mag-Chem dahil kailangang kumuha ng 6

units na NatSci dahil nasa core curriculum. Parang hinihila niya ang 50 minuto ng pagpipilit

na maging interesting ang paksa nila sa halos 40 estudyante na sa palagay niya‟y walang-

walang pakialam sa mga pinagsasasabi niya. Walang pagbabago. Hindi na naman dumating

ang tanong na kinatatakutan niya. Walang dumating na kahit na anong tanong. Hindi rin

siya mahilig magtanong sa mga estudyante habang nagle-lecture. Salita lang siya nang salita.

Sa Lunes, humanda sila sa quiz. Pagtunog ng bell, pinatay niya ang ilaw ng OHP at kinuha

ang acetate para ibalik sa folder ng mga visual aids niya. Isinara niya ang makapal na libro ni

Chang. Nakalabas na siya ng room nang lapitan siya ni Glen. “Ser, kamusta, ser?”

Nagkunwa siyang nabigla nang bahagya. “Sid.” “Kamusta ser?” Saka siya nagkunwa uling



219

220





noon lang naalala ang libro. “A, „yung libro. Binabasa ko, Sid. Binabasa ko lang. Puwede

bang sa „kin na muna?” Napangiti si Isidro. “Sige, ser, oo naman, ser.” At parang may gusto

pa itong sabihin pero sadyang iniwasan ni Glen na ungkatin pa iyon. Sa isip niya‟y hindi na

niya kalilimutang bitbitin ang libro sa Lunes para matapos na ang hindi niya maintindihan

kung ano bang nasimulan nila tungkol sa librong „yun.









5.





Nang iniaabot na ni Glen ang libro kay Isidro kinalunisan, hindi niya inasahan na yayayain

siya ng estudyante na pag-usapan ang nobela. Hindi niya siyempre iyon nabasa. Ni hindi na

nga niya ito nabuklat ulit simula nang iniuwi niya ito nang sinundang linggo. “May

pupuntahan ako ngayon, Sid.” Gusto niyang itanong kung ano‟ng kailangan nilang pag-

usapan tungkol sa nobela pero inunahan na siya ni Isidro, ang mahina‟t malamyang boses ni

Isidro na parang may pag-aalangan. “Kahit bukas, ser, o kung kelan ka p‟wede. May

kelangan lang akong malaman ser.” “Hindi ba puwedeng ngayon mo na itanong?”

Naglalakad na sila noon papunta sa faculty room nina Glen. Biglang kinabahan si Glen na

baka tanungin siya tungkol sa nobela at mahalatang hindi niya iyon nabasa, pero hindi na

rin niya mababawi ang tanong niya. Isa pa, naisip niyang mas mabuti na rin ang ganitong

madalian ang pagtatanong, madalian din ang puwedeng sagot niya. Mas mahirap „yung

mukhang binabalak ni Isidro na uupuan talaga nila ang pag-uusap sa nobela. Ano, hihingan

ba siya nito ng sarili niyang “pagbasa” sa nobela? Kung kumusta naman ang pagbuo ng

tauhan at banghay? Wala na siyang mahagilap na kahit anong alaala ng lit classes niya

noon, masama man o mabuti. Maaari niyang ibalik ang tanong kung sakali: Nakuha naman

ba ng lolo ko ang pagkatao ng lolo mo? Hindi siyempre alam ni Glen na kahit 1990 na

nalathala ang nobela sa aklat, nauna na itong naiserye sa Bannawag noong 1950‟s at binata

pa pareho ang mga lolo nila noon na kapwa maagang pinagulang ng digmaan. Binatang

Constante ang kaniyang Apo Ite. Binatang Salvador naman ang Apo Adoy ni Isidro. Halos

kasintanda niya ngayon ang lolo niya noong una nitong isinulat ang nobela. Ganoon din si

Isidro ngayon at si Salvador sa panahon ng nobela. “Ser,” matagal bago nakasagot si Isidro.



220

221





“Kamamatay lang kasi ni Apo nang una kong mabasa „to last sem.” Hindi interesado si

Glen pero nagpanggap siyang nakikinig. Sanay rin siya doon, gaya ng pakiramdam niyang

ginagawa ng mga estudyante niya. Naging estudyante rin siya, at hindi nalalayo roon ang

ginagawa niya sa mga klaseng hindi naman sa hindi niya gusto, pero hindi lang niya talaga

masakyan. “Kagagradweyt ko lang ng hayskul. Sabi n‟ya sa „kin nun,” nag-aalangan si

Isidro kung ipagpapatuloy ang sasabihin niya. Tumingin siya sa teacher niya. Mukha

namang nakikinig ito. Mukhang may simpatya. Nagpatuloy siya. “Sabi n‟ya sa „kin nun, ser,

pagluwas ko, pag dito ako nag-aral, dito sa Maynila, hanapin ko raw si Emerita. Hindi ko

alam kung sino si Emerita, ser. Di ko pinansin „yun. „Kala ko nag-uulyanin na si Apo.

Tapos, ano, namatay na nga siya.” Buntong-hininga. “Tapos nabasa ko nga „tong ano, „tong

nobela, ser.” At tumingin siya sa teacher niya. Parang inaasahan niya na alam na nito dapat

ang ibig niyang sabihin. Marahan namang tumango-tango si Glen nang bahagyang ikinunot

ang noo. Kunwa‟y naiintindihan niya ang kausap. “At nabasa mo itong nobela.”









6.





Siyempre pa, hiniram ulit ni Glen ang libro. Sabi niya‟y kailangan niya itong balikan

ngayong alam na niya ang kuwento sa likod nito. Pag-usapan na lang nila umano sa

weekend, dahil sa tantiya niya‟y matatapos na naman siguro niya iyon bago mag-weekend.

Sa isip niya‟y balak na talaga niyang basahin ito. Hindi dahil naintriga siya sa kung ano‟ng

kaugnayan ni Emerita sa lolo ni Isidro. Sino bang Emerita? At pakialam niya roon. Pero

dahil gusto lang niyang matapos na ang kung anumang pag-uusap na gagawin nila ni Isidro.

At para magawa „yun, mukhang hindi puwedeng magpanggap lang siyang nabasa ang libro.

Pagkauwi, binuklat niya ito agad. Pero hindi pa siya nakakatapos sa unang kabanata, naiinip

na siya. Bukod pa sa kakaiba para sa kaniya ang Tagalog nito. Ganoon ba magsalita ang

mga tao noong 1950‟s? Nalaman na niya siyempre na iyon ang taon ng tagpuan sa kuwento.

Binubuklat-buklat niya ang bahaging Iloko, pero wala talaga siyang maintindihan maliban

sa pailan-ilang salita, na alam kahit ng hindi Ilokano, gaya ng maestro, salaysay, klase.

Hindi naman niya ayaw sa panitikan. Ang totoo, mataas ang tingin niya rito. Kung tutuusin.



221

222





Kung sakali ngang pag-uusapan ito, gusto niya ring may masabi siya rito. Wala lang siyang

maisip na partikular na akda nang sandaling iyon maliban sa Noli Me Tangere, kaya panitikan

in general na lang. Ayaw naman niyang Noli na naman, e pinagsawaan na nga niya iyon

noong hayskul at college. Gusto niyang mayroon din siyang mabibitiwang opinyon. Na

pakikinggan din naman ng iba, siyempre, hangga‟t maaari. Pero mabuti na lang at hindi rin

naman ito pinag-uusapan ng mga kakilala niya, lalo na ang mga kasama niya sa pagtuturo.

