Pagsasanay sa Occupational Safety and Health
Pebrero 22-24, 2010
Occupational Health and Safety Center
Quezon City
Pormal na nagbukas ang pagsasanay sa pamamagitan ng pag-awit ng Pambansang Awit at kasunod nito
ay ang pag-aalay ng isang dasal. Pagkatapos nito, limang kinatawan ng ibat-ibang organisasyon ang
nagbigay ng maikling pananalita.
Panimulang Pananalita
Ang unang nagbigay ng maikling pananalita ay si Dra Teresita Cucueco ang kasalukuyang Executive
Director ng Occupational Safety and Health Center (OSHC). Ayon sa kanya, ang sektor impormal ay ang
sektor na nais nilang maabot sapagkat bagamat kinikilala ang pangangailangan ng sektor sa usapin ng
kaligtasan at kalusugan sa pagtatraho, mahirap silang maabot sapagkat hindi organisado kumpara sa
mga manggagawa sa pormal na sektor. Ang isa sa nakikita nilang pamamaraan upang maisama ang
sektor impormal ay ang pakikipag-ugnay (networking) sa kanilang mga partner. Ilan sa mga nagawa ng
Center sa usapin ng mga manggagawang impormal ay ang pagtuon sa usapin ng child labor (mga batang
manggagawa) sa pagawaan ng sapatos (footwear), maliliit na minahan. Bagama’t ang karaniwang
dahilan kung bakit pinapatrabaho ang mga bata ay dahil may pangangailangan, sinabi niya na nakikita
nilang may mga panganib sa pagtatrabaho na hindi lamang ang bata ang maaaring maapektuhan kundi
ang buong pamilya. Ang pinakahuli nilang proyekto sa pagtingin sa kalagayan ng mga manggagang
impormal ay nakapaloob sa proyekto ng NCRFW na tinaguriang GREAT Women Project. Ang proyektong
itong ay isinagawa sa Bicol at ang mga nagging kalahok ay mga babaeng manggagawa sa
pagmamanupaktura ng pili nut, paggawa ng tinapang isda, atbp. Kasama sa mga pamamaraang ginamit
ang paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng drama sa radyo, paggawa ng pamaypay kung saan
nakasulat don ang mga dapat tandaan ukol sa kaligtasan. Sinabi niyang ang proyekto ay isang pag-aaral
upang lubos na maunawaan ang mga pangangailangan ng mga manggagawa upang makahanap ng
angkop na interbensyon sa mga nakita nilang mga isyu tulad ng panganib sa paggawa.
Sumunod na tagapagsalita si Dr. Rosalinda “Inday” Ofreneo. Siya ay bahagi ng National Organizing
Committee ng Homenet Philippines. Ayon sa kanya, ang Homenet Philippines ay aktibo sa gawaing
pang-adbokasiya. Inilunsad ito noong 2006 at kasunod naman nito ang pagkakabuo sa MAGCAISA. Ang
Steering Committee naman ng MAGCAISA ay binubuo ng DSWP, ACIW at Homenet SEA. Binanggit niya
na ang pagtitipong ito ay bahagi ng adbokasiya ng grupo para sa kalusugan ng mga manggagawa.
Milyong milyong manggagawa ang namamatay dahil sa hindi ligtas na paggawa. Nanguna ang
MAGCAISA sa pagkakaroon ng isang diyalogo sa OSHC Hunyo ng nakaraang taon at ito ay nagbunga ng
isang OSH orientation and appreciation course na naganap noong Hulyo ng nakaraang taong. Bukod sa
OSHC, may ibang organisasyon ang nakita nating maaari ring maging kaugnay. Ibinahagi niya sa grupo
na ang isa sa mga katuwang sa pagdadaos ng pagsasanay na ito ay ang Asia Monitor Resource Center
(AMRC), isang organisasyon na 34 taong gulang na; tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga
manggagawa sa Asya. Isa sa mga programa at serbisyo nito ang OSH at sa katunayan ay may nabuong
kilusan sa Asya na binubuo ng mga manggagawang biktima ng mga aksidente sa paggawa. Sa huli,
pinasalamatan niya ang OSHC, AMRC at si Melody Kemp para tulong pinansyal at sa pagbibigay ng
giyang teknikal.
Ang ikatlong tagapagsalita ay si Jess Macasil, ILO Program Assistant. Nagbigay siya ng maikling panayam
tungkol sa ILO Decent Work Country Program. Ayon sa kanya, ang paggamit ng terminong sektor ay
nagsasaad na pagiging permanente at kapag sinabi nating impormal, ang konsepto nito ay pansamantala
ito at isang transisyon patungo sa pormalidad. Nagpakita siya ng ilang larawan kung saan “personal na
diskarte” ( at karaniwang mali) ang paggamit ng mga gamit pang-kaligtasan o PPE. Sinabi niyang ang
mga larawang iyon ay mga aktwal na sitwasyon na nagpapakita ng isang importanteng punto – mahirap
magpatupad ng mga istandard ng kaligtasan at kalusugan sa mga manggagawang impormal.
Ipinaliwanag niya kung ano ang mga ginagawa ng ILO sa usapin ng OSH. Binanggit niya na nasa
Preamble ito ng Konstitusyon ng ILO; ang ILO ay may 70 istandard na may ugnay sa OSH. Nagbigay din
siya ng mga halimbawa ng rekomendasyon at kumbensyon na may kinalaman sa OSH. Ipinaliwanag din
niya ang ugnay ng OSH sa decent work o disenteng trabaho. Malawak ang konsepto ng ILO ukol sa
disenteng trabaho. Sila ay--
devoted to advancing opportunities for women and men to obtain decent and productive
work in conditions of freedom, equity security and human dignity
Naniniwala ang ILO na ang tao ay hindi produkto, may mga aspirasyon sila sa buhay at para sa kanya
marami sa mga kundisyong nabanggit sa itaas ang hindi nagaganap. Sa kasalukuyan, may kahirapan sa
pagpapatupad ng mga istandard sa paggawa. Halimbawa, may 199 labor inspectors sa Pilipinas
kumpara sa libo-libong bilang mga kumpanya kaya bago mabalikan ng isang inspekto ang isang
pabrika,kailangan niya ng 20 taon. Binanggit din niya na sa konsepto ng trabaho sa produksyon, dapat
ito ay nagbibigay ng patas na kita (fair income), panlipunang proteksyon (social protection) and
nagbibigay ng puwang sa mga babae at lalaki na makabuluhang makibahagi sa mga proseso ng pag-
unlad (allows women and men to participate meaningfully in development processes).
Binangggit niya na 4 ang haligi (pillars) ng ILO. Ang mga ito ay:
Oportunidad sa empleyo at pagkita o kalidad ng trabaho (Employment and income opportunities
(quality work)
Mga karapatan sa paggawa (Rights at work)
Panlipunang proteksyon (Social protection)
Panlipunang diyalogo (Social dialogue)
Sa puntong ito, nilinaw ni Olive Parilla ng PATAMABA na ang nais ng mga manggagawang impormal ay
maipormalisa ang kanilang gawaing pang-ekonomiya hindi ang pagpasok bilang mga manggagawa sa
sektor pormal.
Sa pagpapatuloy, sinabi ni G. Macasil na bahagi ng mga karapatan sa paggawa ang: Kalayaan sa pag-
oorganisa at pagpapahayag (freedom of association, expression)
Kalayaan sa diskriminasyon (freedom from discrimination)
Kalayaan sa sapilitang pagtatrabaho (freedom from forced labor)
Mga karapatan ng mga bata na ganap na umunlad, matuto (rights of children to develop fully,
learn)
Pagkakapantay- pantay sa oportunidad, sa pagtrato (equality of opportunity, treatment)
Binigyan diin niya ang kahalagahan ng mga bata bilang future human capital. Nilinaw din niya na kapag
sinabing child work, nangangahulugan ito na ang bata ay may akses sa edukasyon samantalang kapag
sinabing child labor, tumutukoy ito sa mga sitwasyon na nagtatrabaho at hindi na nakakapg-aral ang
mga bata. Halimbawa, muro ami at iba pang mapanganib na trabaho kung saan nangangailangan ng
proteksyon ang isang bata.
Sa usaping ng panlipunan proteksyon, sinabi niya na dito pumapasok ang usapin ng OSH at ng
panlipunang seguridad (social security). Tumutukoy ito sa mga programa tulad ng pension o kaya ay mga
proteksyon sa panahon ng emergency tulad ng aksidente, pagkakasakit, at iba pa.
Sa usapin ng disenteng trabaho (decent work), ang lahat ng haliging nabanggit ay kailangang andon.
Binanggit din ni G. Macasil ang mga kakulangan sa pagkakaroon ng disenteng trabaho (decent work
deficits). Ang mga ito ay:
insecure, irregular income
long hours of work, yet meager earnings
bad working conditions, worsen poor health/risks
increased vulnerability to risks (no social insurance, no assets)
working children- generations of poverty
forced labor – trapped in exploitation
Ibinahagi din niya sa grupo ang mga sumusunod na datos (batay ito sa opisyal na datos at hindi kasama
ang manggagawang impormal)
• Economically active population: 2,732 million
• Work-related deaths: 2 million
• Non-fatal work-related diseases: 160 million
• Work accidents: 270 million
• Costs of work accidents and diseases: US$1.25 trillion (4% of World GDP)
Gayundin, binanggit din niya ang mga karaniwang sakit na kaugnay ng pagtatrabaho (common work-
related diseases)
• Cancer (lung, liver, bladder, etc.)
• Cardiovascular and cerebrovascular disease
• Chronic respiratory disease
• Pneumoconioses
• Nervous system disorders
• Renal disorders
• Asthma
Sa puntong ito, tinanong niya ang mga kalahok kung sila ay kumukunsulta sa doctor kapag nagkakasakit.
Karamihan ay nagsabi na naggagamot na lang sa sarili (self-medication) kasi gastos ang unang
pumapasok sa isip.
Ipinaliwanag din ni G. Macasil na ang adyenda sa pagkakaroong ng disenteng trabaho ay:
generate quality employment
broaden social protection
realize basic rights at work
sustain social dialogue
Binigyan din niya ng diin na karamihan sa mga aksidente ay maaaring maiwasan, at upang makaiwas,
mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman ukol dito. Binanggit din niya ang kahalagahan ng ILO
Convention 187 on the Promotional Framework for Occupational Safety and Health Convention, 2006 na
hindi pa nararatipika ng ating pamahalaan. Kaya sa huli, sinabi niyang mahalaga ang makabuluhang
partisipasyon ng mga manggagawa sa mga konsultasyon. At ang pagkakaroon ng political will ng isang
pamahalaan ay nakabatay din sa gawaing adbokasiya ng mga grupo ng mga manggagawa.
Ang pang-apat na tagapagsalita ay si Omana George, Program Coordinator ng AMRC. Sinabi nilang
natutuwa siya na maging bahagi ng programang ito at natututo rin silang mga tagapagpaloy ng pag-aaral
(facilitators) sa mga mayamang karanasan at impormasyong ibinabahagi. Binanggit din niya na ang
AMRC ay may network sa rehiyon ng Asya (SEA, SA) at isa sa mga isyung tinututukan nila ay ang OSH.
Nakikipag-ugnay sila sa kanilang mga partner para sa pagpapatupad ng ibat-ibang mga gawain. Ang
layunin ng AMRC ay makapagbuo ng mga malaya at demokratikong mga institusyon (samahan ng mga
manggagawa) sa Asya. Mahalaga ang papel na ginampanan ng AMRC sa pagbubuo ng Asian Network for
the Rights of Accidents Victims –na may kasapi sa 15 bansa sa rehiyon at may mga associate members
mula sa Estados Unidos (US), CANADA at ilang bansa sa Europa. Pinagtitipon-tipon nila sa isang taunang
pulong ang mga organisasyon ng mga biktima ang aksidente upang makapag-usap sila ng mga
estratehiya kung paano maisusulong ang mag isyu sa OSH. Bilang pangwakas, sinabi niyang ang
pangkalahatang sitwasyon sa Asya ay ang paglaganap ng kontraktwalisasyon at pagdami ng bilang ng
manggagawang impormal. Ang mahalaga ay palakasin ang mga organisasyong pangmanggagawa upang
magkamit ng hustisya ang mga manggagawa. Gayundin, mahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga
isyung sa tingin ng mga manggagawang impormal ay importante sa kanila.
