Ang Watawat ni Yolanda Rambuyan
Sa dulo ng tagda'y tapunan ng tingin At nilalaro pa ng mabining hangin, Inspirasyon sya ng mga magiting Na mga bayaning nabulid sa dilim. Taglay na sagisag nito'y isang bansa Tatlong kulay itong kahuluga't diwa Ay larawan ito na dinadakila Sa ating sariling tinubuang lupa Pula, puti't bughaw angkin nitong kulay May tatlong bituin saka isang araw Huwag lilimuting ito ang puhunan Ng mga bayani'y dugo nila't buhay. Laging isaisip ang ating watawat Ay siyang larawan nitong Pilipinas; Bawa't Pilipino sa puso'y itatak Dugo'y ibububo pag ito'y hinamak.