Iyong saglit-saglit na pagtatagpo sa faculty lounge habang nagmimeryenda ay nauuwi sa

pag-uusap tungkol sa klase, sa estudyante, o sa kung ano ang nasa front page ng diyaryo o

ibinalita sa TV nang sinundang gabi. Pare-parehong hindi bahagi ng realidad nila ang

panitikan, ang pagbabasa ng tinatawag niya sa isip na kuwento-kuwento. Maliban kung

Harry Potter iyon o iba pang ginawang pelikula. Ang dahilan niya: wala lang talaga siyang

oras para magbasa. At least, magbasa ng panitikan, lalo pa ng nobela. Paano, gaya nga

ngayon, naiinip siya sa mga simula. Nakakailang pahina pa lang, binibilang na niya agad sa

isip niya kung ilang pahina pa bago matapos. Naiinis siya kung bakit kailangan pa niyang

basahin ang pagkahaba-habang kuwento kung ang mahalaga lang naman sa kaniya ay ang

wakas, kung ano‟ng mangyayari sa dulo. Pero naiinis din siya sa sarili kapag naiisip niyang

naiinis siya sa pagbabasa, kasi nga, dapat, paalala niya sa sarili, gusto niya ito. Walang

disenteng indibidwal, walang intelektuwal (naisip niyang wala sanang nakakabasa ng isip

niya habang iniisip niya ito), lalo pa ang isang akademikong gaya niya, na hindi nagbabasa

ng tula, kuwento o nobela, kahit pa malayo ang kinukuha niyang field dito. Pinilit niyang

makadalawang kabanata man lang nang gabing iyon, kahit hindi na niya naintindihan ang

mga huling tatlong pahina ng ikalawang kabanata. 23 pang kabanata, naisip niya. At

pakiramdam niya‟y pinaparusahan niya ang sarili niya.





7.





Pagmunihan muna natin ngayon ang pakiramdam na iyon ni Glen bago siya matulog nang

gabing iyon: Pinaparusahan niya ang sarili niya. Ano ang ibig sabihin ng pagpaparusa sa

sarili? Kay Glen, parusa ang anumang bagay na pilit ginagawa ng isang tao, o kailangang

gawin sa kaniya, nang hindi niya gusto, at wala siyang makuha kahit na katiting na



222

223





kasiyahan. Alalahanin natin na nagpapatong-patong ang dahilan kung bakit napilitan si

Glen na basahin ang nobela: 1) Napahiya na siya—sa sarili niya—na magpanggap na nabasa

na niya ito, pero mas kahiya-hiya na matuklasan ni Isidro—na estudyante pa naman niya!—

na nagpapanggap lang siyang nabasa na nga niya ito; 2) Nakakaramdam na siya ng

pagkainis sa masyadong pagbibigay ng halaga ni Isidro sa nobela (at lalo siyang naiinis dahil

hindi niya maisip na kaya niyang tumbasan ang paghahalagang iyon) at gusto niyang

wakasan ang anumang mga ilusyon (sa tingin niya) ng estudyante niya tungkol dito; at 3)

Dahil may paniniwala nga siyang dapat maglaan ng oras sa pagbabasa-basa ng panitikan

(ganito ang cultured man, at pilit niya siyempreng iwinawaksi sa isip ang posibilidad na

uncultured siya), mainam na pagkakataon na rin ito upang sa wakas ay makahanap ng

dahilan para magbasa—aba‟y estudyante pa niya ang nagpabasa sa kaniya! Sa mga dahilang

ito, pansinin natin ang dalawang bagay: 1) Labas sa nobela ang dahilan kung bakit niya ito

babasahin: hindi dahil gusto niya ang pagbabasa ng nobela o ang nobela mismo, kundi dahil

ito at ang pagbabasa lang dito ang nakikita niyang paraan para maisakatuparan ang tatlong

dahilang inisa-isa sa itaas; at 2) Hindi man lang pumasok sa isip niya ang obvious na bagay:

Lolo niya nga ang nagsulat ng nobelang ito.









8.





Anim na klase ang tinuturuan ni Glen. Anim na beses niyang inuulit ang lecture niya tatlong

beses isang linggo. Ikatlong semestre pa lang ng pagtuturo niya ng kaparehong subject—

General Chemistry—pero madalas nang parang nade-déjà vu siya. Nangyari na ito. O:

nakita ko nang mangyayari ito, sa isip-isip niya. Pero siyempre, nangyari na talaga iyon, at

noong bago nangyari (ulit) iyon, malamang na naiisip niya talagang mangyayari iyon (ulit).

Pare-pareho naman ang laman ng lecture niya, wala ring malaking pagbabago sa istruktura

ng silabus niya. Habang tumatagal nga lang, nababawasan nang nababawasan ang nako-

cover niyang chapters sa textbuk ni Chang. Ang pangangatwiran na lang niya, mas nagiging

realistiko lang siya habang tumatagal. Imposibleng matalakay ang laman ng buong textbuk

sa isang sem lang. At siyempre, mas gusto rin iyon ng mga estudyante: Mas kaunti ang



223

224





babasahin nila, mas kaunti ang pag-aaralan nila, mas maganda, mas mabuti. Itong mga

estudyante na pinagtatakhan ni Glen kung bakit hindi nasasakyan ang sense of humor niya.

Minsan, nagbabaon talaga siya ng jokes na palagay niya‟y swak naman sa lecture niya. Sa

palagay niya‟y binibitiwan naman niya ito sa sandali na mukhang hindi niya pinagplanuhan,

iyong sandali na mukhang awtomatiko lang ang naging pagdating nito sa kaniya noon

mismong sandaling iyon. Pero walang tawanan. Wala ang inaasahan niyang tawanan. May

mangilan-ngilan na napapangiti, pero mas lalo siyang kinakabahan sa mga ngiti. Iyong tawa

kasi, biglaang reaksiyon, walang pag-iisip. Pero iyong ngiti, iyong ganoong ngiti ng mga

estudyante niya, mukhang may kasabay na pag-iisip. At ano ang iniisip nila? Na kawawa

naman ang bagong teacher na ito, kabata-bata‟y humuhugot pa sa sinaunang baul ng mga

katatawanan. Siyempre pa, magpapatuloy na lang siya sa lecture niya, at magpapanggap

(nang matindi!) na hindi siya nag-joke, na hindi nga joke ang binitiwan niya. Biglang mag-

iiba ang tono ng boses niya, seryosong-seryoso, at kung minamalas-malas pa ang klase, bigla

siyang kakambiyo ng isang surprise quiz na ikagugulat din niya, dahil wala naman siyang

naihandang tanong. Kaya ipapabuklat niya ang textbuk para sagutan ang isang exercise at

doble-dobleng malas ang aabutin ng mga estudyanteng hindi nakapagdala ng textbuk nilang

napakakapal. Ang kakapal pumasok sa klase ko nang walang textbuk, sa isip-isip ni Glen.

Pero siyempre, ang hindi niya tinutumbasan ng salita sa isip niya pero palutang-lutang din

doon at naghahalo sa kimkim niyang pagkainis: Mga walang sense of humor.

Gayumpaman, dahil uulitin na naman niya ang kapareho niyang lecture sa mga susunod na

klase, ibubuwelo na naman niya ang baon niyang joke na bibitiwan niya ulit sa sandali na

mukhang hindi niya pinagplanuhan. Okey lang na hindi tumawa, basta‟t wala nang

makahulugang ngiti-ngiti pa! Napapagod siyang mag-isip sa pagbibigay ng kahulugan sa

mga ngiting iyon. Mas madaling magpanggap na hindi naman talaga siya nag-joke.

Pagdating niya sa klase nina Isidro, walang tumawa sa joke niya. Wala ring ngumiti kahit

bahagya, kahit si Isidro. Hindi na siya dapat kabahan, walang tawa, walang ngiti, pero

kumbakit lalong kinabahan si Glen.









9.



224

225









Hindi lumapit si Isidro kay Glen nang hapong iyon. Sadyang binagalan ni Glen ang

paglabas ng klasrum, at binagalan din ang paglalakad pabalik sa faculty room.

Nakikiramdam siya kung susundan siya ni Isidro. Pero wala. Huling klase niya ang klase

nina Isidro. Naisip niya na kung yayayain siya ni Isidro paglabas para pag-usapan ang

nobela, hindi siya magdadalawang-isip na pagbigyan ito. Hindi pa siya nangangalahati sa

nobela pero sa palagay niya‟y may masasabi na siya tungkol dito. Kilala na niya ang mga

tauhan, kung sino si Salvador, kung sino si Emerita. Palagay niya‟y alam na rin niya ang

pinupuntahan ng nobela—kung anong isyu ang pinoproblema nito. Sa karanasan ni Glen,

lagi namang may ganoon ang nobela—may isyu, at iyon ang dahilan kung bakit ito

isinusulat, sa palagay niya. Para ibunyag ang isang isyu. O higit pa sa isang isyu. Pero

walang Isidro na humabol sa kaniya at sumabay sa paglakad niya. Nakabalik na siya sa

faculty room at wala talaga. Habang nagche-check siya ng exercises ng mga estudyante niya,

naisip niyang mabuti na nga iyon. Kung nakalimutan na ni Isidro ang tungkol sa libro, hindi

na nila kailangang mag-usap, hindi na siya mapipilitang magsalita tungkol dito, hindi na

niya kailangang tapusin ang pagbabasa doon. Nakaramdam siya ng magkahalong

panghihinayang at pagkainis kung bakit kinailangan niyang basahin iyon sa simula‟t simula

pa lang. At bumalik sa isip niya ang mukha ni Isidro na hindi nakatawa, hindi nakangiti,

matapos siyang mag-joke sa klase.