Ang huling tagapagsalita ay si Melody Kemp isang OSH trainer. Sinabi niyang tumira siya sa Maynila ng 2
taon. Nagtrabaho rin siya sa Indonesia sa loob ng 11 taon at sa pakikipag-ugnay niya sa komunidad
nakita niya ang masalimuot (complexity) na mga isyu na pinag-uusapan ngayon. Binanggit niya na ang
pagsasanay na ito ay pangungunahan ng mga kalahok. Ang OSH ay isang napakalawak na isyu kaya sa
limitadong panahon na mayroong ang pagsasanay na ito ang nais niya ay marinig ang mga karanasan ng
mga kalahok.
Pagpapakilala ng mga kalahok
Lilia- mula sa Payatas, kasapi ng Aktibong Kababaihang Manggagawa ng Dumpsite DSWP
Gloria- kasapi ng Ladies Brigade Bagong Silangan, nagtatahi ng basahan
Jennifer- kasapi ng Aktibong Kababaihang Manggagawa ng Dumpsite, maybahay
Divina – kasapi ng SANGKAMAY, nananahi at may tindahan
Hilda- maliit na magsasaka at nag-aalaga ng hayop
Dolores- kasapi ng Damayan, tindera
Mary S. – kasapi ng Damayan, HBW
Jocelyn- HBW beadwork
Joe – kasapi ng ACIW, volunteer trainer
Lorna- mula sa DSWP , isang grupo ng kababaihan mula sa ibat-ibang sektor
Nina- kasapi ng SIKAP Unlad, ang kanilang ginagawa ay doormat, bilog na basahan; kandila, sabon,
dishwashing, chlorox, abaca products,
Marilyn- kasapi ng MAKALAYA at NUBCW, trainer ng babaeng construction workers –e lectrical,
welding. Ang mga manggagawang impormal na kasapi ng MAKALAYA ay nananahi ng basahan,
manicurista, silkscreening
Jane – kasapi ng MAKALAYA at AWWCI, house painter
Ipe – mula sa PANDAY, karpintero
Lourdes- president ng PATAMABA , isang organisasyong binibuo ng iba’t- ibang sub sektor tulad ng
mangggawa sa bahay, small transport, vendors, kabataan, constructiom. Isa rin siyang HBW
Trining- mula sa KABAPA, isang tindera at national president ng PKKK na binubuo ng 126 organizations
Mary Santos – mananahi, nagbuburda
Nida – mananahi
Diskusyon:
Sa 70 ILO Convention na may kinalaman sa OSH, 20 dito ang tinatawag na core convention. At kapag
ang isang kumbensyon ay niratipika ng isang bansa, obligado ito na magpasa ng isang pambansang
batas. Sa core conventions, isa (1) pa lamang ang nararatipika ng Pilipinas.
Ang problem natin siguro ay hindi natin naiintindihan ang proseso ng pagraratipika ng isang
kumbensyon. Dapat kasama ito sa seminar. Parang walang umuusad sa tripartite meetings, paano ba
tayo lalahok sa proseso ng pagraratipika?
Ang proseso ng pagraratipika ay hindi gaanong pinapansin. Mahalaga na hindi lang natin malaman kung
paano ang proseso kundi isama natin ang kaalaman at kasanayan kung paano magsusulong ng isang
adbokasiya—istratehiya, pamamaraan at iba pa.
Kasama ang informal sector sa national tripartite advisory council sa phase 3 ng decent work common
agenda.
Mga Programa at Polisiya sa OSH para sa sektor impormal
(OSH Programs and Policies for the Informal Sector) – refer to ppt presentation
Informal sector defined (ILO 1993)
Official definition of the Philippines:
RA 9485
Conceptual and operation definition NSCB 2007
DOLE Programs and Projects on IS
OSH Administration in the Philippines
DOLE- prevntion (EO 307 (OSHC)
ENforcement Admin Code 1987 (ROs)
Updating of health and safety standards and othe related OSH policies Admin Code 1987
(BWC)
Compensation Rehabilitation PD 626 (ECC) (operational : SSS, GSIS)
Government Agencies
NGOs, Labo rand Employer Groups (PCOM/OHNAP; ECOP/PMAP; TUCP/FFW/TUPAS; OSH Nets
Academe
Enforcement and Updating of Laws on OSH
Kokonti ang inspectors
Kung titingnan ang batas
Phil Constitution
Labor Code
Occupational Safety and Health Standards (OSHS 1978
Context ay malalaking kumpanya, may DO from time to time para madagdagan ang standards
D.O. 57 – 04
Work Improvement in Small Enterprises (WISE) methodology
Preventive OSH Component
Special program – di pinagbabayad at reach out sa mga taong nangangailangan ng impormasyon
Zero Accident Program (ZAP)
Strong on Advocacy esp Gawad Kalsugan at Kaligtasan, Capability building and networking; voluntary
conmpliance tie up with companies
GKK malalaking kumpanya ang sumasali pero we are encouraging na sumama ang micro enterprises at
ng IS ang inihingi ay madocument ang workplace
Great Women Project
Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) interested sa approach…..
Mga reaksyon:
Baby ng PATAMABA
Sa PATAMABA, nagkaroon na ng ganoong pag-aaral. Ang problema ay iyong paggamit ng PPE. Sa panig
ng mga manggagawa sa bahay, hindi sila sanay sa paggamit ng mga ito. Para sa kanya, ang mahalagang
gawin ng ahensya ng gobyerno ay magkaroon ng ugnay sa katulad nilang mga organisasyon pero walang
kapasidad na ipamahagi ang impormasyon. Kaya’t ang kanyang rekomendasyon ay ugnayan ang mga
organisasyong tulad naming, magbigay ng kaalaman, pondo o dokumento na maaaring ipamahagi sa
nakararami. Don sa presentasyon kanina, binanggit na may training for trainers. Magandang ideya ito
sapagkati kulang na kulang ang kaalaman at badyet para makaikot at maibahagi ang ganitong kaalaman.
At sana, ang mga materyales ay nakasalin sa lenggwaheng mas mauunawaan ng aming sektor.
Ipe ng PANDAY
Sa hanay ng mga mangggawa sa konstruksyon, may ibang bahagi na pormal ang empleyo ngunit mas
malaking bahagi ay nasa impormal. Nakapagpanalo sila ng kaso kung saan sinisingil ang bayad sa PPE sa
mga manggagawa. Ang nakikita niya, ang pare-pareho ang karanasan ng mga manggagawa na walang
police power pagdating sa implementasyon ng kaligtasan at kalusugan sa paggawa. Binanggit din niya
na kahit mismo kontratista ng gobyerno ay hindi nagpapatupad o walang programa sa OSH. Batay sa
aktwal na karanasan, may kontratista na hindi gumagamit ng early warning device (EWD) sa paggawa ng
kalsada at hindi lang mga manggagawa ang nalalagay sa panganib ngunit maging ang publiko na
dumadaan dito ay nadidisgrasya. Idiniin niya na kung mismong sa pormal na sektor ay walang
implementasyon at programa para sa ligtas na kapaligiran, paano na ang impormal na sektor na hindi
kayang bantayan? Kailangang magkatulungan para sa ligtas na lugar paggawa ang mga manggagawang
pormal at impormal.
Inday ng MAKALAYA
Ang OSH ay 10 taon na naming kampanya sa Building and Woodworkers International (BWI). Nakalahok
siya sa Multi-Tripartite Safety Team (MUST). Bagamat may mga batas, sinabi nila na sa ibang malalaking
kumpanya, inililihim ang mga aksidenteng nangyayari sa lugar paggawa. Sa mga manggagawang
inpornmal, marami sa kanila ang hindi alam ang epekto ang kemikal sa katawan, halimbawa, hindi basta-
basta naniniwala sa asbestosis. Isang paniniwala nila na ang kemikal na nalanghap mula sa pintura ay
kailangan lamang na iinom ng gin para matunaw sa baga. Sinabi rin niya na ang batas ay masyadong
maluwag sa mga hindi sumusunod. Kaya;t mahalaga na sanayin ang mga manggagawa sa ganitong
usapin para maunawaan nila ang mga isyung may kinalaman sa OSH. Isa rin sa mga problema ay
nawawalan ng gana ang mga manggagawa na ilabas ang mga isyung may kinalaman sa OSH dahil minsan
ay ikinakatanggal pa nila ito kapag nagreklamo sila.
Joe ng ACIW
Ayon sa kanya, kung kaligtasan ang pag-uusapan, medyo madugong debate ito. Batuhan ng argument
ang gobyerno at mangggawa. May batas sabi ng gobyerno, sabi naman ng mga manggagawa, hindi
ipinapatupad ang batas. Gumawa ng batas ng gobyerno na dapat bigyan ng mga kumpanya ng PPE ang
mga manggagawa. Sa bandang huli, may mga manggagawang umabuso kaya ginawang salary deduction
ang PPE kasi hindi inalagaan ng manggagawa kasi hindi naman kanya. Dahil sa ang PPE ang last line of
defense, sinabi niyang hindi dapat umasa ng buong-buo sa gobyerno. Kailangan ding gumawa ng
hakbang para makatulong sa ating sarili, sa ating mga grupo. Pwedeng umpisahan sa pagpapalaganap
ng edukasyon tungkol sa kaligtasan. Binanggit niya na sa ACIW, sa tuwing may gawain sila tulad ng mga
pagsasanay, nagbibigay sila ng oras para pag-usapan ang OSH. Sinabi niyang may mga trabahante na
sampung taon na sa contruction pero hindi marunong gumamit ng PPEs. Halimbawa, ang hard hat ay
nakaipit sa kili-kili. Kaya, kailangang umpisahan natin ang edukasyon sa ating mga miyembro.
Diskusyon:
Ang Convention on Mining lamang ang naratipika ng Pilipinas. Liban doon ay wala ng umiiral na batas.
Sinabi ni Ms. Anna na ang EO ay isinulat noong panahon ni Marcos na walang Kongrero. Ngunit ito ay
may katangiang tulad ng RA liban na lamang kung ito ay superceded ng ibang batas. May mga pending
bills sa kapwa House at Senate na naglalayon na magkaroon ng komprehensibong batas at tumukoy ng
isang ahensya na tutuon sa OSH. Kinikilala naman na ang weak link ay ang pagpapatupad. May ilang
bersyon ang panukalang batas ngunit bago pa ito napag-usapan ay nag-adjourned na ang Kongreso.
Sinabi rin niya na ang PPE nga ay ang last resort. May ibang mga pamamaraan para sa kaligtasan.
Kailangang malaman kung ano ang panganib, kailangan ba ng PPE? Anong uri ng PPE ang kailangan?
Hindi rin ibig sabihin na pag nagkaproblema, PPE ang sagot. Kung matukoy ang panganib, ano ang
pwedeng gawin. May mga pamamaraan na mura at halos walang perang kailangang gastusin.
Halimbawa, simpleng pagbabago ng paligid. Ang PPE ay mahal at nangangailangan ng pangangalaga.
Upang maprotektahan ng isang mangggagawa, dapat na tama ang paggamit ng PPE at tama rin ang
pangangalaga dito. Kaya mahalaga rin ang pagbibigay ng tamang impormasyon. Ang OSHC ay nakatuon
rin sa Networking para makarating ang impormasyon sa mga taong nangangailangan.
Panghuli, sinabi niyang ang OSH ay isang magkatuwang na responsibilidad (shared responsibility) – nasa
batas na may responsibilidad na sumunod ang mga manggagawa sa regulasyon ngunit ang bulto ng
responsibilidad ay sa panig ng employer. Dagdag pa niya, mahalaga ang partisipasyon ng mga grupo ng
manggagawa dahil kung minsan ay hindi sapat ang tulad ng Center upang makinig ang mga dapat
makinig.
Ibinahagi ni Baby na sa panig ng mga manggagawang bahay, ang sariling tahanan ang lugar paggawa.
Kaya kung anumang panganib sa paggawa ang nararanasan ng manggagawang bahay, maaari ring
makuha ng ibang miyembro ng pamilya. Ang isang solusyon na maaaring tingnan ay ang paglalagak ng
mga batang paslit sa mga daycare centers sa panahon na nagtatrabaho ang kanilang mga nanay.
Ayon kay Ms. Anna, magandang tingnan ang mga karanasan ng ibang lugar para sa mga praktikal na
solusyon at sa pagkakaiba-iba ng mga sektor. Halimbawa, sa mga gumagawa ng paputok. Ang isang
ginawa ng lokal na pamahalaan ay nagtakda ng isang lugar kung saan doon lang gagawa ng mga
paputok. Ang lugar na ito ay malapit sa tubig. Maaari ring tingnan ang mga ordinansa na nagbabawal sa
pagtatrabaho ng bata.
Sa pagsisimula ng sesyon sa hapon, nagkaroon ng isang energizer.
C-o-c-o-n-u-t
Disenyo ng Pagsasanay
Ang sesyon sa hapon ay pinadaloy nina Omana at Melody. Una, upang natugunan ang interes at
pangangailangan ng mga kalahok sa limitadong panahon, sinabi nilang kailangan nilang marinig ang mga
ideya ng kalahok at mula doon ay ibabalangkas ang diskusyong magaganap sa pagsasanay. Upang
matukoy ang mga mahahalagang isyu, nagpakita ng ilang slides si Melody kung saan may partikular na
isyung nakasulat sa bawat slide. Ang gagawin ng mga kalahok ay itaas ang kamay kung sa kanilang
pananaw ay importanteng mapag-usapan ang paksang iyon. Nasa baba ang naging resulta ng prosesong
ito
1- eye injuries-- 14
2- fatigue--13
3- lack of suitable eating places--3
4- UV/Fume exposures--12
5- Long commutes--8
6- Dehydration--13
7- Lacerations, amputations--5
8- Lack of sanitation/gut diseases--8
9- Poor nutrition--15
10- Bad ergonomics (work design)--13
11- Foot injuries/infections--11
12- Absent or inappropriate PPE--18
13- Overcrowding--9
14- Dangerous dust--15
15- Heat, steam, burns-- 13
16- Air pollution--14
17- Chemical exposures--13
18- Explosive/inflammable materials--6
19- Poor lighting--7
20- Organized crime, violence, extortion--3
21- Electrical hazards--8
22- Fire--12
23- Heavy handling--16
24- Fine repetitive work--14
25- Machinery--9
26- Any other hazards
- sexual harassment
Mula rito ay tinukoy ang mga prayoridad na lumabas:
Ergonomics, PPE, sexual harassment and gender issues, stress fatigue and dehydration
If we have time --chemicals, heat and burns, pollution and overcrowding
Pangalawang tanong ay kung paano nais ng mga kalahok na ilahad ang mga paksa. Ang resulta ng
botohan ay:
Technical information- 11
Data collection/--22
Neighborhood action. Organizing--2
Fabrication ( appropriate technology)--21
Pagkatapos nito ay ibinahagi ni Melody ang mga sumusunod:
Externalities
Public/environmental/occupational health
Bahagi nito ang pananaliksik upang malaman natin kung saan departamento tayo pupunta. Halimbawa,
ang pagkalantad (exposure) ng mga bata sa usok mula sa tambutso ng mga sasakyan ay isang problem
sa pagsosona (zoning problem). Yong mga mahihirap na nakatira sa mga industriyang nagkakalat ng
polusyon ay lantad sa maraming mga panganib. Sa mga nakatira sa tambakan ng basura (dump sites),
mabuway ang lupang likha ng tambak ng basura at may panganib sa pagguho nito, pagsinip ng lason
mula sa basura, maaari ring magkaroon ng pagsabog dito dahil sa mga kemikal na mula sa basura.
Relationship:
Mjay kinalaman din sa interbensyon o pagkilos ang mga obligasyon sa pamilya maging ang mga sindikato
(organized crime). Halimbawa: isyu ng land tenure. Hindi gusto ng mga tao na gumawa ng pagbabago
sa kanilang pamamahay sapagkat hindi naman kanila ang lupa kaya ang naging programa sa sitwasyon
ito ay OSH, pampublikong kalusugan (public health) at pagtititulo ng lupa (land titling). Kung titingnan
natin, hindi talaga direktang konektado sa OSH ang isyu ng lupa pero malalim ng koneksyon nito sa
buhay ng mga tao at sa impact ng mga interbensyon.
Pagtatasa ng mga nagawa na sa usapin ng OSH
Workshop:
Hinati ang mga kalahok sa 5 grupo. Binigyan sila ng 40 minuto upang pag-usapan kung ano na ang mga
nagawa nila sa usapin ng OSH, ano ang mga gawaing nagtagumpay, at ano ang hindi nagtagumpay. Ano
ang mga naging balakid?
Pag-uulat
Group 2 (grupo ng mananahi, construction, transport, waste picker)
Tagumpay: Nakagawa ng polisiya para sa kaligtasan.
Sa mga driver, dati nagda-drive ng lasing o nakainom. Nakita nila na malaki ang pinsalang dulot nito
kaya gumawa sila ng polisiya na hindi pwedeng nakainom, hindi hubad, may ID ang papasada.
Pangalawa, bawal ang malakas na stereo.
Sa mga manggagawa sa Konstruksyon: may magagamit na mga modules sa safety orientation, may
awareness raising sa members ng NUBCW, alam ng mga kasapi ang OSH na dati hindi sila pamilyar; na
dati ay binabalewala lang ang sakit ng katawan, nakakalahok sa CICT (tripartite) kaya nasasabi ang
problema, may safety educators sa bawat asosasyon, naghuhubog ng educators at trainers.
Mananahi- lahat ng natututunan ay nirere-echo sa mga kasapi, halimbawa: mga usapin sa kaligtasan,
pakikipag-network sa ibat ibang ahensya ng gobyerno
Kabiguan:
Kahit alam ng tao ang isyu ng kaligtasan, may pagkukulang sa pagsasabuhay nito. Kahit alam nila na
mapanganib ang gagawin nila, ang pangunahin sa kanila ay kumita. Kaya sa usapin ng trabaho, hindi na
pinag-uukulan ng pansin ang mga panganib na maaari nilang maranasan. Hindi na napapahalagahan ang
buhay at ang kinabukasan. Halimbawa, sa mananahi kahit napag-aralan na ang usaping pangkaligtasan
hindi nila mabago ang kalagayan nila kasi maliit ang lugar paggawa at kahit gusto ipatupad, wala ring
magawa. Kaya naman, hindi maiwasan ang posibilidad na magkaproblema
Mga Interbensyon:
Patuloy na pag-aangat ng kamulatan
Pagpapalalim ng kaalaman sa OSH
Pagtatayo o pagtatalaga ng mga OSH Committee o Education Committee
Dagdag na impormasyon: bukod sa pagsunod ng mga driver sa mga panuntunan ng LTFRB, may mga
internal na panuntunan din ang mga organisasyon ng mga driver at operator.
Group 1 (HBW, construction worker, farmer)
Kalakasan at kahinaan:
Organisado na ang ibat-ibang samahan ngunit ang kahinaan kulang sa impormasyon sa OSH.
Halimbawa, ang mga magsasaka ay walang kaalaman kung paano pangangalagaan ang katawan . Ang
rekomendasyon: magkaroon ng mga materyales na magagamit sa pagpapalaganap ng impormasyon,
magkaroon na ng training sa OSHC sapagakat hindi pa napapatagos sa mga myembro.
May nakapagsanay na na mga lider hindi naman magkaroon ng echoing kasi kulang sa pondo kaya hindi
maibahagi. Ang rekomendasyon ay solicitation sa LGU, NGO, DOLE partnership sa ibang NGOs para
makapangalap ng mga resources.
May kaalaman na tungkol sa OSH pero hindi ginagamit ang PPE. Sa lugar paggawa ay paalala na laging
isuot ang PPEs para mapangalagaan ang kalusugan Kailangan ng mahigpit na pagpapatupad at patuloy
na pagpapaalala na iyong ginagawa na may ugnay sa OSH ay di para sa kanila kundi para sa lahat ng tao
na nagtatrabaho sa lugar.
Group 3 (construction worker, HBW, waste pickers)
Kalakasan:
May training at oryentasyon at mula dito ay nagkaroon ng kaalaman sa paggamit ng PPE (halimbawa
hard hat, mask, kagandaan nito sa kaligtasan), kamulatan kung paano makaiwas sa sakit at sakuna;
tamang posisyon sa pagtatrabaho
Pagiimpok para sa sarili—sa mga oryentasyon ukol sa kaligtasan (safety orientation) tinuturo rin ang
pag-iimpok (Coop) SSS
Tamang kaalamn sa 5S
Pag-oorganisa para maipaliwanag ang mga isyung may ugnay sa OSH
Kahinaan :
Limitado ang kaalaman sa paggamit at limitado din ang resources
Hindi sanay gumamit o kaya sagabal sa trabaho (halimbawa: ang hard hat ay mainit)
Limitado ang natuto o naturuan kasi kulang ang badyet
Walang batas na tutugon sa usapin ng OSH liban sa pagmimina
Rekomendasyon:
Pagsusulong ng batas ukol sa OSH at implementasyon nito
Suportahan ang MACWIE
Pagkuha ng database kung nasaan ang mga manggagawa at kung paano susuportahan ang OSH
Group 4 (HBW, construction, vendors, small transport, waste pickers)
Karamihan ay gumagamit ng mask, gwantes (gloves), bota, goggles, proper labeling,
Contruction workers, gumagamit ng ibang PPEs
Vendors – gumagamit ng, sombrero (yari sa nipa), long sleeves na kamiseta
Small transport- mask, sapatos, gwantes, goggles
Waste pickers- goggles, knee pad, aprons, bota, sombrero na yari sa buli
Ngunit marami pa ang hindi gumagamit ng PPE
Ang mga natutunan tungkol sa ergonomics ay ipinapatupad ng HBW ngunit nangangailangan pang
mapahusay ito
Mga hindi pa ginagamit:
Helmet, masks, gwantes, tamang liwanag (proper lighting) sa mananahi at para makatipid din sa
kuryente
Sa ibang lugar, mandatory ang kontribusyon sa SSS
Obserbasyon mula sa ibang grupo: Nagtuon ng pansin ang Group 4 sa usapin ng PPE.
Group 5 (Pagsasaka, recycling, construction worker)
Mga positibong nagawa
Farming: nakapag introduce ng paggamit ng organic fertilizer (hindi kemikal) para maiwasan ang mga
panganib na dulot ng mga kemikal
Pananahi – sa tahian ay binuksan ang mga bintana para makatipid sa ilaw (paggamit ng natural na
liwanag), ang problema ang alikabok ay lumalabas sa kapitbahay
Recycling ( pangalahig/hand tool)
Contruction- gumagamit ng PPEs
Negatibo:
Nagkakapareho sa kakulangan ng PPE o/at orientasyon sa tamang paggamit ng PPE at anong klaseng PPE
ang dapat gamitin, hindi pa ganap na nabigyan ng oryentasyon ang mga kasamahan ukol sa kanilang
kaligtasan
Diskusyon:
Sa pangkalahatan, bilang mga nagsusulong ng OSH, ipinapanukala natin na ang OSH ay maisama sa mga
local development plans ng munisipyo. Marami na tayong karanasan. Sa CARAGA, ang OSH ay naisama
na sa development plan noong naganap ang isang forum ng DOH kasama ang DILG. May 3
munisipalidad na ang OSH ay nakapaloob sa health development plan.