10.





Nang sumunod na klase, sinabihan ni Glen si Isidro na sumunod sa kaniya sa faculty room.

Nang iaabot na niya sa binata ang libro na hindi na niya tinapos basahin, biglang

nagliwanag ang mukha ng estudyante. “Natapos n‟yo na, ser?” Hindi sumagot si Glen, hindi

siya umoo, hindi siya tumanggi. Itinuloy lang niya ang kunwa‟y pag-aayos ng kung ano-

anong mga papel sa ibabaw ng mesa niya. “Pag-usapan natin ser.” Para matapos na ito,

naisip ni Glen, kaya pumayag siya. “Hintayin mo „ko sa labas,” sabi ni Glen sa estudyante

niya. At magkasabay na nga silang lumabas sa Dapitan at pumasok sa Greenwich sa tapat



225

226





lamang ng bakod ng campus. Dahil hindi pa naitatanim nang matindi sa pagkatao ni Glen

ang pagiging teacher, maraming pagkakataong pakiramdam niya‟y estudyante pa rin siya

(paano‟y noong isang taon lang iyon!), hindi siya nakakaramdam ng anumang pagkailang na

kasama na naman niyang kumain sa labas, kahit pa nga ba sa isang fastfood, ang estudyante

niya. Naupo na muna si Glen sa tapat ng isang bakanteng mesa na pandalawahan. Pumila

naman si Isidro para umorder ng makakain niya. Habang pinag-iisipan ni Isidro kung anong

oorderin, pinag-iisipan naman ni Glen kung ano ang sasabihin niya. Alam na niya ang

isyung pagtutuunan niya ng pansin. Sumulyap siya kay Isidro na nakapila pa rin, may apat

pang nasa unahan nito bago ito harapin ng nasa counter. Kupas na asul ang maong nito.

Naka-tshirt na berde, kulay-lumot. At naka-sandals lang na itim. Halos kasintaas niya si

Isidro. Mga 5‟9”. Mas mapayat nga lang ito nang bahagya at mas kayumanggi ang balat.

Bakit pinoproblema nito ang nobela? Ano ngayon kung si Salvador nga ang lolo niya? May

hinala si Glen, batay sa mga nabasa niyang kabanata sa simula ng nobela, na hindi iyon ang

isyu rito. Sinipat ulit ni Glen ang estudyante niya sa General Chemistry. Journalism major.

Mahilig magbasa. Taga-probinsiya. Hindi tumatawa sa joke niya. Ni hindi ngumingiti.

Kasapi ba ito ng The Varsitarian? Inilista niya sa utak na titingnan ang pinakabagong labas ng

pangkampus na pahayagan ng mga Tomasino. Malamang, magkaroon siya ng ideya kung

tama ba ang hinala niya rito sa estudyante niya. Nasa tapat na noon ng kahera sa counter si

Isidro. Sinusundan ba nito ang yapak ng lolo niya? Nakapunta na ba ito sa Ilocos? Naalala

ni Glen na daig pa siya nitong marunong mag-Ilokano, kahit sa Cagayan de Oro na isinilang

at lumaki. Nagbi-Bisaya pa. Siya, Tagalog at Ingles lang ang alam. Bihira pa niyang

magamit ang Tagalog, dahil paano naman niya matatalakay ang General Chemistry sa

Tagalog? Kahit iyon pa lang pamagat ng kurso, hindi na niya alam kung paano isasalin.

Kimika. Parang joke. “Ser, ikaw, hindi oorder?” Inilapag ni Isidro ang softdrinks niya sa

mesa at dinampot ang number ng inorder niya at isinabit ito sa stainless na sabitan na nasa

gitna ng mesa nila, katabi ng hotsauce. “Sa bahay na „ko,” sabi ni Glen, na ang ibig din

niyang sabihin, hindi niya inaasahang magtatagal sila. “Ano‟ng trabaho ng mga magulang

mo, Sid?” Bumubuwelo na si Glen para sa isyung gusto niyang buksan. Mainam na siya ang

magbigay ng direksiyon kung paano nila pag-uusapan ang nobela. Mahirap nang mapunta

sila sa kung saan-saan at hindi niya masabi ang mga dapat niyang masabi na sa palagay



226

227





niya‟y magpapatunay sa kaharap na hindi lang niya nabasa ang nobela, naintindihan pa

talaga niya ang sinasabi nito. “Walang trabaho ngayon si Papa, ser, si Mama, teacher.”

Lalong naging interesado si Glen. Aba, hindi lang niya naintindihan ang nobelang hindi

niya natapos basahin, mukhang kaya rin niyang magbasa ng tao. “Sa college?” “Sa grade

school. Elementary school sa „min. Public.” Tumango-tango si Glen. Mas swak. Kumbakit

nakakaramdam siya ng excitement. “Kayo, ser?” Nabigla siya. Hindi puwedeng mawala sa

kaniya ang manibela ng diskusyon. Hindi dapat siya tumitigil sa pagsasalita. “Nasa States na

sina Papa. Mag-isa ako sa bahay, Marikina. Pero katabi ko mga Tita „ko.” “Malayo pa pala

ang inuuwian mo, ser.” Dumating ang order ni Isidro, single na pepperoni with cheese. Apat

na maliliit na slices. Inalok niya si Glen. “Sige lang,” sabi nito.









11.





“Ano ba‟ng tingin mo sa nobela?” Si Glen. Kailangang siya ang umopensa. Mas madaling

gumawa ng tanong kesa sagutin ang tanong ng iba, lalo pa sa mga pagkakataon kung kailan

hindi pa tiyak kung gaano karami ang alam ng kausap tungkol sa paksa. Mahirap nang

isabak ang sarili, naisip ni Glen, kahit pa may isyu na siyang puwedeng buksan, kung sakali

mang kailanganin. Pero reserba iyon. Hindi kailangang gamitin agad kung hindi kailangang-

kailangan. Tumingin sa kaniya si Isidro. “Si Apo kasi „yon, ser.” Na para bang hindi ko pa

alam, sa isip-isip ni Glen. Pero kailangang maging kalmado siya. Kailangang matapos na

ang pag-uusap sa araw na ito. “Ser, wala masyadong ikinukuwento si Apo sa buhay n‟ya

n‟on sa Ilocos.” “Paano mo ba nasabing lolo mo „yon?” Inalala pa ni Glen kung may himig

ba ng pagkainis sa pagkakatanong niya. Mukhang wala namang nahalata si Isidro. “Ser,

pareho sila ng pangalan.” Kumunot ang noo ni Glen, iniisip kung ano ba ang apelyido ni

Salvador. Hindi niya maalala, hindi rin niya maalala kung nabanggit ba ito sa mga nabasa

niyang kabanata. Iba ang pagbasa ni Isidro sa pagkunot na iyon ng noo ng teacher niya.

“Ser, si Mama ang anak ni Apo. Pero kasama namin s‟ya sa bahay. Siya na „yung nagpalaki



227

228





halos sa „kin.” “Yung Papa mo?” “OFW, sa Saudi. Pero narito s‟ya ngayon, sa Cagayan.”

Nabubuo nang nabubuo ang teorya ni Glen. Tungkol sa paggawa. Tungkol sa kapitalismo.