May mga sektor rin na bahagi ng OSHC sa implementasyon sa lokal na lebel at sa OSH Net kaya nga lang
ay sa limitadong mga probinsya lamang. Sa ilalim ng decent work common agenda, bahagi ang OSH ng
sektoral na adyenda sa ilalim ng NAPC framework.
Ang MAGCAISA at ang Homenet ay makikipag-diyalogo sa mga kankidato sa Quezon City, Caloocan at
Davao City. Sa mga diyalogong ito, kailangang maisama ang panukalang lokalisasyon ng OSH bilang
bahagi ng ating electoral agenda
May vocational and technical schools na humingi ng tulong sa ACIW para magsagawa ng OSH seminar.
Mas maganda na may adbokasiya din tayo sa DepEd na maisama sa curriculum ng paaralan ng OSH ng sa
gayon ay may kaalaman na sila dito kahit nag-aaral pa lang sila.
Ang National OSH Plan ay bahagi ng isinagawang Education Summit noong nakaraang taon. Ang
panukala ay ilagay sa school curricula ang OSH. Maari tayong humingi ng kopya ng National OSH Plan
sapagkat panahon pa para makilahok tayo sa ganitong mga isyu. Mahalagang isulong natin ang
lokalisasyon ng National OSH Plan.
Magandang tingnan ang karanasan ng Homenet Thailand at iba pang mga bansa. Sa atin, ang pag-
oorganisa ay upang ipaalam sa mga manggagawa ang tungkol sa kanilang mga karapatan. Sa kaso ng
Thailand, ginagamit nila ang OSH bilang entry point sa pag-oorganisa. Bukod dito, napapalawak nila ang
network na sumusuporta kabilang ang gobyerno gamit ang OSH. Sa iba naman, mula sa entry point na
OSH, dinadagdag nila ang iba pang isyung pangmanggagawa.
Mga estratehiya sa pagkontrol ng mga panganib (Hazards control strategies)
Mula sa mga pag-uulat at bahaginang naganap, binigyan diin ni Melody ang sumusunod:
Kung may panganib, sugpuin ito (If there is a hazard, eliminate the hazard)
Sa pag-aanalisa ng panganib, isipin ang:
(1) Pagpapalit (substitution)
Halimbawa: palitan ng mas ligtas na kemikal tulad ng water-based glue para sa mga gumagawa
ng sapatos
(2) Engineer the problem out/mechanize
Halimbawa: pag-aayos ng bentilasyon, pagdadagdag ng mga bagay upang mapatibay pa ang
isang kasangkapan, pagbabawas ng vibration, at iba pa.
(3) Isolate the process
Halimbawa: kung maingay, maglagay ng dingding o insulation materials sa maingay na makina,
lagyan ng karton ng itlog ang dingding; paggamit ng makina sa proseso ng acid plating sa halip
na inilulublob ng manggagawa ang kanilang kamay sa kemikal
(4) Isolate the worker
Halimbawa: katulad ng ginagawa sa radiation industry
(5) Administrative control
Bawasan ang oras ng mga taong gumagawa ng partikular na trabaho (shifting, pagbabago ng
routine, rotation sa pagtatrabaho). Mayroon namang mga pagkontrol na nakakabigay ng
ginhawa ngunit hindi ganap na nireresolba ang problema (halimbawa: fumes)
(6) PPE
Sinabi ni Melody na napansin niya na ang karaniwang binabanggit ng mga kalahok ay PPE na
kung tutuusin ay ito ang huling paraan na dapat ginagawa liban na lamang sa mga industriya na
kailangang bahagi ng uniporme ang PPE tulad ng konstruksyon. Ang isang isyu sa PPE ay
napapasa ang responsibilidad sa manggagawa kapag hindi niya ginamit ito.
Pagkatapos nito ay nagpakita ng mga larawan si Omana at tinanong ang mga kalahok kung anong
klaseng problema ang ipinapakita dito at ano ang mga posibleng solusyon na maaaring gawin.
Halimbawa: isyu ng tamang ventilation ay engineering control issue
Ibinahagi rin ni Melody sa puntong ito na sa karamihan ng mga pabrika ng tela/patahian, hindi
kinakailangan ang mask. Ang polyester dust ay hindi mapanganib bagamat nakakasagabal
(inconvenient).
Ibinahagi rin ni Melody na noong siya pa ang manedyer ng kaligtasan at kalusugan sa Australian National
University, sinabi niyang hindi niya desisyon kung anong safety gadget ang isusuot ng isang
manggagawa. Sinasabi niya sa mga tao na isuot nyo, pakiramdaman nyo at kayo ang mamili kung alin sa
mga gadget ang gagamitin nito. Idiniin niya ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga apektadong tao sa
pamimili kung ano ang gagamitin sapagkat sila naman ang gagamit ng mga ito.
Ikalawang Araw
Pagbabalik-aral sa mga napag-usapan kahapon
Ang prosesong ginamit sa pagbabalik aral ay ang pagpapasa ng bola. Magsasalita ang isang kalahok
pagkatapos ay ibabato niya ang bola sa taong gusto niyang sumunod sa kanya. Dahil walang bola, ang
gimamit na pamalit ay ang masking tape.
Ayon sa mga kalahok, ang mga sumusunod ang natandaan nila mula sa diskusyon kahapon:
Mga prinsipyo sa pagtatanggal ng panganib (Principles of hazard removal)
Ang umiiral sa batas sa kasalukuyan ay para lamang sa mga manggagawang pormal at wala para
sa mga manggagawang impormal
Kailangang amyendahan ang Kodigo sa Paggawa (Labor Code), ang mga istandard ay kailangang
para sa mga manggagawang pormal at impormal
Maaaring hindi naipapatupad ang mga probinsyon tungkol sa OSH na nakasaad sa Kodigo sa
Paggawa (Labor Code) dahil sa walang malinaw na mga panuntunan kung paano ipapatupad ang
mga ito. At kung gagawa ng mga panuntunan, mahalaga ang partisipasyon ng mga
mamamayan. Dahil dito, mahalaga rin ang pagbubuo ng malakas ng mga organisasyon ng mga
manggagawa na magsusulong ng ating interes.
Hindi tayo para sa ratipikasyon ng anumang kombensyon. Ang kailangan natin ang isang
komprehensiong polisiya sa OSH na para sa kapwa manggagawang pormal at impormal
Ang laman ng batas sa OSH ay kailangang manggaling sa mga mamamayan.
May kumbensyon o wala, mahalaga na kumilos tayo.
Hindi tayo dapat magkasya sa pagkakaroon lamang nga batas. Ngunit hindi naman
magkakaroon ng progama kung walang batas. Tapos, iyon ngang may batas, hindi pa
napapatupad. Paano pa kung walang batas?
Ang PPE ay huling pamamaraan (last resort). Ang unang dapat isipin ay sugpuin o alisin ang mga
panganib.
Binigyan diin ni Melody na ang batas ay isang pagpapahayag ng intension (statement of intent). At ito
ang sinusuportahan ng mga regulasyon (ang OSH ay napaka-teknikal na usapin) at mas nagiging mas
partikular – codes of practice, technical specifications na tumutukoy sa mga istandard (halimbawa: para
sa industriya ng konstruksyon, ang bawat manggagawa ay kailangang magsuot ng harness at kailangang
ito ay alinsunod sa standard XXX)
Ano ang nangyayari sa Asya?
Nagbigay ng maikling panayam si Omana at inilahad niya ang kalagayan ng mga manggagawa sa Asya.
Sinabi niyang may tahimik na masaker na nangyayari. Wala tayong sapat na datos sapagkat kung
titingnan natin ang mga istatistika ng kung gaano karami ang mga taong apektado , ang mga ito ay batay
sa ulat ng mga gobyerno at karaniwang hindi naibibigay ang tunay na larawan ng kalagayan. Sa Asya,
mukhang ang kalakaran ay ang mag-ulat ukol sa datos pampinansyal/pang-ekonomiya kada ikaapat na
buwan ngunit walang datos na inilalabas ukol sa namatay, napinsala o nagkasakit na mga manggagawa.
Ayon sa ILO, mahigit kumulang na 2.2M ang namamatay dahil sa trabaho ngunit ang mga ito ay hindi
nauulat sa midya. Noong 1984, nagkaroon ng pagpupulong na inorganisa ng WHO sa Beijing. Dito,
sinabing ang pangunahing mamamatay sa mga sakit na may kaugnayan sa pagtatrabaho ay kanser
(32%). Idiniin ni Omana na ang mga aksidente at pinsala ay mga lantad na kaso kaya mataas ang bilang
ng mga nauulat. Yong ibang mga sakit ay hindi agad nakikita at nagtatagal bago makaapekto sa isang
manggagawa.
Ang reyalidad (Reality):
(1) Ang OSH ay nagmimistulang pribilehiyo sa halip na karapatan
(2) Maluwag ang implementasyon; ang mga regulatory authority sa karamihan ng mga bansa ay
mahina at hindi sapat ang kakayahan
(3) Kokonti ang mga labor inspector kumpara sa bilang ng mga kumpanya , mas mababa pa ang
sahod ay mas mababa pa sa minimum kaya nanghihingi ng lagay
(4) Kulang ang mga doktor na masusuri ng tama ang mga sakit kaugnay sa pagtatrabaho. Ang
tamang pagsusuri/diyagnosis ay isang malaking hamon sa karamihan sa mga bansa sa Asya.
(5) Kinalimutan at hindi pinapansin: mga manggagawang namatay at kanilang mga pamilya na
nagpapasan ng epekto ng pag-unlad ng industriya; madaling kalimutan kahit na sa mga
pinakamauunlad ng mga bansa
Occupational hygienist – pumupunta para magsukat ano ang antas ng ingay at nagsasabi na ang sakit mo
ay galing sa XXXX.
Informal sector- contributory factors
Mga manggagawang impormal (Informal workers)
Walang regulasyon o regulatory framework
Walang malinaw na ugnayang employer-manggagawa
Mababang priyoridad ang usaping OSH
Walang tamang oras ng paggawa at ang paggawa ng piece rate na trabaho ay nagbubunsod sa
eksploytasyon ng sarili
Walang malinaw na paghahati ng tirahan at lugar paggawa; nalalantad ang iba pang myembro
ng pamilya sa mga panganib
Mga problemang OSH ng Kababaihan (OSH problems for Women)
Ang epekto sa kalusugan ng mga babaeng manggagawang impormal ay hindi ganap na napag-
aaralan
Nahaharap sa mga panganib reproduktibo dahil sa mga mapanganib na trabaho at mga
substance
Pagsasaklob ng trabahong may bayad at wala
Extended work hours puts tremendous pressures on body amd mind
Manggagawang Bata (Child Labour)
Minsan, ang mga bata sa sektor impormal au kailangang tumulong sa kanilang mga magulang dahil sa
pangkabuhayang dahilan.
OSH at Kahirapan
Malakas ang relasyon sa pagitan ng bulok na kondisyonsa OSH at kahirapan
Ang mga maysakit at napinsalang manggagawa ay walang aasahan na mabayaran
Bawal magkasakit
Pag-oorganisa ng mga biktima (Victims’ organizing)
Isang bagong porma na pag-oorganisa na nakatulong upang maitaas ang antas ng kamulatan sa OSH.
Ang Asian Network for the Rights of Occupational Accident Victims (ANROAV) ay isang network ng mga
grupo ng mga biktima (victim groups), kabilang dito ang mga unyon sa sektor pormal (trade unions) at
iba pang mga grupong pang-manggagawa mula sa 15 bansa sa Asya at mga associate members mula sa
3 mga bansa
Ergonomics
Ibinato ni Melody ang isang tanong sa mga kalahok. Ano ang pagkaintindi ninyo sa ergonomics? Ang
mga naging sagot ay:
nakakatrabaho ka ng komportable
alam kung paano gagawin ang isang bagay na tama ang postura
paggamit ng tamang ilaw
kapag nagbubuhat ka ng isang bagay
Sinabi ni Melody na ang ergonomics ay tumutukoy sa tamang pustura sa paggawa ng isang trabaho ng sa
gayon ay hindi nai-stress ang mga bahagi ng iyong katawan at ng hindi ito mauuwi sa pilay (sprain) o
pinsala (injury). Binanggit din niya sa may mga tamang pamamaraan sa pagbubuhat upang hindi
mahirapan ang likod. Dagdag pa, may dalawang pundamental na isyu sa ergonomics: (1) disensyo upang
mabawasan ang panganib at (2) gawing ayon (fit) sa manggagawa ang lugar paggawa. Dito
inihalimbawa niya ang karanasan ng Boeing kung saan ang cockpit (ang lugar ng piloto) ay nakadisenyo
para sa malalaking tao. Bilang pagbabago, nagkaroon ng lever ang upuan upang maiakma sa sukat ng
piloto.
Gawain:
Humingi si Melody ng dalawang volunteer, isa ay manggagawa sa konstruksyon at ang isa ay isang
mananahi sa bahay. Sinabi sa kanila na kailangang ipakita nila sa mga kalahok kung paano nila ginagawa
ang kanilang trabaho (ipakita ang lahat ng galaw na ginagawa kapag nagtatrabaho). Unang ipinakita ito
ng nakaharap sa mga kalahok at sa pangalawang beses ay ang gilid na bahagi nila ang nakikita ng mga
kalahok.
Pagpoproseso:
Nagbigay ng ilang katanungan si Melody sa mga kalahok. Tama ba ang pag-upo? Anong parte ng
katawan niya ang maaaring sumakit sa katagalan? Mula sa mga sagot ng mga kalahok ay nagbigay si
Melody ng mga posibleng solusyon. Halimbawa, upang hindi lamang iisang parte ng katawan ang
ginagamit sa matagal na panahon, maaaring baguhin ang sistema ng pagtatrabaho. Sa pananahi, ang
mga hakbang ay pag-aayos ng tatahiin, pagtatahi, pag-e-empake. Ito ay maaaring gawin ng salitan sa
halip na pangmatagalan sa isang hakbang lamang.
Ayon kay Melody, tayo ay produkto ng ebolusyon. Balikan natin kung ano ang mga ginagawa ng mga
ninuno natin. Sa paghahanap ng pagkain, ginagamit nila ang kanilang mga kamay, nangangaso sila. Ang
ating katawan ay naka-disenyo upang kumilos at gumawa ng iba’t-ibang bagay. Ngunit sa paglipas ng
panahon, nalimitan ang mga kilos ng ating katawan. At hindi tayo nakadisenyo para hindi kumilos.
Gawain:
Ang mga kalahok ay pumili ng kapareha kung kanino komprotable na ipahawak ang kanilang katawan.
Pinahawakan ang bahagi malapit sa balikat upang iparamdam ang tensyon ng kalamnan kapag
iginagalaw ang mga ito. PInahawakan din ang likod malapit sa balakang upang iparamdam ang
pagkakaiba ng kalamnan sa braso at sa likod. Mula dito ay ipinaliwanag ni Melody kung bakit
nakakaramdam ng pagsakit ang mga bahaging itong ng katawan.
Gawain:
Pinatayo ni Melody sa harap ang isang kalahok na maliit ang body frame at hindi rin matangkad.
Pumusisyon si Melody sa likod ng kalahok na ito. Ipinakita niya ang pagkakaiba nila sa kayang abutin
dahil sa pagkakaiba ng istruktura ng kanilang katawan. Dito, idiniin niya ang kahalagahan ng flexibility sa
usapin ng OSH.
Gawain:
Naglagay ng kahon sa gitna si Melody at ipinagpalagay na ang bigat nito ay 50 kilo. Tumawag siya ng
mga volunteer upang ipakita kung paano bubuhatin ang kahon. Pagkatapos nito ay tinanong niya ang
mga kalahok kung may iba pang pamamaraan upang mabuhat ang kahon. Bukod dito, tinanong din niya
kung paano ang storage kung ganito kabigat ang kahon. Bukod sa pagbubuhat gamit ang mga binti sa
halip na likod, sinabi ng mga kalahok na maaaring hatiin sa 2 ang laman ng kahon para mabuhat ng isang
tao o di kaya ay pagtulungang buhatin ng 2 tao. Pwede ring gumamit ng gamit na may gulong (katulad
ng ginagamit sa pagde-deliver ng soft drinks). Sa storage naman, ilagay ito sa lugar na medyo mataas at
hindi sa sahig.
Gawain:
Pinalabas ni Melody ng session room ang mga kalahok upang maghanap ng mga sitwasyon sa paggawa
na tingin nila ay hindi tama. Iuulat nila ang kanilang mga nakita sa plenaryo.
Pag-uulat:
Group 1
Trysikad driver
hindi tama ang direksyon ng pagpapatakbo ng kanyang bisekleta (counterflowing)
Nakasuot ng tsinelas
Walang side mirror ang bisekleta
Sa harap ng OSHC ito naganap
Ang LTO ang ahensya sa responsable sa ganitong kaso
Hallway ng OSHC Building
Nakalawit ang wire ng ilaw
Fluorescent light/tube ay walang protector
Street vendor
Nagbebenta sa gitna ng trapik
Bamboo furniture worker
Walang suot na gwantes, gumagamit ng matalim na gamit
Walang safety shoes, naka-short pants lang
Ang mga ginagamit na materyales ay na kakalat lamang at pwede siyang matapilok dito
Hindi rin maganda ang posisyon sa pagtatrabaho, nakatingkayad sa halip na gumamit ng lamesa
Group 2
Nagtitinda ng mais
Walang proteksyon sa ulo (sombrero) laban sa init
Nasa kalsada kasama ng mga sasakyan
Walang tsinelas
Trysikad driver
Nakayuko sa pagmamaneho
Payong ang pinakabubong ng sasakyan
Walang side mirror
Group 3
Delivery boy
May dala-dalang isang sakong bigas na nakapatong sa ulo habang may hawak na mga grocery bags
Ano ang pwedeng gawin?
Gumamit ng lalagyan ng bigas (yong may gulong)
Group 4
Fish vendor (ambulant)
May kawayan sa likod na nagbabalanse sa dalawang timba sa magkabilang dulo ng kawayan (tama ito)
Mekaniko
Walang tshirt, lantad sa mga usok at kemikal
Alanganin ang posisyon
Walang PPE
Group 5
Tindera ng prutas
Walang payong, naglalako maghapon
Maaaring magkaroon ng varicose veins, skin problem, head ache
Painter
Walang tshirt, walang mask, gwantes, sapatos at hard hat
Mga Paalala ni Melody:
Ang paghila ay mas epektibo kaysa sa pagtutulak (Pulling is more effective than pushing)
Kung posible, gumamit ng gulong (Where possible, use wheels).
Sa tuwing makakakita tayo ng isang problema, gamitin natin ang mga prinsipyo ng
substitute, engineer, isolate process/worker, administer, PPE.
Sunog
Paano kung may sunog at walang tubig? Kailangang may 2 metal na timba na may lamang buhangin at
ilagay malapit sa pinto palabas. Maaaring balutin ang hawakan nito ng goma mula sa gulong ng
bisekleta.
May tatlong factors ang sunog: Oxygen- ignition source-fire. Ang istratehiya ay pigilin ang isa sa mga ito.
Ang buhangin ay maaaring gamitin sa iba’t-ibang tipo ng sunog.
Mahalaga ang papel ng mga lider sa komunindad sa pagsugpo ng sunog. Maaaring magtayo ng mga fire
brigade or magsanay sa pagpuksa ng sunog.
Paalala ni Melody:
Huwag labanan ang sunog ng malayo ka sa pwedeng labasan. Ilaban mo na makalabas ka. Puksain ang
sunog sa ibaba/ilalim ( sa pinagmumulan nito). Maaaring sukluban para wala ng oxygen pero dapat
malaki ang espasyo. (Never fight the fire between you and the door out... fight your way out/fight from
below (root/source of it)
Mapping Exercise
Gawain:
Muling hinati ang mga kalahok sa 5 grupo.
Pumili ng sitwasyon ng isa sa mga miyembro ng grupo at ilagay sa mapa ang kaniyang tirahan at ang
kapaligiran niya. Magtuon sa mga panganib ng sunog, mga lugar paggawa, mga posibleng pagsimulan
ng sunog, lokasyon ng mga emergency services at gaano katagal sila makakarating sa lugar.
Pag-uulat:
ASPPER HOA Barangay Bagong Silangan, QC
3 hectares na relocation site, may 400 households
Ang mga bahay ay yari sa coco lumber at hollow blocks
15 minuto ang layo sa Fire station
200m ang layo sa public fone ng kanyang bahay
5 bahay ang pagitan sa kanya, may pagawaan ng shell craft na gumagamit ng hazardous chemicals,
Ang Friend of Christ Jesus na pimamahalaan ng nga dayuhang misyonaryo ay namigay ng mga banga na
may 5 drums ng tubig ang kasya (para sa storage ng tubig ulan, ngayon may el nino, water delivery na
lang) na nakaimbak para sa emergency. Sa komunidad, may mga bahay na 100% ay konkreto, may 100%
na kahoy. Pagtitinda ang hanapbuhay ng karamihan.
Ang komunidad ay nabigyan ng lokal na pamahalaan ng lupa na nagkakalahalaga ng P450/sqm. Ang
PBSP, isang NGO, ay nagbigay ng multi-purpose center na nagkakahalaga ng P800,000, kalsada at
drainage (semento na ito). FCJ nagbibigay ng tulong sa pinakamahirap, P10,000 worth of materials para
maayos ang bahay. May medical assistance, every Monday may doctor. Free consultation at mga
gamot.
Sa usapin ng paghahanda sa sunog. 200 pcs na banga ang nalalakad na nasa harap ng bawat bahay (6
feet tall, ang laman ay 1000 liters ng tubig).
CAMARIN
Malapit sa SM Fairview
Main road ( may health center), malaki ang daan pero lumiliit habang pumapasok sa looban
May ilog pero tuyo
43 stepsna hagdan papasok sa komunidad
Dalawang taon ang nakalipas, nagkasunog sa lugar ( sa looban). Tao lang ang pwedeng dumaan. Kahit
dumating ang bumbero ang problema ay hindi sila makapasok sa lugar.
30 minuto ang layo nito sa fire station.
Ang mga naninirahan dito ay walang land security kaya walang insentibo para ayusin ang lugar.
PAYATAS
Danger zone ang ilog
Pag nagslide ang bundok ng basura,matatakpan ang daluyan ng tubig sa ilog, tapos magbabaha na
parang dagat
Masikip ang mga kalye at hindi kayang pasukin ng fire truck
Naka- community mortgaged program (amortized) ang lugar, magiging kanila (25 years to pay)
Ang ginagawa ngayon ay pagkatambak ng basura, tinatabunan ng lupa.
Ang methane gas mula sa basura ay siyang pinagkukunan ng elektrisidad ng komunidad
Maraming daga, maalikabok
Ipinaliwanag ni Melody na may tinatawag na dangerous dust o mapanganib na alikabok ngunit
karamihan sa mga alikabok ay yong tinatawag na irritant dust. Ang pinakamapinong alikabok ang
pinakadelikado (halimbawa: asbestos, silica) kasi dumidikit ito sa baga, ikinukulong ng baga, kumakapal.