Pinakiramdaman niya ang kaharap. Tibak ba ito? Hindi niya alam kung paano maging

tibak, basta‟t pakiramdam lang niya‟y matindi ang opinyon ng mga ito sa isyung

panlipunan. Iyung mga masyadong passionate. Iyung mga sumisigaw sa kalye. Teka, ano ba

ang nasa TV Patrol kagabi? Hindi na naman niya inabutan ang balita. Basta, tingin niya‟y

ganoon ang isyu sa nobela. Ang itinatayong pabrika sa probinsiya. Ang kabilaning mukha

ng progresong dala umano nito. Natutuwa si Glen sa sarili niya na naiisip niya ang mga ito.

Ang pang-aapi sa manggagawa! Ang panunupil sa indibidwal! Pinipigilan niyang mapangiti

dahil baka kung ano‟ng isipin ng kaharap niya. Ngayon lang niya nagamit, sa pagkakaalala

niya, kahit sa isip lang, ang mga salitang iyon. Proud na proud siya sa sarili niya. Pero

kailangan niyang magpigil. Reserba iyon. Kailangang tamang-tama ang timing kapag sinabi.

“Dahil lang sa pangalan? Pangkaraniwan naman „yun.” “Ser, at „yung ibang detalye.

Nababanggit ni Mama „yun, madalas pag wala si Apo. Pahapyaw. Ang pabrika. Ang lolo ni

Apo na inabot pa ni Mama.” “Iyung nakain ng pating ang paa kaya naputol?” Inabot pa ni

Glen ang kabanata na iyon, at mainam na pagkakataon iyon sa kanya para ipamukha kay

Isidro, kung sakali mang may pagdududa ito, na nabasa niya talaga ang nobela. “Opo, ser.

Nung mabasa ko ang detalyeng „yun sa nobela, kinabahan na „ko. Kasi, sakto. Pero ayoko

pa ring isipin. Pero habang tumatagal nang tumatagal, lalong humihirap isiping nagkataon

lang.” Inilayo na ni Glen ang usapan. Kapag sumulong pa nang sumulong ang kuwento,

mapupunta na naman sa teritoryo ng nobelang hindi niya kilala dahil hindi pa niya

nababasa. Gusto niyang diretsahin ng tanong ang kaharap: Ano ba talaga ang gusto mong

mangyari? “At ang lolo mo, walang ikinukuwento noon?” Timpi, Glen, timpi. “Wala, ser.

Kahit ano.” “Ang lola mo?” Sandaling katahimikan, parang sa pelikula, naisip ni Glen.

“Maagang namatay, ser. Di ko na inabot. Dalaga pa raw si Mama.” “Si Emerita?” Ang

nobya ni Salvador. Hindi alam ni Glen na sa katapusan ng nobela, kasama ngang lilipat ni

Salvador at ng pamilya niya si Emerita patungong Cagayan de Oro. At iyon ang palaisipan

kay Isidro. “Iyon na nga, ser. Hindi Emerita ang pangalan ng lola ko. Tinanong ko si Mama

nang mabasa ko „yung nobela last sem. Noon ko naisip „yung sinabing pangalan ni Apo

noon. Nung malaman nga niyang puwedeng mag-Maynila ako sa college. Sakto talaga.



228

229





Kinilabutan ako. Tinext lang ako ni Mama. Wala siyang kilalang Emerita.” Biglang parang

gustong hiramin ulit ni Glen ang libro. Mukhang hindi na rin niya masasabi ang isyung

pangreserba sana niya.









12.





Matagal na walang nagsalita sa kanilang dalawa. Noon lang napansin ni Glen ang

tumutugtog sa radyo ng Greenwich. Hindi niya kilala kung anong banda, pero malamang na

foreign. Sa pandinig niya, magkakapareho na ang tunog ng mga iyon. Puro sigaw.

Vindicated! I am selfish, I am wrong! I am right, I swear I’m right! Okay, anlabo nun a, sa isip-isip

ni Glen. Hindi niya rin masakyan. Pero sigurado siyang wala sa kanya ang problema. Kailan

pa ba siya huling nakinig ng music? Saka niya napansin na lahat nung tatlong estudyanteng

kapapasok lang, may nakasaksak na earphones sa tenga. Pero nag-uusap-usap pa rin sila

habang nakapila sa counter. Tumingin siya kay Isidro na ubos na noon ang inorder na pizza

at mukhang tumatango-tango nang bahagya kasabay ng tunog ng kanta. “Pa‟no?” sabi ni

Glen.









13.





Nang maghiwalay sila ni Isidro, naisip ni Glen na mag-email sa Papa niya. Sino si Emerita?

Kung kilala nga ng lolo niya si Salvador at isinanobela pa ang buhay nito, malamang na

kilala rin nito si Emerita. Baka nabanggit man lang kahit minsan ng lolo niya sa Papa niya

ang pangalan na „yun. Pero naisip din niyang matagal na siyang hindi nangungumusta sa

mga magulang niya. Nasanay na rin siyang wala halos silang komunikasyon. Nang

maghiwalay sila ni Isidro, dumaan siya sa National Bookstore sa Recto para hanapin ang



229

230





kopya ng libro. Mabuti‟t meron. Bumili siya at nag-LRT hanggang Katipunan. Sa

Katipunan siya sumakay ng FX na biyaheng SSS. Pagkatawid ng tulay, bumaba na siya sa

bayan pa lang. Naglakad siya papunta sa bahay ng Tito Ronnie niya na nasa likod lang ng

palengke sa E. Jacinto St.









14.





Mamaya natin puntahan kung ano ang nangyari sa pagdalaw ni Glen sa kaniyang Tito

Ronnie, ang nakababatang kapatid ng Papa niya. May 25 bahagi rin ang kuwentong ito,

gaya ng nobelang pinilit tapusin (sa wakas!) ni Glen nang umuwi siya mula nga sa bahay ng

Tito Ronnie niya. Mabuti‟t Biyernes nang gabing iyon. Wala siyang gagawin kinabukasan.

At nasusunod pa rin naman niya ang dalawang kabanata mula sa textbuk ni Chang na

nauuna niyang basahin bago niya ipabasa sa mga estudyante niya. Isa pa, nabasa na niya

ang mga iyon dati, ikatlong ulit na ngayon. Kailangan lang niyang alalahanin ang ilang mga

termino at konsepto bago humarap sa klase. Pinuhin ang paliwanag, irebisa ang visual aid sa

acetate, kung kailangan. I-update ang ilang halimbawa at ilustrasyon. Ngayon, hindi

nakapagtataka na nagkaroon na ng awtentikong interes si Glen sa nobela. Alalahanin natin

na kagaya ng itinuturo niyang subject, sa palagay niya‟y biglang nagkaroon ng totoong

relasyon sa totoong buhay ang nobela. Hindi iyung relasyon na nakasalalay lang sa isyu, na

kailangan pang may maintindihan siyang isyu sa akda bago niya makita rito ang kaugnayan

sa totoong buhay. Napakahalaga ng konkreto kay Glen. At ngayon, konkretong-konkreto na

„yung Salvador sa nobela ay ang mismong Salvador na lolo umano ng estudyante niya. Pero

hindi ba‟t sa simula pa lang, sinabi na iyon sa kaniya ni Isidro? Totoong sinabi na iyon sa

kaniya ni Isidro, pero noon, iba ang pagkakaunawa niya. Nang sinabi ni Isidro na Apo niya

„yung si Salvador, inisip niya na kinatawan si Salvador ng lolo nito. Representasyon.

Alusyon. Ganoon ang alam niya sa panitikan. Mga arketipo. Mga isteryutipo. Mga sagisag.

At ang mga totoong tao sa totoong buhay ay magagawang ipasok ang sarili sa pagkatao ng

mga tauhan sa mga likhang kuwento. Kaya kapag nagbasa ng nobela, nakikita halimbawa ni

Glen ang sarili niya sa isang tauhan, at sasabihin din niya sa sarili niya na siya iyun, na



230

231





ganoong-ganoon din siya. Kaya ganoon: Hindi niya naproseso sa isip niya agad noon na

literal na literal na ang nasa nobela ay ang mismong lolo ni Isidro na nagpalaki rito sa

totoong buhay. Tuwing sinasabi nitong Apo nga nito ang bida sa nobela, awtomatiko ang

translation sa isip ni Glen, kagaya nga kapag iniisip niyang siya ang nasa binabasa niyang

akda, sa napakabihirang pagkakataon na nakapagbabasa siya ng nobela. Pero ngayon nga,

iba na. Si Salvador sa nobela ay si Salvador sa totoong buhay—na patay na nga lang

ngayon, paalala ni Glen sa isip niya. Kung paanong ang mga atomo at kemikal na

ipinababasa niya‟t itinuturo sa klase ay ang mismong mga atomo at kemikal na matatagpuan

sa totoong buhay—walang pagkakaiba, walang representasyon, walang alusyon.