Walang solusyon dito, ikamamatay ito ng isang tao. Kaya’t sa pagbibigay ng priyoridad, isipin ang mga
bagay na ikakamatay ng mga tao upang mapigilan ang kamatayan. (Deal with the things that are going
to kill people/stop the death)
TAGUIG
Ang komunidad ay nakatura sa ilalim ng high tension wire ng NAPOCOR
May deepwell pump sa lugar malapit na tinitirhan ni Steve
May bakery, tindahan at stockhouse na maaaring panganib sa sunog
Ang main road lamang ang maaaring daanan ng mga sasakyan
15-30 minuto bago makakarating ang bumbero
Malayo ang city hall
Sinabing ngayong 2010 ang lugar na ito ay kailangang lisanin
Karamihan sa mga bahay ay yari sa materyales na madaling masunog
TIPAS
May mga sasakyang nakaparada sa magkabilang gilid ng kalye, hindi makakadaan ang bumbero dahil
sumisikip ang kalye
30 minuto bago makakarating ang bumbero
Ang kalan dito ay kahoy o uling
Deadend, walang lalabasan kung magkasunog
Sinasabing pag may nadisgrasya, hindi mo pwedeng pakialaman dapat hintayin ang may alam (pwedeng
paramedics, o red cross) kaya baka importante na may outpost sa barangay na pwedeng makatulong.
Sinabi ni Melody na sa ibang pagkakataon kailangang pairalin ang common sense. Timbangin ang
panganib, inaalisa. Pag matindi ang sunog sa balat (burns), kailangang palamigin ang paso sa
pamamagitan ng paglalapat ng malamig na tuwalya (cold compress) na inilubog sa may yelo.
Ang gamit ng mapping:
Maaaring gamitin sa mga construction site para matukoy kung saan mas maraming nagkakaroon
ng aksidente.
Sa mga pabrika, maaring gamitin upang alamin kung saan may panganib ng sunog o pagsabog
Ang mapping ay maaaring gamitin upang mapalabas ang mga isyu, ang mga panganiv sa
anumang lugar paggawa. Isa rin itong pamamaraan upang kolektibong pag-usapan ang
problema at kolektibo ring hanapan ng solusyon ang natukoy na problema. Maaaring gamitin
ang mapping sa anumang uri ng problema.
Asbestosis
Nagpakita ng isang maikling video presentation si Omana tungkol sa asbestosis
Sexual harassment
Bilang panimula, tinanong ni Omana ang mga kalahok kung ano ang pakaunawa nila sa harassment.
Ayon sa mga kalahok, ito ay sitwasyon kung saan hindi mo gusto ang ginagawa sa iyo(pasalita man o
sikolohikal).
Gawain:
Hinati ni Omana ang grupo sa 2: grupo ng mga lalaki at grupo ng mga babae. Nag-isip sila ng sitwasyon
ng sexual harassment at ito ay ipinalabas nila sa isang skit.
Ang grupo ng kababaihan ay nagpakita ng sitwasyon sa isang restaurant na kinakainan ng mga driver ng
bus. HInahawak-hawakan ang mga babaeng serbidora at sinasabihan ng malalaswang salita. Noon gang
nagsilbi ay mga may edad ng kababaihan, ininsulto ng mga driver ang mga babae.
Ang grupo ng kalalakihan ay nagpakita ng sitwasyon kung saan isang baklang film director ang
nagkaroong ng sekswal na interes sa isang camera man.
Pagpoproseso:
Binigyan ng pagkakataon na magbigay ng komentaryo ang bawa’t grupo sa palabas na ipinakita. Mula
dito ay tinanong ang mga kalahok kung ano ang natutunan sa palabas.
Sinabi ni Omana na ang nakita sa parehong palabas ay ang sitwasyon kung saan mayroong hindi pantay
na kapangyarihan (unequal power relations). Ang mas may kapangyarihan ang nakakagawa ng anumang
nais nilang gawin, may kontrol siya sa ibang tao. Sa maraming pagkakataon, ang mahihina ay
pinapayagang maganap ang harassment dahil sa napakaraming constraints.
Sa konsteksto ng Asya, ang isyu ng sexual harassment ay isang bagay na hindi pinag-uusapan dahil
nahihiya sila. At karaniwang ang sisi ay ibinubunton sa biktima. Kaya mahalaga na pag-usapan ito at
hindi dapat isipin na kasalanan mo kaya ka na-harass. Ibinahagi niya ang isang karanasan sa isang
pagawaan ng sapatos kung saan ang may-ari ay hinaharass ang halos lahat ng manggagawang
kababaihan. Lumala ng lumala ang sitwasyon dahil sa walang nagsalita tungkol dito. Ang sinasabi pa ng
mga babae, kailangan mag-adjust na lang kasi bahagi ito ng buhay. Ipikit na lang daw ang mga mata.
May mga babaeng nag-usap usap tungkol sa nangyayari at nag-isip ng paraan kung paano lalabanan ang
ganitong sitwasyon. Ang mga grupong kumikilos sa isyu ng karapatang pantao ay nagpayo na magtayo
sila ng unyon. Tatlong beses silang sumubok magtayo ng unyon hanggang sa mabuo na nga nila ito.
Makakatulong din kung may ibang proseso tulad ng post box.
Isa pang kaso na ibinahagi ni Omana ay nangyari sa pagawaan ng kandila. Ang mga nasa moulding
section ay mga lalaki at ang nasa packing section ay mga babae. Nagmomolde ng mga ari (sexual
organs) ang mga lalaki para i-harass ang kababaihan. Noong una, hindi malaman ng kababaihan kung
paano haharapin ito. Noong maglaon, nag-usap usap sila. Nagkaroon ng polisiya ang kumpanya laban
sa sexual harassment. Kaya ang mahalaga, labanan at sitwasyon ng sama-sama.
Gender issues
Napakahalaga sa atin angpagkakapantay-pantay sa ating kilusan. Kung nais nating sumulong sa ating
mga ginagawa, importante ang tulungan at suportahan ng mga mag-partner. Madalas na hindi
nabibigyan ng halaga ang trabaho ng kababaihan.
Karamihan sa mga babae ngayon ay nabigyan na ng pag-aaral ukol sa pagkakapantay-pantay ng kasarian
(gender equality) pero ang hindi pagkakapantay-pantay ay matagal na panahong narito kaya mahabang
panahon din ang gugugulin upang ma-empower ang kababaihan.
Sa isang garment factory sa Cambodia kung saan 90% ng manggagawa ay babae, laging lalaki ang mga
lider ng unyon. Naiirita ang mga lalaki kapag tinatanong ng tungkol sa gender composition ng
pamunuan. Sinasabi nila na bakit sila ang sisisihin eh mga babae ang pumili sa kanila at saka ayaw ng
mga babae ang responsibilidad.
May pangangailangan na i-gender sensitize din ang kalalakihan. Minsan, may mga sitwasyon na
nakakaranas din sila ng patung-patong na pasanin. Ang kailangan nating bigyang diin ay patutulungan,
partnership.
Sa pagpapatakbo ng pamilya, dapat pantay din. Ang pagpaplano ng pamilya ay hindi lamang ukol sa
paggamit ng mga kontraseptiba ngunit gayondin ang pagtutulungan sa pamilya. Yong sexual
harassment ay maaari ring mangyari sa mag-partner. Halimbawa, sex by force ay marital rape.
Ibinahagi ng isang kalahok na silang mag-asawa ay parehong nasa kilusan kaya dapat mas madali na ang
pagpapatupad sa bahay ng mga konsepto gaya ng gender equality. Bago sila nagpakasal, pinag-usapan
pa nila na hati sila sa responsibilidad. Sa aktwal na buhay, naging otomatik sa kanya bilang babae na
gampanan ang obligasyon sa bahay. Debate ito sa kanilang mag-asawa at araw-araw ay nakikipag-
negosasyon sya. Dagdag niya, yong mga nasa paligid ay problema din. Ang tingin sa kanya ay hindi
magaling na asawa kadi hindi niya ipinaghahain ang asawa nya. May panahon na nasa seminar siya at si
mister ang naglaba. Awang-awa ang kanyang mga kamag-anak kasi tinulungang maglaba ang asawa
niya.
Ganito rin ang kwento sa India. Maraming mga tahanan na ang babae ang gumagawa ng gawaing bahay
at kapag nakita na gumagawa ng gawaing bahay ang mga lalaki, kinukwestyon ang asawang babae.
Nakikita dito na nakikialam ang lipunan, ang komunidad upang mapanatili ang di pagkakapantay-pantay.
May pangangailangan din na bigyan ng sex education ang kabataan upang makaiwas sa maagang pag-
aasawa.
Ikatlong Araw
Mga mahalagang natutunan sa sesyon kahapon
Pag-iwas sa pagkakaroong ng sunog
Ergonomics
Tamang pagbubuhat ngmabibigat na bagay
Sexual harassment
Ang pagkuha ng litrato na nagpapakita ng isyu ng OSH
Ergonomics
Mga epekto ng asbestos at silica
Masama ang magtrabaho maghapon ng walang pahinga. Nauunawaan ko na kung bakit hindi ko
maigalaw ng komportable ang aking mga kamay ( mamamahi ng basahan)
Iba-ibang trabaho ang gawin para makapahinga sa isang tipo ng trabaho.
Diskusyon:
Kapag tumigil sa pagtatrabaho ang isang mananahi at gagawa ng isang bagay, kapag binasa niya ang
kanyang kamay, papasmahin siya.
Sinabi nina Melody at Omana na walang basehan sa siyensya ang pasma. Ito’y isang paniniwala lamang.
Mahalaga na itigil ang paggawa ng isang trabaho para gumawa naman ng iba na kakaiba sa katatapos
lang na trabaho para magamit ang ibang bahagi ng katawan. Halimbawa, mula sa pananahi, manood ng
TV, mamalengke, at iba pa.
Ang pagsasayaw ay isang tipo ng ehersisyo.
Mga simpleng teknik sa pagrerelaks (simple relaxing techniques)
Sinabi ni Omana na kailangang magpahinga sa trabaho at mag-inat inat (stretch)
Pinangunahan niya ang pagiinat (stretching exercises). Mahalaga ang pag-iinat upang ma-relaks ang
kalamnan.
Insert pix
Ginawa rin ng grupo ang simpleng meditasyon. Ayon kay Omana, mahalaga na i-relaks ang isip,
magpokus sa paglalarawan ng isang paboritong lugar sa iyong isip. Ang sikreto ng meditasyon ay ang
paghinga. Ibuga ang pangit na pakiramdam at langhapin naman ang magaganda. Maaring gawin ang 5-
minutong meditasyon sa umaga bago magtrabaho o sa gabi.
Idinagdag ni Melody na para doon sa mga madalas na nakaupo sa pagtatrabaho, maaring gawin ang
“executive stretch.” Paano ito? Itaas ang dalawang kamay at paghugpungin ang mga ito sa likod ng
iyong ulo.
Data collection
Gawain: Ang Misteryosong Kaso ng Glurp Glue (The Mysterious Case of Glurp Glue)
Sitwasyon: Nagtratrabaho ka sa isang pagawaan ng sapatos na may 200 manggagwa. Isang araw
(Disyembre 20), may bagong glue na ipinagamit sa mga manggagawa. Nagsimulang mahilo at sumama
ang pakiramdam ng mga manggagawa. Ano ang iyong gagawin?
Mga suhesyon mula sa mga kalahok:
Gumamit ng mask/PPE
Makipag-usap sa manager at maghain ng reklamo.
Twist 1:
Kung sabihin ng manager na dalawang manggagawa lang naman ang nagrereklamo. Paano ninyo
palalakasin ang inyong kaso?
Sinabi ng mga kalahok na hanapin ang datos sa pamamagitan ng mga tanong na: saan, kailan,
bakit, sino.
Idiniin ni Melody na mahalaga ang:
(1) Pagkuha ng malaking sampol (humigit kumulang na 15% minimum)
(2) Panahon kung kailan nangyari
(3) Exposure (inclusion and exclusion)
Ano ang nangyari sa hndi gumagamit ng glue? Hindi lamang mga manggagawa sa produksyon
ang hingian ng datos. Isama ang mga nagtatrabaho sa opisina, mga mekaniko, at iba pan.
Ipakita na ang mga taong hindi na-expose sa glue ay hindi nagkaroon ng problema.
Paano ang teknik sa pagkuha ng datos? Gumamit ng swabeng tanong, hindi direktang konektado sa
isyu. Inihalimbawa niya ang isang pag-aaral na ginawa nila noon sa isang copper plant sa Leyte. Hindi
nila direktang itinanong ang kung anong taon nagsimula ang problema sa halip ay ganito ang ginamit:
Ano ang iyong nararamdaman? Mas malala ba ito o mas mabuti noong umupo sa kapangyarihan si
Cory? Ginamit ang taon ng pag-upo ni Cory sa halip na direktang sabihin ang 1986. Kung gagamitin ang
sitwasyon tungkol sa Glurp Glue, pwedeng ang itanong ay: Mas malala ba ang problemang ito bago
mag-Pasko? Nagkaroon ka ba nito/naramdaman mo ba ito bago o pagkatapos mag-Pasko? Ilang araw
bago mag-Pasko? Ilang linggo ko na ito nararamdaman?
Twist 2: Papaano kung maging ang mga nagtatrabaho sa opisina ay nakaramdam din ng pagkahilo?
Pagtatapos ng sitwasyon/kwento: Napag-alaman na sa panahon ding binago ang glue na gagamitin ay
nagpapintura din ang kumpanya. Ang nakakapagdulot pala ng pagkahilo sa kapwa manggagawa sa
produksyon at sa opisina ay ang amoy ng pinturang ginamit.
Binigyang-diin ni Melody na importante na magsiyasat na mabuti sa kapaligiran. Huwag dadalhin ang
isyu kung hindi 100% na sigurado. Hindi dahil sa may pagbabagong naganap sa pabrika at nagkasakit
ang mga tao ay nangangahulugang ang pagbabago ( sa kaso ng sitwasyon sa taas: paggamit ng Glurp
Glue) ang dahilan ng pagkakasakit. Madaling magkalap ng datos pero mahalaga na kumuha ng datos sa
kapwa na-exposed at hindi. Masinop dapat ang mga datos at kumpleto sa impormasyong kinakailangan.
Halimbawa: lahat ng departamento, mga opisina ay kausapin din. Tingnan din ang label ng mga
materyales na ginagamit. Minsan, ang mga mapanganib na kemikal ay inililipat sa lalagyan na iba ang
label para magmukhang ligtas.
Sa Materials safety data sheet (MSDS) makikita kung anong maaaring gawin sa panahon ng emergency.
Nakalagay din dito kung ano ang potensyal na sakit na makukuha sa kemikal o ano ang epekto ng
kemikal.
Workshop:
Binigyan ang mga kalahok ng 20 minuto upang pag-aralan kung paano kukuha ng datos para sa
sitwasyon sa ibaba:
Ikaw ay isang community organizer sa isang komunidad na may mga new industrial development. 7
kababaihan sa komunidad at nanganak ng mga batang bingot (children with cleft-palates). May maliit
na pagawaan sa komunidad kung saan nagtatrabaho ang pitong mga babae. Gumawa ng surbey upang
matukoy kung ang pangyayaring ito ay may kinalaman ang trabaho o ito ay dahil sa kapaligiran (tubig,
hangin)?
Pag-uulat:
Group 1
Ayon sa kanila, isang babae ang tinanong nila at ang sumusunod ang kunwaring nagging talakayan:
Tanong (T): Gaano katagal ka n nakatira sa lugar na ito?
Sagot (S): 5-10 taon
T: Ilan na ang inyong anak?
S: 6
T: Kayo po ba ang gumagamit ng kontraseptibo?
S: Nong purmero oo kasi dati binibigay ng gobyerno ng libre. Ngayong hindi na libre, hindi na rin ako
gumagamit.
T: Noon po bang bago-bago kayong nakatira dito, ano ang inyong nararamdaman?
S: Wala
T: Kayo po ba ay nagkasakit ng malubha?
S: Oo, nagkaroon ako ng ulcer
Ang nagging konklusyon ng grupo ay nagkaroon ng pinsala ang bata sa sinapupunan noong uminom ng
antibiotics ang nanay para gamutin ang ulcer.
Puna ng ibang grupo: Isang babae lang ang kinausap.
Group 2:
Some assumptions:
Reaksyong kemikal o namana (chemical reaction or hereditary)
Proseso ng pagtatapon ng basura (process of waste disposal
Tubig na maiinom (potable water)
Polusyon sa hangin dulot ng pabrika
Pagtatangkang ipalaglag/paggamit ng droga
Prosesong ginawa:
Nakipag-ugnay sa BHW para sa pagkalap ng datosCoordinate with BHWs in data gathering
Panayam sa mga babaeng nagbuntis upang alamin kung saan nagtatrabao ag kanilang mga
asawa/partner
Pag-eksamin sa tubig ng komunidad (water testing)
Pagbisita sa lugar kung saan tinatapon ang basura
Group 3:
Ibinahagi ng group 3 na may totong sitwasyon kung saan ang isang babaeng basurera ay may 5 anak na
puro bingot. Sinabi ng doktor na maaaring ito ay dahil sa kapaligiran, sa polusyon . Maaring ito rin ay
resulta ng impeksyon na nakukuha ng nanay sa pagtatrabaho sa dump site. Ang payo ng doktor ay
lumipat ng tirahan. Pagkatapos ng 10 taon ay nadagdagan pa ng 2 ang anak ng babae pero hindi bingot
ang dalawang bata.
Group 4:
Sinabi ng grupo na gagawin nila ang panayam sa mga sumusunod na sector upang matukoy ang dahilan
ng pagsisilang ng mga bingot na bata:
Vendors: posibilidad na ang pagbubuhat ng mabigat habang buntis, hindi sariwa ang mga kinakain
Sewer: posibilidad ang maling posisyon ng katawan sa pagtatrabaho
Welder: exposure sa tingga (lead)
Tricycle driver: kawalang-ingat sa pagsakay sa bisikleta
Masahista: mabigat na trabaho ito para sa isang buntis
Group 5:
Gagamiting proseso sa pangangalap ng datos:
Saan nakatira ang mga babaeng ito. Magkakasama ba sa iisang komunidad?
Saan nagtatrabaho ang mga babaeng ito? Saan nagtatrabaho ang asawa nila?
Lokasyon ng pagawaan. Gaano kalayo ito sa komunidad?
Hingian ng testimonya ang komunidad at ang unyon sa pabrika
Ipa-eksamin ang tubig sa lugar
Tingnan kung may mga mapanganib na kemikal na ginagamit sa pabrika? Saan ito itinatapon?
Sinabi ng grupo na sa pangangalap ng datos, kunin ang partisipasyon ng komunidad. Tingnan ang pisikal
na kalagayan ng paligid, alamin ang uri ng trabaho ng mga apektado, at iba pa.
Dagdag na input:
Binigyang diin ni Melody na ang bata ay napakahirap na “sirain” sa sinapupunan. Karamihan sa mga
gamot (tulad ng antibiotics) ay ligtas na inumin ng mga buntis. Ang pagbubuhat ng mabigat ay maaaring
maging dahilan ng spontaneous abortion.
Kailangang tanungin din kung ano ang edad ng mga babae. Habang nagkaka-edad ang babae, mas
mataas ang panganib na magkaroon ng abnormalidad sa bata. Tanungin din sila kung ano ang trabaho
nila. Ano ang kanilang mga pagkakatulad.
Bahagi ng gawain ng mga organisador at tagapagsanay ay ang pagsasagawa ng batayang pananaliksik
tungkol sa komunidad. At sa pagsasagawa nito, huwag hayaang makaapekto ang personal na paniniwala
ng nananaliksik. Maging bukas at maging handa sa pagkuha ng mga bagay na maaaring tumukoy sa
posibleng pronlema. Isipin na kayo rin ay mga imbestigador. Kaya’t huwag magpapa-apekto sa
“palagay” lamang. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay at baka ang naiisip ninyong
dahilan ay hindi lalabas sa imbestigasyon. Huwag ipilit ang iyong palagay kahit na sinasabi ng datos na
hindi tama ang palagay mo. Ika nga, “everybody is a suspect.” Kahit sino ay suspek.
Pwede ring lumabas sa imbestigasyon na nagkataon lang na pare-pareho ang kanilang karanasan at
dapat ay handa sa pagtanggap na batay sa resulta ng pag-aaral, walang koneksyon ang kalagayan nila sa
trabaho. Ang pangangalap ng datos, ay maihahalintulad sa solving a mystery.
Kemikal
Paano mauunawaan ang lenggwahe ng kemikal at saan makikita ang impormasyon ukol dito?
Tingnan kung ano ang pangalan ng kemikal. Kung walang label, kailangang magsiyasat. Simulang muli
ang pagiging imbestigador. Kakaiba ang lenggwahe ng kemikal ngunit ang makakatulong sa atin ay ang
Materials Safety Data Sheets (MSDS).
Ang mga impormasyong importanteng makuha sa MSDS ay:
Lason (Poisoning)
Emergency
Epektong pangmatagalan/kagyat (short term)
Pag-kontrol
PPEs
Flammability/explosibility (sa anong kundisyon aapoy o sasabog ang kemikal)
[Nais sanang ipakita nina Melody at Omana kung paano gagamitin ang internet sa paggawa ng mga
pananaliksik ngunit walang koneksyon sa session room.]
Kailangang tutukan ang mga kemikal sa paligid ng komunidad. Mahalaga rin makita kung paano
tinatapon ang mga kemikal. Madalas na basta na lamang natin itinatapos ang mga mapanganib na mga
kemikal. Tandaan na ang ganitong gawain ay makaapekto, kung hindi sa atin, ay sa ibang tao o sa
kapaligiran at sa kalaunan kundi man sa ngayon, ay babalik din sa atin.
Energizer:
Hulihin ang magnanakaw (Catch the thief)
Gumawa ng isang malaking bilog ang mga kalahok. Dalawang shawl ang papaikutin. Ang isa ay
kailangan lamang na isampay sa balikat pero ang isa ay kailangang itali sa leeg. Magtatapos ang laro
kapag ang dalawang shawl ay inabot sa iisang tao.
PPEs
Gawain:
Ano ang mga kinakailangang PPE para sa mga sumusunod:
(What are the PPE Requirements for the following):
Manggagawa PPE/Diskusyon
Isang baggage controller sa NAIA Luminous vest/reflectorized vest para
(A baggage controller at NAIA) nakikita siya
Ear plugs
Hindi na kailangan ng mask kasi kung may
kemikal sa lugar, ito ay sumasama na sa
hangin
Isang manggagawa na nagtatabas ng polyester sa
isang pabrika ng tela irritation dust mula sa tela pero hindi
(A worker cutting polyester in a garment factory) nakamamatay; nakakahatsing
ang pinakamadaling solusyon ay
plantsahin ang tela
Welder sa mataas na lugar harness
(A welder on a steel girder site) mask
safety boots[steel-capped],
Gumagawa ng basket para kulungan ng mga gwantes
manok na pangsabong Mahalaga sa usapin ng PPE na kumportable
(Basket maker manufacturing cages for cock ang taong gagamit. Kailangan ding alamin
fighting) kung gaano kadalas nangyayari ang aksidente.