Nakaramdam ng matinding ginhawa sa loob niya si Glen. Pakiramdam niya‟y may matindi

siyang tuklas. Na ngayon ay nakahanap siya ng dahilan para tawirin ang daigdig ng

Chemistry na itinuturo niya at ang daigdig ng panitikan na alam niyang dapat niya ring

pahalagahan kahit hindi siya makahanap ng oras para rito. Kaya nga natapos niya rin sa

wakas ang nobela.









15.





Sa kabilang banda, baliktad naman ang nangyayari kay Isidro. Habang pauwi sa Sisa St.

kung saan siya nagdodorm, pinag-iisipan niya ang mga detalye ng nobela na nakakumbinsi

sa kaniya na lolo nga niya ang Salvador doon. Si Emerita. Ang lolo ng Apo niya. Ang

paglipat mula sa Ilocos patungong Cagayan de Oro. Kung makikita ko lang si Emerita,

naisip niya. Patay na ang lolo ng teacher niya, ang teacher niya sa Chem na nang makita

niya ang apelyido sa listahan ng mga klase para sa required na NatSci ay talagang pinili

niya. Nagbakasakali lang siya na kakilala ng Casabar na ito na teacher sa General Chemistry

ang Casabar na nagsulat ng nobela. Isa pa, nag-UST din ang Casabar na nobelista. At sakto

na naman. Kamag-anak nga. At apo pa! Wala pa sa kuwarto nila si Dexter na taga-Quezon

naman, sa Tiaong, malapit sa Villa Escudero, sabi nito, kahit hindi pa alam ni Isidro noon

na sikat palang bakasyunan iyon. Kumukuha ng Medical Technology sa FEU si Dexter,

freshman din na gaya niya. Silang dalawa lang ang magkasama sa kuwarto at kahit hindi



231

232





naman masasabi ni Isidro na magkasundong-magkasundo sila, wala pa rin namang

pagkakataon na hindi sila naging okey na dalawa. Pareho silang masinop sa gamit. Wala

halos iikutan sa kuwarto nila na nasa ikalawang palapag ng dorm. Eksakto lang ang isang

tao sa pagitan ng dalawa nilang kama. Nakadikit ang ulunan ng kama sa dingding na may

bintana na nakatanaw sa mismong Sisa St. Sa paanan ng kama ni Dexter, eksakto lang din

ang pagtayo nila para buksan ang cabinet na pinagsasaluhan nila ng kanilang mga damit.

Laging maayos ang salansan ng mga uniform, t-shirt at brief at medyas nila, ganoon din ang

pagkaka-hanger ng mga pantalon. Sa pinakailalim ng cabinet ang lalagyan ng mga sapatos.

Nakatapat naman ang paanan ng kama ni Isidro sa pinto ng kuwarto. Nasa common area sa

labas ang isang mahabang mesa na nagsisilbi na rin nilang dining table kagaya ng iba pang

nagdodorm sa apat na silid sa second floor ng dorm na iyon. Doon sila madalas magbasa-

basa, lalo na kung kailangang magsulat habang nag-aaral. May written assignment,

halimbawa. Kapag kailangan lang magbasa talaga, gaya noong nagdaang unang semestre

kung kailan binabasa ni Isidro ang nobela ni Casabar, nagkukulong na lang sa kuwarto si

Isidro. Minsan lang niyang nabanggit nang pahapyaw kay Dexter ang posibilidad na iisang

tao ang lolo niya at ang tauhan sa nobelang binabasa niya noon. “Astig,” ang sabi lang nito

at hindi na ulit niya inungkat iyon sa kasama sa kuwarto. Dahil magkaiba ang eskuwelahan

at ang kurso nila, madalas na magkaiba rin ang iskedyul nila kaya talagang bihira silang

magkasama. Madalas pang umuuwi sa Quezon si Dexter tuwing weekend, halos tatlong

oras lang daw ang biyahe nito sa bus. Iyon ang ikinaiinggit ni Isidro. Disyembre na.

Dalawang linggo na lang at Christmas break na, pero malamang na hindi siya makauwi sa

Cagayan. Kagaya nung sembreak. Sayang ang pamasahe, halos isang linggo lang ang

bakasyon niya noon, iyong linggo lang talaga ng Todos los Santos, dahil pagkatapos noon,

enrollment naman. Tapos, isang linggo ulit at pasukan naman. Ngayon, halos tatlong linggo

ang Christmas break. Wala pang sinasabi tungkol dito ang Mama niya, kaya malamang na

hindi siya makakauwi. O inihahanda na niya ang sarili sa posibilidad na hindi siya

makauwi. Lalo pa ngayon na tiyak na nag-iipon na naman ang mga ito dahil sa pag-alis ulit

ng Papa niya. Unang pasko niya ito kung sakali na mag-isa siya, malayo sa Cagayan.

Binuksan niya ang dala niyang bag na nasa kama niya. Ang makapal na textbuk lang sa

Chem ang laman noon, ang notebook niya, at ang nobela ni Casabar. Kinuha niya ito at



232

233





inilagay sa bookcase na nakakapit sa bahaging itaas ng dingding sa kaliwa ng kama niya.

Inisip niya ang posibilidad ng pagpapalagay na hindi iisa ang lolo niya at ang Salvador sa

nobela. Kailangang pagkakaiba ang tingnan ko, sabi niya sa sarili.









16.





Pansamantala, pag-isipan natin ito: Sa pagharap sa dalawang bagay, ano ang pagkakaiba ng

pagtingin sa pagkakaiba nila at ng pagtingin sa pagkakapareho nila? At: ano ang pagkakapareho

ng dalawang gawaing iyon? Nang lumabas sina Isidro at Glen at ibalik ng huli ang libro, at

sa wakas ay maibulalas ni Isidro ang suliranin niya tungkol sa mga puwang na nililikha ng

nobela sa buhay ng Apo niya na nakilala niya at ng buhay ni Salvador sa nobela, ang

puwang na nilikha ng isang Emerita na wala nang nakakakilala, bigla, parang nawalan na ng

dahilan ang mga tanong niya. O mas tama sigurong sabihin na mas nakita niya ang

kawalang-saysay ng mga haka niya. Wala pa siyang nakukuhang major subject sa

Journalism pero kinuha niya ito dahil nagustuhan niya ito nang maging topic nila ito nang

dalawang quarter sa English noong fourth year high school. Pinagsulat sila nang pinagsulat.

Sulat naman siya nang sulat. News. Feature. Editorial. Sports. May ilan din siyang artikulo

na lumabas sa news organ nila sa St. Anthony‟s Academy kung saan siya pumasok bilang

iskolar buong hayskul. Pero ang malaking pagkakaiba ng pagsusulat dito kaysa sa mga

binabasa nilang akda sa Lit classes ay ang lapit ng mga artikulo niya sa mga talagang

nangyayari sa paligid nila. Sa lahat, paborito niya ang pagsusulat ng mga feature article,

tungkol sa mga isyung higit na kontrobersiyal. Gaya halimbawa ng isyu tungkol sa mga

suhulan umanong nangyayari sa mga referee ng basketball sa Division Meet noong fourth

year sila. Iyon ang unang pagkakataon na natalo ang team ng St. Anthony‟s matapos ang

limang taon ng sunod-sunod na championship. Hindi napanood ni Isidro ang laban, narinig

lang niya na nagkasuhulan umano. Nasuhulan ang referee kaya maraming maling tawag na

laban sa team ng St. Anthony‟s. Ganun ang mga oportunidad para kay Isidro. Mga salitang

binibitiwan sa anumang paraan, sadya man o hindi, na maaaring mapatotohanan at

magkaroon ng bigat. Siyempre pa, kapag natalo ang sinuman sa anumang laban, gaya ng



233

234





nangyari sa basketball team nila, napakadaling magbitiw ng gayong salita: Nadaya, dinaya

kami. Pero sa pandinig ni Isidro, fourth year high school na siya noon, posibilidad iyon na

hindi maaaring palampasin.