Gaano kaseryoso. Ihalintulad ito sa
paggagayat ng mga rekado para sa pagluluto.
Sa paggamit ng kutsilyo, maaari kang
masugatan. Pero, gaano ba ito kadalas
pwedeng mangyari. Magsusuot ka pa ban g
gwantes para maiwasan ito?
Mga taong gumagawa ng lapida yari sa granite Importante ang mask sa mga nagtatrabaho
(People making granite grave stones) gamit ang granite dahil sa ito ay may silica.
Ang maaaring gawin ay wet method. Ibig
sabihin, tuloy-tuloy ang daloy ng tubig
para sumama ang alikabok. Mahalaga na
hindi higupin (suck) pataas ang alikabok
Linya ng produksyon sa San Mig hair net,
(Production line at San Mig) Hearing protection
protective eyewear ( para sa mga
sumasabog na bote),
Sterilizing agent ay pumapatay ng bakterya
( hindi na kailangang magsuot ng
protective suits)
Diskusyon:
Ang mask ay ginagamit ng taong may sakit para hindi siya makahawa (halimbawa: sipon). Hindi na ito
kailangan ng mga taong wala namang sakit. Noong magkaroon ng SARS outbreak, maraming tao ang
nagsuot ng mask. Ang mga mask na yari sa cotton ay hindi kayang magprotekta laban sa SARS. Kaya,
sikolohikal lamang ang epekto nito.
Gujarat: May isang komunidad na ang trabaho ng mga tao ay pakinisin ang mga baton a ginagamit sa
paggawa ng alahas. Ginagawa nila ito gamit ang kanilang mga kamay. Ang buong komunidad ay balot
ng silica. Ngunit ayaw gumamit ng anumang uri ng proteksyon ang mga tao dahil ito na daw ang
kanilang nakasanayan. Katwiran nila, ng trabahong ito ay pasa-pasa na sa salinlahi.
Mga natutunan:
Paggamit ng tamang PPE batay sa hinihingi ng trabaho (tamang PPE at hindi paggamit ng hindi
naman kinakailangan)
Alamin kung gaano kadalas at kaseryoso ang mga aksidenteng nagaganap. Suriin ang panganib
bago magpagamit ng PPE
Mahalaga ang PPE sa industriya ng konstruksyon
Mayroong mga pwedeng gawin para hindi mahal ang PPE pero may mga istandard na hindi
maaaring gawin sa sarili lamang (halimbawa: helmet).
Mahalaga rin na pinangangalagaan ang mga PPE
Sa panghuli, sinabi ni Melody na may kamahalan nga ang PPE, ngunit gaano ba kalahaga ang buhay ng
isang manggagawa (PPE is expensive but what is a worker’s life worth)?
Noise
Nagpakita ng graphic table si Melody upang ipakita kung gaano kalakas ang isang tunog/ingay.
Ibinahagi ni Ipe na isang welder sa Hanjin ang namatay. Gumamit ng ear plug ang manggagawa habang
nagtatrabaho ngunit hindi niya gaanong naririnig ang nangyayari sa kapaligiran. May sumigaw ng
“Sunog” at hindi niya ito narinig.
Ang gamit ng ear plug ay tanggalin ang sobrang ingay ngunit hindi kinakailangan na 100% na hindi ka
makakarinig. Ang sukatan: kaya mong makipag-usap kahit may suot kang ear plug.
Pagpaplano
Gawain:
Hinati ang mga kalahok sa dalawang grupo at ibinigay ang sumusunod na panuto:
Larawan sa Hinaharap (Vision of the Future)
Isiping ngayon ay tatlumpung taong mula ngayon (2040). Lahat ng mga mayayamang tao ay namatay
dahil sa global warning at krisis pinansyal dahil sa hindi nila alam kung paano mag-cope-up sa mga
problemang ito. Ang mgahihirap lamang ang nakaligtas. Tayo ngayon ang bumubuo ng Nation of Elders
at an gating gawain ay turuan ang ating mga anak kung paano ang mundo ay magiging ligtas, patas at
makatarungan. Magsimula sa mga sarili ninyong karanasan sa buhay at sa kung ano ang inyong
natutunan sa loob ng 2 ½ araw na pagsasanay. Dagdag pa, habang nag-iisip ng pangmatagalan, isama
rin ang mga kagyat na pangangailangan ( ano ang kailangan para sa follow-up, kagyat ng mga plano).
Gamitin ang anumang materyales na mayroon (mga papel na may kulay, pentel pens na may kulay, at
iba pa) and ilahad ayon sa inyong naisin (sa pamamagitan ng sayaw, kanta, at iba pa)
Pretend that today is thirty years from now. All the rich people have died due to global warming and
financial crisis because they did not know how to cope up with these problems. Only the poor survived.
We are the nation of elders and our task is to teach our children how the world could be safe, fair and
just. Build on your own experiences and learnings in life and on what has been learned the past 2 ½
days. Also, while thinking long term, include also the short term needs ( what we need as a follow-up,
immediate plans)...Use whatever materials are available ( colored papers, colored pentel pens, etc) and
present it as you please ( dance, song, etc).
Pag-uulat
Group 2
Sa tatlumpung taon sa hinaharap, makakabuo kami ng isang modelong komunidad na may paaralan,
health center, malinis na palengke, simbaha at pagawaan sa nakatayo mismo sa komunidad. Sa
panahon na ito, marunong ng maghiwa-hiwalay ng basura ang mamamaya, nagre-recycle ng basura.
Dagdag pa, ang mga manggagawa ay tumatanggap ng living wage, may social protection (SSS,
PhilHealth, Housing, Education). Ang OSH ay bahagi na rin ng education curriculum.
Paano mararating ang modelong komunidad? Ayon sa grupo, nangangailangan ito ng:
Pag-aaral
Pag-oorganisa
Pagtataas ng kamulatan sa OSH sa komunidad at sa lugar paggawa
Pagtukoy ng mga lugar na mapanganib ( sa pagawaan at komunidad)
Pagtukoy ang mga isyung may kinalaman sa panganib
Pagkakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng IEC materials (halimbawa: para ipaliwanag ang
MSDS, OSH)
Mag-organisa at magbuo ng core group na tatayong OSH team sa lugar paggawa at sa
komunidad
I-upgrader ang kasanayan at kaalaman ng OSH Team
Adbokasiya:
Lobby for the inclusion of OSH regulations/OSH plan at LGU/barangay level
Representation is tripartite bodies
Ratification of IL Convention 167 and 155
Dialogue/consultation with SSS, Philhealth, NHA, Pag-Ibig on social protection
Candidadates’ forum to include OSH Plans
Initiate/tie-up with LGUs/DILG for the implementation of RA685
Waste management monitoring
Group 1
Short term plan ( see manila paper)
Activities Target Participants Expected Output Timeframe Responsible
Person
Mapping and Informal sectors IS mapped March – April Group leaders
profiling different (transport, 2010
kinds of workers vendors,
construction
workers,
homebased
workers, others
FGD for leaders: IS leaders mapped IS leaders May 2010 Organizing group
OSH (PPE and organized
MSDS,
Harassment, etc)
Orientation and 25 pax per 125 pax able to May 2010 Group leaders
awareness raising barangay and per achieve and
on OSH in using area enhance
PPE, MSDS, awarenee
harassment issues
Maibahagi Construction Awareness on In 8 months time Group leaders
(impart) sa mga workers hazards and on wards
kamanggagawa
ang kahalagahan
ng pagtukoy sa
posibleng
panganib sa lugar
ng manggagawa
Makapagsagawa Construction Awareness on In 8 months time Group leaders
ng dokumento sa workers hazards and onwards
mga karanasan at
datos ng mga
insidente sa lugar
paggawa
Pangarap na lipunan:
Komunidad na eco-friendly, may mga trabahong pormal at impormal
May paaralan, palaruan, pagawaan, palengke at bukid
Sa aming bagong pamahalaan, ipapatupad namin ang mga programa na tutugon sa pangangailangan ng
kapwa babae at lalaki at hindi makakasira ng kalikasan. Ang nais naming bigyang-diin ay ang
pangangalaga sa tao at sa mga likas na yaman. Kung walang likas na yaman, walang magsusustena ng
buhay. Mahalaga rin naman ang papel nating mga tao bilang tagapangalaga ng kapaligiran kaya dapat
ibalanse ang pangangailangan ng tao sa kaligtasan ng kalikasan. Sa aming lipunan, may seguridad sa
pagkain, ang mga trabaho ay nakakatulong upang mabuhay, ang edukasyon ay nagtuturo ng
pagmamahal sa kalikasan. Dagdag pa, mawawala na ang sector impormal sa aming lipunan sapagkat ito
ay magkakaroon ng pormalidad. Sa hinaharap, magiging may-ari ng palengke ang manggagawang
impormal sa pamamagitan ng social enterprise.
Pagtatasa
Ano ang nakatulong, ano ang dapat paunlarin, ano ang aksaya lamang sa oras?
Ayon sa mga kalahok:
Kailangang nila ng kopya ng napag-usapan sa pagsasanay na ito para maging basehan ng pagkilos nila sa
kanilang mga lugar
Kailangan ng interpreter kung Ingles ang gamit na salita ng mga tagapagsalita. Yong paglalagom sa
wikang Filipino ng mga sinabi ng tagapagpadaloy ay nakatulong ngunit para siguro sa mga unang beses
na nakadalo ng ganitong pagsasanay, mas detalyadong pagsasalin ang kinakailangan. Ngunit dahil sa
may mga kalahok na lubos na nakakaunawa ng Ingles at mayroong hindi, kailangang hanapin natin ang
tamang paraan sa pagsasalin (translation).
Hindi sila inantok sa mga tagapagpadaloy ng pag-aaral. Maraming salamat sa mga ibinahagi.
Marami silang natutunan at inaasahan nila na sa susunod na pagsasanay, ang mga kakulangang nakita sa
pagsasanay na ito ay mapunan.
Ang usaping OSH ay napakalawak at nagmula ang mga kalahok sa iba’t-ibang sub-sektor. Kaya may mga
partikular na isyu sa mga sektor na hindi napagtuunan ng pansin.
May nagsabi rin na okey lang na mula sila sa iba’t-ibang sub-sektor dahil sa mas marami silang
natututunan sa isa’t-isa.
Inaasahan nila na magkakaroon pa sa follow-up ang pagsasanay sa ito. Kailan kaya ito?
Ayon naman sa mga tagapagpadaloy (Omana at Melody)
Ibinahagi ni Omana sa karaniwang ang proseso sa AMRC ay ganito: Bibigyan nila ng panahon na
maproseso ng mga kalahok ang mga natutunan sa pagsasanay at ito. Pagkatapos ng ilang buwan ay
maaari silang magbigay ng follow-up para susunod na lebel ng pag-aaral.
Dagdag niya, pakiramdam niya na marami siyang natutunan mula sa mga kalahok- mula sa kanilang mga
karanasan at sa pang-araw araw nilang pagharap sa hamon ng trabaho. Ang pagsasanay na ito ay isang
bagong karanasan para sa kanya – ang pagkakaroon ng mga kalahok na mula sa mga grupo ng
manggagawang impormal.
Sinabi ni Melody na ang pinakahamon sa pagsasanay na ito ay ang pagkakaiba-iba ng mga sektor na
pinanggalingan ng mga kalahok at dahil dito ay iba-iba ang interes. Ang personal niyang layunin sa
pagsasanay ay ang makita na lumulutas ng problema ang mga kalahok. At nakita niyang ang kalakasan
ng grupo ay ang mag-analisa ng mga bagay. Inaasahan niya na may madadala ang mga kalahok pagbalik
nila sa kani-kanilang organisasyon.
Pormal na tinapos ang pagsasanay sa pamamagitan ng pagbibigay ng certification of participation sa
lahat ng mga kalahok.