17.





Investigative journalist. Iyon ang biglang naging pangarap ni Isidro, na bago naman siya

nagsimulang malathala sa kanilang The Saint’s Quarterly noong hayskul ay hindi man lang

niya napag-isipan kahit pa paborito niya si Chloe sa sinusubaybayan niyang Smallville noon

sa TV, bago nagtambak sa bangketa ang kumpletong episodes ng mga season nito sa pirated

DVD. Pero kailangan nating alalahanin na hindi journalistic lamang ang interes na nag-

udyok sa kaniya upang pag-isipan ng koneksiyon ang lolo niya at ang tauhan sa nobelang

ipinabasa sa Phil Lit class niya noong unang semestre sa kolehiyo. Talagang pagbali-

baligtarin man niya noon ang mga pangyayari sa nobela, tingin niya‟y iisa talaga ang Apo

niya at ang Salvador sa akda. Ito ang kailangan nating pag-isipan: Bakit nagkaroon ng

ganoong tingin si Isidro, kahit pa tama naman halimbawa ang tingin niya? Nagsisimulang

dumating ang matitibay na paniniwala bilang hinala. Na: Mukhang ganito, mukhang

ganyan. At dalawa ang mahalagang elemento ng hinala kaya ito dumarating bilang hinala:

May isang realidad na pamilyar at may isang realidad na hindi kilala na nagkakaroon ng

kaugnayan sa mata ng naghihinala. At iyon ang sandali ng posibleng kahinaan o kalakasan

ng paghihinala: Binibigyan nito ng kahulugan ang realidad na hindi kilala sa pamamagitan

ng realidad na pamilyar. Habang pinag-iisipan ng paghihinala ang realidad na hindi kilala sa

liwanag ng realidad na pamilyar sa kaniya, unti-unti itong magbubuntis ng papaslang sa

Paghihinala: Paniniwala. Kapag ganap nang nabura sa isip, naisantabi nang lubos, ang

realidad na hindi kilala, at naitanghal ang realidad na kilala lamang, isisilang ang paniniwala

at mamamatay ang paghihinala. Subalit pansinin na sa kamalayan ng paniniwala,

ipinagpapalagay niya na naroon pa rin at katabi lamang ng realidad na pamilyar ang

realidad na hindi kilala. Ganito ang pinagdaanan ni Isidro. Nang sumibol ang paghihinala sa

kaniya na iisa ang Apo niya at si Salvador sa nobela, kilalang-kilala niya ang Apo niya at



234

235





wala siyang alam sa daigdig ni Salvador sa Ilocos. Ni hindi pa siya nakakarating doon. Kung

gayon, lahat ng pagpapakahulugan niya sa nobela ay nakulayan na ng realidad na pamilyar

sa kaniya: ang alam niyang nakaraan ng Apo niya sa Ilocos, ang pahapyaw niyang naririnig

sa Mama niya tungkol sa lolo ng Apo niya na nasakmal umano ng pating sa binti, ang sa

palagay niya‟y sinabing pangalan ng babae, si Emerita, ng Apo niya sa kaniya nang

malaman nitong mag-aaral siya sa Maynila. Hindi namamalayan ni Isidro na samantalang

pinapatay ng isinisilang noong paniniwala ang nagsimula bilang hinala lamang, lumalayo na

talaga siya sa mga detalye sa nobela, at ang mga naaalala niyang detalye na lamang dito ay

ang mga detalyeng makakapitan niya mula sa realidad na pamilyar sa kaniya—ang realidad

ng Apo niya na nagpalaki sa kaniya sa Cagayan. Ito ang nasa ubod ng mga imbestigasyon:

Ang patunayan (sa sarili, kahit sa sarili lamang!) na sapat na ang realidad na pamilyar sa atin

upang lutasin ang anumang palaisipan. Dahil kung hindi, mawawalan ng saysay ang

anumang imbestigasyon. Maliban kung ipagpapalagay na maaaring makilala ng isang tao (at

tao ang imbestigador, ang nagsisiyasat) ang lahat ng realidad, na sa mata ng imbestigador (ni

Isidro, halimbawa) ay isang pagpapalagay na mas hindi katanggap-tanggap kaysa sa

pagpapalagay ngang sapat na ang nalaman lamang niya upang bigyang-saysay ang lahat,

upang wakasan—sa wakas!—ang imbestigasyon.









18.





Subalit hindi nga wakas ng isang imbestigasyon ang nagaganap ngayon kay Isidro kundi

isang tumbalik na proseso: ang paniniwala niya‟y unti-unti ngayong nilalamon naman ng

hindi pala tuluyang namatay na hinala. Ibig sabihin, muling lumilitaw ang rekognisyon ng

realidad na hindi niya kilala na hiwalay sa realidad na pamilyar. Kapag nagtuloy-tuloy ito,

walang ibang patutunguhan ang lahat kundi ang pagkabura ng ugnayan sa dalawang

realidad, at pananatili ng kanilang integridad bilang hiwalay, at magkaibang realidad. Sa

ngayon, wala pa sa sukdulan na iyon si Isidro. Nasa yugto siya kung saan nakasalalay rito

ang matinding pasya: mula rito, maaari siyang manatili sa paniniwala. O sadyang maglaho

ang hinala at kasama nito, ang posibilidad ng paniniwala. Nang umuwi siya sa dorm at



235

236





inilagay sa bookcase niya ang nobela ni Casabar, nang maisip niyang tingnan ang

pagkakaiba ng Apo niya at ni Salvador, noon naganap ang pagkambiyo ng paniniwala

pabalik sa hinala lamang kay Isidro. Saka naman dumating si Dexter na basambasa ng ulan.

Napasulyap si Isidro sa bintana, umuulan na nga pala. Saka siya nagbalik ng tingin sa

kasama sa kuwarto. “Umuulan?” Iyon ang mga tanong na walang saysay pero

kinakailangang bitiwan sa mga sandaling gaya noon. “Anlakas.” Iyon ang mga sagot na

hindi kailangang bitiwan pero mahalagang sabihin sa mga sandaling gaya noon.









19.





Naghubad ng uniform niyang puting polo si Dexter. “Uwi ka, Dex?” Biyernes nga ng gabing

iyon, at madalas na Biyernes ng gabi umuuwi sa Quezon si Dexter. Umiling ito habang

nakaupo sa gilid ng kama niya at hinuhubad ang leather shoes. “Bakasyon na rin naman

next next week. At baka may bagyo pa.” Binubuklat-buklat naman noon ni Isidro ang libro

niya sa Com Arts. “December na nga, ulan pa nang ulan.” Hinubad na rin ni Dex ang itim

niyang pantalon. Naka-boxers na lang siya at sando. Tiniklop nito ang mga hinubad at

isinilid sa plastic bag na nakasabit sa pinto ng kanilang cabinet. “Magpapalaba na lang ako.”

Iniuuwi kasi ni Dexter ang mga nagamit nitong damit. Dinampot nito ang tuwalyang

nakasampay sa headboard ng kama niya. Malapit sa kusina pagkalampas ng common area

ang banyo. Dalawang shower rooms at dalawang toilet para sa kanilang walong nasa second

floor. Kapag nagkakasabay-sabay at nagmamadali sa oras, nakikigamit ang mga nasa first

floor sa kanila o sila ang nakikibanyo sa mga nasa first floor. Kapag ginagamit lahat ng

banyo, una-unahan at pasensiyahan na lang. Tuwing Linggo, dumarating ang katulong ng

landlord nila para maglinis ng banyo at magwalis-walis sa common area. Tagapaalala rin

iyon sa mga hindi pa nagbabayad ng upa. At linggo-linggo, kapag nataunang nasa dorm ka,

gaya ni Isidro, mapapakinggan mo nang paulit-ulit ang sangkaterba pang paalala. Na huwag

kakalimutang isara ang gate sa ibaba tuwing lalabas o papasok. Na patayin ang ilaw sa

banyo, sa kusina, sa common area, sa kuwarto, kapag hindi ginagamit. Na magtipid sa

tubig, lalo na kapag naliligo. Na hugasan agad ang mga pinagkainan at huwag nang itambak



236

237





sa lababo para hindi ipisin. Na magkusang magwalis-walis sa common area dahil sila rin

naman ang gumagamit noon. Na ireport agad kapag may nasirang gamit. Na huwag

magpapapasok sa dorm ng kahit na sino, kahit pa mga kaibigan. Binabasa ni Isidro ang

essay ni Jamaica Kincaid sa textbuk nila sa Com Arts nang bumalik si Dexter sa kuwarto.

Nakatapis na ang towel sa baywang. Isinuksok naman ang hinubad na sando at boxers sa

plastic na nakasabit sa pinto ng cabinet nila. Kumuha ito ng brief at shorts sa cabinet at

isinuot ang mga iyon nang hindi tinatanggal ang towel sa baywang. Nang maisuot ang itim

na shorts, saka nito hinubad ang towel at ikinusot sa buhok. Isinampay ulit nito ang towel sa

headboard ng kama n‟ya. “Friday a, nagbabasa?” Puna ni Dexter kay Isidro. “Dex, anong

tingin mo sa nobela. Sa mga nobela.” Kumunot ang noo ni Dexter. Nahalata ni Isidro na

wala na sa isip ng kasama sa kuwarto ang nabanggit niya noon ukol sa Apo niya at sa

tauhang nasa binabasa niyang nobela noong nagdaang semestre. “Ano ibig mong sabihen?”

“Iyung mga nobela… ano, a… p‟wede bang based talaga sila sa totoong buhay?” “Parang

Da Vinci Code?” “Oo. Hindi. Teka… iyung… basta „yung halimbawa totoong buhay,

p‟wede bang kopyahin „yun sa nobela?” Saka nagliwanag ang mukha ni Dexter. “A, „yung

sa lolo mo di ba, sabi mo nun. Bakit mo tinatanong?” “Di na „ko sigurado e.” “Siguradong?”

“Na lolo ko nga „yon.” “Bakit naman?” “Ewan. Parang may mali e. Di ko alam.” “Pa‟no

mo ba nalaman?” “Alin?” “Na lolo mo „yon? Sa‟n ba „yun?” “Nirequire sa Phil Lit namin.

Last sem.” “Tinanong mo sa lolo mo?” “Wala na si Apo e.” “Aaaa… e pa‟no mo

nalaman?” “Nung una, pakiramdam. Tapos, bigla, pareho na „yung mga detalye e.” “O,

„yun pala e. Ano‟ng problema?” Ano nga ba‟ng problema?









20.





Ano nga ba‟ng problema? Wala nang alaala ng pag-ulan nang sinundang gabi paggising ni

Isidro kinabukasan. Habang nagpapakulo ng tubig para sa kanyang Lucky Me! pancit

canton, kinuha ulit niya ang kopya ng nobela ni Casabar sa bookcase niya. Binuklat-buklat.

Isang beses lang naman niyang nabasa ito kaya‟t lahat ng detalye na alam niya tungkol sa

nobela ay iyung mga detalye lamang na naaalala niya. At dahil sa umusbong na hinala sa



237

238





kaniya‟y mga detalye lamang na magpapatotoo sa hinala na iyon. Wala namang mali sa

mga detalye na naaalala niya. Iyon ang tadtad ng mga linya ng colored pencil at kung

minsa‟y may notes pa siya sa gilid. Pero kung ilalarawan lamang ang mga detalyeng

naaalala niya at gagawa ng kabukod na larawan ng mga detalyeng iyon kasama ang iba pang

mga detalye na hindi na niya naaalala, maaaring akalain ng titingin na magkaibang larawan

ang tinitingnan niya. At dahil bawat magbabasa sa nobela‟y may malilimutan at maaalalang

detalye, mahirap magkaroon ng iisang larawan sa nobelang iyon ang lahat ng mga

nakapagbasa sa nobela. Magmumukhang magkakaibang nobela nga ang nabasa nila.









21.





Pero si Glen, habang tinatapos niya ang nobela noong Biyernes ng gabing umuulan sa

España at ni walang ambon bagaman malamig ang hangin sa Marikina, nakikita niya ang

lahat ng mga sinabi sa kaniya ni Isidro. Ibig sabihin, dahil nadiktahan na ng estudyante niya

kung paano titingnan ang nobela, kung anong mga detalye ang hindi niya dapat kaligtaan,

dinadampot na lamang niya ang mga detalyeng iyon habang basta na lamang niya

nilalampasan ang iba pa na walang napupukaw na alaala sa mga naging pag-uusap nila ni

Isidro. Nakulayan pa iyon ng maikling pag-uusap nila ng Tito Ronnie niya nang gabing iyon

bago siya umuwi sa bahay. Si Jing-jing ang sumalubong kay Glen pagbukas niya ng gate ng

mga Tito Ronnnie niya. Ikalawa sa apat na magkakadikit na apartment katapat ng maliit na

barangay hall ng Sta. Elena, kahilera ng karnehan sa palengke ng Marikina. Si Jing-jing ang

bunso sa tatlong anak ng Tito Ronnie niya, nakababata niyang pinsan pero Uncle Glen ang

tawag sa kaniya. Bihira siyang dumaan sa bahay ng mga ito pero malapit sa kaniya si Jing-

jing. Hindi pa kasi nito nalilimutang minsan niya itong ipinasyal sa Sta. Lucia noong bago

siyang graduate sa kolehiyo at hinayaang maglaro nang maglaro sa Worlds of Fun. “Si

Uncle Glen!” Hindi pa naisasara ulit ni Glen ang pinto ng gate, lumalabas na ng bahay ang

pinsan niya. Dumungaw ang Tita Blessie ni Glen, ang asawa ng Tito Ronnie niya na

napakalumanay. Bahagya na itong makapagsalita at pangiti-ngiti lang sa kaniya. “Glen.”

“Good evening, „Ta Bless.” Nakakapit na sa kaliwang kamay niya si Jing-jing. Ipinunas ni



238

239





Glen ang sapatos niya sa door mop bago siya pumasok sa sala at naupo malapit sa sofa

malapit sa pinto. Naroon din at nakasalampak sa magkahiwalay na isahang upuan ang mga

kapatid ni Jing-jing, sina Nonoy at Putoy. Nakabukas ang TV. Super Inggo. “Naliligo lang

ang „To Ronnie mo, kararating din lang.” Area manager ng KFC sa NCR-2 ang Tito Ronnie

niya. Sa pagkakaalam niya, wala itong kinakailangang gawin sa bawat araw kundi i-check

kung talagang naidedeliver nang maayos sa bawat branch na nasasakupan niya ang supplies

ng mga ito. Paminsan-minsan, sinosorpresa nito ng dalaw ang mga branch na iyon para

tiyakin ang quality control. “Totoo bang genetically modified „yung mga manok, „To?”

Todo-depensa naman ang Tito niya noon. Bilang patunay, madalas pa itong mag-uwi ng

sarili nilang produkto sa bahay. “Natatakot na nga „ko minsan,” biro ng Tita Blessie niya.

“Baka isang gabi‟y lumipad na lang ako.” Dahil tinubuan ng pakpak sa kaka-manok, alam

na ni Glen iyon dahil madalas na niyang marinig iyon. Pero ngumingiti pa rin siya. Maliban

kasi roon ay wala na silang mapag-usapan ng Tita Blessie niya. “O, Glen.” Naka-shorts na

ang Tito niya at nagkukusot ng tuwalya sa buhok. “‟To, good evening.” “Napadaan ka.”

“Daan lang. December na „To.” Ngumiti ang Tito niya. “Namamasko ka na ba.” Naupo si

Jing-jing sa kanang hita ni Glen. “Ako na ang magpapapasko, „To.” Ito ang unang Pasko

niya na may-trabaho simula nang magturo siya noong summer. Lumabas naman patungong

kusina ang Tita Blessie niya. “Dito ka na maghapunan, Glen.” “Kumain na „ko, „Ta.”

Naupo ang Tito niya sa tabi niya at tinapik ang kaliwang binti niya. “Napadaan ka.” “O

nga, „To.” “Jing, tulungan mo si Mama sa kusina.” Pero parang ayaw umalis ni Jing-jing sa

pagkakaupo sa hita ng tiyuhin. “Okey lang, „To.” Nakatutok naman sina Nonoy at Putoy sa

TV. “Kumusta sina Kuya?” “Okey naman.” “Di ba sila uuwi?” Nagkibit-balikat si Glen.

“Kelan pa ba sila huling nag-Pasko rito?” “Bago sumunod si Papa kay Mama, „To. 2002.

Fourth year.” High school pa siya noon. Natapos ang commercial sa TV. Bumalik ang Super

Inggo. Pansamantalang natuon doon ang pansin nila. Minamatyagan ng papel ni AiAi De

las Alas si Makisig Morales na gumaganap bilang Budong. Natuklasan nitong anak niya

pala si Budong. Pero dahil masama siya dapat dahil ang Prinsipe ng Kadiliman ang

nakabuntis sa kaniya, hindi niya malapitan ang anak. Nilapitan ng pipilay-pilay na papel ni

Angelu de Leon si Makisig. Siya ang kinilalang ina ng bata. Lumipat ng eksena kina Kapitan





239

240





Bawang at Super Islaw na bihag ni Prinsipe ng Kadiliman. Bumalik ang pansin ng Tito

Ronnie niya kay Glen. “O, e napadaan ka.”









22.





“Emerita, „To, may kilala ka ba?”









23.





Ang totoo, hindi sigurado ang Tito Ronnie ni Glen kung may kakilala siyang Emerita, kung

may nakilala siyang Emerita. O kung may naipakilala man lang sa kaniya. “Kay Apo Ite,”

dagdag ni Glen para tulungang mag-isip ang tiyuhin. Sa pagkakatanong ng pamangkin niya,

naramdaman ng Tito Ronnie ni Glen na mahalaga rito ang tanong. Kailangan niyang pag-

isipan nang mabuti. Ang problema, na madalas mangyari sa mga sitwasyong gaya nito, sa

kagustuhang makatulong at may masabi sa nakikinig, may binubuhay na alaala mula sa

nakaraan ang napagtanungan na wala naman talaga roon. May isang malapit-lapit lang o

kahit pa malapit na malapit talagang alaala, subalit hindi pa rin iyon, hindi naman iyon

talaga, na siyang humahalili sa wala roon. Hunyango ang alaala, maaaring hubugin ang

sarili ayon sa pangangailangan ng kasalukuyan. Wala naman itong masamang intensiyon.

Sa palagay ng alaala‟y wala na naman siyang masasaktan, wala na siyang kayang saktan:

Alaala na lamang siya. Kaya ang nasa kasuluk-sulukang alaala, iyong akala‟y nalimot na,

iyong hindi madalas na tawagin, kaya‟t madaling maipagkakamali sa wala, bigla‟y

naaaninag sila sa ganitong pagkakataon. Natatawag ang kanilang pansin, at dahil hindi na

rin sigurado ang alaalang iyon sa mismong sarili niya, matagal nang humiwalay sa kaniya

ang ibang alaala na dati‟y kasa-kasama niya upang bigyan siya ng kahulugan, ng kontexto,

upang hindi siya mawala, nagiging napakadali sa kaniya na magpalit ng mukha sa liwanag

ng panawagan ng kasalukuyan. “Emerita… Emerita…” Unti-unti nang nagkakahugis ang

isang lumang alaala sa isipan ng Tito Ronnie ni Glen, nag-aanyong Emerita, ang Emerita na



240

241





wala naman talaga kahit sa pinakatagong sulok ng isipan ng matanda. “Emerita… Hindi ba

siya naging nobya ni Tatay, Glen? Bago sila magkakilala ng Nanay.” Siyempre‟y hindi

talaga tanong iyon kay Glen, dahil hindi naman kayang sagutin iyon ng binata. Wala pa siya

noong panahon na iyon. Pero dahil mas matanda sa kaniya ang Tito Ronnie niya, mas may

awtoridad ang alaala nito sa panahong iyon, kahit pa hindi rin naman iyon inabot ng tiyuhin

niya. At nilubos-lubos na nito ang pagbibihis sa kinathang alaala ng isang Emerita. “Parang

binabanggit-banggit pa nga siya ng Tatay noon.” At nakita ni Glen ang mga salita sa nobela

na hindi pa niya natatapos basahin hanggang sa mga oras na iyon: walang ipinagkaiba sa

mga atomo na bumubuo sa iba‟t ibang kalikasan ng mga bagay, ng mga buhay. Totoong-

totoo. At nagpasiya siyang basahin at tapusin na sa wakas ang bagong bili niyang kopya ng

nobela nang gabi ring iyon. Tulog na si Jing-jing nang magpaalam siya sa Tito Ronnie at

Tita Blessie niya. Mukhang uulan, pero baha pa rin ang mga tumitingin ng pirated DVD sa

mga stall sa tapat ng fountain ng Sports Complex. Ilang oras lang, mapapalitan ng mga

prutas ang mga pirated DVD na iyon. Pinahiram siya ng payong ng Tito Ronnie niya.

Nilakad lang niya hanggang Julie‟s Bakeshop bago siya tumawid pauwi sa Sto. Niño. Hindi

niya nagamit ang payong.









24.





Nang binubuklat na ulit ni Isidro ang libro nang Sabado ng umagang iyon, saka lang niya

nabalikan ang introduksiyon sa nobela. Napatigil siya sa isang bahagi: “Ang bayan ng

Guilang ay kathang-isip lamang ni Casabar, ngunit para sa mga nakakaalam ng Ilocos

„milieu,‟ lalo na sa kapanahunan ng may-akda, di mahirap kilalanin na ang Guilang ay

kumakatawan sa Narvacan, Ilocos Sur, ang mismong bayan ni Casabar.” Walang Guilang.

At si Casabar ang galing sa Narvacan. Tinext niya agad ang Mama n‟ya: “ma san b c apo s

ilocos?”









25.



241

242









“Ituro po ninyo, Apo, ang dapat naming gawin sa kinabukasan,” bulong niya. Tumayo si Salvador at

nagtungong muli sa may bintana at matagal na tinanaw ang kabila ng laot na waring inilalarawan

ang pagdating na nilang mag-iina, magbibiyenan, magbabalae, sa iba at higit na masaganang pook.

Iyon ang wakas ng nobela ni Casabar. Dahil may wakas ang mga akda, at sa wakas lamang

nagiging posible ang bisyon, ang anumang pangitain ng hinaharap, dahil kapag walang

wakas, kapag nagpatuloy lamang ang lahat, pawawalang-bisa ng mga nagaganap at

magaganap pa ang anumang pangako ng inakalang hinaharap. Kung walang wakas, laging

nariyan ang pangamba na suminsay sa kung saan-saan ang mga kuwento—palayo, palayo

nang palayo sa dating pinangarap. Hanggang sa hindi na natin makilala ang paligid, ang

nakapalibot sa atin, maliban sa pagpapamukha nilang imposible nang makabalik sa dati, sa

pinagmulan. Pagdating ng Lunes, magkikita ulit sa klase sina Glen at Isidro. Pareho nilang

gustong pag-usapan ang nobela, sa magkaiba nang dahilan ngayon. Pero walang

magkukusang lumapit upang sabihin iyon. Nag-Christmas break, nakauwi sa Cagayan si

Isidro, at nang muli silang magkita matapos magpalit ang taon, namatay na ang anumang

interes na mag-usap pa tungkol sa nobela. May iba pa silang buhay. Marami pa silang ibang

hinaharap. 









242


Related docs
Other docs by HC111118122710
Lothian Finances
Views: 13  |  Downloads: 0
Ang Pilipinas at Kabihasnang Asyano
Views: 150  |  Downloads: 0
EDITAL N
Views: 68  |  Downloads: 0
QUEENSLAND INDUSTRIAL RELATIONS COMMISSION
Views: 3  |  Downloads: 0
Ecological theology:
Views: 0  |  Downloads: 0
research
Views: 0  |  Downloads: 0
EDITAL DE LEIL�O E INTIMA��O
Views: 118  |  Downloads: 0
MBTC 2046
Views: 0  |  Downloads: 0
Pr�sentation PowerPoint
Views: 0  |  Downloads: 0
By registering with docstoc.com you agree to our
privacy policy

You are almost ready to download!

You are almost ready to download!